Chereads / Ang Diary ng GAGO part 2 / Chapter 6 - Journey Entry 5: It's hard to say GOODBYE

Chapter 6 - Journey Entry 5: It's hard to say GOODBYE

Dear Diary,

Ever since I was a child, I like to do things on my own. Ayaw ko sa lahat ang umaasa kahit kanino at lalong ayaw ko maging pabigat sa iba. Kahit noong nag aaral pa ako ay pinilit kong mag-part time para lang may pang bayad ako sa mga school expenses ko. At noong makatapos ako sa pag aaral ay bumukod ako sa amin dahil gusto ko tumayo sa sarili kong paa at mamuhay ng walang nagdidikta sa akin kung ano ang dapat kong gawin. My rules, my decision and I live my life the way I want it to be. Kaya sobra akong nainsulto kay Lennie nang sabihin niya bubuhayin niya ako gamit ang kayamanan niya. Sa sarili ko ngang magulang hindi ako umaasa sa ibang tao pa kaya?

Wala pang alas tres ng hapon nang makatanggap ako ng tawag mula kay Edward.

"Yujin, pumunta ka nang maaga sa club. May meeting tayo," seryoso ang tono ng kaniyang boses. Himala at may meeting kami. Ang huling beses na naalala ko na nagkaroon kami ng meeting ay noong pinakilala niya sa amin si Heart bilang bagong kumakatawan sa kaniya sa club.

Mukhang seryoso ang pag uusapan kaya naman nagmadali akong bumangon at nag ayos para pumunta sa club. Pagkarating ko sa club, napansin ko na halos kumpleto na silang lahat doon at ako na lang ang hinihintay. Nandoon sila sa office ni Edward nakaupo sa meeting room. Kanina lang ay nagku-kwentuhan sila, tumahimik na lang sila nang dumating ako. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Uy anong mayroon at may meeting tayo ngayon?" Umupo ako sa pagitan ni Vincent at Alfred. Pareho silang tahimik at nakatingin sa akin. Lalo akong kinabahan pakiramdam ko ay prank lang ang meeting na ito.

"Lennie Martinez, ano ang relasyon mo sa kaniya Yujin?" tanong ni Edward.

"Sinong Lennie? Iyong matandang dalaga?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. "Ano kinalaman niya sa meeting natin?"

"Oo, si Lennie na ex-wife ni General Martinez," sabi ni Alfred.

"Hindi mo ba alam na ang anak niyang si Delfin ang nag ooperate ng ilang club at casino dito sa Pinas?" pagmamayabang naman ni Vincent.

"Yujin, ano ba ang ginawa mo kay Lennie? Bakit ako nakatanggap ng pagbabanta mula sa pamilya niya? Hindi mo ba alam na matinding kakompetisyon namin ni Bernard ang pamilya nila pagdating sa negosyo?" nag aalalang tanong ni Edward. Sunod-sunod ang pag inom niya sa kape sa sobrang tensyon.

"Naka-date ko siya pero isang beses lang," paliwanag ko sa kanila. "At wala na akong balak makipagkita muli sa kaniya. Pagkatapos ng isang date ay winakasan ko na rin ang ugnayan ko sa kaniya," dagdag ko pa.

"Sa tingin mo ganoon kadali ka makakawala kay Lennie? She's a psychopath!" ani ni Edward. "She always gets what she wants and she will never stop until she gets it!" seryosong wila niya.

"Maraming siyang koneksyon kahit na iwasan o magtago ka pa mahahanap ka niya," pananakot naman ni Alfred.

Bigla ko tuloy naaalala iyong gabi na pinuntahan ako ni Lennie sa club. Akala ko noong una ay nagkataon lang na nagkatagpo ulit kami dahil hindi ko naman nabanggit sa kaniya kung saan ako nagtatrabaho. Marahil nga ay ginamit niya ang koneksyon niya para malaman kung saan ako matatagpuan.

GAGO's Lesson 101 no. 92: You can't buy love. Never force someone to love you and force yourself to love someone, only because you feel obligated.

Sa tono ng kanilang pananalita parang alam ko na ang mangyayari...

