Pinaupo siya nito sa nakalatag na kumot tsaka tumabi sa kaniya. Shocks! Kalma lang heart. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin ang isang pulang rosas na nasa harapan niya at inaabot nito. Tuluyan nang bumilis ang tibok ng puso niya. Ramdam din niya ang biglaang panlalamig ng kaniyang mga palad. At napapitlag siya ng dahan-dahan nitong kunin ang kanang kamay niya. OW-EM-GI! Hindi ako makahinga... Bakit ganito, pakiramdam niya ay may mga anghel na nagsisipag-awitan sa paligid niya. Ito na ba? Bumabawi lang ba talaga siya? Anong ibig sabihin nito Lord? Waaaaahhhh.. Kung panaginip man po ito, wag Nyo na akong gisingin pa😍...
"Ayaw mo ba ng bulaklak?" tanong nito na nagpabalik sa kaniyang diwa.
"H-huh? Hindi naman." mabilis niyang kinuha ang rosas mula rito. "P-para saan ba ito? Salamat" stop stummering self!
"Welcome. Para sayo, binili ko."
Tumango na lang siya kahit gusto pa niyang dugtungan ang tanong niya. Masaya silang kumain at nagkuwentuhan nang hawak ang kaniyang kamay. Hindi na nito binitiwan ih. Pakiramdam nga niya, namamawis na ang palad niya. At dahil malandi nga ang ateng nyo, di bale na😅. Kung may makakakita nga lang sa kanila, iisipin na sila ih. How she wish.
Panay ang biro nito habang magkasama sila kaya tawa lang siya ng tawa. Natahimik lang sila pareho ng bigla itong tumahimik.
"Nangyari sayo, natahimik ka?" tanong niya. Tumingin ito sa kanya, mali, tumitig ito sa mga mata niya na ikinabalisa niya bigla. Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata. Nakakailang.
"Laim, can you please look at me? May gusto akong sabihin sayo."
Kinabahan siya lalo. Magtatapat ba ito? Hindi pa man ay excited na siya. Pero agad din naman niyang sinuway ang sarili. Baka naman kasi iba. Baka sasabihin lang nito na seryoso na talaga ito kay Livia o kaya nagkabalikan na ito at si Zuseth. Dahil sa naisip, kumirot na naman ang puso niya. Bigla niyang nabawi ang kamay mula rito at hinamig ang sarili.
"Laim?"
"Ano ba iyong sasabihin mo?"
"May nasabi ba akong masama?" nag-aalalang tanong nito nang maramdaman ang biglang pagbabago ng mood niya. Pilit naman niya itong nginitian.
"Wala! Ano ka ba?. Sige na, sabihin mo na 'yong gusto mong sabihin."
"I love you." mabilis na saad niti habang tiningnan siya ng matiim.
Siya naman ay nanlako ang mga mata at hindi alam ang sasabihin. Shocks! Mahal siya ni Dean! 😳. Paano? Parang imposible. Sheet na malagkit! Nananaginip nga ata ako! Sinuri niya ang mukha nito kung nagbibiro ba o hindi, at shemas! Seryosong-seryoso! Napapitlag na naman siya ng muli niting gagapin ang kamay niya.
"Sabi ko, i love you. Di ka na umimik?"
"I-I-.. Ano, k-kasi.. Paano ba." owmygowlay! Para siyang nakalutang sa alapaap. Mahal ba talaga siya nito?
"Why not say, you love me too?"
"S-seryoso ka? Seryoso ka ba talaga?"
"Oo. Mahirap bang paniwalaan?"
"H-hindi naman. Kaya lang kasi, paano si Livia? Kayo na di ba?"
"No. You're wrong. Hindi naman naging kami. She's just a friend. Kahit tanungin mo pa siya."
