Chereads / Ang Diary ng GAGO part 2 / Chapter 14 - Journey Entry 13: Permanent Scar Part 1

Chapter 14 - Journey Entry 13: Permanent Scar Part 1

Dear Diary,

Nang makita ko ang pangalan niya sa messenger ay biglang bumalik sa'kin lahat ang alala ng aming nakaraan...

Me'ann and I dated for a few years during my college days. She is five years older than me and working as a call center agent in Makati. She is the reason why I quit gambling and start working as a bartender in Manila to cover my school expenses. After I quit gambling, the sponsors banned me from the GAME IT ALL website and to all the casinos. There are a few times that she offers her money to help me out in my studies, but I refused to accept it.

GAGO's Lesson 101 no. 126: You must PRIDE in a good way -Personal Responsibility In Delivering Excellence!

Aside from working at the club, I also accept school projects for added income. Ako ang taga-gawa ng mga research papers, thesis at mga assignments ng mga classmates ko para may pangdagdag sa tuition ko. Malapit na kasi ang graduation at napakaraming bayarin kaya dapat mag-doble kayod ako.

Dahil alanganin ang schedule naming dalawa, siya nagtatrabaho sa gabi at ako naman ay pumapasok sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. Kadalasan sa text messages at video calls na lang kami nakakapag usap.

Start of text message conversation:

Me'ann: Busy?

Me: Yeah, I just took a short break from work. How are you doing?

Me'ann: I'm fine. Nasa cr ako para makapag-selpon! Miss na kita.

Me: Miss you more. Sorry I've been very busy lately. Promise babawi ako next time.

Me'ann: Okay lang. Kailangan ko na bumalik sa work. Baka sabihin nila tumatae na ako sa tagal ko sa cr.

Me: Ang bilis naman, mamaya ka na bumalik sa work.

Me'ann: Saka na ulit tayo mag usap at busy talaga ngayon. I love you!

Me: Love you more! Ingat!

End of text message conversation:

We are not the perfect couple and our relationship is not as smooth sailing as others, but we manage to make it work. We may not spend much time together due to our busy schedule, but we make it a point to have constant communication whenever and wherever we can. I always believed that as long as there is love, no matter how hard the path we take and difficult the obstacle we faced. We can always survive. Ang cheesy ko tyet!

Two to three times a month lang kami magkita ni Me'ann. Bukod sa mahirap maka-tyempo ang magandang schedule ay limited din ang budget ko para sa date. Ayaw ko naman na siya ang gagastos sa paglabas namin. Pero sa tuwing magkasama kami ay sulit bawat saglit! Hindi kami mapaghihiwalay. Dinaig pa namin ang tikoy sa sobrang dikit. Sulit ang twenty-four hours na check-in namin sa Dahlia Motel sa San Juan, Manila. Sobrang suki namin doon ay may premium membership card na ako. Kaya naman ang dami kong discount hindi lang sa room pati na rin sa pagkain.

Dahlia Motel San Juan garden, Manila...

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya. Hawak ko ang kamay niya para pigilan siyang tumayo sa kama.

"Maliligo na," sagot niya. "Tapos na ang twenty-four hours kaya bumangon ka na rin diyan!" untag niya.

"Maaga pa, may isang oras pa tayo," lambing ko sa kaniya sabay hinatak ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. "Pwede pa isang round!"

"Hindi ka pa ba napapagod?"

"Kailan ba ako napagod?"

"Hindi ka ba nagsasawa?"

"Bihira lang tayo magkasama, paano ako magsasawa?"

"Balang araw mapapagod ka rin at magsasawa lalo na at mas bata ka kaysa sa'kin," biglang nag-iba ang tono ng kaniyang pananalita.

"Malapit na ang graduation ko," iniba ako ang topic para hindi mauwi sa dramahan ang usapan. "Ano regalo mo sa'kin?" pabiro kong sinabi.

"Ano ba ang gusto mong regalo?" tanong niya.

"Pakasalan mo ako," seryoso kong sinabi sa kaniya.

"Ano?!" Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata at napabalikwas sa kama.

"Marry me, Me'ann," inulit ko ulit ang aking proposal. Ginawa ko nang English para mas astig.

"Seryoso ka ba?" Halatang hindi siya makapaniwala.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Asan na ang singsing ko?" pa-cute niyang sinabi sabay ngumuso.

