Isang pag akbay ang ginawa nang isa sa mga lalaki sa dati kong sarili at kinausap ito .
"Mukhang magaling kang tumugtog ah, sa itsura mo palang " wika nito.
Hindi kumibo ang dati kong sarili.
"Ako nga wala si William at ito ang mga tropa ko, tambayan namin ang lugar na to lalo na sa ganitong kalamig ang gabi. Tumutugtog din kame , minsan suma sideline sa mga events at contests"
sambit nito habang nakaangat ang isang kamay at isa isang tinuturo ang mga kasamahan nito.
Inilapag ng dating kong sarili ang gitara nitong dala, sabay umupo ito kasama ang mga lalaki .
"Wow isa itong Martin D 18 na acoustic guitar hindi ba ? "
sambit ng isang lalaki na inusisa ang gitarang dala ni Melvin.
Agad na kinuha ni Melvin ang gitara at tumayo na.
"Uuwi na ako, pasensya na. Pero may gagawin pa kase ako "
sambit nito .
Pinigil ito ni William.
"Pre, teka lang . masyado ka namang mainipin . Aalukin ka lng sana namin. Gusto mo bang kumanta kasama namin ? Sa mga events . mga rock songs ang kinakanta namin. Baka magustuhan mo . Promise hindi ka magsisisi ." Wika nito.
"Pasensya kana ngunit di pa ako nakakasubok kumanta ng mga rock songs "
mabilis nitong tugon.
"Ah ganon ba, Sige .
Pero pre pag nagustuhan mo ah , balik ka dito. Hindi ka magsisisi sa amin "
pahabol pang salita ni William
Naglakad na palayo ang dati kong sarili at iniwan na ang mga lalaki .
Nang makalayo na si Melvin nagusap usap uli ang mga ito .
"William , parang ang bait mo ata kausap yung mokong na yun ah ? "
nakatawang wika ng isa sa mga kasamahan ni William.
"Pre need ko maging mabait . Magagamit naten ang lalaking iyon. Napanuod ko na yun kumanta at kakaiba talaga sya. Kikita tayo ng malaki pag kasama naten sya "
nakangiting sambit nito.
"Pero babalik pa kaya yun ? "
wika din ng isa pang lalaki na nakaupo sa isang sulok at humihithit ng isang yosi.
"Babalik pa yun. Maniwala kayo "
nakakaasar na ngiti ni William.
********
Isang araw na naman ang Lumipas.
Balisa si Melvin sa klase at tulala mula umpisa hanggang matapos ang pagtuturo ng kanilang professor.
Naglakad sya sa hallway ng kanilang unibersidad at sakto naman na nakita nya si Mr Galmante na papalapit sa kinaroroonan nya.
"Torres !! "
nakatawa nitong bati.
"Prof Galmante , magandang tanghali po . " pagbati ng dati kong sarili.
"Gusto ko lamang sabihin sayo na hindi ko makita ang test paper mo sa quiz na pinagawa ko sa inyo noong nakaraang araw. Alam mo naman na kakaumpisa palang ng taon para sa 4th year college na kagaya mo. Hindi pwede na nakakamiss ka ng mga quizzes "
nakataas na kilay netong pagsasalita.
"Ano po ? Pero nagtest po ako nun. Imposible po na wala akong quiz nun. "
pagtatakang sambit ng dati kong sarili.
"Aba ewan ko! Hindi ko alam. Basta ako nag checheck lang. At wala ang test paper mo sa mga nacheckan ko . "
"Imposible po mangyare yun , Prof. Baka po nilipad lang o baka naman hindi nyo napansin ... "
natigilan ito sa pagsasalita nang biglang magsalita ang professor at sumigaw ito sa kanya .
Madaming estudyante ang nagtinginan sa knilang kinaroroonan.
"PINAGBIBINTANGAN MO BA AKO !!!? Sino ka para pagisipan ako na baka itinago ko o winala ko ang test paper mo! "
pasigaw nitong wika na nakaturo pa ang hintuturo nito sa pagmumukha ng dating ako.
"Pero hindi ko po kayo pinagbibintangan. Ang sabi ko po baka nalipad lang or baka hindi nyo lang napansin "
"TUMAHIMIK KA ! alam mo namumuro ka nang bata ka ! Hindi porket magaling ka sa klase ko ay mag fe-feeling kana talagang magaling. Ginawa mo pa akong sinungaling. Balak ko pa naman na pagbigyan ka ng isa pang pagkakataon sa pagsusulit na iyon .Pero dahil sa ginawa mo nawalan na ako ng gana. Bahala ka sa buhay mo. Kung bumagsak ka sa klase ko kasalanan mo yan. "
pagalit nitong wika sabay naglakad na palayo.
