Chereads / My Dream My Man / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

She thought, everything was fine. Until that day came. Iyong kinatatakutan niya. Iyong bigla na lang may magbago sa relasyon nilang dalawa.

"Hello, Niko! Si Dean?"

"Hi! He's in the court. Puntahan mo na lang.

" Ok, thanks!" mabilis naman aiyang nagpaalam dito at tumungo sa court. Andoon nga ang hinahanap kasama ang team mates nito. Natigilan siya ng mapansin doon si Livia na nasa mismong tabi pa ng boyfriend niya. Pero ipinagsawalang bahala niya iyon. She's only a friend, di ba?

"Oh, Laim, andiyan ka pala." bati ni Mark. "May kailangan ka ba?" tanong nito. Nilingon niya si Dean. Ni hindi man lang ito tumingin sa kaniya. Ouch! Relax heart...

"Laim?" naghihintay na taong ni Mark.

"A-ah, w-wala, Mark. Sige, alis na ako." mabilis siyang tumalikod at umalis sa harapan ng mga ito. Dumiretso siya sa  CR at doon ibinuhos ang pinipigil na luha. Anong meron? Bakit parang wala lang siya rito? May problema ba sila? Sunod-sunod ang mga tanong sa isip niya at alam niya, kailangan niyang makakuha ng sagot kahit isa lang. Kailangan niyang makausap si Dean.

Inayos niya ang sarili at hinanap si Dean. Wala na ang mga ito sa court. Uwian na kaya tumakbo siya patungo sa gate and he was there. She was ready to call him nanh mapansin na kasama pa rin nito si Livia at nakaabrisyete pa sa braso nito. And just that, she was hurt again. Mabilis na pinunasan niya ang luhang umalpas sa kaniyang mga mata. She doesn't know what is wrong. Namalauan na lang niya ang sariling nagmumukmok sa loob ng kaniyang kuwarto. She cried all night. She waited for his text pero ni isa walang dumating. Was it over? Ano ba talaga siya sa buhay nito? He said he loves her.. Pero bakit ganito?

Another 3 days passed pero walang nagbago sa treatment sa kaniya ni Dean. Magtatatlong buwan palang ang relasyon nila ganito na. Naguguluhan na siya ng sobra. Sila pa ba? Ni hindi ito nagpapakita sa kaniya. Kung may time man na magkakasalubong sila, umiiwas agad ito na parang hindi siya kilala. At masakit na talaga.

"Laim, ok ka lang ba?" nag-aalalang boses ni Aimy ang nagpatigil sa pag-iisip niya.

"Paano ako magigong ok? H-hindi ko alam kung ano pa ba kami. Aimy, ang gulo ng isip ko. Nasasaktan na ng sobra ang puso ko. Ano ba ang dapat kong gawin?" may luha sa mga matang tanong niya sa kaibigan.

"You need to talk to him. Really. May karapatan ka. Hindi pwedeng ganito na lang kayo lagi."

"Iniiwasan niya ako. Paano ko siya makakausap?"

"Bakit ka papayag na iiwasan ka? Kailangan mong malinawan sa nagyayari sa inyo. Kung ayaw na niya, sabihin niya. Hindi iyang gagawin ka niyang parang tanga kakahabol sa kaniya." naiinis na saad nito. Alam niyang nagtitimpi lang ang kaibigan na hindi awayin si Dean. Ayaw nitong mas masaktan siya.

Hindi siya nakapagsalita. May punto naman kasi ang kaibigan. She needs to make a way para makausap ito.

Pero lumipas na lang ang ilang linggo, wala pa ring nangyari. It's their third monthsary. Sinubukan niyang hanapin ito sa court sa pagbabasakaling matagpuan ito doon. Puno ng kaba ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. She was near the gymnasium ng mahinto siya sa paglakad dahil sa narinig mula sa isang 4th yr student.

"Guys, have you heard the news?"

"What news?"

"Si Dean na pala ulit at si Zuseth!"

Crush. Sakit. Tila bomba sa puso niya ang mga salitang narinig.

"Misunderstanding lang naman pala. Ni-represent kasi ni Zuseth ang school natin sa Ms. Teen International sa Malaysia kaya medyo lie low ang relationship nila. Pero ngayon, ok na."

Pinigil niya ang mga luhang nais tumulo. Kailangan sa mismong labi ni Dean magmula ang lahat. Gusto niyang ito ang magsabi sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon. Tumuloy siya sa gym para lang matulos sa kinatatayuan nang masilayan ang dalawang taong laman ng usapan sa labas. Nakaakbay dito si Dean samantalang nakayakap naman dito si Zuseth. That's it. Totoo nga. No need to ask anything.

She cried her heart out. Lahat ng sakit na nararamdaman ay inilabas niya sa pamamagitan ng pagluha. Gising na gising na siya sa katotohanan. Iyong akala niyang mahal siya nito, bahagi lang talaga ng magandang panaginip niya. Kaya pala. Kaya bigla na lang siyang iniwan nito. Sh*t ka Dean! G*go ka! Sino ka para saktan ako ng ganito...

She was so hurt na ni pag ngiti ay nakalimutan na niya. Hindi na nga niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Wala siyang paliwanag na natanggap mula sa lalaking minahal niya pero binalewala lang siya. Hindi man lang nag-abalang humingi ng sorry ang g*go. Pero tapos na iyon. Wala na rin namang magbabago. Hinubad na rin niya ang kuwentas na ibinigay nito sa kaniya at itinago. Gusto man niyang itapon, ayaw naman ng puso niya. Manhid.

Nagpatuloy ang buhay niya. Iniwasan niya ang lahat ng bagay na pwedeng magpaalala kay Dean lalo na ang mga kaibigan nitong wala rin namang ginawa para paliwanagan siya. And their graduation day came. Feeling niya, siya lang ang hindi masaya sa araw na iyon kahit siya pa ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan. Pilit na pilit ang mga ngiti niya. Kahit nang mag-speech ay pilit din niyang pinasigla ang boses. Hindi na siya nag-abalang sulyapan man lang ang lalaking nag-iwan ng malaking sugat sa puso niya. Para saan pa? Kung kaya nitong wala siya, mas kaya niya. Ipapakita niya iyon dito. Natapos ang gabing iyon na puro batian.

Sa paglipas ng mga araw, she thought, she's already ok. But when she heard na lumipad si Dean patungong Finland para doon mag-aral, muli siyang umiyak dahil dito. Mahal niya si Dean. Mahal na mahal pa rin niya ito. Pero tapos na ang kabanata ng buhay niya na kasama ito. Every memory with him should stay as a memory na lang. Tapos na sila. At para sa kaniya, ito mismo ang tumapos nun...