Chereads / A Vocalist Diary / Chapter 2 - Kabanata 1 : Pagbabalik tanaw sa katapusan

Chapter 2 - Kabanata 1 : Pagbabalik tanaw sa katapusan

************

"Nasaan ako ?

Salitang unang lumabas sa aking bibig . Hinawakan ko ang aking mukha . Sinampal sampal ito hanggang maramadaman ko ang hapdi mula sa sakit ng pagkakasampal rito.

"Masakit . Totoo nga ! Pero bakit ?

Mga tanong ng pagtataka . Mga tanong na di ko masagot kung bakit. Di ko maintindihan. Ang alam ko lng ngayon, ako ay nasa isang silid . Silid ito ng isang ospital .

Habang ako ay nakaupo sa isang puting higaan aking pinagmasdan ang paligid. Ako lang tao sa silid pero marami akong naririnig na mga tinig sa labas ng kwarto, animo'y may nagkakagulo.

Pinilit kong iniangat ang aking mga paa upang tumayo. Bakit parang ang gaan ng aking pakiramdam ? Dahan dahan akong tumungo sa pintuan ng silid upang lumabas . Ngunit laking gulat ko na ako ay biglang tumagos . Sa labas ng silid nakakita ako ng mga tao na pabalik balik sa knilang paglalakad.

Inuusal ko ang aking bibig upang magsalita at magtanong dahil ako'y takang taka sa aking nakikita.

" Mawalang galang napo , pwede po bang magtanong ? Sambit ko sa isang nurse na saktong dumaan at tila nagmamadali habang bitbit-bitbit ang isang folder na may laman na maraming papel.

Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad na parang walang narinig at nakita.

Agad akong napakunot ng noo. May isang babae na naglalakad rin ang aking tinanong .

"Pasensya napo pero alam nyo po ba kung anong ospital ito ? Tanong ko uli na medyo naiinis na.

Parang wala ding napansin at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Dahil dito ay tila ba'y umusok na ang aking ilong at sa sobrang inis ang sumunod na dumaan ay aking hinablot ng malakas.

Ako ay nagulat. Dahil tumagos lng ang aking mga kamay rito. Di agad ako nakapagsalita sa pagtataka. Nagsalita ako pero walang nakakarinig. Pero naririnig ko sila.

Tumakbo ako sa sobrang takot at bigla akong tumagos sa isang silid.

Ngayon ko lang napagtanto na parang makaluma ang disenyo ng ospital na ito. Parang hindi nman ganito ang itsura ng mga ospital na madalas kong makita. Di ganon kaganda ang mga disenyo at ang mga uniporme ng mga nurse ay kakaiba din . At sa  isang gilid nakita ko ang dalawang tao na nakakuha ng aking pansin. Ang babae ay nakahiga habang ang lalaki namn ay tila tulog na  nakayuko sa isang upuan .

Di ako pwede magkamali.

Hinding hindi .

Dahil kilala ko ang taong nasa harapan ko. Napaiyak ako na may halong pagtataka . Gusto ko syang yakapin pero di ko magawa.

" Nanay ? Kayo po ba yan ? 

Si nanay nga. Agad akong napahinto ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang isang nurse na may dalang sanggol. Nakangiti itong lumapit kay nanay habang mahigpit na niyakap ni nanay ang sanggol. Kitang kita ko sa mga mata ni nanay ang pagkatuwa at luha ng kasiyahan habang umiiyak ito na hinahalikan pa sa noo ang bata na yakap yakap.

Lumapit naman sa kanya ang isang lalaki, na kanina ay nakayuko lang sa isang upuan  sa may gilid.

"Si tatay ? Oo , si tatay nga ! Ang nunal nya sa may bandang kaliwa ng kanyang mata at ngiti nya , si tatay nga ito.

Lumapit ito kay nanay at agad na hinalikan nya ito  sa pisngi . Sabay tingin sa sanggol ng buong pagka galak.

" Ang gwapo nya ? Manang mana sakin " sambit ni tatay .

Agad na napangiti si nanay na tumingin kay tatay at pinitik ito sa kanyang tenga at pabirong sinabi.

