Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 3 - Kabanata 2 : Pagibig at Musika.

Chapter 3 - Kabanata 2 : Pagibig at Musika.

**********

Panibagong araw .

Naabutan ko na nman ang aking dating sarili na nasa isang sulok sa isang bakanteng lote. Tila ba'y meron itong hinahantay o tinataguan. Ang lugar ay napupuno ng mga nakaparadang sasakyan at ito ay daanan ng mga tao papunta sa isang parke.

"Bakit nagtatago ang sarili ko dito ? Di ko maalala kung ano ang ginagawa ko sa lugar na iyan" Nakanoot kong tugon at habang tinitignan ang dati kong sarili na nasa likod ng mga sasakyan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko ang dahilan kung bakit ang sarili ko ay nagtatago.

Sa kabilang dako ng daanan ay aking naaninagan si Louella . Napakaganda nya talaga at sobrang simple. Sa pagiging simple nya ang dahilan bakit ako napamahal sa kanya.

Ang suot nya nung araw na iyon ay Casual polo shirt na may design na mga bulaklak.

"Mahilig talaga sa bulaklak "  usal ko habang tinitignan sya .At pangbaba nya naman ay isang mahabang palda na abot hanggang sa kanyang sapatos . Sapatos na sa tingin ko ay 3inches ang taas.

'Pinipilit maging matangkad kahit malabong mangyari " nakangiti at pigil na tawa kong bigkas sa aking sarili.

Suot nya rin ang kanyang trademark na tali sa kanyang buhok na kulay pink habang ang pagkatali nito ay umaayon sa kanyang hairstyle na ponytail . Ang kanyang straight bangs ang lalong nagpapa cute sa kanyang maamong mukha.

Aking hinanap ang sarili ko na knina lang ay nagtatago sa mga sasakyan.

Aking nahagip ito na tila'y sinusundan ng tingin at sinasabayan ng dahan dahan si Louella mula sa likod.

Sa tuwing napapalingon si Louella sa kanyang likuran ay agad naman ding humihinto at lumilingon sa malayo ng dating ako . Sabay tago uli. Ilang beses nya ito ginagawa. May mauuntog ang dating ako dahil lang sa pagtatago sa tuwing napapalingon sa likuran si Louella.

Agad ko syang hinarapan at sinabing

"Hoy .Hoy ! Ginagawa mo ? Kausapin mo wag ka mahiya ! Parang di ka naman lalaki oh. Turo ko sa sariling ako, sabay hawak sa kamay nito ngunit tumagos lang ito.

Oo nga pala.

Di nya ako nakikita at naririnig. Nasa nakaraan pala ako. Kahit anong gawin ko dito hindi ko madidiktahan ang mga mangyayari.

Kaya naman hinahayaan ko nalang tumakbo ang mga susunod na magaganap.

" Tutal kame pa rin nmn ni Ella ang magkakatuluyan eh . " sambit ko pa.

Kitang kita ko ang aking dating sarili kung paano ito magmukhang  stalker kay Louella.

Sa tuwing lumilingon si Louella sa bandang likuran ay kung ano anong palusot ang ginagawa ng dating ako, para lamang hindi ito mapansin. May part pa nga napahinto si Louella sa isang accessories shop para bumili ng isang lucky bracelet. At kahit wala nmn hilig ang dating ako sa mga ganito. Napilitan din itong bumili. Masulyapan lamang ang pagmumukha ni Louella.

" ginawa ko pala to dati ?  di ko maalala . tawang tawa na sambit ko sa aking sarili

Napapailing nalang ako sa nakikita ko sabay napapangiti

"ganito pala ako ka torpe noon ? " nakakahiya.

Sumakay si Louella nun sa isang bus.

At tulad nga ng inaasahan, sumakay din ang dating ako.

Umupo si Louella sa upuan na pang tatluhan sa bandang gitna ng bus . Nasa kanang bahagi sya sa pangatlong upuan sa tabi ng bintana.

At yung dating ako ?

Ayun nakatayo sa bandang harapan kahit marami pang bakanteng upuan. Malamang nahihiya at baka makita sya ni Louella.

May mga pagkakataon na nagkrukrus ang kanilang mga mata pero ang unang bumibitaw sa titigan ay ang aking dating sarili. Agad itong tumatalikod sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga mata.

