Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 6 - Kabanata 5 " Pag-usbong bago ang kinatatakutan"

Chapter 6 - Kabanata 5 " Pag-usbong bago ang kinatatakutan"

Isang malalim na paglunok ang ginawa ng dating ako habang hinahantay ang kasagutan  ni Louella.

"Ano na nangyare sa kanila Jonas ? "

Patanong ni Vanessa na nakabalik na rin at nasa likod na ni Jonas .

Gulat na tumingin si Jonas sa likuran , nakita nya ang kanyang kasintahan na nakatingin din sa kanya at nagyoyosi.

"Eto na nga inaabangan ko yung dalawa , mukhang umamin na si Melvin  hinahantay nya nalang yung sagot ni Louella"

wika nito.

***

Nagsalita na si Louella

"Walang problema. Nakikita ko naman sa mga mata mo na totoo ka sa sarili mo. Mabuti kang tao Melvin alam ko yan "

wika ng dalaga .

Napatalon sa tuwa ang dating ako sa narinig. Hindi ito makapaniwala. Hindi nito lubos maisip na maliligawan nya na si Louella

"Pangako, magtitiis ako. Pangako lahat gagawin ko hanggang sa makuha ko ang matamis mong oo "

masayang sambit ng dating ako.

Isang malaking ngiti ang itinugon ni Louella rito.

Habang sa isang gilid naman ay halos himatayin na si Jonas sa kilig dahil sa nasaksihan. Nakasara ang dalawa nitong mga palad at sinusuntok sa hangin habang sinasambit ang  salitang "YES !!!! "

Tuwang tuwa ito para sa kaibigan.

Masayang natapos ang gabing iyon. At parehas silang nakauwi na nang maayos at ligtas.

****

Pagkauwi

Naabutan ng dating ako ang kanyang ina na nagtutupi ng mga damit. Napahinto ito nang makita ang anak . Nagmano sa kanya at bumati.

"Mama, tulungan ko napo kayo. "

sambit ng dating ako.

"Nako anak wag na , ako na bahala dito magpahinga ka nalang muna dahil pagod ka "

mahinaon nitong tugon habang tinutupi ang isang damit sa kanyang bandang kaliwa.

"Salamat po mama. "

masayang sambit nito

"Kamusta anak? Okay ba yung lakad mo ? " pahabol na tanong nito habang hinabol ng tingin ang anak na papunta na sa kwarto nito.

"Okay na okay po ma. Masaya po "

masayang sigaw nito sabay pasok sa kanyang silid.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng kanyang ina sabay nagwika ng mahina.

"Matteo. Umiibig na ang ating anak , kung nakikita mo lamang sya ngayon ay tiyak matutuwa ka sa kanya "

Kasabay ng  pagpapakita ng isang family picture nilang tatlo .

*****

Pagkatapos ng araw na iyon ay madalas na ngang magkita at magkausap si Louella at ang dating ako. Dito nagsimula ang kanilang masayang mga alaala. Laging tinutugtugan at kinakantahan ni Melvin si Louella. Masaya silang namamasyal at kung saan saan pumupunta. Pinakita ni Melvin kung gaano nga nya kamahal si Louella. Hindi lang sa salita pati sa gawa. Inunawa nya ito at inintindi sa lahat ng bagay. Sinuportahan sa mga kagustuhan at hilig pati sa mga bagay na masaya ito, ganon din si Louella sa kanya. Maraming mga litrato ang kanilang naipon , mga tawa at ngiti na di mapagpapalit sa kahit anong kayamanan sa mundo.

Masarap pag masdan ang aking nakaraan. Ang nakaraan kung saan masaya kame ni Louella. Sana hindi na matapos ang nakaraang ito. Dahil dito masaya kong nababalikan ang pagmamahal ko sa nagiisang babae na nagpabago sa aking buhay.

Napunta uli ako sa isang senaryo ng aking nakaraan kung saan , inaya ng dating ako si Louella na mamasyal sa isang parke .

Napakaganda ng tanawin. Napakaraming mga stall ng mga palaruan at bilihan ng pagkain. Masaya nilang sinulit ang mga panahong iyon.

Meron isang palaro na kung saan makakakuha ng papremyo ang kahit na sinong manlalaro na makakatama ng tatlong beses sa isang maliit na bagay na nakapatong sa isang umiikot na lamesa.

Nagpresinta ang dating ako na laruin ang bagay na iyon upang makuha ang premyo na malaking stuff toy na disensyo ng isang kuneho, halos kasing laki ito ng normal na tao.

"Ako bahala , iuuwi ko ang premyo na yan para sayo "

sambit pa nito.

Nagsimula itong maglaro.  Sa tatlong tira nito wala miski isa ang tumama .

Tahimik at nakayukong bumalik si melvin kay louella at humingi ng pasensya.

Sinubukan ni Louella ang palarong iyon.

Sa di maipaliwanag na dahilan. Sa tatlong tira ng dalaga. Lahat ito ay tumama. At nakuha nito ang premyo.

"Tignan mo melvin , nakuha ko yung stuff toy, ang lake "

masaya nitong sambit habang tila hirap sa pagbuhat sa napakalaking pa premyo.

Meron pa isang palaro na kung saan manghuhuli sila ng maliliit na gold fish. Kung ano ang mahuli nila ay iyon din ang ibibigay sa kanila.

Agad na sinubukan ito ni Melvin . bumili ng maraming tokens at nagsimulang manghuli.

At tulad nga nang inaasahan. Naubos ang mga tokens na wala man lang syang nahuli.

Halos di makatingin si melvin sa mata ni Louella dahil sa hiya matapos nitong sumubok.

Lumapit si Louella rito at sya naman ang sumubok.

At tulad nga din nang iniisip ko sa unang subok pa lamang nito ay nakahuli na agad.

"Melvin , tignan mo ang cute  nya. Papangalanan ko syang Golden. "

sambit nito habang pinaglalaruan ang napanalunang isda.

Marami pa silang masasayang alaala sa lugar na iyon.  Natapos ang kanilang pamamasyal sa isang bahagi ng parke kung saan naupo sila sa isang mahabang upuan. Napupuno ito ng mga ukit ng mga pangalan na tila isinulat rito ang mga pangalan ng mga naunang umupo.

Naagaw ang atensyon ng dalaga nang makita si melvin na umuukit sa upuan.

"Ano yang ginagawa mo melvin ? "

pagtatakang tanong nito. Habang hawak ang isang ice cream na binili ni melvin para sa kanya.

"Sinusulat ko ang pangalan naten. Malay mo balang araw kapag malalaki na tayo tapos makita naten to , maalala naten na minsan naupo tayo dito "

masayang wika nito.