"Sir Galmante. Pakiusap po . Pagbigyan nyo po ako ng isa pang pagkakataon. "
pakiusap ng dati kong sarili.
Humarap uli ang Professor sa kanya.
"Hindi na kita pagbibigyan . Dahil sa ugali mo. Pinagbibintangan mo pa ako. Malay ko ba kung hindi ka talaga nag test nung araw na iyon. Kase napapansin ko na itong mga araw parang wala ka sa sarili mo. Para kang stress o para kang may malalim na iniisip. Malay mo iniisip mo na nagtest ka iyon pala hindi pala. "
mahabang wika nito at tuluyang umalis na.
Hindi nakapagsalita ang dati kong sarili at nakatayo lang ito na pinagmamasdan ang professor na papalayo.
Hindi ito makapaniwala. Naguguluhan ang kanyang isipan. Gusto nyang maniwala na baka tama si Mr Galmante, baka tama ito na hindi talaga sya naka-take ng test na iyon at dahil sa dami nang kanyang iniisip nitong mga nakaraang mga araw ay naghahallucinate na sya sa mga bagay bagay.
Pero ang katotohanan ay.
Nakapag exam si Melvin nung araw na iyon. Naisubmit nya rin ang test paper nya kay Mr Galmante. Sadyang si Mr Galmante lang ang gumawa ng paraan para mawala ang test paper ni Melvin. Itinapon nya ito sa basurahan. Napansin nya rin kase na tulala at parang wala si Melvin sa kanyang sarili kaya sinamantala nya. Inisip nya na baka ito na ang magandang pagkakataon para makaganti sa kanyang estudyante .
Tuwang tuwa si Mr Galmante na umupo sa kanyang opisina. Sa wakas nakaganti na rin sya.
Hindi nya maitago ang sarap sa pakiramdam na ipahiya ang kanyang estudyante sa napakaraming tao.
"Simula palang yan Torres , magsisisi ka kung bakit mo ako binangga noon "
wika nito sabay halakhak .
******
Lumipas ang mga araw at tuluyan nang nilamon ng kalungkutan ang dating ako. Pati ang pag aaral nya ay naapektuhan na rito. Hindi na sya ganon ka active sa mga klase. Pati na rin sa mga curricular activities.
Sa tuwing klase naman ni Mr Galmante ay madalas na syang ipahiya nito kapag hindi ito nakakasagot sa tuwing tinatanong.
Marami ang nakapansin sa pagbabago ni Melvin. Pero ni isa walang nagbalak na kumausap para damayan sya at intindihin ang nangyayari ngayon sa kanya.
Kahit ang mga kaibigan nya ay nilalayuan na sya, natatakot ang mga ito na baka madamay sa galit ni Mr Galmante kapag tinulungan nila si Melvin dahilan upang isa isa itong lumayo. Ang mga taong humahanga sa kanya noon ay unti unting nawawala.
*****
Habang naglakad ito sa isang tulay. Tulala ito at malamyang tinitignan ang lupang dinaraanan.
Sa dulo ng tulay ay may mga grupo ng mga kalalakihan ang nagaabang sa kanya.
Nang makalapit ito rito ay may isa na lamang na biglang sumuntok sa kanya. Dahilan upang mapatumba sya sa sahig. Dali dali syang pinagtutulungan ng mga ito. Nang makita na nila na halos hindi na ito makagalaw ay nagwika ang isa sa mga bumugbog sa kanya.
"Naalala mo ba ako "
wika nito.
Kahit hirap sa pagtingin dahil sa panlalabo ng mga mata dahil sa matinding pambubugbog ay pinilit nyang aninagan ang nagsasalita.
Oo , naalala nya. Ito rin ang lalaki na kanyang hinarang noon sa bus noong nagtangka itong nakawan ang isang pasahero.
"Naalala mo na ? Ilang taon din kameng nakulong dahil sa pangengealam mo ! Ngayon nakita ka rin namin uli. Makakaganti na kame " Sambit nito.
Pagkatapos pagsawaan ay iniwang nakabulagta si Melvin sa daanan .