"Paano ang gagawin ko? Hindi ko naman pwede pilitin ang sarili ko para mahalin siya at pakisamahan!" Napatayo ako sa kinauupuan ko. Kung 'yan ang rason kaya ako nila pinatawag ay para ipagkasunod kay Lennie ay hindi ako makakapayag!

"Yujin, sit down!" malakas na utos ni Edward. "Walang may nagsasabi na makipagrelasyon ka sa kaniya. Alam kong hindi mo kasalanan ang nangyari at isa ka lang sa mga nabiktima niya," biglang himinahon ang kaniyang tinig.

"Tangina pre, sa dinami-dami ng titirahin mo iyong expired pa! Ayan tuloy napala mo, napasama ka tuloy!" pangyayamot naman ni Vincent.

"Hindi ko akalain na papatol ka sa matanda! Ganiyan ka na ba katigang at despirado na kung sino-sino na lang ang tinitira mo?" panggatong naman ni Alfred.

GAGO's Lesson 101 no. 93: Age is an issue of mind over matter. If you don't mind it, it doesn't matter - Mark Twain. Hindi naman batayan ang edad sa pakikipagrelasyon, lalo na kung tunay naman na-attract ka sa isang tao.

Hindi ko na nagawa pang umimik at depensahan ang sarili ko sa dalawa. Ginusto ko ang nangyari and at some point I never regret it. Kung naging matino lang sana ang ugali ni Lennie o naging simple at normal ang estado ng pamumuhay niya, wala akong nakikitang masama kung ipagpatuloy namin ang aming date. Pero hindi ang tipo niya ang nanaisin kong makasama habang buhay. Masyado malayo ang agwat ng estado namin sa isat isa. Wala akong balak na umasa at sumandal sa kaniyang pera.

"Ano ang gagawin ko Edward?" Muli ako umupo sa upuan ko at sa kaniya ko na lang itinuon ang pokus ko at sa tingin ko sa lahat ng tao na nandito ngayon ay si Edward lang ang matino kausap.

"Kailangan mo nang umalis sa club Yujin," walang kagatol-gatol niyang sinabi iyon. Sa tingin ko sa kaniya ay buo na ang pasya niya na paalisin ako sa club.

Biglang nanikip ang aking dibdib sa narinig, unti-unti namuo ang luha sa aking mga mata na handang pumatak. Hindi ko akalain na masasabi niya iyon sa akin. "Edward, ang club ang buhay ko at kayo ang pamilya ko!" Tuluyan nang pumatak ang luha sa aking mga mata hawak ko ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa sobrang pagkabigla at halos hindi na ako makahinga. "Huwag mo naman gawin sa'kin 'to! Ibinuhos ko ang lahat dito sa club na 'to!"

"Edward baka may iba pang paraan para hindi kailangan umalis ni Yujin," biglang sumabat si Vincent. Kahit siya ay hindi sang-ayon sa desisyon ni Edward.

Tumayo si Edward at naglakad papalapit sa akin at pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Akala mo ba ginusto ko ang desisyong iyon?" Sunod-sunod ang patak ng luha sa kaniyang mga mata habang nakayakap ito ng mahigpit. "Higit pa sa kapatid ang turing ko sa'yo Yujin! Pinoprotektahan lang kita dahil ayaw ko na mapahamal ka!"dagdag pa niya. "Masyado makapagyarihan ang pamilya nila at mas marami ang koneksyon nila. Wala akong sapat na lakas para labanan sila. Langgam lang ako kumpara sa kanila," paliwanag niya.

Tama si Edward ano nga ba laban niya sa kanila? Masyado pa siyang bata para sumabak sa ganoong klaseng mundo. Early twenties pa lang siya, halos konti lang ang tanda niya sa akin. Masyado pa kaming bata noong nagsimula kami sa club na 'to. Studyante pa lang ako noong unang pasok ko dito.

"Sorry Edward, naging pabaya ako at makasarili. Hindi ko naisip na pwede kayo mapahamak nang dahil sa akin!" Lalong bumuhos ang luha ko at yumakap ng mahigpit sa kaniya.

"Ako ang dapat mag-sorry dahil mahina pa ako, hindi tulad ng mga kapatid ko! Hindi ko kayang proteksyunan ang mga taong malapit sa akin!"