May dalawang lalaki sa bandang unahan din ang tila pasilip silip sa paligid at maya maya at tumayo ang isa rito at tila may dinukot na wallet mula sa harapang pasahero na nakaupo.

Nakita yun ng dating ako.

Kaya namn habang papalabas ang dalawang lalaki ay agad nyang hinarangan ito. Lubhang napatingala ang dalawa at nanlaki ang mga mata sa nakaharang sa harapan.

"ibalik nyo ang kinuha nyo ! " kitang kita ko kayo na may kinuha kayong wallet mula sa pasahero doon. Sabay turo sa pasahero

Pinagsasabi mo ? Nababaliw kaba ? Umalis ka dyan at bababa na kame. Sambit ng isa sa mga mandurukot . Na tila kinakabahan na base sa knyang galaw na palingon lingon at halatang pinagpapawisan na.

Dahil sa pagtatalo , agad na nakuha ang atensyon ng ibang pasahero sa ginawa ng dating ako. Kaya naman pati sila ay nakisali na rin upang di makalabas at mapanatiling nasa loob lng ang dalawang mandurukot hanggang di nakkarating sa police station ang bus upang dalhin ang mga masasamang loob na iyon.

Pagkatapos maidala sa police station ay agad na naibalik sa pasahero ang kanyang wallet . At ang dating ako ay inimbitahan din sa presinto upang magbigay ng sentimento nito sa nangyare. Dahilan upang hindi na ito makasama sa byahe ng bus na kung saan nakasakay si Louella .

Agad na dumating si Jonas sa presinto

Dahil tinawagan ito ng dating ako at ipinaliwanag ang nangyare

Pagkadating ni Jonas

"Pare , ano ginagawa mo dyan  " sambit nito na hingal na hingal pa dahil sa pagmamadali

At doon ay naikwento ang lahat. Agad namang naintindihan ni Jonas iyon at sabay na kameng umalis sa istasyon ng Pulis. Ngunit bago umalis ang dating ako nagpasalamat ang hepe  ng pulisya sa istasyong iyon.

" Maganda ang ginawa mo . Pero sa susunod magingat ka dahil di naten hawak ang panahon buti nlng at walang dala yung mga hinarang mo kung hindi baka nalintikan ka . Marahan nitong sambit sa dating ako.

Tumango lng ito at nagpasalamat din.

Habang ako ay naalala ang nangyari sa akin ama. Nasaksak din ito dahil sa pag liligtas sa isang pagtatalo. Siguro nga nasa dugo na talaga namin ang pagtulong , kahit alam naman namin na maari namin itong ikapahamak.

"Ilang taon kana ba ? Pahabol nito.

" 17 po. 1st year college napo ako sa kursong Mass communication".  Tugon ng dating ako

Matangkad ka para sa edad mo ah, bakit hindi ka nagpulis ? Ayos yan tindig mo. Medyo need mo nga lang magpataba. Dagdag pa nito.

Di po kase yan kumakain ng gulay ." pabirong sambit ni Jonas

Agad namang siniko ito sa tagaliran ng dating ako .

Nginitian nya lang ito sabay nagpaalam na uli.

"Kung sakaling  magbago ang isip mo at magpulis ka pwedeng pwede ka dito sa amin ako bahala sayo. Ako ang Hepe dito. Ang pangalan ko ay Carlito Mendoza. "

Isang pagtango ang huling sinukli ng dating ako, bago ito tuluyang umalis kasama si Jonas.

Habang nasa daan ,at tahimik na naglalakad ang dalawa. Pinutol ni Jonas ang katahimikan sa pamamagitan ng isang tanong.

"Ano ba kase ginagawa mo dun sa bus at saan ka papunta ? Malapit na rin namn sa lugar naten yung istasyon ng Pulis , so nakakapagtaka na nagbus kapa ng ganong kalapit ? Bigkas nito habang nakaakbay ang kaliwang kamay at braso nito sa kaliwang  balikat ng dating ako.

Katahimikan ang tinugon nito. Tila tulala at may iniisip. Iniisip nito si Louella . Hindi makamove on.

Talagang tinamaan ng lintik na pag ibig. Halata namn dahil habang nagsasalita si Jonas ay tila wala itong naririnig at palihim na nakangiti pa habang kinikilig.

