Chereads / My Dream My Man / Chapter 10 - Chapter 10.1

Chapter 10 - Chapter 10.1

Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Hindi na niya ulit nakita si Dean. Kahit anino nito. Para itong bula na bigla na ulit naglaho sa buhay niya. Sabagay, bakit nga naman ito magpaparamdam ulit? Wala namang sila. Halik lang iyon. Ipinilig niya ang ulo. Babalikan na naman ba niya ang mga alaala nito? Di ba nga sabi niya, she must forget him. Tama na ang sakit. Tama na..

Itinaboy niya sa isip ang lalaking iyon. Naghanda na siya pag-uwi. Pagdating sa kanila, nagulat siya ng madatnang naghihintay si Dean. Tumayo ito ng makita siya at inabot ang bouquet na hawak sa kaniya.

"Thank you. Bakit nandito ka?" pormal na tanong niya kahit ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya.

"Binibisita ka."

"Bakit?" naguhuluhang tanong niya.

"Masama bang dalawin ang girlfriend ko?"

Hindi agad siya nakapagsalita. Siya!? Girlfriend nito? Kailan pa? Paano? Bakit hindi niya alam? Sunod-sunod niyang tanong sa sarili.

"What are you talking about?" may galit na tanong niya.

"Laim, we didn't break up. Kaya literally, tayo pa."

Natawa siya. He was referring to their relationship 10 years ago! Ang kapal ng mukha nito para sabihin iyon sa kanya na tila ba ganoon lang kasimple ang lahat.

"Ha, ang kapal mo! Umalis ka na!" sigaw niya. She can't help it. Tila ang sakit na matagal na niyang kinikimkim ay biglang sumabog ng araw na iyon.

"Laim, please, let me explain." pakiusap nito.

"At ano ang ipapaliwanag mo, ha!? 10 yrs Dean. 10 yrs kang nawala. Tapos ngayon ka lang magpapaliwanag? Hindi ba masyado ka nang late para magpaliwanag? Hindi nga tayo nagbreak, paano ba naman, bigla ka na lang nawala. Pinagmukha mo akong tanga. Ginawa mo lang akong panakip-butas noong umalis si Zuseth. Ano bang ginawa mo sa akin noong bumalik siya? Wala. Para akong basahan na bigla mo na lang itinapon sa kung saan. Hanggang sa mabalitaan ko na kayo na ulit. Wow! Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Minahal lang naman kita, Dean. Bakit nagawa mo akong lokohin? " wala na. Hindi na niya napigilan ang sarili at lahat ng hinanakit na naipon at itinabi niya sa dibdib niya sa loob ng sampung taon isinigaw niya rito. Siguro, ito iyong kailangan niya para makalabas na sa nakaraan nila.

" Laim, please, makinig ka muna sa akin. Hindi totoong naging kami ulit ni Zuseth. Hindi ko na siya mahal noong maging tayo. Laim, mahal kita at kahit kailan hindi kita ginawang panakip-butas. Sana naman paniwalaan mo ako."

"So, bakit mo ako iniwasan na lang bigla?" she needs answers. Sa lahat ng katanungan na hindi nabigyan ng kasagutan noon.

"Dahil nalaman ko mula kay Dad na after graduation, I need to fly to Finland. Ayaw kong pumayag Laim, ayaw kitang iwan. Pero wala akong choice. Ang inisip ko na lang, siguro nga mga bata pa tayo. Pero pinanghawakan ko ang relasyon natin, Laim."

"Sinungaling! Bakit hindi mo nagawang ipaintindi sa akin ang lahat!?"

"Dahil ayaw kong makita na nasasaktan ka."

"Bakit, sa ginawa mo ba, hindi mo ako nasaktan?" mahinang tanong niya. She's drained. Parang lahat ng energy niya naubos sa pagsigaw dito. And she was crying for pete's sake! "Umalis ka na. Ayaw na kitang makita pa."

"Laim, please, maniwala ka sa akin. Mag-usap tayo."

"Umalis ka na, please." pakiusap niya. Sobrang sakit ih. Napakaliit ng dahilan nito pero 10 taon siyang nagdusa at nakulong sa sakit na iniwan nito. Nakakatawa. Kayang-kaya naman niyang intindihin ang sitwasyon nito kung sakali. Bakit mas pinili nitong magdusa siya at magmukhang tanga?

"Laim.."

Umiling lang siya bago mabilis itong tinalikuran. Nagkulong siya sa kaniyang kuwarto at doon ibinuhos ang lahat. All these years, mahal pa rin pala niya ito. Kasi, ang sakit-sakit pa rin. Ang sakit na nasayang ang 10 taon nila dahil sa napakababaw na dahilan nito. Pero tama na. Pagod na pagod nang masaktan ang puso niya. Pagod na siya...

