Chapter 2 - One- Her

Chast's POV

"ANO BA 'YON?!" Sigaw ko kay Akira matapos nitong guluhin ang payapa kong tulog.

"Dali na!! Bumangon ka na kasi!! Late na tayo!!!" Sigaw nito sa'kin at hinila ang Comforter ko.

"Anong tayo?! Baka nakakalimutan mo na magkaiba tayo ng school?!" Sigaw ko rito sabay hablot ng comforter ko at muling humiga.

"Zai, sabi ko naman sa'yo Na enroll ka na namin ni Tita. Dali na pleasseee?? Late na tayoo."

Hindi ko ito pinansin at nagtakip ng unan. Ako na enroll?! Impossible! Hindi pa nga ako nakakapag entrance exam.

"CHASTLETT ZAI ESTEVEZ ANDRADA!! ANO BA?!" Sigaw nanaman ni Akira at pinaghihila ang mga unan ko.

Naiiritang bumangon ako at hinarap ito. "Akira Next Month pa ang pasok ko! Tigilan mo ko sa kalokohan mo ha? Inaantok ako." Sambit ko rito at hinablot ang unan mula sakanya.

"Zaiii!!! Malelate na tayo!! Bangon naaaaa!!!" Sigaw nito sa tapat mismo ng tenga ko.

Muli akong bumangon. "Balak mo ba akong gawing binge?!" Naiirita kong sambit.

Nginitian lang ako nito. "Oh Edi bumangon ka rin!" Napairap ako.

Akmang muli akong hihiga ng may braso na humarang sa likuran ko. "Hep Hep Heppp!!! Wag ka na humiga!!" Sigaw nanaman nito at hinila na ako patayo at sa pilitang tinulak papasok ng banyo.

Nang makapasok ako ay agad nitong sinarado ang pintuan. "Maligooo ka na Zai!! Aayusin ko na isusuot mo!!" Rinig ko pang sigaw nito mula sa labas.

Napatingin ako sa salamin. Wala sa huwisyong tinitigan ko ang repleksyon ko na papikit pikit. Inaantok pa talaga ako.

"CHASSTTLETTT!!! 'WAG KA NANG MATULOG SA BANYO!!!" Nabalik ako sa ulirat ng gumalabog ang pintuan ng banyo.

"Oo na!! 'Di naman ako natutulog eh!!" Sigaw ko pabalik. Pinikit ko ang mata ko at bahagyang umiling. Marahang tinapik ko din ang magkabila kong pisngi para gisingin ang diwa ko.

"ZAI!!! MALIGO KA NA!!!" Sigaw nanaman ni Akira.

Tsk, Ano ba 'yang bunganga ni Akira! Napaka ingay! Nakalunok ata talaga siya ng microphone. Hindi na lang ako kumibo at sinimulan nang maligo.

---

Sa kalagitnaan ng pagligo ko ay narinig kong kumatok si Akira.

"Zai, kailangan na ako sa School. Una na ako ha? Alam mo naman na ata ang name ng School ko. Serendipitous Academy 'yon ha?? May GPS naman ang kotse mo search mo na lang. Tanga ka pa naman din pagdating sa direksyon." Hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ang pagligo.

"Unaaa na ako ha?!! Sasarado ko gate niyo don't worry!!!" Sigaw pa ni Akira bago ko marinig ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko.

That Girl is my Bestfriend Akira. Ginulo niya ang tulog ko dahil Unang Araw ko na daw sa paaralan.

First day?! Seriously?!

Napailing na lang ako. Tinapos ko na ang pagligo bago lumabas na ng banyo. Agad ko din nakita ang damit na hinanda ni Akira.

It's a simple ripped jeans, a dark blue shirt and a black chucks. 'Yon na din ang napasyahan kong suotin. 'Yon na ang nakahanda eh!

Matapos magbihis kinuha ko na ang maliit kong Backpack na halos walang kwenta ang laman. Tanging Cellphone, wallet at pocket books lang ang laman nito.

May Papel at Ballpen naman si Akira. Hihingi na lang ako.

Pagkababa ko mula sa kwarto, as usual walang pagkain. Mag isa lang ako eh.

When i Say mag isa. It means "ALONE" as in mag isa talaga. Walang maids, driver, gardener, cook o kung ano pa man 'yan. Kaya libreng libre na magsisigaw si Akira dahil ako lang ang makakarinig. Kamusta naman ang tenga ko diba?

