Chereads / Ang Diary ng GAGO part 2 / Chapter 11 - Journey Entry 10: Houseband

Chapter 11 - Journey Entry 10: Houseband

Dear Diary,

Ang hirap maging jobless. Dahil wala akong trabaho, ako ang nagsilbing katulong sa bahay. Nakakahiya naman na maging pabigat ako sa mga kasamahan ko dito kaya nag-presinta ako na gagawa nang lahat ng gawaing bahay. Taga-linis ng bahay sa umaga, maghahanap ng work sa online job site sa tanghali habang naglalaba at magluluto ng pagkain sa hapon para pag uwi nila Jenny ay may hapunan na silang kakainin.

GAGO's Lesson 101 no. 117: Make yourself useful. Mas maganda ang nakakatulong kaysa maging pabigat sa ibang tao.

Muli ko na naman maipapamalas ang culinary skills ko! Kaya maaga pa lang ay pumunta na ako sa grocery para mamili ng mga sahog na gagamitin ko sa aking masterpiece. Syempre sa tulong ni pareng google ay nakalikha ako ng kakaibang putahe.

"Wow, amazing! Nakahanda na ang pagkain," manghang-mangha na sinabi ni Debby. Habang inaamoy niya ang niluto kong pagkain.

"Mamaya mo na iyan galawin at magbihis ka muna doon para makakain na tayo," nakangiti kong sinabi sa kaniya. "Pakitawag na rin sina Jenny at Leslie," pakiusap ko habang inaayos ko ang mesa na aming pagkakainan.

Sabay-sabay silang lumabas ng kwarto at umupo sa hapag kainan. Nang makumpleto na kaming lahat ay sinimulan na namin kumain.

"Ingat kayo at kapag natikman niyo ang luto ko ay makalimutan niyo ang mga jowa nyo!" pabiro kong sinabi pero medyo totoo. "Dahil sa luto ko napa-ibig ang ex-girlfriend ko!" Pagyayabang ko pa. Bigla na naman sumagi sa isip ko si Heart. Hayst, Those were the days!

"Wow, sinampalukang manok!" Naniningkit ang mga mata ni Debby pagkatapos niyang higupin ang sabaw.

"Parang adobo 'ata medyo maitim ang sabaw," sabi naman ni Leslie habang kinakagat ang laman.

"Ano ba kayo? Tinolang manok iyan!" pagmamalaki ko sa kanila.

"Teka bakit maasim?" Kunot-noong tanong ni Jenny.

"Wala kasi akong makitang broth cubes kaya iyong powdered mix na lang ang inilagay ko. Hindi ko napansin na sinigang mix pala iyon," pilit ang ngiti na sinabi ko sa kaniya.

"Bakit itim ang sabaw?" nagtatakang tanong ni Debby.

"Toyo kasi inilagay kong pang-alat para maiba naman sa nakasanayan!" mayabang kong sinabi.

"Teka, bakit mo nilagyan ng carrots at patatas?" pagtatakang tanong ni Leslie.

"Mahilig kasi si Jenny sa carrots kaya nilagyan ko at iyong patatas naman...."

"Wala naman sa amin ang mahilig sa patatas!" sabat ni Debby.

"Malapit na kasi masira, sayang naman kaya isinama ko na para mapakinabangan," paliwanag ko sa kanila. "Ganiyan talaga ang mga henyo matataba ang utak!"

"Last na luto mo na iyan!" Taas kilay na sinabi ni Jenny. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. Daming reklamo, naubos naman nila ang niluto ko.

GAGO's Lesson 101 no. 118: Be resourceful and creative. Ganiyan talaga 'pag tambay sa bahay kung ano-ano ang nasa isip. Lumalabas ang pagiging creative!

Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na muna ang lahat ng aming pinagkainan bago ako pumasok sa kwarto para magpahinga. Bago ako matulog ay sinilip ko muna ang email ko kung may nag-reply sa mga kumpanya na aking inaplayan. Kailangan ko na makahanap ng malilipatang kumpanya bago pa mag-expired ang tourist visa ko. Saglit lang kasi ako doon sa Eurovision kaya hindi na nila nagawang maasikaso ang employment visa ko. Laking tuwa ko nang makatanggap ako ng reply mula sa isang Insurance Brokers na kumpanya.

"Jenny, gising ka pa?" Sinilip ko siya sa baba ng double-deck.