"Pagka-graduate ko, maghahanap kaagad ako ng magandang trabaho at ang unang sahod ko ay ipangbibili ko ng singsing na may malaking diamond," pagmamalaki ko sa kaniya. "Para pwede mo i-post sa Facebook at maipagmalaki sa mga kaibigan mo at mga kamag-anak."

"Ano ka ba? Biro lang iyong singsing. Pero kung iyan talaga ang gusto mo pwede na rin," natatawa niyang sinabi at pagkatapos ay humalik siya sa akin.

"Marami akong plano para sa ating dalawa. Kaya konting tiis lang ang hinihiling ko sa'yo. Magiging mabuting asawa ako, pangako ko!"

"Naniniwala naman ako sa'yo," sagot niya.

"Ano, extend tayo kahit tatlong oras lang? May pera pa ako!" biglang kabig ko.

"GAGO!"

"Tenkyu!"

We were happy. Kontento na kami sa simpleng buhay ang importante ay magkasama kaming dalawa. Wala na akong mahihiling pa.

Habang lumalapit ang graduation day ko ay lalo akong nagiging busy sa school. Dahil sa dami nang extracurricular activities ko, practice ng graduation march, thesis, exam at pati ang pagtatrabaho sa club. Mas dumadalang ang communication namin dalawa. Pero ayos lang sa akin at malaki ang tiwala ko sa girlfriend este fiancee ko, at ganoon din naman siya sa akin.

Start of text message conversation:

Me'ann: Yujin, next week na lang tayo mag-date. May team building kasi kami at required lahat ng employee na pumunta.

Me: Okay lang, hindi rin ako pwede at sobrang busy din ako sa school at club.

Me'ann: Ganoon ba? Kawawa ka naman wala ka nang pahinga.

Me: Okay lang. Konting tiis lang at 'pag naka-graduate na ako, masosolo mo na rin ako sa wakas!

Me'ann: Gago!

Me: Love you too!

Me'ann: Love you more! Ingat ka!

Me: Likewise!

End of text message conversation:

Iyon ang huling beses ko siya nakausap. Hindi ko alam kung bakit. May nagawa ba ako o nasabi na hindi tama? Dahil ba wala akong panahon sa kaniya? Masyado ba siya na-pressure noong nag-proposed ako sa kaniya? Bakit ngayon pa? Kung kailan na higit na kailangan ko siya? Patong-patong na tanong ang gumugulo sa isipan ko.

Sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone niya pero nakapatay ito. Hindi ko tuloy alam kung patay nga ba o blocked niya ako. Tinawagan ko ang call center na pinagta-trabahuhan niya. Ang sabi ng manager ay nag-resign na daw siya. Hindi rin binanggit kung anong dahilan. Basta personal na issue lang ang sinabi. Tinawagan ko lahat ng kaibigan at kamag-anak niya wala kahit isa ang makapagbigay sa'kin ng impormasyon

Huli kong ginawa ay pumunta sa bahay nila. Ang lolo lang niya ang lumabas at sinabi na lumipat daw siya sa cebu kasama ang buong pamilya. Gustuhin ko man pumunta doon ngunit wala akong sapat na pera at impormasyon kung saan ang eksaktong lugar nila. May katandaan na ang lolo niya at malabo na rin kausap. Hindi ako makakuha ng matinong sagot mula sa kaniya.

Hindi na ako makatulog at makakain kakaisip sa kaniya. Kung ayos lang ba siya at bakit bigla na lang siya naglaho na parang bula.

Isang araw lumapit ang aking ina at humihingi ng tulong.

"Nak, may pera ka ba diyan?" nahihiya niyang tanong.

"Para saan po?"

"Ang pinsan mo kasi tumawag nasa ospital daw ang tita mo," naiiyak niyang sinabi.

Bigla bumilis ang tibok ng aking puso at nakaramdam ng takot at kaba. "Kamusta na po siya?"

"Okay na daw. Inatake daw kasi ng hika at highblood. Kaso wala sila pambayad sa ospital kaya hindi sila makalabas doon," paliwanag ng nanay ko.

Ang totoo, may kaunting akong ipon. Pinag-iisipan ko kung gagamitin ko pambayad sa graduation fee o pupunta sa cebu para hanapin si Me'ann. Tumayo ako sa kama, kinuha ang pera sa bag ko at inabot sa nanay ko.

