Chereads / My Dream My Man / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Pinunasan niya ang mga luha na lumandas na pala sa mga pisngi niya ng hindi namamalayan. For whatever reason, she doesn't know.

"H-hello." she said as she answered the call.

"Hello, Laim? Si Aimy ito.."

"Aimy? As in Aimy Tuazon?"

"Yes. How are you? Gosh, it's been a long time. Bakit kasi naputol ang communication natin."

"I'm fine. Oo nga eh, ikaw ba kumusta na? How did you able to contact me?"

"Sinisid ko ang kalawakan.. Ay karagatan pala😅. Sa isa sa mga co-worker mo. Nagkataong friend ng pinsan ko. Btw, I am happily married with 2 sons. Ikaw, ilan na ang anak mo?"

Natawa siya sa tanong nito. "Wala."

"Huh? Bakit?" shocked na tanong ng bruha.

"Sa wala eh haha. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Oh well, I received an invitation from Dean. How about you?"

"Meron din."

"Punta tayo?" nag-aalangang tanong nito.

She wasn't able to answer agad. Hindi pa niya alam kung pupunta ba o hindi.

"Ey! Tinulugan mo na ba ako bruha?"

"Sorry. Hindi pa lang kasi ako sure kung makakapunta ba ako."

"But why? Don't tell me, di ka pa move on sa tao?"

"Of course not! Ang tagal na kaya nun. Nakalimutan ko na nga ih." she immediately said kahit sa isip at puso niya, hindi siya sigurado.

"Good, kasi sa ayaw at sa gusto mo, pupunta tayo. Sabay tayo, susunduin kita at 5:00 am on Friday."

"Bakit ang aga?"

"Eh sa isang resort gaganapin. 7am ang assembly, so, we need to be there before the said time."

"Fine." alanganing sagot niya. Mukha namang wala na siyang choice.

Nagkuwentuhan pa sila ng ilang minuto bago ito nagpaalam. Siya ay pinilit nang ipikit ang mga mata. She has no idea what may happen there. Kung ano ba ang magiging reaction niya kapag nagkita sila uling dalawa. They have no closure after all.

***

Friday, sinundo nga siya ni Aimy. Nakipagkumustahan muna ito sa nanay at tatay niya bago sila umalis. Sa sasakyan, hindi maubos-ubos ang kuwentuhan nila kaya hindi sila nabagot sa biyahe. 30 minutes before 7, dumating sila sa meeting place. Naroon na rin ang ibang kaklse nila kaya naman katakot-takot na kumustahan ang nangyari. Hanggang sa biyahe, tuloy ang kuwentuhan.

When they arrived at the resort, dumiretso muna sila sa mga kuwartong inilaan sa kanila. Some shared rooms, pero sila nina Aimy ay may kaniya-kaniyang inukopa. Sosyal. They rest first bago namasyal sa palibot ng resort. The place was so breathtakingly beautiful..Good decision na rin na sumama siya dahil kahit papaano, nakapagrelax siya mula sa trabaho. Mag-enjoy na lang talaga siya para sulit naman. Free accomodation din ito!

Kaso, nang ilang oras na lang para sa nasabing event, hindi na siya mapakali. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa isiping ilang sandali na lang ay makikita na niya ulit si Dean. Hindi niya alam kung anong ayos sa mukha ang gagawin niya. 'Nagpapaganda ka talaga?' buska ng kabilang parte ng isip niya. 'Hindi ah! S-siyempre party ito. Alangan namang di ako mag-ayos.' depensa ng kabila. 'Sus.. Umamin ka na self. Excited kang makita ang mokong na iyon.' ipinilig niya ang ulo. 'Hayss... Kung ano-ano naman naiisip ko.'

She continued applying make up. Light lang lalo at hindi naman siya mahilig magpaganda. Naglipstick din lang siya. Sinipat niya ulit ang sarili. Her gown still fits her. Buti na lang at mukhang bago pa. Sunod-sunod na katok ang pumukaw sa kaniya.

"Laim, tapos ka na ba?"

"Oo." sagot niya at dali-daling binuksan ang pinto.

"Wow! Ang ganda mo bruha!"

"Tse! Bolera." natatawang saad niya.

"Uy, nagsasabi ako ng totoo ha?"

"Oo na. Tutal, matagal ko nang alam na maganda ako." sakay niya rito.

Tawa lang ang sagot nito sabay hila sa kaniya palabas. Malapit na kasi magsimula ang party. Naroon na nga ang lahat pagbaba nila. Hindi niya naiwasang makaramdam na naman ng kaba. Ito na iyon eh. Magtatagpo na naman ang landas nila ni Dean. Paano niya kaya ito haharapin? Or paano kaya siya nito haharapin?