"Gabi na, bakit gising ka pa?"

"May nag-reply sa application ko!" natutuwa kong sinabi at pagkatapos ay bumaba ako mula sa itaas ng double-deck. "Alam mo kung saang lugar 'to?" Pinakita ko sa kaniya ang address ng kumpanya.

"Oo, malapit lang iyan dito. Bakit may interview ka?" tanong niya.

"Oo, bukas nang umaga," mabilis kong sagot.

"Bukas na?" Bigla siyang napabalikwas sa pagkakahiga sa kama at binasa muli ang nakasulat sa liham. "Oo nga, bukas na interview mo. Gusto mo samahan kita?"

"Huwag na, may pasok ka pa bukas. Bigay mo na lang sa akin ang direction papunta doon."

Alam naman ng lahat na mahina ako 'pag dating sa direction. Kaya naman ginawan ako ni Jenny ng mapa at instruction kung papaano makarating sa interview ko bukas ng umaga.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para may oras pa ako na makapag-luto ng almusal at babaunin nila Jenny sa tanghalian. Medyo nasanay na akong gumising nang mas maaga simula nang nawalan ako ng trabaho. Pagkatapos ko magluto ay naligo na ako at nag ayos para naman sa interview ko.

"Sure ka na hindi na kita kailangan samahan? Pwede naman ako mag-half day ngayon para hindi ka maligaw," pag-aalalang tanong ni Jenny.

GAGO's Lesson 101 no. 119: Learn to stand on your own. Kahit na maraming tao ang gusto tumulong o sumuporta sa'yo, mas makakabuti na matuto kang kayanin ang pagsubok nang mag isa. Hindi sa lahat ng oras ay 'andyan sila sa tabi mo para umalalay.

"Okay lang ako. Malapit lang naman dito iyong pupuntahan ko," kumpiyansa kong sinabi. "Sige na, mauna na ako at baka ma-late pa ako. Wish me luck!" Pagkatapos ko magpaalam ay lumakad na ako papunta sa interview ko.

Ang totoo ay kinakabahan talaga ako. Ayaw ko lang ipahalata at baka mag-alala lang siya. Medyo nakakabisado ko na ang ugali ni Jenny na kapag napagpasyahan niya ang isang bagay, wala na makakapigil pa sa kaniya. Baka mamaya ay sumama na naman siya sa akin at magmukha akong tanga sa harap ng intrerviewer kasi may kasama akng chaperon. Paano kung sexy at maganda iyong mag-iinterview sa akin? Eh, 'di turn off agad iyon 'pag nagkataon!

Healthcare Insurance Brokers ang pangalan ng kumpanya na pinuntahan ko. Si Georgio Bourizk ang taong mag-iinterview sa akin. He's a middle-aged Lebanese man with bald hair. He as an Arabic features, very tall with chubby built.

"How long have you been here in UAE?" he asks.

He is well-versed in English. I've noticed that his grammar and diction were far better than my previous boss, Medhi.

"Almost two months," I promptly replied. Adrenalin rushes through my veins due to nervousness.

"With what visa?"

"Tourist visa sir." I'm sweating like a pig.

"I see. Your visa is going to expire in one week," He said. He looks very serious and I haven't seen him smiled since we started the interview. "Do you know how to use a computer?"

"Yes sir!" I said confidently.

"Is it okay if I test your competency in the computer before we continue our interview?"

"No problem sir," I replied.

Bigla akong napalunok ng malaki. Ang totoo medyo limot ko na ang ibang features sa Microsoft office. Kaya bigla akog kinabahan. Tumayo siya sa office chair niya at pinalipat niya ako doon para gamitin ang computer niya. Binigyan niya ako ng ibat-ibang exam patungkol sa Microsoft office. Una ay pinagawa niya ako ng formal letter gamit ang word document, sunod ay formula at chart gamit ang excel at presentation report gamit ang powerpoint.

Mabuti na lang at pamilyar ako sa paggawa ng mga formal letter at reports dahil ilan iyon sa mga ginagawa ko sa dati kong pinagtrabahuhan. Medyo sablay lang talaga ako sa grammar, ang importante ay matapos ko lahat iyon sa loob ng kalahating oras.

"Not bad, but you need some improvement," he commented. "Anyway, you can work on your weak points along the way," he added.

"Sir does it mean...."