"Ito lang po ang mayroon ako."

"Okay na 'yan anak, pasensya ka na wala rin kasi kaming pera ng daddy mo," wika niya.

"Okay lang po, sasahod naman ako aa katapusa."

Hindi ko na sinabi ang totoo na wala na akong sasahurin dahil nag-advanced na ako dati pambayad sa tuition para makapag-exam. Ayaw kong dagdagan ang alalahanin niya.

Naisip kong tumanggap ulit ng dagdag projects, research papers at assignments para mabawi ko iyong pera na pambayad sa graduation fee. Todo kayod na rin ako sa club na ultimong maliit na tips ay pinatos ko na para makadagdag sa pambayad ko.

Habang tumagagal, lalo akong nag-aalala dahil walang Me'ann ang nagpaparamdam sa akin. Nawala na ang focus ko sa school. Dahil madalas ay lutang ang isip ko at laging balisa. Pati ang mga projects ko ay nade-delay na. Puro sablay din ang trabaho ko sa club. Hanggang sa nagkapatong-patong na ang lahat ng pending works ko. Hindi ako aabot sa deadline kung palaging ganito.

Isa lang ang nasa isip ko, kailangan ko nang madaliang kita. Kaya sinubukan ko na pumunta sa casino. Pero hindi nila ako pinapasok. Hanggang ngayon ay banned pa rin ako. Inakusahan ako ng mga sponsors namin na nandaya at binenta ang laban kay Me'ann noong huling laro ko. Mabuti na lang at hindi nila ako sinampahan ng kaso dahil menor de edad pa ako. Baka sila pa kung sakali ang masampahan ng kaso dahil nagpapasok sila sa casino ng minor. Kaya siguro hindi na nila naisip na kasuhan ako at sa halip ay banned na lang nila ako sa lahat ng casino.

I never feel so lonely, hopeless and helpless. Para akong nalulunod sa kalungkutan, at binabangunot sa dami ng problema. I thought I can handle the situation, but my anxiety and stress take the best in me and brings out the worst in me. Nakaramdam ako ng matinding depresyon. I wanted to scream so loud, but no voice comes out from my mouth. I feel trap in my own cage of sorrow.

GAGO's Lesson 101 no. 127: Seek counseling. It's better to talk to someone and seek for guidance and advice. Iba pa rin ang may masasabihan ng frustrations mo at magiging outlet mo sa lahat nang naitatago mong emotions. Someone who will listen to you and will comfort you. It doesn't have to be a lover, they can be your trusted friend or a family member. It helps a lot knowing that you are not alone in this battle.

Ilang araw na walang pahinga, walang tulog at kain. Sa unang pagkakaton nakaramdam ako ng pagod. The pain is unbearable, physically, mentally and most of all emotionally. Like a thorn that is stuck in my heart. I want this pain to stop. I want all negative thoughts to shut down. Until... I reached my breaking point.

Biglang nablanko ang isip ko. Walang laman kung hindi ang tapusin ang lahat ng problema at paghihirap ko. Habang masayang kumakain ang pamilya ko ng tanghalian ay tumayo ako sa harap nila bitbit ang kutsiyo. Sa isang iglap at nilaslas ko ang kanang kamay ko sa harap mismo ng aking pamilya. Habang nakatingin ako sa kanila. I thought I was strong enough, but I was wrong.

I saw them rushing to me and calling out my name. I just stare at them and smile. Sa isip ko tapos na, game over na. Tumakbo ang utol ko sa kapitbahay at humingi ng saklolo. Mabilis naman rumisponde ang isa sa mga kapitbahay namin, gamit ang kanilang personal na sasakyan ay isinugod ako sa pinakamalapit na ospital.

Dinala ako sa emergency room at kinabitan ng dextrose. Masyado na daw maraming dugo ang nawala dahil sa lalim ng hiwa ko sa kamay. Tatlong oras bago natapos ang pagtahi sa kamay ko. Sa sobrang lalim halos makita na ang buto. Hindi nila ako hinayaan makatulog, sa sobrang tagal ng tahian ay naramdaman ko na nawawalan na ng bisa ang anesthesia at unti-unting kumikirot ang bawat tahi sa kamay ko. Sabi ng doctor maswerte daw ako at hindi natamaan ang malaking ugat kung hindi ay paniguradong patay ako.

