Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 5 - Kabanata 4 : "Kaligayahan sa Pag amin "

Chapter 5 - Kabanata 4 : "Kaligayahan sa Pag amin "

Agad na lumapit ang  lalaki at iniabot nito kanyang mga kamay sa harap nila Jonas at ang dating ako , tanda ng pagpapakilala nito .

Kahit na napakunot ang noo sa pagtataka , tinanggap ng dating ako ang pagpapakilala ng dalawa .

"Halika dito Ako , lumabas ka nga dyan sa likod ko at magpakilala ka rin sa kanila " aniya ng lalaki sabay tulak sa kapatid nyang babae na nakayuko pa at nililihis ang paningin nito.

Lumapit ang babae . At kusa nya lang inabot ang mga kamay nito sa dalawa.

"Ako nga pala si Ako . Kinagagalak ko kayong makilala "  mabagal ,mahinhin ngunit malamig na boses nito. Hindi ito makatingin ng maayos sa mga mata nila Jonas at ang dating ako.

Inakbayan ni Aki ang kapatid .

" Pasensya na kayo. Talagang mahiyain tong kapatid ko. Pero mabait to " pangiting wika nito.

Lumapit si Jonas rito at inusisa nito ang dalawa. Tinignan ni Jonas mula ulo hanggang paa si Aki ,mula sa suot nitong Leather white Jacket at itim na pantalon. Nakita nya din ang electric guitar nito sa bandang likuran.

Ang kapatid nitong babae na si Ako na nagtatago parin sa likuran ng kuya nya ay pinansin rin ni Jonas.

Kahit naiilang ito sa  pagtingin kay Jonas , inusisa nito ang hanggang sikong buhok ng dalaga na may pinaghalong dilaw at puting kulay.

May kapansin pansin itong arm band sa kanyang kaliwang kamay na may hugis bituin.

Lumapit ito sa dating ako sabay bumulong..

"Melvs, naalala ko na . Sila yung kanina dun sa may event yung magkapatid na tumugtog at kumanta din , naalala mo ? Sabay pasimpleng tingin uli nito sa dalawa.

" Oo , naalala ko na " sambit ng dating ako .

"Mukha naman mabait itong dalawa Melvs" mahinang wika nito.

Isang ubo ang pinakawalan ni Jonas sabay nagwika ito.

"Naalala na namin kayo . Kayo yung nasa event kanina. Naalala ko din yung arm band ng kapatid mo " sabay turo nito sa arm band ni Ako .

Tumawa si Aki sabay tumingin sa arm band ng kapatid

"Ah ito ba ? Mahilig kase si Ako sa mga bituin noong bata pa sya, kaya kahit arm band nya may logo ng mga bituin " wika nito.

Napatango nalang si Jonas sa winika nito .

"Gusto sana namin makipag kilala sa inyo. Dahil sobrang napabilib kame sa pagtatanghal nyo kanina. Grabe. Ang ganda ng boses mo " sambit ni Aki na tumuro sa dating ako .

Isang ngiti ang sinukli ng dating ako rito.

"Nakakabilib kayo. Tulad nyo tumutugtog din kame ng kapatid ko, kaso baguhan pa lamang kame sa larangang ito. Ako ay isang Electric guitarist at vocal . Samantalang si Ako naman ay Keyboard piano ang kanyang tinutugtog. " mahabang pagpapaliwanag nito.

"Si  Ako mahiyain sya pero sa oras na pag tumutugtog na sya parang ibang tao na sya " pahabol pa nitong pagwika.

"Okay yan. Ako kase drummer . Si Melvin naman Bokalista " mabilisang tugon naman ni Jonas rito.

Huminga ng malalim si Aki.

Tumingin sa kapatid nya na sa oras na iyon ay nakatingin din sa kanya.

"Sana magkaroon kame ng pagkakataon na makatugtog kasama kayo" sambit nito.

"Walang problema. Kung yan ang gusto nyo. Masaya din kame kung mangyari yun " tugon ng dating ako.