***

Akala niya after that incident, titigilan na siya ni Dean. Pero mali siya. Lagi itong nakaabang sa labasan ng school nila. Lagi niya itong iniiwasan. Minsan, kinukuntsaba pa niya si Manong guard na sabihing absent siya o kaya ay nakauwi na siya. But that afternoon, hindi niya naiwasan ito.

"Laim, can we talk?" nagsusumamo ang mga mata nito. Napansin din niyang malaki ang inihulog ng katawan nito. Nanlalalim ang mga mata at hindi na rin nakakapag-ahit. Pero gwapo pa rin ito sa paningin niya.

Hindi niya ito pinansin. "Wala na tayong pag-uusapan." saad niya kahit gustong-gusto na niya itong yakapin.

"Laim, please.. Makinig ka naman sa akin."

"Bakit ba hindi mo pa ako tantanan!?"

"Titigil lang ako kapag sinabi mo sa akin na hindi mo na talaga ako mahal."

"Iyon lang ba, ha? Hindi na kita mahal! At HINDING-HINDI na kita mamahalin!"

Gumuhit ang sakit sa mukhat at mga mata nito sa narinig. Matagal nitong pinag-aralan ang mukha niya kung seryosi ba siya sa sinabi. She showed him..na seryoso siya at wala siyang balak bawiin ang sinabi.

Bumagsak ang mga balikat nito."Ok. Im sorry. Sana, tandaan mo na mahal na mahal kita." pahayag nito bago tuluyang umalis sa harapan niya.

She cried the time na tumalikod ito. Gusto niya itong pigilan at sabihing mahal din niya ito pero nagpigil siya. They are both broken. Nasasaktan lang nila ang isa't isa. Tama lang na maghiwalay na sila ng tuluyan.

Three days had passed. At tatlong araw na rin niyang hindi nakikita si Dean. Sumuko na nga talaga ito. Feeling niya, sinisisi niya ang kaniyang sarili. Iyon naman ang gusto niya di ba? Pero hindi ng puso niya. Natigil siya sa pag-iisip ng lapitan siya ni Liz.

"Laim, may naghahanap sayo."

"Sino?"

Pinapasok nito si Zuseth na hindi niya inaasahang makita at pupuntahan pa siya.

"Hi, nakakaabala ba ako?" alanganing tanong nito.

"No, not at all. Anong sa atin?" she smiled at her.

"Gusto sana kitang makausap."

"Sure. Tungkol ba saan?" tanong niya kahit may idea na siya sa ipinunta nito.

"sige, maiwan ko na muna kayo." Liz excused herself.

Tumango siya at nagpasalamat dito.

"Upo ka."

"Salamat."

"So, what brought you here?"

"Sino, actually." she's right after all. "Hindi niya ako pinapunta rito, promise. Hindi niya alam na nandito ako ngayon."

She just nodded.

"Laim, hindi mo na ba talaga mahal si Dean?"

Hindi siya sumagot.

"Laim, he loves you. At witness ako roon. Totoo rin na noong naging kayo, we are really over. As in wala na. We stayed as friends, Laim. Kahit noong nasa Finland siya, ikaw pa rin ang lagi niyang bukambibig. Alam mo bang pinaplano na niyang mag-isa ang future nyo bago pa siya bumalik sa Pilipinas? Gusto ka niyang pakasalan, Laim. Ganoon ka niya kamahal. Gusto niyang buuin nyong dalawa ang pamilya nyo ng magkasama. Akala niya, magiging madali lang ang lahat dahil mahal ka niya. Pero nagkamali siya. You told her na hindi mo na raw siya mahal. Totoo ba? "mahabang pahayag nito na nagpaiyak na naman sa kaniya.

"Bakit kailangang palipasin pa ang 10 taon, Zuseth?"

"Natatakot siya, Laim. Alam mo bang kami lang ang nag-encourage sa kaniya lalo na nang malaman naming wala ka pang asawa or boyfriend man lang?"

"Pero wala na. Itinaboy ko na siya." humihikbing saad niya.

"May paraan pa, Laim puntahan mo siya bago pa mahuli ang lahat." napatingin siya rito.

"W-what do you mean.."

"He will leave at 3pm patungong Finland. At feeling ko, it'a for good. Pigilan mo siya, Laim."

Napatayo siya sa sinabi nito. "Nasaan siya?!"

Ngumiti na rin ito at tumayo. "Sa kanila, halika na. Ihahatid na kita." mabilis siyang hinila nito sa kamay. Itetext na lang niya si Liz...