Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 14 - KATAPUSAN

Chapter 14 - KATAPUSAN

"TARA NA MELVIN "

"ABUTIN MO ANG AKING KAMAY "

Nagising na naman ako dahil sa misteryosong tinig ng isang lakaki na aking  narinig, parang boses ko iyon pero di ko masigurado.  umaasa ako na sana panaginip lang ang lahat ng nangyayaring ito.

Subalit mali ako!

Nakikita ko parin ang aking sarili mula sa hinaharap na ito. Masaya itong namamasyal kasama ang pinakamamahal nitong babae. Si Louella.

Sobrang sweet nila sa isat isa , na kung asukal nga lang sila baka nilanggam na ang mga ito sa sobrang tamis .

Pero ang labis kong ikinagulat ay ang pagiging tanyag ng aking sarili. Dahil kahit saan ito pumunta ay hindi nawawalan ng mga tao na lalapit upang magpakuha ng litrato, ang iba naman ay nagpapa autograph pa.

"Ganito naba talaga ako kasikat sa hinaharap ?

Tanong ko na may halong pagtatataka.

"Si Melvin Torres yun diba ? Yung Boklista ng 9:48AM? Tara lapitan natin nagpapicture tayo "

Sambit ng isang grupo ng mga dalaga na agad lumapit kay Melvin.

"Oo nga ! Bokalista ng 9:48AM band yun ! "

Sambit pa ng isa.

"Ano ginagawa nya sa lugar na ito ? Tara magpa autograph tayo."

"Ma , diba sikat po yung lalaking iyon ? Lapitan po naten sya "

"Ate ! Si Melvin yung bokalista ng mga kanta na pinapakinggan mo "

"Nako paborito ko ang mga kanta nila , napakatalentadong bata "

"Ang tangkad nya pala sa personal grabe ! Tara puntahan natin sya "

"Nakikinig po ako sa mga kanta nyo at lahat magaganda ang sasarap sa tenga "

Ito ang ibat ibang reaksyon ng mga tao sa tuwing nakikita nila ang aking sarili. Agad naman silang pinagbibigyan nito na parang natural na sa kanya at normal na sa kanya makisama sa mga tao sa paligid nya.

Nagbago na talaga sya. Hindi na sya mahiyain at marunong na syang makitungo sa iba. Lumakas na ang kanyang tiwala sa sarili .

Napukaw ng mga ito ang atensyon ng mga nasa paligid. At agad na nagsilapitan sa taong hinahangaan nila. Mga bata, mga matanda, mga dalaga at binata lahat na ata walang hindi nakakakilala sa kanya.

Dahil sa dami ng gustong makalapit kay Melvin ay nakalimutan na nito na kasama nya si Louella at nasa isa silang date.

Tinignan nya ang kasintahan habang nagpapakuha ng litrato sa isang tagasuporta nya. Ngumiti lang ito na parang sinasabi sa kanya na okay lang sya at unahin nya muna ang mga taong sumusuporta sa kanya.

Papalubog na ang araw noong natapos si Melvin sa kanyang mga tagasuporta.

Habang naglalakad sila ni Louella ay nagwika ito.

"Pasensya kana. Hindi mo tuloy na enjoy yung date naten "

mahina nitong wika .

"Ano kaba ! Okay lang sa akin yun "

buong ngiting tugon ni Louella.

Huminto ito sa paglalakad.

Nilingon ito ni Melvin .

"Alam mo Melvin. Tanggap ko.

Tanggap ko na simula maging sikat na bokalista  ka ng iyong banda ay magbabago na rin ang lahat , pati na ang oras natin sa isat isa. Tanggap ko yun. At susuportahan kita sa anuman ang mangyari dahil ...

MAHAL KITA ! "

Maiyak iyak itong tinitigan ni Melvin.

"Makita lang kita na masaya ka , masaya na rin ako "

sambit pa ni Louella.

Hinawakan ni Melvin ang kamay ng kasintahan at muli silang naglakad.

"Mahalin mo ang mga taong sumusuporta sayo, dahil kung wala sila,  wala ka ngayon. "

Pahabol pa nitong wika sa aking sarili.

Sabay nilang pinagmasdan ang araw na papalubog. Para kay Melvin at Louella sapat na ang sandaling ito para matawag na "date" higit pa sa kahit anong materyal na bagay ang makasama mo ang pinakamamahal mo.