"Yes, you are hired!" He smiled at me for the very first time. "First things first, we need to apply for your employment visa before you start working," he said.

"Yes, sir!" I happily said. "Ah sir, when will it be?" I ask inquisitively.

"I will check with our human resources, maybe after three or four days. You better be prepared to exit the country."

"Exit the country?"

"Yes, either you will exit in Oman or Iran," he said. "Don't worry, the company will cover all the expenses," he explained.

I felt relieved to know that the company will shoulder all the expenses. Hindi ko pa naman nagagalaw ang huling sahod ko sa dati kong kumpanya kaya kahit papaano ay may ipon ako na natitira. Hindi rin ako pinapagastos nila Jenny sa mga expenses sa bahay. Alam nila na bago pa lang ako dito sa UAE at kakatapos ko lang din mag-resign sa trabaho. Inilalaan ko ang pera ko para pambili ng visa kung sakaling hindi ako kaagad makakuha ng trabaho. Mabuti na lang at nakahanap agad ako ng mapapasukang trabaho bago mapaso ang visa ko.

The interview lasted for more than two hours. Georgio gave me a short briefing about the company's profile. He also asks me to fill up and sign some documents to formalize my recruitment and make it official. He also took me to my workstation and gave me a tour of the office.

I've learned that Healthcare Insurance Brokers is a newly established company and I am their very first employee. It is managed by two people, Georgio Bourizk and his partner Mahmoud Masri a Syrian nationality. The rest of the employees were all freelancers.

Pagka-uwi ko ng bahay ay sinimulan ko na maglinis at maglaba. Masyado 'ata ako na-inspired pati banyo ay nilinis ko na rin kahit hindi naman ako ang naka-toka. Kinagabihan ay umorder na lang ako ng pagkain sa Pizzahut. Gusto ko na ilibre sina Jenny dahil natanggap ako sa trabaho. Para kahit paapano ay makapag-celebrate kami.

"Wow, himala hindi ka nagluto ngayon," pambungad na bati sa akin ni Debby sabay dampot niya ng isang slice ng pizza.

"Kamusta interview?" tanong ni Jenny.

"Tanggap na ako," mabilis kong sagot.

"Kaya pala may pizza! Congrats!" bati ni Leslie sabay yakap sa akin. Kinilabutan naman ako!

"Jenny, mag-exit daw ako sa Oman o kaya sa Iran," paalam ko sa kaniya.

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Jenny at mababakas mo ang pag-aalala. Pakiramdam ko tuloy na para akong bata na mahihiwalay sa ina sa naging reaksyon niya.

"Sino makakasama mo doon?" tanong niya.

"Ano ka ba? Okay lang ako kahit mag-isa!" Sabay tapik sa balikat niya. "Sagot naman ng kumpanya laht ng gastos ko doon," paliwanag ko pa.

"Kailan ka aalis? Gaano ka raw katagal mawawala? Airport to airport lang ba o mag check-in ka pa sa hotel?" sunod-sunod ang mga tanong niya sa akin.

"Hindi ko pa alam pero ang sabi ay baka apat o limang araw daw bago ako umalis dito."

"Hoy kakain ba kayong dalawa o magdadramahan?" punong-puno ang bibig ni Debby habang nagsasalita. Mabilaukan sana!

Nabasag ang moment namin ni Jenny at natawa na lang kami kay Debby. Ayaw ko rin naman nang masyadong madrama kaya mabuti na rin na sumabat si Debby sa usapan namin.

Nakakatakot, nakaka-excite at nakaka-kaba ang lumabas at lumipat ng ibang bansa. Lalo na kung mag-isa ka lang. Pero ayaw ko naman na ganito na lang ako at umaasa sa kanila. Wala namang problema kung ako ang gagawa ng mga gawaing bahay, pero mas maganda na nakakatulong din ako sa mga gastusin sa bahay lalo na sa renta at pagkain. Wala akong planong maging houseband habang buhay.

Isa pa, gusto ko na rin na makapagpadala ng pera sa pamilya ko sa pinas kaya dapat makapag-simula na ako sa trabaho. Bukod doon ay kailangan ko rin ng permanent visa sa UAE para makapag-apply na ako ng schengen visa papuntang Europe. Iyon naman talaga ang original plan ko.

Kahit na mahirap ang buhay dito sa abroad ay handa ako magtiis for bigger and brighter future!

Your Neighborhood GAGO,

Yujin