Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 10 - Kabanata 9 : PAGSISISI

Chapter 10 - Kabanata 9 : PAGSISISI

Hindi makapaniwala ang dati kong sarili sa nakita.

Si JONAS. SI JONAS na matalik nyang kaibigan ang nasa harapan nya.

Dalawang buwan na noong huli nya itong nakita. Ang huli ay noong na detained ito dahil sa pambubugbog sa grupo nila Alfred.

"Jonas ??? " gulat nyang wika.

"Oh ? Bakit parang nakakita ka ng multo? Haha oo ako nga to ! "

nakangiti nitong tugon.

"Aba , ang laki na ng pinagbago mo ah, parang dalawang buwan mahigit lang ako nawala pero nag transformed kana agad "

pahabol pa nito.

Inaya nya si Jonas na sumabay sa kanya sa paglalakad. Habang naglalakad sila ay nagusap sila ng mga bagay bagay. Mga pinagkaabalahan nila noong hindi sila nagkita. Hindi nya nabanggit sa kaibigan ang pagbabago nya pati ang bisyo nya rito.

"So tumutugtog ka parin ba ? , tara tumugtog uli tayo. "

"Oo . kaso hindi na madalas pre "

"Ano ? Hindi na madalas ? Bakit ? Sayang naman "

panghihinayang nito .

Hindi nya masabi sa kanyang matalik na kaibigan ang dahilan. Ang dahilan na nabarkada sya sa grupo nila William.

"Eh Kamusta na kayo ni Louella ? "

Natigilan si Melvin at matagal na nahinto

Nilingon ito ni Jonas at inakbayan .

"Mukhang may problema kayo ah.  Magusap kayo. Lahat ng bagay nadadaan sa mabuting usapan "

nakangiting sambit nito .

Tumingin ang dati kong sarili kay Jonas at ngumiti ito. Ito ang kauna unahang ngiti nya mula noong nagbago sya. Kahit nagbago na sya pati sa ugali  ay hindi nya kayang pagtabuyan ang kanyang matalik na kaibigan. Aniya si Jonas ay isang postibong tao na sobrang linis ng kalooban. Hindi nya magagawang magalit rito.

"Paano ka pala nakalabas ? "

pagtatanong ng dati kong sarili.

"Ah yun ba . Si Vanessa kase nung nalaman na nadetain ako tinawagan yung mga nasa detention center tapos kinausap nya mula sa ibang bansa. Hindi ko nga alam kung ano pinagusapan pero matapos yung paguusap pinauwi na nila ako. "

paliwanag nito.

" Nakaka enjoy kaya dun. Hahaha. At saka alam mo ba ? ang dami kong naging kaibigan sa loob. Hindi nmn pala lahat ng mga nandoon ay masasama "

pagpapatuloy pa nito.

Hindi parin talaga nagbabago si Jonas , masiyahin parin at palakaibigan.

Nagpatuloy pa ang kanilang kwentuhan noong araw na iyon.

******

Inaya ni Melvin si Jonas na sumama sa kanya para maipakilala ito sa mga tropa nito.

Nakarating sila sa tambayan nila William. Naroon ang mga ito. Kanya kanya ang mga pinag gagawa at tila abala sa mga bagay bagay. Nagiinuman ang karamihan sa mga ito.

Napatigil lamang ang mga ito sa kanilang ginagawa  nang makita sila Jonas at Melvin.

Kahit nagtataka ay isa isang  inusisa ni Jonas ang mga nasa paligid.

Lumapit ang isang tropa at nagwika.

"Aba ! Sino yan Melvin?  Mukhang may bago kang sinama dito ah. "

"Si Jonas nga pala mga pre. Kaibigan ko "

wika ni Melvin .

Lumapit si Jonas rito at nakipag kamay .

Isa isang nagpakilala ang mga tropa kay Jonas na para bang kilalang kilala na nila ito. Mabilis namang nakapalagayang loob ni Jonas ang mga tropa sa kadahilanang masyadong madaldal at palakaibigan ito.

