Dear Diary,
It's been four days since my interview with Healthcare Insurance Brokers. They requested me to submit some necessary documents like passport copy, visit visa copy, passport size pictures, transcript of records, and all related certificates. Last night, I received a call from our human resources department. She gave me instructions about my upcoming exit. It is part of the employment application process. Once the work permit has been approved then I have to exit the country in order for them to apply for my employment visa. When the visa has been released, then I can go back to UAE for medical and visa stamping.
Dumating na ang araw nang aking pag exit sa bansa. Inihatid na ako ni Jenny sa Dubai airport kung saan magkikita kami ng travel agent na siyang mag-aabot sa akin ng boading pass ko at magtuturo kung ano ang gagawin ko kapag nakarating na ako sa Kish Island, Iran.
"Yujin, huwag ka basta makikipag usap kung kani-kanino doon," paalala sa'kin ni Jenny. "Ingatan mo lahat ng gamit mo at huwag mo iiwanan kung saan-saan," dagdag. pa niya.
"Ano ka ba? Saglit lang ako mawawala. Huwag mong sabihin na mami-miss mo agad ako?" natatawa kong sinabi sa kaniya.
I can't blame her for being worried. I've heard a lot of stories about drugs, rape, theft, suicide and people being stranded in that place. Since we don't know how long I'm going to stay there, Jenny is the one who packed my luggage. She makes sure that I have enough money, food supply, and clothing that will last for at least five days. We even had a last-minute shopping of cup noodles, instant coffee, biscuits, chips, medicine and water. We even bought padlocks and cable tie to secure my luggage.
GAGO's Lesson 101 no. 119: Anticipate the least expected. Kailangan maging boyscout na laging handa.
"Tawagan mo ako kung ano man ang maging problema. Basta follow up ko ang amo mo at ang agency para mapabilis ang processing ng visa mo," nag-aalala niyang sinabi. "Huwag kang pahalata na tatanga-tanga ka at huwag ka rin magyayabang na may pera ka. Baka pagsamantalahan ka ng mga tao sa paligid mo." Hanep ano ba tingin niya sakin? Grabe siya!
"Jenny, relax ka lang okay?" tinapik ko siya sa balikat. "Magyayakapan pa ba tayo bago ako umalis?" pabiro ko sa kaniya. Napilitan naman siyang ngumiti. "Tamang bang ngiti lang ang ibibigay mo sakin? Wala ba akong kiss diyan misis?" Sabay kiniliti ko siya sa tagiliran para lalo siyang ngumiti.
"Tigilan mo nga ako Yujin at nakakahiya sa mga tao!"
"Paki ko, mag-asawa tayo 'di ba? Kiss mo na ako dali bago ako umalis," tukso ko sa kaniya. Halos maghabulan kami sa may departure are para makakuha ng halik sa kaniya. Ngayon ko lang na-realized na mukha kaming tanga.
Masyado kasing tensyonado itong si Jenny. Kaya pilit kong pakalmahin at pagaanin ang pakiramdam niya. Ilang saglit pa ay tinawag na ako para isama sa mga katulad ko na mag-eexit nang bansa. Sabay-sabay kaming pumasok at dumaan ng immigration. Diretso na agad kami sa boarding ng eroplano. fouty-five minutes din ang byahe namin papuntang Kish Island, Iran.
"First time mo?" mahinang tanong ng katabi kong babae sa eroplano.
"First time saan?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Iba talaga ang nasa isip ko sa salitang first time kaya mabuti nang magtanong para makasigurado.
"Mag-exit? Pangatlong beses ko na kasi ito," pagmamalaki niya.
"Tatlo? Bakit ang daming beses naman 'ata? Hindi ka ba nakakakita ng work kaya lagi kang nag-eexit?"
Iyon ang problema nang ilang kababayan natin sa middle east. Kapag hindi sila kaagad nakakita ng trabaho ay kinakailangan nila na bumili ng tourist visa na good for two months. Kapag nakakita na sila ng permanent work ay mabibigyan na sila ng employment or residents visa ng kanilang employer na good for two years.
"Hindi ko kailangan magtrabaho. May mga paupahan akong room at bedspace sa Al Ain," sagot niya sakin.
"Pwede mag-business kahit naka-visit visa?" curious kong tanong. "Ang alam ko kasi hindi ka basta-basta pwede magkaroon ng tenancy contract kung naka-visit visa ka at magtayo ng busines kung wala kang investor's permit at visa."
"Nakapangalan iyong tenancy contract sa boyfriend kong arabo," nakangiti niyang sinabi. Kaya pala naman. That explains a lot. "Danica pala ang name ko."
