Chapter theme: Ikaw - Autotelic
"Ms. Villarico, what you cooked is such a waste!" disappointed na komento ng professor ko matapos niyang matikman ang niluto ko.
"Bakit ma'am? Hindi ba masarap?" I asked, a bit confused.
Sinamaan ako nito ng tingin. "Anong sa tingin mo? Sobrang alat ng niluto mo!"
"Baka nagkakamali lang po kayo. Perfect po ang pagkakaluto ko diyan," depensa ko naman.
Confident ako, dahil alam ko naman sa sarili ko kung gaano ako kagaling magluto. Bukod sa nagmana ako sa mommy at tita ko, isa na sa talent ko ang pagluluto ng kahit na anong putahe.
"Why don't you taste it nang malaman mo!" utos ng prof ko sa akin.
"Y-Yes ma'am!" Kumuha agad ako ng kutsara para tikman ang niluto kong Conssomé, it's a clear soup made from meat, tomatoes, egg whites and rich flavoured stock.
Nasa dila ko palang nalalasahan ko na agad kung gaano nga ito kaalat. What happened?! Hindi ganito ang lasa nito kanina! Pinatikim ko pa nga ito kay Elaine at sa ibang kaklase ko at nasarapan naman sila.
"See? Iyan ba ang pinagmamalaki mo? Your grade for that dish is 50!"
"50!" I gasped in disbelief. "Pwedeng ulitin ko na lang po?" pakiusap ko sa prof ko.
"No! Unfair 'yon sa mga kaklase mo," giit nito.
Mas lalong unfair 'to sa akin! Binuhos ko ang lahat ng nalalaman at effort ko sa dish na 'to tapos 50 lang ang makukuha ko? Hindi naman ata makatarungan 'yon.
Nilibot ko ang buong tingin ko dito sa loob ng HRM Lab. I know may sumabotahe sa niluto ko at alam ko kung sino siya. Inirapan niya ako nang mapaghinalang naningkit ang mga mata ko sa kanya. Guilty!
Humanda talaga siya sa akin sa ibang araw. Makikita niya.
"Okay, class! That's all for today. See you on Monday," anunsyo ng professor namin. "Iyong mga naka-assign maglinis ngayon, maiwan dito. Walang tatakas!" bilin nito.
"Yes ma'am!" they said in chorus.
Masama ang loob ko kaya hindi na ako umimik.
"Ano? Okay ka pa?" nag-aalalang tanong sa akin ni Elaine habang naghuhugas na kami ng mga kitchen equipment na ginamit namin sa pagluluto.
Mga anim lang kaming naiwan dito. Kanya-kanyang kilos kami.
"Mukha ba akong okay?! May sumabotahe sa akin," iritadong tugon ko habang padabog na naghuhugas ng mga kaldero.
First week palang ng August, ang sama na agad ng bungad sa akin. Badtrip!
"Bakit sa akin ka nagagalit? Ako ba nanabotahe sa'yo?" natatawang tanong ni Elaine.
Tignan mo talaga ang isang 'to. Problemado na nga ko, tinawanan pa ako. Napakabait talaga ng kaklase kong 'to.
Elaine Ocampo ang nag-iisang kaibigan ko sa university na ito. Para itong si Chianna, scholar din ito. Mekaniko ang papa niya habang ang mama niya naman ay sa pabrika nagtatrabaho. Apat silang magkakapatid at siya ang panganay.
May trust issue na kasi ako kaya hindi na ako basta-bastang nagpapasok sa buhay ko. Sobrang tiyaga lang talaga ni Elaine sa akin at nakita ko namang sincere ang intention niya kaya sa huli, naging magkaibigan din kami.
"Don't worry, nakaisip na ako ng gagawin para gumanti. May idea ka ba kung sino?"
"Si Vienna, pero hindi pa ako sigurado."
"Siya nga ata! Nakita ko siya kanina padaan-daan sa area mo." Bigla siyang napapitik ng daliri. "Bobitang 'yon! Hindi niya ata alam na may cctv dito."
Umaliwalas naman ang mukha ko. "Oo nga, no? Ang galing mo talaga Elaine!"
She flipped her neck length hair. "Maliit na bagay!"
