"Siyempre. Natural talaga itong dibdib ko! Bakit ko naman kailangan pang magparetoke kung hugis melon na ito? Hindi ito masiyadong matigas at hindi rin masiyadong malambot, at tama lang ang kanilang laki! Isa pa, sa panahon ngayon, mahahalata na kaagad kapag nagpagawa ka ng plastic surgery. Kapag nakahiga ka, mahahalata ka kaagad. Sasabihin ko ito sa'yo. Ang sabi nila na kapag nakahiga daw, ang pekeng dibdib ay hindi nagiging pantay o patag dahil talagang ginawa sila nang nakausli!"
". . ." Hindi namalayan ni Gu Jingze na napatingin na naman siya sa dibdib nito.
Pinilit niyang inilayo ang tingin at nagsalita. "Ang dami mo palang nalalaman."
"Halata naman." Nagpatuloy si Lin Che. "Napakalawak ng kaalaman na mayroon ako."
Habang sinasabi iyon ay napahawak siya sa kanyang paa. Naalala naman ni Gu Jingze na sumasakit pala ang paa niya kanina at nag-alala na baka nahawakan na naman niya ito. Mabilis niya itong pinigilan. "Okay. Huwag ka ng gumalaw pa at titingnan ko 'yang paa mo."
Nakaupo si Lin Che sa kama habang siya naman ay nakayuko. Itinaas niya ang suot nitong pants para tingnan ang sugat. Nangangamba na baka masaktan ito kaya't maingat siyang nagtanong. "Kumusta?"
Maayos naman ang pakiramdam ni Lin Che at walang naramdaman na kahit ano. "Okay lang iyan. Sadya lang talaga na kapag itinatapak ko ang aking paa sa sahig, parang nahihila ang sugat, kaya sumasakit."
"Kaya dapat, huwag kang masiyadong malikot."
Naisip ni Lin Che, Hindi ba't naiinis siya dito kanina?
Kasalanan ba ito nito dahil bigla nalang siya nitong hindi pinansin?
Iniangat ni Gu Jingze ang ulo para tingnan siya ngunit diretsong napupunta ang kanyang mata sa dibdib nito. Hindi niya ito napapansin noon, ngayon niya lang biglang naramdaman na talaga ngang nakakaakit ang dibdib nito pagkatapos itong makita nang malapitan. Gabundok at magkapantay ang mga ito at mukhang mabilog, malusog, at masarap titigan. Hindi masiyadong malaki o maliit at mukhang kasyang-kasya lang ang laki ng mga ito kung hahawakan sa magkabilang kamay.
Naalala niya ang sinabi nito na ang hugis ng mga iyon ay parang melon…
Mukhang tama nga ang sinabi nito.
May kaunting curiosity sa kanyang isip, na gusto niyang hawakan ang mga ito at tingnan kung totoo din bang malambot ang mga iyon kagaya ng sinabi nito sa kanya.
Tumigas ang nasa ibaba ng kanyang tiyan at bigla niyang naramdaman na nag-iinit na naman ang buo niyang katawan.
Mahinahon siyang tumayo, pinatigas ang mukha, at inilayo ang tingin. Iniisip niya kung ano ba ang nangyayari sa kanya.
Nang mapansin ni Lin Che na nagdilim na naman ang mukha nito, naisip ni Lin Che na baka sumusumpong na naman ang sakit nito.
Nilingon niya ito nang may bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. "Bakit? Gu Jingze, may problema ba? Gusto mo tawagin ko ang doctor? Kung alam ko lang kanina, hindi na sana kita pinilit na hawakan ako."
Napakatanga talaga ng babaeng ito.
Iniisip pa rin nito na kaya niya ito nilalayuan dahil sa kanyang sakit?
Sa ngayon ay pangalawa nalang sa iniisip niya ang kanyang allergy. Iba na ang sakit na pinoproblema niya nang oras na iyon.
Hindi niya inaasahan ang ganitong pakiramdam kaya hindi niya maiwasang mairita nang sandaling iyon.
Pakiramdam niya ay kailangan na niyang pormal na isangguni ito kay Chen Yucheng at tanungin kung nagbago na ba ang kanyang sakit kung kaya't nag-iba na ang mga nararamdam niya. Dahil kung hindi, bakit siya nakakaramdam ng ganito?
Wala na siya sa mood para kausapin pa ang napakahinang babae na ito kaya't tumalikod na siya. "Okay. Maayos na ako. Matulog ka na."
"Kung ganoon, pwede ka pa rin bang matulog na katabi ko ngayon? O gusto mong lumabas para doon matulog?"
Nang tingnan niya ang kama, parang ayaw niyang umalis. Ilang sandali lang siyang nag-atubili at sumagot sa kanya. "Malalim na ang gabi. Saan pa ba ako pupunta para matulog? Titiisin ko na lang ito nang ilang oras."
Sumagot lang si Lin Che ng "oh" at umusog nang kaunti para bigyan siya ng pwesto.
Wala lang din naman ito sa kanya. Basta't magiging komportable lang ito na matulog katabi niya, ay ayos lang sa kanya.
Ngayon ay kailangan niya ring isipin ang nararamdaman ng isang tunay na pasyente.
Kahit pa sabihing siya ang isinugod sa hospital.
Humiga na si Lin Che at gaya ng dati ay naglagay siya ng unan sa gitna nila. Nang makita iyon ni Gu Jingze, napaisip siya sa sarili kung may silbi ba talaga ang unang iyon. Subalit, hindi na lang siya nagsalita pa.
Na-realize niya na parang hinihintay niya itong gumalaw mamaya.
Kapag nakatulog na kaya ito at magsimulang maging malikot, sisiksik ba itong muli sa kanyang katawan?
