MELVIN'S POV :
Isa isa kong hinahalungkat ang laman ng aking bag, pinagpapawisan ako ng matindi kahit bukas naman ang aircon ng sasakyan na tila may mahalagang bagay akong hinahanap. Isang matiwasay na araw na naman. Napakainit sa labas tumatagos dito sa loob ang singaw ng init mula kay haring araw. Di naman nakakapag taka, dahil ayon sa tagapagbalita ng panahon sa telebisyon na aking napanuod ay sobrang maalinsangan daw sa araw na ito.
Inadjust ko ang aking upuan mula sa pagkakaupo, madalas ko tong gawin bago ko paandarin ang aking sasakyan.
Umupo ako ng tuwid at nagmuni muni.
Sa wakas ! Nahanap ko rin !
Ang aking tala arawan, huminga ako nang malalim at binuksan ito. Inalala ang bawat pahina na nakasulat at nakalimbag.
Matapos ang araw noong hindi natuloy ang pagbabalak kong pagpapakamatay sa Pluna Train Station ay hinuli ako ng mga awtoridad, syempre labag sa batas ang ginawa ko. Nalaman din namin na nasangkot ang ina ni Louella sa isang holdup-an sa mismong bangko na pinagtratrabauhan nito mabuti na lamang at naayos ito ng mga kapulisan. Kinasuhan ako ng Alarm and Scandal dahil sa gulo na ginawa ko sa Pluna Station. Pero salamat kay Louella sya ang nagpaliwanag sa mga awtoridad, sinabi nya rito na nakararanas daw ako ng matinding depresyon dahilan para magkasakit ako sa utak. Dahil rito inatras nila ang aking kaso at mas minabuti na ipagamot nalang daw ang nararamdaman kong karamdaman.
Sa tulong ni Louella unti unti akong nakawala sa mahigpit na pagkakatali sa sakit na depresyon. Mahusay talaga syang mag alaga lalo na sa pag iisip ng tao. Pinaramdam nya sa akin na may tao pang makikinig sa mga problemang aking tinatago, pinaramdam nya sa akin na meron pang tao na umaasa at naniniwala sa aking kakayahan. Madalas nya akong kausapin , at nililibang sa ibat ibang mga bagay. Pinasaya at pinatawa muling ibinalik ang nawalang tiwala sa sarili at pinalakas ang kalooban. Sa tulong din nila Inay at ang aking kaibigan na si Jonas napagtagumpayan ko ang isa sa pinakamalakas kong kalaban sa buhay.
Ang depresyon.
Makalipas ang ilang buwan gumaling ako rito. Totoo pala talaga na kailangan mo ng mga taong kakausap sayo sa oras na kailangan mo ng tulong.
Muli akong bumalik sa pag aaral matapos ang aking pag galing . Nagpatuloy ako sa huling taon ko sa kolehiyo at sa pagkakataong ito , hindi nako pwede huminto at sumuko . Nakaraos din naman ako , dahil makalipas ang isang taon ay nakapagtapos ako ng pag aaral , medyo na late nga lang dahil kailangan kong bawiin ang mga buwan na nawala ako noong huminto ako dahil sa pagpapagaling ko sa sakit na depresyon.
Dahil din sa naging sitwasyon ko, nagbago ang pagtingin sakin ng mga tao sa paligid, naging seryosong usapin para sa kanila ang aking naranasan . Gumawa ng mga ibat ibang hakbang para matulungan ang mga taong tinatamaan nito. Mukhang naging eye opener pa ako para sa lahat.
April 05, 2019
Noong graduation day ko, lahat ng mga taong mahalaga sakin ay naroroon. Masayang masaya sila na makita akong naka toga at winawagayway ang diploma. Ginanap ito Oasis Complex Center. Si Louella na may dala pang camera noon ay hindi mapakali na kuhanan ako ng litrato sa ibat ibang bahagi ng lugar, mapaloob o mapalabas man ng complex.
Kung itatanong nyo kung ano ang nangyari kay Mr Galmante, ayun ! Natanggal sa serbisyo nya bilang professor. Nalaman kase ng council at department sa unibersidad na naniningil pala sya ng mga hindi makawitrang bayad o pera kapalit ang pag pasa sa kanyang subject, may naikaso din sa kanya dahil iniscam nya yung isa sa mga kasama nyang professor, balita ko malaking pera daw yun, kaya ayun tinanggal sya matapos mapatunayan ang kanyang mga ginawa.
Si Alfred ay na expelled sa buong campus dahil nakipag away ito sa isang estudyante sa ibang unibersidad, binully nya raw ito pagkatapos binugbog dahil hindi raw ito sumunod sa utos nya. Makalipas ang ilang araw nalaman nila na ang binugbog nya palang estudyante ay anak ng isang kongresista kaya kinasuhan sya at napatawan ng parusa.
Ilang araw matapos akong grumaduate ay isang tao ang bumisita sa bahay. Tanda ko pa noon kung ano ang sinabi nya sakin.
(Flashback )
Kumatok ito sa labas , pagkatapos ay pinagbukasan naman ito ni inay ng pintuan.
Bumungad sa kanya ang isang lalaki na nakasuot ng formal attire.
("Ako nga pala si James Aldrin Montenegro, hinahanap ko si Melvin Torres, dito ba sya nakatira " )
Tumango si Inay, pagkatapos isinigaw ang aking pangalan , agad agad naman akong bumaba mula sa aking kwarto at hinarap ang lalaking naghahanap sakin.
Sya din yung lalaki na nandoon sa Pluna Train Station noong araw na binalak kong magpakamatay , kasama nya pa nga yung anak nya noon.
