"SALAMAT"
"MELVIN "
Isa na namang tinig ang aking narinig. Dinidilat ko ang aking mga mata. Ngunit hindi ko magawa. Hindi ko agad maimulat ang aking paningin. Sobrang liwanag ang aking natatanaw sa buong paligid yung tipong madalas mong maramdaman sa tuwing gigising ka sa umaga.
Samot saring tinig pa ang muli kong napakinggan. Nagsisigawan ang mga ito na para bang may nangyayaring kasiyahan.
Dahan dahan kong minulat ang nananakit kong mga mata at nakita ang buong paligid.
"Nasaan ako ?"
yan lamang ang aking nasabi matapos makita ko ang aking sarili na nakahiga sa isang pwesto sa labas ng isang complex center.
Malawak ang lugar na pabilog ang daanan, napakaraming tao sa paligid ang aking natatanawan.
Tumayo ako. Nagpalinga linga at patuloy paring nagtataka sa mga nangyayari.
Nakita ko ang ibang mga tao na nakasuot ng kanilang mga magagarang damit na animo'y sinadya talagang isuot para sa pinakahinahantay na araw na ito.
Mga nanay, mga tatay, mga ate at kuya.
Pormada at pormado ang mga ito at masayang naghahantay sa bukana ng pasukan sa complex.
Ilang sandali pa ay naglabasan na ang mga tao mula sa loob ng tanghalan. Mas lalo pang naglakasan ang mga sigaw at hiyaw sa buong paligid. Nakakabingi . Sasabog na ata ang tenga ko sa sobrang lakas ng mga ito.
Naaninagan ko ang mga lumalabas. Nakasuot ang mga ito ng Toga at may mga hawak na papel na nakarolyo sa kanilang kamay. Mahigpit nila itong hinahawakan.
"Ano to ? Nasaan ako ? "
muli ko pang sambit kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso.
"HAPPY GRADUATION ! "
pagbulahaw ng isa sa mga magulang na nasa aking tabi.
Dire diretsong dumaan ito sa aking harapan at tumagos ito. At pinuntahan ang anak na masayang yumakap agad sa kanya pagkakita rito.
Kahit na gulat sa nangyari , agad akong natauhan sa mga naisip. Ang huli kong alaala ay namatay nako. Tumalon ako sa riles ng Pluna Station. Pero sa papaanong naririto ako ngayon at nagsasalita na naman? Nakikita ko na naman ang mga tao sa aking paligid subalit ako hindi nila nakikita at naririnig.
Saka Graduation? Nasa isang graduation ceremony ako ? Pero bakit ? Sumasakit ang aking ulo sa kakaisip sa mga nangyayari mas mahirap pa pala ito keysa sa pagiisip ng isasagot sa mga examination.
Isang pamilyar na tinig ang aking narinig mula sa dakong paroon. Agad akong lumingon. Hinanap ang pinagmumulan nito, hindi ako pwede magkamali sigurado ako sa aking narinig.
Hindi agad ako nakapagsalita sa aking nakita.
"Totoo ba to ? "
nauutal ko pang sambit
Nakita ko ang aking SARILI. Nakasuot ng toga at masayang nakikipag kwentuhan sa iba. Dito nakita ko rin ang aking mga kamag aral. Nagtatawanan , nagkakamustahan at nagiiyakan pero iyak ito ng kasiyahan .
Pansin ko rin na medyo tumangkad pa ang aking sarili at nakasuot na ito ng reading glass.
Wala ka maaninagan rito na kalungkutan, mula sa kanyang matatamis na ngiti, buhay na buhay na pagtawa at wala nang bukas na paghalakhak. Ako ba talaga yan ? Hindi ko alam. Pero isang bagay lang ang sigurado ako.
WALA AKO SA NAKARAAN .
Sigurado ako sa bagay na ito.