Nagpaalam na ang magkapatid at umalis ito.

******

Nakauwi na ang dating ako at nagmamadaling pumunta sa kwarto nito, agad na binuksan ang kanyang cellphone at kinuha ang papel sa kanyang maliit na bag na naglalaman ng numero ni Louella.

Humiga ito sa kama nito. At pigil hiningang pumindot sa mga numero sa kanyang cellphone.

"Ano ba una kong dapat sabihin ? Kakamustahin ko ba ? Itetext ko ba ? Tawagan ko kaya ? " sambit ng dating ako habang nagpapaikot ikot ito sa kanyang kama.

Habang ako naman ay pinagmamasdan ito sa gilid ng kwarto. Nakakatuwa palang makita ang pinag gagawa ng dati mong sarili lalo na pagdating sa panliligaw noon.

Ibinaba nito ang cellphone sa higaan  at maya maya ay kinuha uli ito . Nagbalak na pumindot.  Ngunit nagdalawang isip at inilapag muli. Ilang ulit nya itong ginawa pero hindi natutuloy dahil sa kaba at hiya.

Tumayo ito sa kama at pabalik balik na naglalakad sa buong kwarto.  Hindi makapagisip ng maayos dahil hindi nya alam kung paano sisimulan na kausapin si Louella.

"Nako naman. Tawagan mo nalang kase " inis na sambit ko sa dati kong sarili.

Kinuha uli nito ang kanyang cellphone sa higaan at sa isa pang pagkakataon ay nagawa nya itong itext .

" Hi ,Louella. Ako to si Melvin . Kamusta ka ? "

Ito ang kauna unahang text na ipinadala nya kay Louella.

Pagkatapos ma send ito. Napatakip ito ng unan sa mukha na para bang nahihiya sa ginawa.

Minu-minuto nya rin tinitignan ang cellphone nya kung meron nang reply mula kay Louella.

"bakit kaya ang tagal nya mag reply ? , baka hindi nya natanggap, pero nag send naman eh or baka di nya ako nakilala, pero nagpakilala naman ako  " mahinang tugon nito habang nakatakip sa kanyang mukha ang isang unan.

Isang malakas na tunog mula sa kanyang cellphone ang nagpatayo sa kanya mula sa pagkakahiga. Agad na nagmamadaling  kinuha nito ang cellphone at tinignan ang text.

Kaso napahinga lang ito ng malalim at napayuko sa pagkadismaya.

Si Jonas lang pala ang nag text, nagtatanong  kung naiwan ba nito yung favorite stick na ginagamit nya para sa dru-drum nya. Naiwan daw nito sa bag ng dating ako.

Agad na pinuntahan ng dating ako ang bag nito at kinalkal , nakita nya nga ang pares ng stick . Agad na tinext nito ang kaibigan upang kompirmahin na nasa kanya nga ang hinahanap.

Muli itong bumalik sa pagkakahiga.

Maya maya pa ay isang tunog na naman mula sa cellphone ang nagpatayo mula sa kanyang pagkakahiga.

May tumatawag.

Pero nanlaki ang mga mata nya nang makita na si Louella ang tumatawag.

Hindi nya malaman ang mararamdaman nya pati  kung ano ang gagawin nito sa nakita.

Sasagutin nya ba ? Or hahayaan nalang.

Kahit hindi ko isipin kung ano iniisip nya . Malamang ito ang iniisip ng dating ako. Sa pamumutla pa lamang nito malalaman mo na kinakabahan sya at di alam kung ano ang unang sasabihin sa dalaga.

Pinindot nito nang marahan ang cellphone at paisa isang humihinga ng malalim, bago itinapat sa kanyang kanang tenga ang cellphone nito at hindi nagsalita.

Pinakinggan lang nito ang nasa kabilang linya.

Nahihiya sya. Kaya ang una nyang pinakinggan kung si Louella ang unang magsasalita.