Winisikan ko siya ng tubig sa mukha. "Maghugas ka na, nang matapos na tayo."
Nagbasa din siya ng kamay at winisikan rin ako ng tubig sa mukha. "Ayan. Quits na tayo."
Gumanti ako pero hindi naman ito nagpatalo. Panay wisikan namin ng tubig habang nagtatawanan.
"Tigilan niyo nga 'yan! Nababasa na ang sahig!" singhal sa amin ni Derek.
Bantay nga pala namin ang hudas na 'to. Si Mr. Perfectionist.
Hindi na lang namin siya pinansin at bumalik na kami ni Elaine sa paghuhugas habang malakas na nagkukwentuhan. Sinasadya talaga namin para mang-asar lang.
Mayamaya lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Nagpunas muna ako ng kamay sa apron ko bago ko ito dinukot sa bulsa nito.
Rena's calling...
"Hi bru! Napatawag ka?" masiglang bati ko sa kanya.
"Tapos na klase mo? Wala ka namang gagawin mamayang gabi 'di ba?" bungad nito.
"Hmm," nag-isip ako saglit. "Wala naman! Magmumukmok lang. Bakit?"
"Skinz Bar?" pinalungkot nito ang boses. "I need you, girls."
I let out a small chortle. "Oo na! Ikaw pa ba tatanggihan ko?"
"I know you wont! Natawagan ko na rin si Chianna at pumayag din naman siya. Maasahan ko talaga kayo. See you later?"
"Yep! See you!"
After we hang up, inusisa naman ako agad ni Elaine. "Sinong kausap mo at ngingiti-ngiti ka diyan?"
"It's Rena. Nagyaya mag-bar. Sama ka?"
"Huwag na. Ma-out of place lang ako do'n. Hindi naman nila ako masyadong kilala. Isa pa, need niyo ata ng privacy. Maybe next time?"
"Sige. Promise 'yan, ha?"
"Promise!" she said gleefully.
***
Napatakip na lamang ako sa tainga ko para hindi ko marinig ang sunod-sunod na pagmumura ni Rena. Halos sabay lang kaming dumating dito sa Skinz Bar kaya ako tuloy ang nagsu-suffer sa pakikinig ng mga malutong na mura niya.
Walang hiyang Chianna! Late na naman!
"Pwede bang mamaya ka na mag-inom?" pakiusap ko kay Rena.
Pilit kong inagaw ang gimlet na iniinom niya at dahil sa kakulitan ko, natapunan ang off-shoulder mini dress ko. Mabuti na lang kulay itim ito.
"Sorry," Rena mumbled apologetically.
Ngumiti ako. "Hayaan mo na. Matutuyo rin 'yan, 'di naman halata."
Nakaupo kami sa bar counter at nakarami na rin ng iniinom si Rena. I can't blame her though. Sobrang laki ata ng problema nito.
"Wala pa rin ba si Chianna? Dapat pinagmumulta na natin 'yon kapag late siya," paglilihis niya ng usapan.
I squinted my eyes a little bit while it roams inside the bar. And there at the entrance, I saw Chianna who looked like a lost child. Palibot-libot ang mga mata niya na parang may hinahanap.
"Hoy, Chianna! Nandito kami!" malakas na sigaw ko saka kumaway.
Dali-dali naman siyang lumapit sa kinaroroonan namin.
"Mga bruha!" tili niya. "Chianna Jimenez, at your service!" kindat pa bago humalik sa pisngi namin.
Tumalim naman ang mga mata namin sa kanya.
"Sorry late, traffic eh," pagpa-pacute nito saka nag-peace sign sa amin.
Favorite gesture niya talaga 'yan.
"Kailan ka ba hindi na-late?" Rena scoffed as she sipped on her gimlet. Pulang-pula na ang mukha nito at namumungay ang mga mata.
"Problema niyan?" tanong ni Chianna.
"Hay naku, bru! Sobrang laki ng problema ng babaeng 'to. Mabuti na lang dumating ka na. Hindi ko na kayang makinig sa mga mura niya! Ang sakit sa tainga," dire-diretsong reklamo ko.