Isang inosenteng pagtango lang ang itinugon ng dalaga rito.

*****

Nalipat na naman ako sa isang senaryo sa aking nakaraan na kung saan lumipas na ang mahigit isang taon mula noong nagsimulang itong manligaw  kay Louella.

Dec 24, 2015. Ito ang araw na hinding hindi ko malilimutan . Desperas ng kapaskuhan noon, ito ang araw na kung kelan sinagot ako ni Louella.

Nakita ko na lamang uli ang dating ako at si Louella sa harap ng Musical Instrumental Shop na madalas kong puntahan. Napakalamig nang simoy ng hangin noong araw na iyon. Napakarami ring mga tao na naglalakad at mga pamilyang magkakasama. Napakaliwanag ng paligid dahil sa mga Christmas lights na nagpapakinang ng gabi . Mga parol na ibat iba ang hugis na humahalo sa ganda ng mga kabahayan. Kahit saan ka tumingin ay may mga batang masayang nangangaroling at nagtatakbuhan . Nakakabingi din ang mga maririnig mong tugtog na naayon sa kapaskuhan sa buong kalsada. Mga magkasintahan na sabay kumakain sa mga restaurant , at marami pang iba.

Maaaninagan mo sa itsura ng aking dating ako ang paghabol nya sa kanyang paghinga dahil sa pagod. Marahil tumakbo ito sa pagmamadaling maabutan si Louella. Animo'y may pinagusapan silang pagkikita noong araw na iyon.

Naalala ko na , noong araw rin palang ito tinulungan ko ang kaibigan kong si Steven na suyuin ang kanyang kasintahan na si Chloe sa Tanjerin Circle. Nakiusap ito na ako ang tumugtog para sa kanyang paghingi ng tawad rito.  Nagawa ko naman ng maayos ang trabaho at napag ayos ko ang dalawa. Pagkatapos noon ay di ko namalayan na may tinakda pala kameng usapan noon ni Louella kaya nagmamadali akong tumakbo mula roon at umaasang maabutan pa ito. Salamat nalang at naabutan ko pa.

"Patawad. Humingi kase ng pabor sakin si Steven. Kaya nalate ako. Di ko sinasadya ang mga nangyare Louella "

paisa isang sambit ng dating ako habang hinahabol pa nito ang kanyang pag hinga.

"Naiintindihan ko, nakikita ko sa mga mata mo na totoo ang sinasabi mo "

mahina ngunit seryosong tugon nito.

Mula sa paghahabol ng hininga, dali daling kinuha ng dating ako ang isang papel na naglalaman ng sulat .Sulat ito ng pag amin sa tunay nitong nararamdaman.

Marahil old school na nga ang pagbibigay ng liham , subalit sa ganong paraan nasasabi ni Melvin ang knyang pagmamahal kay Louella.  Hindi kase sya showy sa mga bagay na gusto nyang sabihin . Mas gusto nyang daanin sa pagsusulat at pagkanta.

Iniabot nya ito sa dalaga at mabagal na binuklat. Binasa ang nakasaad rito at maya maya'y tumulo ang mga luha nito. Luha ng pagkatuwa at pagtanggap.

"Bakit ? Bakit ka umiyak ? May nasabi ba akong masama dyan sa liham ? "

pagtatakang tanong ng dating ako.

Hindi nagsalita si Louella at dali daling niyakap ang dating ako. Nabitawan nito ang liham at hindi na itinuloy ang pagbabasa.

Samantalang takang takang ang dating ako sa mahigpit na pagkakayakap ni Louella rito.

"Salamat Melvin. Ikaw ang unang lalaki na nakaunawa sakin . Ang unang tumanggap sakin. Nakita ko kung gaano ka kaseryoso sa pagpapakita kung gaano mo ako kamahal "

iyak nitong sambit sa dating ako.

Habang ramdam na ramdam ng dating ako ang pagkakayakap ni Louella rito ay wala itong ibang naitugon kundi paghawak sa ulo ng dalaga at himasin ang buhok nito.

Paborito kong gawin ito lalo na kay Louella. Pag may nakikita akong malungkot na tao ay hinihipo ko sa ulo sabay hinihimas. Sa paraan kasing ito napapakita ko ang pagsimpayta ko sa nararamdaman ng isang tao.

Tumigil si Louella sa pag iyak at tiningala si Melvin o ang dating ako.

"Sinasagot na kita Melvin. Simula ngayon GIRLFRIEND MO NA AKO " 

nakangiting wika nito habang nagpipigil pa ng luha.

Hindi makapaniwala si Melvin o ang dating ako. Gulat nitong napatingin sa kaliwa at kanan at binalik ang tingin kay Louella. Tama ba ang kanyang narinig?  Totoo ba to ?

"Oo totoo na yan. Sinagot kana ni Louella. Nagbunga din ang mga pagod mo at sakripisyo mo sa panliligaw. Nagbunga rin ang pagtytyaga at paghihintay mo sa dalaga. Nakamit mo narin ang matamis nyang oo . "

sambit ko sa dati kong sarili.

Kahit alam ko na ang mga mangyayari sa nakaraang ito, ay  iba parin talaga kapag personal mong makita at mabalikan ang nakaraan kung saan sinagot na ako ni Louella. Napakasarap sa pakiramdam . Napakasayang balikan.

Sa sobrang tuwa ng dating ako ay napatalon ito at nagsisisigaw sa daanan. Wala syang pakealam kung pagtinginan sya ng mga tao. Ang mahalaga ay nailabas nya ang kasiyahan nya.

Bumalik sya kay Louella at niyakap ito ng buong pagmamahal. Mahigpit nya itong niyakap habang umiiyak.  Sinuklian naman ito nang mahigpit ding yakap mula sa dalaga.

Inilapat nito ang mga kamay sa pisngi ni Louella at winika.

"Totoo ba talaga to ? Kasintahan na talaga kita ? "  naguguluhang sambit nito.

"Oo Melvin. Totoo to. Mahal kita. Mahal na mahal "

nakatawang tugon nman ni Louella.

Pinunasan ni Melvin ang luha sa mga mata ni Louella at muli itong niyakap. Matagal na pagyakap.

Tinitigan nya ito ng matagal. At tulad ng madalas na gawin ni Loella, animo'y nauusap sila sa kanilang pagtitig sa mata ng isat isa.

Pagkatapos noon ay dahan dahang inilapit ni Melvin ang kanyang mga labi sa manipis na labi ni Louella.

Pumikit ang dalaga na tanda ng pagpayag nito .