(" Buti naman ay natatandaan mo ako, matapos yung nangyari sayo napukaw mo ang atensyon ko. Isa akong manager . At balita ko magaling ka raw kumanta, aalukin sana kitang mag audition sa itatayo kong banda. Balak ko kaseng mag produce ng isang lokal band at ikaw ang nasa top spot ko para maging bokalista" )
tanda kong pagkakasabi nya noon.
Syempre nung una hindi ako naniwala. Malay ko ba kung niloloko nya lang ako pero matapos nyang ipaliwanag sa akin ng maayos ang kanyang plano ay napapayag nya ako.
Kinabukasan , isinama ko si Jonas para may kasama ako na mag audition, syempre mahirap na mas maganda may backup ako . Agad kameng tumungo sa lugar na kanyang sinabi . Hinanap namin ang kinatatayuan ng kanyang opisina base narin sa ibinigay nyang calling card maliit ito at may address pati narin personal na numero nya naroroon , tawagan daw namin sya kapag nandun na kame.
Noong naroroon na kame sa lugar. Lubha kameng napa nganga sa nakita. Napakalaking gusali ang kinatatayuan ng kanyang sinasabi. Nagwika pa nga noon ni Jonas na baka mali kame ng napuntahan at hinihila na ako para umuwi pero iginiit ko sa kanya na tama iyon. Pumasok kame at hinanap ang silid na itinuro sa amin ng receptionist.
Agad naman nagpakilala si Mr Montenegro matapos kameng makita sa lobby ng gusali.
Dito ipinakilala pa sa amin ang iba pang nakapasa sa audition.
Nagulat kame dahil naroroon din sa lugar na iyon ang magkapatid na sila AKI AT AKO.
Nakapasa rin daw sila bilang Keyboard piano at Electric Guitarist vocal . Syempre nagkamustahan kame ilang taon na rin ang nakakalipas mula noong huli namin silang nakita. Pero hindi parin nagbabago si Ako, mahiyain parin ito at sobrang tipid sa pagsasalita, minsan nga naisip ko na cute naman sya pero hindi sya ganon kadalas magsalita. Subalit pag usapang bituin (stars) ang bilis na nakukuha ang atensyon nya at doon lamang sya nakikipagusap sa amin. Madalas din syang magtago sa likuran ng kanyang kuya. Nakakatawa nga eh kase pag tumutugtog naman sya ng Piano ay parang ibang iba tao sya maihahintulad ko sya sa isang pusa na nagiging tigre sa oras na pahawakin mo ng keyboard.
Lumipas pa ang ilang mahabang briefing, sa higit kumulang na isang daan (100) na nag auditions ay apat lang kame na nakuha bilang mga pangunahing myembro sa itatayong banda.
Nagsimula na kameng magsanay pagkatapos ng mga sumunod na araw. Pagkatapos isang araw , ipinakilala sa amin yung magiging bassist ng banda. Si Cool , kung matatandaan ko , sya rin yung lalaking may hawak ng gitara at mahabang buhok at may weirdong porma noong nasa Pluna Train Station din ako. Talaga sigurong may mga bagay na pinagtatagpo para sa isang dahilan. Mabait naman ito at saka magaling talaga sya mag gitara ang dami nya ring alam , sabi nya matagal na raw syang gumagamit ng mga gitara at marami syang collections sa kanilang bahay. Sa sobrang dami nga pwede na sya magtayo ng tindahan .
Lumipas pa ang mga panahon at nagpatuloy kame sa pag tugtog ng magkakasama. Pinangalanan ang aming banda na 9:48AM ito'y pag alaala sa oras na binalak kong tapusin ang aking buhay sa Pluna train station noon. Nagkaisa ang lahat para pagbotohan na iyon ang kunin na pangalan ng banda kase ako naman daw ang bokalista. Syempre wala akong nagawa kundi sumang ayon na lamang.
August 08, 2019
Ito yung araw kung kelan ibinalita samin ni Manager Montenegro na magdedebut na kame sa publiko. Noong araw nga yun na pinatawag nya kame ay nalate ako dahil napuyat noong nakaraang gabi kase namasyal kame ni Louella at nag movie marathon buong magdamag.
("Mahal nyo ba ang pagtugtog ?")
Wika noon ni manager
("Opo ! Mahal namin ang pagtugtog ")
Tugon naman namin.
Matapos nun, naging tanyag na kame sa madla, ang dami na agad nagpakita ng kanya kanyang interes sa aming grupo. Ibat ibang alok mula sa mga guesting at mga tv channels ang pilit na ibinibigay sa aming banda. Bumibida rin paminsan minsan sa mga palabas yung ka- myembro namin na si Aki , sabagay magaling itong umarte pangarap nya rin daw kaseng maging artista.
November 12, 2019
Naganap ang isang presscon para sa pagaanunsyo namin ng aming FIRST ALBUM na may titled na " GET A LIFE " sa album na ito ay may apat na kanta na nakapaloob rito at lahat ng iyon ay silver platinum agad noong inilabas namin. Samot saring mga reporters at mga tagasuporta ang pumunta para masaksihan ang pagpirma namin sa kontrata.
Ilang weeks palang din ang lumipas ay sobrang sumikat ang sarili naming likha na awitin. Kahit saan nga maririnig mo eh. Naging normal na kasama ng mga tao ang aming awit sa pang araw araw nilang gawain. Kahit sa bahay, eskwelahan o pasyalan maririnig mo ang aming mga kanta.