"Yujin," tipid kong sagot. Bigla nawala ang interes ko sa kaniya nang malaman ko na may boyfriend na pala siya.
GAGO's Lesson 101 no. 120: Huwag mo nang akitin kung taken na! Madami pa namang iba diyan bakit ka magpupumilit sa isa?
"Kabisado ko na ang Kish at kung gusto mo sabay na lang tayo para hindi ka maligaw," suhesyon niya. "Delikado na lalo na at bago ka pa lang dito," dagdag pa niya.
Kung sabagay iyan din ang paalala sa akin ni Jenny. Mabuti na lang at may nakilala akong kabayan at sanay na sa Kish. Swerte ko talaga at may makaksama na ako. Sayang lang at may boyfriend na. Cute pa naman sana siya.
Pagkalapag ng eroplano sa Kish Island Airport ay pumunta kaagad ako sa mobile shop at bumili sim card para matawagan si Jenny at maipaalam sa kaniya na nakalapag na ako sa Kish. There are two major network providers in Iran. One is MCI or Hamrahe Aval and the other one is MTN Irancell. Irancell is what they referred to as Iran sim. You can purchase ten dirhams load for your Iran sim just enough to make a call to UAE using eight dirhams for about six minutes.
"Hello, Jenny, miss mo na ako?"
"Yujin, nasaan ka na?" mabilis niyang sagot.
"Nasa airport pa rin. Hinihintay pa namin iyong shuttle bus na magdadala sa amin sa hotel," kwento ko sa kaniya. "Mag check in kami doon sa Al Farabi hotel."
"Kumain ka na ba?" pag aalala niyang tanong.
"Oo kanina sa eroplano."
"Masarap ba ang pagkain diyan?"
"Mas masarap pa ang luto mo," mabilis kong sagot.
"GAGO! Alam mo naman na hindi ako marunong magluto!"
Bigla akong natawa sa kaniya. "Sakto lang. Edible naman ang mga pagkain dito," paliwang ko. "Jenny, 'andito na ang shuttle bus, kailangan ko na umalis," nag-paalam na ako sa kaniya.
"Sige ingat ka at huwag ka basta magtitiwala kung kani-kanino. Tawag ka ulit sa akin o mag message sa messenger 'pag nakasagap ka ng free wifi sa hotel," bilin niya.
Dalawa ang shuttle bus ang dumating. Isa ay para sa babae at isa sa lalaki. Mahigpit kasi dito sa Iran hindi pwede magkahalo ang puti sa de-color. Sa Al Farabi Hotel kami nag-check in at iyon lang ang hotel na may shuttle bus na maghahatid at sundo sa amin sa airport. Pagkarating namin ay nag-deposit kaagad kami ng one hundred dirhams sa hotel at forty dirhams naman kada araw. Mura na lalo na at hindi naman kami 'andito para mag-tour.
We waited for half an hour for our room number. Our room number was handwritten in the key cards with a barcode on it. Our passports were also collected at the front desk and would be given back upon check out. We are group into fours because each room contains four beds. Mabuti na lang at lahat kami ay pinoy sa loob ng kwarto.
Si Joshua ang isa sa mga pinoy na kasama ko sa kwarto. Medyo mahiyain at tahimik. Sa tingin ko ay mas bata pa siya sa akin.
"Kuya, pwede ba ako sumama sa'yo? First time ko lang kasi dito at natatakot ako na mag isa," pakiusap niya sa akin.
Bigla naman ako nakaramdam nang naawa, siguro ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. "Oo ba, papunta ako sa dining area sumabay ka na sa'kin para makakain na tayo ng hapunan," sabi ko.
Pagkatapos namin ma-secure ang aming mga gamit sa kwarto ay bumaba na kami pareho sa dining area. Doon ko muling nakita si Danica kasama ang mga roommates niya.
"Yujin, mga roommates ko, Si Ylonah at Cassandra." Nakipag-kamay ako sa kanila at malugod na bumati kasabay nang pagpapakilala ko sa kanila sa kasama kong si Joshua. "Sabay-sabay na tayo kumain. May alam ako na Filipino restaurant na malapit dito," mungkahi ni Danica.