At tuluyan na ngang naglapat ang kanilang mga labi sa isat isa at  isang halik ang kanilang nabuo. Ramdam ni Melvin ang lambot ng labi ni Louella mula sa kanyang pagkakahalik rito.

Ang kanilang unang halik.

Ang matamis at di makakalimutang halik sa tanaw ng kanilang buhay. Para bang tumigil ang oras noong mga panahong iyon. Para bang sila na lamang ang tao sa paligid at wala silang nakikita o naririnig. Nagtama ang kanilang mga labi kasabay nang pagsiklab ng masidhing damdamin nila sa isat isa.

Dahan dahang pagmulat ng mga mata nagtapos ang kanilang halikan. At muling mahigpit na pagyakap ang kanilang ginawa sa isat isa.

Isang tinig ang kanilang narinig ,dahilan upang sila at matigil at makuha ang atensyon nila sa isang direksyon.

"Sa wakas official na kayo "

sambit ni Jonas na nakaakbay at marahang naglalakad  kasama ang kasintahan nitong si Vanessa.

Abot na tengang ngiti ang isinukli ng dating ako sabay lumapit sa kanyang matalik na kaibigan at nakipag apiran ito.

"Salamat pala sa pagtulong kanina sa pag aayos ng kotse namin "

wika ni Jonas sa dating ako.

"Si Melvin. Tinulungan kame kanina na ayusin ang tumirik naming sasakyan. Papunta kame para mamili ng regalo kaso nasira naman habang nasa byahe kame. Sakto naman na nakita nmin si Melvin at tinulungan kame. Sinabi nya na may usapan kayong pagkikita kaya naman pinauna na namin sya. "

mahabang wika ni Vanessa habang nakaharap kay Louella at nagpapaliwanag.

"Oo nga po ate Vanessa nasabi narin sakin ni Melvin knina ang dahilan "

tugon ni Louella kay Vanessa .

"Pero Melvin , bakit ang tagal mo ata bago nakapunta dito ? "

pagtatakang sambit ni Jonas sa kaibigan.

"Tinulungan ko pa kase si Steven. Sakto naman na nagkita kame at nagpatulong kung pwede samahan ko sya upang tugtugan ang kanyang girlfriend na si Chloe na nagtatampo sa kanya. Buti naman at bago maghapon kanina ay nagakaayos sila. Kaya namn pagkatpos nun patakbong pumunta na ako rito. "

wika nya.

Oo naalala ko pa kung paano ko tinulungan sila Steven at Chloe noon. Nakakatuwa at masayang karanasan para sa akin.

Lumapit si Louella sa dating ako. Tinignan ito ni Melvin sabay kinuha ang kamay nito at hinawakan.

Tanda ko,  napakainit at napakalambot ng mga kamay ni Louella noong una ko itong nahawakan.

Pagkatapos noon ay masayang nagkwentuhan ang magkakaibigan. Malugod nilang pinagdiwang ang bagong magkasintahang na sila Louella at ang dating ako (Melvin).

Saka sa panahon palang ito sila Vanessa at Jonas ay nagtratrabaho na. Si  Vanessa ay nagtratrabaho sa isang sikat na clothing brand , bagay lang naman sa kanya dahil isa syang fashionista . Samantalang si Jonas naman ay isang Office Staff sa isang marketing company.

*****

Lumipas pa ang mga panahon. Itong mga panahon na to ang pagsisimula nang mas lalo pa naming pagkakamabutihan ni Louella. Nagpatuloy ang masasaya naming alaala. Wala kameng oras na sinayang. Bawat oras ipinaramdam namin  kung gaano namin kamahal ang isat isa. Lagi kameng nagkwekwentuhan, nagtatawanan, madalas ko ring kinakantahan si Louella , madalas rin kaming mamasyal. Pumunta kung saan saan. Kumukuha ng litrato magkasama at kapag abala kame sa aming pag aaral ay di naming nakakalimutang kamustahin ang isat isa sa pamamagitan ng pagtawag.

Masaya.

Masarap magmahal.

Masarap ma inlove sa taong minamahal mo talaga.

Habang nakikita ko sa nakaraang ito ang mga  masayang alaala ng pagmamahalan namin ni Louella noon ay di ko mapigilang hindi malungkot. Kamusta na kaya si Louella ngayon? Okay lang kaya sya ?

Sa panahong din ito. Pinakilala ako ni Louella sa kanyang ina.

Nung una kinakabahan talaga ako. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung sakaling kaharap ko na ang magulang nya. Natatakot ako na baka husgahan ako o baka naman di ko masagot ang mga itatanong nito.

Pero isang mahigpit na paghawak saking mga kamay mula kay Louella ang nagpawala sa aking kaba. Habang nakatayo sa labas ng kanilang pintuan at hinahantay na pagbuksan ng kanyang ina.

Sabi ko pa noon. " Kaya ko to " huminga ako ng malalim. At nagtiwala sa aking sarili . Mahal ko si Louella. Hindi ako matatakot dahil mabuti ang aking intensyon sa kanya.

Mabait naman na tinanggap ng ina ni Louella ang dating ako.

Naalala ko  nakaupo kame sa isang mahabang lamesa . Ang kanyang ina ay nakaupo sa gitna habang ako naman at si Louella ay magkatabing tahimik na nakaupo at naghahantay na magsalita ito. Ako ay nagpakilala at nagkwento ng mga bagay patungkol sa akin. Lahat lahat sinabi ko .

Pagkatapos nito.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko si Louella lou Angela "

seryosong tanong ng ginang na nakatitig sa aking mga mata .

Noon ay napatuwid ako ng pagkakaupo. Humawak sa aking magkabilang tuhod sabay nagwika.

"Opo. Mrs Santos. "

Seryosong wika ng dating ako na seryoso ring nakatingin sa ina ni Louella.

"Mahal ko po si Louella. Hindi hindi ko sya sasaktan , mamahalin ko sya parehas ng pagmamahal ko sa aking sarili. Nangangako po ako sa inyo na hindi ko sya pababayaan. "

diretsong tugon pa nito.

Ilang segundo hindi nagsalita ang ginang. Kinuha ang isang baso ng tubig sa kanyang tabi at ininom. Muli nitong binalik ang kanyang  magkapatong mga hita sa pagkakaupo . itinaas baba ang kanyang salamin sabay nagwika.

"Nakita ko naman sayo Melvin, alam kong mabuti kang tao. At saka ikaw ang kauna unahang lalaki na ipinakilala ni Angela rito sa bahay. Marami syang manliligaw pero di tumatagal kase mga walang tyaga at natatakot dahil sa galing ng aking anak sa pagbabasa ng isip ng mga tao. "

mahabang sagot ng ginang.

