Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 16 - Chapter 14 - Own Rule

Chapter 16 - Chapter 14 - Own Rule

Chapter theme: It's My Life - Bon Jovi

5 years later...

"Oh my God. Sorry I'm la—"

"You're late!" sabay na sansala namin ni Rena sa sasabihin niya habang nakahalukipkip.

Kaninang alas-onse ng umaga pa kami nandito sa loob ng Samgyupamore at gutom na gutom na kami dahil hindi pa kami nag-aagahan para lang dito. Hinintay rin muna namin si Chianna na lagpas isang oras na bago dumating.

Friday ngayon, July 31. Wala kaming pasok dahil holiday kaya sinamantala namin ang pagkakataon na ito para magkita-kita.

"Sorry talaga! Traffic kasi." Chianna smiled sheepishly.

Rena and I just groaned. Gasgas na 'yang dahilan niya kaya sanay na kami. Kahit hindi naman traffic, idadahilan pa rin niya 'yan.

Umupo na siya sa tapat ko habang magkatabi naman kami ni Rena.

"Kain na tayo? Gutom na ko," bulalas niya na may paghimas pa sa tiyan niya.

"Hindi lang ikaw!" sabay na singhal namin sa kanya. Nag-peace sign at nagpacute lang ito.

I just let out an exasperated sigh, shaking my head in defeat. Chianna will always be Chianna.

Itinaas na lang ni Rena ang isang kamay para tawagin na 'yung lalaking service crew. Agad naman itong lumapit sa amin na may maliwanag na ngiti sa mamula-mula niyang labi.

Nagkatinginan kaming tatlo ng mga kaibigan ko.

"Nagkamali ata ako ng tinawag," nahihiyang bulong ni Rena sa akin.

Napatingin naman ako sa ibang service crew sa paligid. Nakasuot din naman itong lalaki na 'to ng uniform gaya sa mga service crew dito which is all black from pants to shirt and cap with black apron around his waist.

Bago lang siguro ito dahil ngayon lang namin ito nakita. Gwapo ito. Fair skin and huge eyes. Mukhang korean. Parang kahawig niya nga 'yung isang oppa ko sa kdrama. Para siyang younger version ni Lee Dong Wook.

"Ano pong kailangan nila?" tanong nito at doon lang kami nahimasmasan.

"Oorder na po kami, oppa!" biro ni Chianna kaya natawa 'yung lalaki.

"Anong klaseng meat po, ma'am?"

"Deungsim!" sagot ni Chianna.

"Pork belly sa akin," tipid na sagot naman ni Rena.

"Chadolbaegi naman sa akin," sambit ko.

Nang umalis 'yung lalaki, parang kiti-kiting naglililikot si Chianna.

"Gwapo niya!" bulalas niya. Kulang na lang mag-heart shape na ang mga mata niya.

"Hay naku! Basta talaga gwapo, no?" pasaring ko. "Crush mo na?"

Sumimangot naman ito. "Hindi no! Porket na-appreciate ko lang 'yung kagandahang lalaki niya, crush agad? Wala nga kong panahon sa ganyan. Aral muna."

"Sus! Kapag ikaw tinamaan ni kupido, ewan ko na lang kung masabi mo pa 'yan," kontra naman ni Rena.

"True! Baka nga ikaw pa ang unang magkaroon ng boyfriend sa atin," bahagya kong siniko si Rena. "Am I right?"

"100%!"

"Pusta bente!" I suggested, wiggling my eyebrows up and down.

Napahampas naman si Chianna sa lamesa saka tumayo. "Heh! Diyan na nga muna kayo. Kukuha na ko ng side dish ko."

"Pakuha kami!" habol ko bago pa man siya makahakbang.

She raised her two hands in the air. "Dalawa lang kamay ko? Mga tamad na 'to. Bahala kayo sa side dish niyo!" pagtataray nito saka kami nilayasan ng tuluyan.

"Lagot ka, binully moooo," tudyo ko kay Rena.

"Sarap pikunin, eh. Makabawi man lang sa pagiging late niya," patawa-tawang saad niya na agad ding nanahimik.

Bumalik na kasi si oppa na service crew bitbit ang iba't-ibang karne na in-order namin kanina.

"Thanks kuya!" nakangiting bulalas ko bago ito umalis matapos buksan ang stove top grill namin.