Pumunta kami sa Kabayan Restaurant at doon kumain ng hapunan. Sa totoo lang, wala pa akong nagustuhan pagkain mula sa eroplano hanggang dito sa Kish. Bigla ko tuloy na-miss ang luto nila Debby at Leslie pwera lang si Jenny at maihahalintulad ko ang pagkain dito sa mga niluluto niya. Iyong tipong magpi-prito lang ng isda, pagka-hain niya sa'yo ay tinik na lang ang natira at ang laman ay nakadikit lahat sa kawali na pinaglutuan niya. Minsan naman ay sinubukan niyang magluto ng sopas. Napagkamalan kong macaroni salad kasi wala akong nakitang sabaw at naiga na lahat. Ganoon din ang lomi nagmistulang pancit sa sobrang dry. Ang pinaka-malupit sa lahat ay iyong sinaing niya na mukhang lugaw sa dami ng sabaw. Sinamahan ko na lang ng tokwa't baboy at itlog para magmukhang arozcaldo. Mabuti pa ang luto ko bukod sa may originality ay panalo sa creativity!
Kung alam ko lang na ganito ang lasa ng mga pagkain ay sana cup noodles na lang ang kinain ko. Bukod sa naka-tipid na sa pera ay baka nasarapan pa ako. Pare-pareho kaming pagod mula sa byahe kaya minabuti na lang namin na bumalik sa hotel at magpahinga.
Mukhang boarding house sa Dapitan ang itsura ng mga kwarto dito. Sira at may butas pa ang screen ng bintana, pati heater ng banyo ay hindi gumagana. Palibhasa mura lang ang bayad kaya para lang kami nag-bed space dito. Sa isip ko, mabuti na rin ito kaysa sa wala, tutal hindi naman ako magtatagal sa lugar na ito.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Palibhasa ay namamahay pa ako kaya hindi ako gaano nakatulog. Naligo lang ako saglit at bumaba na kami ni Joshua para mag almusal. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa front desk at tumingin sa mga brochures para malaman namin kung saan maganda maggala habang nag-hihintay sa paglabas ng aming visa.
Sakto naman na dumating ang mga nag-gagandahang dilag. Si Danica at Ylonah. Sa kanilang lahat, si Ylonah ang pinaka-maalindog. Kahit na balot silang tatlo ng abaya (black cloak commonly worn by Arabic women) ay mababakas mo pa rin ang hugis ng kaniyang katawan.
"Kuya, mahilig ka sa boobs no?" tanong ni Joshua.
"Oo naman sino bang hindi?" mabilis kong sagot. Bigla akong natigilan at nabigla sa sinabi ko. "Este marunong lang ako mag-appreciate ng beauty," sabay bawi ko. "Bakit mo ba naitanong?"
"Kasi panay tingin mo sa boobs ni Ate Ylonah eh," nakangiti niyang sinabi.
Sino ba naman ang hindi mapapatingin? Napakaharot at likot ni Ylonah. Bawat kilos niya ay nag aalugan ang malulusog niyang papaya. Kaya naman hindi ko maiwasan ang mapahanga.
"Ina-appreciate ko lang ang suot nilang abaya. Walang malisya ang pagtingin ko sa kanila," palusot ko sa bata.
"Ghorls, may sale daw sa Venus International Mall!" Humahangos na nagtatakbo si Cassandra papalapit sa amin.
"Tara na punta tayo doon!" excited na sinabi naman ni Danica.
Mabilis na nagtatakbo ang tatlong dalaga at muli nasaksihan namin ni Joshua ang pag talbog na mala-beach ball na boobs ni Ylonah. Sobrang laki at lusog halos sabay na sabay ang pag taas, baba at pag-alog na kaniyang malulusog na dibdib sa kaniyang pagtakbo. Kung ganito ba naman lagi masasaksihan mo sa umaga. Paniguradong gaganda ang araw ko. Thank you gravity!
Hindi nagtagal ay sumunod na rin kami ni Joshua sa tatlong dalaga at masaya kami namasyal sa mall. Bukod sa Venus Mall ay pumunta rin kami sa Kish trade center. We walked twenty minutes to get there. It is more bigger than Venus Mall. We ended up buying nothing because all items are too expensive and the girls immediately lost interest. So we go to Zaytoon mall which is similar to Greenhills shopping mall. There are so many shops and food stalls. Doon na kami kumain ng tanghalian.
Habang kumakain kami ay nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jenny...
"Jenny? Miss mo ako?" pambungad kong bati.
"Gago! Puro ka kalokohan!" sagot naman niya. Ang sweet talaga!
"Bakit ka napatawag? Concern ka ba na baka miss na kita?" tukso ko.
"Yujin, lumabas na daw ang visa mo!"excited niyang sinabi. Biglang akong natuwa sa sinabi niya. "Pumunta ka daw sa front desk ng hotel mo ngayon at ipapadala daw sa fax iyong electronic visa at boarding pass mo," habilin pa niya.