"Ugh! I hate my life! Fu-"
"Stop cursing!" suway ko kay Rena bago pa 'to makapagmura.
"Bakit ba? This is me! Sa inyo na nga lang ako nagiging totoo, pipigilan niyo pa ko! Para kayong hindi mga kaibigan, ah!" pagdadrama pa nito.
Napabuntong-hininga na lang tuloy kami.
"You can curse, but three times lang tonight. Okay?" I compromised.
Rena on the other hand just grinned before nodding slowly. "Fuck! Fuck! Fuck!"
Napangiwi na lang ako. Masunurin. 3 times nga naman 'yon.
"Hayaan mo na. Alam mo namang diyan na lang niya nailalabas sama ng loob niya," nangingiting wika ni Chianna.
Tumango na lang ako.
"Tara na do'n!" aya ni Chianna sa amin.
Nagpatianod na lang kami habang hinihila kami ni Chianna papunta sa table na malapit lang sa stage. Naka-reserved na sa amin ang pwestong ito sa tuwing natambay kami rito.
"Nakakainis!! Nakakainis talaga 'yon!" pagsisimula ko ng kwento. "Ang sarap-sarap ng pagkakaluto ko 'don eh, pinaghirapan ko 'yon, tapos gano'n lang ang nangyari? Huhuhu! First time ko makakuha ng gano'ng kababang grade," walang humpay na pagngawa ko habang humahaba ang nguso.
Tumigil ako saglit nang mapansing panay tingin ni Chianna sa relo niya at parang nalipad ang utak sa kung saan.
"Hoy! Chianna, nakikinig ka ba? Kanina pa ako naglalabas ng sama ng loob dito, hindi ka naman nakikinig," pukaw ko sa atensyon niya.
"Oo na, oo na. Nakikinig ako, no! Sige, continue," saad nito na may pagkumpas-kumpas pa ng kamay.
"So, ayun nga, nabigyan ako ng grade na 50 dahil ang pangit ng kinalabasan ng luto ko! That's so unfair! May nanabotahe sa akin!" pagngawa ko ulit.
"Kilala mo ba kung sino ang sumabotahe sayo? Tara, resbakan na 'yan. Tamang-tama, kailangan ko ng mapagpapraktisan," sabat ni Rena na nakaupo sa kabilang gilid ni Chianna.
"Ikaw talaga Rena, masyado kang mainit. You really love violence that much, huh?" sita ni Chianna saka bahagyang tumawa.
"Nakakainis kasi, eh. Dapat sa mga gano'ng tao, tinuturuan ng leksyon para magtanda," iritadong saad niya sabay lagok ng iniinom niyang alak.
"Chill! Bakit ba ang init ng ulo natin ngayon? May nangyari na naman ba sa bahay niyo?" usisa ni bruha.
"Pinagbuhatan ka na naman ba ng kamay ni tito?" alalang tanong ko naman habang sumisinghot-singhot.
Umiling-iling naman si Rena. "Gusto akong ipakasal ni papa sa anak ng kumpare niya. Ang galing 'di ba?Buong buhay ko, lagi ko na lang sinusunod ang gusto niya. 21 na ako, may sarili na akong utak, pero hanggang ngayon, wala akong kakayahang magdesisyon para sa sarili ko. Ano bang tingin niya sa akin? Robot? Manikang de susi? Tanginang buhay talaga," paghihinanakit niya.
At some point, I can relate to her. Akala kasi ng iba, porket galing kami sa makapangyarihang pamilya, masaya na ang buhay namin. Mali talaga ang perspective ng mga tao sa amin. Hindi talaga kami masaya. Minsan kasi wala na kaming kalayaan para magdesisyon para sa sarili namin.
"S-Sige lang bru...I-Iiyak mo lang," pang-aalo ko.
"Eh, bakit ikaw na naman ang umiiyak diyan?" sita ni Chianna sa akin. Epal nito.
"K-Kasi...I'm so sad for Rena. Dinadamayan ko lang siya. Huhuhu." Nagkunwari na naman akong umiiyak para maasar siya.
"Ewan ko sa'yo!"
"Hindi ako iiyak. Sayang lang ang luha," pagmamatigas naman ni Rena, as usual.