"Sayo lang nagmana ? Syempre sakin din diba ?  Tawa ni nanay.

Nakita ko sa name tag ng sanggol ang pangalan na nagpagulat sakin

MELVIN ALBERT TORRES birthday: July 4, 1997

1997 ? Birthday ko yan ah ? Ibig sabihin ako ang batang iyan ?

Agad kong inilibot ang aking mga mata hanggang nakita ko nga ang isang kalendaryo na nakapaskil sa bandang pintuan ng silid. Taon nga ng 1997. Ibig sabihin ba neto ay nasa nakaraan ako ?

Biglang napabalik ang aking atensyon kila nanay at tatay na tuwang tuwa sa kanilang bagong anghel . Nakakatuwa. Mahal na mahal talaga nila ako. Walang araw na hindi nila ako minahal simula ng ako ay pinanganak.

Huminga ako ng malalim at napagtanto ko na ang lahat. Kahit yung sa bandang tren at ang panahon na kung saan naririto ako ngayon.

Ipinapakita sakin ang nakaraan.

Sa isang kisap ng aking mata , nagiba ang paligid at napunta ako sa isang lugar na kung  saan tinuturuan na ako nila nanay at tatay na lumakad. Kitang kita ang hirap ni tatay sa pag alalay sakin pero mababatid mo sa kanya ang kasiyahan sa kanyang mga ngiti at tawa.

Meron pa isang senaryo na kung saan ginawan ako ni nanay ng isang laruang manika gamit ang pinagtagpi tagping mga lumang damit.

Sa tuwing umuuwi naman si tatay mula sa trabaho lagi syang nagdadala ng mga pasalubong sa akin.

Unti unti kong nakikita sa nakaraan na ito ang aking paglaki , at ang pag gabay sakin ng aking mga magulang.

Simula ng una akong makapagbigkas ng salita. Tuwang tuwa sila sakin. Tinuruan nila ako na maglakad at maglaro , magsulat at magbasa.

Mula sa una kong pag pasok sa eskwelahan. Todo handa pa si nanay ng aking baon at hatid sundo nya pa ako sa aking paaralan. Umiiyak pako noon pag di ko nakikita si nanay pag uwian na . Pero lubos ang aking kasiyahan kapag nakikita ko syang paparating na upang ako ay sunduin.

Si Tatay naman kapag gabi ay kinukwentuhan ako bago matulog ng mga kwentong pambata. Hindi sya natutulog hanggang di ako nakakatulog. Paminsan minsan sya ay kumakanta pa kahit na sintonado.

Kaya hanggang ngayon iniisip ko kung saan kaya ako nagmana sa kagandahan ng boses.

Masaya ang buhay ko noon. Sobrang saya at sobrang simple.

Pero lumipas ang isang araw. Ang araw na hinding hindi ko malilimutan.

" Janice !!  Janice !!  Sambit ng aming kapitbahay na hingal na hingal sa pagmamadali  nang ito ay kumakatok sa aming pintuan.

Agad naman na binuksan ni nanay ang pintuan at buong pagtatakang tinanong ang aming kapitbahay.

Nakita ko ang aking batang sarili noon na nakaupo at tila nagtataka sa mga nangyayari, kagat kagat pa nito ang mga daliri sa kamay.

Pero ako . Alam ko na ang mangyayari at sasabihin nya . Kung may pagkakataon lang sana ako,  ito ang punto ng buhay ko na ayaw ko na balikan pa.

"Si Matteo . Nasaksak dun sa trabaho nya. May nakaaway daw ang isa sa mga empleyado dun sa kanilang pinagtratrabauhan at inabangan paglabas,  pero itong si Matteo ang umawat dun sa kasama nya , dahilan para sya ang pagbalingan ng galit . Dalawang saksak sa tagiliran ang ginawa at sa dami ng dugo ang nawala sa kanya di namin mapigilan. Agad naman naming dinala sya sa ospital pero di na sya umabot " sambit nito kay nanay

Parang gumuho ang mundo namin nung araw na iyon. Kung bakit ba naman naisip pa ni tatay na umawat sa nag aaway. Nahuli naman ang gumawa noon kay tatay at nakulong na. Kahit kelan talaga si tatay di mapigilan na di tumulong . Pero kilala ko si tatay tutulong at tutulong sya kahit ano pa man ang mangyari.

