"Anong pinagsasabi mo ? "
wika ni William na paika ika pang tumungo kay Melvin.
"Ayoko na William.
Natauhan nako. Ititigil ko na ito "
pagwiwika ng dati kong sarili.
Tumawa ng malakas si William.
Sumindi ito ng kanyang sigarilyo at binugahan si Melvin sa kanyang mukha.
"Natauhan ? Hahahhaa !!!
Baliw kaba ?
Ngayon mo lang yan naisip matapos ang lahat ? Akala mo ba basta basta ka na lang naming papaalisin ?
Nalaman mo na ang lahat pati na rin ang mga sikreto sa aming grupo , hindi ako makakapayag na umalis ka "
pagbabanta nito
"Pero.. William wala naman akong balak na magsumbong "
mahinang tugon nito.
Nilabas nito ang isang baril at itinutok kay Melvin.
"Kung aalis ka , dito palang papatayin na kita ! Para di kana makakanta "
pagpapatuloy nito.
Kahit na namumutla sa takot ay tinanggap nya ang kanyang magiging kapalaran. Pumikit sya at hinantay na iputok ni William ang baril sa kamay nito.
Isang pagputok ng baril ang narinig sa buong lugar. Pumalahaw ito sa kailaliman ng gabi .
Pero hindi mula kay William. Kung hindi mula sa labas ng kanilang secret hideouts.
"Boss ! Masamang balita may mga pulis sa labas "
pagwiwika ng isang tropa na nauutal pa sa kaba .
Agad na isinuksok ni William ang baril at sinabihan ang lahat na humanda sa paglaban.
"Natimbrehan tayo ! "
wika ng isa.
Habang si Melvin naman ay nakatayo parin at nakatingin sa mga nagkakagulong tropa. Naghahanda ang bawat isa sa anumang bagay na mangyayari mula ngayon.
Isang pagputok na naman ang kanilang narinig. Kasabay nun ang sunod sunod nang pagputok mula sa ibat ibang panig ng kanilang lugar.
Nakita nya na gumaganti rin ang kanyang mga tropa sa pagbaril.
Isa isa nang pumasok ang mga pulis at lalong naging madugo ang tensyon.
Hindi pumayag sila William at ang iba pa na mahuli sila , mas gugustuhin nila na mamatay nalang keysa mahuli ng buhay
Walang magawa si Melvin. Nagtago sya upang makailag sa barilang nagaganap.
Isa isa nyang nakikita na nagbabagsakan ang mga tropa nya , isa isa itong namamatay.
(Nanumbalik ang mga alaala nya kasama ang mga ito)
Labis syang nalungkot sa nakita . Bakit ?
Bakit sila lumalaban ?
Buhay pa sana sila kung mas pinili nalang nila na sumuko. Pero mas pinili nilang lumaban.
Nakakalungkot dahil kahit papano ay naging mabait naman ang mga ito sa kanya kahit pa tinuruan sya ng mga ito ng masamang bisyo. Pero wala syang magawa, ang masama ay masama. At ang kanilang ginagawa ay hindi tama at labag sa batas.
"Wag na kayo lumaban . Pakiusap ! "
sigaw nya sa mga ito .
Hindi sya nito pinakinggan at tuloy lang ang mga ito sa paglaban.
Agad syang tumakbo at nakakita sya ng labasan at agad syang tumungo rito at tumakas palabas.
Walang ibang nakatakas sa lugar na iyon maliban lamang sa kanya.
Hindi sya tumigil sa pagtakbo, kahit paglingon ay hindi nya ginawa.
Umiiyak sya at nagsisisi sa mga nangyari.
Nagtapos ang tensyon sa secret hideout nila sa isang madugong senaryo. Ang daming nagkalat na bangkay. At ang iba naman ay nahuli na ng mga kapulisan. Nakumpiska rin ang mga droga at pinagbabawal na gamot na kanilang ginamit.
Si William ?
Napatay sya.
Pinilit nyang lumaban keysa mahuli ng mga awtoridad , dahilan upang tuluyan na syang paputukan ng mga ito hanggang malagutan ng hininga.
******
Dahil sa nangyari ay natrauma na ang dati kong sarili at hindi na makausap nung mga sumunod pang araw.
Araw araw rin itong umiiyak sa kanyang kwarto. Labis na nitong pinagsisishan ang kanyang mga nagawa.
Ito na ang resulta.
Ito na ang ganti ng mundo sa aking mga kasalanan. Ngayon nakikita ko ang dati kong sarili na nagdudusa at nagsisisi.
Ito ang nakaraan ko .
Ito ang nakaraan na pilit ipinakita sakin upang matuto ako ng aral. Ito rin ang nakaraan na kung saan alam kong tatapusin ko ang aking buhay sa mga susunod pang mga araw at hindi ko iyon mapipigilan.