Nagusap sila Jonas at William ng mga bagay bagay at patungkol rin kay Melvin.

"Naninigarilyo ka ? " pagtatanong ni William habang inilabas nito ang isang pakete ng sigarilyo na tila nag aalok kay Jonas.

Tumango ito at kinuha ang isang sigarilyo at sinindihan.

Inilibot uli ni Jonas ang paningin nya sa paligid. Hindi sya mapakali sa nakikita. Si Melvin ibang iba na. Nakikita nya itong nakikipag inuman at naninigarilyo na. Masaya rin itong nakikipag kulitan at kwentuhan sa mga tao na hindi nya naman madalas gawin . Kilala nya ang kaibigan bilang mahiyain at hindi gagawa ng mga bagay na ginagawa nya ngayon.

Natigilan sya nang marinig nyang magtanong si William sa kanya.

"Gaano kana katagal kaibigan ni Melvin ? "

wika nito na humithit pa ng sigarilyo at naupo sa isang upuan.

"Matagal na rin , ilang taon narin kameng magkakakilala "

dito seryoso nang pinagmamasdan ni Jonas ang lahat. Parang may mali. Oo. May mali nga.

"Kayo ba nagturo kay Melvin na manigarilyo at uminom ng alak ? "

diretsong tanong ni Jonas na seryoso na talaga.

"Oo ! Alam mo yang tropa mo nakilala namin yan dati na parang basang sisiw na hindi makabasag pinggan pero tignan mo ngayon !  malaki na ang pinagbago nya at masaya sya sa pagbabagong iyon. "

nakangiting wika nito.

Kumuha si Jonas ng isang bote ng alak at uminom . Muli syang nakinig kay William na nung mga oras na iyon ay tuloy lang sa pagkwekwento.

"Kame ang dahilan kung bakit nag kaganyan si Melvin.

At maganda naman ang kinalabasan diba ? Kase ngayon di na sya basta basta  tatakutin ng kahit na sino  at may kakayahan na syang lumaban at ipagtanggol ang sarili nya. "

Tila isang bulkan na nagpipigil si Jonas sa kanyang nararamdam. Sobrang naiinis na sya sa kanyang mga naririnig at tila gusto nya nang sumabog sa galit.

"Kaibigan mo si Melvin diba ? Bakit hindi mo sya nagawang tulungan magbago noon pa. "

"Dapat pag kaibigan mo tinutulungan mo diba ? Haha. Pero okay na yun pre kame na gumawa para sayo"

masaya parin nitong wika.

Isang matalim na tingin ang pinakawalan ni Jonas rito.

"Pwede ka naman sumama sa amin pare kung nais mo, para naman malaman mo rin kung gaano kalakas gumamit ng pinagbabawal na gamot ang kaibigan mo ! "

NANLAKI ANG MATA NI JONAS SA NARINIG.

"ANO ? ... Pakiulit yung sinabi mo ? " nanginginig nitong wika.

"Droga.

"Nagdrodroga na yang si Melvin at lakas nga gumamit nyan.

"Tulad namin nakakalimot din sya sa problema nya sa tuwing nakakatikim sya ng pinagbabawal na gamot."

"Subukan mo rin hindi ka magsi....."

ISANG MALAKAS NA SUNTOK ANG LUMAPAT SA MUKHA NI WILLIAM MULA SA GALIT NA GALIT NA SI JONAS.

Bumagsak ito sa upuang inuupuan nito . Agad namang nagtinginan ang iba pa kasama si Melvin sa direksyon nila Jonas at William.

Dinaganan ni Jonas si William na nung mga oras na iyon ay nakadapa sa lupa. Pinagsusuntok nya ito nang walang tigil. Walang tigil na pinagsusuntok , wala syang pakealam kahit pigilan sya ng mga nasa paligid nya, ang mahalaga sa kanya ngayon ay mabigyan ng leksyon ang taong nagturo sa kanyang kaibigan na maging masama.

