Chast's POV
"Serendipitous Academy" Basa ko sa gate ng bago kong school.
Matapos ko maipark ang sasakyan sa parking lot ay pumasok na ako sa loob ng campus.
Hindi na ako nagulat na may parking lot itong paaralan na ito dahil narinig ko na isa din itong sikat na paaralan sa buong pilipinas.
Pagkapasok ko ay namangha ako sa nakita. Ganito rin naman sa dati kong school pero 'di hamak na mas malaki ito kasya do'n.
Pero Saan ba dapat ako pumunta? Sa Classroom?
Mula sa kinatatayuan ko ay may natanaw akong isang bulletin board at napakaraming papel ang nakapaskil do'n.
Lumapit ako sa bulletin board at nadako ang paningin ko sa pinaka malaking papel na nakadikit rito.
Good Morning Students! Welcome to SA!
All Transferee. Kindly proceed to the Principal's office to get your ID and your schedule. Also your Room Number.
While the old students of SA. Please proceed to your respective classroom and wait for further announcements.
Have a Good Day! Thank you!
Kumunot ang noo ko. I need to go to the Principal's office? At paano naman ako pupunta do'n?!
Naiiritang kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Akira.
The number that you have dialed cannot be reached at the moment, please try again later.
"Fuck." Mahigpit akong napahawak sa Cellphone ko. Bakit hindi nito sinasagot ang tawag ko?!
"Hey! Excuse me. You need help?" Napalingon ako kung sino ang nagsalita sa tabi ko.
Napaangat ang kilay ko ng mapansin na puro asul ang nasa katawan nito.
Asul ang polo na suot nito habang nakabukas ang dalawang butones. Naka Blue din ito na sumbrero. Napatingin din ako sa bag nito na kulay asul. Seriously?
Nginitian ako nito. Nanatiling nakataas ang kilay ko. Napansin ko rin na napaka lalim ng dimples nito. Medyo singkit rin ito at may katangkaran dahil hanggang leeg lang ako nito.
"Hey miss.."
"Uh.. Why? You need anything?" Taas kilay kong tanong rito.
"Anyway, Are you Ms. Andrada?"
Kumunot ang noo ko. "Uhm.. Yes?"
"Great! Tama nga ang sinasabi ni Akira na laging nakataas ang kilay mo! Nakilala na rin kita!" Nakangiting sambit nito. Lalong kumunot ang noo ko.
"You know Akira??" Tumango ito.
"Are you... Jasper or Blue??" Tanong ko rito. 'Yan lang kasi ang mga pangalan na laging binabanggit ni Akira sa'kin.
Parang kilala ko na nga rin ang dalawang 'yon dahil sa kwento ni Akira. Halos araw araw ba naman na sila ang bukang bibig ni Akira.
They've been classmates since High school. Magkaklase kami ni Akira from Nursery to Elementary. Nagkahiwalay lang kami nitong highschool. But that didn't stop our friendship.
Tinawanan ako nito."My name is Blue and Yeah, I love the color Blue like my name! And I'm not Jasper. Lagi siguro kami kinukwento ni Akira 'no?"
Nakangiting tinanguan ko ito. "Sabi na nga ba eh!!" Sambit pa ni Blue.
Napangiti na lang ako sa kakulitan ni Blue. No wonder naging close sila ni Akira.
"So let's go? Lahat kasi ng students nasa Field na, kaka-announce lang kanina" Sabi pa nito at matamis akong nginitian.
"Ahh Okay. Pero kasi sabi rito.." tinuro ko ang papel na nakapaskil sa bulletin board."I need to go to the Principal's Office."
"Then Let's go to the Principal's office. Shall we?" Sabi pa nito. Tinanguan ko na lang ito.
Nginitian lang din ako ni Blue at nauna nang maglakad. Agad din naman akong sumunod.
"By the way.. I'm the Student Council President here hehehe" Todo ngiting sambit nito sa'kin. Muli ko itong tinanguan.
"If you still don't know my name I'm Chastlett Zai. But just call me Chast" simpleng pagpapakilala ko rito.
Tinanguan lang ako nito habang may malawak na ngiti at nagpatuloy na sa paglalakad.
