Isang pagkatok ang narinig ni Janice sa labas ng kanyang tahanan. Dali dali syang lumabas at tinignan kung sino ang kumakatok.
Pinagbuksan nya ito.
Si Louella. Si Louella ang bumungad sa kanya. Agad itong nagmano at binigay ang pasalubong netong mga prutas na nakalagay sa isang plastik na lalagyan.
"Oh Louella. Pumasok ka iha. "
wika ng ginang
Pumasok ang dalaga at naupo ito sa sala.
"Tita. Si Melvin po? Kanina ko pa po sya tinatawagan eh, kaso di sya sumasagot. "
wika nito habang nag aayos ng buhok.
" Hindi parin umuuwi si Melvin kanina pa nga eh. Nag aalala na nga ko sa batang iyon. " sambit nito habang inihahanda ang isang baso ng juice para sa dalaga.
Iniabot ito kay Louella.
Nagpasalamat si Louella at ininom ito.
" Naging abala kase ako nitong mga araw kase po medyo pahirap na nang pahirap ang mga activities sa school. Saka sinasabay ko narin ang On the Job Training (OJT) ko po . "
"Nakakausap ko naman si Melvin nitong mga araw din . Nagtatawagan kame at naguusap sabi nya naman ay okay sya "
mahabang wika nito.
Lumapit ang ginang at umupo sa tabi ng dalaga. Hinawakan ito sa kamay at nagwika.
" Iha. Wala kabang napapansin sa anak ko ? " malumanay na wika nito
"Wala naman po, pero napapansin ko rin na parang may tinatago sya sa akin. " pagpapaliwanag ni Louella.
"Masama talaga ang pakiramdam ko iha, Naabala din ako sa trabaho kaya hindi ko sya masyado makausap ngunit alam kong may dinaramdam si Melvin. Kailangan nya ng tulong ."
sambit nito.
Tumango ang dalaga tanda ng pag sangayon.
"Louella, pwede bang ikaw ang kumausap kay Melvin ? Kailangan nya ang tulong naten. Bago mahuli ang lahat "
"Opo. Makakaasa po kayo sa akin tita "
wika ni Louella.
Kinuha nito ang cellphone sa kanyang bag at nag dial ng mga numero. Numero ni Melvin . Agad na tinawagan ni Louella ang kasintahan.
*****
Isang masayang inuman ang nagaganap sa paboritong tambayan nila William at mga tropa nito. Kasama rito si Melvin.
Samot saring Tawanan, Kwentuhan at maingay na tugtugan ang nangunguna sa mahabang gabing iyon.
Ito ang unang pagkakataon na napainom si Melvin nang matagal. Napapainom naman sya dati kasama si Jonas ngunit saglit lang ito at hindi naman hard ang kanilang iniinom. Subalit ngayon ay iba na. Bilang pakikisama ay pinilit nyang uminom ng uminom.
Isang pagtunog sa kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa ang nagpatigil sa kanya sa paginom ng alak.
Agad nya itong kinuha at nakita ang tumatawag. Si Louella.
Tumingin sya sa kanyang kaliwa at kanan. Pinagmasdan ang mga kasama nya sa lugar na iyon, tuloy parin ito sa kasiyahan at walang pakealam sa nangyayare. Sasagutin nya ba ?
Matagal syang nagiisip.
Hanggang natapos ang tawag ay hindi nya nasagot ito.
Maya maya ay tumawag uli ito.
Nagisip muna sya ng mga ilang segundo at pinindot ang cancel button.
Inilagay sa airplane mode ang cellphone at pinatay para wala na syang ma receive na tawag. Ibinalik ito sa kanyang bulsa at nagpatuloy sa kasiyahan.
"Inom pa !!! Magsaya tayo ngayon ! "
wika ni William na nakataas pa ang isang baso at iniaalok ang mga tropa nito.
" Para sa bago nateng myembro ! SI MELVIN ! CHEERS "
Kasabay nito ang pagtaas nila ng kanilang mga bote ng beer at sabay sabay uminom. Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan.
*****
Mabalik naman tayo kila Louella at sa aking ina.
Nakita ko na lamang uli sila na naguusap.