Kung ganoon, sa wakas ay magkakaroon na siya ng pagkakataon na maramdaman kung ano ba talaga ang mayroon sa hugis-melon nitong dibdib���
Nakahiga na silang dalawa sa kama nang hindi nakapatay ang ilaw. Nakahiga si Lin Che habang nagce-cellphone. Nang tumunog ito, nakita niya na mayroong nagpadala sa kanya ng friend request sa WeChat.
Nang buksan niya ito, hindi siya makapaniwalang si Gu Jingyu pala iyon.
Hindi niya mapigilang mapatulala. Ngunit, kaagad din naman niya itong in-accept.
Pagkatapos ay nakatanggap agad siya ng mensahe mula dito. "So, hindi ka pa pala natutulog?"
Nagtanong naman agad si Lin Che. "Big Celebrity Gu, bakit mo ako in-add?"
Naisip ni Lin Che na baka gusto nitong pag-usapan ang tungkol sa isyu nila.
Kaya't mabilis siyang nagtanong. "Tungkol ba ito sa balita? Inaayos niyo na ba ito ngayon?"
Naalala niya na hindi madalas masangkot si Gu Jingyu sa mga ganitong isyu. Sabi pa nga ng ibang tao ay pinakaayaw sa lahat ni Gu Jingyu ay ang malagay ang pangalan sa mga eskandalo, kaya sa tuwing may namumuong isyu, inaayos kaagad nito.
Nagreply din kaagad si Gu Jingyu. "Bakit ko naman kailangang problemahin ang ganitong mga isyu?"
Bahagyang napahinto si Lin Che. "Siyempre, kailangan mo. Hindi mo ba nakita kung gaano kalayo na ang nagawa nilang mga kwento?"
"Nakita ko."
"So, bakit hindi mo ito inaayos?"
"Wala din naman akong mapapala kung aayusin ko 'to. Huwag na lang itong pansinin. Magiging tahimik din ang lahat pagkatapos ng ilang araw."
". . ." Medyo kakaiba ito sa karaniwang istilo ni Gu Jingyu.
"Pero sumosobra na sila at grabe na ang ginagawa nila. Hindi naman yata tama kung hahayaan lang ang ganitong isyu na magpatuloy pa." Pagtutol ni Lin Che.
Pero sumagot si Gu Jingyu. "Wala akong pakialam. Bakit ba masyado mo itong iniisip?"
Dismayado si Lin Che kaya pakiramdam niya'y gusto niya itong pagalitan.
Siyempre, hindi ito makikialam dahil hindi naman ito ang nakakatanggap ng masasakit na salita.
Samantalang siya, matinding panlalait na ang ginagawa sa kanya. Hindi na niya makaya ang mga ito kaya't hindi na rin niya sinusubukang buksan ang kanyang Weibo page. Kapag binuksan niya ito, tambak na mga pagmumura ang kanyang mababasa, palala nang palala ang mga salitang binibitawan sa kanya.
"Hindi maaari ito. Gu Jingyu, iligtas mo ako. Kung hindi ka lalabas para ayusin ito, tiyak na lalala ang sitwasyong ito."
Ngunit, ganoon pa rin ang sagot ni Gu Jingyu. "Bakit naman ito lalala? Sa tingin ko nga ay mabuti din naman ito."
"Kalokohan iyan. Marami ng nagagalit sa akin."
"Titigil din ang mga iyan pagkatapos ng ilang araw."
"Hindi pwede!" Hindi napansin ni Lin Che na naging kaswal na lang ang kanyang pakikipag-usap dito.
"Kung ganoon, magpo-post ako bukas sa aking Weibo at sasabihin ko na huwag ka na nilang pagalitan pa. Kung mayroon man silang gustong sabihin, dapat ay direkta nilang sasabihin sa akin."
Halos mahimatay si Lin Che nang mabasa niya ang sagot nito.
"Kung ganoon, lalo lang nila akong pagagalitan."
"So, ano ba'ng gusto mong gawin ko?"
"Sabihin mo na magkaibigan lang tayo na magkasama sa iisang trabaho at ilang araw palang tayong magkakilala. Sabihin mo na gumagawa lang sila ng kwento mula sa mga larawang iyon at pawing kasinungalingan lang ang lahat ng kanilang mga sinabi." Iyon naman talaga ang totoo.
Pero, ito ang naging sagot ni Gu Jingyu. "Ngunit, paano kung maging tayo nga sa susunod at malaman ito ng lahat? Hindi ba't parang sinasampal natin ang ating mga sarili?"
". . ." Hello, sino ba ang may gustong makasama ka?
"Siyempre, hindi magiging tayo. Huwag kang mag-alala. HInding-hindi mo sasampalin ang iyong sarili." Mabilis na pagpigil ni Lin Che dito.
Nag-send naman ng umiiyak na emoticon si Gu Jingyu. "Nasasaktan ako kapag ginagawa mo ito."
"Kung nasasaktan ka, nasasaktan ka. Ganoon pa man, kailangan mo itong ayusin para sa sakin!"
"Teka lang. Paano ka nakatitiyak na hindi mo pagsisisihan balang araw itong ginagawa mo sa'kin ngayon? Malay natin bigla ka nalang mahulog sa akin at magpumilit kang pakasalan ako?"
"Get lost. Imposibleng mangyari iyan!"
"Bakit naman imposible? Posibleng mangyari ang lahat ng ito."
Walang masabi na tinitigan lang ni Lin Che ang sagot nito. Alam niyang gusto lang siya nitong tuksuhin. Wala itong balak na ayusin ang kanilang problema.
Kaya't matapang at direkta niya itong isinend kay Gu Jingyu: "Tumigil ka na at mamatay! Huwag mong gambalain ang pagtulog ko." Pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin.