Ilang segundong nakatayo si Melvin at nanginginig. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit. Marahil tama nga sila William sa sinasabi nila patungkol sa mga babae. Madaling mapaikot , madaling maloko ,madaling mauto ng ibang lalaki.
Parang nagdilim ang paningin nya at nabingi sa sobrang init nang kanyang nararamdaman. Nag aapoy na sya, anumang oras mula ngayon ay sasabog na ang galit na gusto nya nang pakawalan.
Agad syang nagtungo sa direksyon ni Louella, gulat itong nilingon ng dalaga.
Walang tanong tanong ay sinuntok ni Melvin ang lalaking kausap ng kanyang kasintahan.
Sa sobrang lakas ay napayuko ito at napaluhod sa sakit.
Agad namang iniwat ni Louella si Melvin.
"Melvin ! Itigil mo na yan ! Ano bang ginagawa mo ? "
Sambit nito habang hinahawakan ang braso ng kanyang kasintahan na magbabalak pa uling manuntok sa nakaluhod na lalaki.
" Sya ba ? Sya ba ang bago mo ? "
wika nito na hinihingal sa galit.
" Ano bang pinagsasabe mo ? "
tugon naman ni Louella na nagtataka.
"Kaya pala okay lang sayo na di tayo naguusap kase may iba ka palang kinakausap ! "
sambit ni Melvin kay Louella.
Tumayo ang lalaki na kanina lang ay nakaluhod sa pananakit at nagwika.
"Pare mukhang mali ka ata nang iniisip si Lou Angela ay ... "
Hindi naituloy ng lalaki ang kanyang sasabihin dahil nauna nang magsalita si Melvin.
"Hindi kita kinakausap pre. Wag kang sumagot! " mariing bigkas ni Melvin.
"Ano sumagot ka Louella ? "
dagdag pa nito
Tinignan nya maigi ang kasintahan na ngayon ay malapit nang umiyak. Nakatingin lamang ito sa kanya at walang sinasabi.
Nagpumiglas si Melvin mula sa pagkakahawak ni Louella sa braso nito at umastang aalis na ito .
"Wala rin palang kwenta ang pagpunta ko rito. Alam ko rin naman na magkakaganito eh "
wika nito at tuloy tuloy na naglakad papalayo.
Naiwan si Louella at ang lalaki.
Agad namang inalalayan ni Louella ang lalaki
"Ayos ka lang ba Tobby ? "
wika ni Louella.
"Ayos lang ako. Sya ba si Melvin yung nakwento mo kani kanina lang ? Bakit ganon yun ?" Pagtatanong nito.
"Oo , yun ang kasintahan ko. Pasensya kana sa ginawa nya sayo ah. Hindi nya talaga gustong gawin siguro yun , nabigla lang sya. Pero mabait si Melvin maniwala ka sakin " pagsasalita ng dalaga .
Tumango ang lalaking nagngangalang Tobby at ngumiti. Hinawakan nya sa mukha si Louella at nagwika.
"Walang problema sakin yun. Naiintindihan ko sya. Wala ka parin talagang pagbabago Lou. Sobrang bait mo parin talaga "
sambit nito.
" Sige na , ako na bahala dito sundan mo na yung kasintahan mo , maabutan mo pa sya kung hahabulin mo. Dapat siguro kayong magusap , sigurado akong walang ibang makakasolve ng problema ninyo kundi kayo lang din mismo. "
pahabol pa nito.
Agad na umalis si Louella at iniwan ang lalaki.
"Pasensya kana uli Tobby, pag may oras tatawagan kita para makausap sa ibang araw. Pasensya kana talaga ah "
Ngumiti ang lalaki at nagpaalam
"Lou, kahit noon pa napaka positibo mo talaga magisip ! sampong taon (10) na rin pala ang nakakaraan buti nlang naisipan kong makabalik dito , mukhang marami akong dapat balikan uli . "
bulong nito habang nagkakamot ng ulo.
****
Hinabol ni Louella si Melvin na nung mga oras na iyon ay tahimik na naglalakad. Naabutan nya ito at hinila pabalik.
"Pwede ba Melvin makipag usap ka sakin ! Ano bang problema mo ? Sabihin mo naman sakin " pagtatanong nito .
