Chereads / Ang Diary ng GAGO part 2 / Chapter 13 - Journey Entry 12: Beyond my reach

Chapter 13 - Journey Entry 12: Beyond my reach

Dear Diary,

First day ng work ko at excited na akong pumasok. Sobrang aga rin nang gising ko. Sa totoo lang, hindi talaga ako masyadong nakatulog kaka-abang na mag alarm ang relo ko. Ayaw ko kasi ma-late sa unang araw ko. Maaga akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para umihi.

"Good morning manoy! Wala munang session ngayon at first day ko sa work," bati ko sa alaga kong maaga ring nagising. Palibhasa kulang sa kalinga. Palabas na sana ako ng banyo nang magbago ang isip ko. "Maaga pa naman kaya pwedeng mag-quickie kahit five minutes!" And the rest is history...

GAGO's Lesson 101 no. 122: Early bird eat early breakfast! Start your day with a smile. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong nahuhuli. Mas maganda na ang mas maaga para mas maraming matapos na gawain at hindi nagagahol sa oras. May time pa mag-quickie!

Sa sobrang sabik ay hindi naman tumagal nang isang minuto ang bonding namin ni manoy. Pagka-labas ko ng banyo ay dumiretso na ako sa kusina. Balak ko magluto muna para sa mga dalaga bago ako maligo at maghanda sa pagpasok. Laking gulat ko nang makita ko si Jenny na nagluluto ng almusal. Patay tayo diyan!

"Bakit ang aga mong gumising?" tanong ko.

"Hindi ba obvious nagluluto ng almusal," mataray niyang sagot. Kitang-kita ko ang dami ng asin na inilalagay niya sa niluluto niyang itlog. "Para makakain ka ng almusal bago ka pumasok sa work. Mahirap na magtrabaho ng walang laman ang tyan."

Hindi nga ako mamatay sa gutom pero mamatay naman ako sa sakit sa bato sa dami ng asin.

"Ano ka ba? Akina nga 'yan at ako ng bahala magluto," pilit kong kinukuha ang shanse sa kaniya.

Pinandilatan naman niya ako ng mata sabay sabi, "Upo! Sinabi na ako ang magluluto!"

GAGO's Lesson 101 no. 123: Mga pre, minsan lang sipagin ang mga babae. Kung ayaw niyong masaktan at magtampo iyan. Ay pabayaan niyo na lang siya at suportahan.

Shet, I'm scared. Hindi na ako nakipag-talo pa at umupo na ako sa may dining area habang pinapanood siya sa pagluluto. Pagkatapos niyang lutuin ang asin na may itlog na sunny side up pero mukhang scrammble dahil sabog ang pula nito ay isinunod naman niyang lutuin ang fried rice.

"May galit ka ba sa asin o sa akin?" pabulong kong sinabi. Halos ubusin niya ang asin at ibinudbod lahat sa kanin.

"Anong sinabi mo?" Sabay irap niya sakin.

"Wala naman, parang naparami 'ata ang asin mo," mahinahon kong sinabi.

"Sakto lang 'yan," sagot niya.

"Tinitikman mo ba ang luto mo?" curious kong tanong.

"Hindi na kailangan, alam ko naman masarap ang pagkakagawa ko diyan," pagmamalaki niya.

Pagkatapos niyang pagulungin sa asin ang kanin na tinatawag niyang fried rice na wala man lang kahit isang bawang na inilagay ay inihain na niya ito sa hapag.

"Parang napakarami naman 'ata," pilit ang ngiti kong sinabi.

"Sakto lang iyan. Para hindi ka kaagad magutom. Ubusin mo lahat iyan"

"Huwat?! Teka, alam mo naman na hindi ako gaano nakain ng marami sa umaga. Halika saluhan mo ako," pakiusap ko sa kaniya. Kulang na lang magmakaawa ako para hindi ko naman lahat kainin iyon.

"Kumain ka na at magluluto pa ako ng baon mo para sa tanghalian," pagmamalaki niya.

Halos linasin ng kaluluwa ko ang aking katawan nang marinig kong sinabi niya na bukod sa almusal ay ipagluluto pa niya ako nang pananghalian. Lord, napakabigat ba nang nagawa kong kasalanan at kailangan ko itong pagdusahan?

"Nakow, huwag na at bibili na lang ako sa labas. Isa pa sa dami nito pakiramdam ko last meal ko na 'to. Daig ko pa ang bibitayin," pabiro kong sinabi pero iyon talaga ang totoo. "Halika na at saluhan mo na lang ako kumain!" pakiusap ko sa kaniya.