Year 2020
Dumating ang taong 2020, madaming nangyari sa panahong ito. Hindi lang sa bansa namin kundi pati sa buong mundo. Napakaraming bagay ang nagpagulat sa maraming tao. Sakuna , Kamatayan at mga kamalasan. Pero higit na nagpahinto sa ekonomiya ng bawat bansa ay ang pandemya na kumalat sa buong sanlibutan.
Marami ang namatay at nagdusa sa sakit na dulot ng virus na unti unting pumapatay sa tao. Ang pagkakatanda ko ang immune system raw ng tao ang unang inaatake ng virus na pandemyang ito.
Natigil ang napakaraming negosyo, nagsara ang iba at tumigil sa operasyon ang nakararami. Maraming nawalan ng trabaho at maraming buhay ang naapektuhan.
Sa awa naman ng diyos, hindi naman kame natamaan ng virus na ito. Maging sa iba ko pang ka myembro ay walang nagkasakit.
Subalit nahinto ang iba naming mga proyekto at mga concerts maging ang aming paglalabas ng mga album sa publiko. Kaya naman sinamantala namin ang pagkakataong iyon upang tumulong sa napakaraming tao na naapektuhan ng pandemya. Sa tulong din ni Louella na isa nang Licensed Psychiatry nung panahong iyon ay nag volunteer upang makatulong sa kanyang kapwa.
Makalipas naman ng isang taon ay may nadiskumbre ng gamot para sa sakit na dulot ng virus. Muling nanumbalik ang ekonomiya at unti unting bumangon ang mga tao sa kadiliman na sumakop sa kanila noong taong ito.
January 28, 2021.
Kinuha ang aming banda upang mag endorse para sa isang commercial. Ito ang una naming pagharap sa camera , nakakatuwang isipin at balikan dahil hindi namin alam ang aming gagawin maliban lang kay Aki na para bang sanay na sanay na ito sa pag arte.
Matapos ang shooting sa commercial na iyon. Ay may ibinalita sa akin si Jonas.
Uuwi na daw si Vanessa.
Oo ! Si Vanessa na kanyang iniibig. Ayon sa kanya magtatayo nalang daw ng business ang kanyang kasintahan at mas pinili na bumalik rito sa bansa galing sa Italya. Syempre masaya ako para sa kaibigan ko.
Feb 20,2021
Nagpakasal agad si Jonas at Vanessa .
Imbitado ang lahat maging ang mga myembro ng aming banda. Sobrang pormado ang aking kaibigan noong kasal nya na para bang sya ang hari at si Vanessa naman ang reyna. Makulay ang naging reception, napakaraming pagkain at may live band pa ! At hulaan nyo kung sino ang bandang inupahan nila ? Syemre kame rin mismo! Kame rin mismo ang tumugtog sa reception ng kanilang kasal.
Naalala ko rin napakaganda ni Louella noong mga panahong iyon , naka asul na bestida sya na tinerno nya rin sa asul nyang heels. Nilugay nya rin yung buhok nya na sa unang pagkakataon ginawa nya ito sa isang importanteng okasyon. Mas lalo syang gumanda , maganda naman talaga sya kahit naka ponytail hairstyle pa sya pero iba pala ang tama kapag nag iba ng hairstyle yung taong mahal mo sa biglaang pagkakataon.
Noong oras na para sumalo sila sa ibabatong kumpol ng bulaklak na mula sa bride na si Vanessa, si Louella ang nag presinta para sumali sa pagsalo. Ako talaga ang unang pinapapunta nya subalit tumanggi ako, hindi kase ako naniniwala sa mga kasabihan nila na kung sino daw ang makasalo ng bulaklak na ihahagis ng bagong kasal ay ito raw ang isusunod na ikakasal.
("Hindi totoo yun ")
sabi ko pa.
Nasa likod pa si Louella noon at natatakpan ng karamihan dahil sa kaliitan nito. Ang daming nag aabang at nag-aasam na makuha ang bulaklak , sabik na sabik na ang iba na sila ang makasalo para sila na ang sunod na ikasal.
Pero sa maniwala kayo o sa hindi. Hindi naman tumalon o nakipag balyahan o kahit man lang nakipag unahan si Louella sa pagsalo ng bulaklak na inihagis ni Vanessa mula sa likuran nito ay sya parin
ANG NAKASALO .
Tuwang tuwa ito mula sa malayo na kinakaway ang hawak nyang bulaklak. Labis na ligaya ang aking naramdaman mula sa aking pagkakatitig sa masaya nyang pag ngiti. At doon isang desisyon ang aking nabuo, mula sa aking pagkakaupo lumunok ako ng malalim at humawak sa aking puso , naisip ko na balang araw ay mag pro proposed ako sa kanya para magpakasal.
Ilang linggo lang ang lumipas ay nabalitaan namin na buntis na si Vanessa sa una nilang anak ni Jonas. Tuwang tuwa si Jonas noon at halos hindi maka focus sa ginagawa naming rehearsal ng aming pagtugtog dahil sa balitang nalaman nya . Ngumiti ako at binati ko ang aking matalik na kaibigan sa biyayang kanyang matatanggap. Mas lalo nya ring pinagbuti ang kanyang ginagawa dahil nadagdagan na raw ang kanyang inspirasyon sa buhay. Ganon daw pala yun, kapag nagka anak kana magbabago na ang pananaw mo at iisipin mo na ang kapakanan ng iyong magiging pamilya. Pero hindi raw lahat ganon , kase yung ibang ama iniiwan ang kanilang asawa matapos magawa ang gusto , marahil natatakot sa obligasyon . Mga walang kwentang tao ang ganon, tinatakasan ang isang bagay na sila mismo ang pumasok. Mga immature ang ganong uri ng tao at lalaki. Hindi ganon si Jonas dahil noong nalaman nya palang buntis na si Vanessa ay mas lalo pa itong naging aktibo sa kanyang mga aksyon.
