Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 12 - Kabanata 11 : KAMATAYAN

Chapter 12 - Kabanata 11 : KAMATAYAN

Sa bahay nila Melvin.

Ang kanyang ina ay tahimik na nag liligpit ng mga gamit nito, nang biglang may isang malakas na pagbagsak ang kayang narinig. Animo'y parang may nalaglag na isang bagay at nabasag ito.

Agad itong tumungo sa kanilang sala.

Nakita nya ang pinagmulan ng pagbagsak.

Ito ay ang picture frame ni Melvin noong grumaduate ito noong high school.

Hindi sya nagsalita. Matagal nyang pinakatitigan ang picture frame.

Namumuo ang kanyang mga pawis at nanginginig ang kanyang mga kamay sa kaba.

Sana mali sya.

Sana mali sya sa kanyang iniisip.

Kinuha nya ito at niyakap.

"Anak "

ito lamang ang naiwika nya. 

******

Si Jonas ang taong pumigil sa dati kong sarili noong mga oras na iyon. Lingid din sa kanyang kaalaman na meron itong binabalak na gagawin.

"Melvs ! Anong binabalak mo ha! ? "

Hindi ito pinansin ng dati kong sarili at tuloy lang sa paglalakad.

Hinawakan ito ni Jonas sa braso at tinulak pabalik.

"Pwede ba pre makinig ka muna sakin ! Ano bang pinaplano mo ? "

"Tigilan mo na ako Jonas !

Tatapusin ko na ang lahat sa araw na ito. "

"Ha ? Tatapusin ? Anong ibig mong sabihin ? "

Hindi na ito muling kumibo.

Hindi na nakapag pigil pa si Jonas at sinuntok ito , dahilan upang mapatigil ang dati kong sarili sa paglalakad.

Pinagtinginan sila ng mga estudyante sa paligid

Na animoy meron silang pelikula na mapapanuod.

"Kung ito lang ang paraan para mapigilan kita sa plano mo , gagawin ko Melvs ! "

wika nito

"Tagala ba ? Sige. Pasensyahan nalang tayo "

Wika ni Melvin na nag-unat ng kanyang braso , leeg at mga daliri gigil na itong lumapit sa kaibigan.

At tulad nga ng inaasahan ay nagsuntukan na nga ang dalawa.

Walang gustong umawat sa nangyayareng bakbakan ng dalawa. Parehas silang matapang , parehas silang may pinaglalaban.

(Insert sad song)

Habang nagsusuntukan ang dalawa ay unti unting nanumbalik ang mga magagandang alaala ng kanilang pagkakaibigan.

Walang gustong magpatalo, parehas sila nagkakatamaan.

*****

Noong ding mga oras na iyon ay mas minabuti ni Louella na tumungo sa bahay nila Melvin at dito ay humingi ng patawad sa di nito pagpapaalam na magbabago nito ng numero.

Subalit ang ina lang ni Melvin ang humarap sa kanya.

"Louella iha ? Nakauwi kana pala ?"

"Opo "

"kahapon pa po. "

Inabot nito ang kamay ng ginang at nagmano.

Agad ito pinapasok sa bahay.

Napansin ni Louella ang pagkabalisa ng ginang dahil sa kilos nito na pabalik balik na naglalakad at hindi makatingin ng maayos sa mga mata. Tuliro rin ito at di alam ang sasabihin.

"May problema po ba tita ? "

wika ni Louella.

Hindi agad ito nakatugon.

Sandaling huminga ng malalim at nagwika.

"Louella iha...."

pigil nitong sambit.

Tumayo si Louella sa pagkakaupo at hinawakan ang ginang pinakalma ito upang makapagsalita ng maayos.

Dito umiyak na si Janice sa dalaga.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko iha , pero pakiramdam ko may mangyayaring masama kay Melvin. "

paghagulgol nito.

"Po ? May nangyari po ba kay Melvin ? "

"Kanina , habang naglilinis ako ng bahay , nakita ko na lamang na bumagsak ang larawan ni Melvin at nawasak. May masamang pangitain ang bagay na iyon. Ayokong magisip nang kung ano ano subalit kinakabahan talaga ako "

wika nito na napatakip sa kanyang bibig.

Hindi nakapagsalita si Louella sa gulat.

"Iha. Pakiusap . Iligtas mo ang anak ko. Pakiusap !