******

Lumipas pa ang panahon.

Nakita ko sa hinaharap na ito kung paano naging tanyag ang aking pangalan pati na rin ang buong banda na aking kinabibilangan.

Hindi matapos ang offer mula sa ibat ibang tv shows at mga interviews. Mga concerts at mga guesting . Meron narin kameng sariling theater na tinayo para sa mga taong lubos na nagmamahal sa amin. Dito madalas silang tumutugtog at nagbibigay kasiyahan sa iba. Marami narin naglipana na mga fans club sa bawat myembro ng aming banda. Mga merchandises at mga memorabilya.

Kung noon palang nalaman ko na , na ito pala ang aking magiging hinaharap sana hindi ko na itinuloy ang pagpapakamatay, sana lahat ng mga ito ay nangyayari talaga at mangyayari talaga.

Muli kong nakita ang aking sarili kasama ang iba pa sa shooting para sa isang commercial at ang banda nila ang napili para maging endorser. Nakakatuwa dahil ito ata ang kanilang unang pagharap sa camera para mag endorse ng isang produkto. Nagkakahiyaan pa ang mga ito at hindi alam ang gagawin pero sa huli ay natapos nila ito ng matiwasay at matagumpay.

Hindi mapakali si Jonas at tila may pupuntahan ito , kinausap nito ang kanilang manager at makalipas ang ilang sandali ay dali daling umalis. Tumungo muna ito kay Melvin.

Kinabahan si Melvin sa itsura ng kanyang kaibigan , parang may masama itong ibabalita .

Tinanong nya ito.

"Jonas anong problema ? "

Hindi ito nagsalita.

"Kuya Jonas may problema po ba ? "

Pag-aalalang sambit pa ng isa nilang kabanda.

Kabang kaba si Melvin sa isasagot ng kanyang kaibigan.

"Melvs ... "

.

.

.

.

.

.

"SI VANESSA UUWI NA !!!! "

Masaya nitong wika.

Nagtatatalon ito sa sobrang saya.

"Talaga ba ? "

ito lamang ang natanong ng aking sarili.

"Oo pre ! Tumawag sya kanina kanina lang ! Sabi nya hindi nya na tatapusin ang kontrata nya at kinausap nya ang kanyang mga magulang sa usaping ito. Magtatayo nalang daw sya dito ng business . Mamayang gabi naririto na sya ! Melvs uuwi na yung pinakamamahal kong babae " mahaba nitong sambit na di matapos sa kakatalon.

"Masaya ako para sayo Jonas "

"Salamat Melvs! Magandang balita ito sa kakapasok na taon "

narinig ko pang sambit ni Jonas.

Oo nga pala ang taon pala sa hinaharap na ito ay 2021 base sa kalendaryo na aking natatanaw. Unang buwan sa bagong taon.

Balita ko rin sa hinaharap na ito ay may naganap na PANDEMYA noong nakaraang taon. Pandemya na nagpatigil sa buong mundo.  Dahilan upang ang mga concerts at mga future works ng banda ay na postponed .

Nagtagal din ng isang taon ang pandemyang ito. Salamat nalang at may nahanap na lunas para virus na kumalat at pumatay sa maraming tao sa buong bansa at buong mundo.

Kaya napakagandang simula ito ng panibagong taon. Atleast kahit papano ay muling bumabangon ang lahat mula sa matinding problema na kanilang kinaharap.

************************************************

DECEMBER 24, 2022

Disperas ng kapaskuhan. Isang concert ang naiplano para sa mga sikat na banda at personalidad pag dating sa musika . Nagtipon tipon ito para magbigay kasiyahan sa napakaraming tao sa isa sa pinakasikat na arena sa buong bansa. Ang bandang 9:48AM ay isa sa mga inimbitahan para sa concerts na ito

Napakalamig ng simoy ng hangin noong panahong iyon , ramdam mo na talaga ang nalalapit na kapaskuhan. Napakaraming tao ang pumunta sa tinatawag na THOUSANDS WORLD ARENA, tinatayang nasa 90k ang full capacity nito at ngayon ay halos mapuno na.

Marami rin ang nag aabang sa kanilang mga pamamahay nanunuod ng live telecast ng nasabing concert.

Isa isang naghahanda ang mga sikat na personalidad sa larangan ng pag awit , ito ang unang pagkakataon na nagtipon tipon sila sa iisang lugar at iisang layunin.