Nung araw  ng libing ni tatay. Ako na isa palang bata noon ay iyak ng iyak na kahit patigilin ako ni nanay ay di nya magawa. Masakit sakin iyon.

Kahit ngayon pinapanuod ko sila na nagluluksa . Nanunumbalik sakin ang sakit ng pagkawala ng aking ama.

Dumaan pa ang panahon. Parang isang kisap mata lang ang lumipas.

Nakita ko ang aking sarili bilang isang highschooler na binata . Masayahin  at napakabibo

"Nanay . Alam nyo po ba na may award na naman ako ? At saka pinapapunta kayo sa school , dahil nanalo ako sa quiz bee kayo daw po ang magsasabit sakin doon" sambit ng batang ako na nakataas pa ang kamay at tumatalon pa sa galak.

Lumingon si nanay sakin at hinawakan ako sa kamay at niyakap. Masayang masaya ito para sa akin.

Halos buong pag aaral ko noong high school ay madalas akong nananalo sa mga patimpalak at matataas ang aking mga grado.

"Matalino kang bata " laging sinasabi sa akin ng aking ina

Kahit sa eskwelahan isa ako sa mga nangunguna sa klase. Madalas na nagpapaturo ang aking mga kamag-aral sa mga ilang asignatura at agad ko namn iyong pinagbibigyan.

Noong grumaduate ako ng highschool taas noo akong umakyat kasama si nanay habang suot suot saking leeg ang medalya ng Valedictorian ng taong iyon. Wala na atang mas sasaya pa sa araw na ito.

Napunta ako sa isang senaryo na kung saan , Ang dating ako ay naglalakad ng may madaanan itong matanda na kumakanta sa gilid sa labas ng isang bookstore . Nakakabilib. Gamit ang lumang gitara na puro gasgas at lata na lalagyanan ng mga barya , buong puso syang kumakanta. Nakakabilib napakaganda ng boses nya .

Habang nakanganga sa pagkamangha . Nagsalita ang matanda.

"Iho , gusto mo rin ba kumanta ? "

Di agad ako nakapag salita, bumilang pa ang ilang segundo bago ako umusal ng tugon.

"Opo. Napakagaling nyo po . masiglang boses na sambit ng dating ako na halos kuminang ang mata sa pagkamangha sa nasakhihan.

" Lahat ng tao ay may natatagong talento. Yung iba di pa nadidiskobre at ang iba namn ay nahihiya. Siguro dahil natatakot na baka husgahan sila ng mga nasa paligid nila "

" Pero kahit na ano ang mangyari , wag kang titigil sa gusto mo. Hanggang wala kang natatapakang tao. Tama ang ginagawa mo. Kumanta ka . Ipahayag mo sa pagkanta ang nararamdaman mo . Masaya ang umawit iho. Napakasaya .  Mahabang sabi ng matanda.

Ito ang mga salita na tumatak hindi lang sakin isip kundi pati sa aking puso. Matagal akong natigilan . Hanggang lumapit sakin ang matanda at hinawakan ako sa kaliwang kamay.

"Alam ko na may talento ka . Hayaan mo na lumabas yan para hindi mo pagsisihan balang araw. Binatawan nya ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito .

" May apo akong halos kasing edad mo lang . Magaling syang kumanta .Wala sya ngayon rito pero malamang nandun sa kabilang pwesto at dun kumakanta.

Pagkatapos ng maiksing paguusap , ay nagpaalam na ako sa matanda at umalis.

May isang binata ang nakatawag ng pansin sa akin at tila kanina pa ako pinagmamasdan.

"Mukhang gusto mo ang pag awit " sambit nito na biglang tumapik sa aking likuran. Dahilan upang ako ay mapalingon.

