Chereads / Ang Diary ng GAGO part 2 / Chapter 15 - Journey Entry 14: Permanent Scar Part 2

Chapter 15 - Journey Entry 14: Permanent Scar Part 2

Dear Diary,

Nasira ang magandang araw ko. Hindi na namin itinuloy ang pamamasyal at napagpasyahan na lang namin na umuwi ng bahay.

"Ano plano mo?" tanong ni Jenny.

"Kailangan ko bumalik ng pinas."

"Magpahinga ka na," sabi niya sa'kin. Kinuha ni Jenny ang cellphone ko at nag-titipa sa keypad.

"Anong ginagawa mo?"

"Nag-text ako sa amo mo. Sinabi ko na kailangan mo mag-emergency leave at umuwi sa pinas," seryoso niyang sinabi. "Huwag ka na mag-alala at ako na ang mag-book ng ticket mo," dagdag pa niya.

"Jenny, salamat."

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko sa kusang loob na pagtulong ni Jenny. Sa mga oras na ito ay wala ako sa wisyo at hindi makapag-isip ng matino. "Bakit ngayon pa? Kung kailan okay na ako," sa isip ko. Sumunod na ako kay Jenny at umakyat sa taas ng double deck para nagpahinga. Pinilit kong matulog ngunit hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang text message na na-recieved ko mula kay Me'ann. Kailangan ko na makauwi sa pinas sa lalong madaling panahon.

Kinabukasan...

"Yujin, gising ka na," mahinang tawag ni Jenny. "Mamayang hapon na ang flight mo."

Bigla akong napabalikwas sa kama nang marinig ko ang balita. "Mamaya na? Teka hindi pa 'ata pumapayag amo ko na mag-emergency leave ako."

"Nag-reply na siya kagabi noong tulog ka na," aniya. "Nakapagpa-book na rin ako ng ticket mo kagabi. Hindi na kita ginising kaya ako na muna ang nagbayad. Bayaran mo na lang ako pagbalik mo dito. Siguraduhin mong babalik ka!" Pinandilatan na naman niya ako ng mata.

"Pangako, babalik ako." nakangiti kong wika sa kaniya. Tuluyan na akong bumangon sa kama at bumaba sa double deck. "Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Inaayos ko iyong bagahe mo. Alin ba dito sa mga damit mo ang dadalhin mo?" Isa-isa niyang inihahanay ang damit ko sa bagahe. "Gusto mo mamili tayo mamaya ng mga chocolates para sa pamilya mo?" tanong pa niya.

Biglang naantig ang damdamin ko sa malasakit niya sa akin at pamilya ko. "Naks, masyado ka naman maasikaso. Swerte siguro ng mapapangasawa mo," biro ko sa kaniya.

"Talaga!" pagyayabang niya. "Bilisan mo na diyan at madami pa tayong aayusing gamit."

Sabay naming inayos ang bagahe ko, pagkatapos ay lumabas kami at pumunta sa Marina mall para mamili ng mga pasalubong sa pamilya ko. Sa mall na rin kami kumain ng lunch. Pagka-uwi sa bahay ay naligo ulit ako at nag-ayos na papuntang airport. Hinatid ako ni Jenny at Debby sa Abu Dhabi airport. Mahigit walong oras din ang byahe ko papuntang Manila. Gustuhin ko mang matulog at magpahinga ay hindi naman ako dinadalaw ng antok. Kaya naisipan ko na lang manood ng movie sa buong byahe.

Gabi na nang lumpag ang sinasakyan kong eroplano sa pinas. Nag-aabang sa arrival's exit ang dalawang kumag, si Alfred at Vincent.

"Yujin! Long time no see!" Halos magtinginan ang lahat ng tao sa lakas ng sigaw ni Alfred. Mabilis na sumalubong ang dalawa sa akin at yumakap ng mahigpit.

"Na-miss kita pre, pakiss nga!" pabirong sinabi ni Vincent at pinugpog ako ng halik.

Sa sobrang kilabot ko ay naitulak ko siya ng malakas. "Hoy ang OA niyo!" natatawa kong sinabi. Ang totoo ay sabik na rin akong makita sila.

"Pre, binilin ka samin ni Edward," seryosong sinabi ni Alfred. "Sorry daw at hindi siya nakasama sa pagsalubong. Wala kasing mag-aasikaso sa club," paliwanag niya.

"Ayos lang, musta na pala kayong lahat?" tanong ko. "Papaano pala nalaman ni Me'ann ang number ko?"

"Sorry, ako ang nagbigay," pag-amin ni Vincent. "Nabigla kasi ako nang sinabi niya na may sakit ang anak niyo."

"Pwede ba paki-hatid ako sa ospital kung saan naka-confine ang bata?" pakiusap ko sa kanila.