" Hoy . Melvs ! Nakikinig kaba ? Pasigaw na sambit ni Jonas sabay batok nito sa uluhan.

"Ah. Ano.. Ah. Ano ba yung sinasabi mo ? Mahinang tugon nito na napatigil sa kabaliwang ngiti na kanyang ginagawa.

" Parang iba ka ngayon pre. Inlove ka ba ? " sabay titig ni Jonas sa pagmumukha nito.

Tumigil ang dating ako sabay mariin na sinabing " Di ah " habang halos maging kakulay ng mansanas ang kanyang mga pisngi .

Pare ! May girlfriend ako diba si Vanessa ? Kaya alam na alam ko kung inlove ang isang tao. Nako dumaan ako sa ganyan. Tugon nito na nakangiti

Pero mariing tinatanggi ng dating ako ang akusasyon ng kaibigan.

Mas matanda ako sayo ng tatlong (3)taon kaya naman may kasanayan nako sa mga ganyan. Dumaan din ako sa ganyang kilig.  Kaya naman pre kung may nililigawan kang babae or kung may natitipuhan ka, pwede kitang bigyan ng payo at mga tips. Wag ka mahiya libre lang at di ka magsisisi " sabay tawang suntok nito sa balikat ng  dating kong sarili.

"Meron kaso , nahihiya ako. Pre. Ngayon ko lang to naramdaman. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko . Di ako mapalagay.  Minu minuto ko syang iniisip . Kahit nga pagkain , habang nag aaral o kahit habang nag prapraktis ako ng pag awit, naiisip ko sya. Sa gabi di ako makatulog ng maayos dahil bigla nalang ako napapangiti ng wala sa oras. Gusto ko lagi syang makita. Sumasaya talaga ako. Mabagal ngunit mariin nitong tugon.

" so inlove ka nga ?? Malaking matang tanong ni Jonas rito.

"INLOVE NA ANG AKING KAIBIGAN !!!! HOY INLOVE NA SI MELVIN HAHAHAHA !! Buong sigaw nitong pagmamalaki na may kasamang halakhak. Lumulundag pa ito sa sobrang saya.

Agad na tinakpan ng dating ako ang bibig ng kaibigan para magtigil ito sa kakasigaw.

"Tumahimik ka nga. Nakakahiya baka may makarinig. "

"So pre . Sino yung natitipuhan mong babae ? Nako siguraduhin mong wala pang boyfriend yan . Mahirap makisawsaw sa relasyon ng iba at wag na wag mo gagawin yun. Masama yun.

" At kung malaman mo nmn na wala pang boyfriend wag kang mahiya na manligaw. Pero syempre magpapaalam ka ng pormal , wag yung padalos dalos. Ayaw ng mga babae yung masyadong hambog ang tono at kilos.

"Di ko pa alam kung may boyfriend sya kase palihim ko lang syang tinitignan "  tugon ng dating ako.

"Ano ?? Hindi kaba nakikipag kilala ? Nahihiya ka ? torpe ka ? Sabay halakhak nito ng ubod ng lakas

" bakit may masama ba "

"Wala naman pero , wala sa itsura mo ang maging torpe ha. Ang tangkad mo , tapos may itsura ka naman. Talk dark and handsome ka kaya. Saka pare , daanin mo sa panliligaw wala mangyayare kung puro ka tingin. Nako naman. Diba kilala mo yung kasintahan ko si Vanessa? pinakilala ko na sya sayo diba. Nakita mo naman, Niligawan ko yun sobrang hirap ang ginawa ko dun kase ang dami kong karibal. At mayayaman pa ang iba.  dinadaan sa pera ang labanan . Pero di ako sumuko at nagpatalo.

" Ano ginawa mo ?   Tanong ng dating ako, sabay titig nito sa mga mata ni Jonas .

"Edi ano anong diskarte ang ginawa ko. Yung iba at yung unique . Tyagaan lang talaga. Saka nadaan ko sya sa pagtugtog ng drum. Nalaman ko kase noon na mahilig rin syang kumanta so naging malaking factor yun kase tumutugtog ako. Dapat kase kilalanin mo syang mabuti. Mga gusto , mga ayaw , mga hilig at ang ugali nya. Mahalaga yun. At higit sa lahat ipakita mo talaga na mahal mo sya. Hindi lang sa salita kundi sa mismong gawa . Mahabang sambit ni Jonas.