"HINDI KITA MAPAPATAWAD SA GINAWA NYO SA KAIBIGAN KO!! "

sigaw nito habang di parin ito tumitigil sa panununtok sa duguan nang si William. Hindi na sya maawat kahit ng mga tao sa paligid nya.

Napatigil lang sya, nang may tumutok sa kanyang uluhan. Sabay sabay naglabas ng mga baril at kutsilyo ang mga ito at itinutok sa kanya. Dito na pumasok si Melvin at inawat si Jonas.

Itinigil ni Jonas ang pambubugbog at tumayo ito. Nakahiga parin si William sa lupa na wala nang malay at napupuno ng dugo ang buong pagmumukha.

"Pre, ano bang ginagawa mo ? "

wika ng dating kong sarili.

"Melvs . Totoo ba ? Totoo ba na gumagamit ka ng pinagbabawal na gamot !!!! " galit na sigaw nito.

Napatahimik ang dati kong sarili. Huminga ito ng malalim at nagwika.

"Oo pre. Pasensya kana at hindi ko nasabi. Pero ginusto ko rin nmn ito. At hinahanap na ng katawan ko ang droga , hindi ko na kayang pigilan pa . Hindi kaba masaya sa pagbabago ko ? Hindi na ako kagaya ng dati na nagpapabully sa iba. Diba sabi mo lumaban ako? Ito na yun ! "

mahabang wika nito.

"Oo sinabi ko nga na lumaban ka ,pero hindi sa ganitong paraan.

Melvs sinisira mo ang buhay mo rito !!

Hindi ko sinabi na maging masama ka, para makaganti sa iba !

Hindi ko ibig sabihin na lumaban ka kahit walang dahilan!

Naligaw ka ng landas kaibigan hindi ito ang nararapat at ang tama. "

wika ni Jonas.

Isa isang pinalibutan si Jonas ng mga tropa at pawang lulusubin ito upang makaganti sa ginawa nitong pambubugbog sa kanilang pinuno.

"Subukan nyong saktan ang kaibigan ko at ako ang makakalaban nyo !! "

pagwiwika ni Melvin na seryosong nakatingin sa mga ito.

"Problema namin to hayaan nyo na ako ang lumutas "

dagdag pa nito.

"Melvs. Hindi pa huli ang lahat !

Kaya mo pang magbago alam ko yan. Labanan mo to. "

pagpupumilit nito.

"Umalis kana lang Jonas, at baka mamaya ay mapahamak kapa , kahit papano kaibigan parin kita at ayaw kong madamay kapa rito. Pasensya kana at isinama pa kita. Akala ko matutuwa ka sa pagbabago ko pero hindi pala "

sambit ni Melvin.

Malungkot itong tinignan ni Jonas.

Tinignan nya rin ang mga nasa paligid nya na galit na galit sa kanya.

Tumalikod ito at naglakad na palayo.

"Melvs. Hindi ako susuko. Ibabalik kita sa dating ikaw pangako ko yan ! "

Umalis si Jonas mula sa lugar na iyon. Nagbalak pa ang iba na habulin sya upang gantihan ngunit pinigilan ito ni Melvin.

Kahit hindi makapaniwala ay positibo paring nagiisip si Jonas na magagawa pang magbago ni Melvin at hindi pa huli ang lahat para rito.

Nagisip sya ng paraan. Agad nyang kinuha ang cellphone nya at tinawagan ang isang numero , sumagot ang isang pamilyar boses ng tao at inaya nya itong makipag usap sa kanya.

******

Umuwi din ng hapong iyon ang dati kong sarili. At dire diretsong pumasok sa kwarto nya na animoy hindi nito nakita ang kanyang ina na abala sa paglilinis ng bahay noong mga oras na iyon. Pati ang pagmamano sa magulang ay hindi nya na rin ginagawa. Malungkot syang tinignan ng kanyang ina at pinuntahan sa kwarto nito.

