Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Dream My Man

🇵🇭sweetadiraelle
11
Completed
--
NOT RATINGS
26.3k
Views
Synopsis
Laim's first crush was Dean Angelo Diaz who later on he fell in love with. Pinangarap niya ang mapansin nito. Kaya ng buyuin siya ng kaibigang si Aimy na lapitan ito, sinunod niya ito. Everything after that day was history. Natupad ang matagal na niyang pangarap. Naging sila nito. Everything between them was so perfect until that day nang bigla na lang itong magbago at iwasan siya. 10 yrs had passed. They met again in their batch reunion and there, she realized that she still loves him. Would her dream to be with him be a success this time? Maging road to forever na nga kaya silang dalawa or iiyak na naman siya dahil hindi naman siya ang talagang mahal nito?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"Oh Laim (laym), di ka pa ba uuwi?" Tanong ng faculty mate niyang si Liz.

"Ikaw pala! Ginulat mo naman ako ih." Natatawa niyang sagot.

"Ganoon ba? Sorry naman! Ikaw kasi, masyado kang masipag at seryoso diyan sa ginagawa mo. Sabagay, as always naman. Kahit nga break time, kaya di na ako magtataka kung kahit sa inyo busy ka pa rin." Mahabang litanya nito habang pailing-iling pa.

Natawa siya.

"Bakit ka natawa diyan? Dont tell me friend nababaliw ka na sa daming ginagawa!?"

"Sira! Hindi 'no. Tinatapos ko lang ang lesson plan ko. Maya-maya pauwi na rin ako."

"Asus... Kung hindi ako nagkakamali, iniisip mo na naman si PAST mo.."

"Of course not! Umuwi ka na nga at baka hinihintay ka na ng Mister mo. Pag nainip un, hala ka, hahanap un ng iba!" Natatawang taboy niya rito.

"Ay, yan ang never mangyayari! Takot lang nun sa akin. Tsaka sa ganda kong ito? Di ako mangingiming humanap ng kapalit niya."

"Ows? Siya o ikaw ang takot? Wait, matawagan nga si Pareng Nick..." Nag-akma siyang dadamputin ang cellphone.

"Hep, hep! Wag naman! Ito na nga oh, uuwi na. Ikaw talaga, mag-e-emote ka lang naman diyan. Hala, babush na!"

Nakangiting sinundan na lang niya ng tingin ang kaibigan. Sa totoo lang, naiinggit siya kay Liz, masaya ang pamilya nito. Mahal nito ang asawa at mahal na mahal din ito ni Nick. Tatlo na ang anak ng mga ito pero para pa ring magkasintahan kung maglambingan. Samantalang siya, 26 na, pero heto at single. Marami rin naman sa kaniyang nanliligaw. Kaso, wala talaga siyang type isa man sa mga iyon.

Hindi palang siguro talaga nadating si Mr. Right o totoo nga sigurong pihikan siya. She had relationships naman before.. Pero mas inuna lang din talaga niya ang pag-aaral. Alam naman niyang darating din siya sa ganoong punto ng buhay. Hindi lang niya alam kung kailan.

Natigil lang siya sa pagmumuni-muni ng mapansin ang oras. She decided to go home after iligpit ang mga gamit niya.

***

"Oh 'nak, bakit ngayon ka lang?" Tanong ng kaniyang inay ng makita siyang pumasok.

"May tinapos lang, nay" Nagbless siya rito.

"Ay hala, magbihis ka na para makapaghapunan na tayo."

"Sige po."

Mabilis siyang nagpalit at bumaba na rin sa komedor.

"Halika ka na 'nak at lalamig ang pagkain." wika ng tatay Gino niya.

"Ate Laim, sama mo ko school niyo, gusto ko po punta roon ih." Sabi ng 6 na taong gulang niyang kapatid na si Rojit.

"Sige ba! Hayaan mo at isasama kita minsan. Basta pakabait lang lagi." Nakangiti niyang baling dito.

"Opo! Yey! Excited na po ako." Bibong sagot ni Rojit.

"Kumusta naman ang pagtuturo mo? Baka naman masyado mong isinusubsob ang sarili sa trabaho?" Tanong ng kaniyang tatay.

"Wag pabayaan ang sarili. Mahirap magkasakit." Paalala naman ng kaniyang inay.

"Opo, nay, tay. Wag nyo ako masyadong alalahanin."

After nilang magdinner, nagkuwentuhan muna sila sa sala. Si Daniela na may homework pa ay umakyat na nga kuwarto habang si Rojit ay piniling mangulit pa sa kanila.

"Nga pala, para sa iyo ito. May nagpadala lang niyan kanina."

Tinanggap niya ang sobreng inabot ng ina at binasa ang laman nito.

Galing sa kaniya. Invitation from him. Dumating na pala ito mula Finland. May kumudlit sa puso niya at hindi niya alam kung excitement ba dahil sa nalaman. Hindi niya alam.

" Para saan ba iyan?" Tanong ng ina

"A-ah, ano po, invitation po galing kay Dean. Pauwi na po at gusto ng reunion."

"Aba! Maganda at magkikita-kita na ulit kayo. 10 taon na rin nung huli kayong magkita-kita. Buti hindi nakalimot ang batang iyon."

"O-oo nga po, nay"

"A-attend ka ba?"

"Di ko pa po alam, baka po kasi maraming gagawin sa school."

"Ay naku! Minsan lang mangyari iyan. Maano bang bigyan naman ng bakasyon ang sarili mo. Hindi puro trabaho. Kailan daw ba?

"Friday po to sunday."

"3 days? Pumunta ka. Isang araw lang naman liliban."

"Try ko, nay. Akyat na po ako para makapahinga. Kayo rin po ha."

Nang tumango ito ay mabilis siyang umakyat ng kuwarto. Pupunta ba ako? Ano namang gagawin ko roon? 'Siyempre, makikipagkumustahan sa iba lalo na kay Dean. Naku! Lalong gumwapo un sigurado.'

Ayss.. Kung ano-ano na naman natakbo sa kokote ko tsk! Kung gwapo lalo, ano naman? Pakialam ko? 'Pero aminin mo, miss mo kaya excited ka ring makita siya? Isa pa, he is the reason kung bakit single ka pa rin hanggang ngayon.' kantiyaw ng kabilang bahagi ng isip niya.

'Of course not!' Tanggi niya. But she knows the truth. 10 taon, pero hindi niya talaga nakalimutan ito.

Ito ang unang lalaking minahal niya ng sobra pero sinaktan lang siya. God knows how much she tried to forget him. Pero heto, hindi niya pala nagawa. Hanggang ngayon.. Siya pa rin...