"Ako si Jonas . Marunong ka rin bang tumugtog ? Kase ako marunong pero ang gusto ko talaga ay ang pag drudrum.  Hirap kase ako matuto mag gitara. Tawa nito .

"Medyo " Sambit ko

"Gusto mo turuan kita kumanta?  pwede ka ring matuto tumugtog kung gusto mo". nakangiting sabi nito sabay abot ng kanyang kamay.

Habang naguusap si Jonas at ang binatang ako. kitang kita ko sila sa bandang kaliwa at tahimik na pinagmamasdan. Kakaiba talaga tong si Jonas . Sya ang nagturo sakin paano tumugtog ng mga instrumentong pang awit.

Simula noon lagi na kame magkasama at nagjajamming sa pagtugtog at pag kanta.

Pero may mga oras na napapaaway kame , at si Jonas ang nagiging kasangga ko.

"Ang tangkad mong tao pero takot kang lumaban , Ano kaba Melvin .  Nasa tama naman tayo eh . "

"Hindi kase ako sanay na makipagbasag ulo . "  sambit ko habang nilalagyan ng benda ang mga sugat ko sa balikat at tuhod. 

Lumipas pa ang ilang mga araw at tuluyan ko nang minahal ang pag awit at pagtugtog. Minsan nasa bahay din si Jonas upang dalawin ako para makipag jamming.

Nung panahong  iyon. Nagustuhan ko na ang pag awit.  Araw araw akong umaawit , nagaaral din akong tumugtog ng gitara at iba pang instrumentong pang musika. Ang sarap sa pakiramdam.

Sa pag aawit at pagtugtog mo kase minsan mailalabas ang mga nararamdaman mo na di mo mailabas sa mga normal na salita lang.

Pinangako ko na balang araw kakanta ako sa harap ng maraming tao. Dito ko napagtanto . Kung ano talaga ang hilig ko. Ang talento ko.

Ang pag awit.

Nakita ko ulit ang aking binatang sarili sa aking kwarto na nag tumutugtog at kumakanta ng paborito kong kanta.

Kahit di nya ako nakikita at naririnig . Sinasabayan ko sya sa kanyang pag awit. Pumipikit pa sya habang kumakanta . Ganyan na ganyan talaga ako . Pangiti ko pang sabi sa aking sarili.

Lumipas ang mga buwan at ako ay nagenroll na sa kolehiyo. Nakikita ko na naman ang aking sarili pero sa pagkakataong ito bilang isang mang aawit. Naging sikat agad ako sa una kong taon sa aking buhay kolehiyo.  Bukod sa magaling sa klase talagang marami ang nahuhumaling sa galing ng aking pagtugtog at pagpag awit.

" Kung kailangan mo ng mga instrumento para sa pagtugtog mo sa isang event dyan sa loob ng unibersidad mo sabihan mo lang ako at papahiramin kita Melvin. Sambit ni Jonas habang naglalakad

"Maraming salamat sayo kaibigan. Actually itatanong ko sa mga staff sa event na yun kung pwede makapasok kahit ang mga taga ibang unibersidad, para naman mapanuod mo ako. " malumay ngunit masaya kong tugon

Kahit di kita panuorin alam kong gagalingan mo. At saka lagi akong suportado sa mga gusto mo . Wala man ako o nandito sa tabi mo.  Nakangiting bigkas nito sabay tapik sa aking balikat.

Lumipas ang mga araw mula sa pagbabalik tanaw sa aking nakaraan. Nakita ko na nmn ang aking dating sarili na nasa harapan ng isang Musical Instrumental Shop.

Habang pinagmamasdan ang aking sarili ay tila alam ko na ang pakay nito sa lugar na iyon.

"Malamang titignan ko na naman yung paborito kong gitara na gustong bilhin balang araw " sambit ko habang nakaharap sa aking lumang sarili.

Pumasok ito sa loob ng shop . Naroroon ng ibat ibang uri ng mga instrumentong pang awit. Ang gaganda talaga .

