Melvin Albert Torres :
Hello ! Ako po si Melvin ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa aking kwento mula simula hanggang dulo.
Higit pa sa salita ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Sana marami kayong natutunan sa aking kwento. Marami akong aral na babaunin sa pagtatapos na ito, mahalaga ang buhay . Napakahalaga. Ingatan naten ang ating sarili mahalin naten ang ating mga magulang, mga kaibigan , ating minamahal.
Mahalaga talaga na may pangarap ang tao. Dahil yan ang magiging sandigan nya na tuparin ito hanggang sa huli.
Sana naging aware kayo sa resulta ng depression sa buhay ng isang tao. Hindi po biro ang depresyon sa pagiisip ng taong meron nito. Sana po wag naten gawing biro bagkus simulan naten na gawin itong seryosong usapin.
Kung may kakilala kayong nakakaranas nito ay mas maganda kung maaga palang ay makausap nyo na sila bago mahuli ang lahat. Kailangan nila ang inyong tulong kahit sa inyong simpleng salita lamang ay pwedeng magkaroon nang malaking factor sa kanyang pagiisip at pananaw. Intindihin naten sila at wag naten pagtawanan. Tulad ko na nakaranas ng depresyon alam ko kung gaano ito kahirap kaya naman panahon na para magtulong tulong tayo para mapigilan ito.
Sa taong nakakaranas naman nito. Think positive lang. Lahat ng bagay may dahilan. Wag mawalan ng pag asa. Tuloy ang buhay. Hindi lang ikaw taong dumaraan sa hirap meron pa dyan mas malala sa kamalasang nangyayare sayo pero sumuko ba sila ? Hindi ! Kase ganyan ang buhay. Madadapa ka. Pero dapat tumayo ka. May mga tao paring naniniwala sayo wag kang matakot humingi ng tulong at kausapin sila. Ilabas mo ang nararamdaman mo .
Lahat ng tao ay dumadaan sa matitinding pagsubok sa ating buhay pero wag tayong titigil mangarap, wag tayo titgil mabuhay. Maari ngayon malungkot ka pero malay mo bukas masaya ka naman. Yan ang buhay ! Masaya mabuhay sa mundo kahit puno ng pagsubok. Pwede kang umiyak pero pagtapos naman nun ay ngumiti ka.
Muli salamat sa inyong lahat. Kita kits tayo sa 2029!!