Iligtas mo si Melvin "

pagsusumamo ng aking ina.

Tumango ang dalaga .

"Opo tita! Makakaasa po kayo sa akin "

Kinuha nito ang cellphone at nag dial ng numero. Numero ito ni Jonas . Tatawagan nya sana si Jonas upang tulungan sya nitong mahanap si Melvin.

Subalit hindi ito masasagot ni Jonas sapagkat abala rin ito sa pakikipag suntukan kay Melvin noong mga oras ding iyon.

*****

Natapos  lang ang matinding away lalaki  nila Jonas at ang dati kong sarili nang may narinig silang pagtunog ng cellphone mula sa bulsa nito.

"May tumatawag  sayo sagutin mo muna "

wika ng dati kong sarili .

"Hindi ko na need sagutin yan Melvs. Baka mamaya  gamitin mo pa yang pagkakataon para tumakas. Ang mahalaga ngayon ay ang mapigilan kita "

Ngumiti ang dati kong sarili.

"Ikaw tatakbuhan ko ? Sa totoo lang nagpipigil pa nga ako neto"

pagmamayabang nito.

Sa kabila ng marahas nilang pananakit sa bawat isa ay mapapansin na parang masaya pa sila sa ginagawa. Bawat suntok na tumatama ay pag ngiti ang kanilang sinusukli.

"Salamat Jonas.  Bawat suntok mo ramdam ko ang pag aalala mo sa akin . Tunay nga kitang kaibigan . "

bulong nito sa sarili.

"Melvs. Gagawin ko ang lahat para mailigtas kita kaya hindi ako magpapatalo sayo"

Bulong din ni Jonas sa kanyang sarili na nakangiti

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Melvin at tatama ito kay Jonas. Sinabayan naman ito ng kanyang kaibigan.

SABAY SILANG MAGKAKATAMAAN.

Subalit dahil mas mahaba ang mga braso ni Jonas ay mas una itong makakatama kay Melvin.

Nang malapit na itong lumapat sa pagmumukha ni Melvin ay  naalala ni Jonas ang masaya nilang nakaraan na magkasama.

Hindi nya naituloy ang pagsuntok. Pinigilan nya, dahilan upang si Melvin ang unang makatama sa kanilang dalawa.

Isang suntok mula kay Melvin ang nagpayanig sa buong katawan ni Jonas dahilan upang mapatumba ito .

Tumalikod na si Melvin at nagpatuloy na uli itong maglakad.

"Napatagal pa tuloy ang oras ko sa pagpunta sa Pluna Station dahil sayo ! "

wika nito.

Huli itong nilingon ng hilo nang si Jonas at napasandal sa isang pader.

"Salamat Jonas! Isa kang mabuting kaibigan . Hindi kita makakalimutan sa mga naitulong mo sa akin. "

bulong ng dati kong sarili na tumutulo ang mga luha nito habang tumatakbo.

Matapos makapagpahinga ng kaunti ay kinuha ni Jonas ang cellphone nito sa bulsa, nakita nya ang mga missed calls mula kay Louella.

Kahit nanghihina pa ay tinext nya ang dalaga at sinabi rito ang lahat.

Agad namang umalis si Louella sa bahay nila Melvin at tumungo sa kinaroroonan ni Jonas .

****

Napahinto si Melvin nang makaramdam ito ng pagod sa pagtakbo.

Dumukot ito sa kanyang bulsa at biglang nalaglag ang isang kwintas. Ito rin ang kwintas na binigay sa kanya ni Louella at ang kwintas na ibinalik din sa kanya.

Ito nalang ang natitirang alaala ni Louella sa kanya kaya naman isinuot nya ito. At nagpatuloy sa paglalakad.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Louella at agad na inalalayan ang nakasandal at duguang si Jonas sa labas ng Unibersidad na pinapasukan ni Melvin.

"Jonas , anong nangyare okay ka lang ba ? "

Pag aalala ng dalaga

"Wag mo na akong intindihin . Ang mahalaga ngayon si Melvin.

Louella nanganganib ang buhay nya ! Sigurado ako na may binabalak syang masama sa sarili nya "

mabagal ngunit malaman nitong pagsasalita.

"Okay sige. Pero alam mo ba kung saan makikita si Melvin ? "

tanong ni Louella.

