Chapter theme: Is It You? - Cassie
"Ms. Vienna Angeles. Come here." May ngiti sa labi na tawag ni Ms. Cruz sa kaklase kong mukhang maamong anghel outside, pero demonyita inside.
Bakit? Siya lang naman 'yung walang hiyang nanabotahe sa luto ko last week. Akala niya siguro hindi ko 'yon malalaman.
"Yes ma'am?" malambing na tugon ni Vienna. Tumayo ito sa kinauupuan habang may ngisi sa labing tinignan pa ako bago lumapit kay Ms. Cruz. As if she was telling me that she's the winner this time. Sige na 'te. Ikaw na bida.
Tignan lang natin.
I faked a smile at her and mouthed a 'Congrats.' Nagpasalamat naman ito sa akin kaya nanginig ang katawan ko sa kilabot.
Ang plastik!
'Tignan nga natin kung makangiti ka pa kapag narinig mo 'yung sasabihin sayo ni Ms. Cruz,' usal ko sa isip ko habang nagpipigil ako ng tawa dito sa upuan ko.
"Suspended ka ng 3 days, starting tomorrow." Ms. Cruz informed her.
Para namang nilayasan ng kulay ang mukha ni Vienna dahil sa narinig. Namilog ang mga mata nito at nanginig ang mga labi.
Yes girl, karma's a bitch.
"B-but ma'am, why? Wala naman po akong na-violate na rule ng university so bakit po ako masu-suspend?!" she asked in so much frustration, tears already brimming in her eyes.
Kung siya naluluha na, ako parang gustong humalakhak dito at magpagulong-gulong sa sahig sa sobrang saya.
Ang sama ko ba? I don't think so. Siya naman ang nanguna, eh. Tama lang 'yan para maparusahan at magtanda.
"We saw it. Remember every corner of this school, mayroong cctv? Kitang-kita do'n na nilagyan mo ng maraming asin ang dish ni Charmelle kaya sumama ang lasa nito. With that evidence, we decided to suspend you as punishment."
This time, napahagulgol na si Vienna. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya dahil pinag-aaralan ko kung tunay ba 'yang iyak niya o drama lang. Drama Queen 'yan, eh.
Ugh! Can someone give me some popcorn please?
"Ma'am, please? Sorry po! Please forgive me," she clasped her hand in front of her chest. "Ms. Cruz, please po, hindi po ako pwedeng masuspend. Do something ma'am," she pleaded.
"I'm sorry. I can't do something about it Ms. Angeles. Alam kong alam mo sa sarili mo na mali ang ginawa mo. Nakaapekto pa tuloy 'yon sa grades ng kaklase mo. Ano bang lagi kong sinasabi sa inyo? Hindi niyo kakumpetensya ang isa't-isa, kaya hindi niyo kailangan maglamangan."
Napatakip na lang si Vienna sa mukha niya dahil sa sobrang hiya niya ata. Inabutan naman ito ni Ms. Cruz ng panyo.
"Fix yourself, hija. Stop crying. Gumawa ka ng kasalanan kaya natural lang na maparusahan ka. And I hope, hindi mo na ito uulitin," pangaral ni Ms. Cruz saka bumaling sa akin. "Ms. Villarico, tomorrow at 7 a.m, lutuin mo ulit ang dish na ginawa mo last week. I'll give you a chance so I could give you the grade you deserves," she smiled.
"Yes, ma'am! Thank you po!" I said gleefully. Saktong tumunog naman ang bell, hudyat na lunch break.
"Sige na, magsikain na kayo. Enjoy your meal, kids." magiliw na wika ng prof namin saka lumabas na ng room matapos ayusin ang mga gamit niya.
Nakita ko si Vienna na kinuha na rin 'yung bag niya at nagmamadaling lumabas ng classroom.