Nakita ko si Melvin na aking sarili na naglakad at may pinuntahan. Sinundan ko ito at nakita sa isang bahagi . Nakipag usap ito sa mga kakilala nya, isang babae ang lumapit sa kanya mula sa likuran at kinulabit ito.
Humarap ito sa babae at ngumiti. Niyakap nya ito ng mahigpit.
Sobrang higpit.
At nang humarap ito ay bigla akong napatigil at napatulala. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Matutuwa ba o malulungkot ?
Si Louella ang babaeng iyon. Napakaganda nya talaga. Nakasuot sya ng normal na white polo shirt at maong pants. May dala itong camera na animo'y kanina pa ito kumukuha ng mga litrato. Naka ponytail parin ang kanyang hairstyle at may haripin na kulay pink . Nakatali ang kanyang buhok na hanggang siko nito. May porseras na rin itong kulay porselana sa kanyang kaliwang kamay.
"Melvin tara doon at kukuhanan kita ng litrato " narinig kong wika nito sa aking sarili
Kumuha sya ng napakaraming litrato kasama si Melvin at masayang umakap sa braso ng aking sarili.
"Tignan mo , may souvenir na tayo ang cute mo talaga dito "
masaya nitong pagsasalita habang pinapakita ang mga nakuha nitong litrato .
"Talaga ? Mas lalong nagiging maganda yan kase kasama kita sa litrato "
pagsasalita ng aking sarili.
Nagkatitigan ang dalawa at parehas ngumiti.
Hinalikan ng aking sarili si Louella sa noo nito at muli pang niyakap .
"Mukhang nakakaistorbo ata kame ? "
pagtawa ng isang lalaki na nakatayo sa isang gilid.
Lumapit ito sa dalawa.
Si Jonas ang lalaking iyon.
Nagpagupit na sya kase iba na ang haba ng kanyang buhok . Nakasuot ito ng itim na shades na tila napakataas ng sikat ng araw sa pormado nito, kasabay pa ang ternong itim na tuxedo at black pants with black shoes. Hindi talaga halata na pinaghandaan nya ang araw ng aking graduation.
Kasama nito si Inay. Na sobrang saya para sakin. Naiiyak pa ito na yumakap sa aking sarili. Agad naman itong pinatahan .
"Inay, wag na kayong umiyak, dapat magsaya tayo ngayon . Nakapagtapos ang inyong anak " masayang wika nito ,hinaplos ang kanyang ina at hinawakan sa ulohan nito sabay hinimas , ang nakasanayan kong gawin sa tuwing may nalulungkot na tao.
"So ano na plano mo Melvs ? Pagkatapos nito " pagwiwika ni Jonas.
Ngumiti ang aking sarili at nagwika.
"Gusto kong tuparin ang aking pangarap , ang pangarap ko na umawit at tumugtog. "
masaya nitong tugon kay Jonas , sabay kindat naman sa kanyang kasintahan na si Louella.
"Syempre kasama mo ako dyan ! Bestfriend kaya kita "
wika ni Jonas sabay akbay sa kaibigan.
Masayang nagkwentuhan ang magpapamilya. Nakakatuwang pagmasdan na magkakasama sa isang sitwasyon at pagkakataon ang mga taong pinakamahalaga sa aking buhay. Si Inay , Si Louella na aking kasintahan at si Jonas na aking matalik na kaibigan.
******
Sa isang kisap ng aking mata ay nagbago na naman ang senaryo sa buong paligid at nalipat sa isang hindi kilalang sitwasyon.
Nakita ko ang aking sarili na halos maubusan na ng hangin sa kanyang katawan sa pagmamadali na tila bay may hinahabol itong napakaimportanteng gagawin. Sobrang importante na pati ang pag aalmusal ay hindi nya na nagawa. Tumungo ito sa lamesa at doon kinuha ang isang piraso ng slice bread na may palaman na itlog. Kagat kagat nya ito sa kanyang bunganga at dali daling inihanda ang mga gamit para umalis.