Nakikinig lang kami sa isa't-isa habang naglalabasan ng hinaing. Mukhang minalas ata kami sa araw na 'to dahil pare-parehas kaming pinagtripan ng mundo. Tumigil na rin sa pag-inom si Rena at medyo nahimasmasan na ito.
"Anong balak mo ngayon Chianna? Paano 'yan ngayon? Wala ka ng trabaho," I blurted out, worry evident in my eyes.
"Ewan. Bahala na si Batman."
"Pero Chianna, kung wala kang work, paano na ang mga gastusin mo sa araw-araw?" nangangambang tanong ko.
Mahina niya akong kinurot sa pisngi. "Huwag kang iiyak! Lahat na lang iniiyakan mo!" she said jokingly.
"Basta if you need help, huwag kang magdalawang isip na magsabi sa amin," Rena said flashing a sincere smile.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Pagdating talaga kay Chianna, lahat gagawin namin maging magaan lang ang buhay niya.
"Pwede ba next time na natin 'yan problemahin? We're here to party right?" Bumaling siya sa akin. "And please Charmelle, problemahin mo muna ang sarili mo. Look at you, kalat-kalat na mascara at eyeliner mo. Ang chaka mo na, promise!"
Malakas na nagtawanan sila ni Rena habang nakatitig sa mukha ko.
"Uwaaaaaah! Hindi nga?" Agad akong. "Sandali, powder room lang ako. Kailangan kong mag-retouch," paalam ko bago nagtatakbo papunta ng restroom.
***
"Without you, I'm just a sad song."
Pakanta-kanta lamang ako habang naglalakad patungo sa c.r. Matagal na panahon na ang lumipas pero nakatatak na sa utak ko ang kantang 'yon at hindi ko ito magawang malimutan.
Sure, I've already move on from my first love, but the feeling is still there. Yes, I considered him as my first love, dahil sa kanya lang naman ako nakaramdam ng malakas na pagtibok ng puso ko. Isa pa, hindi rin naman ako masasaktan noon, kung hindi malalim ang nararamdaman ko sa kanya.
First love, first heartbreak rin.
Bago ako pumasok sa c.r ay may nahagip ang mga mata ko na isang gwapong lalaki. Sa hindi malamang dahilan, nagtagal ang mga mata ko sa kanya dahil parang pamilyar siya sa akin.
Nakasandal siya sa pader sa labas lang ng c.r ng mga babae habang ang kamay niya ay nakasuksok sa bulsa ng kupas na pantalon niya. Nakasuot ito ng itim na shirt na may print ng name ng bandang Slipknot. Nice!
Nagta-tap ang isang paa nito na mukhang nakikinig ng music dahil may nakapasak na earphones sa tainga niya.
Bigla itong napalingon sa akin kaya naman nagmadali akong pumasok sa c.r. Isipin niya pa, tinitignan ko siya. Well, kinda true. Tinititigan ko talaga siya.
Humarap ako sa malaking salamin at kumuha ng wet wipes sa kulay pink na pouch ko. Habang nagre-retouch ako, sumagi sa isipan ko 'yung lalaki.
Those pair of wide eyes, why do I feel that I've seen them before?
Malamang Charmelle! Maraming tao na may gano'ng mata! Common sense.
Papalabas na ako ng c.r nang makarinig ako ng mga boses na nag-aaway. Natigilan ako saglit dahil ayoko namang maging agaw eksena at bigla na lamang lumabas. Malakas ang mga boses nila kaya medyo naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"What? Hanggang mamaya pa kayo rito? Bakit ang tagal naman? I'm getting bored here!" maarteng sigaw ng babae.
"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Huwag ka na lang sumama. Gusto mo kausapin ko na lang 'yung manager nitong bar, para ipa-move ko 'yung pagtugtog namin? Ihahatid na lang muna kita pauwi," kalmadong saad naman ng lalaki na tila boses anghel.
"I don't want to go home! Baka mamaya, mambabae ka pa!"
"Alam mong hindi ko magagawa sayo 'yon. Hindi ako mambababae promise," pangungumbinsi pa nung lalaki. Sana all.
"Really? Siguraduhin mo 'yan, ah! Or else magpapakamatay ako."