Tinignan sya ni Melvin ng masama
"Ikaw ? Ano problema mo ? Diba ikaw tong may kausap na lalaki ? Gusto mo pala makipag usap sakin pero sarili mo hindi mo mapigilan na di makipag usap sa ibang lalaki. Kaya pala mas pabor ka na hindi ko sinasagot ang mga tawag mo dahil may iba ka palang pinag kakaabalahan "
mahabang wika nito.
"Kaya minsan iniisip ko nalang tuloy kung maghiwala..... "
hindi na naituloy ni Melvin ang sasabihin dahil isang MALAKAS NA SAMPAL ang tumama sa kanyang mga pisngi. Mula ito kay Louella.
Isang umiiyak na Louella ang humarap sa kanya. Isang maamong pagiyak ang kanyang nakita mula sa mga mata nito .
"Ako pa ngayon ang masama ? Ganon ! ? Ako pa ngayon ang binaliktad mo na gumagawa ng ikakasira ng relasyon naten ? Eh ikaw Melvin ? Itong mga nakaraang araw baket ka naging ganyan ? Bakit ka nagbago. Itong nga nakaraang linggo ang daming nakapansin sa malaki mong pagbabago na kahit ako napansin ko rin iyon. Pero pinagdudahan ba kita ? Hindi ! Alam mo bang lagi kitang iniisip kahit nasaan ako ? Alam mo ba na hinahanap hanap kita dahil hindi ako sanay na hindi tayo naguusap kahit sa tawag man lang. Itong mga araw na ayaw mo ako kausapin kahit sa personal nirespeto ko yun dahil ang akala ko , gusto mo lang magpahinga. Pero hindi . mali pala ako. Iniisip ko na sana mali ako sa iniisip ko pero mukhang tama ako. Naimpluwensyahan ka ng mga masasamang tao na nakakasama mo. "
Hindi tumugon si Melvin sa sinabi ng kasintahan.
"Never kitang niloko Melvin , alam mo kung gaano kita minahal. Minahal kita dahil iba ka sa lahat. Kaya wag mo sana akong pagisipan ng kung ano ano "
sambit pa uli nito.
Tila napahiya si Melvin sa narinig , dahil rito ay mas minabuti nitong umalis nalang at hindi na magsalita pa. Iniwan nya si Louella na nakatayo at nakatingin sa kanya.
Nagsimulang umiyak ang dalaga.
****
( Ating balikan muna ang mga tagpo bago ang nangyaring pagtatakdang pagkikita ni Louella at Melvin sa isang parke )
Mas nauna dumating si Louella kay Melvin nang mahigit 26mins mula sa tinakda nilang oras ng pagkikita dahil mas malapit lang si Louella sa parkeng iyon.
Habang naghihintay ito ay isang tinig ang kanyang narinig mula sa isang sasakyan na biglang pumarada sa harapan nya.
"Lou Angela ! Hey ! Ikaw ba yan Lou Angela ? "
Tumingin sa kaliwa at kanan si Louella ngunit hindi nya makita ang pinagmumulan ng tinig. Hanggang mapatingin sya sa isang pulang sports car sa kanyang harapan .
Ibinaba nito ang salamin ng sasakyan. At naaninagan nito ang isang lalaki na nakasuot ng puting poloshirt . Parang kilala nya ang lalaking iyon pero hindi nya maalala at pawang nasa dulo ng dila nya ang pangalan nito na hindi nya maibigkas sa pagkalito.
"Ako to ! Lou Angela . Diba ikaw yan ? "
muli pa nitong wika.
"Oo ako nga si Louella Angela
parang kilala kita pero hindi ko maalala . Di ko alam kung kamukha mo lang "
sambit nito na nagtataka parin
"Sabi na eh ! Wait . wait wait lang Lou Angela ipaparada ko lang tong sasakyan dun sa parking lot , babalikan kita ah wait " nakangiting tugon nito.
Saglit nitong hinantay ang lalaki at nakita nito na bumaba na sa sasakyan at tumungo sa kanya.
Dito naaninagan nya ang isang lalaki na sa tingin nya ay nasa 5'8 ang tangkad. Matipuno ang pangangatawan at makinis ang kutis na parang porselana sa puti.
Oo kilala nya na. Gulat itong hindi nakapag salita sa panginginig .
"Ikaw ? .. Hindi nga ? Ikaw yan ? "
nauutal na wika ni Louella
"Hahaha ! Ako nga to ! Kamusta ka ? "
malaking pag ngiti nito
Agad na nilapitan ni Louella ang lalaki at niyakap na umiiyak.