Kinatok ito ngunit walang sumasagot.

" Anak ! Melvin nandyan kaba ? Gusto ko lang makipag usap sana sayo. Sana naman anak makipag usap kana sakin "

pagmamakaawa nito.

Ngunit parang bingi na walang naririnig ang dati kong sarili habang nasa loob ng kwarto.

Muli ay nakiusap ang kanyang ina na lumabas ito sa kanyang kwarto upang pagusapan ang mga bagay na dapat pagusapan ngunit wala itong pagtugon na nakuha.

Lumipas ang gabi . At dahil sa gutom ay napagpasyahan ni Melvin na lumabas na sa kanyang kwarto mula sa pagkakakulong nito.

Tumungo sya sa sala at doon ay nakita nya ang kanyang ina na mahimbing na natutulog. Ang pagkakapwesto nito ay nakaupo sa isang upuan at mapapansin na meron pa itong hawak na walis sa kanyang kamay, na para bang nakatulog ito dahil sa pagod sa paglilinis ng  buong bahay.

Oo naalala nya na , yung nagawa nyang pagwawala noong nakarang araw. Halos karamihan sa kagamitan nila ay nasira at nagkagulo. Buong araw na nilinis ng kanyang ina ang buong pamamahay at inayos ang mga nasirang kagamitan. At dahil sa pagod ay naupo ito sa isang upuan sa lamesa at doon naabutan ng antok.

Ibang kirot ang kanyang naramdam sa kanyang puso. Kirot ng kalungkutan. Sa unang pagkakataon mula noong nagbago sya ay nakaramdam sya ng awa sa kanyang ina.

(Start playing some sad background song)

Nakita nya sa lamesa ang nakahandang hapunan nila.

Ibig sabihin kahit pagod ang kanyang ina sa paglilinis sa buong bahay ay nagawa parin nitong magluto ng kanilang makakain noong gabing iyon.

Agad nyang ginising ang ina at nahihiyang inaya ito na kumain.

Kahit medyo pagod pa mula sa pagkakatulog ay ngumiti ito sa anak at sumabay na sa pagkain.

Habang kumakain sila ay nagwika si Ina.

"Anak . Gusto ko lang sanang sabihin sayo na tumigil kana sa bisyo mo . Pakiusap lang. Pati pag aaral mo ay napabayaan mo na kahit ang pagkanta at pagtugtog mo ay hindi mo na nagagawa. "

Tumigil si Melvin mula sa pag nguya ng pagkain. Tumayo ito at umaktong tinamad nang kumain dahil sa narinig.

"Ganyan kana ba talaga anak? Pati pag galang sa pagkain hindi mo na rin magawa "

seryosong wika ng kanyang ina .

"Ganyan kaba kaduwag ? Sa tuwing sinasabihan ka ng mga bagay na dapat mong gawin ay hindi mo kayang panindigan at umaalis ka nalang ? Ganon ba ! Akala ko ba sabi mo matapang ka pero hindi mo kayang harapin ang katotohanan "

pahabol pa nito.

Sinuntok ng dati kong sarili ang pader sa kanyang harapan at nagwika.

"PWEDE BANG TIGILAN NYO NA AKO !!! " pasigaw nitong sambit.

Tumayo ang kanyang ina at hinarapan ito.

"Hindi na ako matatakot Melvin. Kailangan mo ng tulong ko. Dahil ina mo ako ! "

"Hindi ko kailangan ng tulong mo !!! "

Isang malakas na sampal mula sa kanyang ina ang nagpagulat sa buo nyang katawan.

Tinignan nya ang kanyang ina. Na nung mga oras na iyon ay umiiyak na.

"Ayaw ko sanang gawin iyan pero pinilit mo akong gawin . WALA KANG GALANG ! wala kang utang na loob ! "

umiiyak nitong wika.