Simula rin ng araw na iyon ay muling ibinalik ng dati kong sarili ang kanyang itsura. Mula sa kanyang porma at pisikal na kaanyuan. Ang kanyang pinahabang buhok na nakatayo ay muli nyang ibinagsak. Tinanggal nya rin ang mga hikaw sa kanyang tenga at dila. Tinigilan nya na rin ang paninigarilyo at pag inom .
Ngunit isang bagay ang pilit na hindi nya matakasan .
Ito ay ang Droga !
Alam nyang bawal na ito at ayaw nya nang sumubok pa.
Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila nakakabit na sa kanyang isipan na kailangan ito at hinahanap ng kanyang katawan.
Para syang baliw na nanginginig sa isang sulok at dilat ang mga mata . Balisa at maputla ang mga labi pati narin ang kanyang mga balat.
"Ayaw ko na !! Pakiusap ! Tigilan nyo na ! Ayaw ko nang sumubok ! AYAW KO NA !!! "
Paulit ulit nya itong sinasabi sa sarili .
Subalit parang may mga bumubulong sa kanya na hindi nya naman malaman kung sino at hindi na rin nakikita. Mga tinig na sya lang ang nakakarinig. Sinasabihan sya nito na muling sumubok ng pinagbabawal na gamot, ngunit nilalabanan nya.
Pero mas matindi ang pagkaadik nya .Kahit labanan nya ay mas lalo lang syang kinakain ng depresyon at pagkabaliw. Tinatakpan nya ang kanyang mga tenga upang hindi na marinig pa ang mga tinig . Kahit sa pagtulog ay naririnig nya ang mga ito.
Naiiyak ako pag nakikita ko ang sarili ko na ganito. Sobrang hirap na sya .
Halos hindi nya na alam ang kanyang gagawin. Wala na syang malapitan at masabihan.
*****
Isang araw sinubukan nyang tawagan ang kanyang kasintahan na si Louella , ngunit walang sumasagot. Ilang beses nya rin itong sinubukang tawagan uli subalit gaya ng mga nauna ay wala parin itong tugon. Kahit text ay hindi ito sumasagot.
Halos mabaliw na sya sa kakaisp kung bakit ?
Hanggang maalala nya ang mga ginawa nyang kasalanan sa kanyang pinakamamahal na si Louella.
Nagsimula syang umiyak.
(Insert sad song)
"Oo nga pala. Matapos kong saktan ang kanyang damdamin at pagtabuyan sya , ngayon hahanapin ko sya at kakausapin ?
Napakatanga ko !
Tama lang sa akin ang lahat ng ito ! "
wika nito
"Napakasakit para kay Louella ang huli kong ginawa sa kanya , kaya hindi ko sya masisisi kung sakaling layuan nya na ako at iwasan" pahabol pa nito.
******
Ang katotohanan ay matapos ang ginawa ng dati kong sarili kay Louella ay mas minabuti nitong hindi na muna kausapin si Melvin . Nagpalit na ito ng numero sa cellphone para hindi na ito matawagan pa.
******
Kahit abangan ni Melvin sa labas ng Unibersidad na pinapasukan nito ay hindi nya ito maabutan , marahil ay umiiwas din ito at dumadaraan sa ibang daanan pauwi.
Kaya mas minabuti nyang puntahan nalang ito mismo sa kanilang bahay, at personal na humingi ng paumanhin sa lahat ng kanyang nagawang kasalanan.
Kumatok sya sa napakalaking gate nito at mula sa pintuan ay lumabas ang kasambahay ng pamilyang Santos.
Sumilip ito at nakita si Melvin.
Binuksan nito ang gate at inalok si Melvin na pumasok.
" Sir , Melvin ? Pasok po kayo. "
paanyaya nito.
Nahihiya pang nauutal ang dati kong sarili na nagwika.
"Ahh ummm.. Si Louella po Nana Bela nandyan po ba ? "
pagtatanong nito.
"Ahh. Si Ma'am Louella. Nako , di nya po ba sinabi sa inyo ?
Umalis po sila nung nakaraang araw po.
Hindi nila sinabi kung saan sila pupunta ni Madam pero baka sa susunod pang araw ito umuwi. "
Malungkot itong tinignan ng dati kong sarili.
"Ah..Ganon po ba.. "
"Pasok muna po kayo , ipaghahanda ko kayo ng Juice at meryenda. "
Pumasok si Melvin sa bahay ng kanyang kasintahan.
Dito labis nyang inisip ang kanyang nagawa.
Baka nga .