Nagsimula namang mag-ihaw si Rena habang nagniningning ang kanyang mga mata niya. Isa kasi sa happiness niya ang samgyupsal.

I can't help but smiled while watching her. Sinong mag-aakala na makikita ko ang ganitong side ni Rena? At sinong mag-aakala na aabot ang pagkakaibigan namin ng limang taon? Sa loob ng panahon na 'yon, ang daming nagbago.

Si Chianna? Ayun, napakatapang na babae na. Hindi na siya basta-bastang nagpapaapi. Hindi na rin ito iyakin, hindi gaya noon. Mukhang nagkapalit kami, ako na raw ang iyakin sa aming tatlo.

Si Rena naman, maangas pa rin pero napaka-sweet niyang tao, sa amin nga lang ni Chianna. Minsan nga lang pakiramdam ko, meron pa ring pader na naglalayo sa amin. Ang hirap-hirap niya kasing basahin minsan. I want to see all the skeletons she's hiding inside her closet, if she will let us.

After that incident, we just grew closer and closer. And since si Rena ang pinakamatanda sa amin ng ilang buwan, para tuloy kaming nagkaroon ng nakatatandang kapatid.

Sobrang maalaga niya rin niya talaga sa amin kaya napapatanong ako minsan, ito ba 'yung Rena na kinakatakutan ng lahat noong highschool? Kasi kung kikilalanin mo siyang mabuti, sobrang bait niya palang tao. Friends for keep silang dalawa ni Chianna.

Kung noong highschool, ako ang mahilig mang-spoiled sa mga kaibigan ko, ngayong college na kami, ako naman ang ini-spoiled ng mga 'to. And I love it when they baby me so much. Kahit nga magpaka-isip bata ako sa harapan nila, ayos lang sa kanila. They will still entertain my crazy antics.

And even if we're attending different universities right now, hindi naging dahilan 'yon para hindi maipagpatuloy ang magandang samahan namin. Lalo nga kaming tumibay sa paglipas ng panahon.

"Bakit ka nakatitig sa mukha ko? Natitibo ka na ba?" tanong ni Rena habang binabaligtad ang mga karne.

"Baliw!" ungot ko. "May naalala lang ako, no?! Nakakatuwa kasi kung babalikan 'yung unang pag-uusap natin, para kang taong yelo. Ang lamig-lamig ng pakikitungo mo sa akin. Tinatarayan mo pa ko! Kainis ka!"

Mahina siyang natawa. "I remember that. Wala talaga kong planong makipagkaibigan sa kahit na sino noong panahon na 'yon. Pero nagbago ang lahat nang sa isang iglap, bigla ko na lang pinagbuhusan ng atensyon si Chianna. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, parang may something sa kanya na hinila ako papalapit."

"Gano'n din na-feel ko sa kanya noon. Mas bagay nga ata sa kanya ang pangalan ko, kasi ang lakas ng charm niya."

"Sinabi mo pa. Baliw-baliw lang 'yang si Chianna kagaya mo, kaso mas malala ka nga lang."

Malakas kong siyang hinampas sa braso at mahabang ngumuso. "Foul 'yon. Hindi ako baliw, ha."

Dumampot siya ng disposable chopsticks at mahinang tinuktukan ako sa noo. "Says who?" pang-iinis nito.

"Diyan ka na nga! Kukuha na rin ako ng side dish ko. Maiwan ka mag-isa diyan! Pagbutihin mo pag-iihaw!"

"Mga pikon!" sigaw niya.

Si Rena talaga ang pinakamalakas mang-asar sa aming tatlo. Walang duda.

***

Para kaming magkakagalit habang kanya-kanya kami sa paggawa ng sarili naming variety ng lettuce wrap. Katatapos lang ni Rena na ihawin ang mga meat namin for our third round. Malapit nang mag-alas dos ng hapon pero heto pa rin kami. Matapos ng isang round, papahinga muna at magkukwentuhan bago sumabak ulit.

"Kayong tatlo talaga, kapag nandito kayo, sulit na sulit niyo ang samgyupsal dito," natatawang sita ni Manang Delia nang mapadaan siya sa lamesa namin.