Isang malamig na boses mula sa kabilang linya ang bumuhay sa kanyang dugo .

"Melvin? Nandyan kaba ? Si Louella to. Sorry kung ngayon lang ako nakasagot kase may inasikaso pa ako para sa examination namin bukas. Nakauwi naba kayo ? Isasave ko tong number mo ah " mahabang wika ng dalaga.

Mabilis ang pagtibok ng puso nito na para bang sasabog na sa sobrang bilis. Ganito ang nararamdaman ng dating ako noong mga oras na iyon. Kahit sa boses pa lamang ni Louella ay talagang kinikilig na sya. Di nya alam ano ang isasagot nya. Torpe talaga.

Matapos ang ilang segundo. Nagsalita na ito. Kinausap si Louella at kinamusta.

Nagkaroon sila ng kaunting paguusap at mukhang masaya naman sila. Habang ako naman ay pinagmamasdan lang ang dating ako na parang di mauubusan ng ngiti sa sobrang saya nito. Nakakamiss din pala si Louella. Ganitong ganito ang madalas naming gawin noon. Sambit ko sa sarili .

Pagkatapos ng paguusap ay muling ipinaalala ng dating ako kay Louella ang paanyaya nito na isang date sa susunod na linggo.

Tumugon naman ang dalaga nang..

"Walang problema. Darating ako . 8pm sa Conrado Dragon Restuarant diba ? " mabagal at makulay na wika nito sabay nagpaalam na.

Ibinaba na ng dating ako ang cellphone hudyat na tapos na ang knilang pag uusap. Agad itong napatalon sa kama at niyakap ang unan . Nagpagulong gulong at pigil na sumisigaw.

*****

Nalipat ang sitwasyon sa ibang araw kung saan, 

Nakita ko na lamang uli ang dati kong sarili kasama sila Jonas at ang kasintahan nitong si Vanessa.

Nasa isa silang restaurant at kumakain.

"Pwede kitang tulungan dyan Melvs. Liligawan mo na si Louella . Pagkakataon mo yan dapat magpapogi kang todo tapos suotin mo na yung pinakamaganda mong damit. Isipin mo na yan na ang pinakahuli mong pagkakataon" sambit ni Jonas na habang ininaangat nito ang tinidor at inihahalo ang spaghetti .

"Kaso Jonas, di ko alam kung paano. Di ko alam kung paano ko sisimulan na makipag kwentuhan sa kanya. Kase sa tuwing kaharap ko si Louella nablablangko ang isipan ko. At saka ito ang first time na makikipag date ako. "

"Diba sabi ko sayo wag kang kabahan. Dahil habang kinakabahan ka mas lalo ka hindi makakapag isip ng maayos, minsan di ko maintidihan na napaka optimistic mo pag kumakanta ka pero pag dating sa babae natatameme ka. " wika uli ni Jonas na  ibinaba ang tinidor at kinuha ang tubig sa harap nito sabay ininom.

"Tama si Jonas . Melvin kameng mga babae mas gusto namin na lalaki ang nagdadala ng usapan , di mo naman kailangan magbago para magustuhan ka ni Louella. Need mo lang unawain ang lahat tungkol sa kanya. Pag yun nagawa mo mas mabilis na sayo ang makapag adjust at unti unti mong mapaparamdam sa kanya na mahal mo sya " wika ni Vanessa habang  inaayos ang kwelyo ng kasintahan nitong si Jonas.

"Paano ba makipag usap sa babae ? Baka kase ma boring sya sa akin . Ano ba dapat kong gawin at sabihin " sambit ng dating ako habang nginunguya nito ang isang big Hawaiian chicken burger na inorder nya.

"Ako bahala melvs. Basta sundin mo mga ituturo ko sayo ah. Lahat ng sasabihin ko " sambit ni Jonas na tila kumikinang ang mga mata nito sa iniisip na plano .

Pagkatapos nila kumain ay naghiwalay na ang magkakaibigan.