"May tiwala ako kay  Louella Angela. Alam kong hindi ka nya sasagutin kung hindi ka karapat dapat. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang anak ko. Dahil tulad nga ng sabi mo iisang anak ka rin. Kaya sigurado akong alam mo ang pakiramdam nang pagmamahal ng magulang sa knilang nag iisang anak " pahabol pa nitong wika .

"Opo .Makakaasa po kayo Mrs Santos. "

magalang na sambit ng dating ako.

Tumayo na ito at tumalikod. Nagwika

"Mama o Nanay or kung ano man ang gusto mong itawag sakin. Wag mo na akong tawagin sa aking apelyido. Dahil simula ngayon ay parang pamilya na rin ang turing ko sayo. Kaya ituring mo narin akong parang tunay mong ina" 

wika nito bago ngumiti at tuluyan nang umalis at umakyat na sa kanilang mahabang hagdan sa knilang napakalaking bahay.

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Louella sa dating ako matapos ang matinding paguusap na iyon. Akala ko hindi ko malalagpasan ang sitwasyong iyon. Pero dahil sa pagmamahal ko kay Louella ay nasagot ko ng buong puso ang mga tanong ng kanyang ina.

"Sabi ko sayo eh, mabait si Mommy. Talagang istrikto lang sya pero napakabait nun, " nakangiting wika ni Louella.

****

Ilang araw mula roon.

Nagbago na naman ang takbo ng senaryo sa aking nakaraan at napunta naman ako kung saan ipinakilala ko naman si Louella kay mama.

Pero di gaya nung ipinakilala ako ni Louella sa kanyang ina na halos himatayin ako sa kaba.

Sya naman ay sobrang excited na tipong gustong gusto nya na makilala si mama at pormal nya na itong makausap.

Nakakatuwa talaga si Louella. Napakabibo at napakapositibo nya sa lahat ng bagay.

Noong binuksan ko ang pinto at tinawag si mama ay agad syang pumasok rito at nagmano agad. Nakangiti at masayang kinamusta si mama. Sinuklian naman ito ni mama ng isang matamis na ngiti at pagyakap rito. Ang sarap nila pagmasdan. Gustong gusto talaga nila ang isa isa.

"Ako nga pala si Janicia Albert Torres, ang ina ni Melvin. Tatlomput siyam (39) na taong gulang tawagin mo nalang akong tita Janice kung nais mo " 

wika ni ina rito.

"Napakaganda nyo po tita ! Parang di kayo 39years old. Parang mga nasa late 20s ang itsura nyo. Ano po skin care nyo ? Napakakinis ng kutis at di mahahalatang may anak na kayo "

sambit ni Louella na halos kuminang ang mata noong makita ng malapitan si Ina.

"Ay talaga ba ? Nakakahiya naman hindi naman ako ganon kagandahan "

kinikilig na sambit ni ina habang nakahawak ang mga palad nito sa kanyang mukha.

Habang nakaupo at sama samang kumakain ay masayang nagkwentuhan sila Louella at si Ina. Dito ay nagpakilala ito bilang aking kasintahan.

"Masaya ako para sa inyo iha. Mahalin mo si Melvin ah"

masayang tugon ni mama.

" Opo, makakaasa po kayo sakin. "

isang malaking pagngiti ang itinugon ni Louella rito.

Pagkatapos noon ay nagkwentuhan pa sila sa mga nakakatawang bagay ukol sakin . At tulad nga ng inaasahan ko ibubulgar ako ni mama sa mga nakakahiya kong pinag gagagawa noon.

Natapos ang eksena kung saan nakita ko na lamang sila Louella at si Mama na sikretong naguusap sa labas ng bahay.

Hindi ko matandaan ang pangyayare nato sa aking nakaraan. Siguro dahil ang aking dating sarili ay nasa loob ng bahay at naghuhugas ng mga plato nung mga panahong ito.

Nakita ko uli na lumapit si ina kay Louella at hinawakan ang mga kamay nito.

"Louella, meron lang sana akong hihilingin sayo "

mahinang wika nito , habang nakatingin sa dalaga.

Tinitigan ito ni Louella at dito nabasa nya ang nararamdaman nito. Hinigpitan nya ang pagkakahawak rito at nagwika

"Ano po iyon. Tita . ? "

tanong ni Louella.

Hindi agad nakapagsalita si mama , at maya maya ay pigil itong lumuha. At tulad nga ng inaasahan ni Louella rito sa pagbasa sa mga mata nito. Nagpapakita ito ng mga kalungkutan sa kabila ng masayahin nitong pag uugali.

"Pakiusap, wag mong papabayaan si Melvin. Alam kong medyo makasarili itong hinihiling ko sa iyo , pero sana magmahalan kayo ng buong buhay nyo. Bantayan nyo ang isat isa at wag kayo mag aaway. Kapag dumating ang panahon na di kayo magkaunawaan , kailangan meron sa inyong magpapakumbaba. Iyon ang sikreto sa isang matagalang relasyon. Tanggalin nyo ang salitang selos at inggit sa kapwa. Intindihin nyo ang mga ginagawa ng bawat isa sa inyo. Mahalin at tanggapin nyo ang mga nakaraan nyo. "

mahabang wika ni mama

"Makakaasa po kayo sakin "

sambit ni Louella.

"Alam kong di mo pa maiintindihan to Louella. Subalit malaki ang kasiguraduhan ko na ikaw ang magiging dahilan kung ano ang magiging si Melvin sa hinaharap "

wika ni mama.

Pagyakap ang itinugon ni Louella rito tanda ng pagsimpatya nito.

"Noong dalaga ako hinulaan ako ng isang manghuhula sa aking magiging hinaharap at sa aking magiging anak. May bagay syang sinabi sakin na aking kinagulat noon "

sambit pa ni Ina.

May ganito palang nangyari sa aking nakaraan. Hindi ko alam.

Hindi ko alam na kinausap pala ni Mama si Louella noon , at sinabi ang mga salitang iyon.

****

Ilang panahon pa ang lumipas. Nagpatuloy ang pagmamahalan namin ni Louella. Masaya ang mga araw na lumipas. Nagpatuloy ang normal naming buhay.

Lumipas ang una naming buwan bilang  magkasintahan. Kame ay kumain sa isang sikat na restaurant at masayang ginunita ang espesyal na araw na iyon. Inilabas ko ang isang maliit na karton na naglalaman ng aking regalo kay Louella . Isa iyong mamahaling brand ng sling bag na aking pinagipunan mula sa kinita ko sa pagkanta sa mga events.