"HANDA KANA BA ? "

Isa na namang tinig ang aking narinig.

Kahit na nalilito ay nagpalinga linga ako. Nakita ko ang aking sarili kausap si Louella sa isang silid. Naguusap sila.

Kahit na hindi nila ako nakikita ay pinagmasdan ko silang mabuti at pinakinggan sa kanilang paguusap.

Ang laki na ng pinabago ni Melvin.

Sa tingin ko tumangkad pa sya ng kaunti at kapansin pansin ang paglaki ng kanyang katawan. May kulay na rin ang kanyang buhok kulay berde . Nakasuot sya ng isang uniporme ng kanilang banda. Ito at kulay pula mula sa itaas at ibaba pati narin ang sapatos. Maihahalintulad ko ito sa itsura ng mga royal guards sa mga palabas.

Habang si Louella naman ay nagpaikli narin ng kanyang buhok ngayon ay hanggang leeg nya nalang, wala na ang ponytail nyang hairstyle at nakabagsak na ito may kulay narin ito na pinaghalong Pink at violet. Nakasuot sya ng isang napakagandang pink dress na may disenyong bulaklak. Akala mo ikakasal na sya sa suot nya. Nagliliwanag sya sa kagandahan. Hindi ko nga sya makilala sa sobrang pagbabago nya.

Naririnig ko silang naguusap subalit hindi malinaw sa aking panrinig ang iba nilang sinasabi.

"Goodluck sa performance nyo mamaya. Manunuod ako sa harapan at buong lakas kong isisigaw ang pangalan mo "

masayang wika ni Louella.

Nilapitan ito ng aking sarili at niyakap.

"Salamat Louella. Kung hindi ka dumating  noong araw na iyon. Malamang ay wala ako ngayon. "

"Mahal kita Melvin. Gagawin ko ang lahat para ikasasaya mo, hindi kita iiwanan hanggang sa huli "

tugon ng dalaga rito.

Inilabas ni Melvin ang isang regalo mula sa kanyang bulsa. Maliit ito na sisidlan na naglalaman ng Pinakamahalagang BAGAY NA MAIIBIGAY NYA SA KANYANG KASINTAHAN.

Binuksan ito ni Louella at napaiyak sa nakita.

Hindi agad ito nakapag salita.

Agad na lumuhod si Melvin bago pa makasagot ang kasintahan , kinuha ang laman ng sisidlan at isinuot sa daliri ng dalaga.

(Insert love song )

ISANG SINGSING.

Napatakip na lamang si Louella sa kanyang bibig tanda ng pagpipigil nito sa papalapit nang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi ito makapaniwala sa supresang kanyang nakikita.

"Louella . Papayag kabang magpakasal sakin ? "

Nakangiting sambit ni Melvin

May halong iyak at pagtawang sinagot ito ng dalaga.

"Ano kaba ! Bakit mo pa tinatanong ang bagay na iyan?  SYEMPRE NAMAN OO !!

Oo Melvin ! Papayag akong makasal sayo "

Iyak nitong sambit.

Matapos na maisuot ni Melvin ang singsing ay agad syang niyakap ng kanyang kasintahan.

Hindi na ito nagpigil sa kanyang nararamdaman. Para sa babae ang isang proposal ng kasal ang masasabi kong  pinaka romantiko na parte ng buhay magkasintahan. Ito ang tanda ng panibagong yugto ng kanilang buhay.

Matapos nito ay masayang  pinakatitigan ni Louella ang bagong singsing na nakasuot sa kanyang palasingsingan na daliri. Sobrang ganda ! Sobrang kinang.

"Napakaganda naman neto Melvin " paghangang wika nito habang titig parin sa singsing.

"Mas lalo yang gumanda noong naisuot mo "

Sambit nito sa kasintahan.

"Itong araw rin palang ito ay ang ating anniversary diba ? 7years na tayo magkasintahan . Matagal ko nang hinahantay ang araw na ito.

Gusto ko kase bago ko gawin ang bagay na ito ay may ipagmamalaki nako sayo. Gusto ko bago ako mag proposed sayo isa nakong matinong lalaki. Yung kaya kang alagaan , mahalin at hinding hindi ka sasaktan.

Louella.

