Dear Diary,
I always wanted someone who will stay with me and will always be by my side. Ang sarap siguro nang feeling na may taong alam mong hindi ka iiwanan at pababayaan. Kaya lang... Lord naman, nananadya ka ba? Parang nang-iinis ka na ah? Bakit ganito ang ibinigay mo sa akin? Daig pa ang linta kung makadikit! Buti sana kung pwede kong lambingin kaso hindi!
Parang anino kung makasunod sa akin si Jenny. Naiintindihan ko naman kung sasamahan niya ako sa labas ng bahay kasi hindi ko pa kabisado ang mga pasikot-sikot dito sa UAE. Sa interview ko kasama ko siya hanggang sa opis ng manager at siya pa mismo ang sumasagot sa mga tanong. Ang masama ay nagpakilala pa siyang asawa ko.
"I'm confused, who's the one applying for the job? Is it you or your wife?" the manager teases me with a smirk on his face. I know he is saying it out of sarcasm.
I was about to answer his question when she butt-in our conversation. "Technically, he was the one applying for the job. But he is new in this country and I'm just helping him out," she replied. "He is a skillful person, very hardworking and fast learner. I'm pretty sure that in no time he will familiarize his way around here," she confidently said.
"Madam, are you looking for a job? Would you like to work for me instead of him?" He pouts his lips pointing at me. He may sound like he's joking but I can tell he is half serious about his proposal to Jenny. "Mr. Akibe, tell me, why should I hire you?" he said with a deep-toned very intimidating voice and glaring at me as if he will eat me alive.
"My wife is going to kill me if I didn't get this job!"
Biglang tumahimik ang kapaligiran. Mali 'ata ang naisagot ko, bakit ko ba kasi nasabi iyon? Lalong lumabas tuloy na under ako kay Jenny. Hindi ko inaasahan ang magiging reaction ni Mr. Mebarek, bigla siyang tumawa ng malakas halos umalingawngaw sa buong office niya.
"Oh God, I can't stop laughing," he said. "I like you Akibe, I can use a good laugh once in a while!" He continues laughing until he said, "I will let you stick around in my company and we'll see if you got what it takes to be here. Congratulation, you're hired!" He smiled at me and extend his hand to give me a handshake.
Just like that, I got the job. Ang totoo, siguro for formality lang ang interview at since may backer ako kaya mabilis ko nakuha ang trabaho. Iba talaga ang charisma ni Leslie na secretary ni Mr. Mebarek at mabilis niya ako naipasok dito at syempre sa tulong na rin ni Jenny, siguro natakot din si bossing sa kaniya kaya napilitan siyang tanggapin ako.
Si Medhi Mebarek ang boss ko na half Algerian and French. Single at sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad niya sa akin. Siya ang CEO ng Eurovision Graphic Design Co. dito sa Abu Dhabi. Ang mga ganiyang lahi, lalo na at mayaman kahit bata pa ay madali para sa kanila magtayo ng business. Technical admin ang position ko dito, pero parang all around naman ako kasi kung ano ang iutos niya kahit hindi scope ng work ko ay no choice ako kung hindi sundin at gawin. Three thousand dirhams ang starting rate ko. Hindi na masama para sa taong walang experience sa office work.
GAGO's Lesson 101 no. 107: Learn to get along with others. Lalo na at baguhan pa lang sa trabaho dapat marunong kang makisama at maging team player. Kung gusto mong magtagal sa trabaho.
Hindi lang sa trabaho ang pakikisama na ginagawa ko pati pagkatapos ng trabaho. After office hours ay nauuwi sa happy hours. Halos gabi-gabi ay isinasama ako ni bossing sa lakad niya. Ang sabi niya ay meeting with the clients daw, pero hindi sa office or simpleng dinner meeting ang pinupuntahan namin kung hindi bar at night clubs. Palibhasa ang mga ka-meeting namin ay mga Briton. Mahihilig daw talaga ang mga iyon mag-inom.
Sabi ni Jenny normal lang daw iyong sumama ako sa kanila pagkatapos ng trabaho. Kaya para matuwa ang amo ko ay sumama na lang daw ako sa kanila. Mabuti na lang talaga at pagdating sa inuman ay sanay na ako, ang main concern ko lang ay under rehabilitation pa rin ako. And I've been sober for three weeks already. Ilang beses ko na rin iniwasan ang uminom pero sa pagkakataong ito ay mukhang kailangan ko nang pagbigyan si bossing at nakakahalata na siya sa tuwing tinatanggihan ko ang alok niyang alak.