Nagkwentuhan kami saglit ni Jenny tungkol sa mga taong nakilala ko dito at sa mga lugar na napuntahan ko bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay tumawag na rin ang travel agent ko pati na rin ang human resources department namin para sabihin ang magandang balita tungkol sa paglabas ng visa ko. Iba pa rin talaga si Jenny mas mabilis pa sa chismosang sabik sa chismis.
Sa sobrang excited ko ay hindi na ako sumama sa kanila sa paggagala at nagpaalam na ako na maunang bumalik sa hotel para kunin sa front desk ang flight schedule ko pabalik ng UAE. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Ylonah.
"Yujin!" Malakas na tawag niya. Bigla akong huminto sa paglalakad at lumingon sa kaniya. "Sabay na ako sa'yo pabalik ng hotel," sabi niya.
"Ayaw mo na mag-gala?"
"Masakit na ang paa ko at hindi ako sanay sa mahabang lakaran," paliwanag niya.
Pag-karating namin sa hotel ay dumaan agad ako sa front desk at kinuha ang boarding pass ko.
"Bukas pala nang umaga ang alis ko," masaya akong ibinalita kay Ylonah.
"Congrats! Buti ka pa," nakangiting pagbati niya.
Dumiretso na ako sa kwarto ko para mag ayos ng gamit. Nag-charge din ako ng celphone ko at na-lowbat na. Ikaw ba naman mag selfie at magpo-pose kung saan-saan. Bilin kasi nila Leslie at Debby na kumuha ako ng maraming larawan at minsan lang daw ako makabisita sa ganitong lugar.
Habang busy ako mag ayos ng gamit ay nag-ring ang room telephone.
"Hello?"
"Yujin? Si Ylonah 'to. Pwede ka ba sumaglit dito sa kwarto ko?" mahina ang boses nya.
"Bakit may problema ba? Pwede ba pumunta lalaki diyan?" tanong ko.
"Mag-isa lang ako dito kaya wala ako nakikitang masama. Isa pa saglit lang naman magpapatulong lang ako sana," napakamo ng tinig niya na nakikiusap sa akin.
Paano ko ba matatanggihan iyon? "Sige, bigyan mo ako ng ilang minuto at may tatapusin lang ako."
Pagkababa ko ng telepono ay naghilamos lang ako saglit at nag-toothbrush. Mabuti na iyong handa.
"Deym, wala 'ata akong dalang...." Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at sinilip ang secret pocket nito. "Yown! Buti na lang may isa pa!" Sabay tingin sa expiry date ng chocolate flavor kong condom. "Ayos may tatlong buwan pa!" Masasabi ko na talagang handa na akong talaga!
Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan kong kunin ang keycard sa mesa katabi ng cellphone kong naka-charge. Na-locked tuloy ako sa labas. Ayos lang punta na lang ako sa front desk para pakiusapan na buksan nila ang kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ni Ylonah ay naka crop top at short na lang siya. Lalong lumitaw ang kaseksihan sa suot niya. Lalo na at naka-labas ang mala-labanos sa puti ang hita at pusod niya. Rwaarr!
"Bakit mo nga pala ako pinapunta? May problema ba?" tanong ko.
Laking gulat ko nang lumapit siya sakin at bigla akong hinalikan. Hindi ko na nakuha pang pumalag. Kung sabagay wala naman talaga akong balak pumalag. Pagtapos niya ako halikan ay kinuha niya ang mga kamay ko at ipinatong sa kaniyang naglalakihang dibdib.
"Yujin, napansin ko na panay ang tingin mo sa boobs ko," malandi ang boses niyang sinabi.
"Huh? H-hindi naman sa ganoon..." bago ko pa matapos ang palusot ko ay inunahan na niya ako.
"Hindi ko naman ito ipagdadamot sa'yo," lalo niyang pinalambing ang boses niya animoy nang-aakit.
Ipinasok niya ang mga kamay ko sa loob ng blouse niya. Deym, wala siyang bra! Hinayaan niyang lamasin ko ang katambukan ng dibdib niya. Habang siya naman ang dahan-dahang hinihimas ang alaga ko na ngayon ay tigas na tigas na.
"Masarap ba?" tanong niya. Napalunok ako ng malaki at napatungo na lang. Ang totoo, sobrang nag-eenjoy akong laruin ang napakalambot niyang dibdib.
"Ylonah, baka dumating na sila," kinakabahan kong sinabi.
"Don't worry, matagal pa sila bago dumating," kompiyansa niyang sinabi. "Kinakabahan ka 'ata, first time mo ba?" tanong niya.
Bakit parang ilang beses ko na nadinig ang salitang iyan simula ng dumating ako dito?
"H-hindi naman sa ganoon."
"Alam ko na!" Naglakad siya papunta sa bagahe niya at naglabas ng isang boteng alak. "Uminom tayo para pampalakas ng loob!"