Bigla naman akong nairita dahil sa narinig. Ang OA naman ni ate girl!
At dahil umiral ang pagiging maldita ko at sobrang naaasar na ako, lumabas na ako ng c.r at doon ako mismo dumaan sa gitna nila. Hindi na ako nag-excuse. Keber ko sa kanila.
"Excuse me, ha!" sarkastikong bulyaw nung babae sa akin.
I turned to them with innocent eyes. Natatawa ko dahil ang sama makatingin nung babae sa akin. Iyong lalaki naman, ang ganda ng mga mata. Nakakatunaw.
Oh! Wait! Siya rin pala 'yung lalaking nakita ko bago ako mag-cr.
"Do you know him babe?" tanong nung babaeng maarte sabay lingkis sa braso ni pogi. Titig na titig kasi ito sa akin na parang pinag-aaralan ang mukha ko.
So, magjowa sila? Poor guy.
Nilayasan ko na lang sila para bumalik na sa table namin ng mga kaibigan ko. Nadatnan ko sila na mukhang naghaharutan. Ang liligalig talaga.
***
"Ladies and Gentleman. Let's all welcome, the indie band who will rock your night! Cross Symphonia!"
"Cross Symphonia? Ang cool naman ng name nila!" may pagkamanghang bulalaa ko nang ipakilala na kung sinong banda ang tutugtog ngayon.
I'm a fan of boybands but I've never heard of its name.
"I think bago lang ang banda nila?" Chianna supplied to my curiousity so I just slowly nodded my head.
Napatingin ako sa stage kung saan kitang-kita namin sila. Dalawa palang ang nando'n. Iyong guitarist at drummer.
Ilang saglit pa ay lumapit ang guitarist sa mic. Infairness, gwapo rin ito at bagay dito ang kulay gray at hanggang balikat niyang buhok.
Napatingin ako kay Chianna na nakaawang ang bibig habang namimilog ang mga matang nakatingin do'n sa guitarist.
Problema nito? Don't tell me, type niya ito?
"Good evening ladies," bati nung guitarist na may kasamang kindat pa. "Sorry for the delay, wala pa kasi 'yung vocalist namin pero parating na 'yon. By the way, I'm your gwapong guitarist, Yago."
"Woooooooh! Ang gwapo! Ayos lang! Willing kaming maghintay."
"I love youuu!"
"Akin ka na lang, please!"
Napatakip ako sa tainga ko dahil grabe ang tilian ng mga babae. Parang mababasag na ang eardrums ko. Kalma nga sila, lalaki lang 'yan.
"Tara lapit tayo sa stage," rinig kong aya ni Chianna. Isa pa 'to, nakikigulo rin.
"Huwag na. Dito na lang tayo, kitang-kita naman natin sila mula dito," tanggi ni Rena.
Mayamaya pa ay umakyat na rin sa stage 'yung vocalist nila at parang ako naman ang biglang nawala sa sarili.
Siya 'yung lalaki sa c.r!
I don't know why but my heart suddenly jumps in joy. Naalala ko tuloy si Moonl- marahas akong napailing. Awat na Charmelle! Bakit ba bigla mo na lang naalala ang paasang 'yon? Dapat galit ka sa kanya. Galit ka!
But this guy is not him. Wala namang masama kung natutuwa ako sa presence ng bokalista ng bandang ito.
"For all the people who are hurting, this song is for you. I hope you get the healing that you deserve," sambit ng vocalist bago ito magsimulang kumanta. May nakaguhit na matamis na ngiti sa labi nito na mukhang hindi na mabura-bura.
Nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya at hindi ko ito magawang alisin. His middle part fringe hair looks good on him. Ang gwapo niya lalo kapag hinahawi niya ito gamit ang kamay niya. He has a sharp jawline na kitang-kita ko kapag nakatagilid ang mukha niya. Kumikinang naman ang suot niyang hikaw sa kaliwang tainga kapag natatamaan ito ng ilaw.
Hanggang ngayon
Patuloy ang pag-ikot
Mga katanungang wala pa ring sagot
Ang lamyos ng boses niya. Napakasarap nitong pakinggan. Napapapikit ako paminsan-minsan habang dinadama ang bawat lyrics ng kanta.