Hindi ko na pala kailangang gumanti dahil 'yung prof ko na rin mismo ang nag-check ng cctv sa HRM Lab. Hindi rin kasi ito kumbinsido na pumalpak ako sa niluto ko. Buti na lang! Sayang din 'yung maayos na grades na makukuha ko, kung sakali.
"Kyaaaah! Ang ganda ng boses niya. Nakaka-inlove," rinig kong sambit nung kaklase kong si Mitch. Mahilig ito sa kpop kaya baka nanunuod ito sa phone niya ng mga palabas ng idol niya.
"Sus! Mas maganda pa boses ko diyan eh," kontra naman ni Jasper.
Bitter! Balita ko nasa ligawang stage na itong dalawa. Goodluck, Jasper.
"Charmelle, hindi ka sasabay mag-lunch?"
Napalingon ako kay Elaine na nasa pintuan na pala at naghihintay sa akim.
Ngumiti ako. "Mauna ka na. Sa rooftop na lang ako kakain."
"You want to be alone, right?"
Tumango naman ako at nag-thumbs up ito. Isa sa mga dahilan kaya gusto ko itong si Elaine, she knows what personal space means. Hindi rin ito pala-tanong. Sa mga kilos ko lang, naiintindihan na niya agad ako. Such a great friend.
Pagkaalis niya, tumayo na ako at binitbit ang bag ko. Ang ingay-ingay sa hallway habang naglalakad ako dahil ang lakas ng mga boses ng mga estudyanteng nakatambay dito habang nagkukwentuhan.
"Kilala mo 'yung bagong band ngayon?"
"Alin do'n? Maraming bagong banda ngayon."
"Cross Symphonia! Ganda ng mga songs nila tapos ang gagwapo pa ng mga member."
Cross Symphonia, huh? Mukhang marami na rin palang nakakakilala sa kanila.
Napangiti na lang ako dahil biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaking 'yon at parang kusang lumipad ang isip ko, pabalik sa gabing nakilala ko ito. That fateful encounter with the vocalist of Cross Symphonia.
***
"Sabi ko sandali! Hoy! Ikaw, Mr. Drummer Boy! Bingi ka ba?!" mapaghamon na sigaw ni Rena.
Napakagat na lang ako sa kuko ko dahol sa matinding kaba habang pinagmamasdan ko ang galit na mukha ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong natakbo sa utak nito. Seryoso ba talaga siya? Maghahamon ba talaga siya ng away? Dito mismo? Oh my God! Ang dami kayang tao!
"Miss?" Bigla na lang may humawak sa balikat ko at muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil para akong nakuryente.
"Miss?" muling tawag niya sa akin.
Napalingon ako sa kanya at pinaubaya muna si Chianna doon sa guitarist na nakaalalay sa kanya.
"Huh?" Nakatulalang sagot ko.
Sino bang hindi mawawala sa sarili kung ang kaharap ko na mismo ay 'yung vocalist ng Cross Symphonia? Ang gwapo pala niya lalo sa malapitan.
"May sasakyan ba kayo?" tanong niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang mapula. "Iyang kaibigan mo kasi mukhang hindi okay eh."
"S-sasakyan? Bakit? Sinong kaibigan?" lutang na lutang kong tanong.
Napangiti siya kaya halos masabunutan ko ang sarili ko dahil sa inasal ko. Nakakahiya! Siguro pinagtatawanan na ako nito sa isip niya, akalain niya, timang ako.
"Ayun o, hindi ba kaibigan mo 'yung katabi ni Yago?" tinuro niya si Chianna na nakalayo na pala sa akin. Magkahawak kamay pa rin sila nung guitarist.
Aba! Pinagpala ata si Chianna ngayong gabi.
"Ah, she's okay. Kami na bahala sa kanya. Mukhang hindi naman malala ang sprain niya," I said reassuringly.
"Are you sure? Pwede namin kayong ihatid."
"I appreciate the offer, but don't bother. We have a car," nakangiting sagot ko.
"Okay. Sabi mo, eh. By the way I'm Cairo. Nice meeting you." He stretch his hand for a handshake.