Tumayo si Alfred at Vincent at lumapit sa amin. "Sali kami, gusto din namin ng bromance!" Pareho silang yumakap sa amin.

Bigla ako kumalas sa pagkakayakap sa kanila. "Ayawan na! OA na to!" Pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak. "Kailan mo ba ako gusto umalis, ngayon na ba? Ililigpit ko na ba ang mga gamit ko sa locker?" tanong ko sa kanila.

"Hindi naman kita papaalisin ng ganoon na lang. May plano ako sa'yo," sagot ni Edward.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Kahit naman umalis ka dito ay ha-huntingin ka pa rin ni Lennie. Wala ka pa ring kawala!" untag niya.

"Anong plano mo?" tanong ni Alfred. "Masyado naman suspence 'yan!" Sabay kamot niya sa kaniyang ulo.

"Natatandaan mo si Denise?" nakangising tanong niya.

"Denise?!" sabay-sabay naming sinabi. Pare-pareho kaming nagulat at nagkatinginan sa isat isa.

Si Denise ang isa pa naming kaibigan. Lima kaming magkakasama na nagsimula sa club. Nagkataon lang na kailangan niyang mag ibang bansa dahil doon nadestino ang kaniyang mga magulang.

"Nak ng tokwa, buhay pa ang gagong iyon? Nasaan na siya ngayon?" mabilis kong tanong.

"Nasa Europe at doon kita ipapadala sa kaniya para maging safe ka! Sa kaniya kita inihabilin," paliwanag niya. "May passport ka naman hindi ba?"

"Oo meron. Kumuha ako last two months lang. Akala ko kasi matutuloy kasal ko kay Heart. Balak ko sana na mag-honeymoon kami sa Japan doon sa may hotspring. Pangarap ko talaga iyon!" Bigla na naman sumariwa ang nakaraan at saglit pa akong natulala at nag-imagine nang biglang akong binatukan ni Vincent.

"Hindi ito ang panahon para mag-flashback! Teka Edward pakiramdam ko delikado rin ang buhay ko. Beke nemen pede eke ren?" pabebe niyang sinabi sabay pilantik ng kaniyang mangilan-ngilang pilitkmata. Ang sagwa!

"Magsitigil nga kayo! Kailangan ni Yujin ng escort kaya ako na lang ang ipadala mong bodyguard niya para siguradong protektado siya!" hirit naman ni Alfred. "May passport din ako!

Deadma lang kami ni Edward sa kanila at patuloy pa rin ang aming seryosong usapan. "Hindi ba matagal ang visa processing? Isa pa, wala akong pera na pang asikaso sa mga documents at lalong wala akong show money!" nag aalala kong sinabi.

"Matatagalan talaga ang visa processing sa Europe at hindi natin pwede gamitin ang koneksyon ni kuya Bernard para tulungan ka. Baka malaman pa ng mga alipores ni Lennie. Kaya ang plano ko ay ipadala ka muna sa Abu Dhabi, UAE at doon ka mag-process ng visa mo papuntang Europe. Sa processing fee, show money at ticket ako na bahala doon," paliwanag niya. "Kahit sa ganoong paraan ay matulungan kita."

"Teka 'di ba middle east iyon? Disyerto! May hika ako baka masyado mainit at wala akong kakilala doon. Kung si Denise ay nasa Europe sino makakasama ko sa UAE? Wala akong alam sa ibang bansa," sunod-sunod ang mga tanong ko. Litong-lito ako sa mga pangyayar. Bigla ako natakot sa mangyayari sa akin.

Ipinatong ni Edward ang mga kamay niya sa balikat ko para ako ay kumalma. "Makinig ka Yujin, hindi ka nag-iisa. Nandoon si Jenny, ang pinsan ni Denise. Siya ang tutulong para mag asikaso ng visa mo papuntang Europe. Three to five working days lang ang processing ng visa sa UAE si Jenny na ang mag-aapply nito mula doon para hindi tayo mahalata," paliwanag niya. "Ang kailangan mo na lang gawin ay siguraduhin na kumpleto lahat ng dokumento mo bago dumating ang tourist visa mo sa UAE. Mayroon kang mahigit isang linggo para asikasuhin iyon dahil August 16 ang ticket na nai-book ni Jenny para sayo," dagdag pa niya.

