Nanlaki ang mga mata ni Louella nung mga oras na iyon , napanganga , ngunit napangiti rin matapos ang ilang segundong pagiisip sa kanyang isasagot.
Iniabot nya ang kanyang mga kamay , kasunod ng buong pag galak na humawak sa mga kamay ng dating ako .
Napakalamig at napakalambot . Iyon ang unang pagkakataon na may unang babae na bukod sa aking ina ang humawak sa aking kamay. Napakasarap. Parang ayaw ko nang huminto ang mga oras nung mga panahong iyon.
"Walang problema" maikling tugon nya, ngunit sa kabila ng kaunting tugon na iyon pakiramdam ko ay naguumapaw naman ako sa kaligayahan.
Agad syang nagtanong uli kung ano ang ginagawa namin sa lugar na iyon. At sinagot naman ng dating ako nang buong pagkagalak. Sinabi nito na inanyayahan sila na umawit para sa mga cancer patients sa isang charity event na iyon.
"Wow . talaga ? Magandang balita yan. Narinig na kitang umawit dati , kaya alam kong napakaganda ng boses mo. Masaya ako at makikita at maririnig uli kita na kumanta. Sa susunod wag kana tatakbo ah ? Masayang sambit nito na nakaturo pa ang kanyang hintuturo sa mukha ng dating ako.
Agad na hinila ni Jonas ang dating ako mula sa paguusap nito kay Louella. Lumayo sila ng kaunti at pabulong na tinanong ni Jonas.
" Wag mong sabihin na sya yung babae na sinasabi mo ? Kase naikwento mo sakin na nakita mo yung crush mo tapos kinantahan mo sa harapan ng mga bata, pagtapos tinakbuhan mo " Matalim na tingin ni Jonas.
"Oo. sya nga yun " Mahinang tugon ng dating ako.
"Pare. Napakaganda nya. Saka mukhang mabait, masayahin din at kita mo volunteer pa sa mga ganitong events. Susuportahan kita dyan pre kung sakaling ligawan mo yan. " sabay apir sa kamay ng dating ako.
Bumalik sila kay Louella at muling nakipag usap.
"Ah . Baka gusto nyo munang maglibot libot dito , pwede ko kayong iguide " masayang paanyaya ni louella sa kanila .
"Nako pasensya na . kase nagaayos na kame ng aming mga..
Bago pa maituloy ng dating ako ang kanyang sasabin nya , agad na tinakpan ni Jonas ang bibig nito sabay bigkas ng mga salitang.
" Walang problema. Sasama tong kaibigan ko para makapaglibot libot kasama mo " Sabay kindat sa dating ako na para bang sinasabi nya sa senyas ng kanyang mga mata na sumama na ako at pumayag sa alok nito . Loko talaga tong si Jonas mukhang sya pa ang mas kinikilig keysa sa akin.
"Pero . Jonas diba sabi mo magaayos pa tayo ng gagamitin at mag prapractice ?" Mahinang tugon ng dating ako .
" Nako praktis lang yan mas mahalaga yung lovelife mo" sambit nito habang kinukuha sa lalagyanan ng kagamitan ang mga gitarang gagamitin namin sa pag awit sa event na yun.
"Saka pare pagkakataon mo na yan, grab the opportunity para makilala mo sya nang lubusan . Babae na nag aaya sayo tatanggi kapa ? Wag na wag mong hindian ang babae kapag humihingi ito ng pabor, baka balang araw magsisi ka nyan " sabay tulak sa dating ako nang ubod nang lakas dahilan upang itoy mapaharap muli kay Louella.
"Ako na ang bahala dito Melvs. Basta mag enjoy muna kayo " pahabol na sambit ni Jonas sa dating ako habang nakataas ang kanang kamay nito at winawagayway.
********
Habang naglalakad ang dating ako at si Louella. Tahimik at buo ang pagtitig na ginagawa nito sa dalaga. Hindi nya na inintindi ang pinagsasabi nito basta ang mahalaga sa kanya nung mga oras na iyon ay ang matitigan nya ang napakagandang pagmumukha ni louella. Ang maamong boses nito at palagiang pagngiti nito.
Nagulat at muling bumalik sa kanyang sarili ang dating ako matapos makita si Louella na pumunta sa isang cancer patient na nakaupo sa isang wheelchair. Isa itong bata na namumutla na ang balat at mga labi ngunit masaya paring sumasabay sa kulitan ni Louella at nang iba pa.