" Anong alam ko sa ganyan. First time ko tong naramdaman at natatakot ako. Malay ko ba kung di nya ako pansinin kapag kinausap ko sya ? Nakanoot nitong tugon.

"Imposibleng di ka pansinin ng isang babae. Syempre dapat ilagay mo sa lugar at maayos na pananalita , magpakilala ka ng maayos . Di ka talaga papansinin ng babae kung sa pakiramdam nya ay di sya ligtas sayo. Natural lang yun. Kaligtasan ang uunahin nya.

"Melvin. Kung inlove ka wag ka matakot na kausapin yung nagugustuhan mo , sa umpisa lng yan mahirap. Pero pag nagawa mo na sobrang saya ang mararamdaman mo. Ang saya kaya magkaroon ng kasintahan. Yung nararamdaman mo ngayon doble pa yan pag may kasintahan kana. Sobrang saya. Yung tipong araw araw ka kinikilig at araw araw may taong nandyan para sayo na alagaan ka at nandyan ka para protektahan sya. Masarap sa pakiramdam na minamahal nyo ang isat isa at nagkakaunawaan kayo sa mga bagay bagay. Mararamdaman mo din yan kaibigan " sambit nito.

Habang ako naman ay tahimik na pinapanuod sila habang naguusap .

"Napakagaling talaga ni Jonas magbigay ng payo. Sya ang dahilan bakit naging kame ni Louella at paano kame nagkakilala.  Sana lang at nakikita ako ni Jonas ngayon para makapag pasalamat ako sa kanya. At saka sana nakikita din ako ng dating ako para mabatukan ko sya sa pagiging torpe nya. At saka ngayon palang mabibigyan ko na sya ng mga gagawin nya para ligawan si Louella. "

"Kaya kung ako sayo melvs. Wag ka matakot na sumubok. Edi kung mabasted ka wala ganon talaga. Pero kahit ganon ang mangyari  wag magbabago ang pagtingin mo sa kanya. Makipag kaibigan ka muna kase hayaan mo na makilala ka nya at makilala mo sya. Natural lang sa tao ang nasasaktan lalo na sa pagibig. Nasasaktan ka kase buhay ka. Nasasaktan ka kase totoo ang ginagawa mo. "  huling tugon nito sa dating ako at nagpaalam na upang umuwi.

Habang ang dating ako ay pilit na iniisip ang mga sinabi ni Jonas.

"Madaling sabihin pero mahirap gawin " at ano ang una kong step kung sakaling makita ko uli ang babaeng iyon? Itatanong ko ba agad ang pangalan nya ? Sambit ng dating ako .

"Natural . Tanungin mo . Tapos makipag usap ka ng maayos. Itanong mo kung okay lang makipag kaibigan" Hays Di ko alam na ganito pala ako kahina ang loob pagdating sa babae " Sambit ko sa sarili habang nakatingin sa dating ako

Lumipas ang mga araw . At napunta ako sa senaryo na kung saan halos araw araw iniisip na ng dating ako si Louella kahit sa eskwelahan ay hindi na ito maka focus sa klase. Ganito pala talaga pag inlove ang tao. Nababaliw talaga.

Ginawa ng dating ako lahat upang mahanap at makilala ang noong si Louella.

At sa wakas dumating ang araw na nakilala nya na ito. Dahil nalaman nya kung saan ito pumapasok na unibersidad at katulad ng dating ako ay parehas sila nasa 1st year college.

"Louella Lou Angela G Santos , yan yung real name nya " napakaganda talaga .Habang pikit matang nakangiti ng dating ako.

Pero tulad nga ng mga nakatakdang  mangyare . Di nya ito malapitan dahil nauunahan ng pagkahiya , dahilan upang tumakbo at mag atras abante sa tuwing handa nya na itong lapitan sa tuwing nakikita nya ito.

"Di ko talaga kaya "  sambit ng dating ako.

"Kaya mo yan " bulong ko sa dati kong sarili.

Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang buhay ng dating ako pagdating sa pagaaral at pagkanta. Nasubaybayan ko rin kung paano maging torpe ang dating ako nung mga panahong iyon kay Louella.