Biglang natahimik ang lahat. Nagsimula na kasi ang event sa pangunguna ng emcee. Lalong bumilis ang pintig ng puso niya ng marinig na binanggit ang pangalan nito.

"Ladies and gentlemen, ang taong naging rason para magkita-kita ulit tayo. Ang pinakagwapo raw aa batch natin, sabi niya," natatawang biro ni Mark, "at pinag-aagawan ng mga kababaihan noon hanggang ngayon pero sa iisang babae lang na-in love ng sobra.. Please welcome, our brother... Dean Angelo Diaz!"

Palakpakan ang lahat. Sigawan. Pero siya ay nanatiling nakatingin sa lalabasan nito. Nag-aabang. Kahit nasaktan na naman siya sa narinig. Iisang babae lang. Sa iisang babae lang ito nahulog ng sobra. Sino pa ba? Naputol siya sa pag-iisip nang makita ang lalaking panay ang takbo sa kaniyang isipan. Nakangiti ito sa lahat. Bumabati. Ramdam niya ang lakas ng kabog ng dibdib. She missed him. Pero naagaw ang pansin niya ng babaeng nakaagapay dito. It was Zuseth Almonte, wearing a black and elegant gown that really suited her. Lalo 'ata itong gumanda ngayon. Sila pa rin pala. Or mag-asawa na? Nanikip ang dibdib niya sa naisip. Parang gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. But she chose not to. Wala namang rason para masaktan pa siya. Wala na siyang karapatan. Matagal na. It has been 10 years. Dapat lang kalimutan. Pero bigo siyang gawin iyon at napatunayan niya iyon ngayon. All these years, mahal pa rin niya ito. Siya pa rin talaga ang laman ng puso niya. 'Pathetic'.

Pinilit niyang ibalik ang wisyo. Ibinalik niya ang atensiyon sa nagsasalita na ngayong si Dean. Pero halip na maayos ang pakiramdam at ang sarili, lalo siyang nanghihina sa mga naririnig na sinasabi nito. Parang blade na humihiwa sa puso niya ang mga salitang binibigkas nito. Sa puso niyang sa loob ng 10 taong nagdaan ay hindi nakalimot. Pinigil niyang maluha. Pinilit niyang maging blanko ang emosyon sa kaniyang mukha kahit gustong-gusto na niyang humagulhol. Salamat na lang at nagtagumpay siya saktong tumama sa kaniya ang mga mata nito.

"It's been a long time, everyone. Kumusta na? Single pa rin ba o happily married na?" bakit pakiramdam niya, para sa kaniya ang tanong na iyon. 'assuming ka lang girl, sayo lang nakatingin ih.' bulong ng isip niya. "I came back for good. Im planning to have my own family at mukhang malapit na iyon. So, walang mawawala sa kasal ko ha?" palakpakan at sigawan. "Sa ngayon, enjoy muna natin ang gabi at ang mga susunod na araw..."

Wala na siyang naintindihan pa sa sumunod na nangyari. Alam lang niya, nagkakasiyahan na ang mga ito habang siya ay nanatili sa kaniyang upuan. Tila ba napako siya sa kinatatayuan dahil sa mga narinig mula kay Dean. He's getting married. With Zuseth ba? Gaga ka self, tama na ang 10 taon ha. Move on din pag may time.

"Bakit nandito ka lang?" pukaw sa kaniya ng isang boses.

"Bryan? Hi.." it was his former classmate. Hindi sila close before, pero nakakapag-usap naman.

"How are you? Bakit parang nagmumukmok ka rito?"

"Hindi naman. Mas gusto ko lang silang panoorin."

"Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin si Laim na lagi lang nag-oobserba sa paligid niya." biro nito.

She just laughed. Hindi na ito umalis sa tabi niya kaya naman nabawasan ang pagkabagot niya. Nagkuwentuhan lang sila at nagtawanan sa mga corny na jokes nito. Hanggang sa matapos ang gabing iyon at makabalik siya sa kaniyang kuwarto. Hindi man lang sila nagkausap ni Dean samantalang halos nilapitan nito ang lahat at kinumusta. Wala ba talaga siyang halaga rito kahit kakilala man lang? Gusto niyang umiyak pero napapagod na siya. Balde-baldeng luha na ang itinapon niya dahil dito. Enough na iyon. Salamat na lang at may Bryan na lumibang sa kaniya kanina.

She decided to just close her eyes and sleep nang marinig niya ang mahinang katok sa kaniyang pinto. Baka isa sa mga chambermaid. She got up and opened the door para lang matigilan.

"Hi!" nakangiting bati sa kaniya ni Dean.

Hindi agad siya nakapagsalita for she was surprised. Hindi niya expected na makita ito bago matulog...