Kinabukasan, ipinagtapat naman agad nila sa kaniyang nanay at tatay ang tungkol sa kanila ni Dean. Kahit nag-aalala sa magiging reaksiyon ng mga ito, naging matapang siya dahil mahal niya talaga ang kasintahan. Pasalamat na lang sila at hindi naman nagalit ang mga ito bagkus ay pinaalalahanan sila sa mga bagay na dapat at di-dapat gawin.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ok naman. Masayang-masaya siya sa nagiging takbo ng relasyon nila ng lalaking dati ay nasisilayan lang niya mula sa malayo. Sino ba ang mag-aakalang darating sila sa ganitong sitwasyon? Iyong magkakaroon ng "sila". Actually, lagi silang magkasama. Madalas ding hawakan ni Dean ang mga kamay niya na akala mo ay bigla na lang siyang mawawala oras na bitawan siya nito. At kinikilig ang puso niya sa kung paano siya nito alagaan. By the way, 1st Monthsary namin at sobrang excited siya! 😍. Ang problema, wala pa siyang text na natatanggap mula rito. Hindi pa rin ito nagpapakita. Siguro, mamaya pa. Pagpasok niya☺️.
Excited siyang pumasok. Napakagaan ng pakiramdam niya sana dahil sa sayang nadarama. Na agad naglaho dahil hindi pumasok ang taong gustong-gusto niyang makita. Ang sayang sa puso niya ay unti-unting naglaho. Buong maghapon siyang naghintay kahit text lang mula rito pero wala. Heto nga at umiiyak na siya kay Aimy.
"Tahan na. Baka kasi may emergency sa kanila." alo nito.
"B-bakit di man lang siya magtext?" first monthsary pa naman nila, tapos balewala lang dito. Hindi naman sila nag-aaway para mangyari ang ganito.
"Laim, hindi pa naman tapos ang araw. Wag kang nega friend."
Iling lang ang isinagot niya sa kaibigan. Ayaw na niyang umasa pa rito. Nasira na ang araw niya kaya inaya na lang niyang umuwi ang kaibigan. Alas otso, wala pa rin. Nakabihis na nga siya ng pantulog. Nakahiga na rin pero ayaw pa siyang dalawin ng antok. Lumilipad ang isip niya sa lalaking hindi man lang siya naalala sa araw na iyon. Napakaespesyal pa naman ng araw na iyon sa kaniya. 'Siya pa ang nagsabing wag kong kalimutang ang 18..taz...'
"Laim, gising ka pa ba 'nak?" boses ng nanay niya mula sa labas ng kaniyang kuwarto.
"Opo nay, bakit po?" pilit niyang pinasigla ang boses.
"Nasa baba si Aimy, nak."
"Bakit daw po?" nagtatakang tanong niya ng mabuksan ang pinto.
"Hindi ko rin alam sa batang iyon, hala babain mo muna at baka importante."
Nabungaran niya nga ang nakangiting kaibigan sa kanilang sala.
"Laim, buti gising ka pa😊. Tita hiramin ko po muna anak niyo ha. Sabado naman pi bukas, ok lang po ba?"
"Saan ba kayo pupunta at kung kailan gabi na?"
"Sa labas lang, 'ta promise! Ibabalik ko ng buo ang dalaga nyo hehe.."
"Ay sige, sandali lang kayo at gabi na."
"Yes, tita! Lika na friend daliiii." dali-dali siyang hinila nito palabas.
"San tayo?" nagtatakang tanong niya. Wala siyang nagawa kundi ang magpahila sa bruhang ito.
"Basta. Just trust me😉"
Huminto sila sa paborito nilang tambayan.
"Aimy, anong meron? Bakit tayo nandito?
Ngumiti lang ang kaibigan bago inginuso ang nasa kaniyang likuran. Nagtataka na binalingan niya ang itinuturo nito. Madilim na paligid. Wala naman siyang makitang maganda sa madilim na gabing iyon. Pinagti-tripan ata siya ng gaga. Handa na sana siyang sermunan ang kaibigan ng biglang bumaha ang liwanag sa kanina ay madilim na lugar na iyon. Maya-maya pa ay narinig niya ang paboritong kanta na "You and Me" ng lifehouse na sinasabayan ng tunog ng gitara at inaawit ng isang tao. Biglang nagkagulo ang mga daga sa dibdib niya ng masilayan ang kasintahan na sinasabayan ang awiting naririnig. Dean, and he was staring at her while singing the song. It was breathtaking. Maliwanag ang paligid at unti-unti na niyang napapansin ang ganda ng lugar. It felt like a dream. In the center was a table with 3 roses placed in a vase. May nakahain na ring food na inihanda talaga para sa dalawang tao. Napansin din niya ang nagkalat na petals ng rosas na sinadya atang isabog sa paligid. Nakita rin niya sina Mark at Niko na ngiting-ngiti sa kaniya. How romantic the place was. Totoo ba talaga ito o panaginip? Ipinikit niya ang mga mata at iminulat para lang muling masilayan ang lahat. Walang nagbago. Totoo nga. Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya dahil sa sayang lumukob sa puso niya. Nang matapos si Dean sa pagkanta, lumapit ito sa kanya at inabutam siya ng isang rose.
"Happy Monthsary, Mahal."
Hindi na niya napigil ang sarili at niyakap ito. She was so happy kahit panay ang tulo ng luha niya. Naramdaman niya ang pagganti nito.
"A-akala ko, nakalimutan mo."
"Sshh.. Tahan na. I love you so much that it hurts na hindi kita nakita buong hapon. Imposible ring makalimutan ko ang araw na ito"
"Bakit ngayon lang? Kanina pa ako naghihintay sayo."
"I'm sorry. I want this day to be special... Para sa babaeng nakapaespesyal sa puso ko."
"Thank you, Dean. Thank you for making me this so happy. Happy Monthsary, and I love you, too."
"Aheem! Nandito pa kami ha. Mamaya na iyan pag kayo na lang dalawa." natatawang biro ni Mark.
"Kaya nga, iniinggit nyo pa kami." nakangusong sabat ni Aimy.
"Umalis na kasi tayo at moment naman talaga nila ito."
"Ay oo nga, tara na. Iwan na natin ang lovebirds na iyan."
"Salamat, guys!" pahabol niya ng magsimulang humakbang palayo ang mga ito.
Iginiya siya ni Dean sa lamesa at pinaupo. Hindi agad ito umalis sa likod niya hanggang sa mamalayan niyang may isinuot ito sa kaniyang leeg.
"Dean? A-ano ito?" her heart is really filled of happiness.
"My gift. Happy monthsary ulit and always remember na mahal kita."
Hindi na naman niya napigilang maluha. Gosh! Ang lalaking ito. Hinaplos niya ang necklace na isinuot nito sa kaniya. It was a rose gold necklace na may maliit na pusong pendant.
"Thank you." puno ng pagmamahal na saad niya.
Everything was so perfect between them. Mahal na mahal na mahal na lalo niya ang kasintahan. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mabuti for her to have him. She doesn't know what may happen for the next days that will come, pero isa lang ang sigurado niya. Wala na siyang ibang lalaking mamahalin ng sobra kundi ang nag-iisang Dean Angelo Diaz sa buhay niya ngayon. No matter what happens, she will hold on him. Sa pagmamahal na ibinibigay nito at sa pagmamahal na nararamdaman niya para rito...