Una kong napansin ang,

"Ang authentic na electric guitar Gibson . Napaka ganda talaga ng kulay pula na may halong asul. At saka ito . Gustong gusto ko to bilhin ang acoustic guitar na Martin D-18 . Pag nakaipon ako bibili ako neto. Sambit ng aking sarili .

Pero isang gitara ang lubos na kumuha ng aking atensyon.

Nilapitan ko iyon at tinitigang mabuti.

" Mukhang magaling kang pumili ah . sambit ng lalaki sa aking bandang kanan na tila kanina pa ako pinagmamasdan .

"Napakaganda po . Diba ang gitara na iyan ay yung ....  Hindi ko na naituloy dahil biglang nagsalita yung lalaki .

"Tama ka . Yan ay Rose Morris Rickenbacker . Alam mo iniexport pa yan dito sa bansa naten dahil di ka makakahanap nyan dito. Although semi design lng yan pero isa yan sa pinakamahal na gitara sa buong mundo. Sulit ka rin naman talaga dyan kase ganyan din ang gitara na ginagamit ni John Lennon nung nabubuhay pa sya. Usal ng lalaki na nakaturo pa sa gitara at doon ko lang napansin na sya pala ang may ari ng shop na iyon.

Balang araw bibilhin ko ang gitarang iyan. Balang araw magagamit ko rin iyan. Sambit ko sa aking isipan.

Ako ay lumabas na sa shop na iyon pagkatapos ng mahabang pagsilip sa mga magagandang instrumento sa loob.

Nang hindi ko namalayan na ako ay biglang mapabangga sa isang babae habang papalabas. Agad akong humingi ng paumanhin habang gulat na nakahawak saking bandang siko dahil doon tumama ang kanyang ulo. 

" Pasensya kana . Ayos ka lang ba ? Sambit ko habang inaalalayan ang babae na aking nabangga.

Nung mga oras na iyon. PARA BANG TUMIGIL ANG MUNDO KO. Matapos iniangat ng babae ang knyang ulo upang ako ay tignan habang hawak hawak ang kanyang cellphone, agad syang nagsalita.

"Okay lang. Pasensya na . Nagcecellphone kase ako . "  sambit nya gamit ng napakalamig na tinig. Sabay ngiti sakin at dahan dahang umalis.

Nagpatuloy sya sa paglalakad habang ako namn ay natigilan sa aking kinatatayuan.

Di ako kumurap hanggang di sya nawawala saking paningin ng mga oras na iyon. Ito ang unang pagkakataon na sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Ang araw na halos patayin ako sa kilig.

Bakit ganito ang pakiramdam ko ? Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi sya mawala sa isipan ko. " Sambit ko sa aking isipan noon

Hindi ko malilimutan ang kanyang maninipis na labi na ngumiti sakin , pati narin ang kanyang maamong mata na unang tumagpo sa aking paningin na nagbigay sa aking ng lubos na kasiyahan. NAPAKAGANDA NYA . yan ang una kong nasabi .

Pinagmamasdan ko ang aking lumang sarili na nakatayo parin at tila'y di parin makapaniwala sa anghel na nakita.

"Si Louella.

Itong ito ang unang araw na kung saan nakita ko sya. Ang unang araw na tumibok ang aking puso .Ang una at huling babae na minahal ko,  At ang babaeng MAGLILIGTAS SAKIN .

Magliligtas ? Kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon, habang di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha sa aking magkabilang mata.

*****************

Itutuloy ang kwento sa ikalawa nitong kabanata.

--keleyanjunpyo

Read with your own risk

Author's Thought (Trivia of the story and personal traits of the author

Trivia :

" Ang Rickenbacker guitar ay isang totoong brand ng gitara na paborito ng ating author. Kaya naman buong galak nyang isinama ang gitara na ito sa kabanata . Ito ang Rose Morris Rickenbacker325c64 (version 1964) ay ang mismong kaparehas na gitara ng late vocalist sa si John Lennon ng bandang

The Beatles.

Sa ngayon nakalagak ang tunay at orihinal na gitarang ito ni John Lennon sa isang rockhall sa Cleveland USA. Isa rin ito sa pinakamahal na gitara sa buong mundo.