"H-hindi ba bawal iyan dito?"
"Isang shot lang!" sagot niya. Kumuha siya ng baso at pumunta sa banyo para magsalin ng alak. Ako naman ay umupo muna sa kama habang naghihintay sa kaniya. Ilang saglit pa ay bumalik na siya dala ang baso na may lamang alak. "Bottoms up!" hamon niya.
Sabay kaming uminom at inubos ang laman ng baso. Pagtapos namin uminom ay sinimulan na namin ang pinananabikang bakbakan. Siniil niya ako ng matamis na halik at unti-unti ko naman inalis ang saplot niya sa katawan. Excited na talaga ako makita ang itsura ng boobs niya ng malapitan. Akmang hahawakan ko na sana ang boobs niya nang makaramdam ako ng pagkahilo. Biglang nag-dilim ang aking paningin.
"Anong ginawa mo?" natatarantang tanong ko sa kaniya. "Anong inilagay mo sa inumin ko?" galit kong sinabi.
"Relax ka lang, pampatulog lang iyan," nakangisi niyang sinabi. Sabay kinapkapan niya ako sa aking bulsa at kinuha ang wallet ko. "Sensya ka na, pero kailangan ko talaga ng pera."
Nararamdaman ko na unti-unti na akong nanghihina at magdalawa na ang paningin ko. Halos gumapang na ako papunta sa pinto para humingi ng saklolo. Bago pa ako makarating sa pinto ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
"Yujin, gising!" may pamilyar na tinig ang tumatawag sa akin. "Yujin!"
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Nakapalibot sa akin si Danica, Cassandra at Joshua. "Anong nangyari? Nasaan si Ylonah?" tanong ko sa kanila.
"Wala na siya. Sabi sa front desk nag-check out na daw kanina pa," kwento ni Danica.
"Nawawala ang ibang gamit ko," naiiyak na sinabi ni Cassandra. "Buti na lang at naka-lock ang bagahe ko at iyong ibang damit at gamit ko lang ang nakuha niya."
"Kinuha niya wallet ko," nalulungkot kong sinabi. "Nilinglang niya ako at pinainom ng pampatulog," paliwanag ko.
"Sabi sa front desk modus daw iyon ng ibang taga-rito. Minsan nagpapanggap na kasama sa mga nag-exit at sasabay sa pag-check in sa hotel at pagkatapos ay nanakawan ng gamit at pera," paliwanag ni Joshua.
"Sorry ha, hindi ko siya napigilan," sabi ko sa kanila. "Nagtiwala rin ako sa kaniya."
"Okay lang, hindi naman natin alam," sabi ni Danica. "Mabuti na lang at konti lang ang nakuha niya sa atin," dagdag pa niya.
Mabuti na lang at hindi ko dinala ang lahat ng pera ko. Kabilin-bilinan kasi ni Jenny na magdala lang nang sapat na pera tuwing aalis para hindi ko lahat magastos. Maswerte din ako at naiwan ang keycard at cellphone ko sa kwarto. Kung hindi, baka manakawan din niya ang mga kasamahan ko.
GAGO's Lesson 101 no. 121: Trusting is hard. Knowing who to trust is even harder. Hindi masamang magtiwala pero matuto rin tayo mag-ingat sa mga taong mapagsamantala.
Kinabukasan ay maaga akong nag-check out sa hotel. Hindi ko na nagawang magpaalam sa mga naging kaibigan ko sa Kish sa sobrang aga ay natutulog pa silang lahat. Inihatid ako ng shuttle bus sa airport. Mabilis lang ang byahe ko at nakarating agad ako sa UAE.
Paglabas ko sa arrivals ay nakita ko kaagad si Jenny na nag-aabang sa pagdating ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napatakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
"Yujin, ayos ka lang? May nangyari ba?" nagtataka niyang tanong.
"Wala naman, naisip ko na baka nami-miss mo lang ako," pigil ang luha kong sinabi.
"Gago! Puro ka kalokohan. Sigurado ka okay ka lang? Bakit parang matamlay ka?"
Ayaw ko na sabihin sa kaniya ang nangyari sa akin at baka lalo lang siya mag-alala ang importante ay ligtas ako at kung hindi dahil sa mga paalala at bilin niya, baka mas malala pa ang nangyari sa akin.
"Baka hindi ka nakakain ng maayos doon. Sabi mo kasi hindi masarap ang pagkain doon. Gusto daan muna tayo sa Mall para kumain?"
"Pagod lang siguro ako," sagot ko. "Uwi na tayo!"
Your Neighborhood GAGO,
Yujin