Bigla akong natigilan at napaupo muli sa upuan. "Mukhang napag isipan mo na ang lahat ng ito." sabi ko kay Edward.

Realization hits me. Totoong lilisanin ko na hindi lang ang club, kung hindi ang Pilipinas. Napahawak ako sa aking mukha at napaluha. Naisip ko ang lahat ng taong iiwanan ko kasama na dito ang aking pamilya na walang kamalay-malay sa kinakaharap kong problema.

Ipinatong ni Edward ang kaniyang kamay sa ulo ko at dahan-dahan niya itong hinagod. "Huwag ka masyado mag isip. Hindi naman ito ang katapusan ng ating pagkakaibigan. Malalagpasan din natin 'to. Mabilis magsawa si Lennie sa mga laruan niya. Makakalimutan ka rin niya kapag may nakita na siyang bago niyang target. At kapag nangyari iyon, pwede na ulit tayo magkasama-samang lahat dito sa club," puno ng pag asa niyang sinabi. Ibang klase ang pagiging positibo ni Edward, siguro may lovelife na kaya inspirado.

Tumayo ako at naglakad papuntang pinto palabas ng office. "Saan ka pupunta?" tanong ni Alfred. Balak pa sana niya ako pigilan ng inawat siya ni Vincent.

"Sa pamilya ko, uuwi muna ako sa amin," mabilis kong sagot at tuluyan na akong naglakad palabas ng club.

Ilang oras din ang byahe papunta sa amin, buong byahe ako nakatulala sa bintana at nag-iisip nang aking sasabihin sa kanila. Pag pasok pa lang ng gate ng bahay namin ay sinalubong na kaagad ako ng aking ina. Bakas ang tuwa sa kaniyang mukha. Palibhasa mag iisang taon na rin ako mula nang huli akong umuwi sa amin. Iyon ay noong pinakilala ko si Heart sa kanila bilang nobya.

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. "Bakit mag isa ka lang? Nasaan si Heart?" nagtatakang tanong ni mommy.

"Wala na po kami," pilit ang ngiti kong sinabi. Sabay kaming pumasok sa bahay. Pagpasok ko ay luminga-linga ako at nagtanong. "Kayo lang po mag isa? Asan si Daddy?"

Biglang sumulpot si Daddy suot ang apron, nagluluto pala siya sa kusina. "Aba himala ang aga mo naman para sa birthday ko! Wala ka man lang pasalubong? Asan ang mga bagahe mo?" sunod-sunod ang kaniyang tanong sa sobrang excited.

Napawi ang ngiti sa aking mukha. Halos hindi ako makatingin sa aking ina. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na maluha, ayaw ko ipahalata sa kanila na may problema akong dinadala. Pero iba talaga ang isang ina, hindi man ako magsalita sa tingin ko ay alam na niya.

"Anak, may problema? Sabihin mo sa'kin." Hinawakan niya ang aking pisngi at pilit na inihaharap ang aking mukha sa kaniya.

"Meh, aalis na po ako sa club," mahina kong sinabi. Pilit kong kinakalma ang sarili ko at ipinalalabas na isang magandang balita ito. "Nag apply ako ng work sa ibang bansa, natanggap po ako," paliwanag ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka na ba masaya sa club? May nakaaway ka ba? Akala ko ba gusto mo ang trabaho mo doon?" Sunod-sunod ang tanong niya sakin. Halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Matanda na ako Meh, tapos na ako maglaro. Gusto ko na magseryoso sa pagtatrabaho," paliwanag ko sa kaniya. Niyakap ko siya at pinaghahalikan sa pisngi. "Kulang na kulang iyong pinapadala ko sa'yo. Pang tong-its mo lang iyon!" natatawa kong sinabi. "Pag nag-abroad ako, malaki na ang pera na ipapadala ko sa inyo at hindi na kailangan ni Daddy mag-work!"

Titig na titig siya sa aking mukha hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Hanggang sa...

"Sinungaling!" naiiyak niyang sinabi. "Bakit hindi ko makita ang dimples mo?" Bigla siyang napahagulgol sa pag iyak. "Anak ano ba iyang gulong pinasukan mo?" Mahigpit ang yakap niya sa'kin habang hinahampas niya ang aking braso.