Tinanggalan ako ng maids nila Mom para matuto daw ako kumilos kilos.

Mom and Dad really hate when I'm not doing anything. Gusto nila, Pag busy sila dapat busy rin ako.

Yes fine. I'll admit it. I'm Lazy as fuck. Oo na kababaeng tao ang tamad tamad ko. Tsk, the hell I care.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Hudyat na mayroong tumatawag.

"Oh?" Bungad ko Kay Akira ng sagutin ko ang tawag nito.

"Zaii!!! Faster na, punta ka na here! Now na!!"

Napangiwi ako sa kaconyohan nito. "Kelan ka pa natutong maging Conyo?"

"Hehehe, Sorry. Kasi naman may nakausap akong Conyo kaya na adapt ko." Napairap ako.

"Pero Chast Punta ka na dito. Dali naaaa."

"Teka nga Akira. Pa'no ako naging Estudyante d'yan sa School niyo?!" Nagtataka kong tanong rito. Narinig kong humagikgik ito sa kabilang linya bago muling magsalita.

"I Replace your examination paper with a Entrance exam last school year!!! Ang galing ko noh?? Pumayag na din naman si Tita na ilipat ka rito. Ewan ko nga kung paa---" bago pa mapahaba ang kinukwento nito agad ko na itong pinutol.

"Okay, I get it. Pero pa'no mo napalitan ang Exam ko last School Year?" Sambit ko kay Akira habang naglalakad papuntang kusina.

"With the help of Tita Zeira ofcourse. Buti na lang talaga malakas powers ko kay Tita." Napailing ako at kumuha ng cup noodles sa isa sa mga Cabinet.

"Tch, Okay." Sambit ko kay Akira habang nilalagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ko.

"Bakit nga ba 'di ko naisip 'yon?" Bulong ko sa sarili. Bakit nga ba? With Mom's Connection? Nothing's Impossible.

"Duhhh! Never ka kaya sumama sa mga business related meeting or events ng mga magulang mo! Hmph! Naiingit nga ako kasi napaka Private ng life mo tapos sa'kin ang daming plastic ang nakapalibot." Reklamo pa nito sa'kin.

Napangisi ako. "That's the reason kung bakit ayoko ma-expose in terms of business. Wala akong gana makipagplastikan." Binitbit ko na ang noodles ko papuntang lamesa.

"Well, Aantayin ko na lang ang panahon na makikilala ka na. Sayang din ang mukha mo kung 'di mo gagamitin! Gaya nga ng sabi ni Kyle, Magaganda ang lahi ng Andrada!! Syempre 'di din papahuli ang mga Turner!" Sigaw nanaman nito.

"Ano naman kinalaman ng mukha ko dito?" Nakasimangot kong sambit rito habang sinisilip kung okay na ang noodles ko. Nang mapansing ayos na ito ay sinimulan ko na muna itong haluin.

"Zai! Once na makilala ka for sure na biglang dadami ang mga Fans mo!! Ngayon na Private pa ang life mo ang dami mo ng Followers sa Social Media! Partida minsan ka lang mag post ng picture!!"

Hinipan ko ang noodles na nasa tinidor ko. "Wow, nahiya naman ang Followers ko sa Followers mo." Sarkastikong sambit rito bago isubo ang noodles.

"You don't get my point, noh Zai?"

"Gets ko Akira, Okay? Kumakain ako. Kaya wag kang magulo." Sambit ko rito sa kalagitnaan ng pag nguya.

"[Akira, Kailangan ka na sa Field sabi ni Pres] " Sambit ng isang boses sa kabilang linya. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Ahh Okay.. Okay. Sabihin mo do'n On the way na!" Rinig kong sagot ni Akira sa kausap. Sino naman kaya ang kausap nito?

"Zaaaaaiiii!!" Sigaw nito.

"Hmm??" Tanging sambit ko.

"Huhuhuhu I need to go na. May need pa akong gawin eh. Pero Don't forget na mag GPS ha? 'di ka pa nakakapunta dito eh. Baka maligaw ka! Bye Bye!! Love you!!" Hindi pa ako nakakasagot rito ng maputol na ang linya.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang kinakain kong Noodles.