****

Habang naglalakad ang magkasintahang si Jonas at Vanessa. Tinanong ng dalaga ang kasintahan.

"Ano pinaplano mo Jonas ? " wika ni Vanessa habang dinudukot nito sa isang pakete ang isang sigarilyo mula sa maliit na sling bag nito na nakakabit sa balikat ng dalaga.

"Secret. " masayang wika ni Jonas

"Wag mong sabihin na.." Natigilan at tinignan ni Vanessa sa mga mata ang kanyang kasintahan, at hindi na itinuloy ang sasabihin. Sinindihan nito ang sigarilyo at humithit sabay ibinuga ang usok na kumalat sa hangin.

"Alam mo kaya kita minahal dahil sa ugali mo Jonas. Napakabuti mong kaibigan para kay Melvin "  wika pa ni Vanessa .

******

Nalipat na naman ako sa isang senaryo kung saan araw na mismo ng kanilang date.

Natatandaan ko to. Ito ang una naming pagdadate ni Louella. Ito ang isa sa pinakamasarap na balikan sa aking nakaraan.

Nakita ko na lamang ang aking dating sarili sa isang salamin na nakapostura na. Suot nito ang paboritong Red longsleeve at red pants na may black americana na nakasabit sa balikat.

Ang sapatos nito ay tila sikat ng araw sa sobrang kinang at pawang pwede kana magsalamin dahil halos makita mo na ang iyong sarili sa kintab . bagay na bagay talaga sa matangkad na kagaya ko.

Nagpabango ito sa buong bahagi ng kanyang katawan. Inayos din maigi ang tayo -tayong nitong buhok at ginawang one sided na para bang aattend sa isang graduation pictorial dahil sa itsura nito.

Sa huli, kinuha nito ang isang panyo at inilagay sa bulsa ng kanyang damit.

Kinuha rin nito sa lamesa ang isang flower bouquet, na ipinadeliver nya pa noong araw na iyon at isang maliit na regalo nakabalot sa isang wrapper at may maikling sulat na nakapaloob rito. Pinagpuyatan itong sulatin ng dating ako. Ilang beses nya itong inulit at binasa maigi para magustuhan ni Louella.

Handa na sya. Handang handa na talaga.

Huli nyang kinuha ang kanyang gitara na accoustic Taylor 110e na nakasabit sa likuran ng pintuan ng kanyang kwarto.

Lumabas ito at nagpaalam na sa ina.

"Ma , aalis napo ako. Uuwi rin po ako kaagad " sambit ng dating ako na binuksan na ang pintuan.

Hinabol ito ng kanyang ina . Ang inayos ang necktie nitong medyo tabingi.

"Anak, lakasan ang mo loob mo ah , ano man ang gawin mo susuportahan ka ng nanay mo " sambit ng aking ina habang nakalapat ang mga palad nito sa pagmumukha ng dating ako.

Habang pinagmamasdan ko ang dalawa. Parang may kirot sa aking puso. Lungkot dahil naaalala ko kung gaano ako kamahal ng aking ina.

Umalis na ito at sumakay sa isang itim na sasakyan na nirentahan nila Vanessa at Jonas.

*****

Hindi maiwasan na bumilis ang tibok ng puso nito dahil sa kaba. Oo nga naman. Ito ang first date namin. Kahit sino siguro ay kakabahan sa unang pagkakataon.

*****

Nakarating na ito sa lugar kung saan gaganapin ang pinakahinahantay na date.

Idadaos ito sa isang 5star restaurant na kung saan ang labas na bahagi nito ay isang malawak na napakagandang tanawin lalo na pag gabi. Dahil matatanaw mo ang napakaraming bituin sa langit at napakaliwanag na sikat ng buwan.

Sila Vanessa at Jonas din ang sumagot at nagpanukala na dito ganapin ang date na ito.

****

Naunang dumating sa gaganapang lugar ang dating ako. Naupo ito sa isang upuan at tahimik na naghantay. Tinignan ang oras . 38mins pala syang mas maaga sa pinagusapang oras.