"Pare buhay paba yan ? "
wika nung isa
"Buhay pa yan. Pero sigurado akong magkakaphobia na yan na dumaan dito " sambit ng lalaki na dinukot pa ang wallet nang nakabulagtang si Melvin .
Umalis ang mga ito na parang walang nangyare. At tila tuwang tuwa pa sa ginawa.
Naiwan si Melvin na di na makatayo sa labis na pambubugbog.
Ilang minuto ang lumipas at may mga nagmagandang loob na tulungan sya at inilalayang tumayo.
Inalok sya ng mga ito na dalhin sa ospital upang magamot ngunit tumanggi sya.
Naglakad ito palayo kahit hirap na hirap lumakad.
Sumunod na araw ay hindi na dumaan si Melvin sa nasabing tulay. Upang makaiwas sa mga nag aabang sa kanya. Nagkaphobia na nga sya talaga. Naging balisa ang kanyang utak pakiramdam nya laging may nakaabang at sumusunod sa kanya. Pakiramdam nya na anumang oras ay may susulpot upang suntukin sya o gawan ng kahit anong karahasan. Konting bagay lang sa paligid nya ay nagbibigay sa kanya ng kaba dahilan upang tumakbo agad sya.
Kahit sa loob ng Unibersidad ay naging ganon na ang kanyang galawan. Maraming estudyante ang pinagtatawanan sya at kinukutya. Naging tampulan sya ng tukso.
Nagpatuloy parin ang pang gigipit ni Mr Galmante kay Melvin na tila sinasamantala ang nangyayaring pagbabago rito.
"Hindi ba kayo nagtataka guys, kahit nakakapag take ng examination si Melvin ay sinasabi parin ni Prof Robert na wala syang examination na ginawa ? "
sambit ng isang kamag-aral nila.
"Ako sayo wag mo na alamin . Baka madamay ka lang. Malaki ang galit ni Prof Robert kay Torres at naiimpluwensyahan nya pati ang ibang nateng professor na gipitin din si Melvin " wika pa ng isang estudyante na nagpupunas ng salamin sa bintana ng silid aralan nila.
"Nakakaawa si Melvin nu ? Napansin ko ang laki ng pinagbago nya. Dati active sya sa klase pero dahil sa araw araw na pamamahiya sa kanya nawalan sya ng self confident sa sarili. Iniisip ko nga kung pati ang pagkanta nya ay maapektuhan din ng nangyayare sa kanya ngayon. "
wika naman ng babaeng kamag aral nila na nagbabasa ng libro.
******
Kahit hindi na masyado makasali si Melvin sa mga events at contest ng mga mang aawit ay di nya parin nakakalimutang kumanta.
"Anak . Luto na ang hapunan. Bumaba kana "
Sambit ng ina nya habang kumakatok ito sa kwarto ng anak.
Walang sumagot. Bagkus naririnig na lamang ng kanyang ina ang isang tunog ng gitara sa loob ng kwarto. Nauna na itong bumaba para kumain.
Maya maya ay bumaba na rin si Melvin na sobrang bagsak ang mata at tulala. Animo'y isang bangkay na sa sobrang putla at panghihina.
"Anak ? Ano bang nangyayari sayo? May problema ba ?
Pag aalalang tanong ng kanyang ina.
Umiling ito. Sabay tahimik na kumain.
Gustong tanungin ng kanyang ina ang nangyayare sa kanyang anak ngunit natatakot sya.
******
Isang araw may nag alok na uli kay Melvin upang tumugtog sa isang events
Kahit wala sa sarili ay pumayag ito.
Noong nasa event na ito ay tahimik na inaayos nito ang gagamiting gitara nang may lumapit sa kanyang lalaki na tila iyon ang organizer sa event na iyon.
" Ikaw si Melvin diba ? "
masayang bati nito.
"Ako nga po "
tugon nito.
"Marami akong naririnig na balita sayo na napakagaling mo raw kumanta. Ipakita mo mamaya sa mga manunuod ah "
wika nito na nakahawak pa sa mga braso ni Melvin.
Ngumiti lang ito bilang tugon.
Kahit papano nakaramdam sya ng kapanatagan ng loob dahil kahit papano may naniniwala pa pala sa kakayahan nya.
Kumanta sya nang buong puso nung araw na iyon. At natapos ito nang matiwasay at maayos.