" Tita, kinakansel nya po ang mga tawag ko " pag aalalang wika ni Louella na nakahawak na sa kanyang noo habang sinusubukan uli tawagin ang dati kong sarili.
"Ano na kayang nangyare kay Melvin ? "
wika ni ina na namumutla narin sa pag aalala.
" Pinatay nya na . Pinatay nya yung cellphone nya . not coverage napo eh "
tugon ng dalaga.
Habang ako naman ay tahimik lang na pinagmamasdan sila. Ganito pala sila nag aalala noon sa akin. Naaawa ako para sa kanilang dalawa , subalit wala akong magagawa dahil ang nangyayare ngayon ay ang mga nakatakdang mangyare talaga sa nakaraang ito.
***
Nabalik tayo kung nasaan ang dati kong sarili.
Nagpapatuloy ang kanilang masayang inuman.
Maya maya ay lumapit si William sa dati kong sarili at iniabutan ito ng isang sigarilyo.
"Oh. Subukan mo "
wika nito habang sinisindihan nito ang kanyang sigarilyo .
"Pero hindi ako nagsisigarilyo "
tugon ng dati kong sarili .
"Ilang taon kana ba ? "
pagtawa nitong tanong
"Bente anyos (20) "
tugon uli nito.
" Oh bente kana pla eh. Hindi kana bata Melvin! Buhay mo yan ! Walang makakapigil kung ano ang gawin mo dyan. At saka halos lahat kame dito naninigarilyo. Walang masama manigarilyo . Subukan mo "
Kinuha nito ang iniaabot na sigarilyo at pinagmasdan. Hindi pa ito nakakasubok kahit na minsan. Kahit si Jonas at Vanessa na naninigarilyo ay never nilang pinasubok kay Melvin ang bisyong ito.
"Sindihan mo na yan ! Baka malusaw pa yan kakatitig mo. Baka pag nasubukan mo hindi mo na tigilan yan."
Inilapat nito ang sigarilyo sa kanyang bunganga at sinindihan. Humithit ito. Hiinigop ang usok mula sa sigarilyo at ibinuga.
Ito ang una nyang subok sa bagay na iyon.
Naubo ubo pa ito sa pagbuga ng usok. Hindi pa ito sanay.
Pinagwanan sya ng mga nakakita.
" Haha. Sa una lang yan Melvin. Masarap diba ? Subukan mo uli. "
pagaalok uli ni William
"May kasabihan kase ako Melvin. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya gawin mo na ang mga magpapasaya sayo. Hindi kana bata para sumunod pa sa sasabihin ng iba. Wag kana matakot . Sa magulang mo? Sa mga kakilala mo ? Bakit ? Sila ba ang magpapakain sayo? Wala silang pakealam kung ano ang gawin mo. Yan ang itatak mo sa utak mo. At kung pakealaman ka man nila edi patulan mo sila. "
mahabang wika nito.
"Walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo lang din. Kaya ka inaabuso ng mga tao sa paligid mo kase akala nila na mahina ka. Iniisip nila na madali kang matalo. Alam mo kung bakit ? Kase masyado kang mabait ! At ang mga mababait yan yung madalas masaktan at matalo. Yang mga mababait yan yung madalas lamangan ng mas malakas sa kanila. Yan ang katotohanan. Wala kang mapapala kung palagi kang mabait. Lumaban ka simula ngayon. GUMANTI KA MELVIN. GUMANTI KA "
Tahimik na nakikinig sa kanya ang dati kong sarili na pawang nakukuha nito ang atensyon at unti unting naniniwala sa sinasabi ni William.
" Alam kong sawa kana sa nangyayare sa iyo ngayon. Ito lang ang paraan. Kung sasama ka sa amin at babaguhin mo ang nakasanayan mo tiyak gagalangin ka nila. Baka nga katakutan kapa nila. Dahil kailangan mong magbago para maka survive ka sa mapanghusgang lipunan na ito. Kung masama ang dinidulot nila sayo gantihan mo din ng kasamaan. "
Parang syang bata na nakikinig at tila nahi hipnotismo ni William sa mga mabubulaklak nitong salita. Madali nitong naiintindihan ang mga sinasabi nito sa kanya.