"Melvin tara dito. Samahan mo ako makipag usap tayo kay Bernard " paanyaya nito sa dating ako na nung mga oras na iyon ay nakatayo lamang sa isang gilid.
Bernard ang pangalan ng bata na kinakausap ni Louella. Naaalala ko ang batang ito. Sobrang tumatak noon ang kwento nya sa akin . Lumapit ang dating ako sa dalawa at masayang nakipag kwentuhan.
Doon ko nalaman na nasa stage 4 na at nasa malala nang bahagi ang sakit ng batang iyon. Kita nga sa kanyang personal na katauhan. Nakasuot na ito ng nakapalupot na tela sa kanyang ulohan na tanda na wala na itong buhok.
Ang kanyang ina na lamang daw ang meron sya at naniniwala sa kanya. Marami pa raw syang pangarap na gustong gawin at gustong matupad pero dahil sa sakit mukhang malabo na itong mangyari.
Tahimik at malungkot na nakikinig ang dating ako at si Louella sa batang nagngangalang Bernard. Habang ang aking sarili naman ay pinagmamasdan sila.
Hindi nila ako nakikita. Kase ito ang aking nakaraan. Muli kong pinakatitigan ang bata at nakaramdam ako ng kalungkutan. Hindi ko alam, pero bakit sobrang nalulungkot ako sa mga oras na ito.
"Tanggap ko napo kung ano man ang mangyari sakin , matagal ko napong inisip na maaring hindi na ako magtagal sa mundong ito. Na maari bukas hindi na ako magising at maaring hindi ko na makikita si mama " malungkot na sambit ni Bernard.
Malungkot silang tumingin dito habang si Louella nmn ay pilit na pinapasaya ang bata.
Nalulungkot ako para kay Bernard. Pero sobrang humahanga ako.
Nakakabilib dahil sa kabila ng mura nyang edad
Ay naiisip nya na ang mga bagay na iyon.
Bata pa sya kung tutuusin. Napakarami pang bagay ang pwedeng mangyari sa buhay nya.
Pero sa kabila nun napaka positibo ng pananaw nya. "Mas matapang pa nga ang bata sakin , dahil kaya nyang tanggapin ang katotohanan na maari na syang pumanaw at itong kamatayan ang pinaka nakakatakot na sandali ng buhay " sambit ko sa aking sarili.
Habang pinapagaan ni Louella ang bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo at masayang pakikipag kwentuhan dito.
Lumapit ako sa dating ako. Hinarapan ko ito sa kanyang mukha. Kahit na hindi ako nito nakikita ay binanggit ko ang mga salitang ito.
"Maitatanong mo kaya sa kanya kung natatakot ba syang mamatay ? " nakayukong bulong ko sa dating ako.
Laking gulat ko na biglang sinambit ng dating ako ang mga salitang..
"Natatakot kabang mamatay ?"
Pero papaano ? Wala akong maalala na sinabi ko ito noon ? Ngayon ko lang ito sinabi dahil gusto ko lamang iyon itanong sa dating ako. Naririnig nya kaya ako ? Di ko malaman ang aking iisipin nung mga oras na iyon.
Gulat na lumingon si Louella at Bernard sa dating ako, animoy nagtataka sa mga binigkas nitong salita.
Nahimasmasan ang dating ako at gulat nitong winika na
" Pasensya na. Di ko gustong itanong ang mga bagay na iyon. Wala talaga sa isip ko at kusa nalang na lumabas sa aking mga bibig na parang may nagsasabi sakin na sabihin ko. " tugon nya .
Inaliw ni Louella si Bernard at iniba ang usapan upang ito ay malibang at makalimutan ang tinanong ng dating ako. Pero laking gulat ng dalawa nang biglang nagsalita si Bernard.
"Hindi po ako takot mamatay " diretsong tingin nito sa dating ako na nakangiti.
"Nako pasensya kana di ko talaga gustong itanong sayo iyon"
"Okay lang po. Hindi napo ako natatakot kung mawawala napo ako sa mundong ito. Tinanggap ko na po iyon. Saka simula nung nalaman ko na may sakit ako pinangako ko na di ako iiyak at matapang na haharapin ang lahat"
"Ayaw ko napo kaseng nakikita si mama na malungkot kaya sa nalalabing panahon ko nalang sa mundong ito mas pipiliin ko nalang na magsaya diba po tama ako ?" sambit nito.