Nakangiti itong pinagmamasdaan ni Inay na abala sa paghahanda ng almusal.
"Aalis kana ba anak ? Hindi kaba kakain muna?"
Wika pa nito.
"Hindi napo inay , malalate napo ako , Salamat nalang po "
tugon nito . Sabay mano sa kanyang ina at kinuha ang Martin D18 na gitara nito na nakalapag sa likod ng kanilang sala .
"Saan kaya pupunta ang aking sarili ? Hindi naman sya mukhang papasok sa school, graduate na nga sya . Hindi rin naman mag appply kase hindi sya naka formal attire at wala naman resume. Saan sya pupunta ? "
Pagwiwika ko habang tinitignan ang aking sarili
Agad itong tumungo sa pintuan at kinuha ang isang brown leather jacket saka lumabas. Huli pa itong nagpaalam sa aking ina.
Sa labas ng bahay ay naroon si Jonas sakay ng kanyang sasakyan. Pinagmamadali rin nito si Melvin . Nang makapasok na ito sa sasakyan ay agad na pinatakbo nito ni Jonas.
"Pre Melvs , usapan 8am , nako 8:21 na pero paalis palang tayo "
pagwiwika ni Jonas habang nagdrdrive.
"Pasensya kana Jonas, napuyat kase ako kagabi magkasama kame ni Louella at namasyal "
tugon nito habang nagaayos pa ng seatbelt ng sasakyan.
"Magagalit sa atin si Manager nyan "
huli ko pang rinig mula kay Jonas.
Manager ? Kahit naguguluhan ako sa mga naririnig at nakikita mula sa senaryong ito ay pinilit ko parin silang iniintindi.
Nagbago na naman ang buong paligid sa aking kisap mata. Ngayon ay nasa isang malawak na silid ako. Silid na ang laman lamang ay mga instrumento pang musika. Gitara , Drum, Piano, microphone , at mga sounds equipment na madalas kong makita sa mga recording facility.
Nasa isang training room ako ? Pagwiwika ko
Pero isang lalaki ang pumukaw sa aking pansin sa gilid ng silid. Tahimik lang itong nakaupo at nagaayos ng kanyang gitara. Pinakatitigan ko ito hindi ko sya mamukhaan sa kadahilanang napakahaba ng kanyang buhok at side view pa ito na natatakpan ang kalahati ng kanyang pagmumukha. Pero teka ? Parang nakita ko na ang lalaking ito. Hindi ko maalala pero nakita ko na sya.
May dalawa pang tao na aking napansin mula sa unahan ng training room na iyon. Babae at lalake . Parang kilala ko rin ang dalawa iyon. Pero bakit hindi ko maalala kung saan ko sila nakita ? Ang lalaki ay may tinatawagan sa kanyang cellphone na parang bang meron itong pinagmamadali base sa salita nya. Samantalang ang babae naman ay tila nahihiya na nasa likod lang ng lalaki at kumakain ng tsitsirya.
Narinig kong nagwika ang lalake. Pagtapos nitong makipagusap sa cellphone.
"Papunta na raw pala sila kuya Jonas at Melvin. Ilang minuto na silang late , buti nalang wala pa rin si Manager "
Lumapit ito sa lalaking nakaupo sa isang gilid .
"Hey ! Kuya Cool . Pwede po bang samahan mo ako mamaya pag uwi at bibili ako ng pick sa gitara ko ? "
nakangiti nitong wika.
Tumingin ang weirdong lalaki rito at tumango lang.
"Lagi ka nalang nawawalan ng pick sa gitara kinakain mo ba yan ? "
pabiro nitong tugon
"Hindi nu ! Kase nung natatandaan mo yung umattend tayo sa isang battle of the bands after nateng tumugtog , nakalimutan ko kung saan ko nailagay, ito kase si kuya Jonas agad akong inaya na lumabas . "
Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na rin sila Jonas at ang dati kong sarili.
