Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 34 - Hindi Ba't Nagkasundo Na Tayo Na Hindi Ka Na Magagalit?

Chapter 34 - Hindi Ba't Nagkasundo Na Tayo Na Hindi Ka Na Magagalit?

"Okay sige. Ganoon pa man, umabot na sa ganito ang sitwasyon. Gagawa ng paraan ang kompanya para tulungan kang harapin ito, pero kailangan mong mas mag-ingat. Huwag ka na munang lalabas palagi sa ngayon."

Huminga nang malalim si Lin Che at sumagot. "Maayos na sana ang buhay ko pero bakit kailangan pang mangyari ang ganito..."

Ngumiti naman si Yu Minmin. "Isang issue na kasama si Gu Jingyu... napakarami ng may gustong maranasan ito pero laging nabibigo. Ngayon, isa ka na sa mga taong kayang makakuha ng pwesto sa mga headlines. Sikat ka na kaagad bago pa man maipalabas ang iyong drama. Anong pakiramdam mo?"

"Miss Yu, sinasabi mo lang iyan kasi hindi mo pa nakita kung paano ako murahin ng mga taong iyon." Ipinakita niya ang mga comments sa kanyang page. Pagkatapos makita ng mga ito ang kanyang mga selfies, hindi man lang pumili ng mga salita ang mga taong iyon. Sinabi pa ng mga ito na napakapangit niya at maraming tinatago sa katawan. Sinabi rin ng mga ito na sa isang tingin lang ay mahuhulaan kaagad nila na napakarami na niyang plastic surgery at hindi siya nababagay para sa kanilang Gu Jingyu.

Galit na galit talaga siya at halos mamatay na sa sobrang inis.

"Marahil isa ito sa mga paandar na ginagawa ng production team ng inyong teleserye. Nang magsimula na kayo sa inyong filming, napakarami munang mga promotions ang gagawin ninyo bago makatanggap ng maraming tagahanga sa susunod na araw. Baka isa ito sa mga sinadya nilang gawin. Hindi din naman imposibleng hindi ito ang dahilan." Sagot ni Yu Minmin.

Tuliro si Lin Che habang nagsasalita. "Kung ganoon, eh di sana ay sinabihan man lang nila ako."

"Siyempre, hindi nila sasabihin iyon sa'yo. At kahit puntahan mo pa sila at tanungin, hindi rin naman sila aamin. Ang relasyon ng inyong production team at ng ating kompanya ay nakabase lang sa kung ano ang mapakinabangan sa bawat isa. Bakit naman nila sasabihin ang mga ito sa'yo? Paano kung sinabi nila sa'yo pero hindi ka pumayag? So, ano nalang ang gagawin nila? Okay, sa ngayon, hayaan nalang muna natin ito. Umuwi ka na at magpahinga na muna. Magiging okay ang lahat basta't hindi ka na muna maglalalabas sa bahay."

Pagkatapos itong marinig, sumang-ayon nalang din si Lin Che. Sa isip niya ay talagang uuwi na lang siya sa bahay, sasabay sa daloy ng balita, at maghihintay sa gagawin ng kanilang kompanya.

Nang makauwi na siya, sobrang pagod na pagod si Lin Che at ayaw na niyang umalis pa mula sa pagkakahiga. Dahil masyadong napatagal ang kanyang pagpapahinga mula sa trabaho, hindi na siya gaanong nasanay at mabilis na napagod nang muli na naman siyang naging abala.

Nang makauwi naman si Gu Jingze ay nakita niya si Lin Che na nakabaluktot sa kama pagpasok niya sa loob ng kanilang silid.

"Lin Che, bakit ka tumakas para mag-shoot sa inyong serye? Hindi ka pa masyadong magaling, di ba?"

Pagdating niya sa bahay ay kaagad siyang nakatanggap ng report mula kay Butler Hu kasama na dito ang pagpupumilit ni Lin Che na pumunta sa kanilang filming site. Wala itong ibang choice kundi magpadala nalang ng ilang tauhan para sekreto itong sundan upang makasigurado. Pero, mga hamak na katulong lang sila kaya hindi pa rin nila ito napigilan.