Tama nga naman inaabuso sya ng lipunan at mga taong nakapaligid sa kanya dahil mabait sya. Siguro kung marunong syang lumaban. Eh baka hindi sya nabully nila Alfred, baka hindi nadamay ang matalik nyang kaibigan. Baka hindi sya nawalan ng tiwala sa sarili sa pag aaral at pagkanta. Kung marunong lang sana sya lumaban baka napigilan nya ang ginawang pagtakas sa kanya ng isang organizer at hindi pagbayad sa kanya at marahil hindi sya na depress sa pamamahiya ni Mr Galmante. Marahil nakalaban sya noong binugbog sya sa tulay. At marahil may lakas sya ng loob para magsumbong at aminin ang nangyayare sa kanya sa kanyang ina at kay Louella.
Unti unting nagreflect sa kaisipan ng dating ako na tama si William dahil sa mga pang aabuso na nangyare rito.
Nang matauhan ito ay umusal na ng salita .
"Tama ka ! Kaya nila ako ginaganito ay dahil mahina ako. Dahil alam nila na di ako lumalaban. Alam nila na mabait ako. Simula ngayon magbabago nako "
wika nito
Isang malaking ngiti ang pinakawalan ni William rito.
"Natauhan ka rin pre! Ganyan dapat . Tandaan mo ang malakas ang naghahari at ang mahina ang laging nasa baba yan ang batas ng mundo "
******
Mag mamadaling araw na noong nakauwi ang dating ako. Halos hindi na ito makalakad ng tuwid sa sobrang kalasingan.
Pinagbuksan ito ng kanyang ina at gulat itong inalalayan.
Sa sobrang kalasingan ay hindi na nito naitanong ang nangyare sa anak. Hinayaan na nito makapaghinga ito at makatulog .
Kinabukasan ay hindi nakapasok ang dati kong sarili dahil sa hang over . Tanghali na ito nagising at hilo hilo pang nagtungo sa kusina at naghilamos ng kanyang mukha. Ang malamig na tubig ang tila nagpawala sa kanyang natitirang hilo gawa ng kalasingan.
Kinausap ito ni ina.
"Melvin, saan kaba galing kagabi ? Lasing na lasing ka at halos hindi na makalakad "
wika nito.
Hindi tumugon ang dati kong sarili at naupo sa isang upuan.
"Alam mo bang alalang alala ako sayo. Pati na si Louella ay nag aalala sayo. Tinatawagan ka raw nya hindi ka sumasagot. Ang tagal ni Louella rito kagabi at umuwi nalang kakahintay sayo " patuloy pang wika ni ina habang ihihahanda ang tanghalian sa lamesa.
Wala paring kibo ang dati kong sarili . Natapos ang tanghalian nang hindi man lang ito nagsasalita.
Habang tinitignan ko ito sobra akong naiinis sa sarili ko. Ano ba tong ginawa ko noon ? Bakit ganito. Bakit hindi ko napansin na sobrang laki pala ng kasalanan na ginawa ko.
Noong araw ring iyon ay nakipag kita si Louella sa dati kong sarili para makipag usap. Nagkita sila sa isang parke na madalas nilang puntahan.
Naunang makarating si Louella sa pinagusapang lugar. Maya maya ay dumating na rin ang dati kong sarili .
"Melvin , ano bang nangyare sayo kagabi ? Sabi ni tita nakipag inuman ka raw ? Hindi ka naman madalas ganyan ah. May problema kaba ? Sabihin mo sa akin nandito ako para tulungan ka . "
wika ni Louella.
"Wala akong problema "
diretsong sagot ng dati kong sarili.
"Pero bakit ganyan ka ? Maraming nakakapansin sa pagbabago mo. Pakiusap sabihin mo kung may dinaramdam ka . Kaya nga nandito ako eh para makinig sayo. "
"Sinabi ko ngang WALA !! Nakakaintindi kaba !! ? " pasigaw na wika nito .
Agad itong kinagulat ni Louella. Ito ang unang pagkakataon na narinig nyang masigawan sya ni Melvin.