"Kuyaaaaaa !!! KUYA TOBBYY !! "
hagulgol nito.
Nakangiti ang lalaki na humawak sa likuran ng dalaga .
"Ako nga ! Madali kitang nakilala kase hindi ka parin nagbabago , trademark mo parin yang ponytail mo na hairstyle "
"Kuya ? Pero paano po ? Nakauwi na kayo dito ?"
"Nung nakaraang araw pa. Actually pumunta ako sa dating bahay na tinutuluyan naten , akala ko dun parin kayo nakatira pero wala na pala. Buti nalang at nakita kita dito. "
"Opo. Limang taon napo nung lumipat kame , grabe kuya Tobby ang laki ng pinagbago nyo "
Sambit ni Louella habang inuusisa ang lalaki.
"Hindi naman. Ikaw kamusta kana ? Nagaaral ka paba ? "
"Opo. Graduating student napo ako ! "
"Ayos yan! May boyfriend kana siguro nu? Haha"
"Meron na. Melvin ang name nya. Mabait sya kuya Tobby , magkikita nga kame ngayon "
"Sakto ah gusto ko rin sya makilala "
wika nito.
Nagkwentuhan ang dalawa at masayang nagkamustahan. Si Tobby Dela Cruz. Ay ang kuya kuyahan ni Lou Angela. Ito ay kababata nya at halos kasabay nyang lumaki . Dalawang taon (2) ang tanda nito sa kanya. Sampong taon na ang nakakaraan ay umalis ito sa isang dahian , ito rin ang dahilan upang hindi na sila muling magkita ni Louella mula noon.
Ito ang mga pangyayari bago maaktuhan ng dati kong sarili sila Louella at ang nagngangalang Tobby"
****
Simula noon ay hindi na madalas magkita si Melvin at Louella. Ngunit hindi sumusuko si Louella sa pangangamusta at pagsuyo rito.
Minsan inaabangan ni Louella ang dati kong sarili sa labas ng Unibersidad nito para maabutan at makausap. Ngunit sa tuwing nagkikita sila ay nauuwi lamang sa pagtatalo at pag alis ng dati kong sarili.
Umulan. Umaraw.
Ginagawa ni Louella ang lahat para makausap si Melvin (dating ako) at para matulungan sa kinakaharap nitong pagbabago.
Ngunit walang pagbabago. Mas mahalaga kay Melvin ngayon ay ang kanyang mga barkada.
Mga barkada na nagtulak sa kanya para gumawa ng masama at sumubok ng mga bisyo . Mga maling barkada na unti unting pumapatay sa pagkatao nya.
Isang araw. Nagkausap si Loulla at ang dati kong sarili ng masinsinan.
"Pakiusap Melvin , kahit saglit lang makipag usap ka sa akin ng maayos. "
wika nito .
"Pakibilisan . Ano ba ang sasabihin mo ? May lakad pa ako kasama ang mga tropa ko "
tugon nito na animoy tinatamad kausap ang kasintahan.
"Isang tanong. Isang sagot ! Mahal mo ba ako ?"
Pagtatanong nito
Napakunot ng noo ang binata at nagwika.
"Anong kalokohan ba na naman yan ! ? Kaya ayaw ko makipag usap sayo dahil puro walang kwenta mga pinagsasabi mo ! "
sagot nito
"Melvin ! Sagutin mo muna mga tanong ko" namumugtong mga mata ni Louella ang unang nakita ni Melvin. Ramdam nya rin na nahihirapan na ang kanyang kasintahan at sa kaloob looban nito ay sobra nang nasasaktan ito.
"Aalis nako. Hindi ko na kailangan pang sagutin yan "
Pinigil ng dalaga ang kasintahan. At umiiyak na nakikiusap.
"Tumigil ka ! Sagutin mo muna ang tanong ko. Parang hindi na ikaw ang Melvin na nakilala ko. Hindi na ikaw ang Melvin na minahal ko. Ang laki na ng pinagbago mo , kaya isa lang ang hihilingin ko sayo. Sa huling pagkakataon gusto kong marinig sayo kung mahal mo paba ako ? Kase nasasaktan na talaga ako nang sobra sobra sa ginagawa mo. Alam mo ba yun ? Pag nakikita kitang ganyan sobra kong sinisisi ang sarili ko ! Bakit! Bakit hindi ko kayang matulungan ang minamahal ko ! Naturingan akong nag aaral sa pagiisip ng mga tao pero hindi ko kayang isipin at unawain ang nararamdaman mo noon "
mahabang wika nito
"Pakiusap wag kang umalis Melvin. Gusto kitang tulungan ! Gusto kitang magbago at bumalik na ang dating ikaw! Yung masiyahin .Yung laging nakangiti at nahihiya. Yung laging tumutugtog at nakikipag kwentuhan sakin ng mga bagay bagay " patuloy pa nito.
