"Talaga, hinatid ka ni Dean sa inyo!? Paano? Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ni Aimy ng ikuwento niya rito ang nangyari kahapon.
"Ewan. Kahit nga ako nagulat eh. Maybe, he's just sorry talaga. Bumawi lang siya."
"Gosh.. Di kaya iyon na ang simula?"
"Anong simula?"
"Nang pakikipagkaibigan niya sa iyo."
"How I wish." nakangiting saad niya. They just continued talking. Kung ano lang ang mapag-usapan habang nakatambay sa lilim ng paborito nilang punong mangga. Hindi na nga niya napansin ang pagtabi ni Dean sa kanya.
"Hi, girls! How are you?"
Sabay silang napatingin dito. Si Aimy ang agad nakabawi sa pagkabigla.
"Hi, Dean! Ok lang kami, ikaw?" nakangiting sagot nito.
"Ok, din. May dala akong merienda. Share na tayo."
"Wow! Tamang-tama, gutom na ako." natutuwang wika ni Aimy na agad kumuha ng burger at soda.
Siya naman ay nanatiling nakamata kay Dean. She was shocked, of course!
"Ikaw Laim, di ka ba nagugutom? Here.." alok ni Dean.
"S-salamat." maikli niyang sagot bago tinanggap ang inaabot nito.
Hindi nagtagal at nawala rin ang awkwardness na nararamdaman niya dahil sa biglaang pagsulpot nito. Bumalik na rin sa normal ang tibok ng puso niya. Nagkuwentuhan sila habang masayang nagmemerienda.
Aimy was right. Iyon nga ang naging simula ng pagkakaibigan nila. Tuwing break time ay tatlo silang nagsasabay-sabay sa pagkain. Inaasikaso rin siya nito. Madalas din siya nitong ihatid tuwing uwian sa hapon. At sa pakiwari niya, lalong nahulog ang loob niya rito. Ewan din ba niya, pero malakas ang pakiramdam niya na may gusto rin sa kanya si Dean. Sa tuwing may practice nga ito ng basketball, lagi siyang hila para manood. Pinag-aasaran tuloy sila lagi ng ka-team nito gaya ngayon.
"Oh, magkasama na naman kayo. Talaga naman, di na mapaghiwalay huh?" nakangiting biro ni Mark, isa sa mga ka-team ni Dean.
"Oo nga, siguro kayo na ano?".. Kim
"Uuuuyyyy!!!"
"Hoy! Tumigil nga kayo. Mahiya nga kayo kay Laim. She will just watch our practice." natatawang sansala naman ni Dean bago bumaling sa kanya.
"Pasensiya ka na, siraulo talaga ang mga 'yan. Wag mo na lang pansinin."
"Ok lang, Dean." she smiled.
"Sige, practice lang kami." paalam nito sa kanya na tinanguan lang niya.
'Sana nga sila nito.' Piping hiling niya sa sarili.
Gaya ng dati, nag-enjoy siya sa panonood sa practice ng mga ito. Puro pasok pa ang tira ni Dean na hindi nakatakas sa kantiyawan ng mga ka-team.
" Ganda na naman ng performance no, ah.".. Jake
"Ikaw na may inspiration.".. JM
"Basta nandiyan si Laim, asahan nyo na."..Mark
Tawanan ang mga ito sa sariling panunukso sa kanila ni Dean. Silang dalawa naman ay napangiti na lang kahit pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang pagtambol nito dahil sa kilig na nadarama. Natigil lang lahat pati ang abnormal na tibok ng puso niya ng magsalita si Niko.
"Di may kapalit na pala talaga si Zuseth?" nakangiti pa nitong sabi. Pero walang sumagot isa man sa kanila, kahit si Dean na biglang sumeryoso. "Ooopss, wala akong sinabi. Sige guys, una na ako." at mabilis itong nawala sa harapan nila.
Napailing na lang ang iba nilang kasama na nagkaniya-kaniya na ring pulasan matapos isa-isang magpaalam. Bahagyang tango at ngiti lang ang nagawa niyang itugon sa mga ito. Bigla kasing nag-iba ang atmospera sa paligid nila. Nanatiling tahimik si Dean at niyaya na siyang umuwi. Hanggang sa maihatid siya nito, hindi na sila nagkausap. Tahimik lang ito. Nanibago siya bigla. Hindi niya alam kung bakit, pero nakaramdam siya ng kirot sa puso.
'Kung ganoon, totoong hiwalay na ito at si Zuseth?' tanong niya sa isip. 'Sabagay, kung hindi bakit laging siya ang kasama nito? Kasi kung sila pa, papansinin ka ba ni Dean?' Oo nga naman. Haysss... Ih, ano ba kasing nangyari sa kanila ni Zuseth? Bukas na nga lang. I will ask him.
"Laim, bakit nandiyan ka pa sa labas? Pumasok ka na at magbihis." boses ng nanay niya na ikinagulat niya.
"Opo, nay." Hindi pa pala siya nakakapasok ng bahay. Tsk. Mabilis siyang sumunod dito at nagmano. Pagdating talaga kay Dean, lutang siya...