Ginugol nya ang mga oras na ito sa pag aayos sa sarili. Baka may nakalimutan pa sya. Tumingin sya sa kabilang lamesa sa kanyang harapan.

At naroroon na sila Jonas at ang kasintahan nitong si Vanessa. Tulad nga ng napagusapan nilang plano . Naka couple attire ang mga ito. Nakasuot ng itim na slightly gown si Vanessa at napupuno ito ng mga kumikinang na bagay , tanda na hilig nito ang mga itim . Habang si Jonas naman ay nakasuot  rin ng itim na americana na bumagay sa suot nitong itim na salamin.

"Sure kaba dito , Jonas ? Hindi kaya masira deskarte ng kaibigan mo sa gagawin naten ?" Sambit ni Vanessa habang hawak hawak ang isang baso na naglalaman ng wine.

"Hindi yan. Kabado kase tong kaibigan ko. Kaya naman lahat ng makakalimutan nyang sasabihin o itanong kay Louella , ipapaalala naten sa kanya. Nakikita mo to diba ? Dito ko isusulat lahat ng mga dapat nyang sabihin " wika ni Jonas na inilabas ang mga papel na naglalaman ng mga salita at mga tanong.

"Okay sabi mo eh. Di ka lang cute , matalino ka rin " sambit ni Vanessa sabay kurot sa pisngi ng kasintahan.

******

Napatitig sa isang direksyon ang dating ako nang makita nito ang isang babae na naglalakad patungo sa kanya.

Tandang tanda ko to. Hindi hindi ko rin makakalimutan ang napakagandang kasuotan ni Louella noong gabing iyon.

Nakasuot sya ng isang puting casual attire na animo'y anghel dahil sa sobrang puti nito. May disensyo itong mga bulaklak sa paligid ng kasuotan. Sumasabay rito ang kanyang maamong mukha at bagsak na buhok.

Ibang iba . Iba sa nakasanayan kong naka ponytail na tali.

Sobrang ganda.

Napakaganda ni Louella.

Simple lang pero iba ang tama sakin.

Lumapit ito sa upuan kung saan nakaupo ang dating ako.

Ngumiti ito.

"Pasensya na . Kanina ka paba ?" Sambit nito .

Hindi agad nakapagsalita ang dating ako, bago nya narinig ang isang sadyang pagubo mula kay Jonas sa kabilang lamesa . Agad itong tumayo at inalalayan si Louella sa pag upo.

Tumingin si Jonas sa mata ng kasintahang si Vanessa sabay sabing

" diba ? Kailangan talaga ako dito " nakangiti at nakataas na kilay na wika nito.

Nagusap sila Louella at ang dating ako. Agad namang inilapag sa lamesa ang mga inorder nito at sabay silang kumain.

Hindi alam ng dating ako kung paano sisimulan ang kwentuhan. Kaya napatingin ito kay Jonas.

Tinaas nito ang isang papel na nakasulat

"Itanong mo yung background nya "

Agad na tumugon ang dating ako.

"Matanong ko lang. Noong nakita kita sa event diba sabi mo kabilang ka sa isang Charity Volunteer ng isang Foundation? Ano ba ang background mo " wika ng dating ako.

Napatingin si Louella sa mga mata nito at ngumiti

"1st year college na ako. Ang kurso ko ay BS Psychology. Mahilig kase talaga ako sa pag aaral tungkol sa pagiisip ng isang tao. Pakiramdam ko, ang sarap pag aralan nito. Yung mga nararamdaman at  natatagong galaw na ayaw naten ilabas , yun ang gusto kong malaman. Gusto ko kase makatulong sa mga taong may problema sa kanilang puso at isipan. Mga problema na di nila mailabas at nangangailangan ng atensyong psychological." Mahabang wika nito.

Napatango nalang ang dating ako sa winika ni Louella.