Biglang tumakbo ang dati kong sarili palayo .
Kahit hindi pa makapaniwala sa narinig ay tumayo si Louella upang sundan ang kasintahan subalit hindi nya na ito naituloy .
"Sinigawan ako ni Melvin ? Pero bakit ?"
Wika ni Louella na pigil sa pagiyak .
******
Simula nga noon ay nagbago na ang dati kong sarili. Madalas syang hindi na pumapasok sa kanyang mga schedule sa kanyang klase. Madalas syang makita kasama sila William at ang mga tropa nito. Palagian silang umiinom at naninigarilyo. Nagpapakasaya. Halos araw araw ay gabi na ito kung umuwi at lagi pang lasing. Tuluyan nang nagpasakop sa barkada ang dati kong sarili.
Hindi na nito madalas kausapin si Louella at iniiwasan sa tuwing nagbabalak na kausapin sya nito. Ganon din ang kanyang ina ay hindi nya rin kinakausap.
Napabayaan na nito ang pag aaral. At nalulong sa masamang bisyo.
Madalas itong sumama sa mga jamming nila William sa mga secret events na dinadaluhan nito. Dito tumutugtog sila ng mga rock songs at kung ano ano pa. Dito nasubukan nya na ang ibat ibang mga bisyo. Sa unang pagkakataon ay nakapasok sya sa bahay aliwan , sa una ring pagkakaton ay naranasan nyang makatikim ng ibat ibang klase ng mga alak. Marami rin syang nakilalang mga tao na sobrang iba sa mga nakilala nya noon.
Pakiramdam nya panibagong silang sya sa mundong ito na nakahanap ng mga panibagong kaibigan. Mga kaibigan na hindi sya huhusgahan bagkus susuportahan pa sya. Tuluyan na syang nalulong sa kahit anong bisyo na ipagawa sa kanya ni William.
Isang araw . Pagkatapos nila tumugtog at uminom ay pumunta sila sa isang apartment at doon ay nagpulong pulong sila sa isang sikretong silid . Niyaya ni William si Melvin kasama pa ang iba.
"Ano Melvin okay ba ako mag drum ? Sabi ko sayo magaling ako! "
tanong ng isang tropa
" Magaling ka . Pero kung ikukumpara kita sa kakilala kong si Jonas walang wala kapa. Magaling talaga si Jonas, mas magaling pa sayo"
wika nito.
"Nandito naba ang lahat ? "
wika ni William na nung mga oras na iyon ay may kinukuha sa kanyang bag.
"Oo boss nandito na lahat "
wika ng isa pang tropa.
"Hoy obet, paabot nga ako ng lighter mo ! "
wika ni Melvin.
Iniabot naman ito sa kanya.
Sinindihan nito ang isang sigarilyo na animo'y sanay na sanay na sya sa paghithit at pabirong binugahan pa ng usok mula sa sigarilyo ang isang tropa na nasa kanyang bandang kaliwa.
"Siraulo ka talaga Melvin ! "
napausal ito.
"Itigil nyo na yan ! "
wika uli ni William na inilabas na ang kanina pa nitong inaayos.
Sumilip ang isa pang tropa na nasa bandang pintuan kung may tao sa labas at kung may dadaan. Wala naman . sumenyas ito kay William .
Inilabas ni William ang mga bagay na nagpagulat kay Melvin.
Kahit ngayon nya palang nakita ito sa malamitan ay hindi sya pwedeng magkamali sa nakikita nya.
Oo tama.
MGA DROGA! ibat ibang uri ng droga. Pati narin mga kagamitan sa isang Pot Session ay naroon lahat. May de inject ding gamot na tinuturok nila sa sarili upang maging high.
" Pot session na mga tropa ! Kuha na kayo ng mga gusto nyo! Regalo ko yan sa inyo lahat yan dahil kumita tayo ngayon ng malaki. "
wika ni William.
Habang ang iba ay hindi na mapakali sa pag subok ng ibat ibang droga si Melvin ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Ang iba ay sumusubok ng cocaine, shabu, at ang iba naman ay marijuana. May mga special ding gamot na tinuturok nila sa kanilang mga braso at tila napapatirik na lamang ang kanilang mga mata sa sobrang sarap sa pakiramdam na kanilang nararamdaman.