At Heroes Bar...
"Yujin, order any drink you want it's all charge in the company," sabi ni Medhi sabay kindat niya sa akin. Para-paraan talaga para mairaos ang bisyo. Pinaghahalo ang trabaho at luho. Tinignan ko ang listahan ng mga inumin. I was thinking of having cocktails, but for sure he will just tease me and tell me that it's for pussies. Since I don't want to get drunk, I just chose Radler. It's lighter than an ordinary beer. Paniguradong 'pag nalasing si bossing ako na naman ang magbubuhat sa kaniya pauwi.
GAGO's Lesson 101 no. 108: Never mixed business from pleasure and leisure. It never ends up well.
Napakaraming babae ang nakatambay sa bar noong gabing iyon. Sabi ni boss, lady's night daw kasi libre ang cocktail at may discount sa drinks ang mga babae. Kaya pala marami rin ang lalaki para sa kanila "moment na this!"
"Look at them Yjn, you can choose whoever you want," he said while pointing fingers on the girls sitting at the counter. "Did you know that they are prostitutes?"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon sa amo ko. Karamihan ng nakatambay doon ay pinay ang iba ay Russian, Chinese, Lebanese at Morrocan. Lahat sila ay sexy, maganda at matatangkad.
"Prostitute? They all look like models!" I astonishingly said to him.
"Because most of them were flight attendants," he whispered. "Hooking up with businessmen and rich guys is their part-time job." He smirks, and then drinks his whiskey.
Ayon sa boss ko, mga first class prostitute daw ang matatagpuan sa loob ng bar habang mga low class prostitute naman daw ang mga matatagpuan mo sa kalsada at nakatambay sa mga eskinitta. Normally, puro mga laborers at orinary workers lang ang mga na-pick up sa mga ganoon. Mura lang din ang singil ng mga low class prostitutes kumpara sa mga high class na sobrang high maintenance.
"I'm going to pass," mariing pagtanggi ko sa kaniya. "I'm married remember?"
"Kaliwali married! Shuhada, your wife will not know!" Sabay tawa niya ng malakas.
GAGO's Lesson 101 no. 109: Huwag basta magpapadala sa tukso. In short, huwag kang marupok!
"No thank you boss," nahihiya kong sinabi at napangiti na lang ako sa kaniya habang paunti-unti kong iniinom ang aking beer. Ayaw ko kasi madaliin ang pag inom at baka umorder ulit siya pag nakita na paubos na ang beer ko.
"Okay if that's what you want. I can't blame you," He said. "Your wife is scary, she's giving me the chill!" Sabay tayo niya sa upuan. "That one is staring at me, I think she likes me. I better get going. Girls don't like waiting." He winked at me and transferred to another table where he saw the girl.
Pagkalipat niya ang kabilang mesa ay tumayo na rin ako at nagpaalam na uuwi. Pagod na rin ako sa trabaho at gusto ko na ring magpahinga. Mabuti na lang at kinabukasan ay day off ko kaya hindi ko kailangan gumising ng maaga.
Kahit gabi na ay madami pa rin ang gising sa bahay. Ganito nga siguro dito sa Abu Dhabi, nagsisimula pa lang ang kasiyahan pag sapit ng gabi. Kung sa tanghali at hapon ay sobrang tahimik at nakakabagot, sa gabi naman ay napakaraming tao ang pakalat-kalat sa kalsada. Kahit mga mall at restaurant ay bukas hanggang alas dose nang madaling araw.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto para hindi ako makaistorbo sa mga natutulog. Pero pagpasok ko ay gising pa si Debby at Leslie.
"Aba, gising pa kayo," bati ko sa kanila. Nilinga ko ang mga mata ko sa paligid at napansin na wala si Jenny. "Si Jenny?" tanong ko.
"Wala, may date," kaswal na sagot ni Debby.
I froze for a while trying to process the situation. I feel like my soul abandoned my body and my color turned in to pale.
"Alam na nila na hindi totoo ang kasal namin? Hindi ba kami mapapahamak sa ginawa ni Jenny? Paano kung mabuko kami? Makukulong ba ako o made-deport?" patong-patong ang tanong sa aking isip.