"Parang-awa mo na at tikman mo na ang niluto mo nang ma-realized mo kung ano ang lasa," sa isip-isip ko.

"Ano ka ba? Mas makakatipid ka kung magbabaon ka ng food," pagkasabi niya ay inilabas na niya ang manok sa refrigerator.

"Mas makakatipid tayo kung hindi ako magkakasakit at isusugod sa hospital dahil sa niluto mo," pabulong kong sinabi.

"Nagrereklamo ka?"

"Ang sabi ko baka sa sobrang sarap ng luto mo ay baka ma-ospital na ako sa sobrang impatso!" palusot ko.

"Okay lang iyan. Insured ka naman!" sabi niya.

"Tanginadis!"

Sa office, maaga rin pumasok ang mga amo ko. Actully, tatlo lang kaming empleyado. Bago pa lang kasi ang kumpanya at ako pa lang ang una nilang staff.

"Yujin, I need you to create a template for our receipt, invoice and quotation. Once you finished that, send it to me for approval," Georgio's very first instruction to me.

"Yes sir!" I replied.

Mabilis akong kumilos at ginawa ko kaagad ang iniuutos sa akin. Pagkatapos kong gawin ay ipinasa ko agad sa amo ko.

"Sir, I already send the template. Please check your email," pagyayabang ko. Sempre unang araw kaya kailangan magpabibo.

"I will, thanks!"

"Sir, I just have one question," pumasok ako sa loob ng office niya.

"Tell me."

"What exactly is my position?"

"Loss adjuster. It means you will be in charge of assessing the damages in an accident and create a report. You are also responsible for creating a quotation for our clients. You will learn all these in due time," he said.

Bago ako lumabas ng pinto ay nag-ring ang telepono sa may reception area.

"Sir, do we have a receptionist or secretary?" tanong ko. Wala naman kasi akong nakikitang ibang tao kung hindi kaming tatlo lang.

"For the time being, we don't have one. Can you please answer the phone?" pakiusap niya.

Madali naman akong kausap eh, tutal tapos na ako sa ginagawa ko kaya okay lang.

"Hello good morning. Thank you for calling Healthcare Insurance brokers," bati ko.

"Good morning. who's this?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Yujin Akibe, Sir," sagot ko naman.

"Ah, Yujin, can you please transfer my call to your loss adjuster?" pakiusap niya.

"One moment please," pagkasabi ko ay pinindot ko ang hold.

Bigla kong naalala na ako rin pala ang loss adjuster! Ang tanga ko sa part na iyon! Inalis ko ang hold at kinausap ko ulit ang tao sa kabilang linya.

"Hello Sir, this is Yujin, I'm the loss adjuster," nahihiya kong sinabi.

"Are all employees there have the same name Yujin?" he sarcastically said.

"No Sir, only me," I answered him professionally.

"Very well, I want to report an accident on site. I will send the accident report and I need you to access the damages," he said.

"No problem, Sir."

GAGO's Lesson 101 no. 124: Be professional. Kahit na punong-puno ka na at galit na galit iyong tipong gusto nang manakit. Kalma lang. At the end of the day, dapat walang personalan trabaho lang.

I did everything I was told to do and finished all my work on time. After that, my manager called me and ask me to come to his office.

"Yujin, we need to send this quotation to this address," he said.

"Do we have a messenger?"

"For the time being, we don't have one. Can you please deliver this? You can go home when you're finished."

"No problem, Sir," I replied.

Pumunta ako sa address kung saan ide-deliver ang quotation. Buti na lang at malapit na iyon sa bahay namin. Makakauwi ako ng maaga.

"Good afternoon. I would like to deliver a quotation to Mr. Mohannad," I said to the receptionist.

"May I know your name?" she asks politely.

"Yujin Akibe," I replied.

Ilang saglit lang ay lumabas ang isang matandang lalaki at lumapit sa akin.

"Are you the same Yujin the receptionist and loss adjuster?"

"Yes, Sir," nahihiya kong sagot.

"And now you are the messenger? How many jobs do you have?" natatawa niyang sinabi.

"I'm also asking the same thing," pabiro kong sagot.

GAGO's Lesson 101 no. 125: Learn how to multi-task. Hindi lang sa pangbababae ka dapat marunong mag-multi tasking dapat pati sa trabaho. Mas mabilis at madami ang task na ma-accomplished mo.