Kahit marami nang nasubukan si Melvin na bisyo mula noong sumama sya kila William ay tila gulat parin ito at nagtataka , talagang bago sa kanya ang makakita ng mga ganito.
Lumapit sa kanya si William
"Ano Melvin bakit ayaw mo pa sumabay sa kanila ? "
tanong nito.
"Droga? Nagdrodroga kayo ? "
nakakunot na tanong nito.
"Oo , madalas namin gawin yan kapag medyo malaki ang kinikita namin. Subukan mo na ! Masarap yan. "
paanyaya pa nito.
Muling nilingon ni Melvin (dating ako) ang mga tropang halos mabaliw na sa epekto ng drogang pinapasok nila sa kanilang katawan. Binalik nito ang tingin kay William.
"Kapag nakakapag droga kame. Nakakalimutan namin ang kalungkutan . Yan ang takbuhan namin ng aming mga problema. Yan ang aming lakas upang magpatuloy sa buhay. Nakakaadik . Oo pero hindi naman namin kayang pigilan. Hinahanap na ito ng aming mga katawan. Pakiramdam namin magkakasakit kame kapag di kame nakasubok ng droga . " mahabang wika nito.
"Hindi ba bawal to ? Baka mahuli tayo nito ? " Sambit ni Melvin
Isang malakas na pagtawa ang pinakawalan ni William.
"Mahuhuli ka kung magpapahuli ka ! Saka di na tayo mga bata ! Bawal ? Ito bawal ? Sinasabi lang nila na bawal to kase hindi sila kumikita dito sa legal na paraan. "
wika pa nito
" Magagawa mo ang lahat kapag sinubukan mo yan. Makakalimutan mo rin mga problema mo. At tiyak hahanap hanapin din ng katawan mo yan kapag nasimulan mo na. Dyan ka lang matatanggap at igagalang ng mga taong umaapi sayo "
pagpapatuloy pa nito
Kinuha ng dating ako ang isang pakete ng droga sa isang lamesa at tinignan ito. Ilang minuto pa ang lumipas mula sa pagkakatingin nito ay tuluyan narin nitong sinubukan ang bagay na labis na kinatatakutan ng karamihan.
Ang kauna una nyang subok sa droga.
Lahat nasubukan nya noong araw na iyon. Kakaiba sa pakiramdam , napakasarap, nakakahilo, nakakasuka , nakakasira ng ulo . Parang lumulutang ang lahat ng bagay sa kanyang paligid.
Matapos ang araw na iyon ay hinahanap hanap na ng kanyang katawan ang droga. Madalas syang sumasama sa mga pagpupulong at kasiyahan pagkatapos ay magaganap ang kanilang pot session.
Ibang ligaya ang nahahatid sa kanya sa tuwing nakakasubok sya nito. Totoo ngang nakakaadik . Totoo ngang nakakabaliw.
Hindi ko matignan nang diretso ang aking dating sarili sa kanyang ginagwa. MALAKING KASALANAN ang nagawa ko noon at alam kong nalalapit na para pagbayaran ko ang lahat ng ito.
Nagbago narin pati ang kanyang pag uugali. Mula sa porma ay binago narin nya. Ang kanyang buhok na dating nakabagsak ngayon ay nakatayo na . May mga hikaw na rin na nakasabit sa kanyang bandang kaliwang tenga at meron din sa kanyang dila. Masama na rin sya kung makatingin sa kahit na sinong madaraanan nya na animo'y anumang oras ay maghahamon sya ng away. Ito ang epekto ng pag sama nya kila William.
Muli syang pumasok sa kanyang Unibersidad matapos ang ilang linggo na pagliban sa klase. Dala nya na ang malaki nyang pagbabago sa kanyang sarili.
Hinarang sya ng gwadiya gate palang dahil sa suot nyang hikaw.
"Tanggalin mo yan , bawal yan dito "
wika nito
Parang walang naririnig si Melvin na may nakasalpak na mga earphone sa kanyang magkabilang tenga at dire diretsong pumasok sa gate.