"Hindi naman masamang umiyak Bernard, sa pagiyak mo mailalabas ang mga saloobin na gusto mong ipabatid sa lahat. Walang masama ang umiiyak. Umiiyak tayo dahil nakakaramdam tayo ng lungkot. Umiiyak tayo dahil iyon ang takbuhan naten upang mawala ang sakit sa ating puso. Kahit kelan hindi pagiging duwag ang pag iyak. Hayaan mong ilabas mo ang tunay mong nararamdaman. Maging totoo ka. Maging matatag ka " Sambit ni Louella sabay hawak sa mga kamay ng bata.
Pinakatitigan ni Louella sa mga mata si Bernard, na para bang sa mga mata sila naguusap nito.
Natigil lang ito nang alisin ni Bernard ang mga kamay nito sa pagkakahawak ni Louella at sabihin na
"Hindi ! Matapang ako ! Hindi ako iiyak. Saka tanggap ko na ang mangyayari saki na wala nang lunas ang sakit na ito. Bakit kailangan pakong malungkot at umasa sa mga bagay na alam kong hindi na mangyayari ? Alam kong alam nyo rin na kaonti nalang ang ilalabi ko sa mundong ito . kaya sinasabihan nyo ako na maging matatag ? Para saan ? Dahil gusto nyong palakasin ang loob ko at sabihing may himala ? Na gagaling ako ? Ate . lahat po ng dasal lahat ng mga bagay ginawa namin. Pero habang lumilipas ang panahon walang nagbabago at lalo pang lumalala ito. " pagalit na tugon nito kay Louella.
Dito nakita ko kung gaano kabuti ang kalooban ni Louella na tulungan ang batang iyon kahit sa pang emosyonal na aspeto ng buhay .
Natigilan nalang sila ng dumating mula sa kinaroroonan nila ang isang babae.
"Ako nga pala si Shirley , ako ang ina ni Bernard" mahinang sambit nito.
"Pasensya na kayo sa anak ko. Alam nyo naman kung ano ang epekto ng sakit na ito hindi lang sa kanyang pisikal na pakiramdam pati narin sa kanyang emosyonal at mental na pagiisp. " dagdag pa nito.
"Wala po kayong dapat ihingi ng tawad . " sambit ng dating ako na nakayuko at nagbibigay respeto sa ina ni Bernard.
"Si Bernard. Napakabuting anak, Napakatalino nya , mataas ang pangarap nya sa buhay . Gusto nya balang araw maging isang piloto. Walang araw na hindi sya naging malambing sa akin. Dahil wala na ang aking asawa dalawa nalang kame ang namumuhay. Pero binago ang lahat noong nalaman namin na may Leukemia sya at nasa malalang bahagi na iyon. " sambit ng ina nito .
"Masakit sakin na makita ang anak ko na unti unting nahihirapan at pinapatay ng sakit , pero wala akong magawa. Wala. Umiiyak lang ako at oras oras na nagdadasal na sana may pagbabagong maganap " pigil na hagulgol nito na tinakpan ang bibig at mula roon tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Mama . Diba sabi ko po ayaw ko kayong malulungkot? " wika ni Bernard na nakatingala sa ina.
Pinunas nito ang mga luha at marahang sinabi.
"Mabait ang aking anak at mahal na mahal ko sya. Masakit sa akin at walang magulang o ina ang kayang tanggapin ang mga nangyayaring ito sa kanyang anak. Kung pwede na ako nalang sana ang nagkasakit. Sana ako nalang "
Dito ay lumapit na si Louella sa ina ni Bernard ay hinipo hipo ito sa bandang likuran at taimtim na niyakap ito.
"Kaya po nandito kame , para po kahit papaano makatulong po kame sa inyo na maibsan ang kalungkutan nyo " sambit nito sa ina ni Bernard.
"salamat iha " salamat sa inyo " ito ang mga salitang tinugon ng ina ni Bernard bago sila magpaalam rito.
Bago sila makaalis sa pinupwestuhan ng mag ina. Nakita ko ang dating ako na lumapit kay Bernard sabay sabing..
"Mamaya Bernard . Makinig ka sa kakantahin ko ah. Gusto kong marinig mo akong kumanta okay ba yun ? " nakangiting sambit nito kay Bernard.
Isang tango ang isinagot ng bata tanda na itoy sumsangayon .