Siyam na buwan ang lumipas nanganak si Vanessa , isang malusog na batang babae , ang pangalan daw ay Johana Ayesa pinaghalong pangalan ng kanyang ama at ina.
Makalipas pa ang ilang buwan ay pina-binyagan nila ito at kinuha ako bilang isa sa mga ninong ng anak ni Jonas.
Nang sumunod na taon, mas lalo pa naging mainit sa buong mundo ang aming banda. Dinala kame nito sa aming unang pagkakataon na makapag concert sa ibang bansa, matagumpay naman ito at sobrang saya! nasundan pa ito ng mga ilan pang concerts sa naturang taon.
October, 11 2022.
Birthday ito Louella, nag date kame at kumain sa isang sikat na restaurant, pagkatapos nun ay namasyal at nanuod ng sine. Niyaya nya rin ako na magpakulay ng buhok.
Pumayag naman ako dahil parang regalo ko na rin sa kanya itong pagpapakulay ko. Mula sa itim na nakasanayan na kulay ng aking buhok ito ay naging BERDE. Bakit berde ? Para magmukha akong halaman. Syempre joke lang yun! Hahaha.
Nagpakulay rin si Louella at nag pagupit pa ng kanyang buhok. Pinaiksi nya ito. Hanggang leeg nalang at tinaggal ang full bangs at pinalitan nya ito ng one sided bangs, pinakulayan nya pa ng pinagsamang pink at violet. Ang gandang pagmasdan ! mas lalong bumagay sa kanya dahil maputi syang babae asar ko nga sa kanya dati ay anemic dahil parang kulang sya sa dugo dahil kaputian nito.
Noong nalaman ni Jonas na nagpakulay kame ng buhok nainggit ito at makalipas lang ang ilang araw nakita ko na lamang na kulay silver na ang buhok nito. Hindi ko nga nakilala noong nakasalubong ko sya sa escalator sa isang mall. Papa-akyat ako sya naman pababa.
Hindi talaga magpapatalo .
Nagsimula na rin akong mag work out sa gym para magpalaki ng katawan, syempre kailangan magbago (pero sa magandang paraan) .
DECEMBER, 23 2022
May magaganap na malaking concert na pinagbibidahan ng mga sikat na personalidad pagdating sa pag awit, magaganap ito sa disperas ng pasko , BUKAS ! Magandang balita ito dahil kasama ang aming banda sa napili upang tumugtog.
Naisipan namin ni Louella na dumalaw sa madalas kong puntahan na Musical Instrumental Shop. Nagsuot pa kame noon ng couple hoodie jacket na kulay pula, ako'y nag sumbrero at sinuot ang isang shades , sinabayan pa ng isang itim na facemask. Ginawa ko iyon upang makagalaw ng maayos at makatakas mula sa mga taong sunod nang sunod sa akin sa tuwing nakikita nila ako.
Layunin ng aming pagpunta ay bilhin ang pinapangarap kong gitara ang RoseMorris Rickenbacker , madalas ko itong makita sa pinaka sentrong bahagi ng tindahan.
Nakasilid sa isang silyadong bullet proof na salamin at napapaligiran ng mga pilak na disenyo sa apat na sulok ng kanyang sisidlan.
Kapag pumasok ka sa loob ng tindahan ito agad ang makikita mo , nakadisplay sa pinakamataas na bahagi at gitnang gitna. Sobrang takaw sa paningin lalo na sa katulad kong mahilig sa gitara.
Subalit noong araw na iyon isang malungkot na balita ang aking nalaman mula mismo sa may ari ng tindahan. Ilang araw bago kame pumunta ay may isang lalaki raw ang dumayo sa tindahan at binili ang nasabing gitara.
(Flashback)
(" Nako , iho . Nabili na nung nakaraang araw pa. Yung bumili halos kasing edad mo lang din. Ayaw ko nga ibenta yun kase sobrang sentimental sa akin ang gitarang iyon nagiisa lang iyon. Pero pinilit nya ako , nadala ako sa mga mabulaklak nyang salita kaya ayun binenta ko ")
Pagpapaliwanag ng may ari ng tindahan.
Napatingin ako sa sahig nong mga oras na iyon, tanda ng pagkadismaya. Ilang segundo akong natigil dahil sa pagkalungkot naisip ko hindi na ako nahintay ng pinapangarap kong gitara. Humawak ako sa aking ulo at kumamot sa aking buhok. Ngumiti at tinanggap nalang ang nangyari.
(" Okay lang po yun , wala napo akong magagawa kung nabili na ")
Tumungo ang may ari ng tindahan sa kanyang lamesa at parang may kinuha ito sa kanyang drawer. Matapos ang ilang sandali bumalik ito sa kinapwepwestuhan namin na may dalang papel sa kanyang kanang kamay, maliit ito na animoy resibo ng pinagbilhan.
(" Ito ang kopya ng resibo dun sa bumili ng gitara na gusto mo ")
Iniabot nito sa akin ang resibo at tinignan ang pangalan ng bumili sa gitarang ilang taon kong pinapangarap.
JOHN CLAUS McBETH
Ang nakasulat na pangalan , pirmado nya rin ito at naroroon din ang presyo ng gitara na kanyang binili.
Dahil sa nangyari bumili nalang si Louella ng isang Gibson guitar at binigay sakin. Kulay pula at ang bandang katawan nito ay asul, ang gandang kombinasyon sambit ko pa sa sarili.