"Hindi ka ba muna uuwi sa inyo?" tanong ni Vincent. "Baka gusto mo muna magpahinga?"

"Hindi na, gusto kong dumiretso muna tayo doon."

Hindi na sila tumanggi pa at dumiretso na kami sa hospital kung saan 'andoon si Me'ann at ang bata. Sa ICU (Intensive care unit) kami pumunta. Doon ko nakita si Me'ann na naka-upo sa waiting area. Napakalaki nang kaniyang pagbabago. Parang ang laki nang kaniyang itinanda at mukhang napabayaan na niya ang kaniyang sarili at hindi na nagawang mag-ayos pa. Siguro ay dala na rin nang sobrang dami ng isipin at problema lalo na ngayon at may sakit ang bata.

"Me'ann, kamusta ang lagay ng bata," pambungad na bati ko sa kaniya.

Biglang umaliwalas ang kaniyang mukha ng makita niya ako. Hindi na rin niya napigilan ang kaniyang luha at tumakbo siya papunta sa akin at yumakap. "Yujin, dumating ka!"

Sinamahan niya ako sa loob ng ICU at sa unang pagkakataon nakita ko ang tinatawag niyang anak ko. May tubong napasak sa bibig niya, iyon ang nagbibigay ng hangin para makahinga siya. May isa pang tubo para sa padaanin ang kaniyang pagkain at meron din kung siya ay dudumi. Ang huli ay ang dextrose na nagkatusok sa kaniyang kamay. Hindi ko na napigilan ang mapaluha nang makita ko ang lagay niya. Sa murang edad ay nasa ganitong kalagayan na siya.

"Ano ang palangan niya?" tanong ko.

"Nicole," mabilis na sagot ni Me'ann. "May congenital heart disease siya mula ng pagkapanganak. Akala ko madadala lang sa simpleng gamutan pero ngayon kailangan na niyang ma-operahan," hindi nagpaligoy-ligoy pa at sinabi na niya kaagad ang problema.

"Sino ang doctor niya? Kakausapin ko."

Dinala ako ni Me'ann kay doctor Tan ang in-charge sa bata. Malugod naman niya akong pinaunlakan.

"Like the mother said earlier the child is suffering from congenital heart disease with a defect mainly on tetralogy of Fallot, a combination of four defects. a hole in the ventricular septum, a narrowed passage between the right ventricle and pulmonary artery, a thickened right side of the heart and displaced aorta," he carefully explained.

"What are the safest options we have to cure this disease?" I asked him.

"In her case, we need to perform surgery."

"Transplant?"

"No need, we just need to repair the damaged part of the heart and she will undergo a long-term medication," he explained. "I can schedule her tomorrow. Think about it and let me know your decision."

The doctor left me and Me'ann in the room so we can talk privately.

"Yujin, wala akong pera," pag-aalala niyang sinabi.

"Huwag mo intindihin ang pera. Ano desisyon mo, payag ka ba bukas?" tanong ko.

"Kung iyon lang ang paraan payag ako," nahihiya niyang sagot.

Kinausap kong muli ang doctor at sinabi na pumapayag na kami sa operasyon. Sa ngayon hinayaan ko muna na makapagpahinga si Me'ann. Masyado na siyang pagod sa pagbabantay sa bata. Hindi na rin siya nakakapag-isip nang maayos at kadalasan ay lutang siya. Si Alfred at Vincent naman ay lumabas muna upang bumili nang makakain namin.

Dumiretso ako sa customer service para itanong kung saan ako magbabayad. Kailangan kasi nang paunang bayad bago nila schedule ang bata. May mga bibilhin din gamot at gamit na kakailanganin para sa operasyon kaya inasikaso ko muna ang lahat nang iyon.

Hindi na namin nagawang umuwi pa, kasama si Alfred at Vincent nagpalipas kaming lahat ng gabi sa ospital. Maaga kasi ang schedule ng surgery ni Nicole at gusto ko na 'andoon ako para magbantay sa kaniya hanggang matapos ang operasyon.

Kinabukasan...

Lahat kami ay nag-aabang sa waiting area habang si Nicole naman ay nakasalang sa operation room. Hindi ko na magawang kumain sa pag-aalala sa kalagayan ng bata. Ito na siguro ang pinakamahabang araw sa buhay ko, ang maghintay matapos ang operasyon. Hindi ko alam kung ilang oras kaming naghihintay. Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa waiting room ng habang buhay. Pareho kami ni Me'ann na hindi mapakali at palakad-lakad sa may tapat ng pinto. Inaabangan na dumating ang doctor. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at lumapit sa amin si Doctor Tan.

"Misis, tapos na po ang operasyon. Stable na po ang lagay ng bata kaya wala na kayong dapat ipag-alala," masayang ibinalita ng doctor.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga nang maluwag sa nadinig kong balita. Si Me'ann naman ay humagulgol sa sobrang tuwa at walang tigil na nagpasalamat sa doctor.