"Nagustuhan mo ba ? Actually si Vanessa ang pumili ng design na yan kase di ko naman kabisado ang mga kagustuhan ng babae pagdating sa bag "

wika ng dating ako.

" oo naman, ang ganda kaya! "

masayang wika ni Louella,  habang akap akap ang sling bag at sinuot agad ito. Makikita ang malinaw na design ng isang  Sunflower sa bag na iyon.

"Ako rin may regalo , akala mo ikaw lang ". Sambit naman ni Louella habang nakangiti na kinuha sa kanyang likuran ang isang mahabang bagay na kanyang regalo.

Isa iyong gitara. Isang Martid D-18 acoustic guitar.

Iniabot nya ito sa dating ako .

" pasensya kana Melvin, alam kong hindi yan mismo yung kaparehas na gitara na madalas mong sabihin sakin na gusto mong bilhin. Dahil noong pumunta ako, sabi nung may ari na palagi mong pinupuntahan na Musical Shop ay may nakabili na raw ng mismong Martin D18 .Pasensya kana. Nagpatulong nalang ako kay Jonas upang maghanap ng kaparehas na itsura at brand. "

mahinang wika ni Louella .

Niyakap ng dating ako si Louella sabay nagpasalamat.

"Salamat , hindi na mahalaga sakin kung may nakabili na nung gitara na Martin D18 na mismong gusto ko . Basta galing sayo malugod kong tatanggapin at mamahalin. "

wika nito sa kasintahan.

Mahalaga at sobrang sentimental ng gitara na iyon. Dahil iyon ang unang gitara na binigay sa akin ng pinakamamahal kong babae.

Nilagyan ko rin iyon ng tanda mula sa araw na natanggap ko ito kay Louella.

Dated January 24, 2016.

Simula noon ay madalas ko nang gamitin ang gitarang iyon sa mga lakad at mga pagtatanghal na aking pinupuntahan.

Lumipas pa ang maraming panahon sa aming pamumuhay. Patuloy na kaligayahan ang nanguna sa aming relasyon .

Dumating ang aking kaarawan, tanda ko pa noon niregaluhan ako ni Louella ng isang Kwintas. Hindi ito kahabaan pero ang kamangha mangha rito ay yung pendant na krus na gawa sa pilak. Kakaiba at sobrang ganda.

"Ipabless naten yan Melvin. Dito sa simbahan na madalas nateng pagsimbahan. "

tinig mula kay Louella habang naglalakad at nakayapos sa  braso ng dating ako.

"Sige ba . Okay yan . "

masaya nitong pagsang ayon.

Nakarating sila sa isang simbahan.  Medyo may kalumaan na ang disenyo ng simbahang iyon , ngunit napakarami paring parokyano na pumupunta para magsimba. Isang lalake ang kanilang pinagtanungan na nung mga oras na iyon ay tahimik lamang na nag wawalis sa gilid ng simbahan.

Itinigil nito ang pagwawalis noong makita ang dalawa na patungo sa kanya.

"Si Father Adrian po ba ang hinahanap nyo ? "

wika nito habang inilapag sa gilid ang malaking walis tingting.

Tumango ang dating ako at agad namang itinuro ng lalake ang daan. Nang makalapit na sila sa pintuan kung saan naroroon ang pari ay pinatigil nya ito at sinabihang maghintay.

Maya maya ay lumabas na ang isang pari mula loob ng isang kwarto.

Hindi pa ganon katanda ang paring iyon at sa aking palagay ay kaedad lamang ng aking ina.

Ngumiti ito noong makita kame. Agad namang nagmano si Louella at ang dating ako.

"Ano ang inyong pakay mga anak? "

malumanay nitong tanong habang naka lapad ang mga palad nito sa kanyang puso na animoy nagdadasal ito.

"Ipapabless po sana namin ito , father"

wika ni Louella sabay abot ng kwintas .

Agad namang kinuha ito ng pari at nagsimulang basbasan ito.

Matapos ang pagbabasbas ay ibinalik na ito ng pari.

"Ganyan din ang kwintas na ibinigay ko sa isa sa mga sakristan ko dito sa simbahan "

sambit ng pari.

"Talaga po? "

wika ng dating ako habang hawak hawak ang kwintas.

" Salamat po , Father Adrian Silva. "

wika ni Louella sabay nagmano uli rito.

"Walang anuman iha. Sige humayo kayo at gabayan nawa kayo ng ating poong may kapal" mahina nito wika habang hawak nito sa ulohan ang dalawa.

******

Lumipas pa ang mga araw.

Nagsimulang maging tanyag ang aking pangalan sa larangan ng pag awit.

Marami ang gusto akong kunin sa mga patimpalak upang lumahok at lumaban . Madalas akong manalo at naiuuwi ang mga papremyo. Ito na ata ang isa sa masasabi kong tagumpay sa aking buhay.  Nagbago ang lahat, marami na ang aking naging kaibigan.

Ganon naman talaga pag kilala ka, saka sila lalapit sayo. Pag sikat kana saka ka lang nila mapapansin at bibigyan ng halaga.

Mabilis na nagbago ang senaryo sa aking paligid. Na para bang sa isang kisap mata ko lamang, ay tila  bigla napunta ako sa panibagong nakaraan sa aking buhay.

Sigurado ako. Dalawang taon ang lumipas sa panahong ito. Dahil nakikita ko ang dati kong sarili na nag aaral na sa ikaapat (4) na bahagi sa kolehiyo at ito na ang aking huling yugto sa buhay pag aaral. Graduating student nako. Nakita ko rin ang isang kalendaryong nagsasabi na ito ay nasa taong 2018.

Nakita ko na lamang uli si Louella at ang dating ako na masayang naguusap. Habang naka uniporme ng kanilang magkaibang unibersidad. Graduating student na rin dito si Louella. At ito ang panahon na kung saan medyo naging abala na sya dahil sa kabila kabilang mga aktibidad nya, lalo na sa mga mabibigat na aralin at mga proyekto.

Subalit kahit ganon ay hindi namin kinakalimutan ang isat isa , bagkus lalo pa naming minahal ang aming relasyon . Kahit na madalas ay wala kaming komunikasyon ay nagagawan parin namin ng paraan. Itinuring namin na inspirasyon ang bawat isa upang lubos na mapagbuti ang aming pag aaral.

*******

Ako ay patuloy paring tumutugtog sa mga events kasama si Jonas.

Naging kilala ang tambalan namin hindi lang sa aming lugar kung hindi pati narin sa mga kalapit naming lungsod. Marami nang kumukuha sa amin sa mga events at mini concerts , umusbong na nga ang aming paghihirap at tuluyang sumikat.