**********
December 24, 2022
8:05pm
Disperas ng kapaskuhan, sa araw na ito ginanap ang pinakamalaking pagtitipon ng mga kilalang mang aawit at mga banda sa isang concert. Ginanap sa THOUSANDS WORLD ARENA , sa laki daw ng arena na ito ay kayang magpapasok ng halos isang daang libo (100,000) na mga tao. Pinakamalaking entertainment arena na naitayo sa bansa. Napakaraming tao na nagkalat sa buong paligid. Hindi pa naguumpisa ang concert sa oras na ito subalit dagsa na ang mga tagasuporta ng ibat ibang banda at personalidad na kakanta mamaya sa pagtatanghal na ito. Meron din live telecast na pinapalabas para sa mga sumusubaybay na nasa kanilang mga tahanan.
Noong nandoon na kame , kakaiba ang pressure na aking nararamdaman. Kinakabahan na natutuwa na nahihiya na natatakot. Pero isang paghawak sa aking kamay ang aking naramdaman , mula kay Louella na nakasuot ng napakagandang puting bestida na nangingibabaw sa karamihan.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking mga kaibigan at kamag aral noong kolehiyo , karamihan sa kanila ay may kanya kanya nang buhay subalit naroroon para suportahan ako at ang aming grupo. Nilapitan ko sila at kinamusta , nakakatuwa at nakakataba ng puso.
Isang kulabit mula kay Louella ang nagpatigil sakin sa pakikiusap sa aking mga kaibigan, nilingon ko ito at nakita ko si Louella na kinukulabit ako habang nakatingin ang kanyang paningin sa isang direksyon . Binaling ko ang aking sulyap kung saan sya tumitingin. Nakita ko ang isang pamilyar na itsura na papalapit sa amin.
Hindi agad ako nakapagsalita parang napako ako sa aking kinatatayuan at nangatal ang aking panga ,hindi ko iyon maigalaw sa gulat.
(" Kuya Melvin . Kamusta po ? ")
Tinig mula sa isang binata.
Si Bernard.
Tama kayo si Bernard yung batang may sakit na Leukemia na aking nakilala noon. Kahit hindi makapaniwala sa aking nakikita napangiti na lamang ako. Salamat sa diyos at naka surivive sya sa napakalaking pagsubok sa kanyang buhay. Binata na sya. Ayon sa kanya 17 years na sya at masiglang masigla. Kahit hindi ko na naitanong kung paano sya nakalaban sa kanyang sakit ay mababatid sa kanyang masayang pakikipagusap sa akin kung gaano na sya lumaki bilang mabait at matapang na binata. Kasama nya ang kanyang ina na pumunta roon para sumuporta sa amin.
(" lagi ko kayong napapanuod kuya Melvin, noon palang gustong gusto ko na talaga manuod ng live sa mga concerts nyo, ngayon matutupad na talaga ")
Matapos ang pangyayaring iyon.
Dumating na ang aming grupo at dinala kame sa aming dressing room, rito nagbihis na ang bawat isa sa amin suot ang aming band uniform. Kakaiba ang design at sobrang maporma. Naiwan ako sa silid dahil hindi agad ako nakapagbihis, pumasok rito si Louella at kinausap ako.
Masisinsinan kaming nag usap sa mga bagay bagay. At doon sa oras na iyon , sa pagkakataong iyon, humingi ako ng paumanhin sa aking nagawa sa kanya at nagpasalamat narin sa tulong nya para sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit at kinuha ang isang regalo sa kanya.
December 24, 2022 sa eksaktong oras na 8:51pm. Habang naguumpisa na sa labas ang pagtatanghal ng mga mang aawit at banda, Nag proposed ako kay Louella .
Inalok ko sya kung papayag sya sa akin na magpakasal. Maiiyak iyak pa nga syang sumagot sakin ng " Oo" , hindi ko na raw dapat itanong pa sa kanya ang bagay na iyon. Pagkatapos ng matinding iyakan at pag amin , lumabas ako sa dressing room matapos akong makapagbihis, sakto naman na habang nasa labas ako ay may mag reporter na sumalubong sa akin at agad akong hinarang. Tinanong kung pwede raw ako sumaglit muna para sumagot ng mga ilang katanungan nila.
Tumango naman ako at pumayag sa paanyaya.
Habang iniinterview ako ay may isang organizer ang nakikipagtalo sa sa isang manager ng isang singer. Hindi ko sila masyado maintindihan pero nakuha nila ang atensyon ko .
(" Anong gagawin nyo ngayon ? Umalis yung talent mo ? Bakit nya ginawa yun ? Anong nasa isip nya ? ")
pagalit na pagsasalita ng organizer.
Walang tugon mula sa isang manager kundi pagyuko lang at paghingi ng pasensya.
(" Pinipilit ko syang pigilan , pero hindi sya nakinig sakin. Sabi nya meron syang pupuntahan at bigla nalang umalis, hindi namin kagustuhan ang nangyari na ito ")
mahina nitong tugon.
(" So ano ? Ganon nalang ? Dahil sa ginawa ng bata mo masisira ang schedule ng pagkakasunod sunod ng mga magpeperform ! Nako naman ! ")
pagalit parin nitong wika.
Muli kong tinanaw si Louella sa loob ng silid sa dressing room , naroroon parin ito. Narinig ko kase na parang may kinakausap sya.
(" Sino kinakausap mo dyan ?")
Pagtatanong ko.
Pero alam nyo nakakatawa yung sagot nya.
("Ikaw ! Ikaw yung kausap ko kanina rito)
Napailing ako na may halong nakakabirong pag ngiti.
("Papaano mo ako makakausap ? eh naririto ako sa labas at sumagot ng panayam sa akin ng mga reporters. ")
Pero giniit nya parin na ako raw ang kausap nya at umiiyak pa. Hindi ko nalang iyon pinansin kase baka namamalik mata lamang sya .
Nang matapos ang panayam sa akin .
Agad akong tumungo sa kinaroroonan ng aking grupo. Dito nalaman ko nga na mas mapapaaga ang aming pagkanta, siguro dahil nga dun sa isang nag walk out na singer.
Isang mahigpit na group hug na sama sama ang aming ginawa , bago namin narinig ang MC sa concert na iyon na tawagin ang aming grupo sa entablado upang tumugtog na.
Sabay sabay kaming umakyat sa malaking parisukat na entablado at hinarap ang nakapakaraming tao. Mula roon tumugtog kame ng buong pagmamahal. Buong puso at buong pagtanggap. Malakas na sigawan ang nangingibabaw sa buong arena , sigawan na kahit kelan ay hindi ko malilimutan.
Marahil may mga bagay ako na nagawa noon na mali at hindi tama. Marahil ang mga bagay na ito ay sadyang pinaramdam sa akin upang maging matatag at malakas akong tao. Lahat ng mali kong ginawa , lahat yun pinagsisisihan ko na. Lahat yun ay pinilit kong itama. Totoo nga na walang perpektong tao, pero pwede kang maging matinong tao para sa sarili mo at sa kapwa mo. Marami akong bagay na pinasasalamatan sa aking buhay. Unang una ang aking Ina, ang magulang ko na labis na nagmamahal sa akin. Ang aking kasintahan na si Louella na hindi napagod na intindihin ako sa kabila ng aking pagbabago. Maling pagbabago na muntik ko nang ikapahamak. Pero salamat sa kanya dahil nailigtas ako at naririto ngayon nakikipag usap sa inyo. Sa aking bestfriend na si Jonas na laging nandyan para sumuporta sa lahat ng bagay. At sa aking mga nagmamahal na tagasuporta, sobra akong nagpapasalamat dahil nariyan kayo para mahubog pa ang aking pagkatao. Kayo ang naging inspirasyon ko at lakas sa aking mga ginagawa.
Hindi ko kayo makakalimutan!
Marami pong salamat.
Muli kong binalikan kung paano ko sinagot ang mga katanungan sa akin noon ng mga reporter sa kanilang panayam sa akin.
Ito ang pinaka the best part ng gabing iyon.
(Flashback , interview with Melvin Torres.)
(" Ikaw si Melvin Torres hindi ba ? Ang Bokalista ng 9:48AM ? ")
(" Ako nga po ")
(" Pwede po bang ma interview ka namin ? Kahit saglit lang ? Meron lang kameng kaunting mga katanungan patungkol sa iyo at sa buong banda nyo ")
(" Wala pong problema. Malugod ko kayong sasagutin ")
(" Unang tanong , ang banda nyo nitong mga nakalipas na taon ay sobrang naging tanyag sa buong bansa. Ano kaya ang sa tingin mong factor bakit minahal kayo ng madla ? ")
Ngumiti si Melvin at ilang segundong nagisip bago umusal ng isasagot.
(" Sa tingin ko. Dahil sa mga kanta namin. Yung mga kanta na ginagawa namin ay may mga lirikong lubos na pumapatok sa mga nakakarinig nito. Dahil tagos sa puso ang aming ginagawang pagkanta. Pinaparamdam namin sa mga tao na ang kantang ginagawa namin ay para talaga sa kanila. ")
(" Kaya pala , maging ang mga Music Video ninyo ay nagpapakita ng ibat ibang kwento ng totoong buhay ng tao , iyon ay para maipakita nyo sa kanila ang aral sa bawat kanta na ginagawa nyo ")
Tumango si Melvin tanda ng pag sang ayon nito sa sinabi ng reporter.
(" Ano naman ang sikreto nyo bilang isang grupo para magtagal at mahalin ang pinili nyong propesyon? ")
(" Uhmm. Yun ba ? Sa tingin ko , dahil lagi naming iniisip yung madalas sabihin ng aming manager . "Maging masaya kayo sa inyong ginagawa ". Lagi namin tinatatak sa isip yan sa tuwing kumakanta kame. Mahalin mo ang trabaho mo at maging masaya ka sa ginagawa mo. Kaya lagi kaming nakangiti at masigla dahil hindi namin iniisip ang pagod, mahal namin ang aming trabaho kaya walang rason para mawalan ng gana. Pwede kang magpahinga pero wag kang susuko. Mahirap man ang iyong ginagawa pilitin mo parin maging masaya habang ginagawa ito. ")
Muling nagtanong ang reporter.
(" Ano naman ang iyong nararamdaman sa tuwing nakakarinig ka ng mga papuri mula sa mga tao dahil sa kagalingan mo sa pagkanta ? Hindi na nakakapagtaka iyon dahil ikaw ang pinakasikat na myembro ng inyong grupo")
(" Masaya, nakakataba ng puso na marinig ang mga papuring iyan mula sa inyo at sa iba, mas lalo akong nagpupursige upang mas higit pang gumaling at mabigyan kayo ng maayos na awitin .
("Subalit sikat ? Sa tingin ko may sikat sakin si AKO. Si AKO kase apple of the eye sya ng mga kalalakihan dahil sa natural nyang pagiging cute , hindi lang sa itsura pati narin sa kilos. Bukod pa dun yung pagiging magaling nya sa pag pia-piano")
("Pero sa tingin ko , hindi lahat ay dapat sa akin ibigay. Dahil para sa akin ang lubos na dapat papurihan ay ang aking mga kasama. Kung wala silang magagandang tunog na ginagawa, hindi ako makaka kanta ng higit pa sa aking kakayahan. Sila talaga ang pundasyon sa grupong ito at sobra ko iyong pinasasalamatan. Sila talaga ang dapat papurihan ng marami at hindi ako ")
Mapatahimik ang mga reporters sa narinig.