Agad silang kinamusta nung isang lalaki na sobrang napakabibo at napakadaldal.
Nakita ko na talaga tong lalaki na to pero di ko maalala ang pangalan nya. Pati narin yung babae na kasama nya at ang weirdong lalaki na mahaba ang buhok.
Maya maya pa ay dumating na din ang sinasabi nilang Manager.
Sa itsura pa nga lang nito ay kagalang galang na talaga. Diretso ang tuwid nitong pagkakatayo at nakasuot ng pulang longsleeve sa tingin ko mga nasa limampung (50 years) taon na gulang na sya o mahigit pa. Pero teka ? Parang kilala ko rin ang lalaking ito !
Bago ko pa maisip kung saan ko sya nakita ay nagsalita na ito.
Agad namang nagtipon tipon ang limang personalidad sa harapan ng tinatawag nilang manager.
"Sa makalipas na tatlong buwan mahigit na pag sasanay nyo at pagsali sa ibat ibang patimpalak nakita ko talaga kung gaano kayo kagaling sa larangan na inyong pinili . Kaya ang aking tanong. Mahal nyo ba ang pagtugtog ? "
Sabay sabay itong sumagot nang :
"OPO ! MAHAL NAMIN ANG PAGTUGTOG "
Kahit na nalilito sa nangyayare ay wala akong ibang iniisip kundi ang aking sarili na noong mga oras na iyon ay masayang tumutugtog at kumakanta kasama ang iba pa.
Nalipat na naman ako sa isang senaryo kung saan may nagaganap na isang press conference.
Para saan tong pres con na ito ?
Nakita ko si Melvin na aking sarili na nakaupo kasama ang apat pang pamilyar na pagmumukha kasama si Jonas. Sa gitna nila ay naroroon ang tinatawag nilang Manager.
"Tiyak pagkakaguluhan kayo ng madla pagkatapos ang araw na ito ,kalat na kalat na ang kasikatan ng inyong banda "
pagwiwika ng isa na sa tingin ko ay isang reporter base sa hawak nitong papel at postura nito.
"Kung ngayon ang inyong debut , kelan ilalabas ang inyong unang album ?"
Pagtatanong pa ng isang babaeng reporter.
Nagka- tinginan ang mga ito at tumungo ang kanilang mga mata sa iisang tao lang. Na para bang sinasabi nila na ito ang sasagot sa katanungan ng reporter.
Ito ay kay Melvin , iniabot sa kanya ang mikropono.
Sinagot nya ito nang nakangiti at tila proud na proud pa.
"Sa susunod po na linggo ,ilalabas namin ang una naming album. Kaya sana po suportahan nyo po kame sa aming unang handog para sa inyong lahat "
wika nito.
Kasunod nito ang sabay sabay na palakpakan at hiyawan mula sa manunuod sa press conference na iyon.
Nagsalita lang ang aking sarili pero ang dami nang nagsigawan at nagpalakpakan ? Ano ba tong nangyayare ?
Tinignan ko ang isang banner na naka angat mula sa mga taga suporta nila na naroroon din sa lugar na iyon.
9:48AM BAND
we ❤ You
YAN ANG NAKALAGAY SA BANNER.
Pamilyar ang oras na iyan !
Ibig sabihin ba nito ang pangalan ng kanilang banda ay 9:48am ? At ito rin ang araw ng kanilang debut sa publiko ? Kaka debut palang nila pero napakarami na nilang taga suporta.
Sa isang kisap mata ko naman ay nagbago ang paligid na para bang nililipat ako ng mabilis sa susunod na senaryo .
Nasa isang concert ako.
Nakita ko na naman ang aking sarili na kumakanta kasama ang banda nya , pero sa pagkakataong ito SA HARAP NG NAPAKARAMING TAO. Sobrang daming tao, ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong karaming tao na nanunuod sa aking pagkanta.
