Dear Diary,
"Yujin Akibe?" tanong ng isang babae na may hawak ng placard na may nakasulat ng aking pangalan.
"You must be Jenny?"
"Kanina pa ang arrival mo ah, 'bat ngayon ka lang?" nakakunot noong niyang tanong sabay tingin sa kaniyang wrist watch.
"Natagalan kasi ako sa conveyer kanina. May naki-sama sa bagahe ko," sabi ko.
"Kaibigan mo?" tanong niya.
"Hindi, nakilala ko lang sa airport sa pinas," mabilis kong sagot.
"Hindi ka dapat nakikipag-usap sa hindi mo kakilala," nagsimula na siyang magsermon habang naglalakad na kami palabas ng arrivals exit.
Nauuna siyang naglalakad sa akin. Habang ako ay nakatingin sa kaniyang likuran. May pwet siya pero walang balakang.
"Maraming manloloko ngayon lalo na sa baguhang tulad mo," patuloy ang kaniyang pagsasalita habang naglalakad pa rin kaming dalawa.
Wala namang kakaiba sa kaniya. Mukha lang siyang tipikal na Filipina. Sakto ang taas, morena, mukhang nasa 36 inches ang boobs niya na may cup B, 26 to 27 inches ang bewang at nasa 35 ang basa bandang balakang. Hindi kalakihan ang hita pero maiksi ang kaniyang mga biyas.
'Hindi ka dapat basta nagpapaniwala sa mga sinasabi ng mga tao dito at napakaraming chismoso!" sige pa rin siya sa pangangaral sa akin. "Bawal ang masyadong maharot! Sasabihin nilang single sila pero ang totoo may asawa at anak na sila sa pinas!"
Halatang bagong rebond ang buhok niyang hanggang bewang. Mukhang mumurahin ang gamit niyang pabango at simple lang rin kung manamit. Wala akong nakikitang mamahalin sa gamit niya. Pinsan ba talaga siya ni Denise? Bakit hindi sila magkamukha?
"Mahal ang cost of living dito kaya matuto kang magtipid." Bigla siyang tumigil sa pagsasalita at lumingon sa akin. "Yujin, nakikinig ka ba?"
GAGO's Lesson 101 no. 102: Always pay attention. Guys kung ayaw niyo ratratin kayo ng mala-armalite na bunganga ng mga babae, siguraduhin niyong naka alisto kayo palagi bente-kwarto oras!
"Ha? Ah... o-oo naman," nag aalangan kong sagot. Ang totoo ay wala ako masyadong naintindihan sa mga sinabi niya at busy ako sa pag oobserba sa kaniya.
Naniningkit ang kaniyang mga mata habang naglalakad papalapit sa akin sabay dinuro niya ako sa mukha. "Yujin Akibe! I know what you're doing. Stop scanning on my body!" Sabay irap pa niya. "Wala akong balak mapasama sa mga babaeng nabiktima mo! Bago ka pa dumating dito ay nawarningan na kaagaad ako ni Edward at Denise," buong pagmamalaking sinabi.
"Ang harsh mo naman. Nabiktima talaga? Hindi ba pwedeng nagkataon lang na hindi nag-work out ang pakikipag-date ko sa kanila? Ako agad ang may problema at may kasalanan?" depensa ko sa sarili.
Hindi ko akalaing may pagka-amazona ang isang 'to. Hindi na kami nag usap pa pagkatapos noon. Malayo rin ang nilakad namin papuntang parking lot. Nang makarating kami ay mabilis kaming sumakay sa KIA Rio niyang sasakyan.
Wala na akong balak pang makipag usap sa mga pamanghusgang tao katulad niya. Kaya minabuti ko na lang na tumingin na lang sa bintana. Buong biyahe kong pinagmasdan ang tanawin. Ibang-iba ito sa pinas na nakagisnan ko, wala kang makitang palayan o mga puno. Puro buhangin at disyerto lang ang tangi mong matatanaw. Wala ka ring makikitang poste ng meralco o mga sabit-sabit na kable ng kuryente. Malinis at maluwang ang kalsada. Naglalakihang villa lang ang nakikita ko hindi uso ang squatter dito. Kung hindi villa ay malalaking gusali naman ang meron dito. Ngayon pa lang ay naho-homesick na ako.
"Marunong ka ba mag-drive?" Biglang nabasag ang katahimikan ng magsalita siya.
"Hindi," tipid kong sagot habang nakatanaw pa rin ako sa labas ng bintana.
"Dapat mag-aral ka ng mag-drive," ani niya. "Mahal ang taxi dito kaya mas makakatipid ka kung may sarili kang sasakyan," paliwanag ni Jenny.
"Bakit pa? Hindi naman ako magtatagal dito. Hindi ba sinabi sa'yo ni Edward na ang destinasyon ko ay Europe at hindi Middle East?" Hindi ko na mapigilang magtaray. Sa lahat ng ayaw ko iyong lagi akong dinidiktahan.