Subalit noong hinahanap nya na ang organizer upang kunin ang kanyang TF (Talent Fee) sa pagkanta sa nasabing event na iyon ay hindi nya na mahanap. Mawawala ba ito ? Hindi . TUMAKAS ITO. Tinakasan sya.
Pinagtatanong nya sa mga nakasama nya sa event na iyon pati sa mga staff ngunit tila mga bingi at pipe ito na parang may pinagtatakpan. Walang ni isa ang sumagot sa kanya.
Halos mabaliw si Melvin sa kakaisip. Akala nya na nakahanap na sya uli nang lakas ng loob para magpatuloy sa hinaharap nyang problema ngunit bakit parang ginamit pa ata sya para pagkakitaan. Ginamit ang kalakasan nya at kahinaan upang abusuhin pa.
Nakakalungkot dahil kailangan pa syang takbuhan at di bayaran sa maliit na kabayaran ng kanyang talentong ginawa.
Hindi naman ang pera ang kinakadismaya ni Melvin kundi ang panloloko sa kanya. Bakit kailangan pang manloko upang makalamang sa kapwa ?
Simula noon ay hindi na tumanggap si Melvin ng mga alok dahil natakot sya na baka mangyari uli ang pangyayaring iyon. Maraming kumalat na balita na kaya daw hindi na ito tumatanggap dahil mas gusto daw nito ang malaking TF at nagdedemand ng mga mas mataas na kabayaran sa pagkanta. Isang malaking kasinungalingan ang lahat ng ito. Pero wala syang magagawa mas maraming naniniwala sa maling balita keysa sa katotohanan. Tinanggap nya lahat ng mga maling pagunawa ng karamihan sa kanya.
"Hindi ba iyon si Melvin ? Balita ko yumabang na yan. Isipin mo ayaw tumanggap ng offer dahil naliliitan sa bayad ? Grabe mukhang pera pala yan "
bulong ng isang tsismosa na kapitbahay nila.
"Kaya nga, kalat na kalat na balita dito na ganyan yan. Buti nga at wala nang kumukuha dyan. Masyadong mataas ang lipad kaya mabilis din babagsak "
wika rin ng isa pang tsismosa .
Madalas marinig ni Melvin ang mga ganitong panghuhusga sa kanya. Nagbibingi bingian na lamang sya subalit hindi nya parin kaya minsan ang sakit .
Gusto nyang ipaglaban ang sarili at itama ang maling pinaniniwalaan ng iba ngunit wala syang lakas ng loob. Naubos na ang kanyang tatag ng kalooban para humarap sa mga tao.
****
Sa Unibersidad na pinasukan nya
Nagpatuloy parin ang pangbubully nila Alfred at mga kasama nito sa kanya.
"Melvin , nasaan na ang sustento mo para sa araw na ito "
wika ni Alfred na tila nangangasar pang nakadila habang nagsasalita.
Lumapit rito si Melvin.
At biglang lumuhod. Hindi na nito napigilan ang nararamdaman. Mga luha na matagal nya nang nilalabanan na hindi lumabas. Ngunit sobra na. Masyado nang masakit ang mga nangyayare sa kanya.
"Pakiusap ! Pakiusap ! Tigilan nyo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang mababaliw nako sa mga nangyayare sa akin. Di ko na alam kung makakaya ko pa to "
iyak na wika nito.
Isang malakas na tawanan ang pinakawalan nila Alfred at nung iba pa. Samantalang ang iba naman nilang kamag aral ay nakatingin lamang kay Melvin , naawa ang mga ito pero wala ring magawa.
"Tignan nyo mga pare. Ang laking tao pero umiiyak. HAHAHA. Isa kang duwag " pangungutya ni Alfred rito.
Pinunas ni Melvin ang mga luha sa pisngi nito at muling nakiusap na tigilan na sya.
Ilang segundong hindi nakapag salita si Alfred, at seryosong nakatingin lang ito sa kanya .
Maya maya ay nagwika ito
" Sige titigilan na namin ang ginagawa namin sayo. Sa isang kondisyon ? "
nakangiti nitong wika.
"Gagawin mo ang lahat diba ? "
dagdag pa nito.
Kahit hindi nya alam ang pinaplano ni Alfred ay tumango na lamang sya para matapos na.
*****
Sa hallway ng kanilang paaralan ay nagtatawanan ang mga estudyante at ang iba naman ay gulat na gulat sa kanilang nakikita. Marami ang hindi makapaniwala sa nasasaksihan nila.