"Hindi ko rin alam . "

Hanggang maalala ni Jonas ang mga huling sinabi ni Melvin bago ito lumisan kanina

("Napatagal pa tuloy ang oras ko sa pagpunta sa Pluna Station dahil sayo ! " )

"Oo ! Alam ko na . Sa Pluna station. Sa Pluna Station pupunta yun. "

" Ha ? Pero ang layo ng station na yun mula rito . "

"Wag ka mag alaala , dala ko ang sasakyan ko. Mahahabol pa naten sya ngayon "

Agad silang tumungo sa sasakyan ni Jonas.

Dahil sa hindi makalakad nang maayos at hindi maigalaw ni Jonas ang kanyang mga kamay sa pinsalang kanyang natamo mas minabuti na ni Louella na sya ang mag drive.

"Marunong kaba Louella mag drive ? " pagtatanong nito.

"Kaya ko naman subalit ang sasakyan namin ay automatic , hindi pa ako nakakapag paandar ng manual na sasakyan. Pero itr- try ko "

wika nito.

"May pupuntahan muna tayo Louella, dumaan muna tayo sa Police Station at makipag tulungan tayo sa mga Pulis. "

Sumang ayon sa kanya ang dalaga at pinaandar na ang sasakyan.

*****

Habang nakikita ko ang aking dating sarili na papunta na sa Train Station upang tapusin na ang kanyang buhay ay gusto ko itong pigilan subalit wala naman akong magagawa. Hindi nya ako nakikita at naririnig.

Melvin ! Sana magbago pa ang isip mo ! Ito lamang ang nawika ko.

*****

Sa loob naman ng pamamahay nila Melvin.

Ay taimtim na nagdarasal ang ina nito at humihiling na sana maging maayos ang mangyayare sa kanyang anak.

*****

Nakarating na sila Louella at Jonas sa Police Station . Dito ay dali dali silang humingi ng tulong sa mga awtoridad.

"Nasaan ang hepe nyo rito ? "

pagtatanong ni Jonas .

"Si Chief Mendoza po ba ? Wala sya ngayon sir, mayroon syang pinuntahan na mahalagang problema . Mayroon daw nagaganap na Holdup-an sa isang bangko at hinoldap daw ito ng mga di pa nakikilalang armadong kalalakihan. Hindi na ma secure ang buong lugar at may mga hostage din ang mga holdaper kaya pumunta na dun si hepe kasama pa ang iba upang makatulong. "

wika nito.

"Gusto sana namin ngayon magpatulong ! Ang kaibigan ko may balak magpakamatay ! Sana matulungan nyo kame ."

pagmamakaawa ni Jonas.

Matapos ang matinding diskusyunan ay naghanda ang dalawang pulis at sumama sa kanila.

Nang makaalis na sila Jonas at ang iba pa ay nagusap ang mga natirang Pulis sa istasyong iyon.

"Matindi na raw yung nangyayareng holdapan. Balita ko , yung nahold-up na bangko ay yung People's Own Bank . Sana maligtas ang mga hostage at mahuli ang mga holdaper na iyon"  sambit ng isang Pulis.

"Oo nga. Nandun naman si Hepe kaya magagawan nya ng paraan para maging maayos ang lahat "

tugon din ng isa pang pulis na nasa isang lamesa at sumasagot ng mga tawag.

******

Sa wakas.

Nakarating na rin si Melvin (dating ako) sa lugar kung saan gagawin nya ang kanyang pagpapakamatay. SA PLUNA TRAIN STATION.

Agad syang pumasok at tila wala sa sarili na naglakad sa loob.

Nakita nya ang kanyang relo.

Dito nanumbalik ang alaala kung saan ibinigay sa kanya iyon ng kanyang ina noong grumaduate ito ng high school .

( "Wow ! Ang ganda naman po nito inay ! " )

("Buti naman anak  at nagustuhan mo " )

(Oo naman po ! ) yumakap ito sa ina.

******

Nagpatuloy nang naglakad ang dati kong sarili papunta sa riles. Hinantay nito na dumating ang tren. At doon tatapusin nya na ang lahat..

Mula sa kabilang bahagi ng istasyon ay natatanaw ko ang aking dating sarili na nakatayo. Tulala ito at parang walang naririnig.