Pagkatapos ay diretsong pumunta si Gu Jingze sa silid para hanapin siya at ganoon nga ang kanyang nakita. Nakahiga ito doon at nakabaluktok sa kama. Ang kabilang bahagi ng underwear nito ay nakikita. Pink ang kulay nito at may bulaklaking border na gawa sa laso.

Napalunok naman si Gu Jingze. Nakasimangot ang kanyang tingin dito. "Hoy, pwede ba, mas mag-ingat ka nga kapag humihiga ka?"

Nagmamatigas namang sumagot si Lin Che. "Bakit ko naman kailangang mag-ingat? Kung kailangan ko pa ring ingatan ang aking image kahit sa loob na ng pamamahay ko, parang nakakapagod naman masyado ng buhay ko."

Tiningnan ni Gu Jingze ang buong silid. Kinuha niya ang kumot mula sa isang gilid at inilagay ito sa katawan ni Lin Che upang takpan ang nakikita niyang katawan.

Ikinislot naman ni Lin Che ang kanyang bewang. "Ano ba'ng ginagawa mo? Ang init-init."

Inilayo ni Gu Jingze ang tingin. "Kung balak mo man akong akitin, at least naman, magpalit ka ng underwear na talagang makakatulong sa'yo."

Napatigil si Lin Che. Iniyuko niya ang kanyang ulo para tingnan ito. Nakasuot lang siya ng pares ng pambahay na shorts na bahagyang maluwag sa kanya. Sa ilalim nito ay ang kanyang underwear na kasalukuyang nakikita sa labas.

Medyo namumula ang kanyang pisngi na hinila pataas ang kanyang shorts. Iniangat niya ang kanyang ulo upang tumingin dito. "Ano? Para namang hindi mo pa ito nakita noon."

Ngumiti si Gu Jingze. Lumapit siya nang kaunti at tinitigan ang malinis at maputi nitong mukha. Pulang-pula ang maputi nitong kutis. "So, ibig mong sabihin na total nakita ko naman ito noon, eh pwede ko na itong makita kahit kailan ko gustuhin sa susunod?"

"Siyempre iyan, iyan...hindi iyan ang ibig kong sabihin." Pautal na sagot ni Lin Che at mabilis na umatras.

Lalong napangiti si Gu Jingze. Habang nakikita niya itong ganito, hindi niya mapigilang titigan itong muli. Lumabas lang siya nang makita niya ang butler na nakatayo sa pinto na para bang may gusto itong sabihin sa kanya.

Sa labas ay kasalukuyang naghihintay si Qin Hao sa harap ng kanyang study room.

Lumakad naman palapit dito si Gu Jingze. "May nangyari ba?"

Balisa ang mukha ni Qin Hao. May pag-aatubili itong lumapit sa kanya, at maingat na tiningnan ang laging kalmado niyang mukha. "Sir, nasangkot po si Madam sa isang eskandalo sa labas."

Napalingon naman si Gu Jingze dito. "Anong eskandalo?"

Pagkasabi niya nito ay naiabot na ni Qin Hao sa kanya ang isang diyaryo para mabasa niya.

Mababasa sa balitang iyon ang hinihinalang karelasyon ni Gu Jingyu at ang napakagandang love story nito at ni Lin Che na isang baguhang artista at kasamahan nito sa isang teleserye.

Hindi pinapansin ni Gu Jingze ang kahit anong balita na tungkol sa showbiz, kaya ngayon niya palang nalaman ang balitang ito.

Subalit, ang balitang iyon ay tungkol kay Gu Jingyu at ang kanyang asawa...

Nagsalita naman si Qin Hao. "Magkasama po sina Sir Jingyu at Madam sa isang fantasy TV series na pinag-invest-an ng inyong pamilya. Iyan po marahil ang dahilan kung paano sila nagkakilala."

Iniyuko lang ni Gu Jingze ang ulo at sinabi dito. "Tanggalin mo ang balitang iyan. Pwede ka ng umalis."

Mabilis namang sumunod si Qin Hao at umalis.

Pagkatapos magpahinga ay umupo si Lin Che sa isang couch sa sala at nanood ng TV.

Inilipat niya ang channel at aksidenteng nakita ang isang balita tungkol sa kanya at kay Gu Jingyu.