Sa umpisa ay mahirap pero habang tumatagal ay nasasanay na ako sa trabaho ko. Kahit na nakakapagod ay nalilibang din naman ako. Ang unang sahod ko ay hinati ko sa padala sa pamilya ko sa pinas, sa bayad ko sa renta sa bahay, pang-ambag sa grocery, kuryente, wi-fi at allowance ko sa buong buwan. Ang natitira ay iniipon ko para pang-apply ko sa schengen visa.

Kapag kumikita ng malaki ang kumpanya ay binibigyan nila ako ng increase at bonus. Kaya mas nadadagdagan ang ipon ko. Lumipas ang ilang buwan at unti-unti kaming dumadami sa kumpanya. Nagkaroon na rin kami ng receptionist, accountant at isa pang loss adjuster. Habang ako naman ay na-promote bilang Supervisor. Iba talaga ang pioneer sa kumpanya mabilis ang pag angat. Basta konting tyaga lang.

Lumipas ang isang taon, medyo nasanay na rin ako sa pamumuhay sa UAE. Nagkaroon na rin ako ng maraming kaibigan at higit sa lahat ay nakapag ipon na rin ako nang sapat na pera para makapunta sa Europe.

Sakto naman at mag-aapply si Georgio at ang kaniyang pamilya ng schengen visa. Plano nilang pumunta sa Disneyland para sa nalalapit na birthday ng kaniyang anak. Hindi na ako nahiya at kinapalan ko na ang aking mukha, nakiusap ako sa kaniya na makiki-sabay sa pag-aapply ng visa para may kasama ako sa pagpunta doon sa VFS Global Schengen Visa Center sa Dubai.

Mabait si Georgio, hindi siya nagdalawang isip at pumayag agad siya na isabay ako sa pag-aapply ng visa. Sa katunayan nga, nag provide rin siya ng "no objection letter " at "Invitation letter" para magkaroon ako ng multiple entry visa. Inabot ng higit dalawang linggo ang processing ng visa namin. Nang dumating na iyon ay laking gulat ko nang mabigyan ako ng isang taong multiple entry visa. Mahaba-haba rin ang panahon para makapag handa ako at makapag-ipon bago ako tuluyang umalis dito at lumipat sa Europe.

Syempre sa sobrang excited at tuwa ko ay hindi ko matiis na hindi i-kwento sa pamilya ko at mga kaibigan ko sa club ang magandang balita. Kinagabihan namasyal kami nila Debby, Leslie at Jenny para i-celebrate ang pagkakaroon ko ng visa.

We went to Global Village, the world's leading multicultural amusement park and a destination for culture, shopping and entertainment. Doon kami masayang nag-gala at namasyal. Parang trip around the world ang set up. Makikita mo doon ang mga Pavillon galing sa iba't ibang bansa.

Habang busy si Debby at Leslie sa pagtingin ng mga souvenir. Kami naman ni Jenny ay nakapila sa food truck para bumili ng shawarma.

"Sana laging ganito," sabi ko kay Jenny. Masaya kong pinagmamasdan ang paligid at ini-enjoy ang malamig na hangin.

"Ang alin?" nagtataka niyang tanong.

"Iyong ganito, simple lang. Hindi kumplikadong buhay. Sana laging ganito, masaya na ako sa ganito," sagot ko sa kaniya.

Binigyan lang niya ako ng matamis na ngiti at hinayaan mag-moment. Kadalasan ay binabara niya ako o 'di kaya naman ay binabasag ang trip. Pero ngayon, hindi siya kumontra sa halip ay sinang-ayunan pa niya ako.

Pagkatapos ang mahabang paggagala ay umupo na muna kami sa damuhan at kumain ng shawarma habang nanonood nang mga nagpe-perform sa stage. Some are dancing, singing and performing acrobats depending on their culture and nationality. Each performer represents their own country.

Everything is perfect and we are all happy. Until something happened. Bigla akong natigilan at natulala. Hindi ko magawang magsalita.

"Yujin, May problema ba?" Mabilis napansin ni Jenny ang pagbabago ng mood ko.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa cellphone. Daig ko pa ang nakakita ng multo. May natanggap ako na text message na siyang ikinagulat ko.

"Yujin, ayos ka lang? Namumutla ka!" pag aalalang tanong ni Debby.

Hindi ko na nagawang magsalita at inabot ko na lang Jenny ang cellphone ko na may mensaheng...

"Yujin, si Me'ann 'to. Kailangan ko ang tulong mo. May sakit ang anak mo!"

Your Neighborhood GAGO,

Yujin