Chapter 4 - Three- First Day

Chast's POV

"Ahhhh!!" Pagiinat ko ng matapos ang binabasa ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili at tumingin sa Wrist watch ko.

"Ahh 8:30." Napatango ako.

Biglang nanlaki ang mata ko. "8:30 na?!" Muli akong napatingin sa relo ko.

Nang mapagtantong 8:30 na nga ay nagmamadali kong niligpit ang gamit ko at tinakbo na ang papuntang Classroom.

Shit! Hahanapin ko pa pala ang Room ko. Damn it!

--

"Tsk, nahanap din kita." Bulong ko ng makarating ako sa tapat ng classroom ko.

I'm so tired as Fuck. Umagang umaga napaka haggard na ng mukha ko, pawisan na din ako at nakalimutan kong magdala ng pamunas. Tsk!

Kumatok na ako sa pintuang nasa harapan ko. Alam kong malapit nang matapos ang First Class ko, pero wala akong pake.

It's better to be late than Never.

Kakatok pa sana ako ulit ng bumukas na ang pintuan at bumungad sa'kin ang isang babaeng sinisigurong Professor ko.

And the thing is.. She's glaring at me.

"Yes? You are?" Tanong pa nito habang nakataas ang isang kilay. Pinigilan ko ang sarili ko na taasan din ito ng kilay. It's your Professor Chast. Manners!

"Ahm.. Chastlett Andrada po" pagkasabi ko nito ay bumalik ito sa table nito at may hinanap sa isang papel.

"Ms. Andrada, please come in"

Agad naman akong pumasok at lumapit sakanya. Ramdam ko ang tingin sa'kin ng mga magiging kaklase ko, nagsisimula akong mailang. Lalo na't pawisan pa ako.

"Why you're late Ms. Andrada?" Tanong pa nito sa'kin habang nakatingin pa rin sa isang papel.

"I don't have an enough time to look around po kaya nag kandaligaw-ligaw po ako bago makapunta dito" Palusot ko. Well, I'm not officially lying. Doon lang sa part na: I don't have an enough time to look around.

Tumango na lang ito at dinapuan na ako ng tingin. "Hmm.. Okay...Kindly go to the front and introduce yourself" Tinanguan ko ito at Pumunta na sa Harapan.

"Hi! I'm Chastlett Andrada. 17 years of age. Nice to meet you all" Sambit ko sa buong klase at binigyan sila ng isang matamis na ngiti.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong klase. Nakita ko si Blue sa bandang likuran na may katabi na isang bakanteng upuan.

Nakita ko din si Akira na nakaupo sa bandang unuhan habang masama ang tingin sa'kin.

"Ms. Andrada, I'm Ms. Julia and I will be your adviser for this Class." Nakangiting tinanguan ko na lang ito.

"Okay Class, Do you have any Question to Ms. Andrada?" Tanong ni Ms. Julia sa buong klase.

Napaangat ang gilid ng labi ko ng Halos lahat sila ay may gustong itanong sa'kin. Except for Akira Of Course. I'm with her since i was a toddler.

"Since halos lahat kayo ay magtatanong, let's start from you" turo ni Ms. Julia sa isang babae mula sa kanan ko.

Tumayo naman ito at nag tanong "Do you love Music?"

"Yes" nakangiting sagot ko rito, Tumango lang ito at umupo na.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Tanong naman ng isang babae.

"Uhm.. Sure?" alanganing kong sagot rito. I don't want to have an another friend. I'm Fine with Akira.

For sure, Blue and that Jasper will be my Friends to. Kaibigan ni Akira eh. I'm Fine with them.

Napatingin ako sa isang lalaki ng magtanong ito. "Ah Chastlett do you have a Boyfriend?"

Natahimik ang buong klase na tila ba'y inaantay ang magiging sagot ko. Me? Boyfriend? I don't have time for that. I'm so lazy to do that thing.

"No, i haven't" Sagot ko.

Hindi ko napigilan ang sarili at umangat na ang isang kilay ko ng biglang nagsigawan ang mga lalaki na mukhang mga playboy at Casanova. Subukan lang nila.

Napakunot naman ang noo ko ng sabay sabay na silang nagtanong sa'kin. What the hell?

"What instrument do you play?"

"Do you know how to sing? Or dance?"

"Can you be our Princess?"

"Are you willing to be our sections representative?"

"What is your favorite color?"

"What course are you planning to take when you're in college?"

"What is your sports?"

"Ano ang gusto mo sa isang lalaki?"

"Do you love sports?"

"Do you love reading?"

"Class that's Enough! Be quiet!!" Sigaw ni Prof. Agad nagsi-tahimik ang mga klase ko.

"Ms Andrada, you may now take your seat anywhere you want" baling naman sa'kin ni Prof.

Kitang kita sa mga mukha nila ang disappointment. Looks like gusto talaga nila ako makilala huh? Ngayon lang ba sila nakakita ng Transferee??

"Chast! Dito ka na lang!!" Sigaw ng isang lalaki sa unahan at tinuturo ang katabi nitong upuan.

Alanganin ko itong nginitian. "I'm Sorry, But I don't want to sit in front." Nakasimangot itong tumango.

I want to sit beside Akira. Since By 2's lang ang upuan. But the seats around her are already taken. Sana pala maaga ako pumasok para nakatabi ko si Akira.

Nadako ang paningin ko kay Blue. May katabi nga pala itong bakanteng upuan.

Nang magtama ang paningin namin ni Blue ay nginitian ako nito at tinuro ang katabi nitong upuan. Agad na akong nagtungo roon at umupo sa tabi ng bintana. Sa kanan ko ang bintana at nasa kaliwa ko naman si Blue.

Pagkaupo ko ay tsaka na muling nag salita si Ms. Julia at Nagkukuwento na ito ng kung ano ano.

To be honest? It's boring. Mukha siyang nagkwekwento ng isang bed time story.

Malalim akong napabuntong hininga.

I, Chastlett Zai Andrada hopes that my whole stay here in SA Will be fine as Fuck.