Maya maya lang ay Tumigil si Blue sa paglalakad at tinuro ang isang pinto na nasa tapat namin."So Chast, Eto na yung Principal's office"
"Una na ako sa Field ah. Kailangan ako do'n eh. Nandoon na rin si Akira. Bye!" Paalam nito sa'kin habang kumakaway papalayo sa'kin.
Nang mawala na sa paningin ko si Blue ay Kumatok na ako sa pintuan na nasa harapan ko. Nang narinig ko ang 'come in' mula sa loob ay tsaka palang ako pumasok.
"Good Morning Ms?" Agaran na Bati sa'kin ng sinisiguro kong Principal ng paaralan habang busying busy sa pagta-type sa computer nito at 'di man lang ako dinapuan ng tingin.
Mukha siyang masungit to be honest. I think he's just around 20's? To young to be a Principal.
"Ms. Chastlett Zai Andrada Sir" sagot ko rito.
"Okay, Ms. Andrada, a minute" pahayag nito at muling nagtipa sa computer.
Maya maya lang ay may hinahanap na ito sa isang kumpol na mga papel, na sinisiguro kong puro schedule ang laman.
Nang mukhang mahanap na nito ang schedule ko, bumaling ito sa isa pang basket na sinisigurado kong lalagyan naman ng mga Id.
Pa'no kaya ako nagka-id ng 'di kinukuhaan ng picture?
Nanatili parin akong nakatayo habang pinagmamasdan ang ginagawa ng principal. Wala ba siyang balak na paupuin ako? Nangangalay na ako kakatayo eh.
Napansin kong bahagya itong natigilan sa paghahanap ng id. "Andrada?" Bulong nito na may halong pagtataka, Ngunit 'di rin nagtagal ay napailing ito at muli nang nag patuloy sa paghahanap.
"Chastlett Zai?" Tawag nanaman nito sa'kin na may halo paring pagtataka, Muli rin itong natigilan ng makita nito ang Id ko.
"Yes Sir, Any problem po?" Nagtataka ko ring tanong sakanya.
"Ohh.. Nothing" Sambit nito at muling napailing.
"Here's your Schedule, your room is in XII-A1 it's in the 4th floor just find it" sabi niya at sabay abot sakin ng Schedule ko.
4th floor? For sure may Elevator naman sila 'no? Kapag wala ay mag papadrop out na lang ako. Araw araw akong maghahagdan paakyat sa 4th floor? Hell no.
"And Here's your ID, this Id should be worn while inside the school premises" sabay abot nito ng Id ko. Well, my face looks okay in here. Saan kaya nila ito nakuha?
"But Before you Proceed to your room, Kindly proceed to our Field, we have our 7am Flag ceremony during Monday and Friday. And since it's Monday, We have a Flag Ceremony and..." Tumigil muna ito sa pagsasalita at tumingin sa kanyang relo.
"You're already late so you must go to the Field right now" aniya nito at agad na ring bumalik sa ginagawa niyang pagtitipa sa Computer nito. Yumuko na lang ako bilang paalam.
Pagkalabas ko ay may natanaw akong Cafeteria. Doon na muna ako pupunta bago tuluyang pumunta sa Field.
I look at the time. 7:25am.
Late naman na ako so kakain muna ako. I'm already late so why not sulitin ko na? First day pa lang naman eh.
Pagkadating sa Counter ay Bumili na lang ako ng Juice at ng isang sandwich, bumili na rin ako ng ilang chichirya, incase na nagutom ako atleast hindi na ako bababa ulit.
Nang makuha ko na ang order ko ay umupo na ako sa bakanteng upuan as i scan my schedule.
Three classes in the morning. Lunch break. Three Afternoon Classes. Then Dismissal.
That's my schedule next week. Nabasa ko rin kanina sa bulletin board na half day lang ang pasok ko ngayon at Puro orientation lang daw ang magaganap this week.
Tinago ko na ang Schedule ko at Inubos na ang kinakain.
Bigla kong naisip ang dati kong school. Wala naman akong kaibigan do'n. Tanging aral at tulog lang ang ginagawa ko.
Kaaway? Marami. Mga insecure.
Nang maubos ko ang kinakain ko doon ko palang naisipan na pumunta sa Field.
But the Problem is Where the heck is that field?! Ano 'yon lilibutin ko itong buong SA para lang hanapin ang Field? No thanks.
Nanatili na lang ako sa Cafeteria at nilabas ang isang Pocket book ko. I'll just wait for my classes to start.