Yun din ang dahilan kung bakit noong hinawakan at tinignan nya lang si Bernard noon sa event, agad nyang nabasa ang nasa puso ng bata pati narin ang damdamin na matagal na nitong tinatago .

"Ikaw ? " Pabalik naman na tanong ni Louella.

"Ako ?. Ano.. 1st year college sa kursong Mass Communication. Pangarap ko kaseng maging reporter" Wika ng dating ako

"Pero dahil sa passion ko sa pag awit parang gusto ko nang maging singer balang araw " masayang dagdag pa nito.

"Okay yan. Sa tingin ko magiging sikat ka na singer ng isang banda balang araw. Tapos kakanta ka sa mga malalaking concerts at events tapos lilibot kayo sa ibat ibang panig ng mundo "  masayang tugon nito.

Tinignan uli ng dating ako sila Jonas at Vanessa sa kabilang lamesa upang magpatulong kung ano ang susunod na gagawin. Agad na siniko ni Vanessa si Jonas na abala sa paglamutak sa mga pagkain.

Itinaas uli ni Jonas ang isa pang papel na may nakasulat na

"Itanong mo background ng family nya "

Agad naman itong sinunod ng dating ako.

"Si mommy , isa syang manager sa isang bangko . Si Daddy naman ay isang seaman. Nagiisa lang akong anak.  Taonan kung umuwi si Daddy.

Minsan nga kakauwi palang nya aalis uli para sa duty nya, kaya madalas wala kameng bonding buong family. Pero kahit ganon. Masaya parin ako kase alam kong ginagawa nila iyon para sa kapakanan ko " wika ni Louella .

" ikaw ? " Habol pa nito.

"Nagiisa lang din akong anak. Si Mama ay isang huwarang ina nagtratrabaho sya buong araw sa isang pabrika ng pintura . Si Papa naman... "

natigilang wika ng dating ako. Malungkot nitong inaangat ang ulo at pinigil ang tila butil na luhang pumapatak sa magkabila nitong mata.

Hinawakan ni Louella ang mga kamay nito. Agad nyang nabasa ang nasa isip at nasa puso ni Melvin. At kapansin pansin rito ang panginginig . Tinignan nya rin ang namumugtong mga mata nito at naramdaman nya na rito ang sakit ng pagluluksa.

"Alam kong masakit. Pasensya kana at naipaalala pa tuloy sayo ang lungkot ng pagkawala ng iyong ama" mahinang tugon ni Louella.

Pinunas ng dating ako ang mga luha sabay ngumiti.

"Salamat. Pakiramdam ko lumuwag na ang nasa puso ko dahil sa paghawak mo "

Itinas uli ni Jonas ang isa pang papel na nakasulat .

"Mga gusto/hilig at ayaw "

Agad namang itinanong ng dating ako ang mga tanong na ito.

"Hilig ko ? Mahilig ako sa mga bulaklak. Mahilig ako magbasa ng mga encyclopedia lalo na pagdating sa mga librong may kinalaman sa pag iisip ng tao. Gusto ko ang mga chocolates, color Green at mga pusa . Di ako magaling sa mga sports. Saka maaga ako natutulog " sambit ni Louella.

Habang pinapanuod ko sila sa pag uusap nila . Hindi ko napigilang matawa sa sa sinabi ni Louella na maaga syang natutulog. Totoong totoo yan. Madalas talaga mas maaga syang natutulog keysa sa akin.

"Mga ayaw ko?  takot ako sa daga at ipis. Di rin ako sanay sumakay sa mga barko o eroplano dahil nagsusuka ako. Pati narin sa tren. Sumasakay ako paminsan minsan pero di ko talaga kayang magtagal at sumilip dahil nahihilo talaga ako. " pahabol pa nito. Sabay binalik nito ang tanong sa dating ako.

"Ako naman, hilig ko umawit lang, at tumugtog. Para sakin ang pag awit pampawala sya ng pagod at sa pamamagitan nito mailalabas mo ang mga gusto mong sabihin na di mo masabi sa ordinaryong salita lamang " tugon ng dating ako.