Nakatitig lang ako sa kamay niya ng ilang minuto dahil parang ang lambot hawakan no'n. Parang kamay ng babae ang kamay niya, nahiya ang kamay ko.
"Your name?"
"C-Charmelle," utal kong tugon.
Laking gulat ko na lang nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at siya na ang nagsiklop ng kamay ko sa kanya para mag-handshake kami. Seriously?!
"Nice meeting you, Ms. Charmelle!" He flashed me his duchenne smile.
Syet! Nakakatunaw talaga! At bakit ang nice niya sa akin? Gano'n ba talaga siya sa lahat?
"Babe?"
Napalingon kaming dalawa ni Cairo sa tumawag sa kanya. Otomatikong binitawan niya 'yung kamay ko at lumapit do'n sa girlfriend niya.
Oo nga pala. Taken na siya.
"Come on! Let's go home. Ihatid mo na ako," utos nito kay Cairo na parang batang nagta-tantrums.
Nilingon naman akong muli ni Cairo para magpaalam. "Ah, sige una na kami Charmelle. See you around!"
Bakit? Magkikita pa ba kami? At bakit siya nagpapaalam? Close ba kami? But deep inside, I don't really mind.
Yes. See you around.
***
Dahil sa pag-alala ko ng mga nangyari noong nakaraang linggo, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa rooftop. May garden dito kaya gustong-gusto kong natambay rito.
Inilapag ko ang bag ko sa wooden swing at inilabas ang dslr ko mula do'n. I'm not a professional photographer, pero naging hobby ko ngayon ang pagkuha ng mga litrato lalo kung nature ang theme. Nakakatanggal kasi ng stress.
At since nandito ako sa rooftop garden ng university, mga makukulay na flowers at mga butterflies na nagliliparan sa paligid ang naging subject ko.
Click!
Click!
Click!
Sunod-sunod ang pagpindot ko sa shutter dahil naaaliw ako sa asul na paru-parong nakadapo sa bulaklak. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para makuhaan ko ito ng iba pang anggulo, kaso bigla itong lumipad.
"Hey! Balik ka!" pagkausap ko sa butterfly saka sinundan lang ito kahit saan ito lumipad.
Naka-ready pa rin 'yung isang kamay ko sa pagpindot ng shutter ng dslr ko nang biglang mapatingin ako sa gawing kanan ko.
May nakatayo palang lalaki do'n na tila pinapanuod ako kaya medyo ikinagulat ko ito. Akala ko kasi ako lang ang tao dito, hindi pala.
Napaatras ako at natapakan ko ang isang piraso ng kahoy na nakakalat sa sahig kaya na-out of balance ako at paupong bumagsak sa sahig.
"Ouch!" daing ko nang makaramdam ako ng hapdi sa kaliwang kamay ko.
Nagdurugo ang gilid ng kamay ko dahil tumama ito sa corner ng wooden planter box sa tabi ko. Yakap-yakap ko naman sa dibdib ko ang dslr kong mahigpit na hawak ng kanan kong kamay. Mabuti na lang, hindi ko ito nabitawan. Regalo pa naman ito ni daddy.
Tumakbo naman 'yung lalaking naging dahilan kung bakit ako natumba. Oo, kasalanan niya. Ginulat niya ako sa presence niya.
"Ayos ka lang?" he asked worriedly.
Natawa na lang ako dahil nagha-hallucinate na ata ako. Kamukha kasi ni Cairo 'yung lalaki sa harapan ko.
"Charmelle? It's you, right?"
He knows me?!
Pinagkatitigan ko ang mukha nung lalaki. Wide eyes, middle part fringe hair, matangos ilong, namumula ang labi at may sharp na jawline. Medyo nasilaw din ako sa kumikinang na bling bling niya.
"Cairo!" gulat na bulalas ko. "A-Anong ginagawa mo rito?"