Nakita ko na lamang na tinanggal ni Melvin (dati kong sarili) ang regalong kwintas ng dalaga sa kanya noon at ibinalik ito sa kanya.
Gulat na tinignan ito ng dalaga habang umiiyak.
"Hindi ko na kailangan sagutin pa yung tanong mo , dyan palang siguro alam mo na ang kasagutan ko "
seryosong sagot nito.
Sa huling pagkakataon , tinignan ito ni Louella sa mata .
"Nagsisinungaling ka ! "
ito na lamang ang naibigkas nito. At pinanuod na lamang na unti unting naglalakad palayo ang kasintahan.
Nagsimula itong humagulgol sa pagiyak . Sobra itong nasaktan. Sobrang sobra.
Habang pinapanuod ko ang sandaling iyon. Sobra akong naawa kay Louella , ganito pala ang pahirap na ginawa ko sa kanya noon. Napakasakit. Bakit ? Bakit ko nagawa to sa kanya noon ? Napakalaki kong TANGA !! Si Louella na labis akong minamahal ay binalewala ko. Yung babaeng handang iwanan ang lahat para sakin ay parang basura na itinapon ko na lang.
At para naman sa dati kong sarili.
Sana kaya kong balikan at baguhin pa ang mangyayare para maituwid ang mga pagkakamali ko. Subalit imposible iyon. Ito ang kabayaran na binigay sakin , ang ipakita ang lahat ng pagkakamali ko sa buhay. Malungkot kong tugon sa sarili habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
******
Napansin na din ng kanyang ina na hindi na madalas umuwi si Melvin dahil naabala ito sa barkada.
Isang araw nung umuwi ito ay kinausap ito ng kanyang ina ng masinsinan , ngunit isang pagalit na tugon lang ang ginanti nito sa magulang.
"Pwede ba wag nyo ako pakialamam sa ginagawa ko !!! Malaki na ako at hindi na bata! "
"Melvin anak. Ano bang nangyayare sayo. Itigil mo na yung pagbabarkada mo, naliligaw kana ng landas dahil sa mga maling taong nakakasama mo "
wika ni ina.
Humarap ito sa ina.
"Naliligaw ? Hindi ako naliligaw ! Ito talaga ang buhay na gusto ko ! Alam nyo ba na sawang sawa nako sa mga masasakit na salita na naririnig ko ! pati narin mga pambubully ng mga tao sa paligid ko. ? Lahat yun nangyari dahil hindi ako marunong lumaban "
pagwiwika nito na galit na galit .
"Ngunit anak. Hindi porket ginawan ka ng masama ng tao ay gagantihan mo rin ng kasamaan , mali iyon. May Diyos tayo nakikita nya lahat ng mga bagay. Nakikita ka nya.
" Matagal nakong hindi naniniwala sa inyo. Dapat nga dati ko pa palang ginawa to. Ngayon karamihan ng mga nananakit sakin nilalayuan nako at kinatatakutan. Ito talaga ang bagay na gusto ko ! Ito ang bagay na ninanais ko. Ang magkaroon sila ng respeto sakin "
"Sa tignin mo , nirerespeto ka talaga nila ? "
mahinang wika ng kanyang ina.
Napatahimik at tumingin dito ang dati kong sarili.
"Hindi porket natatakot na sila sayo at umiiwas ay nirerespeto kana nila. Pinakitaan mo sila ng mga bagay na dapat silang matakot sayo natural lang na lalayuan ka nila. Pero respeto ? Hindi mo makukuha yun. Kahit kelan hindi nila maibibigay ang respetong sinasabi mo sa pamamagitan ng pananakot mo sa kanila "
"Nakuha mo ang nais mo subalit hindi ang gusto mong respeto "
"Respeto ibibigay yan kung kare karespeto kang tao, hindi yan pwedeng idikta sa iba. Sa tingin mo ba talaga nirerespeto ka nila ngayon ? Hindi anak. Hindi .