SI MELVIN TORRES naglalakad nang may suot na underwear na panglalaki sa kanyang ulohan. At sa kanyang likuran naman ay may papel na nakapaskil ang mga salitang
" Ako si Melvin. Ako ay isang duwag ! Wag nyo ako Tularan "
Mababatid kay Melvin ang pigil na luha habang ginagawa ang nakakahiyang bagay na ito. Subalit wala syang magagawa. Ito lang ang nakikita nyang paraan upang tigilan na sya ni Alfred at nung iba pa.
"Magsuot ka ng underwear sa ulo mo tapos maglakad ka sa hallway ng may nakapaskil na ganito "
wika ni Alfred sa kanya.
Tawanan at mga pandidiri ang samot saring reaksyon ang kanyang nakikita sa kanyang paligid. Nagbibingi bingian na lamang sya sa kanyang mga naririnig . Kailangan nyang tiiisin. Kailangan.
Natapos lamang ang pangyayaring iyon nang may sumitang Professor sa kanya at pinahinto sya sa paglalakad. Pinatawag sya sa opisina at kasama sila Alfred at ang grupo nito.
"Maraming nagsasabi na ikaw Alfred Ron Tan ang may pakana nito kay Torres ? "
wika ng isang professor na galit na nakatingin kay Alfred.
"Papaanong ako ? Wala akong kinalaman dyan. Tanungin nyo nalang si Torres kung ako ba talaga . "
pangangatwiran ni Alfred .
Pinalapit ng Professor si Melvin at inutusang magsabi ng totoo.
"Melvin . Totoo ba na inutos sayo ni Alfred at ng mga kasama nya ang ginawa mo kanina ?"
Wika ng professor.
Hindi sumagot si Melvin.
" magsabi ka ng totoo Melvin wag kang matakot , ako ang bahala sayo. "
sambit pa nito .
Hindi parin nagsalita si Melvin.
Huminga ito ng malalim
Tumingin ito sa professor at dahan dahang nagwika.
"Wala po silang kinalaman sir . Ako lang po ang nakaisip noon. "
sambit nito .
Tinignan ng professor si Melvin sa mata samantalang si Melvin naman ay halos di makatingin rito.
Nakahinga ng maluwag sila Alfred at ang iba pa sa narinig.
"Oh diba sir. Sabi ko sa inyo. Saka sino namang baliw ang gagawa ng ginawa nya edi sya lang naman diba HAHA "
pagtawang wika ni Alfred
"So pwede napo kame makaalis sir ? "
pahabol pa na sambit ni Alfred
Pinaalis na ng professor sila alfred at ang iba pa kasama si Melvin.
Ang katotohanan ay tinakot si Melvin nila Alfred bago pa sila mapatawag ng professor na kung sakaling magsabi ito ng totoo ay itutuloy parin nila ang pambubully rito.
Hindi rin natapos ang pamamahiya ni Mr Galmante kay Melvin dahilan upang kausapin nya na ng direkta ang guro
Binuksan ni Melvin ang pintuan sa opisina ng kanyang Professor. Pumasok ito at lumapit ng mabagal .
"Anong kailangan mo dito Torres ? Hindi naman kita pinapatawag ah ? "
Sambit ng professor.
"Sir . Nakikiusap lang sana ako na tigilan nyo po ang pamamahiya sakin. Nahihirapan napo kase ako sa nangyayari. "
nahihiyang wika nito.
Nagkunot balikat ang guro. Kinuha ang isang ballpen sa lamesa at nagwika.
"At sino namang nagsabing ipinapahiya kita ? Ikaw ang may kagagawan ng mga bagay na nangyayari sayo! Wag mo ako idamay sa mga kalokohan mo "
pasigaw na tugon nito.
"Lumayas ka sa harapan ko bago pako di makapag pigil sayo at kung ano ang magawa ko sayo Torres. Lumayas ka ! "
"Pero po sir.... "
"Sabi kong LUMAYAS KA ! "
Binato nito ang hawak na ballpen patungo kay Melvin. Malungkot na umalis ang dating ako sa opisina ng kanyang guro.
Habang nasa Kalsada sya ay samot saring panghuhusga ang naririnig nya sa kanyang paligid. Upang mapawi ang kanyang kalungkutan ay napagpasyahan nyang pumunta sa isang parke at doon at tumugtog sya at umawit.