"Alam mo Melvs, kakaiba ka talaga dahil sa tuwing kumakanta ka talagang napapahanga mo ang mga manunuod. The best ka talaga umawit "

wika ni Jonas habang inaayos  ang napatid nitong sintas mula sa kanyang kaliwang sapatos.

"Nako, kung wala ka baka di ako makakaawit sobrang galing mo kaya mag drum "

wika ng dating ako habang nakayuko sa kaibigan habang pinagmamasdan itong magsintas ng sapatos.

Lumabas na ang dalawa sa isang events hall kung saan ginanap ang kanilang pagtatanghal.

Ang 2018 rockband fest .

"Melvs , si Vanessa aalis na pala sa susunod na linggo. "

wika ni Jonas na medyo seryoso.

Tumingin sya kay Jonas .

Nabatid ko sa aking kaibigan ang kaunting kalungkutan. Palagi ko syang nakikitang masaya. Kilala ko sya bilang matatag at malakas na tao. Pero sa mga ganito rin palang sitwasyon ay nakakaramdam din sya ng kalungkutan. Totoo nga na

Tao lamang tayo.

The Tumatawa at umiiyak.

Muli itong nagpatawa upang mapawi ang nararamdaman.

"Matutuloy pala sa pag alis si Vanessa ? Akala ko plano palang yun "

pagtatakang tanong ng dating ako.

"Matutuloy sya pre. Alam mo naman na nagmula si Vanessa sa isang mayamang pamilya . Nakatanggap sya ng offer mula sa ibang bansa . Sa bansa kung saan nakatira ang kanyang magulang. Sa Italya. "

tugon nito.

"Actually, pinagusapan naming maigi ang bagay na iyon. At talagang napagdesisyunan nyang tanggapin ang offer bilang maging isang Fashion Designer sa bansang Italya. Pangarap nya kase iyon. At hindi ko sya pwede pigilan. Bagkus susuportahan ko pa sya. Dahil mahal ko sya. "

mahaba pa nitong sambit

"Babalik pa ba sya ? "

wika ng dating ako.

"Hindi nya pa raw alam.

Ang kontrata nya kase ay 6years .Pero kada dalawang taon ay pwede syang makauwi rito sa bansa naten. Mas okay na yun."

" Sabi nya rin sakin sa pagbabalik nya magpapakasal na kame. "

sambit ni Jonas.

Tumingin ang dati kong sarili kay Jonas at inakbayan ito.

"The best ka talaga pre. Mahal na mahal mo talaga si Vanessa"

sabi nito.

Ngumiti ito at nagwika

"Syempre naman. Pag mahal mo suportahan mo! May tiwala ako kay Vanessa makakamit nya ang pangarap nya. Ano pa silbi ko bilang boyfriend kung di ko di ko susuportahan diba ?

Pre may hihilingin lang sana ako. Pwede bang di ako makaaattend sa thanksgiving party na inaalok sa atin sa susunod na linggo? Ihahatid ko kase si Vanessa sa airport. "

Hinigpitan ng dating ako ang pagkakaakbay rito at masayang nagwika.

"Oo naman .walang problema sakin pre. Saka kahit di ka magpaalam talagang need mo samahan si Vanessa sa huling araw nya dito sa bansa. Igreet mo nalang ako kay Vanessa ah "  wika ng dating ako.

"Salamat Melvs. "

mahinang sagot nito.

*****

Muli pang nagpatuloy ang aking buhay. Bawat araw at bawat buwan ay pahirap nang pahirap sakin kung paano ko pagsasabay sabayin ang pag aaral at career bilang mang aawit. Pero kailangang kayanin.

Sa aking pag aaral ay hindi ko naman ito napabayaan. Nagpatuloy ang magandang performances ko sa klase.

Ngunit may isang Professor ko noong kolehiyo na labis ang galit sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan nagmula ang poot nya pero parang lagi syang namumuhi pag nakikita nya ako. Ilang beses nya na din akong muntik ibagsak ngunit hindi nya magawa dahil aktibo at matataas parin ang aking mga pagsusulit sa klase nya.

Ito ay si Professor Robert Galmante.

"May araw rin yang Melvin na yan. Darating din ang pagkakataon na luluhod sya sa akin "

wika ng professor habang padabog na inilapag nito ang isang makapal na libro sa lamesa .

"Bakit ba galet na galet ka kay Torres ? "

wika ng isa pang professor na nagaayos ng mga lesson plan nito sa likod.

"Sa tuwing nagklaklase ako. Yang si Melvin na yan akala mo alam nya lahat. Lahat tinatama nya kahit konti kong pagkakamali. Nakakainis ! Parang hindi nya ako professor kung umasta." Wika nito sabay pagalit na sinuntok ang lamesa.

"Eh baka naman itinatama ka , pero sa maayos na paraan naman. Parang wala naman akong nakikitang mali doon "

wika uli ng professor sa likuran nito na ngayon ay tapos na sa pag aayos ng lesson plan at umupo na sa kanyang upuan.

"Hindi parin yun tama ! Hindi parin tama ang ginagawa nya sakin , makakahanap din ako ng tyempo at sya naman ang ipapahiya ko sa buong klase"

pagpupumilit nito.

Habang nakikita ko ngayon si Mr Galmante ay naalala ko ang ginawa nya sa akin. Para syang hindi Professor kung umasta. Wala akong ginawang masama sa kanya. Ang totoo nagagalit sya sa akin dahil sinusumbong ko sya  na hindi sya nagtuturo sa klase at ako pinagbabalingan nya ng galit. Yung patungkol naman sa sinasabi nya na sumasagot ako sa tuwing nag tuturo sya (once in a blue moon) ay dahil mali mali naman talaga ang tinuturo nya! pero sinasabihan ko sya sa maayos na paraan. At hindi ko ito sinasabi pag nasa harap ng buong klase, talagang hindi lamang sya marunong tumanggap ng pagkakamali. Sana lang ay nakikita nya ako ngayon para mabigyan ko uli sya ng leksyon .

Nakita ko ang aking dating sarili sa kanyang pagaaral sa huling yugto ng buhay Kolehiyo at ngayon unti unti ko ring nababalikan ang mga masasamang pangyayare sa aking nakaraan.

Araw araw ay binubully ako ng grupo nila Alfred. Isa syang siga sa aming  klase. Kahit na mas matangkad ako rito ng ilang inches. Lugi naman ako sa lapad at laki ng katawan nito.Na animo'y batak sa buhatan ay pakikipag basag ulo. Tama nga naman. Walang araw na hindi sya nasangkot sa gulo mula noong nakilala ko sila.