Nagpatuloy pa ang kanilang masayang usapan. Maraming mga bagay ang kanilang napagkwentuhan dahil dito nakikala nila ang isat isa. Mga bagay na kanilang pinagkapareho at mga bagay na kanilang pinag kaiba.

Noong wala nang maisip ang dating ako sa kanyang sasabihin napatingin ito sa pwesto nila Jonas at Vanessa na abala sa lambingan. Masayang nagsusubuan ito ng pagkain.

Dahil dito wala nang magagawa ang dati kong sarili kundi maniwala sa sarili nito at maglalakas loob na dumeskarte kahit walang tulong ng kaibigan.

Huminga ito ng malalim sabay nagtanong kay Louella.

"Pasensya kana kung maitatanong ko ito.  Nagka boyfriend kana ba kahit na minsan ? Saka ano ba ang gusto mo sa isang lalaki ? " mabagal at mahinang wika nito na halos di makatingin ng maayos kay Louella habang binibigkas nito ang mga salita.

Napatingin si Louella sa dating ako. Sabay nagwika.

Hindi pa ako nagkakaboyfriend kahit na minsan" nakangiting tugon nito.

Halos malaglag sa kinauupuan ang dating ako sa kanyang narinig. Pautal utal nyang sinambit kay Louella.

"Pppppeero ? Imposible. Napakaganda mo.  tapos matalino ka rin , mabait . Imposibleng walang nanligaw sayo at sinagot mo " nakakunot na noong tanong nito.

"Manliligaw meron . Ang dami nga nila eh. Pero di sila nagtatagal. Nababasa ko kase kaagad ang nasa isip nila. Yung iba kase di seryoso. Nalalaman ko kaagad na manloloko. Tignan ko palang sa mga mata at kilos ng bibig masasabe ko na kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. Pero meron din naman mangilang ngilang mga seryoso talaga pero naiinip naman dahil sa tagal kong sagutin. Hindi kase ako ganon talaga kabilis mapasagot.. Mas prefer ko yung lalaking may sense of humor keysa sa lalaking may itsura. " mahabang tugon nito.

"Ahh ganon ba " tugon ng dating ako sabay kamot sa ulo nito.

"Ang gusto ko talaga sa lalaki ay yung lalaking hindi ako lolokohin. Sa tingin ko lahat naman ng babae yan ang hanap.

Subalit mahirap mahanap. Yung lalaking kahit di mayaman o kahit di kagwapuhan mayaman naman sa kabutihang loob. Yung lalaking ipaparamdam sayo na napakaimportante mo at tatanggapin ka kung ano kapa, ganon ang mga tipo ko. Kaya ako buti nalang na marunong akong magbasa ng isip ng tao kaya alam ko kung paano sila papakisamahan. " wika ni Louella.

Laking gulat na lamang ni Louella noong napaharap ito sa dating ako, ay inaabot nito ang isang bouquet ng bulaklak.

"Para sayo nga pala . " wika ng dati kong sarili.

napatingin din sa direksyon nila sila Jonas at Vanessa na magkaholding hands pa at parehas nakangiti ng ubod ng laki.

Kahit na gulat, agad na kinuha ni Louella ang bulaklak at nagpasalamat. Pinuri rin nito ang nakakaakit na Red Roses na namumukadkad at pulang pula na petals ng bulaklak. Sobrang ganda nito.

Pagkatapos ng kanilang hapunan ay lumabas sila upang tignan ang napakagandang tanawin sa kalangitan.

Sobrang ganda pagmasdan ang mga bituin . At ang lamig na simoy ng hangin na yumayakap sa kanilang mga balat ang lalong nagpapaganda sa gabing iyon.

Samantalang sila Jonas at Vanessa naman ay nasa isang gilid at tahimik na nagmamatyag.

"Hindi kaya makita nila tayo sa ginagawa naten Jonas ? " tanong ni Vanessa habang sinisiksik nito ang mukha sa pagmukukha ng kasintahan.