*****
Habang naglalakad uli si Louella at ang dating ako . Hindi mapigilan ni Louella na balikan ang paguusap nila ni Bernard.
"Natatakot syang mamatay" bigkas nito sa dating ako.
Buong pagtatakang nilingon ito ng dating ako at kahamikan ang isinagot nito.
"Si Bernard yung bata knina , habang tinitignan ko sya sa kanyang mga mata , nakaramdam ako ng guilt na nagmumula sa puso nya. Hindi sya totoo sa sarili nya.Siguro dahil natatakot syang mamatay " sambit ni Louella.
"Pero hindi ba sabi ni Bernard , tanggap nya na ang mangyayare sa kanya ? Di nga daw sya natatakot. At napakatapang nya na bata " tugon ng dating ako.
"Kahit na kelan hindi katapangan ang pagtatago ng tunay mong nararamdaman" mahina ngunit malaman na sambit nito sabay titig nito sa dating ako .
Agad na napatamihik ang dating ako sa sinabi ni Louella. Ang kaninang masayahin at bibo ay biglang naging seryoso.
"Kamatayan. Hindi dapat ginagawang biro iyon. Nung mga oras na tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. Doon ko nalaman na nagsisinungaling sya. Iba ang sinasabi ng kanyang mga mata sa sinasabi ng kanyang puso. " dagdag pa nito.
"Natatakot syang mamatay iyon ang katotohanan. Pinipilit nya na maging matatag para sa kanyang ina. Ayaw nyang ilabas ang tunay nyang nararamdaman. Dahilan upang hindi sya umiiyak o hindi nya pinapakitang apektado sya ng kanyang karamdaman. "
"Mahirap iyon, ang pagtanggap sa iyong kamatayan ay hindi masama. Pero kung pipilitin mong itago ang tunay mong nararamdaman para lamang hindi mo makita na masasaktan ang mga mahal mo sa buhay baka sa huli ikaw rin ang mahihirapan " mahabang sambit ni Louella.
Isang tinig ang nagpatigil sa dating ako at kay Louella sa kanilang paglalakad.
" Iho, Iha , matanong lang . magnobyo at nobya ba kayo ? "
Isang matandang babae ang nakaupo rin sa isang wheel chair habang tulak ng isang lalaki na sa tingin ko'y nasa dalawampung taon gulang o pataas (20years and up) .
Katahimikan ang tinugon nilang dalawa sabay tingin sa isat isa. Nagkulay mansanas ang kanilang mga mukha dahil sa pamumula .
"Hindi po. Magkaibigan lang po kame " marahang sambit ng dating ako.
"Mukha kase kayong magnobyo at nobya. Saka bagay kayo. Ilang taon kana iho ? " mabagal na wika nito na nakatingin sa dating ako.
" labingpitong taong gulang palang po (17 years old ) ani nito.
" ako naman po ay labingwalong taong gulang (18years old) " wika naman ni Louella.
"Aba . napakatangkad mo nmn iho para sa edad mo" tuwang sambit ng matanda .
Isang masayang ngiti ang isinukli ng dating ako sa matanda.
"Maari bang kuhanan ko kayo ng litrato kung papayagan nyo ako? Mahilig kase akong kumuha ng mga litrato sa mga taong nakikilala ko" ani pa nito sa dalawa .
Nagka-tinginan uli ang dating ako at si Louella sabay pinaunlakan ang kagustuhan ng matanda.
"Chester , apo pwede bang kuhanan mo sila ng litrato para sakin , tapos ibigay mo rin sa kanila " utos ng matanda sa kanyang apo na agad namang sumunod sa utos ng matanda.
Nagdikit si Louella at ang dating ako para makuhanan ng magandang litrato
"Isa . Dalawa. Tatlo..". Kasabay ng pagtunog ng polaroid camera at paglaglag ng larawan nito ang mga ngiti sa labi ng dating ako at ni Louella.
Makikita dito ang diretsong postura ng dating ako at ang mga kamay nito na nasa likuran, samantalang si Louella naman ay nakangiti at nakataas ang kaliwang kamay na parang nangangamusta.
Ito ang unang litrato namin . Ang unang litrato na hanggang ngayon tinatago ko parin.
Marami pang pinagusapan si Louella at ako noong mga oras na iyon. Napakasaya nilang pagmasdan. Ang mga tawa at ngiti na parang wala nang bukas. Ang pagbibigay saya nila sa mga taong may karamdaman . Ang makita din na nagiging masaya ang mga taong iyon kahit sa araw lang na iyon ang isa sa pinakamasarap sa pakiramdam. Habang pinapasaya nila ang mga taong may malubhang karamdaman ay tila nabibigyan nila ng kaunting pag asa ang mga ito.