Binalak ko itong kawayan umaasang makita nya ako sa huling pagkakataon at mabago ko ang mga mangyayare. Subalit walang talab. Hindi nya talaga ako nakikita at naririnig. Isa nalang akong kaluluwa. Kaluluwa na binalikan ang nakaraang ito para ipakita sakin ang aking pagkakamali. Huli na para pagsisisihan ang lahat .

*****

Nakarating na sila Jonas kasama si Louella at ang iba pa.

Agad na tumakbo si Jonas papunta sa help desk ng istasyon. Hindi ito nagpapigil sa mga guwardiyang humarang sa kanya. Habang si Louella naman ay dali daling pumunta sa kinaroroonan ni Melvin tumatakbo ito at umaasang maabutan ang kanyang kasintahan.

"PAKINGGAN NYO MUNA AKO ! "

wika ni Jonas habang nagpupumiglas sa paghawak sa kanya ng dalawang gwardiya.

"Yung kaibigan ko ! Nandito ngayon ! Nagbabalak syang magpakamatay , balak nyang tumalon sa riles !

Pakiusap sabihan nyo yung darating na tren na patigilin sa pag andar !

Pakiusap "

paluha luha nitong pagsasalita.

Tinignan lang sya ng mga staff at animo'y hindi naniniwala sa sinasabi ni Jonas. Iniisip nila na baliw ito. Dahil sa tagal na nagbibigay serbisyo ang Pluna Train Station ay never pa itong naka engkwentro ng ganitong problema.

"Pakiusap ! Paniwalaan nyo ako ! "

Dito lumapit na ang dalawang pulis sa staff at kinausap ito sa mga mangyayare. Dito naniwala ang mga staff at pinakawalan si Jonas.

"Ano ang pangalan ng kaibigan mo ? " 

wika ng lalaking staff

"Melvin Torres! Nakasuot sya ng uniporme nya sa eskwelahan. Tiyak madali nyo syang makikilala at makikita "

Habol na hiningang sambit ni Jonas.

"Subalit napakaraming naka uniporme ngayon na nasa istasyon , hindi naten sigurado kung makikinig nga ang kaibigan mo kung sakaling magbigay tayo ng babala sa lahat ng mga naroroon "

wika ng isa pang staff na babae.

"Makinig kang mabuti.

Ikaw na ang nagsabi na magpapakamatay ang kaibigan mo, kung sakaling isigaw namin ang pangalan nya rito at marinig nya iyon , sa tingin mo magbabago ang desisyon nya ?

Hindi. Bagkus lalo lang sya matri triggered na ituloy ang kanyang binabalak "

dagdag pa nito.

Tumigil si Jonas sa pagsasalita tila natauhan ito na tama ang staff sa sinabi nito .

"Ang magagawa namin sir , is mahanap ang inyong kaibigan nang hindi naten ipinapaalam sa kanya , mahirap rin mapatigil ang darating na tren sapagkat need pa ito itawag sa nagpapandar nito pero itra-try namin"

****

Mabalik tayo sa dati kong sarili na tulalang nakatayo lamang sa gilid ng riles.

Isa isa nyang pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Nagpalinga linga sya .

Sa kanyang kaliwa ay natanawan nya ang mag amang masayang nagkwekwentuhan sa mahabang parisukat na upuan. Tinuturuan nito ang kanyang anak dahil sa hawak nitong libro samantalang tuwang tuwa naman ang anak nito na nakikinig sa kanyang ama.

Masaya silang pag masdan.

Lumingon sya sa kanyang bandang kanan at doon nakita nya rin ang isang lalaki na may hawak na gitara. Ang ganda ng gitara nya , malamang sa malamang isa syang bassist base narin sa hawak nitong gitara. Pero ang kapansin pansin rito ay ang porma nito at ang buhok nito na halos hindi na makita ang pagmumukha dahil sa pagkakatakip . Mga kamay nito ay puno ng mga singsing na patusok tusok na animo'y rakista , sapatos din na ubod ng taas na parang ngayon lang ako nakakita ng ganon.

Labis na inusisa ito ng dati kong sarili.

Yumuko ito at nakita na nakasuot pa sya ng uniporme ng kanyang pinapasukang unibersidad. Ngumiti ito dahil sa naalala , sinagot nya si Mr Galmante bago sya umalis at pumunta rito. Nakita nya rin ang butas mula sa kanyang bag gawa ni Alfred. Nadismaya sya. Kahit sa huling pagkakataon nagawa parin sa kanya ang bagay na iyon na parang masaya pa ang mga ito na napagtatawanan ang kapwa nila.