Ayon sa balita, napakaraming atensiyon ang natatanggap ngayon ni Gu Jingyu dahil sa filming ng kanilang teleserye. Pero hindi inaasahan ng lahat na wala itong ka-spark-spark kasama ang ka-love team na si Mu Feiran. Sa halip, may kumakalat na isyu na sangkot ito at ang isang baguhang artista.

Pero, naghihintay pa rin ng opisyal na sagot ang mga reporter mula sa kompanya ni Gu Jingyu, kaya hindi pa rin malinaw sa kanila ang isyung iyon.

Kinuskos ni Lin Che ang kanyang noo. Ano bang ibig nilang sabihin? Nakakahiya bang masangkot sa isang isyu na kasama siya?

Galit na inilipat niya kaagad ang channel. Ngunit, bigla siyang nakarinig ng mahinang boses mula sa kanyang likuran.

"Bakit bigla mong inilipat ang channel nang makita mo akong paparating?"

Maayos ang tindig ni Gu Jingze na nakatayo sa likuran niya. Tiningnan nito si Lin Che at lumapit.

Natataranta namang nagtanong si Lin Che. "Ah...nakita mo ito?"

Medyo naging malungkot ang mukha ni Gu Jingze habang makahulugan niyang tinitigan si Lin Che at kaswal na umupo. Binuklat niya ang diyaryo at idinako ang tingin doon. "Oo, may gusto ka bang sabihin?"

Nagmamadali namang nagpaliwanag si Lin Che. "Hindi ko ito sinadyang gawin. Hindi ko alam kung sinong reporter ang gumawa ng ganitong isyu. Alam mo namang imposible ito kung iisipin mo lang. Ang totoo niyan, hindi pa lang matagal nang magkakilala kami ni Gu Jingyu. Hindi pa namin masyadong kilala ang isa't-isa."

Tiningnan siya ni Gu Jingze. "Gawa-gawa lang ito?"

Hindi niya kayang makipagtitigan dito pero mabilis pa ring tumango si Lin Che. Sa kanyang puso ay pakiramdam niyang nagagalit si Gu Jingze. Isa pa, sangkot siya sa isang eskandalo at si Gu Jingyu pa man din ang kasama niya. Hindi naman kapani-paniwala iyon kung matutuwa ito sa kanya.

"Sorry, Gu Jingze. Hindi ko talaga ito sinadyang gawin. Alam ko namang mag-asawa na tayo. Kahit na sa papel lang ang kasal natin, nagkasundo tayong magiging responsable sa bawat isa. Hindi ko mapipigilan ang pamilya mo na mag-isip ng kahit ano kapag nakita nila ito. Nag-aalala ako na baka kailangan mo pang magpaliwanag sa kanila na paandar lang ito ng mga production team. Wala itong kinalaman sa amin...wala rin kaming alam kung paanong lumabas ang ganitong kwento..."

Lalong lumalim ang ekspresyon sa mukha ni Gu Jingze.

Walang kahit anong ekspresyon ang makikita mula sa kanyang mga mata at lalong nagbabagang tingnan ang anyo ng kanyang mga tingin.

Nang oras na mapansin ito ni Lin Che ay mabilis siyang nagpatuloy. "Oo na. Oo na. Ako na ang magpapaliwanag. Ako ang gumawa ng problemang ito kaya ako ang may responsibilidad na magpaliwanag sa iyong pamilya. Hindi kita aabalahin pa. Hindi ko rin naman ito ginusto eh. Inaayos na ito ngayon ng aking kompanya at alam kong kahit ang kompanya nina Gu Jingyu ay hindi rin gusto ang kahit anong eskandalo, kaya siguradong gumagawa na rin sila ng paraan ngayon. Hindi mo na kailangan pang mag-alala. Hindi magtatagal, wala ng magsasalita pa ng kahit ano tungkol dito."

"Hmm, hindi ako nagagalit. Hindi ba't ganito naman talaga ang entertainment industry?" At tumayo na si Gu Jingze mula sa upuang iyon.

Ngunit, tiningnan niya ito nang makahulugan at nag-iinit na parang isang stick na sumasaksak kay Lin Che. Pagkatapos, mabilis na umakyat na siya at hindi na siya nilingon pa.

Hindi ba't sabi niya ay hindi siya nagagalit...

Nakaupo lang doon si Lin Che at pakiramdam niya ay katatapos palang siyang bagyuhin ng napakalakas na hangin.