Pinigilan sya ng gwadiya ngunit isang matalim na titig ang isinukli nito. Hindi nakagalaw ang gwadiya sa kinatatayuan . Natakot ito at hinayaan nalang.
Marami ang nakapansin sa malaking pagbabag ni Melvin. Ang iba ay gulat na gulat sa nakikita .
"Si Torres naba yan ? "
"Bakit ibang iba na ata itsura nya ? "
"Nag aadik na ata yan ? "
"Si Melvin yan ah ? Matagal na syang di pumapasok tapos naging ganyan na ang itsura nya ? "
"Di ko na yan nakikita akala ko nga ano na nangyare dyan. Tapos ngayon magpapakita uli sya. Parang ibang tao na "
Mga salitang naririnig nya habang naglalakad sya papasok sa kanyang silid aralan.
Pagpasok nya sa loob ng klase ay tila napatahimik ang kanyang mga kamag aral sa kanilang nakita. Samot saring reaksyon ang mababatid sa kanilang mga mukha. Pero iisa lang ang kanilang nasa isip. Gulat sila at natatakot sa malaking pagbabago ni Melvin.
Buong klase ay pinagtitinginan sya ng mga estudyante sa paligid nya. Hindi sila makapaniwala. Hindi nila inaakala ang dating mabait at maamong si Melvin ay naging nakakatakot na ngayon.
Habang naglalakad ito sa pasilyo ng eskwelahan ay hinarang sya ni Alfred at ang mga tropa nito .
"Aba aba ! Tignan nyo guys. Si Torres nagbabalik. Tapos ibang iba na "
sambit ni Alfred na nakatawa pang inuusisa ang pagbabago ng dati kong sarili.
"Akala mo ba mababago nyan ang katotohanan na duwag ka parin sa amin ? Hahaha akala mo ba mababago nyan ang katotohanan na takot ka sakin ? "
patuloy nitong wika.
"Umalis ka sa harapan ko bago pa kita masipa " matapang at seryosong sambit ni Melvin rito.
Gulat silang napatingin rito. Ito ang kauna unahan na narinig nila si Melvin na lumaban sa kanila at sumagot nang pabalang.
Iniangat ni Alfred ang kanyang titig sa matangkad na si Melvin.
"Sinong tinatakot mo ha ? Gusto mo akong sipain ? Sipain mo na ! O baka puro ka lang daldal "
tugon ni Alfred
"Hoy melvin baka nakakalimutan mo ang tagal mong nawala . Hindi kana nakakapagbigay sa amin. Tumakas ka. Tapos ngayon magbabalik ka bilang maangas . Hindi kame magpapasindak sayo. Kung yan ang bago mong gimmick para makalimutan namin ang marami mong utang ay hindi kame makakapayag "
wika ng isang tropa
"Magbigay ka ngayon ! Magbigay ka sa amin gaya ng madalas mong ginagawa. "
wika ni Alfred na nakataas ang mga palad na para bang may hinihingi ito.
Hinawakan ng isang tropa si Melvin mula sa balikat nito agad namang hinawakan ito ni Melvin nang ubot ng higpit sa kamay dahilan upang magsisigaw ito sa sakit .
"Araaayyyyyy !!!!! Bitawan mo ako "
pag usal nito na halos lumuwa ang mata sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Melvin rito.
"Hoy Torres bitawan mo sya ! "
wika ng isa.
Inambahan sya nito ng suntok subalit madali syang nakailag. Agad nyang ginantihan ito suntok at tinamaan sa mukha na agad naman nitong ikinatumba.
Sabay sabay na nagsilusob sa kanya ang buong tropa ni Alfred.
Ngunit wala miski ang isa ang nagawang makapanakit kay Melvin. Sa tangkad nito walang umaabot at walang tumatama. Hindi na sya kagaya nang dati na nagpapabugbog nalang basta basta. Ngayon natuto na syang lumaban at tiyak pagsisisihan nila ang ginawa nila sa kanya noon.
Hanggang si Alfred nalang ang natitirang nakatayo sa mga tropa nito. Lahat ay parang mga basang sisiw na nakahandusay sa lupa. Pinagtitinginan sila ng iba pang mga estudyante .
