Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 21 - Main characters message to the readers

Chapter 21 - Main characters message to the readers

Janicia Albert Torres.

Marami pong salamat sa pagbabasa ng A Vocalist Diary. Bilang ina ni Melvin sa kwentong ito ako po ay lubos na nakakarelate sa problemang kinakaharap ng ating mga anak. Tayong mga magulang wag naten kalimutang kausapin ang mga anak naten kahit sa maliit na bagay lang.

Mahalaga parin na nakakausap naten sila upang malaman ang kanilang nasa damdamin at para wala silang itago sa atin. Mahirap kase na mismong sarili nateng mga anak ay naglilihim sa atin dahil natatakot ito na husgahan naten.

Kung may mali ang mga anak, minsan nasa atin ding magulang ang pagkukulang. Hindi naten iniintindi ang kanilang nararamdaman , minsan dahil iniisip naten na magulang tayo at dapat tayo ang masunod ay hindi naten naiisip na mismong kaligayahan na nila ang ating natatamaan. Dahilan upang magrebelde ang anak at hanapin sa ibang tao ang pagtanggap at kaligayahan na di nila nahahanap sa loob ng pamamahay.

Para sa mga anak naman. Mahalin ninyo ang inyong mga magulang dahil walang magulang ang maglalagay sa inyo sa kapahamakan. Lahat ginagawa nila para sa inyo. Isipin nyo nalang ang kanilang paghihirap sa pagpapalaki sa inyo. Tumbasan nyo iyon ng pagsusumikap para matupad ang mga pangarap nyo.

Nako ! Napakarami na ata ako ng mga sinasabi. Muli salamat po sa inyong lahat.