Wala ring araw na hindi nila ako hiningian ng pera , at kapag hindi nakapag bigay ay humahantong sa pangbubugbog nila. Wala akong magawa noon. Wala akong lakas ng loob na lumaban dahil napakarami nila.

"Melvin , wala kapa atang nabibigay para sa araw na ito.? "

mahina ngunit maangas na tono ni Alfred sa dating ako habang nasa isang sulok ng silid.

"Pasensya na pero may sakit kase si mama , kailangan nya ng gamot. Kaya humihingi ako ng konting  paumanhin hindi ako makakapagbigay ngayon."

Wika ng dating ako habang nakayuko.

Umiling ang mga kasama nito at nagtawanan .

"Nagpapatawa kaba Melvin ? Alam mo naman na hindi uso sa amin ang salitang HINDI PWEDE. Alam mo naman ang pwedeng mangyare sa buto buto mong katawan. "

nakangiting wika nito na nilabas ang kanyang braso at ipinakita ang napakalaking muscles.

Nagtawanan uli ang mga kasamahan nito.

"Pero wala talaga kayong makukuha sakin ngayon. Sa susunod nalang dododo...doblehin ko nalang "

nanginginig na sambit ng dating ako .

Lumapit rito si Alfred at tila galit na bumulong

"Mamaya ka pag uwian. "

mahina ngunit ramdam ko ang galit nito sa pagbabanta.

Nakita ko na lamang ang aking dating sarili na binugbog sa isang bakanteng lote na malapit sa unibersidad na pinapasukan nito.

Sila Alfred at ang mga tropa nito ang nagtutulong tulong sa pangbubugbog.

Sapak, sipa, palo ng kahoy at hampas sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinatamo nito. Hindi nila ito tinigilan hanggang hindi ito nagiging lantang gulay na nakahiga sa lupa.

Matapos ng pangbubugbog ay pingduduraan pa ito nila Alfred.

"Sa susunod kase bago ka SUMUWAY SUMUNOD KA MUNA !! "

pasigaw nitong wika

"Alam mo na kung ano mangyayare uli sayo kapag di mo kame pinagbigyan ? May kinikita ka sa pag kanta mo tapos wala ka mabibigay sa amin ? Ano ginagawa mo kameng tanga tanga? Sa susunod di lang yan aabutin mo. Pipilayan ka na namin para di kana makatugtog. "

wika ng isa pang kasamahaan nila Alfred na may hawak na pamalong bakal na knina lamang ay inihampas nito sa ulohan ng dating ako.

Sabay tawanan ang aking narinig bago sila isa isang nagalisan sa lugar .

Nilapitan ko ang aking dating sarili na hindi parin gumagalaw mula sa pagkakabugbog nito. Nakaramdam ako ng awa. Sobrang awa sa aking sarili. Gusto ko syang tulungan pero di ko magagawa dahil hindi naman nila ako nakikita at hindi ko naman sila pwedeng hawakan dahil ito ang aking nakaraan. Lahat ng nangyayare dito ay ang mga dapat talagang mangyare sa buhay ko.

Maya maya ay tumayo na ito ay nagpahinga konti. Inayos ang maruming damit saka umuwi na.

Halos araw araw ay ganito ang buhay ng dati kong sarili sa kamay ng grupo nila Alfred .

Minsan nga kahit na nakakapagbigay ako rito ay binubugbog parin nila ako . Umuuwi akong sugatan at inililihim ang mga nangyayare sakin. Kahit kay mama o kahit pa kay Louella.

"Melvin , ano ba talagang nangyayare sa iyo ? Bakit ang dami mo laging sugat ? Nakikipag away kaba ? Aminin mo nga sakin ? "

wika ni Louella habang nilalagyan ng benda ang aking ulo dahil sa isang sugat na bumuka dahilan upang tumulo ang dugo nito.

Katahimikan lamang ang sinagot nito.

"Melvin , umamin ka nga. May nangyayare ba sayo na di ko alam ?

Patuloy nitong wika na pilit pinapatingin nito sa kanyang mga mata.

Tumingin ang dating ako sa mata ni Louella. Sabay nagwika.

" Wala to. Diba sabi ko sayo na nadulas lang ako sa may hagdan habang papunta ako sa Library"

"Nagsisinungaling ka. Nakikita ko sa mga mata mo "

seryosong wika ni Louella.

Tumayo na ang dating ako sabay nagpaalam na kay Louella. Hindi na ito nagsalita pa muli. Habang si Louella naman ay nag-aalalang tinitignan ang kanyang kasintahan.

Nalulungkot ako habang tinitignan ko ang aking sarili. Alam kong hindi nya gustong magsinungaling kay Louella pero kailangan. Kailangan dahil alam ko na ayaw nya ito mag alala pa, ayaw nya madamay ito sa problemang kinakaharap nya. Ayaw nya dahil natatakot sya.

Higit sa lahat. Hindi lang pisikal na bagay nasasaktan ang dating ako kundi pati narin sa emosyonal na bagay.

Umiiyak ito sa kanyang kwarto sa tuwing uuwi ito sa bahay. Si mama naman ay walang magawa kundi kamustahin ang anak ngunit hindi nito pinagbubuksan ang pintuan ng kwarto.

Bakit Melvin.  Bakit ganito ka . Bakit ganito ako sa aking sarili. Sinolo ko ang mga problema at sakit sa aking buhay. Nandyan ang mga nagmamahal sakin upang tumulong at dumamay.Ngunit bakit hindi ko nagawang humingi ng tulong sa kanila o kahit man lang makipag usap sa kanila ukol sa bagay na ito. Akala ko noon . Ako lang ang nahihirapan sa ginagawa ko.  Hindi ko alam pati rin pala ang mga malalapit sa aking buhay ay nahihirapan din. Nakapaselfish ko. Wika ko sa aking sarili.

Nagpatuloy pa ang ganitong senaryo ng buhay ko sa aking nakaraan. Araw araw na pangaabuso mula sa mga kamag aral ko aking sinapit.

Isang araw ay nalaman ni Jonas ang tunay na nangyayare sa akin sa Unibersidad na pinasukan ko . Nag-apoy sya sa galit at nilusob ang grupo nila Alfred at ng iba pa.

Hindi ko sya napigilan , dahil kita ko sa mga mata nya ang galit.

Naabutan ko na lamang sya na bugbog bugbog nya ang mga kasamahan ni Alfred. At ang iba pa rito ay nagtakbuhan na. Napakatapang talaga ni Jonas kahit noon pa lamang ay sya na ang nagtatanggol sakin. Ang taong laging nandyan pag talagang kailangan ko.