"Hindi yan. Saka need ko makita kung paano dumeskarte tong kaibigan ko " masayang tugon ni Jonas.

"Sige . Babalik muna ako sa sasakyan. Tapos magyoyosi narin. Babalikan kita dyan, wag mong alisin ang paningin mo sa dalawang yan " tugon ni Vanessa sabay talikod kay Jonas at tuloy tuloy na naglakad palayo

Habang pinagmamasdan ni Louella at nang dating ako ang mga bituin dahan dahan na kinuha nito ang gitara sabay sinimulang magpatugtog. At  umawit ito.

Tahimik na nakikinig si Louella sa awitin ni Melvin. Unti unti nitong nararamdaman ang pagmamahal ni Melvin sa bawat liriko na binibigkas nito. Napakaganda ng boses. Napaka swabe ng tugtog at sobrang sinasapuso ang pagkanta.

Natapos ang kanta at pagtugtog nito sa isang pasasalamat.

Agad na dinukot ni Melvin mula sa kanyang bulsa ang isang regalo, at iniabot ito kay Louella.

Isa itong pares ng hikaw na may desenyong sunflower.

Agad na tinanggal ni Louella ang kanyang suot hikaw at isinuot ang bagong regalo sa kanya.  Sobrang bumagay ang mga ito noong suot na ni  Louella. Naguumapaw ito sa kagandahan .

"Nagustuhan mo ba ? " wika ng dating ako

"Syempre naman " tugon nito kasabay ng namumugtong mata ni Louella.

Lumapit ang dating ako sa dalaga. Huminga ito ng dalawang beses sabay sinabing.

"Gusto ko sana manligaw sayo Louella. Di ko alam paano ko ipapaliwanag, pero sa tuwing nakikita kita ang bilis nang tibok ng puso ko. Sa iyo ko lamang ito naramdaman. Mahal na ata kita .  Pangako gagawin ko ang lahat para mapagkatiwalaan mo. Kahit wala pa akong alam sa panliligaw susubukan ko parin. Gustong gusto talaga kita."  Matapang naWika nito.

Isang inosenteng tingin lang ang ibinalik ni Louella rito. Nakatingin lang ito ng matagal kang Melvin (dating ako).

"Nako, sana payagan ka manligaw Melvs, alam kong kayang kaya mo yan " mahinang wika ni Jonas na kanina pa nag che-cheer para sa kaibigan.

Bumuka ang bibig ni Louella at marahang nagsalita..

.

.

.

Ang sagot nito ay ikinagulat ng dalawa !

********

Itutuloy sa Ika limang Kabanata.

---KeleyanJunPyo

*******

Read with your own risk.

AUTHORS'S THOUGHT(Trivia of the story and personal traits of the author )

About story :

*Si Vanessa Honey H. Scott ay ang kasintahan ni Jonas na bestfriend ni Melvin. Dalawampung (20) taon na gulang (from this timeline of the past ) ay anak ng isang mayaman at kilalang pamilya . Ang kanyang Ama ay isang Italyano at ang kanyang ina naman ay isang Lokal. Mahilig sa mga bagay na may kinalaman sa itim na kulay. Gustong gusto din nito ang pagtugtog . Sa murang edad ay bumukod na sya sa kanyang magulang at namuhay magisa. Kilala bilang magaling pagdating sa Fashion lalo na sa mga pormahan. Mahilig sya magyosi

ito ay kanyang bisyo na bago pa nya makilala si Jonas. Mahal na mahal nya si Jonas na lahat gagawin nya para sa kasintahan. Suportado nya rin si Melvin tulad ng pagsuporta ni Jonas rito. Kung paano napasagot ni Jonas si Vanessa, ay hindi naten alam.

*Ang kwento nato ay pangunahing nasa vision ng ating bida sa kwento which is si (Melvin). Ang POV nya ang nagkwekwento nito mula pa sa   simula.