"Yujin, okay na ang bata baka pwede na ba tayo kumain? Kanina pa kami nagugutom," sabi ni Alfred.

"Wala naman pumipigil sa inyo na kumain," sagot ko naman. "Kain na kayo!"

"Kayo? Hindi kayo sasama?" tanong ni Vincent.

"Tara na, baka magmo-moment pa sila," pabulong na sinabi ni Alfred.

Umalis na ang dalawa.

"Tama na Me'ann, huwag ka na umiyak. Okay na ang anak mo," sabi ko.

"Yujin, paanong?" Biglang namulta ang kaniyang mukha at namilog ang kaniyang mata.

"Sa umpisa pa lang alam ko na hindi sa'kin ang bata."

"Kung alam mo na hindi sa'yo bakit tinulungan mo pa rin kami?" nagtatakang tanong niya.

"Sa tingin mo hahayaan ko mamatay ang bata dahil hindi ko siya anak?"

"Malaking pera ang ibinayad mo... pangako babayaran ko lahat iyon sa'yo,"

GAGO's Lesson 101 no. 131: Life is important more than anything in this world. Hindi mabibili ng pera ang buhay ng tao. Sabi nga ng nanay ko, mas gugustuhin pa niya ang tumulong kaysa ang tulungan at mas gugustuhin pa niya ang mag-abuloy kaysa sya ang bigyan ng abuloy.

"Ang pera kaya kong kitain ang buhay hindi natin kaya ibalik. Hayaan mo na iyon." sabi ko sa kaniya. "Me'ann, siya ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan? Dahil ipinagpalit mo na ako sa iba?"

"Yujin, wala naman na third party. Noong nagkaroon kami ng team building, nagkayayaan ang mga katrabaho ko na mag-inuman. Hindi ako sanay uminom pero pinilit nila ako," paliwang niya sakin.

"Nakipagtalik ka sa iba?" nangingilid ang luha kong sinabi.

"Hindi Yujin, sinamantala ng kasamahan ko ang kalasingan ko. Matagal nang nanliligaw sa akin iyon pero ilang beses ko na rin siyang binabasted." Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. "Gusto ko sana sabihin sa'yo pero wala akong lakas ng loob. Hiyang-hiya ako sa'yo," nanginginig ang boses niya habang patuloy niyang isinasalaysay ang kwento. "Balak ko na sana magtapat sa'yo kaso bigla kong nalaman na buntis ako. Sa sobrang galit ng mga magulang ko ay kinompronta nila iyong lalaki at pinilit na ipinaksal sa akin."

Biglang nanlambot ang aking tuhod at napaluhod na lang ako sa sahig habang umiiyak sa sakit. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sa tingin mo ba hindi kita kayang intindihin?"

"Yujin, sorry patawarin mo ako," pakiusap niya.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko!" gigil na gigil kong sinabi sa kaniya.

"Yujin alam kong galit ka sakin," sabi niya.

"Hindi Me'ann. Hindi ako kahit kailan nagalit sa'yo," sagot ko. "Galit ako sa sarili ko! Ilang taon Me'ann, ilang taon ako nagalit sa sarili ko. Ilang taon kong sinisi ang sarili ko kung bakit iniwan mo ako!"

"Yujin, sorry," paulit-ulit niyang sinabi.

"Galit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako sapat para sa'yo. Hindi ako mayaman, wala akong magandang trabaho at walang kakayanan para buhayin ka!"

"Yujin, sorry hindi ko alam na labis kang nasaktan." Lumuhod siya sa harap ko at yumakap.

"Akala mo ba hindi ako seryoso sa'yo? Akala mo ba naglalaro lang tayo sa relasyon natin para hindi ako masaktan?"

"Pareho lang tayo nasaktan." sabi niya.

"Gusto ko lang magkaroon nang closure sa sarili ko, patawarin ang sarili ko sa ilang taon na galit at paninisi sa sarili ko. Huwag mo na ako alalahanin Me'ann. Okay na ako ngayon," wika ko.

"Yujin, patawarin mo ako," pagmamakaawa niya sakin.

"Matagal na kita pinatawad," sagot ko. "Pakiusap, sana ito na ang huling beses na magkikita tayo. Huwag mo na ulit akong kokontakin."

Tumayo na ako, naglakad palayo sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon pa at lumabas na ako ng ospital.

GAGO's Lesson 101 no. 132: Closure... It's the best form of respect. Let go of yourself from the pain and hatred. Forgive yourself, move on and move forward.

Hinatid ako ni Alfred and Vincent sa bahay ng pamilya ko at lumagi doon ng dalawang linggo. Pagkatapos ay bumalik na akong muli sa UAE.

Your Neighborhood GAGO,

Yujin