Pinakilala din ni Louella ang dating ako sa mga kaibigan at kasamahan nya sa kanyang Volunteer program na kinabibilangan.
Nagumpisa na ang event. At naghanda na ang dating ako at si Jonas sa kanilang kakantahin.
Bago magsimula ang kanilang pagtatanghal.
" Jonas. Pwede bang may irequest ako ? " wika ng dating ako.
"Ano yun pre ? ". Ani ni Jonas
" Pwede bang ibahin naten ang lyrics ng kakantahin naten ? Ako bahala. Pero ang tunog ay ganon parin. " sambit ng dating ako.
"Walang problema. Saka ikaw ang kumakanta kaya di kita pipigilan dyan " pag sang ayon ni Jonas.
Noong umakyat na sila upang tumugtog at umawit. Nandun si Louella sa bandang gilid na bahagi at animo'y nag checheer para kanila.
Tanda ko pa noon. Napakalamig ng paligid. Halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin. Ang mga taong may karamdaman na dinaramdam. Mga karamdaman na onti onting pumapatay sa knila. Subalit hindi nito kayang patayin ang kanilang paniniwala, at ang kanilang katatagan ng kalooban at paglaban sa hamon ng buhay na kinakaharap nila.
Umawit kame ni Jonas ng buong puso. Buong pag galak at buong pagmamahal. Ang mga lyrics na inilapat ko sa kantang iyon ay inaalay ko sa mga taong naroroon ngayon. Ang mga taong kagaya nila Bernard at nang iba pa.
Awit ng pagpapaalala na may pag asa pa. Awit na magbibigay sa kanila na lumaban pa kahit sa huling pagkakataon at mabuhay ng walang pinagsisihan.
Kita ko sa mga mata ni Louella nung mga oras na iyon ang paghanga at pagdamdam sa bawat liriko na lumalabas sa kanta.
Natapos na ang aming pagtatanghal.
Agad na binati ni Louella ang dating ako pati na rin si Jonas sa nakakbilib nitong performance.
"Napakagaling nyo talaga. Nakakabilid yung pagawit at pagtugtog nyo. Saka yung lyrics talagang pasok sa tema ng programa " masayang sambit ni Louella.
"Si Melvs ang pumili ng mga lyrics na iyon. On the spot nya nga ginawa yung lyrics. " tugon ni Jonas.
"Woaah. Hindi nga ? On the spot yun ? Napakagaling mo naman Melvin. " mariing wika ni Louella na nakahawak sa kanyang pisngi na tanda ng pagkabigla nito.
"Ehh. Naisip ko lang naman kung gawan ko kaya sila ng lyrics na kung saan maiinspire sila sa kabila ng problemang kinakaharap nila. " tugon ng dating ako.
Matapos noon ay pinanuod pa nila ang iba pang mga pagtatanghal mula sa iba-ibat naimbitahan sa programang iyon.
Meron sumayaw, merong nagtanghal ng mga nakakatuwang bagay at iba pa.
Matapos ang programa para sa araw na iyon, ay nagligpit na ang dating ako pati si Jonas upang umuwi na.
Lumapit si Louella sa knila at nagpaalam narin.
" Hanggang sa susunod nalang. " ani nito.
Agad na humarap ang dating ako na animo'y nahihiya sa sasabihin nito
"Sabihin mo na Melvs, bilis. " pamimilit ni Jonas
"Oo sandali lng " , sambit ng dating ako.
Lumapit ito kay Louella at ...
"Itatanong ko sana kung maari kitang maaya na lumabas sa susunod na linggo ? " mahina at nahihiyang sambit ng dating ako.
Malalim na titig ang itinugon ni Louella sa dating ako. Dahilan upang mapatalikod ito at humingi ng paumanhin.
"Pasensya na. Baka may lakad ka pala nun diba? Saka baka .... Baka magalit ang kasintahan mo . " wika nito kay Louella.
Isang malaking ngiti ang isinukli ni Louella sabay dumukot ito sa kanyang bulsa, may iniabot ito.