Hanggang isang babaeng reporter ang naglakas loob na magtanong muli.
(" Ayon sa ibang article , kinuha ang pangalan ng inyong grupo sa isang pangyayari sa iyong buhay ? Pwede mo bang ikwento iyon sa amin ?")
Hindi agad nakapagsalita si Melvin, nagbuntong hininga ito saka umusal ng isasagot.
("9:48AM. Maniniwala ba kayo na ang oras na iyan ay ang mismong eksaktong oras noong binalak kong tapusin ang aking buhay ? Ilang beses ko na ito sinagot sa mga nakaraang interview , kaya naman uulitin ko lang kung ano ang madalas kong sabihin. Marahil alam na ninyo ang nangyari sa akin noon , apat na taon na ang nakararaan. Noon may mga bagay akong lubos na pinagsisihan at pilit na itinama.
Nilamon ako ng kalungkutan at depresyon. Tinalo ako ng masamang bisyo at sinakop ang buo kong pagkatao. Wala na akong makausap at halos takot akong magsabi ng aking nararamdaman sa kadahilanang , nahihiya ako na baka pagtawanan lang nila ako kapag narinig nilang nakakaramdam ako ng depresyon. Hindi ko na alam ang aking gagawin , sobrang hirap at sobrang sakit ang aking naranasan. Dahilan upang magdesisyon akong magpakamatay sa Pluna Train Station.
Naisip ko kase na baka iyon na ang magiging sagot sa aking problema. Kapag nawala ako o kapag namatay nako makakatakas nako sa kalungkutan at hindi na ako masasaktan pa.
Pero mali pala ako. ")
("Maniniwala ba kayo na nung mga oras na tumalon ako mismo sa riles ng tren ay nakita ko ang aking sarili na namatay. Pero isang liwanag ang aking nakita at dinala ako nito sa aking nakaraan , doon pinakita sakin ang lahat mula sa aking pagkabata at hanggang sa aking pagkabinata. Dinala rin ako sa aking hinaharap, doon nakita ko ang aking buhay. Nakita ko na magiging sikat akong bokalista at magiging tanyag ang aming banda sa buong bansa. Nakita ko ang lahat. Kahit magulo sa aking isipan ay naunawaan ko na pinakita sa akin ang mga nangyare at ang mga mangyayari. Kaya naman noong bumalik ako sa ulirat nasa bungad parin ako ng riles , dahilan para hindi ko na ituloy ang aking binabalak na plano. Pakiramdam ko iyon na ata ang pinakamatagal na oras sa aking buhay. ")
Napakunot ng noo ang mga reporters sa narinig. Na animo'y hindi sila naniniwala sa kine-kwento ni Melvin, sino nga ba naman ang maniniwala sa kwento na makikita ang iyong hinaharap sa gitna ng iyong kamatayan. Syempre wala. Pero para kay Melvin lahat ng kanyang sinasabi ay pawang katotohanan.
Muli pa itong nagsalita.
("Napagtanto ko na lahat tayo dumaranas sa matinding problema sa buhay, maliit man ito o malaki. Susubukin tayo nito sa ating tatag ng kalooban at lakas ng paniniwala . Pero dapat matuto tayong LUMABAN SA HAMON NG BUHAY . Hindi tayo dapat sumuko. Lahat ng tao may problema , kung iniisip mo na ikaw na ang pinakamalas na tao sa buong mundo nagkakamali ka roon, isipin mo nalang na may mga tao pa dyan na may mas matinding pinagdadaanan sayo, yung mga taong hindi alam kung saan sila kukuha ng pera para ipambili ng pagkain nila sa araw araw, yung mga taong walang matirahan, yung mga taong labis na inaabuso sa pisikal at mental na pagiisip, pero sumuko ba sila ? Hindi. Bagkus nagpapatuloy silang lumaban dahil ito ang buhay. Natural lang na makaramdam tayo ng kawalan ng pag asa pero sana maging positibo parin tayo sa buhay. Maging matatag at isipin ang mga taong lubos na naniniwala sayo, mga taong nagmamahal sayo at umaasa sa kakayahan mo. Ang mahalaga buhay tayo. Habang may buhay may pag asa. Habang nabubuhay ang tao makakagawa pa sya ng paraan na lumaban sa kahit na anong hamon ng buhay. Hindi ka nagiisa yan ang pakatandaan mo. ")
("Naisip ko rin na , hindi solusyon ang pagpapakamatay sa iyong problema. Hindi yan matatakasan ang katotohanan na iyong kinakaharap. Mas lalo mo lang papahirapan ang iyong mga naiwan. Hindi naten hawak ang oras sa ating buhay, marahil ngayon malungkot ka , pero baka bukas masaya kana. Ngayon nasa ibaba ka pero bukas nasa itaas kana. Ganon ang buhay. Hindi mo masisigurado kung ano talaga ang mangyayari sayo, kaya wag kang susuko kapag nakararanas ka ng problema.
Maniwala ka sa sarili mo na ang kagalingan wala sa labas , ang kagalingan ay nasa puso.")
Matapos ang panayam sa kanya ay tinawag na si Melvin ng isang staff at pinapapunta na sa kanyang grupo dahil sila na ang susunod na magpeperform sa kadahilanan na nagbackout ang isang kilalang singer .
Dahan dahan itong naglakad at nagpasalamat sa mga reporters na nung mga oras na iyon ay nakatulala dahil sa napakagandang winika ni Melvin sa kanila.