Baka nga nagalit talaga sa kanya si Louella dahil pati pagpapaalam nito sa pag alis ay hindi nito pinaalam.
Naupo sya sa upuan at nagmuni muni.
Ininom ang juice at kinain ang isang slice ng cake na inihanda sa para sa kanya.
Tinignan nya ang buong bahay at dito unti unti nyang sinariwa ang mga magagandang alaala nila ni Louella sa bahay na iyon.
Napatungo ang kanyang paningin sa isang aquarium sa bandang garden nila Louella. Nilapitan nya ito at tinignan.
Nakita nya dito ang isang Gold Fish.
Oo .
Naalala nya ang Gold Fish na ito ilang taon na ang nakakaraan. Ito rin ang kaparehas na Gold fish na napanalunan ni Louella sa isang palaro noong nanliligaw pa sya rito.
(Naalala ang panahon noong nakuha ito ni Louella)
"Melvin , tignan mo ang cute nya. Papangalanan ko syang Golden. "
Golden ang pangalan ng isdang ito. Si Louella ang nag alaga rito mag aapat na taon na ang nakakalipas. Mapagmahal talaga si Louella kahit sa mga hayop.
*****
Matapos ang pagmumuni muni ay nagpaalam na sya at umalis sa bahay ng kanyang kasintahan.
"Nana Bela, wag nyo nalang po sanang sabihin na pumunta ako rito ah "
"Talaga po ba ? Sigurado kayo dyan ? "
"Opo "
wika nito at umalis na.
Nagpatuloy sya sa paglalakad at nadaanan nya ang mga lugar na kung saan sila madalas magkasama ni Louella. Dito nakaramdam sya ng kirot at pagkalungkot , pagsisisi at pagkainis sa sarili.
Nadaanan nya rin ang Musical Instrumental Shop na madalas nyang puntahan.
Nangungulila na sya , gusto nya na uling bumalik sa pagtugtog at pagkanta subalit wala syang lakas ng loob .
Nakita nya rin ang lugar kung saan una nyang minahal ang pagkanta.
Dito sa lugar na ito nakita nya noon ang isang matanda na tumutugtog at kumakanta. Dito sya nagsimulang mangarap , dito natuklasan ang kanyang talento.
(Flashback noong una nyang makita ang matanda)
*
***
Matapos nito ay huminga sya ng malalim.
"Wala na yung matanda dito, nasaan na kaya sya ? "
wika ng dati kong sarili.
Muli ay nagpatuloy sya sa paglalakad.
Napunta sya sa isang parke at naupo sa mahabang upuan.
Ito rin ang upuan noon na sinulatan nya ng pangalan nya at pangalan ni Louella mag-aapat na taon na ang nakakaraan. Tanda ng kanyang panliligaw rito noon.
Kahit na malabo na ang pagkakaukit dahil sa lumipas na ang panahon ay naroroon parin ang kanilang pangalan.
Umalis sya rito matapos ang ilang sandaling pagkakaupo.
MELVIN X LOUELLA . 2014
Ito ang nakasulat sa upuan.
******
Umuwi sya sa kanilang bahay noong hapong iyon. Wala ang kanyang ina , marahil nasa trabaho pa ito. Malaki din ang kasalanan nya sa kanyang ina at hindi pa sya rito nakakahingi ng paumanhin sa mga nagawa nya. Gusto nyang kausapin ang kanyang ina subalit natatakot sya at nahihiya , matapos ang lahat ay hindi nya kayang humarap sa mga taong nasaktan nya.
"Paano ? Paano ako makakabawi sa kanila ?"
Malungkot nitong sambit sa sarili.
******
Nagpatuloy pa ang kanyang depresyon sa mga sumunod pang raw.
Lumipas ang araw na ito.
JUNE 13 , 2018 .
Ang pinakamahalagang araw sa kanyang buhay.
Ito ang araw kung kelan tatapusin nya na ang lahat ng kanyang problema. Dahil sa depresyon na sumakop sa kanyang pagkatao at nagbigay ng kalungkutan sa kanya. Halos wala na syang makausap na ibang tao kundi ang sarili nya na lamang.
Nakapag desisyon na sya noong araw na iyon.
Para matapos na ang lahat.
Ito ang dapat !
Ito ang solusyon !
Dito lang sya makakabawi at makakatakas sa hinaharap nyang kalungkutan .
Maaga ang pasok nya noong araw na iyon.
7am ang first subject nya at kay Mr Galmante pa ang klaseng iyon.
Maaga syang nagbihis , at umalis. Madilim pa ang kalsada.
Bago sya lumisan ay nakita nya pa ang kanyang ina na natutulog sa kwarto nito.
Tinignan nya ito nang matagal at lumuha.