"Okay ka lang brader?" pag aalalang tanong ni Leslie. "Mukhang naparami ang inom mo ah," dagdag pa niya.
"O-okay lang ako," nauutal kong sagot.
"Aware ka ba na hindi totoo ang kasal niyo ni Jenny?" tanong ni Debby.
"Oo naman, " mabilis kong sagot. "Pero hindi ba delikado na nakikipag-date siya sa iba kahit na kunwari may asawa siya?" tanong ko.
"Ano ka ba? Iyong papel ninyo ay para lang sa mga inspector na magtatanong kung sakali na may bumusita dito. Bawal kasi ang lalaki at babae na magkasama sa iisang kwarto," paliwanag ni Debby.
"Malaya kayong makipag-date sa kung kanino niyo gusto. Kaya huwag kang mag alala at walang pipigil sa inyo," pag kompirma pa ni Leslie. "Iyong katabing kwarto nga natin, pareho silang may asawa sa pinas pero dito kunwari kasal sila," may chismis pa!
GAGO's Lesson 101 no. 110: Huwag masyadong assuming! Hindi porque nag-date ay magjowa na, hindi porque maasikaso, malambing, mabait ay may gusto na agad sa'yo at lalong hindi dahil crush mo ang isang tao ay mag-crush back na rin siya sa'yo.
"Ganoon ba?" Bigla akong nakahinga nang maluwag at napanatag ang loob.
"Hindi lang mga pinoy ang gumagawa niyan pati ibang lahi," wika ni Debby. "Wala ring pakialam ang landlord natin kung ano ang status natin dito. As long as nagbabayad tayo ng renta at hindi tayo gagawa ng problema!"
Ilang saglit pa ay dumating na si Jenny...
"Musta ang date?" nakangiting tanong ko sa kaniya may kasamang panunukso.
"Ayos lang," nahihiya niyang sagot. Mababakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat hindi niya 'ata inaasahan na maaga akong uuwi. Parang nailang siya bigla sa akin at hindi makatingin sa aking mga mata. "Bakit ang aga mo 'atang umuwi, musta naman ang inuman?" Pilit niyang iniiba ang usapan.
"Ayos lang, umalis na ako nang maaga at may ka-table si boss. Ayaw ko naman maging third wheel sa kanila," nakangiti kong sinabi.
"Ganoon ba?" pagkasabi niya ay lumabas siya ng kwarto at pumunta sa banyo para maghilamos at magbihis ng damit. Saglit lang ay bumalik na rin si Jenny at humiga na sa kaniyang kama sa baba ng double deck.
"Jenny, bakit hindi mo sinabi na may boyfriend ka?"
"Personal na buhay ko na iyon at wala ka nang pakialam," mataray na sagot niya.
"Bakit ka pumayag na magpanggap na asawa ko? Hindi ba magseselos ang boyfriend mo?" nag aalala kong tanong.
"Hindi ko pa siya boyfriend, ka-date ko lang siya at wala ka na roon," naiirita niyang sagot.
"Jenny..." bago ko pa ituloy ang sasabihin ko ay inunahan na niya ako.
"Yujin, pagod ako at gusto ko na magpahinga. Bukas na tayo mag usap, pwede ba?"
Hindi na ako nangulit pa, umakyat na ako sa itaas ng double deck at humiga.
"Yujin, huwag mo na isipin iyon. Nangako ako kay Edward at Denise na ako ang bahala sa'yo dito. Iyon ang dahilan bakit ako pumayag. Sana huwag mo na alamin ang personal na buhay ko, gawin mo ang gusto mo at gagawin ko ang gusto ko," iyon ang huling sinabi niya sa akin bago kami matulog. Hindi na ako sumagot pa.
GAGO's Lesson 101 no. 111: Respect other people's privacy. Hindi dahil close kayo o may pinagsamahan ay dapat alam mo na ang lahat sa kaniya. Hindi lahat ng bagay ay pwede natin share at sabihin sa lahat.
Mabuti na lang at hindi pa uso ang Tulfo noong mga panahon iyon. Kung hindi, baka napakaraming pinoy ang magrereklamo dahil sa mga isyung pakikiapid at baka isa na ako sa mga tinatawagan ng stafff ni Tulfo at mapapanood sa TV.
Your Neighborhood GAGO,
Yujin