"Kababaeng mong tao ang tamad tamad mo, matuto ka nga ng gawaing bahay"
Marunong naman ako ng gawaing bahay eh, sadyang tinatamad lang akong kumilos. Magkaiba kaya ang tinatamad sa hindi marunong.
"Pag ikaw nag asawa lalayasan ka sa katamaran mo"
Edi layasan, wala namang akong asawa kaya walang lalayas, bata bata ko pa eh.
"Matutuyo na ang laway ng umuutos sa'yo hindi ka parin sumusunod"
'Di naman sa 'di sumusunod, sumusunod naman ako medjo matagal nga lang.
"Kumilos kilos ka nga puro ka tulog!"
Dati, lagi niyo kong pinapatulog ngayong natutulog ako ng natutulog ayaw niyo, weird.
"Nang umulan at bumaha ata ng katamaran sinalo mo lahat ano?"
'Di lang ata sinalo eh, ginawa ko pa nga atang swimming pool yung baha, Eww. Tss.
--
Kung pwede lang sila sagutin ng ganyan, sinagot ko na, kaya lang maliban sa nakakatamad, baka mapalayas din ako.
Ilan lang 'yan sa mga palagi nilang sinasabi sa'kin. 'Di na yan bago sa'kin noh! Para lang silang sirang plaka na paulit-ulit.
Ayoko ng napapagod. Lalong lalo na sa bagay na hindi ko gustong gawin.
Mas gusto kong mapagod sa isang bagay na gusto kong gawin.
Sinong mag aakala na isang tulad ko, Na isang tamad kumilos, ay magiging isang-- Ano nga ba ang tawag ro'n? Slave?? Alalay?
Tss.. Anong kalokohan naman 'yan? Ako? Slave?
Oh my gosh. Impossible.