"Lahat ibinigay ko para lang mabigyan ka ng maayos na buhay Melvin. Pero ano tong sinukli mo sa akin ? Sinuklian mo ako ng paghihirap. Mahal kita anak! Mahal na mahal ! "

patuloy nitong pagsasalita.

Tila tulalang nakatingin lang ang dati kong sarili dito. Sandali pa ay tumakbo ito palabas ng bahay at nagpakalayo layo.

Hindi na ito pinigilan ng kanyang ina at napaupo na lamang sa bigat ng nararamdaman.

******

Sa isang dako naman ng lugar ay masinsinang nagusap sila Louella at si Jonas.

Si Louella ang taong tinawagan ni Jonas upang tulungan sya na maibalik si Melvin sa dati nito.

Dito ikiniwento lahat ni Louella ang kanyang nalalaman sa pagbabago ni Melvin.

"Ganon pala. "

wika ni Jonas matapos huminga nang malalim.

"Pakiusap Jonas. Tulungan mo ako! Gusto kong mailigtas si Melvin mula sa nangyayare sa kanya ngayon. Ayokong mahuli ang lahat. Dumaranas sya ng depresyon sa kanyang utak at ang mga bisyo na kanyang ginagawa ang pampawi nya at pagtakas nya sa depresyong iyon.

Subalit mali yun !

Mas lalo lang syang kakainin ng kalungkutan at pagkabaliw hanggang wala na syang maisip na paraan " 

"At kung sakali na dumating ang puntong iyon ano ang pwedeng mangyare ? "

pagtatanong ni Jonas.

"Kakaiba ang sakit na depresyon . Sobrang seryoso ang bagay na ito. Ang mga taong tinatamaan nito ay nawawalan ng tiwala at pag asa sa kanilang sarili. Natatakot na silang gumawa ng mga bagay bagay at sumusubok sila ng mga bagong bagay sa paligid nila upang matakasan ang problemang kinakaharap nila. Kaso ang madalas na nangyayare napupunta sila sa maling landas kaya mas lalo lang lumalala ang depresyon nila "

"Sa tingin ko , unti unti nang nararamdaman iyon ni Melvin. Darating ang punto na maiisip nya na mali ang kanyang ginagawa. Pag dumating ang puntong iyon kakainin sya ng kalungkutan nya at mapupuno ng negatibo ang utak nya dahilan upang tuluyan na syang mawala sa katinuan. "

" Ang pinaka masamang pwedeng mangyari sa kanya ay.... "

"Ano ang mangyayare ? "

tanong uli ni Jonas.

Isang pagkagulat ang itinugon ni Jonas nang marinig nito ang sinabi ni Louella. Hindi ito makapaniwala sa narinig.

"Halika ! Sumama ka sakin Louella , pupuntahan naten si Melvin ngayon. " pamimilit nito.

Hindi pa nakakasagot ang dalaga ay bigla nang  hinila ito ni Jonas at patakbo silang tumungo kay Melvin.

******

Sakto naman na nakasalubong nila si Melvin na nung mga oras na iyon ay tulalang naglalakad.

Agad na nilapitan ito ni Jonas.

Nakita ni Melvin si Louella sa likod ng kanyang kaibigan na animoy nagtatago ito sa kanya.

"Kasama mo pala sya ? Hindi ako makikipagusap sayo kung kasama mo ang babaeng iyan "

wika ng dati kong sarili.

"ANO KABA MELVIN ! Hindi sya ibang tao ! Kasintahan mo sya ! Wag mo naman syang pagtabuyan "

pagalit na wika ni Jonas.

"Tapos na kame. Hindi ko na gusto pang makipag relasyon sa kanya. Ayaw ko na !

sawa nako "

"TALAGANG GINAGALIT MO AKO MELVS !!! "

wika ni Jonas na naghahanda nang suntukin ang kaibigan nito ngunit pinigilan lang ni Louella.

Kahit na nasaktan sa sinabi ni Melvin ay lumapit si Louella rito at dumukot sa kanyang bag, inilabas ang kwintas na itinapon ni Melvin noong nakaraang araw. Ito rin ang kwintas na iniregalo ni Louella sa kanya.

Kinuha ni Louella ang kamay ni Melvin sabay ibinigay ang kwintas. Nanginginig pa ito at pigil na umiiyak.

"Kahit yan lang sana.

Kahit yan lang .

Itago mo parin yan sana.

Kahit layuan mo ako. Kahit na ayaw mo na sakin walang problema iyon , ang mahalaga sakin ay makita ko paring maisuot mo ang kwintas na iyan "

pagmamakaawa ni Louella.

(Naalala ni Melvin ang unang pagkakataon na ibinigay ito sa kanya ni Louella)

Kanyang kaarawan ang araw na iyon

Halos hindi maabot ni Louella ang leeg ng kasintahan dahil sa katangkaran nito dahilan upang yumuko pa si Melvin upang maisuot ito sa kanya.

*****

Bumalik sa ulirat si Melvin at muling nakita ang umiiyak na si Louella sa kanyang harapan. Kinuha nito ang kwintas at nagwika.

"Umalis kana sa harapan ko ! Ayaw na kitang makita pa. "

wika nito.

Itinulak nito ang dalaga nang ubot ng lakas dahilan upang mapaatras ito buti nalang at ay naroon si Jonas at nasalo agad si Louella.

Galit na tinungo ni Jonas si Melvin

Kinompronta nya ito.

"WALANG HIYA KA MELVIN !! "

Hinawakan nito ang dati kong sarili sa kwelyo nito at pilit na iniangat ngunit dahil mas matangkad ito sa kanya ay hindi nya magawa.

"Talagang bang wala ka nang natitirang awa at pati ang pinakamamahal mong si Louella ay pinagbubuhatan mo na ng kamay ?

SUMAGOT KA !!!

Talagang nagpasakop kana sa mga maling barkada na mas pinili mong samahan!

Tandaan mo to ! Hindi mga kaibigan ang mga taong iyon. Dahil ang totoong kaibigan ay yung taong hindi ka hahayan na maligaw ka ng landas  !  "

Tinapik ni Melvin ang kamay ng kaibigan at hinawi ito.

"Hayaan nyo na ako ! "

Nakita ni Jonas na tumakbo si Louella habang umiiyak palayo. Sobrang itong nasaktan.

"Louella !  "

" Tignan mo ang ginawa mo Melvs ? "

Malungkot lang itong tinignan ng dati kong sarili at hindi kumibo.

Hinabol ni Jonas si Louella at iniwan si Melvin na nakatulala lang at nakatayo.

(Sad song in the background)

Ilang minuto itong ganito, hanggang tumulo ang mga luha sa kanyang mata . Unti unti nang pumapasok sa kanya ang lahat . ANG LAHAT LAHAT ng kanyang mga ginawa. Unti unti na syang sinisingil ng kanyang konsenya.

"Ano tong ginawa ko ? "

ito lamang ang kanyang nasabi matapos maisip ang lahat .

Umiyak ito at nagsisigaw na parang baliw. Natauhan na sya sa kanyang ginawa. Nanumbalik na sa kanyang isipan ang mga ginawa nya, sa kanyang ina , kay Louella, at matalik nyang kaibigan na si Jonas pati na rin sa napakaraming tao na ginawan nya ng kasamaan mula noong nagbago sya.

Umiiyak sya ngayon dahil NAGSISISI NA SYA

"Ano tong ginawa ko !! Bakit !? Bakit ginawa ko ang lahat ng mga ito! ?  "

hagulgol nitong sambit sa sarili.

Habang ako naman ay tahimik lang syang pinagmamasdan sa isang gilid. Nagsisisi na nga ang dati kong sarili sa lahat ng kanyang ginawa.