"Ako ang unang nagtanong," he retorted. He kneel down to check my left hand that was still bleeding.
"May sugat ka. Gamutin natin," ani nito.
Napasunod na lamang ako sa kanya nang alalayan niya ako patayo at iginiya papunta sa swing para doon paupuin.
Lumuhod siya ulit sa harap ko para punasan ang dugo sa kamay ko gamit ang panyo niya. It's a blue canali handkerchief. Mukhang mayaman ang lalaking ito. Ang mahal kaya ng panyo niya tapos pinamunas niya lang sa dugo. Nakakahiya na talaga.
But infairness, he's gentleman. Sana lahat ng lalaki, gaya niya.
"Ah. Thank you!" bawi ko sa kamay ko matapos niya itong punasan. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Wait lang!" May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya. It's a band aid.
Boyscout ba ang lalaking 'to? Laging handa, ha.
"Lagi akong may bitbit na band aid para sa guitarist namin. Minsan kasi nasusugatan ito lalo kapag nagpapalit ng string ng gitara niya. Sobrang reckless kasi no'n," paliwanag niya na parang nabasa ang nasa utak ko.
Kinuha niya ulit ang kamay ko para lagyan ng band aid. Nanatili naman akong tahimik at pinapanuod lang siya.
"Ayan! Okay na!" He beamed.
"Thank you ulit. Hindi mo naman kailangang gawin 'to," I said, pertaining to my wounded hand.
"Kasalanan ko ata kaya nagulat ka. Sorry," nahihiyang wika niya.
"Not your fault. Clumsy lang talaga ako today."
Ngumiti lang siya. Pati mga mata niya ngumingiti rin. Cute.
Cute ka diyan? May girlfriend na 'yan, Charmelle!
"Uhm, ano palang ginagawa mo rito? Dito ba nag-aaral 'yung girlfriend mo?" tanong ko.
Parang gusto ko na lang kagatin ang dila ko dahil sa kadaldalan nito. That sounded so wrong.
"Ha?" Napakamot ito sa kanang pisngi niya.
At that moment, I could feel my heart stop beating for awhile. Para rin akong kakapusin ng hangin sa baga nang mapansin ko ang tattoo sa gilid ng kanang kamay niya.
Gano'n na gano'n rin ang tattoo sa kanang kamay ni Moonlight. Palatandaan ko ito sa kanya. It's a treble clef tattoo!
Hindi kaya si Moonlight ang lalaking 'to? Wishful thinking.
Kung si Moonlight 'to dapat kilala niya ako? O baka nakalimutan na niya ako kung sakali man?
"Your tattoo." Kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon.
Naguguluhang tinignan ni Cairo ang tattoo niya sa kamay. "May problema ba?" tanong niya.
Umiling ako at pilit na ngumiti. "Sige na. Sagutin mo na ang tanong ko," I reminded.
"Ah! Oo nga pala. Iyong kapatid kong babae, dito nag-aaral kaya pinuntahan ko. May nakalimutan siyang project niya at pinapahatid niya sa akin. Medyo napaaga ako kaya naisipan kong pumunta dito sa rooftop dahil may magandang garden daw dito." Nilibot niya ang tingin sa paligid. "Tama nga siya." Namamanghang wika niya nang ibalik niya ang tingin sa akin. "Ang ganda nga."
"Ah, I see. May kapatid ka pala."
"Speaking of my sister. Baka hinihintay na ako no'n? Una na ako, ha!" paalam niya sa akin.
"Sige. Ingat ka. Thanks again."
"Ikaw ang mag-ingat para hindi ka na masugatan ulit! It was nice meeting you again, Charmelle. Hope to see you again. Bye," pahabol niya na siya namang ikinangiti ko.
Nang tuluyan na siyang mawala doon ko pinakawalan ang kilig ko.
Bakit? Bakit ako kinikilig? Dahil ba may chance na siya si Moonlight? Pero kung siya nga ang damuhong 'yon, dapat galit ako sa kanya 'di ba? Pero bakit wala akong maramdamang galit?