Dahil siguro alam nya na baka ito na ang huli nyang pagtingin rito. Tingin ng pagpapaalam.
"Ma , salamat po sa lahat ! Patawad din sa mga nagawa kong kasalanan. Hayaan nyo wala na kayong iintindihing anak simula ngayon " mahina nitong wika habang nagpupunas ng luha.
Agad syang umalis sa kanilang bahay at sumulyap pa rito bago tuluyang lumisan.
Napakaraming alaala ang pamamahay nito sa kanya at ito rin ang huli nyang alaala rito.
Magaganap na.
Ito ang nakatakdang mangyari . Ito lamang ang mga nabigkas kong salita habang tinitignan ko ang dati kong sarili noong araw na iyon. Tanggap ko na. Ito ang aking parusa. Ito ang aking pagsisisi at ito ang katotohanan.
Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat
******
Sa klase noong araw na iyon ay tulala lang ang dati kong sarili na nakatingin sa malayo habang si Mr Galmante na naman ay walang nang ginawa kundi magpasulat lang ng kanyang tinuturo. Ganito ang madalas nyang ipagawa. Hindi sya nagtuturo sa klase at puro lang pasulat. Tamad talaga.
Tinatawag ni Mr Galmante ang dati kong sarili nung mga oras na iyon, subalit hindi ito tumutugon na tila may iniisip itong malalim.
Dahil dito ay pinagtawanan sya nito at ipinahiya sa klase.
"Tignan nyo si Torres ! Yan ang resulta kapag hindi nyo inalagaan ang sarili nyo ! Haha magiging ganyan kayo ka-miseralbe sa buhay ! " pagsasalita nito.
Nagtawanan ang karamihan sa kanyang mga kamag aral habang ang iba naman ay pawang mga abogado na hinusgahan sya sa mga titig nito.
Hindi na nakatiis si Melvin at tumayo ito. Sumigaw at sinagot ang guro.
"TUMIGIL KANA !! Hindi ko na kaya !!
Sawa nako sa pang aalipusta mo sir ! Ito ang gusto mo diba ? SIGE ! PAGBIBIGYAN KITA ! Simula ngayon hindi mo na ako makikita !! " sigaw nito sa guro sabay kinuha ang bag nito at umalis sa klase .
Gulat pa si Mr Galmante sa narinig at padabog na hinampas ang kanyang lamesa.
"TORRES ! BUMALIK KA RITO ! bastos kang bata ka . Tandaan mo to ! Hindi kita ipapasa sa subject ko at sasabihin ko rin sa iba pang professor na wag kang ipasa dahil sa ugali mo !"
Ngunit hindi na nagpapigil si Melvin at tuluyan itong umalis. Bago ito makaalis ay binutas ni Alfred nang palihim ang bag nito gamit ang isang blade habang dumadaan ito papalabas ng silid aralan .
Pasimpleng tumawa ito at tumingin sa iba pang kamag aral na nung mga oras ding iyon ay malakas ding nagtatawanan.
Lumabas si Melvin sa Unibersidad at naglakad. Naghahanap na sya ng lugar kung saan sya gagawin ang kanyang binabalak.
Hanggang may mga estudyante syang narinig na naguusap.
"Alam mo ba balita ko ngayong araw daw ang ika animnapu (60) na taon ng Pluna Train Station . 60years na nilang anniversary. At sabi may pagtatanggal daw sa nasabing istasyon. Kanina pa nagsimula mga 8am sa tingin ko matatapos yun mga 9am "
wika nito.
"Ay sayang naman di pla tayo aabot kung sakali pumunta tayo "
tugon ng kasama nito.
Tinignan ni Melvin ang kanyang orasan.
8:34am ng umaga.
Doon ay nakapag desisyon na sya.
Mayroon na syang naiisip..
AT YUN AY PUMUNTA SA PLUNA TRAIN STATION AT DOON TAPUSIN NG KANYANG BUHAY SA PAMAMAGITAN NG PAGTALON SA RILES NITO.
Sa pamamagitan ng bagay na iyon, matatapos na ang lahat nang ito.
"May 35mins ako bago makarating sa Pluna Station kung sakaling sisimulan ko na maglakad ngayon mula rito "
mahina nitong bigkas sa sarili.
Agad itong naglakad nang mabilis.
Subalit isang tao ang humarang sa kanyang daraanan.
******
Itutuloy sa ika labing isang kabanata.
-KeleyanJunPyo
******
Read with your own risk
AUTHOR'S THOUGHTS(Trivia of the Story and personal traits of the author )
Author's thoughts :
Ang susunod na kabanata ay ang pinaka-plot ng ating istorya . At major event sa ating kwento. Ito rin ang PINAKA MAHALAGANG bahagi ng nobela.