Hanggang isang reporter ang naglakas loob na magtanong ng isang NAPAKAHALAGANG BAGAY.
("Sa lahat ng nangyari sa buhay mo , ano ang masasabi mong
" ARAL NA IYONG NATUTUNAN?" )
Huminto si Melvin sa paglalakad , maya maya ay humarap ito na may luha sa kanyang mga mata. Luha ng kaligayahan. Luha ng kasiyahan.
Nakangiti itong tumugon.
(" Aral na aking natutunan ? )
Huminga sya ng malalim at nagwika.
("ANG BUHAY AY MAHALAGA " )
******************
Pagtatapos.
************************************************
Credit scene:
Isang kaguluhan na nagmumula sa backstage ng isang napakalaking concert ang nagaganap. Meron daw isang sikat na singer ang nag backout mula sa takda nitong pagtatanghal.
"Ano na ang balak mo ngayon ? Bigla nalang umalis ang bata mo nang hindi nagpapaalam sa amin ? Kame ang organizer sa event na ito"
pagalit na usal ng isang lalaki na nakasuot pa ng asul na americana at asul na pants animo'y sya ata ang head organizer ng nasabing concert.
"Pasensya na talaga kayo. Pinilit kong pigilan si McBy subalit hindi sya nakinig sa akin "
pagpapaliwanag ng tumatayong manager ng nasabing singer.
"Ano ba ang totoong pangalan ng McBy na iyan ?
Iniabot sa head organizer ang isang papel naglalaman ng bio data ng singer na nag ngangalang McBy.
Ang totoo nyang pangalan ay.
John Claus E McbBeth
Isang lalaki ang mabilis na tumatakbo sa labas ng nasabing concert , nagmamadali ito at masayang nakangiti. Pasan pasan nya sa kanyang balikat ang isang gitara. Ang gitarang RoseMorris Rickenbacker.
Post credit scene:
Melvin's POV
Matapos ko ilapag sa harap ng aking sasakyan ang aking tala arawan isang pagkatok mula sa salamin na bintana ang aking narinig.
Ang anak kong babae na si Micaella. Karga karga ito ng asawa kong si Louella. Limang taon (5years old) na gulang na ito. Agad kong binuksan ang pintuan ng sasaktan at pinapasok sila. Maya maya ay isa pang tinig mula sa loob ng bahay ang lumabas. Si Meito, anak ko rin na lalaki limang taon (5years ) na gulang narin ito.
Sa mga nagtatanong , oo may anak nako. Kambal sila. Si Micaella at Meito. Ang aking mga anghel, napakabibo at napakatalinong mga bata. Syempre mahusay ang mga taga gabay.
Lumabas ito kasama ang lola nya na aking ina. Tumungo sila sa loob ng sasakyan at doon ay naupo.
Inilapag ni Louella ang malaking basket sa compartment ng sasakyan na naglalaman ng mga pagkain at iba pang mga gamit .
JULY , 04 2029
Birthday ko ang araw na ito. Naisipan namin buong magpapamilya na magpicnic magkakasama. Nilingon ko pa ang mga anak ko sa likod ng sasakyan , masaya itong naglalaro ng kanilang mga paboritong stuff toy. Si Meito mukhang may future pagdating sa pagtugtog dahil nakikitaan ko ito ng hilig sa mga pang musikang instrumento. Si Micaella naman ay hilig ang magbasa, bata palang marami na syang binabasang mga libro, tiyak maganda rin ang magiging future nya.
Nang maayos na ang lahat ay pinatakbo ko na ang sasakyan. Nakapag pundar na ako ng sariling bahay mula sa aking kinikita sa pagiging bokalista ng banda. Nakabili ng apat na sasakyan at nakapagpatayo ng mga business sa pag gagabay ng kaibigan kong si Jonas. Si Inay ay nakatira sa bahay namin , masaya nyang inaalagaan ang kanyang mga apo. Si Jonas at Vanessa naman kasama ang kanilang anak ay pabalik balik nalang mula sa pagbabakasyon sa ibat ibang bansa , travel goals ang kanilang pamilya. Tumutugtog parin naman kame magkakasama at patuloy parin kaming minamahal ng mga tao.
Nagpapasalamat ako sa lahat ng biyayang aking natanggap, lubos ko itong itatago hanggang sa ako ay pumanaw.
Masaya kong pinakatitigan ang aking mga anak sa paglilibot nito sa malawak na kapatagan sa taas ng isang burol. Doon namin napiling magpicnic at i-celebrate ang aking kaarawan.
Nakita ko pa na tila may pinitas ito na napakagandang bulaklak ang aking anak na babae na si Micaella sa isang malaking bato na napapalibutan ng mga malulusog na halaman. Kinuha nya ito at masayang winawagayway sa amin mula sa malayo.
Hinawakan ko ang kamay ng aking asawa mula sa aming pagkakatayo sa isang gilid.
Nakapagisip nako, nakapag desisyon nako.
Tumingin sakin si Louella at ngumiti. Tila alam nya na ang aking sasabihin. Magaling nga talaga sya magbasa ng isip ng tao.
" Louella. Binabalak ko nang mag retiro sa pagkanta. At magfocus nalang sa ating pamilya."
Isang pagyakap ang isinagot ng aking asawa at hinalikan ako sa labi.
"Melvin "
"Salamat"
Huli nyang wika.
WAKAS.
All Rights Reserved 2020.
***********
Marami pong salamat sa mga sumuporta sa aking nobela , nawa'y nagustuhan nyo ito. Mahal ko po kayong lahat.
- author