JONAS SANTILLAN :
Balita ko ang dami ko raw fans dyan ah ? HAHA. Kamusta kayo ? Best boy ? Best character ? Ultimate guy in the story ? Best supporter? Hahaha dami kong naririnig na mga ganyan.
Salamat po sa inyong lahat. Ako po ay natutuwa dahil ang daming nakaka appreciate ng aking karakter sa kwentong ito.
Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang matalik na kaibigan ni Melvin. Sana ganon din kayo sa mga best friend nyo. Sana lagi kayong nandyan para sa kanila. Pati sa oras na talagang need nila kayo. Sa mga oras na kailangan nila ng kausap wag kayong magdalawang isip na damayan sila.
Marami kang pwede maging kaibigan pero hindi lahat kaya maging TUNAY NA KAIBIGAN. Yan ang tatandaan nyo. May mga tao dyan na kaibigan lang kayo pag may kailangan sa inyo at hindi kayo kilala pag walang wala kayo. Mali yun ! Ang tunay na kaibigan dadamayan ka kahit pa nasa pinakababang bahagi kana ng buhay mo. Ang tunay na kaibigan ay yan mismo ang magsasabi na mali kana sa ginagawa mo! Yan din ang unang natutuwa sa tuwing nakikita ka nyang umuunlad at sumasaya.
Ginawa ko ang trabaho ko . Dahil kaibigan ko si Melvin wala nang ibang dahilan doon.
Ayan naiiyak tuloy ako hahaha. Napapadrama ako nang wala sa oras.
Salamat uli sa inyong lahat sana may part 2 ang A Vocalist Diary HAHA.