Dahil sa narinig ay bumuhos ang galit ni Melvin at nagwala sa loob ng pamamahay nito. Malungkot lang na pinagmasdan ni ina ang pagwawala ng dati kong sarili.
binabato nya ang lahat ng bagay na makita nya. Sumisigaw sa galit at parang baliw na hindi na alam ang kanyang ginagawa.
Noong napagod ito ay tumigil at dali daling pumasok sa kwarto nito at nagkulong.
Habang si Ina naman ay tahimik lang na pinagmasdan ang resulta ng pagwawala ng anak. Pigil itong lumuha . At isa isang inayos ang mga nagkagulong kagamitan mula sa pagwawala ng dati kong sarili. Mapapansin dito ang pagpunas nya sa mga mata dahil sa pagtulo ng mga luha. Luha ng kalungkutan . Luha ng pagmamahal.
Kawawa naman si Ina. Isa rin sya sa hirap na hirap sa nangyare sa akin noon. Hindi ko man lang din naisip ang kanyang nararamdaman. Buong araw syang nagtratrabaho para mabuhay ako. Walang bagay na hindi nya ibinigay sakin. Pero ano tong sinukli ko ? Sinuklian ko pa sya ng sakit sa ulo at problema.
Habang pinagmamasdan ko ang dati kong sarili na noon ay nasa loob na ng kwarto at nagkukulong. Nakaupo ito at nakahawak sa kanyang ulo. Parang litong lito at nababaliw na sa kakaisip ng mga bagay bagay.
Kawawa ka naman dati kong sarili. Resulta ka ng isang mapanghusgang lipunan na pilit nagbago ngunit naligaw ng landas.
******
Isang araw. Habang tulala na naglalakad ang dati kong sarili. Nasipa nito ang isang walang lamang lata ng inumin , dahilan upang gumulong gulong ito at diretsong pumunta sa isang direksyon. Nakayukong sinundan nya ito ng tingin. Tumigil ang lata ng may naaninagan syang sapatos na pumigil rito.
" Hoy. Melvs . Bakit parang tulala ka ata? "
Tinig mula sa isang lalaki sa kanyang harapan.
Dahan dahan nyang iniangat ang kanyang paningin. Dahil nakuha nito ang kanyang pansin mula sa pagtawag nito sa kanya.
Isang pamilyar na tao ang kanyang nakita. Gulat syang napatingin rito. Kilalang kilala nya ang taong iyon at alam nya na ito lamang ang taong tatawag sa kanya mula sa palayaw nyang "Melvs "
******
Itutuloy sa ika- siyam na kabanata
----KeleyanJunPyo
*******
Read with your own risk.
AUTHOR'S THOUGHTS(Trivia about the Story and personal traits of the author )
Trivia about the story :
Ilalahad ko ang mga height ng mga main characters sa kwentong ito base sa timeline ng ating kwento.
Late 2014
*Melvin (17 years old at that time ) - 5'8
*Louella ( 18years old at that time ) - 4'9
*Jonas ( 20 years old at that time ) - 5'5 1/2
*Vanessa ( 20 years old at that time ) 5'3
Early 2018 current timeline
*Melvin (20 years old ) - 6'3 1/2
*Louella (21 years old ) - 5'3
*Jonas (23 years old ) - 5'8
*Vanessa (23 years old ) 5'6
Si TOBBY DELA CRUZ. Ay ang tinuturing na kababata at ( kuya kuyahan ni Louella) 23 years old ( current timeline) . Ang kanyang nakaraan ay inampon sya ng mga magulang ni Louella at itinuring na parang tunay na anak noong ito ay limang taong gulang pa lamang. Nakita nila ito sa isang tambakan ng mga basura. Ayon dito ay inabandona na sya ng mga magulang nya dahilan upang mamalimos na lamang sya. Lumaki sya sa pag gagabay ng mga Santos. Dito itinuring na kapatid ni Louella si Tobby at bilang isang nakakatandang kapatid.
Isang araw ay nagpakita ang mga tunay na magulang nito na isa palang mayaman at kilalang pamilya. Inalok sya nitong sumama rito. Dahil doon ay nagpaalam si Tobby sa pamilyang Santos na kung saan itinuring nyang unang pamilya. Sampong taon ang lumipas ay muli syang bumalik bilang isang kagalang galang na binata at nagbalak na bumisita sa lugar kung saan sya lumaki. Doon ay nagkita muli sila ni Louella na tinuturing nyang kapatid at masayang nagkamustahan sila.