She immediately pulled over the car on the side of the highway. So fast I almost hit the dashboard.
"Slow down will yah?!" I raised my voice in anger.
"Listen to me Yujin. Listen to me very well because I'm only going to say it once and I don't like repeating myself!" her voice started to sound serious and pissed off. Her eyes glared at me as if she's going to eat me alive. "If you want to survive in here you have to what I tell you to do! Do you think I like to babysit a jerk like you? Hell no! Pero dahil kaibigan ko si Edward at pinsan ko si Denise na matalik mong kaibigan ay pumayag ako sa kahilingan nila na bantayan at alagaan ka habang 'andito ka!" gigil na gigil niyang sinabi.
"Hindi ko naman hiniling na gawin mo iyon," pilit kong pinapakalma ang sarili ko at ayaw ko sumabay sa init ng ulo niya baka mamaya ay bigla na lang niya ako ibaon ng buhay sa gitna ng disyerto. "Bukas na bukas din ay mag-aapply na ako ng visa papuntang Europe para hindi na ako maging pabigat pa sa'yo."
"Akala mo ba ganoon kadali lang ang lahat? Hindi 'to pelikula o nababasa mo sa komiks at libro na sa isang iglap ay instant na ang lahat! Sa tingin mo ba ma-approved ang visa application mo kung ang gamit mong visa dito ay tourist lang at hindi permanent visa? Sa tingin mo makakakuha ka ng schengen visa kung wala kang trabaho dito na mapapakita sa kanila na kaya mo i-sustain ang sarili mo once nag tourist ka doon sa Europe?" paliwanag niya. "The more na wala ka mapakita na dokumento na self-suficient ka the more na paghihinalaan ka nila na pupunta doon para magtago at maghanap lang ng trabaho. Lalo na kung ang background mo sa pinas ay bartender at hindi tulad ng mga negosyante na may kakayahang mag travel kung saan man lupalop na gustuhin nila!"
Bigla akong nanlumo at nalungkot sa sinabi ni Jenny. Ano ba itong pinasukan ko? Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Bigla kong na-realized na mag isa na lang ako at malayo pa ako sa mga taong mahal ko. Hindi ko rin alam ang gagawin ko, hindi ako handa sa ganito. Magkahalong takot at pangamba ang bumabalot sa akin. Lalo na at hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay para sa akin.
GAGO's Lesson 101 no. 103: Don't let fear decide your future. Fear will only cause the courage to shriveled and die. Don't let it kill your dreams.
May katwiran nga si Jenny. Hindi ko pwede i-asa ang lahat kay Edward. Hindi sa lahat ng oras ay pwede kami mag-under the table o gumamit ng koneksyon. Sa ngayon ay kailangan kong kumilos ng mag isa para makakuha ng schengen visa. Kailangan ko paghirapan ang lahat para makaalis sa bansang ito at makapunta sa Europe.
"Gaano katagal?" tanong ko sa kaniya. "Gaano katagal ko kailangan manatili dito?"
"Dipende sa'yo yan," mabilis niyang sagot. "Sa ngayon, kailangan mo mag tiis muna ng kaunti dito. Tulad ng sabi ko, hindi naman kita pababayaan. Nangako ako kay Edward na kahit anong tigas ng ulo mo ay hindi kita pababayaan."
"Hindi mo kailangan obligahin ang sarili mong tulungan ako. Bukas na bukas din ay mag-aapply ako ng work. Iyong nakilala ko sa airport nagtatrabaho siya sa Bodega Club. Pwede ako mag-bartender doon!" buong ang loob kong sinabi. Bigla akong nakaramdam ng pag asa at lakas ng loob.
"Hindi!" mariin niyang pagtanggi. Basag trip talaga, sarap i-ngudngod sa titing may asin.
"Ha? Bakit hindi? Iyon lang ang experience ko wala akong ibang alam gawin!" Napakamot ulo na lang ako. Pakiramdam ko lagi niya akong pinagmumukhang tanga.
"May hiring sa opisina ng ka-roommate ko, doon kita ipapasok at hindi sa club. Mas malaki ang chance na ma-approved agad ang visa mo kung maganda ang trabaho mo. Iyong tipong technical at administrative hindi pang laborer," prankahan niyang sinabi.
GAGO's Lesson 101 no. 104: Life is earlier with straight forward people. It saves you from too much drama, sweet talks at flowery words.
Napakasakit niya talaga magsalita. Palibhasa masyado siyang straight forward. Mas mabuti pa iyon kaysa naman paikutin pa niya ako at magbolahan pa kami, lalong walang mangyayari. Hindi ko kailangan ng masyadong maraming palabok. Pansit lang ay sapat na!
"Ano naman klaseng trabaho iyon?" curious kong tanong sa kaniya. Sa totoo lang, tama nga naman siya kung magtatrabaho lang din naman ako eh doon na sa magkakaroon ng asenso ang buhay ko. Iyong pwede ako kumita ng malaki at umangat ang position.