Pasensya kana sa lahat ng aking nagawang kasalanan sayo. Lahat iyon ay aking pinagsisihan at lahat iyon ay pinilit kong itama hanggang dumating ang araw na ito.

MAHAL KITA ! MAHAL NA MAHAL.

Simula noong una kitang nakilala at nakita hanggang ngayon hindi parin nagbabago ang pagtingin ko sayo. "

Tahimik lang na nakikinig ang dalaga sa sinasabi ni Melvin.

Kinuha ni Melvin ang kanyang Gitara.

"Nakakatawa , kahapon noong pumunta tayo sa Musical Shop na madalas kong puntahan para bilhin yung pinapangarap kong Rose Morris Rickerbacker ay may NAKABILI NA PALA.  Sino kaya yung maswerteng nakabili nun ? 

" Malamang yung nakabili nun ay isa ring magaling na mang aawit , pero okay na yun . Binilhan mo naman ako ng GIBSON na isa rin sa paborito ko. Terno pa ito dahil kulay pula at asul ito sakto sa suot ko. "

Pagwiwika ni Melvin.

Lumapit rito si Louella at nagwika

"ADVANCE MERRY CHRISTMAS ! Galingan mo mamaya ha "

sambit ni Louella sabay halik sa pisngi ni Melvin

Namula si Melvin sa ginawa ng kanyang kasintahan subalit ngumiti rin ito makalipas ang ilang segundo.

" Oo ! Gagalingan ko ! "

taas noo nitong sagot.

Habang pinagmamasdan ko sila ako ay nakakaramdam ng kalungkutan

Si Louella at si Melvin na aking sarili sa hinaharap ay naguusap ng masaya at nagplaplano ng kanilang mga pangarap.

Subalit alam ko at alam ng lahat ,  ito ang hinaharap na malabong matupad. Ito ang dapat na hinaharap ko na di na magagawang mangyari dahil sa kabayaan ko. Nagpasakop ako sa kalungkutan at nagpatalo sa masamang bisyo dahilan para mawalan ako ng pag asa at humantong sa pagpapakamatay.

Kung magagawa ko lang sanang baguhin at ituwid ang aking pagkakamali.

Hindi ko mapigilan na di umiyak noong mga oras na ito. Kahit hindi nila ako nakikita at naririnig labis akong nasusumano sa may kapal. PAKIUSAP ! SANA PO BIGYAN NYO PA AKO NG ISA PANG PAGKAKATAON.

Ilang sandali matapos ang aking pag iyak ay nakita ko na lamang na lumabas na sa kwarto si Melvin dahil tinawag ito ng isang reporter upang mainterview sa ilang mga bagay.

Naiwan ako na humagulgol sa labis na pagiyak.

Pero isang tinig ang aking narinig mula kay Louella.

"HANDA KANA BA ?"

Ito rin ang salita na aking narinig kani- kanina lang ? Tumungo ang aking paningin kay Louella na nung mga oras na iyon ay NAKATINGIN DIN sa akin . 

Nakikita nya ako ? Totoo ba to ?

Pero bago pa ako muling magsalita ay nailipat naman ako sa isang lugar.  Sa backstage ng tanghalan na kung saan naroroon sila Jonas at ang iba pa.

Napansin ko na iba narin ang kulay ng buhok ni Jonas , kulay silver na ito . At ang iba pang myembro ng bandang 9:48AM ay nadoon din.

Dito nakilala ko na ang tatlo pang myembro ng grupo .

Oo ! Yung lalaki at ang babae ay ang magkapatid na nakilala namin noon ni Jonas.

SI AKO AT AKI sigurado ako na sila iyon. Yung armband ng babae sa kanyang braso at ang disenyong bituin ang palatandaan ko rito.

At ang isa pang lalaki na mahaba ang buhok na natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha ay ang LALAKI NA AKING NAKITA NOONG NASA PLUNA TRAIN STATION ako . Ito rin yung lalaki na nandoon noong tumalon ako sa riles.

"Kinakabahan ka na naman ba ?

Wag kang kabahan!  nako !  napakadami mong fans na kalalakihan dito ! fan favorite ka sa grupo naten kase nagiisa ka lang na babae "

wika ni Jonas sa babaeng myembro nila .

Hindi tumugon ang babae at nagpakita lamang ito ng isang cute na reaksyon sabay nagtago sa likuran ng kanyang kapatid na lalaki..