Hanggang isang araw habang ang dating ako at si Jonas ay nasa isang fast food chain upang kumain. Ay tila mapaglaro ang tadhana dahil saktong naroroon din si Louella kasama ang mga kaibigan nito.

Agad na nagtakip ng mukha ang dating ako sabay tumalikod ito ng mabilis ng dumaan si Louell at ang mga kaibigan nito.

"Hoy anong problema ? Bakit para kang nagtatago ? Pagtatakang tanong ni Jonas.

Hindi sumagot ang dating ako bagkus nagpatuloy lang itong nakatalikod ngunit pasulyap sulyap sa maamong mukha ng dalaga. Sobrang ganda talaga ni Louella.

Nagulat ang dating ako sa pagsiko sa kanya ni Jonas .

" Pre oorder nako. Ano order mo ?

"Jonas , pwedde ba na sa iba nalang tayo kumain ?  Tugon ng dating ako sabay harap kay Jonas.

" Ha ? Bakit naman nagugutom nako. Dito nalang parehas lng din naman yan " giit nito .

"Di kase ako kompartable dito eh "

Walang nagawa si Jonas kundi sumunod nalang sa dating ako .

"Pasalamat ka bestfriend kita melvs , sge hanap tayo sa iba. "

Noong nandun na sila sa kabilang fast food chain ay di mapakali ang dating ako at iniisip parin si Louella. Sumisilip ito sa labas ng kainan.

"Jonas , balik nlng kayo dun " wika nito

"Ano ? Eh sabi mo wag tayo dun ? Tapos ngayon nandito na tayo sa iba sasabihin mo bumalik tayo ? Pagtatakang sambit ni Jonas

" Di ko matiis na di ko sya makita eh " pangiting sambit ng dating ako .

"Ano ? Sino ?

" Ay este . Di ko rin pala matitiis na di makita yung paborito kong pagkain na inoorder ko dun  pabulol bulol na sambit ng dating ako.

Ang ending bumalik sila sa unang pinuntahan pero wala na doon si Louella.

Malungkot na huminga ang dating ako sabay sabing " Hays sinayang ko na naman ang pagkakataon. Bakit kase nahiya pako "

Lumipas uli ang nakaraan .

Napadpad ako sa senaryo kung saan nakita ko si Louella at ang mga kaibigan nito sa isang Caring facility upang magpakain ng mga batang nasa lansangan.

"Napakabait talaga . Napakabuti ng puso . Madalas nya talaga gawin ito, kahit noong mag kasintahan na kame , sana nakikita nya ako ngayon. Sana talaga  " malungkot na sambit ko sa aking sarili.

Agad akong napalingon sa isang direksyon kung saan aking nakita ang dating ako na may suot na maskara at may hawak na gitara. Nakasuot ito ng isang pormal na itim na longsleve at itim din na pantalon. Papunta ito sa pwesto kung nasaan sila Louella at ang iba pa.

Akoy napangiti at napatawa nalang sa nakita. Naaalala ko to . Nakakatawa pala pag alam mo na ang mangyayare dito. Sambit ko pa

Pinahiram pa ni Jonas yung sinuot ko sa senaryong ito. Yung Gitara kong nasira ang isang string , si Jonas din ang nag ayos. Sya din ang nag payo sa akin noon na mag maskara nalang kung nahihiya akong lumapit kay Louella. Para kahit papano mabawasan ang kaba ko sa tuwing lalapit ako dito.

Mukhang epektibo naman. Kase nakalapit ang dating ako sa pwesto nila Louella. At mula doon ay huminto ito. Huminga ng malalim at nagumpisang tumugtog at kumanta. Agad na napukaw ang atensyon ng karamihan sa narinig.

"Ang galing nyo naman po kuya " dinig ko sa isang bata habang manghang mangha na nakatingala sa dating ako .

Maging si Louella at ang iba pa ay nabaling ang atensyon sa akin.

Nung mga oras na iyon walang pagkahiya ang nararamdaman ng dating ako habang sya ay kumakanta at tumutugtog. Malamang nga na kapag nasa comfort zone ka ng sarili mo ay hindi ka talaga mahihiya. At ang comfort zone ko na iyon ay ang pagkanta.

Masugid na sigawan at mraming palakpakan ang sumukli pagkatapos ng palabas na iyon.

Kinausap ni Louella ang dating ako at nagpasalamat rito.