"Eh, si Z-zuseth? Hindi na ba kayo n-nagkabalikan?" tila may bikig ang lalamunan na tanong niya. Huminga siya ng malalim dahil feeling niya, ang sikip-sikip ng dibdib niya. Grabe, masaya talaga siya ngayon dahil sa confession nito.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi agad ito sumagot. Nag-alinlangan tuloy siya bigla na napawi rin naman ng magsalita rin ito sa wakas.
"Wala na kami. We realized na hindi kami para sa isa't isa. I admit, minahal ko talaga siya ng sobra pero sinaktan niya ako. Niloko. Nahirapan din akong kalimutan siya. Pero nung araw na bigla ka na lang lumapit sa akin, di ba inaway pa kita?" tumango naman siya. Hindi niya makakalimutan iyon no?" After that day, di mo na ako pinatahimik. Nag-alala nga ako nun dahil alam kong nabastos kita. Gusti kitang balikan noon para magsorry kaso naduwag na ko eh. Baka sampalin mo ako. Kinabukas naman nun, hindi mo na ako pinansin. Ni tingin, wala na. Parang hindi mo nga ako nakikita. That was my first. Ma-snob ng babae. Pero alam ko namang kasalanan ko kaya pinalipas ko na ng isang linggo bago kita i-approach naman. And that was the start. Nagkalapit na tayo ng tuluyan. Remember the day na tinukso tayo nina Mark? " tumango lang ulit siya. Wala na.. Nakalutang na talaga siya." Wala akong nasabi nun kasi alam kong totoo. May nararamdaman na talaga ako sayo. Sinubukan konh umiwas dahil medyo may doubt pa ako sa sarili ko. Pero hindi ko na kayang patagalin. Hindi ko na kayang iwasan ka pa kahit isang araw kaya ito, naglakas-loob na akong umamin. Laim, mahal kita. Maniwala ka sana." Mahabang litanya nito.
Namalayan na lang niyang tumulo ang mga luha niya. Mahal siya ni Dean!!!!
" Ey, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito." May nasabi ba akong mali? "
Ngumiti siya at umiling.
"Wala ano. Masaya lang ako. Hindi ako makapaniwala. Dati kasi, panangarap lang kita. Pero ngayon, heto ka, sinasabing mahal mo rin ako"
"Pero hindi mo pa sinasabing mahal mo rin ako."
"Kailangan pa ba iyon? Obvious naman eh. Mahal kita. Actually, matagal na." nakangiting amin niya.
"Talaga?"
"Oo nga, kulit."
Hindi ito umimik pero kinabig siya nito sa dibdib at niyakap ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap habang nakasandig dito. Nanatili sila sa ganoong ayos. Naghiwalay lang sila ng malapit ng mag-alas siete. Inalalayan siya nitong tumayo at magkatulong na inimis ang mga gamit na dala. Magkawak ang kamay na nilisan nila ang lugar na iyon.
"Ingat ka sa pag-uwi."
"Oo naman, para sa mahal ko." saad nito sabay kindat sa kaniya.
Waaahh..heart, kalma! "Oo na, bolero!"
"Hindi ah. It's Sept. 18, wag mong kalimutan ha?"
"Oo na po." namumula ang mukhang sagot niya. "Umuwi ka na at gagabihin ka lalo sa daan."
"Sige Mahal, I love you!" namula na naman siyaaaa🤭"Daanan kita bukas. Magpapakilala na rin ako sa nanay at tatay mo ha?"
"Kilala ka naman na nila."
"Siyempre, iba na ngayon. Bilang boyfriend mo na." 😉
Iiiiiiiiiiiiihhhhhhh.... Keleg ekeee😍
"Ikaw bahala..haha..lakad na"
"I love you ko muna." 😁
☺️"I love you."
"Yown! Sarap. Sige, Mahal. See you tomorrow!"
Waaaaahhhhh.. This is cloudnine😍💕. Hindi mapagkit ang ngiti sa mga labi niya. Hanggang pagtulog, naka-all smile siya. Wala lang. Alam lang niya..