"Ngayon lang yan kuya Jonas. Pero pag nakasimula na syang tumugtog ng Piano ay para na syang ibang tao "

tugon naman ng lalaki kay Jonas.

"Nasaan kaya si Melvin ? , ang tagal nya naman sa dressing room "

pagtatanong ni Jonas

Isang anunsyo ang kanilang narinig mula sa kanilang manager kasama nito ang anak nitong lalaki.

Dito nakilala ko na rin sila ! Ito yung mag tatay na nandoon din sa Pluna Train Station noong tumalon ako sa riles. Sila nga yun ! Ibig sabihin itong lalaki na to ang naging manager ng aming banda sa hinaharap ?

Unti unti nang lumilinaw sakin ang lahat.

"Nasaan si Melvin ? "

pagtatanong ng kanilang manager .

"Hindi ko nga rin po alam manager. Kanina pa nasa dressing room "

pagsagot ni Jonas.

"May anunsyo akong nakuha mula sa mga organizer. May mangyayaring malaking pagbabago. "

mariin nitong pagpapaliwanag.

"Pagbabago ? Ano po yun ? "

sabay sabay nilang tanong.

"Dapat pang lima ang banda nyo sa mag pe-perform sa gabing ito , subalit sa di inaasahang pagkakataon ay mas mapapaaga ito. "

"MAY ISA RAW SINGER ANG NAG BACKOUT  at bigla bigla nalang umalis sa di maipaliwanag na dahilan. Ito yung singer na dapat mag peperform bago kayo "

Gulat silang napahawak sa kanilang ulo .

"Ano ???? Pero sir hindi pa kame nakakapag rehearsal, saka pangatlo na yung nag peperform ngayon hindi ba ? Ibig sabihin after nyan kame na ? "

sambit ni Jonas.

Isang mabagal na pagtango lamang ang tinugon ng kanilang manager .

Maya maya pa ay nakita ko na si Melvin na aking sarili  na tumungo na sa kinaroroonan ng grupo nito.

"Nasaan kaba nagpunta pre Melvs ? "

"Dyan lang. Ininterview kase ako.

Medyo nagbigay lang ako ng kaunting advice. " nakangiti nitong wika.

"Alam mo ba na tayo na ang next na magpeperform ? May umalis daw na singer kaya mas mapapaaga ang ating performance. Nakapag handa kana ba ? "

"Walang problema iyon sakin "

"Bakit parang ang ganda ata ng mood mo ngayon Melvin ? "

pag usisa ng kanilang manager.

Tumingin ito rito at ngumiti.

"Wala lang po. Masaya lang ako. "

"Masaya ? "

"Oo"

"Ngayon napagtanto ko na napakaswerte ko dahil nakilala ko kayong lahat. Kayo ang bumuhay sa aking pagkatao. Hanggang kasama ko kayo hindi ako matatakot at mawawalan ng tiwala sa sarili. Kayo ang aking lakas"

"Lahat ng taong naniniwala sa aking kakayahan mula noon pa ay ang aking rason upang magpatuloy na mabuhay "

"Laging ako ang may pinakamalaking nakukuhang papuri mula sa iba dahil daw ako ang bokalista ng banda. Ako raw ang nagbibigay boses sa kanta ng ating mga likha na awitin"

"Pero nagkakamali sila , dahil ang totoo ..

" Ito ang aking masasabi. ANG LAHAT NG CREDITS sa aking pagkanta AY LAGING NASA INYONG LAHAT. Kayo talaga ang tunay na buhay sa bandang ito at hindi ako. Kung wala kayong magandang tunog ng musika na ginagawa , wala akong magandang kanta na maikakanta. Kayo dapat ang pasalamatan sa lahat. MARAMING SALAMAT PO "

mahaba ngunit malaman nitong wika.

Yumuko ito tanda ng pasasalamat.

Nakangiting tinignan sya ng kanyang mga kabanda at masayang niyakap.

"Group hug muna bago magsimulang tumugtog "

wika ni Aki

"Group hug !!! "

hinila nila ang kanilang manager at isinama sa group hug , sumama rin ang anak nito sa kasiyahan ng buong banda.

Sobrang saya nilang pagmasdan.