"Napakaganda ng boses mo . Masaya ako at natuwa ang mga bata sa ginawa mo. Maraming salamat sayo" sabay abot ng kamay nito sa dating ako .

Hindi agad ito nakapag salita at napako ang tingin sa napakagandang ngiti ni Louella. Natulala at tila di alam ang gagawin.

Sa sobrang kaba ay di na ito nakapagsalita at patakbong umalis. Habang patakbo ito ay nalaglag ang maskara dahilan upang makita ni Louella ang buong pagmumukha ng dating ako.

"Bakit tumakbo yun " pagtatakang tanong ng kaibigan ni Louella na lumapit sa kanya

"Di ko rin alam " sambit ni Louella.

Napatigil lang ang dating ako nang ito ay mapagod at sa isang iskinita ay hingal na hingal na huminto.  Matapos mahimas masan sa mga nangyare. Ay nagtatalon talon ito sa tuwa. Sa unang pagkakataon ay kinausap sya ni Louella .

Di makapaniwala at di maubusan ng pagkagalak ang dating ako. Ganyan talaga pag pinansin ni crush. Umaabot sa tenga ang ngiti at ngiting aso kung tawagin.

Hanggang makauwi ito sa kanilang bahay ay di maitago ang saya.

Tinanong pa ito ni nanay kung bakit ito masaya.

"Basta po nanay, may magandang nangyari ngayong araw.  Tuwang tugon nito habang madaliang pumasok sa kwarto.

Sa loob ng kwarto ay di parin matapos ang kilig neto.

" Nakakatawang pagmasdan ang aking sarili na kinikilig . Malaking achievement na sakin noon ang kausapin ni Louella. Grabe . " pangiti kong sambit sa sarili habang pinagmamasdan ang dating ako na nakagalukbong ng unan sa mukha habang di mapakali sa nararamdaman nitong kasiyahan .

Dumating uli ang isang senaryo sa nakaraan.

Ang nakaraan kung saan kinakausap ni Jonas ang dating ako tungkol sa isang bagay.

"Melvs, ayos tong new event na inaalok ko sayo. Pwede tayo magkasamang tutugtog kung gusto mo " sambit ni Jonas habang nagaayos pa ng mga gamit nito sa bag.

"Isang charity event ? Para sa mga cancer patient ? Walang problema sakin. Saka wala din naman akong schedule sa school sa araw na iyon " sambit ng dating ako .

Magandang bagay na kahit papano mabigyan naten ng kasiyahan ang mga taong dumadanas sa ganyang karamdaman. Sa maliit na paraan mapaparamdam naten sa knila na mahalaga sila. Kahit sa maliit na paraan maeenjoy nila ang buhay. Kahit lamang sa pakikinig ng kanta.

Nung nasa event na ang magkaibigan, hinanda na nila ang mga gamit at instrumento na gagamitin nila sa pagtugtog maya maya lang.

Isang pamilyar na boses ang pumukaw sa dating ako sa kangang likuran.

Dahan dahan nya itong nilingon at nagulat sya sa nakita nya.

" Sabi ko na ikaw eh. Sa wakas nakita rin kita uli at dito pa mismo " nakangiting wika ni Louella na nakasuot pa ng pang volunteer shirt para sa mga cancer patients at naka sombrero na itim. Maaninag mo parin dito ang pagiging masiyahin at magandang ngiti na nagpatigil na naman sa mundo ng dating ako.

Tulala at di makapagsalita. Yan ang tinugon ng dating ako. Huminga ito ng malalim hanggang lumabas nalang sa bibig nito ang mga salitang.

"Ako nga pala si Melvin gusto ko sanang       makipag kaibigan sayo , kung okay lang "

Matapang na sambit ng dating ako habang si Jonas naman ay proud na proud habang nakataas ang ulo

at nakangiti.

*************

Itutuloy sa ikatlong kabanata.

---- keleyanjunpyo

Read with your own risk

Author's Thought  (Trivia of the story and personal traits of the author

About the Story :

Si Jonas Santillan ay tatlong taon (3years) na mas matanda kay Melvin. Sya ay graduating student 4th year college na sa kursong Business Management. Ang edad nya sa nakaraang ito ay dalawampu (20years old) samantalang si Melvin sa nakaraang ito ay Labingpitong taong gulang pa lamang (17years old ).