Ala-una, nakarating sila sa bahay ni Dean. Binalingan niya si Zuseth.
"Salamat talaga, Zuseth." niyakap niya ito.
"You're welcome. Pumasok ka na."
Mabilis niyang sinunod ito. Walang tao sa labas at bukas naman ang gate kaya dire-diretso siyang pumasok. Tumawag na nga pala si Zuseth dito kanina. Sinalubong siya ng isang katulong.
"Si Dean po?"
"Nasa kuwarto niya Ma'am, sa taas. Unang pinto po sa kanan."
Matapos magpasalamat dito ay umakyat siya agad. Kinakabahan siya, pero wala na siyang pakialam. Bukas ang pinto nito kaya nakapasok siya ng tahimik. Nag-aayos na nga ito ng maleta.
Tumikhim siya." Aalis ka na pala. "
Gulat itong napalingon sa kaniya. Kinusot pa nito ang mga mata bago uli siya tinitigan. Hindi ata makapaniwala na nandoon siya.
"Bakit nandito ka?" hindi makapaniwala pa ring tanong nito.
"Zuseth told me everything." nanginginig ang mga kamay na sagot niya. She's nervous.
Ilang minuto itong walang imik. Nang makabawi, bumalik ito sa pag-aayos ng mga gamit.
"Ganoon ba. Anong sinabi niya sayo." walang emosyong tanong nito.
'It's your fault Laim kaya wag kang masaktan diyan'.. Sita niya sa sarili.
"Ipinaliwanag niya sa akin lahat." mahina niyang sagot.
Tumango lang ito.
"Kaya ako nandito.."
"Naniwala ka sa kaniya, pero sa akin hindi? You listened to her, pero sa akin hindi." pormal na saad nito.
"I-I'm sorry". Naiiyak siya. Bakit parang hindi naman ito masaya na nandoon siya. Nagkamali na naman ba siya ng akala?
"Ok lang, tapos na iyon." tumalikod na ulit ito sa kaniya at itinuloy ang pag-i-impake. "May sasabihin ka pa ba?" pormal na pormal ang mukha nito nang harapin siya. At nasasaktan na naman siya sa kawalan ng interes nito sa kaniya.
Umiling siya. "Ok." tumalikod na naman ito at lumapit sa isa sa cabinet doon para kuhanin ang iba pang gamit.
Aalis pa rin ito. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. Kinuha niya ang necklace na bigay nito na sampung taon din niyang iningatan. Inilapag niya iyon sa lamesitang nasa gilid niya. Hindi na lang sana siya pumunta roon. Hayan tuloy, umiiyak na naman siya. Muli niya itong sinulyapan, patuloy lang ito sa ginagawa na parang wala siya roon. Mabilis na lumabas siya ng kuwarto nito nang hindi na niya makayanan ang sakit. Dali-dali siya sa pagbaba. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon pero bago siya tuluyang makalabas ng pinto ng bahay nito, he called her. Just to be hurt again.
"May nakalimutan ka."
Pinunasan niya ang mga luha at lumingon dito. It was the necklace. Wala pa ring emosyon ang mukha nito kaya gusto na naman niyang umiyak. Wala na bang alam ang lalaking ito kundi ang paiyakin siya?
"I'm returning that." pumiyok ang boses niya.
"Bakit? Ibinigay ko sayo ito, di ba?"
Umiling siya. Nalaglag na naman ang mga luha sa pisngi niya. "Hindi ko na kailangan iyan." muli siyang tumalikod.
"Iyon lang ba talaga ang ipinunta mo rito?" pigil nito sa kaniya.
"Kung meron mang iba pang rason, hindi na mahalaga dahil hindi naman na kailangan."
"Mahal mo ba ako, kaya nagpunta ka?"
Humarap siya rito kahit umiiyak pa rin siya.
"Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita. At hindi nagbago iyon kahit sampung taon pa ang lumipas!" sigaw niya rito.
"Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong nito habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya.
"Aalis ka pa rin naman." humihikbing sagot niya.
"Sinong aalis? Pagkatapos kong marinig na mahal mo pa rin ako, sa tingin mo ba aalis pa ako?"
Nabuhayan siya ng loob. "Bakit nag-i-empake ka pa rin?"
Inilang hakbang nito ang pagitan nila at niyakap siya ng mahigpit. Umiiyak na gumanti siya ng yakap dito.
"Kasi naman po, sasabihin lang na mahal ako di pa agad sinabi. Iyon lang namang ang hinihintay ko. Tapos aalis ka ng ganun lang at iiwan itong kuwintas?" bumitaw ito sa kaniya bago muling isinuot sa leeg niya ang kuwintas na bigay nito.
"Nasasaktan na kasi ako sa kawalan mo ng interes at ayaw kong makita mong umiiyak ako."
Tinuyo ng mga daliri nito ang luha sa pisngi niya. "I'm sorry kung lagi na lang kitang nasasaktan. Promise, last na ito. Laim, I love you so much. Sa iyo ko lang naramdaman ito at hindi ko na kakayanin pag nawala ka pa sa akin."
"Mahal na mahal din kita, Dean." hayag niya bago muling yumakap dito ng mahigpit.
"So, magpapakasal ka sa akin?"
"Ang bilis naman?" natatawa niyang sagot.
"Ayaw ko na maghintay. 10 years is enough. Wala pa akong hawak na sing-sing, pero handa ka bang magpakasal sa akin?"..
"Yes!" masayang-masayang sagot niya.
After all the pains, she knew they deserved to be happy. Lahat ng sakit, sa isang iglap nabura lahat. Ganito pala ang feeling kapag nagpapatawad at mas pinipiling magmahal na lang. That decision of choosing happiness than your pride is the best thing you will do in life...โค๏ธ
- END๐
***
Yiiieeehhh!!! Salamat po sa mga sumubaybay sa kuwento nina Laim at Dean. Hanggang ngayon, napapaiyak pa rin ako sa last part ng kuwentong ito. Kung ano ang naramdaman kong pain nung una ko itong isulat, ganoon pa rin๐ . Grabee.. Pde pala talaga iyon. Mula po sa kaibuturan ng puso ko, thank you! Thank you! Thank you! ๐ Pasensiya na po sa ilang beses na pagkabitin. I hope, nabigyan ko ng justice ang pagkabitin ninyo. "A Dream Come True" is an old piece... Kaya salamat po at nagka-chance akong ma-i-share ito sa inyo. Wag po sana kayong bumitaw. More stories will follow after this. God bless!