Tinignan nya ang oras sa kanyang relo.

9:48AM. Relo na ibinigay ng kanyang ina at ang kwintas na kanina lang ay isinuot nya ay ang kwintas na regalo sa kanya ng kanyang kasintahang si Louella, pinabless pa nila iyon sa pari para ilayo sya sa mga kapahamakan, subalit parang sya pa ata ang mismo magtutulak sa kanyang kapahamakan.

Narinig ko na ang paparating na ng tren dahil sa busina nito. Sa huling pagkakataon ay sumigaw ako at kinakawayan ang dati kong sarili para hindi nito ituloy ang binabalak.

"Nakita na namin ! Ang kasama nyo sir "

wika ng isang staff na kausap ni Jonas sa help desk na nakatingin sa monitor ng computer nito at tinitignan ang cctv footage nila sa nasabing istasyon.

Agad na nagmadaling pumunta ang mga gwadiya at pulis para pigilan si Melvin.

Paparating na nang paparating ang tren. Binalak na radyuhan ang nagpapaandar nito upang mapahinto ang pagandar . Agad naman silang nag anunsyo para maging aware ang lahat sa nagngangalang Melvin.

Pilit akong sumisigaw sa kabilang bahagi ng istasyon para patuloy syang pigilan sa kanyang pagpapakamatay. Laking gulat ko na tumingin ang dati kong sarili sa pinupwestuhan ko na para bang nakikita nya na ako. Natatanaw nya ako ! Ito ang pangalawang pagkakataon na nagawa kong makipag commnuicate sa dati kong sarili dito sa aking nakaraan. Pilit ko syang kinakawayan subalit parang hindi nya ako makilala.

Isang anunsyo mula sa malaking speaker ang pumalahaw sa buong istasyon.

"Kung sakaling mayroong nag ngangalang Melvin Torres na nakatayo dyan sa gilid ng riles ay pinapakiusapan naming tumabi at wag nang ituloy ang binabalak nito . Inuulit ko po MELVIN TORRES ! MELVIN TORRES ! "

paulit ulit nitong wika.

Labis na nagtaka ang dati kong sarili habang naglalakad papunta sa bukana ng riles.

"Paanong nalaman nila ang aking pangalan ? " wika nito.

Subalit hindi na nito napigil ang patuloy nitong paglalakad . Narinig nya ang isang tinig sa kanyang direksyon

Isang babae na tumatakbo at sumisigaw.

Si Louella. Si Louella yun !

"MELVIN !!!

"WAG MO ITULOY YAN !!! "

pagsusumamo nito.

Subalit huli na ang lahat.

Dumaan na ang tren kasabay ng pagtalon ng dati kong sarili sa riles nito.

Nasaksihan ng lahat ang mga nangyare.

Hindi ko parin nagawang baguhin ang aking nakaraan. Naganap talaga ang dapat maganap.

Napapikit na lamang ako noong naaninagan kong tumalon ang dati kong sarili at may nakita akong kakaibang liwanag na sumakop sa buong paligid.

Natapos na rin ang paghihirap mo Melvin.

Natapos na rin.

Mga luha na sadyang tumulo sa aking mga mata, tuloy tuloy ito na parang walang katapusan.

*******

Itutuloy sa ika labing dalawang kabanata

-KeleyanJunPyo

*******

Read with your own risk.

AUTHOR'S THOUGHTS (Trivia of the story and personal traits of the author )

Trivia about the story :

*Ang Pluna Station rin ang unang lugar kung saan nagsimula ang ating kwento

*Ang bangko na nababalitang nahold-up na nabanggit sa kabanatang ito ay ang mismong bangko kung saan manager ang ina ni Louella na si Mrs Santos.

*Ang lalaking nakita ni Melvin noon sa kabilang bahagi ng istasyon na nabanggit sa prologue ay ang mismong sarili nya na rin nabanggit din sa kabanatang ito.

About the Story

Lahat ng mga pangyayari na naroroon sa prologue ng ating kwento ay ang mga pangyayari din na eksaktong naganap sa kabanatang ito.

Authors thought

Nasa current timeline na tayo ng istoryang ito which is 2018.