"Wala akong kasintahan. Nandyan ang number ko, pwede mo ako itext kung magkataon. Magpakilala ka lang. Alam mo kahit ngayon lng kita nakilala ang gaan ng loob ko sayo. Malaki kasiguraduhan ko na mabuti kang tao. Nakikita ko sa mga mata mo at kilos mo." Sambit nito sa dating ako.
Agad na napaharap ang dating ako sabay masaya nitong tinignan at kinuha ang papel na inabot ni louella na may laman ng number nito.
"Salamat " tugon nito.
"Sa susunod na magkita tayo , pwedeng bang kantahan mo ako ? " paanyaya ni Louella rito.
Mabilis na pagtaas at pagbaba nang ulo ang itinugon ng dating ako habang masayang masaya ito .
Nagpaalam at umalis na si Louella.
Agad na tinalunan ni Jonas ang dating ako mula sa likuran nito.
"sabi ko sayo eh ! Lakasan mo lang loob mo at makukuha mo ang ninanais mo " sobrang tuwang ani ni Jonas.
"Sa tingin mo Jonas may pag asa ako ? " tanong nito sa kaibigan.
"Syempre naman ! Kaibigan kaya kita. Saka di magbibigay ng number yun kung walang tiwala sayo. Basta ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo " pahabol na sambit ni Jonas.
Isang pamilyar na tinig ang nakakuha ng atensyon nina Jonas at ang dating ako.
"Kuya melvin " tinig mula kay Bernard habang nakasakay sa wheelchair.
Agad na nilapitan ito ng dating ako. At kinamusta.
"Napakagaling ng inyong pag awit. Nakakabilib kayo. " ani nito
" Salamat " tugon ng dating ako.
"Magpapaalam na sana kame kuya Melvin , at uuwi na kame. Masaya ako at nag enjoy rin sa araw na ito. Marami pong salamat sa inyo." Wika ni Bernard.
"Masaya ako at nagustuhan mo. Sana maging okay kana . At lagi mong tandaan maging matatag ka ah " wika ng dating ako.
Tumalikod na si Bernard kasama ang ina nito.
Habang nakikita ko ang mag ina na papalayo na.
Hindi ko naiwasang bigkasin ang salitang .
"Walang masama kung umiyak ka, ipakita mo kung ano ang tunay mong nararamdaman. Kung ano talaga ang nasa puso mo "
Salita na kahit hindi nila ako naririnig at nakikita ay isinambit ko parin. Ngunit laking gulat ko na huminto at lumingon si Bernard mula sa kinaroroonan ko na para bang narinig nya ang mga sinabi ko nakikita nya ako.
Gulat naman na napatingin ang dating ako kay Bernard.
Hindi na napigilan ni Bernard ang knyang bugso ng damdamin. Mga salita na matagal nya nang gustong ilabas. Mga salita na matagal nya nang gustong ipabatid sa lahat. Gusto nya nang ilabas ang kanyang tinatagong kalungkutan sa kabila ng masayahin at positibo nyang pagiisip.
AT TULUYAN NA NGANG UMIYAK SI BERNARD.
"KUYA MELVIN ! SALAMAT PO SA LAHAT !! Dahil po sa kanta nyo naunawaan ko na ang mga bagay bagay. Hindi masama ang umiyak hindi ba ? Hindi masama na ipakita ko ang tunay kong nararamdaman ? Dahil ang totoo po ay..... Ang totoo po ay .
TAKOT AKONG MAMATAY !
Totoo po na tinatago ko ang damdaming ito noon pa para hindi malungkot at makita si mama na umiiyak. Pero sa tuwing ginagawa ko to ,hindi ako nagiging masaya . Pakiramdam ko niloloko ko ang sarili ko. Nagpapanggap ako na kaya ko at handa na ako sa mga posibilidad na mangyare sa akin. Pero ang katotohanan ay natatakot parin ako. Natatakot parin hanggang ngayon. Pero mula nung narinig ko ang kanta nyo kanina. Naliwanagan na ako sa isang bagay"
"Hindi ko na mababago ang mga pwedeng mangyare sa akin, kaya wag ko nang sayangin ang panahon at ipakita sa mga huling sandali ng aking buhay kung ano talaga ang nararamdaman ko . Salamat at ipinaunawa nyo sakin ito. Ngayon malaya nakong makakaiyak.
Hindi napo ako matatakot na umiyak ! Binigyan nyo po ako ng panibagong pag asa , kung sakaling dumating ang panahon na magkita po uli tayo.. Gusto ko pong ipakita sa inyo ang tunay na Bernard . Yung Bernard na matatag at hindi na nagpapanggap sa nararamdaman nya " mahabang sambit nito na may kasamang hagulgol.
