Chast's POV
I ride my motorcycle and Drive it as fast as i can.
Yeah, I do have a motorcycle. And i bought it with my own money. Asa naman ako na bilhan ako nito nila Mom. They're honestly against with the idea of me driving a motorcycle. It's a Big NO for them.
Tamang Overtake lang ako ng overtake para makarating agad sa school. Yes it's dangerous but i don't give a damn. Baka 'di ako makagraduate neto.
Nang makarating ako sa school agad akong napamura sa daming nakaharang sa entrance ng parking. What the fuck?!
I swiftly rotated my motorcycle away from the school. Mag hahanap na lang ako ng lugar na pwedeng pagparkan.
Ngunit medyo nakakalayo na ako sa school at wala parin akong mahanap na pwedeng pagparkan. Naman oh!
Biglang napawi ang pagkairita ko ng makakita ako ng lugar na pwedeng pagiwanan ng motorsiklo ko.
"My Baby, Cud. Babalikan na lang kita mamayang Break time." Bulong ko sa motorsiklo ko bago dumeretso sa isang tindahan.
"Ayy Hello po, pwede po bang paiwan muna ng Motorsiklo ko dito?" Turo ko sa tabi ng tindahan nito.
"Ahh, Sige ineng. Balikan mo din kaagad bago sumapit ang alasdose ha? Magsasarado kasi ako. Baka may makakuha. Mukhang mamahalin pa naman din 'yang Motorsiklo mo."
Nginitian ko ito. "Salamat po. At Opo, babalikan ko po mamaya around 9 or 10."
"Sige, Sige. Walang problema." Nakangiting tinanguan ko na lang ito at ipinark na ang motorsiklo ko.
Nang masigurado na naka lock at ayos na ang motor ko ay muli akong nagpasalamat sa nagbabantay ng tindahan. Matapaos magpasalamat, Tumingin tingin muna ako sa kalsada bago tumawid.
Nang masigurado kong wala nang masyadong kotseng dumadaan. Tumawid na ako.
*Screeeechhh!!*
Natigil ako sa pagtawid at napaupo sa gitna ng kalsada dala ng gulat. Nagsitalsikan din ang laman ng bag ko. Tangna! Mamamatay pa ata ako ng maaga!
Napatingin ako sa mga gamit ko na naka kalat sa kalsada dahil sa isang estranghero na muntikan na akong mabangga kung hindi nito na preno ang kanyang motor.
Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at kokonti lang ang sasakyan na dumadaan dito. Mayroon ding mga chismosa sa gilid ng kalsada at mukhang nagaabang kung ano ang sunod na mangyayari. Tch.
Tinignan ko ang nilalang na muntik nang makakitil ng buhay ko. Aba't tulala lang si kuya ah? Ano 'to? Staring contest? Tsk.
"Hey!!" Sigaw ko rito. Mukha namang nabalik ito sa ulirat at agad na tinanggal ang kanyang helmet at tumayo para tulungan ako.
Nanlaki ang mata ko. Siya ang lalaking natapunan ko ng Softdrinks!!
Ngunit Bago pa tuluyang tumayo ang lalaking natapunan ko ng softdrinks ay tumingin muna ito sa kanyang Likod na parang tinitignan kung malapit na itong mahabol ng kung sino mang humahabol sakanya.
Nang mapansin na walang humahabol rito. Agad itong lumapit sa'kin.
"Tsk! It's you again" naiiritang sambit nito ng mamukhaan ako at nagmamadali na nitong kinuha ang mga gamit ko at basta basta na isinilid sa bag ko. Buti na lang at hindi na gano'n karami ang dala ko. Tsk.
Nang matapos isilid kinuha nito ang bag ko at pabalya akong hinila patayo at dinala sa tapat ng motorsiklo nito.
Napalingon kami sa likod namin ng may isang lalaking sumigaw. "Young masterrrr!!!"
Liningon naman nang kasama ko ang sumigaw. Bigla itong sumakay sa motor nito at sinuot ang kanyang helmet. Inabot naman nito ang isa sa'kin.
Kinuotan ko ito ng noo. Pilit nanaman nitong inaabot sa'kin ang helmet na tila na pinararating na sumakay ako sa motorsiklo nito.
Aba! Oo natapunan ko ang lalaking ito! pero Hindi 'yon sapat na Rason para sumama ako dito. Late na ako at kailangan ko nang pumasok sa school!
"Tsk! Sakay!" Sigaw nito sa'kin nang 'di ko parin inaabot ang helmet.
Napairap ako. Bakit ako sasakay? 'di ko nga siya kilala! Naiinis na kinuha ko ang bag ko mula rito.
Ngunit Hindi ko pa nakukuha ng tuluyan ang bag ko ng bigla ako nitong hinila at biglang sinakay sa motor niya. Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang sa motorsiklo nito ay agad na niya itong pinaharurot!
Fuck!! Ni hindi pa nga ako nakakaayos ng pagkakaupo!! Balak niya ba talaga akong patayin?!
Agad naman akong humawak sa balikat nito para kahit papaano may makakapitan ako at 'di mahulog sa motorsiklo. Pag talaga ako namatay dahil dito, mumultuhin ko 'to tuwing gabi! I swear!
"Tsk! Alisin mo ang kamay mo sa balikat ko!" Sigaw nito. Dahil sa bilis nitong magpatakbo ay kinakailangan namin sumigaw upang magkarinigan.
"Aba ba't ko aalisin?! E'di na hulog ako kung inalis ko!" Sigaw ko rito.
"Tsk. Tangina." Rinig kong mura nito.
Kinuha nito ang kamay ko at dinala sa bewang nito. 'Di pa ako nakakareact sa ginawa niya ng lalo nitong pinaharurot ng napaka bilis ang kanyang motor, tangina naman! Pag talaga ako nahulog dito! 'di pa ako nakakaayos ng upo!
Liko lang kami ng liko kung saan saan. Wala din akong ideya kung nasaan kami. Nang medyo bumagal ang takbo ng motorsiklo ay inayos ko na ang pagkakaupo ko.
"Tsk! Damn it!" Biglang Daing nito. Napatingin ako sa unahan namin. Dead end.
Bumaba ito sa motorsiklo nito kaya bumaba na rin ako. Luminga linga ito sa paligid.
Nagulat ako ng bigla ako nitong hinila sa likod ng isang abandonadong sasakyan.
"Hoy----" 'di ko natuloy ang pagangal ko ng agad nitong tinakpan ang bibig ko.
Nang akmang tatanggalin ko ang kamay nito mula sa bibig ko ay biglang may nagsalita mula sa pwesto namin kanina.
"Tsk. 'Asan na si Young Master? Yare tayo neto." Problemadong saad ng lalaking may malaki ang katawan. Dalawa ang lalaking nakikita ko na may malaki ang katawan. Mukha silang bodyguard sa mga suot nitong damit.
Sinaamaan ko ng tingin ang lalake na nasa harapan ko at tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Ew.
"Tara, tignan natin do'n!" Turo ng bodyguard sa kabilang bahagi mula sa pwesto namin.
Nang makalayo na sila ay agad na kaming lumabas sa pinagtataguan namin. Napatingin ako sa relo ko. Napamura ako sa inis ng sampung minuto na lang ay tapos na ang 1st subject ko.
Tsk! Iiwan ko na nga itong nilalang na 'to! Sa susunod ko na lang papalitan ang damit niya na natapunan ko ng Juice!
"Hey, Where are you going?" Tanong nito sa'kin. Inirapan ko na lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad papalayo rito.
Pahakbang na ako ng isa pang hakbang pero agad niya ako hinila ng pagkalakas-lakas. Ouch! Sino ba ito at nanghihila?! Masakit 'yon ah!
"Fuck, What do you think your doing?!" Impit kong sigaw rito ng parehas kaming matumba sa ginawa nitong paghila.
Akmang tatayo na ako ng bigla ako nitong hinila papalapit sa kanya. Napahawak ako sa matigas nitong dibdib.
"Stay Still.." Bulong nito habang hawak ang isang kamay ko na pinanghila sa'kin.
Sinamaan ko lang ito ng tingin at muling nag akmang tatayo. Ngunit hindi ko natuloy ang pagtayo ng muli ako nitong hinila.
"Don't move." May halong diing sambit nito habang masamang nakatingin sa mga mata ko.
Dahil masunurin akong babae gumalaw pa rin ako at pilit inaalis ang pagkahawak nito sa pulsuhan ko.
"Sabihin na natin kay Master na natakasan tayo ni Young master. Tsk tara na nga!" Natigil ako sa pagpupumiglas ng muli kong marinig ang boses ng mga Humahabol dito sa kasama ko.
"Teka Hindi pa natin sila nahahanap dito!" Sambit ng isa.
Kinabahan ako. Hindi dahil sa baka mahuli kami kundi dahil baka makita nito ang pwesto namin ng kung sino mang lalaking ito.
Nasa ibabaw ako nito habang siya ay nakahawak sa pulsuhan ko sa tabi ng abandonadong sasakyan?! Damn Embarrassing.
"'Wag na! Anong oras na oh! Mas malalagot tayo kapag 'di tayo nakapunta ro'n" Muling sambit ng isa.
Nanahimik ang buong paligid. We stayed in that position for about a minute. Nagsisimula na rin akong mailang. Tsk! Nang makasigurado na wala na ang presensya ng mga humahabol sa kasama ko ay agad na akong tumayo.
Pagkatayo ko, tumayo na din ito. Nang magtama ang mga mata namin inirapan ko na lang ito.
"May dumi??" Tanong pa nito at tumalikod sa'kin.
"Wala, Tch." Nakasimangot kong sambit rito. Nang muling mag tama ang paningin namin ay muli ko itong inirapan.
Tinalikuran ko na lang ito at Naglakad patungo sa Motor nito dahil NANDOON ANG BAG KO!
Nang kukuhain ko na ang bag ko ay agad akong nitong naunahan.
"Hoy! Kanina mo pa kinukuha bag ko ah! Sa'yo ba 'yan ha?! 'Akin na nga!" Nang kukuhain ko na mula sa kamay nito ay agad niya itong itinaas.
Kinuotan ko ito ng noo. Porket ba na hanggang balikat lang ako nito ay mamaliitin niya na ako? Tsk.
Tumalon ako ng pagkataas taas para lang maabot ang bag ko. 'Di naman ako nabigo roon. Ngunit wala din itong epekto dahil napaka higpit ng pagkahawak nito.
Sahalip na magtatalon. Sinamaan ko na lang ito ng tingin.
"Ano ba?!" Sigaw ko.
"Tsk. Tara na baka balikan pa tayo ng mga gunggong na 'yon" sabi pa nito at inilagay na ang bag ko sa harapan nito at sumakay na sa kanyang motor. Ginagago ba ako ng isang toh?!
"Ano 'di ka sasakay? Okay lang naman sa'kin kung ayaw mo." Sabi pa nito at inistart na kanyang motor.
Sira ulo ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala at talagang dinala niya pa ako dito sa malay ko kung saang lupalop na lugar tapos iiwan niya ako? Wow ha!
"Kung gano'n bakit mo naisip na iwan ito kanina kung hindi mo naman pala alam kung nasaan ka?" sabi ng maliit na boses sa utak ko.
I mentally rolled my eyes. Naisip ko lang na umalis kasi nga LATE NA AKO.
Sana nga 'di ko na naisip umalis dahil kita niyo naman ang kinalabasan! Na out of balance kaming dalawa. Tch.
"Ano 'di ka talaga sasakay?" Nabalik naman ako sa ulirat ng magsalita ulit ang lalaking nasa harapan ko.
Inirapan ko na lang ito at sumakay na sa kanyang motor. Sinigurado ko na maayos na ang pagkakaupo ko dahil baka paharurutin nanaman nito ang motorsiklo niya at tuluyan na akong bawian ng buhay. Tsk.