Hindi mahulugang karayom at parang mga langgam sa dami. Si Melvin na aking sarili ay buong puso na kumakanta ngayon. SYA ANG BOKALISTA ng bandang 9:48AM kasama si Jonas na drummer at ang babae naman na crowd favorite ng mga kalalakihan dahil sa pagiging cute nito ay piyanista at ang dalawa lalaki naman ay gitarista.
Kinakanta nila ngayon ay ang mga kanta mula sa kanilang first album na may Title na "Get A Life "
Halos nakakabingi ang mga nagsisigawan sa buong paligid , ibat ibang chants ang aking naririnig. Natapos ang concert ng maayos at matagumpay na nairaos ang kanilang unang album sa publiko.
Binati sila ng kanilang manager sa backstage.
Masaya naman nilang binati ang isat isa.
"Maganda ang performance nyo . Marami ang natuwa at nasiyahan . Tiyak asahan nyo na sa susunod pang mga araw at buwan ⁿay dadami pa ang magiging offer sa inyo simula ngayon "
wika ng manager
Habang abala ang iba sa pag aasikaso sa kanilang mga kagamitan at ang iba naman ay nagpapakuha ng mga litrato mula sa kanilang mga taga suporta , nakita ko si Melvin kasama si Louella sa isang gilid at taimtim na naguusap.
"Melvin , congrats pala sa inyo, napanuod ko ang inyong performance at labis akong humanga sa inyong lahat ang gagaling nyo "
Ngumiti ng napakalaki si Melvin
"Salamat Louella. "
Tagos sa puso nitong pagwiwika sa kasintahan.
Ilang segundong pinaktitigan ni Melvin ang pinakamamahal nyang babae.
Maya maya pa ay niyakap nya ito ng ubod ng higpit. Na para bang ayaw nya na itong pakawalan.
"Ikaw ang aking lakas Louella, salamat sa lahat ng iyong nagawang tulong sa akin "
mahinahon nitong wika sa kasintahan.
Ginantihan din ito ni Louella ng mahigpit din na pag yakap . Pagkatapos ay hindi nila napigilan ang bugso ng kanilang damdamin at ang kanilang mga labi ay nagtama at naglapat kasabay ang pagpikit ng kanilang mga mata ramdam nila ang mabilis na tibok ng puso ng bawat isa.
Habang tinitignan ko sila , hindi ko mapigilan na hindi maluha. Luha ng kalungkutan. Luha ng pagsisisi.
Dahil ngayon napagtanto ko na ang lahat. Malinaw na sakin at naiintindihan ko na.
AKO AY NASA AKING HINAHARAP
Na kung saan ito ang dapat na mangyari kung hindi ko sana naisipang tapusin ang aking buhay noong tumalon ako sa riles ng tren.
Ito ang buhay na dapat meron ako kung hindi ko ginawa ang napakalaking kalokohang iyon. Pinakita sa akin ang senaryo kung saan ito sana ako sa hinaharap kung hindi ako nagkamali ng desisyon sa buhay.
Pero salamat.
Dahil kahit papano , nakita ko na naging masaya pala ako kasama ang iba pa pati narin si Louella .
Masaya ko silang pinakatitigan subalit malungkot sa kabilang banda.
"Sana hindi nalang ako nagpakamatay "
Bulong ko sa aking sarili na may halong pagsisisi.
******
Itutuloy sa HULING KABANATA .
-KeleyanJunPyo
*******
Read with your own risk.
AUTHORS THOUGHTS(Trivia of the story and personal traits of the author)
Trivia of the story :
Ang pangalan ng banda nila Melvin na 9:48AM ay hinango sa mismong oras kung kelan tinapos ni Melvin ang kanyang buhay
Si Louella sa timeline na ito ay isa nang Licensed Psychiatrist na tumututok sa personal na pag uugali ng tao especially sa mga nakakaranas ng psychological at emosyonal na problema.