Kahit na hindi maintindihan ng dating ako ang mga nangyayare at kung bakit nasabi iyon ni Bernard. Isang ngiti ang itinugon nito.
" Mag ingat ka Bernard ! Sa susunod na magkita tayo dapat magaling kana ah " sigaw na tugon ng dating ako.
"Opo . Pakisabi din po kay Ate Louella salamat po " huling tugon nito kasabay ng pagtalikod at tuluyang pag alis.
Nakangiti pa ang dating ako habang tinatanaw si Bernard.
"Bakit umiyak yun melvs ? " pagtatakang tanong ni Jonas.
"Hindi ko din alam eh ,wala naman akong sinabi. Pero masaya ako dahil naging totoo na sya sa sarili nya. Ngayon sigurado na ako na handa na sya sa anumang mangyayare sa buhay nya. " sambit ng dating ako.
****
Sa isang dako naman.
Habang tulak tulak ni Shirley ang wheelchair ng kanyang anak ay tinanong nya ito.
"Anak bakit kaba huminto at napasabi ka ng mga salitang iyon ?"
"Narinig ko po kaseng nagsalita si Kuya Melvin na maging totoo daw ako sa sarili ko at hindi naman daw masamang umiyak " aniya nya sa ina.
Ngunit anak , wala naman akong narinig na sinabi iyon ni melvin. " sambit ng ina nito
Natigilan si Bernard at tumingin sa ina.
Ngumiti ito.
"Basta po mama . Narinig ko po sya sa isipan ko. Malinaw ko pong narinig at sigurado akong sya yun. Salamat kay kuya melvin dahil nagkaroon ako nang lakas ng loob para maging totoo sa nararamdaman ko , pati narin sa inyo " mahabang tugon ni Bernard sa ina nito.
Umiyak ang ina nito at niyakap ang anak.
*****
Habang ang aking sarili ay pinagmamasdan sila Jonas at ang dating ako na lumabas na mula sa pinagdausan ng event. Aking inalala ang nangyari knina. Hindi lang isa, kundi dalawa. Dalawang beses na narinig ako ng mga tao sa paligid ko. Akala ko ba hindi nila ako naririnig at nakikita ? Pero papaanong narinig ako knina ng sarili ko at pati narin kay Bernard paano nya ako narinig at sinagot? Maari kayang madiktahan ko ang pwedeng mangyari sa nakaraang ito ?
Lumabas na si Jonas at ang dating ako sa lugar ng pinagdausan nang event.
Makikita sa dalawa ang pagod ngunit nandoon din ang kasiyahan dahil sa nahatid nilang kaligayan sa mga tao sa programang iyon.
Habang naghahantay ng masasakyan.
Natigilan ang dalawa nang mula sa likuran nila ay may lumapit na dalawang tao.
"Napanuod namin ang pagtatanghal nyo knina , nakakabilid " sambit ng isa rito .
Natigilan si Jonas pati narin ang dating ako at hinarap ang pinagmumulan ng tinig.
"Ako nga pala si Aki at ito naman ang kapatid kong babae si Ako , gusto sana naming makipag kilala sa inyo"
Sambit ng isang lalaki na may hawak na gitara samantalang nasa likuran nya naman nagtatago ang isang dalaga na animo'y nahihiya pang lumabas.
********
Itutuloy sa ikaapat na kabanata.
********
---KeleyanJunPyo
********
Read with your own risk.
AUTHOR'S THOUGHT(Trivia of the story and personal traits of the author )
About the story : ( contains spoiler )
Nangyari ang lahat ng ito sa nakaraan ni Melvin sa kanyang unang taon sa kolehiyo at ang taon sa timeline na ito ay 2014. Apat na taon bago gawin ni Melvin na tapusin ang kanyang buhay sa pagtalon sa riles ng tren sa taong 2018 .
Ang lugar kung saan ginanap ang kanilang event ay sa isang malaking hall sa harap ng isang malaking hospital. Ito din ang dahilan kung bakit mga cancer patients ang kanilang mga panauhin dahil sa araw na iyon ay mga ganong karamdaman ang naka schedule na gawan ng charity event for cancer patients . At may pamagat ang programang ito na
Song and dance for a cause. Ang hospital na iyon ay ang Saint Teresa Hospital.