Sa huling pagkakataon ay pumikit na lamang ako. Upang makalimot sa hinaharap na ito. Masaya nakong nakita ang aking sarili  bilang isang matagumpay na tao. Wala nang dahilan para maging malungkot. Tanggap ko na.

Matagal nakong patay  .

May nakita akong napalaking liwanag sa aking harapan. Liwanag na sinakop ang buong paligid. Nawala sa patingin ko ang lahat maging ang aking sarili at ang mga kasama nito na kanina lang ay masayang nagyayakapan.

Ito na ata ang langit ?

Dahan dahan akong tumungo sa liwanag.

Isa isang hakbang , mabagal ngunit sigurado. Bawat hakbang ay aking naaalala ang naging buhay ko mula pagkabata hanggang sa oras na ako ay namatay .

Pumasok ako rito ng walang pag aalinlangan.

*****

Nanlaki ang aking mata sa aking nakita pagkatapos mawala ang liwanag sa aking paligid. Labis akong namangha sa aking nasaksihan.

NAKITA KO na nag peperform ang bandang 9:48AM sa harap ng napakaraming tao. Ang daming nagsisigawan at naghihiyawan. Kitang kita ko kung gaano sila kasaya sa bawat liriko na binibigkas ng bokalista ng banda na mismong sarili ko.

Pinagmasdan ko silang mabuti at nakaramdam ako ng pag asa sa aking puso.

Parang gumaan ang aking pagkatao.

Ano ito??

Bakit ang gaan ng kalooban ko ?  walang bahid na kalungkutan ang aking nararamdaman.

Muli ko silang pinanuod.

Lahat sila nakangiti at galak na galak sa kanilang ginagawa.

Tumingin ako sa mga tao. Doon nakita ko si Louella na masayang sumisigaw at sumusuporta. Katabi nya si Inay na kahit masaya naman ang kanta ay umiiyak parin ito. Siguro dahil sa tuwa.

Sa likod naman nila ay naroroon si Vanessa.

Pumapalakpak ito kasama ang 1year old nilang anak ni Jonas. Oo may anak na sila . Napaka cute ng anak nilang babae na nag ngangalang Johana Ayesa.

Dumako ang aking paningin sa mag inang nanunuod din sa bandang harapan ng entablado.

Labis akong nagulat dahil kilala ko ang mag inang iyon. Naiiyak ako sa tuwa.

Si BERNARD at ang ina nyang si SHIRLEY.

Malaki na ito at binata na.

Nakakatuwa na nakakaiyak. Nakasurvive pala sya sa sakit nyang cancer. Salamat naman .

Nakita ko rin ang aking mga kamag aral noong kolehiyo , may mga kanya kanya na itong buhay subalit naroroon ngayon para suportahan ako.

SOBRANG SAYA KO!

Natapos ang kanilang pagtatanghal at nakita ko ang aking sarili na binabati ng mga tao.

Niyakap agad nito ang kanyang ina.

Si Inay .

Si inay na matanda na sa panahong ito.

Noong nakita ng aking sarili si Louella ay agad nya itong nilapitan at niyakap din.

Hinalikan nya ito sa labi ng napakatagal.

Nagkagulo ang mga tao sa paligid lalo na ang mga camera man at mga photographers na naroroon sa concerts. Agad silang kumuha ng mga litrato mula sa naghahalikang si Melvin at Louella. Animo'y eksena ito sa isang pelikula.

Wala silang pakealam sa iba , ang mahalaga sa kanila ay maiparamdam nila ang pagmamahal nila sa isat isa.

Isang tinig mula kay Jonas ang magpatigil sa dalawa

"Bukas sigurado ako laman ng mga balita yan "

Nakatawa nitong wika.

Nilingon nila Melvin at Louella si Jonas  at doon lang napagtanto nila ang ginawa nilang paghahalikan sa harap ng napakaraming madla.  Lahat ng mga tao ay nakita iyon maging ang mga nanunuod sa kanilang pamamahay ay nasaksihan ito.

Nagsigawan ang lahat at nagpalakpakan sa tuwa.

"Melvs. Masaya ako para sayo ! "

muli pang wika ni Jonas habang karga karga nito ang kanyang anak. Sa gilid naman nito ay si Vanessa na masaya ring bumati sa dalawa.

"Engaged na pala kayo. Masaya ako para sa inyong dalawa. Pag nagkaanak kayo , kunin mong ninong si Jonas ah ! "

pagwiwika ni Vanessa kay Melvin.