"Tawagan nyo ang guard ! Tawagan nyo ang mga professor at may nangyayari kaguluhan dito"
sigaw ng isang dalagang estudyante.
Halos maihi na sa kaba si Alfred sa kanyang pagkakatayo dahil sa takot kay Melvin.
Dahan dahang lumapit si Melvin rito.
" Natatakot kaba ? "
tanong nya rito.
Hindi ito nagsasalita at pinagpapawisan sa kaba.
"Akala ko ba wala kang kinatatakutan ? Nakakaramdam ka rin pala ng takot . Ano ang pakiramdam ? Yan ang pinaramdam nyo sa akin sa mahabang panahon. "
dagdag pa nito.
Lumuhod ang umiiyak na si Alfred at humingi ng paumanhin.
"Patawad! Hindi kana namin guguluhin pa" sambit nito.
Tumigil si Melvin. Tinignan ang nagmamakaawang si Alfred
At tumalikod na ito. Umalis na papalayo.
Sapat na sa kanya makita itong nagmamakaawa at nagmumukhang katawa tawa sa karamihan.
Ngunit hindi pa nakakalayo si Melvin ay naaninagan nya sa kanyang likuran ang papuntang si Alfred na balak syang suntukin mula sa likuran.
"Hindi ka talaga natuto. "
bulong nito .
Hinarapan nya ito at bago pa ito makarating sa kanya ay sinipa nya na ito nang ubod ng lakas dahilan upang tumalsik at gumulong gulong sa lupa. Hindi ito agad nakatayo sa sakit.
"Kung gusto mo uli masaktan walang problema sakin . Pero ito lang masasabi ko. Hindi na ako ang dating Melvin na binubully nyo "
wika nito at umalis na.
Bago sya makalabas sa gate ng Eskwelahan ay naabutan nya si Mr Galmante na nakangiti nang makita sya.
"Torres ! Ano na namang pakulo ang ginagawa mo? Talaga yatang nababaliw kana . Ibang iba na ang itsura mo ah . Ang tagal mong nawala tapos halos hindi ka na nakakapasok sa klase ko , anong balak mo ? Akala mo ba makakapasa ka sa ginagawa mo ?"
Tinignan ito ng dati kong sarili nang ubod ng talim.
"Anong tingin yan ? "
pagtatanong ng guro.
Lumapit rito si Melvin at bumulong
"Ibagsak mo kung gusto mo ! Diba ayan naman ang gusto mo ? "
Gulat na tinignan ng guro si Melvin.
"Simula ngayon hindi mo na ako matatakot. Alam ko ang pinag gagawa mo sa akin noon. Alam kong ginigipit mo ang mga examination at test papers ko para di ako pumasa sa subject mo. Hindi ba ? Alam ko na rin na ayaw mo sa akin noon pa, dahil nalalaman nila na tamad ka magturo . Totoo naman eh. "
"Hindi na ako ang dating Melvin na masisindak mo. Kung ibabagsak mo ako gawin mo. Hindi kita pipigilan "
mahabang wika nito at iniwan ang guro na tila gulat na gulat sa narinig.
Ibang sarap sa pakiramdam ang nararamdaman ni Melvin noong makita nya ang reaksyon ng mga tao sa kanyang pagbabago. Ganito pala ang pakiramdam. Tama nga si William. Magbabago ang tingin nila sayo pag natuto kanang lumaban. Ibang ligaya na makita silang gulat na gulat at hindi makapaniwala sa mga nangyayare.
*****
Nagpatuloy si Melvin sa pagbabarkada kasama ang grupo nila William tuloy din sya sa mga bisyo. Madalas na nga syang hindi pumasok sa klase. At hindi nya ito sinasabi sa kanyang ina. Ano nga naman alam nito. Gabi na rin ito umuuwi dahil abala sa trabaho at natatakot ding usisahin pa ang anak sa pagbabago nito.
Si Louella? Araw araw syang tinatawagan nito ngunit hindi ito sinasagot ng binata. Ayaw nito makipag usap sa kasintahan. Mas masarap kasama ang mga barkada yan ang turo sa kanya nila William .