Hindi nila ako pinayagan na lumabas sa hospital hanggang hindi nauubos ang dextrose na may gamot. Habang naka-confine ako ay dumagsa ang mga taong gusto makiramay sa akin.

"Gago ka! Bakit hindi mo sinabi sa amin? Sana nakatulong kami sa'yo kahit papaano," nag-aalalang sinabi ni Edward.

"Nahihiya kasi akong humingi ng tulong at marami na akong advance sa'yo," nahihiya kong sinabi sa kaniya.

"Kaya ba mas gugustuhin mo pa ang magpakamatay na lang? Sira ulo ka pala eh!" nayayamot niyang sinabi. "Ako na bahala sa bill mo sa ospital. Subukan mong tumanggi at ako mismo papatay sayo!" banta pa niya.

GAGO's Lesson 101 no. 128: Ego has the tendency to destroy our personality and relationship with others. Be the bigger person skip the E and let it GO.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Salamat ha," tipid kong sagot.

"Pre, 'eto oh tanggapin mo," inabot sa akin ni Alfred ang isang sobre.

"Para saan to?" tanong ko.

"Nag-ambagan kaming lahat sa club," sagot ni Vincent.

"Hindi na sana kayo nag-abala," naiiyak kong sinabi.

"Para sana 'yan sa abuloy namin sa'yo, kaso nabuhay ka eh kaya pandagdag mo na lang sa pambayad sa school fees mo!"

"Mga walanghiya! Talagang nakahanda na ang abuloy niyo?" pabiro kong sinabi. "Salamat ha, nakakahiya man pero tatanggapin ko na 'to," sabi ko.

GAGO's Lesson 101 no. 129: You'll never know who your true friends are until you are in times of need. You'll be surprised to know who will show up and lend a helping hand. It's always the least expected people.

Hindi na rin nagtagal ang mga kaibigan ko at umalis na rin sila. Kailangan pa nila maghanda at bumalik sa club. Maya-maya pa ay pumasok na sa kwarto ang aking ina.

"Anak, ano ba ang problema?" umiiyak ang nanay ko habang hawak niya ang braso ko. "Ito ba ang regalo mo sa birthday ko?"

Bigla bumuhos ang aking luha. February 27 pala ngayon at bukas na ang birthday niya. Nawala sa isip ko. Sa higit na pasayahin ko sya ay puro na lang problema ang hatid ko sa kaniya.

"Sorry po," nangingnig ang boses kong sinabi. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya sa sobrang kahihiyan.

"Natatakot ka ba na baka hindi ka maka-graduate?" tanong niya. "Anak kung kailangan mangutang ako at bumalik sa pagtatrahabo maka-graduate ka lang gagawin ko. Huwag lang sana iyong ganito. Hindi ko kakayanin ang mawala kahit isa sa inyo." Hindi na niya napigilan at tuluyan na siyang humagulhol sa pag iyak.

"Sorry po," paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kaniya.

"Paano kung namatay ka? Hindi ko kakayanin na magpalibing ng anak! Iniisip ko pa lang ay mamamatay na ako!" Halos kapusin na sa paghinga ang nanay ko sa sobrang pag-iyak. Tahimik lang ang tatay ko at inabutan niya ng tubig ang nanay ko sabay hinagod ang likod.

Sorry po," wala akong ibang masabi kung hindi ang mag-sorry.

"Hindi kami inutil ng tatay mo, may lakas pa naman kami para makatulong. Ayaw ko mawalan ng anak. Huwag sa ganito... huwag sa ganitong paraan!"

Niyakap ko ng mahigpit ang aking ina at pilit na pinakakalma. Napakalaki kong tanga. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang nararamdaman nila at masyado akong naging makasarili. Sinayang ko ang buhay ko na pinaghirapan itaguyod ng aking mga magulang.

GAGO's Lesson 101 no. 130: Suicide is not the solution to the problem. Think about the people you will leave behind. The ones who truly care and love you.

I am certain that by now Me'ann knows what happen to me. May tenga ang lupa at may pakpak ang balita. Pero walang Me'ann ang bumisita, tumawag o nagparating ng mensahe sa akin. Ganoon lang ba kadali na isantabi ang lahat ng pinagsamahan? Mukhang tuluyan na niya akong kinalimutan at iniwan mag isa. She took my dreams, my life and my love. Leaving me with nothing, only permanent scar.

Your Neighborhood GAGO,

Yujin