"Administrative work, hindi ko pa alam ang eksaktong detalye. Malalaman pa lang natin pagkarating natin sa bahay. Graduate ka hindi ba? Sayang naman ang pinagaralan mo kung hindi mo ito pakikinabangan," ika niya.
GAGO's Lesson 101 no. 105: Don't settle for anything less. Dream big and high! Kaya nga gusto ko ang mga babaeng may malalaking boobs, balakang at hita! Wala talagang masamang mangarap!
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay na tutuluyan ko. Laking gulat ko ng makita kong halos magmukhang sardinas ang mga tenant sa isang flat. Sobrang dami at siksikan silang lahat. Sa tingin ko sa isang kwarto may tatlong double deck at hindi baba sa anim ang umuupa rito. Maliit lang ang kwarto na inuupahan ni Jenny at mayroon itong dalawang double deck.
"Yujin, si Leslie at Debby mga roommates ko," nakangiti niyang sinabi. Marunong pala siyang ngumiti. Mula ng makilala ko siya at lagi na lang sambakol at hindi maipinta ang kaniyang mukha.
"Siya pala si Mister. In-fairness!" mapanukso niyang sinabi. Bigla akong nalito sa sinabi niyang mister.
"Nice to finally meet you, Yujin," malugod na sinabi ni Debby at nakipagkamay siya sa akin. "Mamaya na lang tayo mag-chikahan at baka ma-late na kami ni Leslie sa handaan!" Nagmamadali silang lumabas ng pinto at naiwan kami ni Jenny na mag isa.
"Ano---" bago ko pa matapos ang tanong ko ay pinangunahan na niya kaagad ako.
"Dito, bawal magkasama ang lalaki at babae sa isang kwarto. Not unless, mag asawa," paliwang niya.
"Mag asawa?!" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. "Teka, wala sa usapan iyan! Paano tayo naging mag asawa?" natataranta kong tanong sa kaniya.
"Ano ka ba huwag ka masyadong OA diyan. Sempre may dokumento akong gawang recto! Isa pa kunwari lang 'to! Just incase na may mag inspeksyon na taga CID (Criminal Investigation Department) na magpunta dito at magtanong may maipapakita tayong dokumento at wala na masyado pang mahabang usapan," paliwanag niya sa'kin.
"Bakit ano bang mangyayari kung sakaling malaman nila na hindi tayo mag asawa at peke ang dokumento natin?" tanong ko.
"Sempre bukod sa makukulong tayo at malaking posibilidad na ma-deport din tayo dito."
Matyaga niyang ipinaliwanag sa akin ang mga panganib sa pagpapanggap namin. Kaya minabuti ko na lang na sundin ang bawat sasabihin niya para hindi kami pareho mapahamak. Gabi na at naisipan ko muna maligo bago ako matulog. Nakakapanibago, kung dati ay wantusawa ako maligo sa banyo ko, ngayon kailangan ko magmadali at baka may ibang tao na gagamit ng banyo. Sharing lang kasi ito sa ibang tenant sa banyo at kusina dito. Nakatuwalya lang ako ng lumabas ako sa banyo, Sa sobrang sikip at dami ng mga nakasampay na damit na nilabhan ay hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay ang mga gamit ko pampaligo.
Pagpasok ko sa kwarto ay nahuli kong nakatingin sa two to four abs ko si Jenny. "Kailangan ko sigurong galingan ang pag-acting na asawa mo ako para hindi tayo mabuko," nakangiti kong sinabi sabay pinakawalan ko ang killer dimples ko. "Kailangan din ba na magkatabi tayo sa kama para mas convincing ang dating?" tukso ko sa kaniya. Landi is real!
"Tigilan mo ako Yujin, hindi uubra ang dimples mo sa'kin!" Suplada naman! Siguro tibo talaga si Jenny at babae rin ang tipo niya? "Doon ka matulog sa taas ng deck. Tulad ng sinabi ko kunwari lang kaya 'wag ka masyadong OA diyan," paglilinaw niya.
Tama nga siguro ang ganito, kailangan ko dumistansya sa kaniya. Pinsan siya ng kaibigan ko at hindi kami talo. Siguro nga hindi na uubra dito ang fuckboy attitude ko at kailangan ko na talaga magpakatino. Matinding adjustment ang kailangan ko dito. Bagong buhay sa bagong mundo.
GAGO's Lesson 101 no. 106: Learn to adapt to your environment. Matutong mamaluktot kamag maiksi ang kumot. Kailangan mo mag adjust at sumunod sa batas at kultura ng iba at lalong kailangan mong makisama kung gusto mong tumagal ang iyong buhay.
Isang wrong move ko dito sa amazonang si Jenny, sa tingin ko putol ang titi ko kasama pati itlog!
Your Neighborhood GAGO,
Yujin