Kinabukasan, maaga siyang pumasok. Inihanda na niya ang sarili sa mga mata ng mga kaklaseng nakasaksi sa nangyari kahapon. Nahamig na niya ang sarili sa bagay na un, pero sa tuwing naaalala niya ulit iyon, hindi niya pa rin maiwasang masaktan. Ganito siguro talaga.
After some minutes, nagdatingan na ang mga kaklase niya. She greeted them na parang walang nangyari kahapon. At nagpapasalamat siya dahil tila nakalimutan na rin ng mga kaklase niya ang pangyayaring un. Ilang saglit pa at pumasok ng classroom nila si Dean. She just ignored him. Iyon din naman ang ginawa nito.
'Hmmp.. as if naman!'
Breaktime na nga magkausap sila ni Aimy.
"Kumusta, ok ka lang ba?" nag-aalalang bungad nito matapos niyang ayain sa canteen.
"Oo naman no! Ba't naman hindi ako magiging ok?" she smiled.
"That's good. Nag-alala talaga ako sayo kahapon."
"Wag mo na isipin iyon. I just want to forget about it."
"Balak mo?"
"Gusto ko lang ngayon, iwasan na rin lang siya. I admit, nasaktan talaga ako kahapon. Napahiya. Pero tama na rin iyon para makalimutan ko na ang kabaliwan ko sa kanya. Simula ngayon, hindi na siya mag-e-exist sa puso at isip ko!"
Tumango na lang si Aimy. Alam niyang sobrang nasaktan ang kaibigan sa ginawa ni Dean kahapon. At naiinis siya sa lalaki. Sana nga makalimutan agad ito ni Laim.
Mabilis na lumipas ang isang linggo. At tulad ng dati, sa library nagpalipas ng oras si Laim dahil wala na siyang klase. Si Aimy ay nakauwi na dahil tinawagan ito ng ina. She was reading a book nang maramdamang may tumabi sa kanya. Hindi na lang niya pinansin dahil baka isa rin lang ito sa mga nais magpalipas ng oras gaya niya. Pero nagulat siya ng magsalita ito at marinig ang pamilyar na boses nito.
"Pwede bang maki-share dito?"
Nilingon niya iyon at di siya nagkamali ng matunghayan ang mukha ni Dean. Nagtaka pa siya dahil nakangiti ito ngayon. Malayo sa masungit na mukha ng i-approach niya ito last time. At hayon nga, hindi na naman niya napigilan ang biglang pagpintig ng puso niya. Lagi naman ganoon kapag malapit ito. Hindi na rin nakakapagtaka na wala siyang maramdaman na galit dito dahil sa ginawa nito.
"Galit ka pa ba sa akin?" mahinang tanong nito.
Hindi siya sumagot. 'at sinong hindi magagalit sa ginawa mo? Ipinahiya mo kaya ako at sinaktan' gusto niya sanang isagot dito pero pinigil niya ang sarili. Wala naman na kasi siyang galit na nadarama rito. Ewan ba naman niya sa sarili niya. Ibinalik na lang niya ang atensiyon sa librong binabasa.
"Sige ka, mapapanis iyang laway mo pag di mo ko kinausap."
Inimis niya ang mga gamit at ibinalik sa estante ang librong hawak. Lumabas na rin siya ng library. Wala na rin naman siyang maiintindihan sa binabasa dahil sa lalaking iyon. Ano bang nakain nito at bigla na lang siyang nilapitan at kinausap? Samantalang kailan lang nang ipahiya siya nito sa maraming tao. Napailing na lang siya. Wala lang sigurong magawa. Malapit na siya sa gate ng may magsalita sa likod niya.
"Ang bilis mo naman maglakad. Kulang na lang takbuhin mo ang gate. Iniiwasan mo na talaga ako."
Bigla siyang napahinto sa paglalakad at nilingon ang hinihingal na si Dean. Nakangiti ito sa kanya. Ano ba talagang kailangan nito? Nakakunot ang noong tiningan niya lang ito para mauparating na hindi niya ito ma-gets. Mukha namang nakuha nito dahil nawala ang ngiti nito sa labi at biglang sumeryoso.
"Sorry kung nakukulitan ka na sa akin. I juat want to apologize for what I did. Hindi ko sinasadya."
She was dumbfounded. Seryoso? Nahingi ito ng sorry? Pero bakit ngayon lang after a week?
"Aren't you going to say anything? Kung gusto mo sampalin mo ako ngayon para lang mapatawad mo ako."
Natawa siya.
"Tapos na iyon. It's been a week already. Huli na para magsorry ka. Isa pa, hindi naman na ako galit sayo." tumalikod na siya after saying that. Pero nagulat siya ng bigla itong humarang sa daraanan niya. She thought, he will stop from there.
"Laim, look, i know what i did at humihingi talaga ako ng sorry. Sorry din kung pinalipas ko muna ang isang linggo. Ayaw ko lang mas magalit ka pa sa kin kung kukulitin kita nang galit ka pa. I just mean this, i am really sorry for it. Pero kung hindi mo talaga ako mapapatawad... "
"Ay ano?" putol niya sa sinasabi nito. Kapal ha, siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang may ganang manakot..
"Hindi kita titigilan hanggang hindi mo ako pinapatawad."
'Ay bet ko yan!' kinikilig na bulong ng isang bahagi ng isip niya. 'hmmp.. Talandi!'
"No need. Past is past nga di ba. Kinalimutan ko na iyon."
"Talaga? Salamat kung ganoon." nasisiyahang wika nito sa kanya.
Tumango na lang siya at tinalikuran na ulit ito. Nagulat na naman siya ng sumabay pa ito sa paglakad niya.
"Saan ka?" kunot-noong tanong niya.
"Uuwi na."
"Maglalakad ka?"
"Yap" sabay kindat nito sa kanya. At ang lintik niyang puso, bigla namang napatalon sa kilig na nadama.
Nagtataka man kung saan ito papunta, hindi na lang siya umimik. Gusto rin naman niya ang pagkakalapit nilang dalawa. Hindi na lang siya nakatiis nang mapansing malapit na sila sa kanila.
"Saan ka ba talaga?"
"Uuwo na nga."
"Bakit ito ang tinatahak mong daan? Malayo ito sa inyo ah."
"Hinatid lang kita. Makabawi man lang. Oh, paano? Dito ka na. Bye!"
Nasundan na lang niya ito ng tingin. Di siya makapaniwalang hinatid siya nito. Napangiti na lang siya at tila biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Hanggang makapasok sa kanila at sa oras ng pagtulog ay masaya ang kaniyang pakiramdam. Siguradong ikukuwento niya kay Aimy ang nangyari sa kanya ngayong araw❤️.