Ngumiti ito sabay nagwika.

"Bestfriend ko yan ! Natural hindi ko yan kakalimutan . Kung naging mabuting kaibigan sya sa akin , tiyak mas lalong magiging mabuting ninong sya sa magiging anak namin ni Louella "

Lumapit si Jonas kay Melvin sa huling pagkakataon at nagsalita

"Mukhang gusto mo ANG PAG AWIT ? "

Dito tumugon ito ng napakalakas

"Oo ! Gustong gusto ko ang PAG AWIT !! "

At mula roon nagsama sama ang lahat.

Masaya ko silang pinagmamasdan nang biglang tumingin si Melvin na aking sarili sa aking kinaroroonan.

Nagulat ako ?NAKIKITA NYA BA AKO ?

Dahan dahan itong lumapit .

At nang makalapit ito sa akin ay nagwika.

"TARA NA MELVIN ! "

"ABUTIN MO ANG AKING KAMAY "

Tumulo ang aking luha sa aking narinig. Ito rin ang kaparehas na tinig na aking narinig kani-kanina lang din.

Nakikita nya ako!

At ngayon iniaabot nya ang kanyang mga kamay sa akin. Kaharap ko ngayon ang aking sarili.

Tinignan ko ang lahat , bago dahan dahan kong iniangat ang aking kanang kamay.

Papalapit ito nang papalapit sa kamay ng mismong sarili ko.

Kusa ito at hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko makukuha ko ang kapalagayan ng kalooban sa oras na humawak ako sa kanyang mga kamay.

Huli kong narinig si Louella na nagsalita at nakatingin din sa kinapwepwestuhan ko.

"SALAMAT "

"MELVIN "

Narinig ko na rin ang salitang iyan.

Pagkahawak ko sa kamay ng aking sarili ay biglang pumuti ang buong paligid.

NANG BIGLANG...

.

.

.

.

ISANG MALAKAS NA SIRENA MULA SA PAPARATING NA TREN ANG AKING NARINIG .

Bigla kong inihinto ang aking paglalakad papalapit sa bukana ng riles. Nagtataka ako .

Tumingin ako sa kabilang bahagi ng  istasyon nang  may naaninagan akong tao na nakangiti sa akin. Tila masaya ito sa aking ginawa.

Humakbang ako paatras nang paatras. At LAKING GULAT KO NALANG NA ISANG BABAE ANG YUMAKAP SA AKIN. IYAK ITO NG IYAK.

Dito nakita ko rin na dumating ang mga gwardiya at mga pulis, wala akong maintindihan sa nangyayare. Wala akong matandaan . Ang huli ko lang pagkakatanda ay pumunta ako dito sa Pluna Train Station upang magpakamatay. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang hindi na ginugusto ng aking isip at puso na ituloy pa ito.

"Ano bang nangyayare ? "

tanong ko kay Louella na hindi parin umalis sa pagkakayakap nito at iyak ng iyak.

Ngunit wala akong sagot na narinig mula sa aking kasintahan kundi pag hagulgol lang.

Matapos itong mapagod sa kakaiyak. Ay tumingin ito sa akin ng matagal. Tinignan ako nito sa mata sabay ngumiti at nagwika.

"SALAMAT "

"MELVIN "

Kahit na wala akong maalala. Pakiramdam ko narinig ko na ang salitang iyan.

Napangiti ako sa di ko maipaliwanag na pagkakataon.

Niyakap ang aking kasintahan at kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang.

"NAKABALIK NAKO ,  AKING MAHAL "

(Insert final song)

Katapusan.

***************

Read with you own Risk.

Authors thoughts ( Trivia of the story and personal traits of the author )

Trivia of the story :

Alam nyo ba na ang salita na " Mukhang gusto mo ang pag awit ? "  ay salita na nagmula kay Jonas noong una silang nagkita ni Melvin sa kabanata 1. Ito rin ang HULING SALITA  na nabanggit ni Jonas sa ating kwento dito sa Huling kabanata.

About the Story

Dito sasabihin ko ang huling timeline sa height ng ating mga main characters sa ating nobela.

Timeline 2022 (final timeline)

*Melvin ( 24 years old ) 6'5

*Louella (25 years old ) 5'6

*Jonas (27 years old ) 5'11

*Vanessa (27 years old ) 5'9