GAGO's Lesson 101 no. 94: Matuto kang manindigan! Huwag kang aamin kahit magkapitpitan pa ng itlog! Minsan sa buhay ng tao kailangan natin itago ang totoo para sa hindi siya lubusan masaktan. Isipin mo na lang na para ito sa ikabubuti ng lahat.

"Ano naman ang gulong sinasabi mo? Mag-work lang po ako sa abroad, gulo na agad? Ayaw mo po noon? Sa opis na ako mag work, maipagmamalaki mo na rin ako sa lahat kasi matino na ang trabaho ko," pilit ko siyang pinaniniwala sa kasinungalingan ko.

"Kailangan ang alis mo?" tanong ng aking ama.

Bigla akong natigilan at napatingin sa kaniya. "August 16 po," pigil ang luha kong sinabi iyon sa kaniya. Nawala sa isip ko na August 17 pala ang birthday niya. Biglang bumuhos ang luha ko ng tumalikod si Daddy sa akin. Alam kong pasimple siyang umiiyak, ngunit ayaw niya lang ito ipakita sa akin.

Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging trabaho ko sa ibang bansa. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Pero gusto ko na lang maging positibo hindi lang para sa akin kung hindi para na rin sa club at sa pamilya ko.

GAGO's Lesson 101 no. 95: Stay positive. Nakakahawa ang pagiging good vibes at lalong nakakahawa ang ka-toxican. mas maganda kung maging positibo ka para mahatak mo at ma-inspire ang iba kaysa naman pare-pareho kayong maging miserable.

Biglang tumahimik ang buong bahay. Dati tuwing darating ako ay laging maingay ang lahat. Palibhasa sobrang kulit ko at magulo kaya puno ang bahay ng tawanan. Pero ngayon, mistulang abandonado ang bahay. Lahat ay nagkulong sa kani-kaniyang kwarto. Sobrang nakakabingi ang katahimikan kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta sa terrece bitbit ang ilang bote ng beer.

"Akala ko ba bawal ka nang uminom?" tanong ni Daddy sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Last ko na po 'to," sagot ko sa kaniya sabay inom sa bote ng beer. Dinampot niya ang isang bote at binuksan. "Akala ko po hindi ka nainom?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Mula pagkabata ko ay isang beses ko lang nakitang uminom ang tatay ko. Wala pang isang bote ang nainom niya sa kapitbahay ay gumagapang na ito pauwi sa amin. Wala kahit isang bisyo si Daddy.

"Ngayon lang naman, advanced celebration ko 'to kasama ang anak ko!" Matapang niyang tinungga ang bote ng alak sabay napangiwi siya. Natawa naman ako bigla. "Lumabas na ang dimples mo!" nakangiting wika niya.

Traydor talaga ang dimples ko, mabilis nila nalalaman ang tunay na damdamin ko base sa paglabas ng dimples ko. Kahit pagsisinungaling ko nalalaman nila dahill sa lintek na dimples.

"Deh, pag alis ko. Mag-resign ka na po sa work at alagaan niyo na lang ni Meh ang isa't isa. Ako na po ang bahala. Hayaan mo na po ako magpaaral sa utol ko, ako na bahala sa kanila." bilin ko sa kaniya.

"Iyon ba talaga ang dahilan kaya ka aalis?"

"Hindi po, pero sasamantalahin ko ang pagkakataon para ayusin ang buhay ko. Magtatrabaho po ako ng mabuti sa aboard." Hindi ko kaya magsinungaling sa tatay ko pero naninindigan ako na pagbubutihin ko ang pagtatrabaho ko pagdating sa abroad.

"Alam mo noong kabataan ko, si Mommy mo lang ang naging girlfriend ko at wala ng iba. Bakit ba hindi ka sa'kin nagmana?" naiiling na sinabi niya.

"Sorry, kung mas gwapo ako sa inyo kaya si Mommy lang ang nabihag mo!"

"Aba, GAGO kang bata ka! Lumayas ka na nga!"

GAGO's Lesson 101 no. 96: Great achievement is born with great sacrifice knowing that the outcome is all worth it.

Your Neighborhood GAGO,

Yujin