"Pre Melvs, pag binugbog ka uli ng mga yan sabihin mo lang sa akin. Igaganti kita , hindi pwede yung ginagawa nila sayo. Hindi porket na di ka lumalaban ay sasamantalahin nila "

wika nito habang pinupunasan ang mga sugat sa katawan.

"Salamat . Pero sana wag mo itong sabihin kay Louella at kay Mama. Ayaw kong mag alala at madamay sila. "

mahinang wika ng dating ako.

"Pero.. Melvs "

napatigil ito at hindi na nagsalita muli.

"Sige , hindi ko sasabihin. Pero sabihin mo kung sakaling guguluhin kapa ng mga yun ah " sambit pa nito.

"Bakit kase hindi ka lumaban. Mas matangkad ka sa kanila , kayang kaya mo sila kung tutuusin " pahabol pa nito.

"Alam mo naman na di ako marunong lumaban"

tugon ng dating ako.

Matapos ang insidenteng iyon, ay saglit na nahinto sa pangbubugbog ang grupo nila Alfred sa dating ako. Dahil siguro sa takot sa pagbabanta ni Jonas rito. Pero di parin nagbabago ang pakikitungo ng mga ito. Binubully parin ako sa ibat ibang paraan.

Isang araw ay nalaman ko na lamang na si Jonas ay hinuli ng mga pulis sa kadahilanang nireklamo sya ng isa sa mga kagrupo ni Alfred dahil sa panggugulpi nito sa pagtatanggol sa akin.  Ide- detained daw sya ng ilang weeks upang imbestigahan sa reklamo rito.

"Wag ka malungkot melvs. Saglit lng ako dito sa detaintion center , tiyak makakalabas din ako after malaman nila ang katotohanan. "

masaya pa nitong wika habang nakakulong noong binista ito ng dating ako.

"At saka melvs, pasensya kana mukhang magsosolo ka muna sa mga events naten at jamming. Mukhang need ko muna magenjoy rito sa loob eh "

pabiro parin nitong sambit .

Kalungkutan ang itinugon nito rito.

Sabay umalis na ang dating ako.

Nakakaawa si Jonas. Nakakaawa ang aking kaibigan. Pinagtanggol nya lamang ako sa mga nang aapi sa akin pero sa huli sya pa ang napasama.

Kung marunong lang sana ako lumaban hindi sana mangyayare ang lahat ng ito.

Sa mga sumunod pa na mga araw ay unti unting na e stress ang dati kong sarili. Dito nakita ko ang sabay sabay na gawain at mga obligasyon na dapat nyang gawin : pag aaral, pagkanta , pagtulong sa magulang , at ang relasyon nila ni Louella.

Hindi nya ito kaya magisa. Unti unti syang kakainin ng kahinaan ng loob at kalungkutan. Halos tuwing gabi ay hindi na sya makatulog ng maayos.  Hindi na rin sya makausap ng matino ng kanyang ina at ni Louella.

Lagi na syang balisa at pinipiling mapag isa na lamang. Hindi na rin sya madalas kumuha o umattend sa mga music events para kumanta. Dahil pakiramdam nya nanliliit na sya sa kanyang sarili . Dahil sa stress kung ano ano na ang pumapasok sa kanyang utak. Nilalamon na sya ng matinding negatibo sa pagiisip sa buhay.

Tuluyan na syang tinalo ng depresyon.

Habang tinitignan ko uli ang dati kong sarili sobra akong nasasaktan. Napakasakit para sakin na makita ang aking sarili na maging ganito. Kung pagsubok lamang sa akin ito ng Diyos bakit naman parang sobra. Hindi naman ako naging masamang tao, hindi naman ako nagkulang sa pakikipagusap sa kanya. Pero bakit ? Bakit nya binigay ang mga ito.

Isang araw habang malungkot na naglalakad ang aking dating sarili. Isang tinig ang pumukaw sa atensyon nito.

"Hoy ikaw. Ikaw nga "

Boses ng isang lalaki sa isang madilim na eskinita sa gilid ng kalsada.

Nilingon ito ng dating ako at tinignang maigi.

Lumabas sa madilim na parte ng eskinita ang isang lalaki na may dalang gitara. Hindi ito katangkaran pero may kalakihan ang katawan. Marami itong tattoo sa ibat ibang bahagi lalo na sa bandang braso nito .

Maya maya ay lumabas na rin ang iba pang mga lalake sa eskinita , higit na kumulang sampo ang mga ito.

"Gusto mo ba makipag jamming sa amin ? May dala ka ring gitara . baka gusto mong tumigil muna saglit "

wika nito.

Hindi nagsalita ang dating ako ngunit humarap ito sa direksyon kung saan naroon ang mga ito. At unti unting naglakad pumunta rito.

"Wag ! Melvin !!! Wag ka sasama sa kanila ! " sigaw kong sambit sa dati kong sarili.

Buong pag aalala kong kinakausap ang aking dating sarili kahit hindi nya ako nakikita at naririnig.

"Melvin . Pakiusap wag kang sasama sa kanila. Dahil ang mga taong iyan ay.. "

Hindi ko na naituloy. Oo nga. Dito sa parteng ito magsisimula ang lahat. Ang pinakamadilim na parte ng bahagi sa aking buhay. Kung hindi sana ako sumama sa mga taong ito , baka nabago ko pa ang posibilidad na mangyare sa akin ang mga bagay na iyon. Sana nga. Pero di ko na ito mapipigilan.

Nakita ko na lamang na kinakausap na ng mga lalaking iyon ang dati kong sarili.

Malungkot ko syang tinignan at pumikit.

"Dito na ako magsisimulang magbabago".

Mahinang wika ko.

********

Itutuloy sa ikaanim na kabanata .

********

----KeleyanJunPyo

Read with your own risk.

AUTHOR'S THOUGHT ( Trivia of the Story and author's traits and personality )

Trivia

*Si Melvin ay napakagaling sa pag awit dahilan upang napakaraming tao ang humahanga sa kanya.

Ito ay dahil ang kanyang Boses sa pagkanta ay kakaiba. Natural lang sa lalaki ang magkaroon ng (Bass) na klasipikasyon ng boses o Baritone na tono nito. Ngunit sa kaso ni Melvin ay kaya nyang itaas o baguhin ang boses nya sa Tenor , Alto at Mezzo Soprano. At ang pinakamataas na boses ang SOPRANO.

Hindi lahat ng mangaawit ay may kakayahan na maabot ang mga tono na to lalo na sa isang lalaki na ang kadalasan na boses ay malake. Pero ibang kaso kay Melvin , kaya nyang palamigin ang boses nya at dalhin sa Mezzo Soprano at pababain din kaagad papunta sa natural nyang boses na smooth baritone at Counter Tenor.