******

Noong gabing din iyon ay hindi umuwi ang dati kong sarili sa kanilang bahay. Naglakad sya patungo sa isang pamilyar na lugar.

Oo.

Tama .

Pupunta sya sa tambayan nila William. Dito balak nya nang  sabihin na TITIWALAG NA SYA SA GRUPO at AALIS na. Nagsisisi na sya sa mga bagay na  kanyang  nagawa at gusto nya na itong tigilan.

******

Hindi naabutan ni Jonas si Louella sa paghabol nito at tumigil ito sa isang tabi at nagpahinga. Binawi ang kanyang hininga , matapos ay inalala ang mga sinabi kanina sa kanya ni Louella.

(Nakaraang usapan nila Louella at Jonas bago maganap ang komprontasyon nila ni Melvin)

("Ano ang mangyayare sa kanya ? " )

("Sa oras na tanggapin nya na at pagsisihan ang mga bagay na ginawa nya noon .

Doon ay sisingilin na sya ng kanyang konsensya, dahilan upang humantong sya sa PAGPAPAKAMATAY " )

("Ano ? ")

gulat nitong tugon .

("Pagpapakamatay ang nakikita nilang solusyon sa kanilang problema.

Ayan ang unang pumapasok sa mga taong nakakaranas ng depresyon.

Akala nila matatapos ang mga problema nila sa pagpapakamatay pero nagkakamali sila , hindi mo matatakasan ang problema sa pagpapakamatay.

Hindi iyon ang solusyon " )

wika ni Louella.

Gulat itong tinignan ni Jonas.

******

Mabalik uli tayo kung saan nakatayo si Jonas at nagpapahinga. Sinuntok suntok nito ang isang poste ng ilaw.

"Melvin! Wag naman sana !

Wag naman sana humantong ka sa ganong pagiisip "

******

Nakarating na ang dati kong sarili sa lugar ng tambayan nila William.

Nakita nya pa si William na nagpapahinga mula sa pambubugbog ni Jonas at tadtad pa ito ng mga benda sa mukha.

Ang iba naman ay balik sa kanilang pagsubok ng mga pinagbabawal na gamot, at ang iba ay nagiinuman parin na pawang tuloy lang sa kasiyahan.

"Hoy Melvin ! tara dito subukan mo na to bago maubos "

wika ng isa habang humithit ng droga.

Hindi ito pinansin ng dati kong sarili at dire diretsong pumunta kay William.

Huminga ito ng malalim at nagwika.

Lakas loob nitong sinabi na.

"AALIS NA AKO SA GRUPO.

" Ayoko na !!

" Simula ngayon hindi na ako kasapi sa inyo "

wika ng dati kong sarili.

Gulat ang mga nakarinig pati narin si William na biglang napatayo mula sa pagkakaupo nito.

*******

Sa labas ng kanilang tambayan ay hindi nila alam na merong palang nag aabang na panganib sa kanilang lahat.

Isang pulis ang kanina pa silang pinagmamasdan at pinapanuod mula sa kanilang ginagawa.

"Sir , nakita ko na ang mga target ! 

Nandito sila lahat at saktong gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot !

Nakapalibot narin kame sa area at anumang oras ay pwede na silang pasukin "

wika nito na tumatawag sa kanyang radyo.

"Okay. Bantayan mo lang sila PO2 kasama ang iba pa, at sa signal ko ay papasukin naten sila "

Tugon ng isang tinig mula sa radyo nito.

"Copy sir ! "

**********

Itutuloy sa ikasampong kabanata.

--KeleyanJunPyo

**********

Read with your own risk.

AUTHOR'S THOUGHT(Trivia of the story and personal traits of the author )

About the story:

Dahil sa pagkaka detained kay Jonas ay natanggal sya sa kanyang pinapasukan dahilan upang mawalan sya ng trabaho.

Author's thoughts

Nasa 80℅ napo tayo ng ating kwento at nalalapit na talaga ang katapusan nito.