Halos libutin na ang buong mundo
Parang walang pagbabago
Saan man mapunta
Para akong tanga na napapangiti na lamang habang nakikinig sa kanya. Hindi ko na nga alam kung ano ng nangyayari sa paligid ko. Para akong nahihipnotismo at wala akong kawala. Ang tanging kaya ko lang gawin ng mga sandaling 'yon ay pagmasdan ang bokalistang 'yon.
Laging nag-iisa
Nasa piling ng iba
Ngunit ikaw pa rin
"Ang ganda ng boses niya," wala sa sarili kong bulalas. Wala akong kamalay-malay na naririnig pala ako ni Chianna.
May nagmamay-ari na
Ngunit ikaw pa rin
Mula sa pagsara
Nang matapos nang tumugtog ang Cross Symphonia, bumaba rin agad sila ng stage. Wala na sila sa harapan ko pero 'yung utak at puso ko, nanakaw ata nung vocalist.
Okay. Ang cheesy ko.
"Rena, Charmelle tara magpapicture din tayo sa kanila!" pangungulit ni Chianna.
"Ikaw na lang, kaya mo na 'yan," ani Rena.
"Ako rin gusto ko. Kaya lang mukhang girlfriend ata nila ang mga kasama nila. Tignan mo nga o, parang linta kung kumapit 'yung babae," singit ko saka ngumuso doon sa direksyon nung bandang tumugtog ngayon.
Nakamasid lang ako sa kanila habang papalabas na ang mga ito ng Skinz Bar. Napaismid ako dahil grabeng makakapit 'yung babae doon sa vocalist. Akala mo naman, nanakawin sa kanya ang boyfriend niya.
"Hoy Chianna, anong gagawin mo?!" biglang sigaw ni Rena kaya napabalik ang atensyon ko sa kanila.
"Hey! Huwag kang tumakbo," sita pa nito.
Napatanga na lang ako nang makitang tumatakbo na si Chianna para habulin 'yung Cross Symphonia.
Lokaret talaga ang babaeng 'to! Ano na naman bang naisip nitong gawin?
Sinundan na lang namin ito ni Rena dahil baka may gawin itong kagagahan. Nang makalabas kami, saktong nasaksihan namin ang pagkatapilok ni Chianna. Nakita siya nung drummer nung Cross Symphonia pero dinaanan lang niya ang kaibigan ko.
Ay, wow! Ang bait ni kuya. Buti pa 'yung guitarist, nilapitan agad si Chianna.
"Uwaaaaah! Chianna, 'yung paa mo namamaga," alalang wika ko nang umupo ako sa tabi niya. Bahagya kong sinundot ang paa niya.
"Aray! Charmelle, masakit!"
"Ay, sorry naman, sinisiguro ko lang kung masakit talaga," katwiran ko saka binelatan siya.
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni guitarist.
"Oo, ata. Siguro?" pabebeng sagot naman ni Chianna. Sus!
Dahan-dahan kong itinayo si Chianna sa tulong nung lalaki. Nakaalalay lang kaming dalawa sa kanya. Pansin kong namamawis ang kamay ni Chianna. Tense siguro ito.
Pinagmasdan ko lang silang mag-usap dahil mukhang kakilala na ni Chianna 'yung guitarist? Rinig ko, pinahiram siya ng jacket.
"Hoy! Ikaw! Sandali!!!"
Napalingon kaming lahat sa direksyon ng sumigaw. Napasinghap ako nang makita si Rena na tila galit na galit habang naglalakad palapit doon sa drummer boy.
"Sabi ko sandali! Hoy! Ikaw, Mr. Drummer Boy! Bingi ka ba?" sigaw ulit ni Rena na parang mangangain na ng buhay.
Napatigil naman sa paglalakad 'yung drummer ng Cross Symphonia at nilingon si Rena. Sinalubong niya ang mga matatalim na mata ng kaibigan namin. Napalunok ako dahil ramdam na ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa dalawa.
Ito talagang si Rena, walang sinasanto! Magdasal ka na, drummer boy. Katapusan na ng buhay mo.