Chereads / My Dream My Man / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Tingnan mo, mag-isa na naman ang prince charming mo." nguso ni Aimy kay Dean na nakaupo sa ilalim ng punong mangga. At oo, mag-isa nga ang mahal niya. Mahal!? Oo, mahal niya si Dean at tanging siya lang at si Aimy ang may alam nun.

Alam naman kasi niyang imposibleng mapansin siya nito. Gwapo kasi ito taz varsity player pa ng basketball sa campus nila kaya maraming babaeng naghahabol dito. Iyong iba, sila pa ang nanliligaw. Pero hindi siya tutulad sa mga babaeng iyon 'no! Ayos na sa kanya ang makita ito o masilayan man lang ng kanyang mga mata. Oo nga at kaklase niya ito pero hindi naman sila close. Hindi nga siya pinapansin nito. Paano ba naman, talino lang ang meron siya. Ganda, absent sa pagkatao niya. Mga kaibigan niya lang ang nagsasabing maganda siya. Iyong natural na ganda na hindi na kailangan pa ng make up.

Kung maganda siya, bakit di siya pinapansin ni Dean? Isa pa may gf si Dean. Maganda, mayaman, at kilala sa buong campus nila. Lagi nga silang magkasama. Zuseth Almonte, ang nag-iisang babae sa mga mata ni Dean.

Natigil lang siya sa pagmumuni-muni nang karamdaman niyang siniko siya ni Aimy.

"Hoy! Natulala ka na naman. Nakita mo lang ang iyong secret love."

"Sshh..wag kang maingay! Baka may makarinig sa'yo, nakakahiya."

"Asus kung ako sa'yo, lalapitan ko ang prince charming ko habang wala pang kasama."

"Ano ka, ayaw ko nga! Mapahiya pa ako pag di ako pinansin niyan."

"Ih paano mo nga malalaman kung di mo susubukan girl."

"Sukat naman! Sa room nga di ako pinapansin, ngayon pa na mas maraming makakakita."

"Hindi iyan. Sige na, subukan mo lang habang may chance ka."

"Ayaw ko nga, nakakahiya ih."

"Bahala ka, pag dumating si Zuseth, lalo kang mawalan ng chance."

Di siya nakaimik. May point si Aimy, pero nahihiya siya. Paano nga kung hindi siya pansinin? Baka di niya kayanin at mapaiyak lang siya sa harap nito at sa harap ng maraming tao dahil sa kahihiyan. At ayaw niyang mangyari iyon.

'Pero kung gawin niya nga iyon, magagalit ka ba sa kanya?' Mawawala ba iyong love mo for him? Tanong ng isang bahagi ng isip niya. Kinapa niya ang sarili.' Magagalit nga ba siya kung ipahiya siya nito?'

Hindi... Iyon ang sagot ng puso niya. Hindi niya magagawang magalit sa mahal niya.'Bakit hindi ko nga ba subukan? Baka chance ko na talaga ito na mapalapit sa kaniya.

At isang desisyon ang nabuo sa isip niya. Inimis niya ang mga gamit at tumayo.

"O, saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Aimy

"Kay Dean? I think, I just need to try."

"Kahit ipahiya ka niya kung sakali?"

"Bahala na."

"Go girl! Lakad ka na.. Kaya mo 'yan. Support kita😉"

"Thanks. Wish me luck!"

"Sure!"

Nagsimula na siyang humakbang palapit dito. Kumakabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Nagdalawang-isip pa siya nung mapansin na malapit na siya dito. Nilingon niya ang kaibigan upang humingi ng saklolo kung dapat pa ba niyang ituloy ang balak o hindi na. At sa nakangiti nitong mukha, nakuha niya ang sagot na nais makuha rito. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking abot-kamay na niya. Nagbabasa pa rin ito at hindi pa namamalayan ang ginawa niyang paglapit.

Pero nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong lumingon sa kinatatayuan niya. Sheeems! Ang gwapo pala talaga nito lalo na sa malapitan😍.

"Yes?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang baritonong boses nito.

"H-hi" alanganing bati niya.

"What?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Ah, a-ano kasi, napansin ko na nag-iisa ka. B-baka gusto mo ng kausap?" shocks! Anong klaseng sagot yan Laim? Kinakabahan ako ih, ang suplado pa niya'

"No." walang interes na sagot nito bago ibinalik ang atensiyon sa librong hawak.

Natameme siya. Medyo nakaramdam siya ng pagkapahiya. Pero hindi siya dapat agad sumuko. Makulit na kung makulit. Ito na ko oh!

"S-sigurado ka? A-ano kasi... Wala naman sana akong ginagawa at..."

"Are you deaf? Or just stupid? I already said that I dont need you. Or whoever. If I want a companion, I have my friends and you're not one of them."

"Eh kasi naman, nag-iisa ka rito..."

Naputol ang sana'y sasabihin niya ng bigla itong tumayo. Tangkad!

"Stupid. Hindi kita kailangan. Gusto ko talagang mapag-isa. At sinira mo 'yon" masungit na saad nito bago tumalikod sa kaniya at mabilis na umalis sa kaniyang harapan.

Naiwan siyang natitigilan at nakaramdam ng sobrang pagkapahiya ng mapansing pinagtitinginan siya ng mga kapwa estudiyante. Mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luha. Hindi niya pinansin si Aimy na nagtangkang harangin siya. Umiiyak na umuwi siya. Ganito pala ang pakiramdam ng ipahiya ng taong sobra mong hinahangaan. Ang sakit.

Nang mapansing malapit na siya sa kanila, tinuyo niya ang kaniyang mga pisngi. Mahirap na at baka mapansin pa ng kaniyang inay. Dali-dali siyang umakyat ng kuwarto at doon iniluha ang lahat ng sakit na nararamdaman. Ang lalaking iyon! Napakayabang. Akala mo kung sino!? Pangako, hinding-hindi na niya lalapitan ang kumag na iyon. Simula ngayon, pipilitin niyang burahin ang nararamdaman niya para rito...