Gusto ko pa rin ba siya kahit pinaasa niya ako?
No. He's not Moonlight. He's Cairo. Baka magkaiba talaga sila kaya pwede akong kiligin.
Kinuha ko agad 'yung phone ko sa bag ko at nagtipa ng mensahe para sa mga kaibigan ko.
'OMG!! Girls, we meet again! For the 2nd time! Kyaaaah! Kinikilig ako! And guess what, his sister is here in my school. We're schoolmate!! Kyaaaah! And I got his hanky.'
Naghintay ako ng ilang segundo bago makatanggap ng reply sa kanila.
From Chianna:
'What? Who?'
From Rena:
'Uminom ka ba ng gamot? Aning-aning ka na naman.'
'Meet me later. Doon sa coffee shop. 8 p.m sharp. Excited na akong mag-kwento!' reply ko sa kanila.
From Chianna:
'Baka malate ako. Baka lang naman.'
From Rena:
'Pass muna. May gagawin kasi ako. Sorry!'
Aww. Sayang naman. Tawagan ko na lang si Rena mamaya para ikwento sa kanya ang encounter namin ni Cairo.
***
Kumukulubot na ang noo ko dahil pakunot ito nang pakunot sa bawat paglipas ng mga minuto. Nakapangalumbaba ako sa lamesa habang nakatitig lang sa pinto ng coffee shop at hinihintay ang pagdating ni Chianna.
Ang babaeng 'yon talaga, ayaw pang magbagong-buhay. Parati na lang late sa usapan. Sabunutan ko na siya, eh!
"Charmelle!" tawag ni Chianna sa akin nang makarating na rin siya, finally!
Malapit na akong amagin dito, kakahintay sa kanya. My God!
"Wala pa si Rena? Late siya? Wow! Bagong record 'to, ah!" proud na proud na saad niya nang maupo siya sa tapat ko.
"Wala siya. Hindi raw siya makakarating. At ikaw! 20 minutes kang late," I pouted.
"Sorry na. Naglibot kasi ako kung saan. Nagbabaka-sakali na may mahanap na part-time job. Alam mo naman na wala na akong trabaho 'di ba?"
"Hala! Oo nga pala! Tamang-tama, nagbukas pala si tita ng panibagong branch ng coffee shop na 'to. Nangangailangan pala sila ng tao. Gusto mo ipasok kita? Naalala ko malapit lang 'yung bagong branch sa school niyo."
"Talaga? Wow! Good news 'yan, pero huwag mo na akong ipasok. Mag-aapply na lang ako. Nakakahiya naman na umasa sayo, no!"
"Ano ka ba? Sa akin ka pa ba mahihiya? Tayo-tayo na nga lang ang nagdadamayan. I will help you. Sabihin ko kay tita na ipasok ka do'n," pagpupumilit ko.
"Huwag na talaga. Nakakahiya rin sa tita mo eh, tsaka sa'yo," giit niya.
"Hay, naku ka Chianna. Sige, ganito na lang, sasabihin ko na lang kay tita na kapag nagpasa ka ng resume mo, interview-hin ka na agad. Para hindi ka na magpabalik-balik doon," I suggested before sipping on my lattè.
"Good idea! Ganyan ba ang naidudulot kapag inspired?" tudyo niya.
Napatili tuloy ako at napahampas sa braso niya. Magku-kwento na sana ako nang bigla itong tumayo.
"Wait! Awat muna! Oorder lang ako."
Napanguso na lang ako at pinagmasdan siya habang papunta ito sa counter. Ilang sandali lang ay bumalik na rin ito sa upuan niya.
"Game continue!" hudyat niya sa akin.
"Si Cairo! OMG! Kinikilig ako sa kanya!" paglalabas ko ng feels ko sa kanya.
"O, tapos? Cairo who?"
"Cairo! Iyong vocalist ng CS!"