Pero nakakapagtaka. Dahil wala miski isa ang lumalapit sa kanya upang panuorin sya.
Hindi kagaya dati , na marinig lamang syang tumugtog ay pagkakaguluhan agad sya.
Napakaraming tao. Ngunit walang pumapansin sa kanya. Ano ang problema ? Talaga bang kinasusuklaman na sya ng mga nasa paligid nya ? Talaga bang wala nang naniniwala sa kakayahan nya ?
Dalawang bata ang lumapit sa kanya at nagwika ang isa rito.
"Kuya, pwede po bang tumugtog kayo ng isang magandang kanta ? "
inosenteng wika nito na nakatingin sa kanya.
Napawi ang lungkot sa mga mata ni Melvin at nagwika .
"Walang problema. "
Kahit papano may mga bata paring nakakapansin sa kanyang talento.
Bago pa sya makapag simulang tumugtog ay isang tinig mula sa isang babae ang kanyang narinig.
"Mga anak , ano ginagawa nyo dyan? Lumapit kayo dito. "
Patakbong wika ng isang ginang na nagmamadaling tumungo sa kinaroroonan ng dalawang bata sabay mahigpit nitong hinawakan ang dalawa sa mga braso nito.
"Pero mama. Makikinig pa po kame ng music mula kay kuya "
wika nito.
Ngunit hindi nagpadaig ang ginang at hinila ang mga anak nito at umalis.
Takang taka na tinignan ito ni Melvin. Nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot.
Hindi pa nakakalayo ang mag iina nang marinig nya itong magsalita sa mga anak.
"Wag na kayong lalapit sa binatang iyon ah , balita ko baliw daw yan. Kakilala yan ng kuya nyo sa Unibersidad na pinapasukan nya, ang sabi nagsuot daw yan ng underwear ng isang lakaki sa kanyang ulo at naglibot sa buong campus "
mahabang wika nito.
Nakita pa ni Melvin na lumingon ang bata sa kanya. Na para bang tinatanong sa mga mata nito kung totoo ang akusasyon na sinabi ng kanyang ina.
Hindi na kumibo si Melvin at yumuko nalang.
******
Isang malamig na gabi. Habang nagiinuman ang grupo nila William at nang iba pa sa paborito nilang tambayan ay may narinig silang mga yapak na tila papalapit sa kinaroroonan nila.
Agad nilang tinignan ang paparating.
Naaninagan nila ang isang matangkad na lalaki na tumigil sa harapan nila.
Si Melvin. Si Melvin ibang iba na.
Mapapansin ang mga mata nito na parang wala nang buhay sa sobrang kawalan ng pag asa at tiwala sa sarili.
Lumapit ito kay William.
"Sasali ako sa grupo nyo"
Diretsong tugon nito .
Tumayo si William habang hawak hawak ang isang bote ng alak. Uminom muna ito ng isang beses sabay nagwika.
"Sabi ko sayo babalik ka parin samin. Wag ka mag alala ituturo namin lahat sayo . Lahat lahat. "
nakangiting wika nito.
Napakadilim ng gabing iyon.
Dilim na hindi lang sinakop ang buong paligid kundi pati narin ang buong pagkatao ni Melvin.
********
Itutuloy sa ikapitong kabanata.
-KeleyanJunPyo
*******
Read with your own Risk.
AUTHORS THOUGHTS: (Trivia of the Story and personal traits of the author )
Authors thought
Una sa lahat. Ang kwentong ito ay aking likha upang maging aware ang karamihan sa realidad ng buhay. Anuman ang mabasa ninyo na hindi kaaya aya sa inyong pagbabasa ay hindi kagustuhan ng may akda.
Wala ring sinisiraang propesyon at kung sino sinong tao ang may akda sa pag gawa ng kanyang istorya. Tulad nga ng kanyang sinasabi lahat ito ay likha lamang ng kanyang pagiisip upang mabuksan ang kaisipan ng karamihan sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Wala po akong pinapatamaan o hindi ko sinusuportahan ang kahit na anong karahasan at pang aabuso sa iba. Ito po ay mali at dapat nang matigil.
Sa huli , kayo po ang magpapasya. Kayo po ang magdedesisyon ng mga bagay bagay. Anuman ang opinyon ninyo ay aking tatanggapin . Subalit ako po ay humihingi nang pang unawa at patawad kung meron man akong masasaktan sa aking nasulat.
Salamat.