" Hayaan mo yang Girlfriend mo ! Yan mga babae na yan sakit lang sa ulo yan! kaya nga kame dito hindi nag gigirlfriend eh. "
wika ng isang tropa noong napansin si Melvin na tinitignan nito ang cellphone na may missed call mula kay Louella.
"Mga babae? sagabal lang sa bisyo naten yang mga yan pre ! Maiingay pa yang mga yan ! Gusto pa nila sila lagi nasusunod sa relasyon. Lagi nila tayong pinangungunahan na gawin ang isang bagay. Mga tamang hinala rin yan na gumagawa tayo ng masama eh parang sila hindi " wika pa ng isang tropa habang lumalaklak ng alak.
"Melvin. Ako sayo hiwalayaan mo na yang Jowa mo. Lalo na pag nalaman nya yang pinag gagawa mo malamang sa malamang ay magagalit yan kaya unahan mo na "
sambit pa ng isang tropa.
Lumapit si William kay Melvin at nagwika..
"Sigurado kaba Melvin na hindi ka niloloko ng Jowa mo ? "
Napatingin rito ang dati kong sarili .
"Minsan akala naten true love na . Akala naten sya na. Pero tandaan mo Melvin ang babae maraming pwedeng manligaw dyan kahit may jowa na yan pwede pang maagaw. "
wika nito.
"Ano ang gusto mong palabasin William ? Na niloloko ako ni Louella ? "
tugon nito na medyo seryoso na.
"Hindi ko sinabi yan , IKAW ANG NAGSABI NYAN at ikaw ANG NAGIISIP NYAN. Pero kung yan ang iniisip mo baka tama ka. "
nakatawa nitong sambit.
"Bakit hindi mo huliin ang kasintahan mo kung niloloko ka nga o hindi ? Malay mo, tama ka sa hinala mo ? "
pagpapatuloy nito.
Napaisip ang dati kong sarili nang malalim.
Parang tama nga si William . Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Louella at nakakapag usap ng personal. Dahil madalas nyang iwasan ito ay hindi nya na alam ang nangyayare sa kasintahan.
"Aalis muna ako "
sambit ng dati kong sarili.
Tumayo si Melvin at mabilis na umalis na tila may pupuntahan.
"William ang galing mo talagang mang uto! Dahil sayo baka maghiwalay pa yung dalawa" wika ng isang tropa na natatawa pa .
"Madali talagang utuin ang taong walang natitirang pag asa sa kanyang puso. Yung taong puro negatibo nalang ang iniisip sa buhay. Ganon si Melvin. "
wika ni William rito.
Tinawagan ni Melvin ang kasintahan at nakipag usap na magkita sila sa isang lugar. Masaya naman nitong tinugunan ng kanyang kasintahan.
Nakipag kita si Melvin kay Louella sa parke na paborito nilang puntahan.
Seryosong naglalakad si Melvin patungo sa tinakdang lugar at nang makarating ito ay isang bagay ang nagpagulat sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nya sa nakita mula sa malayo. Hindi sya pwede magkamali.
Parang sinabuyan sya nang malamig na tubig sa nasaksihan. Subalit biglang nag apoy naman sa galit ang kanyang nararamdaman.
Ang nakikita nya ngayon ay..
Si Louella may kausap na ibang lalaki !!
*******
Itutuloy sa ikawalong kabanata.
--KeleyanJunPyo
*******
Read with your own risk.
AUTHOR'S THOUGHT(Trivia of the Story and personal traits of the author)
Trivia
Ang Kabanata 7 ang nagiisang kabanata sa buong kwentong na walang binanggit patungkol sa mga pangunahing tauhan na kagaya nila Louella , Jonas at ang ina ni Melvin na si Janice.
Authors thought
Patuloy nyo sanang suportahan ang aking likha hanggang sa dulo. Nasa climax napo tayo ng kwentong ito at nalalapit na ang katapusan. Sobrang na- eexcite akong isulat ang mga susunod na kabanata dahil sa mga mangyayare. Salamat muli sa tiwala at nawa'y naririyan kayo hanggang sa huli.