"CS? Cesarean?"
Bigla namang lumukot ang mukha ko sa tinuran niya. "Alam mo nakakainis ka! It's Cross Symphonia!"
Napaismid ako dahil mukhang nang-aasar lang ito.
"Stop talking na please? Don't interrupt me," I huffed.
Tumahimik naman si Chianna at hinayaan na akong magkwento ng lahat ng mga nangyari sa rooftop kanina.
"Si Cairo kasi! Kanina nasa school! Tapos kaya pala siya nando'n kasi doon nag-aaral 'yong kapatid niya. Tapos 'yong kamay ko hinawakan na naman niya, dalawang beses pa! OMG! OMG! Kung nakita mo lang ako kanina, para akong estatwa na na-freeze na naman sa kinatatayuan ko katulad nung nangyari sa Skinz Bar," pagkukwento ko.
Nang mapansing hindi siya umimik, napasimangot ako. "Wala ka man lang sasabihin?" tanong ko saka sumubo sa oreo cheesecake ko.
I was waiting for her to laughed at me dahil para na akong naghi-hysterical sa pagkukwento ko, pero wala siyang reaction. Bummer! Dapat mag-react siya ng sobrang epic dahil ngayon lang naman ako nagkaganito sa harap niya.
"Tapos ka na bang magkwento? Mamaya pagalitan mo na naman ako, eh."
"Tapos na! Basta ayun nga. Kinikilig ako kasi hindi ko ine-expect na makikita ko siya ulit. Oh, well ipinagdarasal ko 'yon, pero 'yong gano'ng kabilis, wow! Hindi ko talaga expected 'yon!" I admitted.
After that night at Skinz Bar, hindi ko na malimutan ang mukha ng lalaking 'yon. Iyong ngiti niya, parang nakaukit na nga sa utak ko. Lagi na rin akong nakikinig sa mga kanta nila. Kaya kilalang-kilala ko na ang boses niya.
"May I remind you na may girlfriend na 'yang Cairo na 'yan?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Alam mo ikaw, panira ka ng moment. Kinikilig ako dito, sisirain mo."
She just give me a shrugged. "Okay lang magka-crush, huwag lang masyadong lumalim."
"Crush lang naman. Crush is paghanga! Nothing more, nothing less! Natuwa lang din ako kasi almost 5 year na rin mula nang una ko siyang makilala," katwiran ko nang bigla akong nalungkot. "Kaso, mukhang hindi na niya ako nakikilala."
"Sigurado ka bang siya 'yon?" tanong niya na mukhang na-gets ang sinabi ko.
"I'm 100% sure!" Wishful thinking. "He has a treble clef tattoo on his hand, bru! Hindi ko makakalimutan ang tattoo na 'yon," giit ko.
Kahit paulit-ulit kong tinatak sa utak ko kanina na maaaring hindi si Cairo si Moonlight, on the contrary, umaasa pa rin ako. Shunga ko na ata.
Naiiling-iling naman si Chianna. "Maraming may gano'ng tattoo sa mundo. Loka, ka."
"Chianna naman, eh! Huwag mo namang sirain ang moment ko."
"Okay, sabi mo eh," napipilitang saad niya saka sinandal ang likod sa upuan.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo ikaw, nagkaroon na ako ng pag-asa na baka si Cairo si Moonlight, sinira mo lang."
"Oh, sorry. Sinasabi ko lang naman ang mga possibility na baka hindi si Cairo ang Moonlight mo," panunudyo niya.
I just stuck out my tongue at her. Speechless.
She has a point, though. Sinabi ko rin naman 'yan sa sarili ko, pero makulit talaga ang utak ko. Naniniwala itong si Cairo si Moonlight, pero iba naman ang sinasabi ng puso ko.
Ugh! This is so confusing but I already made a decision! Kailangan ko siyang makilala ng husto, by hook or by crook! Para sa ikatatahimik ng buong sistema ko.