Kilala niya kami dahil suki na kami rito, halos isang taon na rin. Siya ang may-ari ng samgyupsal restaurant na 'to sa labas lang ng lungsod ng Mariano. Dinadayo talaga namin ito kasi authentic ang mga korean dishes nila. Korean kasi ang asawa niya.

"Manang, may bago pala kayong empleyado?" usisa ni Chianna saka nginuso ang lalaking nag-served sa amin kanina na ngayon ay nasa cashier na.

"Ah. Si Jae Bong? Apo ko iyan. Ka-edad niyo lang. Natulong lang dito habang nagbabakasyon. Magaling magtagalog 'yan!" proud na sagot nito.

Napaubo-ubo kaming tatlo dahil sa pagkabigla.

"Apo niyo, ho? May apo na kayo, eh ang bata niyo pong tignan," I blurted out.

"Oo nga po! Para nga kayong nasa trenta lang. Hindi po kayo mukhang senior na," segunda ni Chianna.

Samantalang si Rena ay tumango-tango lang na tila isang kambing dahil sa pagnguya-nguya niya ng lettuce.

"Itong mga batang 'to, ke-gagaling mambola! Kaya favorite ko kayong customer, eh."

"Discount na 'yan!" sabay-sabay naming kantyaw kaya isa-isa naman niya kaming binatukan. Mahina lang naman.

"Walang discount! Malulugi ako sa inyo. Business is business," biro nito. "Sige na, maiwan ko na kayo. Bubuksan ko ang t.v nang malibang naman ang ibang customers," paalam nito.

Bumalik naman kami ulit sa tahimik na pagkain namin, pero agad din itong nagambala dahil sa eskandalosang sigaw ni Chianna.

"Manang! Lipat niyo ang channel! Pangit 'yan, mawawalan ako ng gana!" inis na reklamo nito.

Napalingon naman kami ni Rena sa kinaroroonan ng tv. Palabas pala do'n ang teleserye niya.

Matagal-tagal na rin akong walang balita sa kanya hanggang sa isang araw, nakita ko na lang ang mukha niya sa iba't-ibang palabas. Tinuloy niya pala ang pag-aartista, lihis sa plano niya noong highschool kami.

She's now one of the sought actress here in the Philippines.

"Naku! Nakita ko na naman ang pagmumukha niya! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga nakakalimutan ang ginawa ng Yana na 'yan sa atin. Sarap batuhin ng t.v!"

"Chill lang, Chianna. Puso mo," pagpapakalma ni Rena.

Napasandal si Chianna sa upuan niya at uminom ng tubig. "Kumukulo pa rin talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya. Sana naman bago sila magsipag-drop out noong third year high school tayo, nag-sorry man lang muna sila kay Charmelle. Lalo 'yung Alyssa na 'yon!"

"Hayaan mo na," I said calmly. "It's been 5 years, baka nakalimutan na rin nila 'yon."

Magsasalita pa sana si Chianna pero umiling si Rena sa kanya kaya napakagat na lang siya sa labi niya.

Okay na ko. Matagal nang nangyari 'yon. I'm not mad anymore and I already forgive them kahit pa hindi sila humingi ng tawad sa akin. Ayoko kasing habang-buhay na ikulong ang sarili ko sa nakaraan. Hindi worth it.

"I wish ganito ako katapang noong highschool tayo, no? Para naman naipagtanggol kita dati." Chianna said out of the blue. I could sense some regret in her voice.

Inabot ko ang kamay niya at hinaplos 'yon. "Ano ka ba Chianna? Let's not dwell in the past anymore and let's focus in the present. Saka ang tapang-tapang mo na kaya! Kahit nga mga tambay diyan sa kanto, kaya mo nang hamunin ng away," I chuckled. "I'm really proud of the woman you've become and I mean it. This time, ako naman ang dedepende sa'yo, pwede ba?"

She flex her invisible muscle. Nagmamalaki. "Makakaasa ka sa akin. Kayang-kaya na kitang ipagtanggol sa mga mang-aaway sa'yo gaya ng ginagawa ni Rena kapag may kumakanti sa akin. Ako pa ba? Si Chianna Jimenez ata ako and I am amazing!"

"At nagbuhat na po siya ng bangko. Pinuri mo kasi," Rena mumbled beside me. Natawa na lang ako.

***

It was already five in the evening when I got home, so I quickly took a shower and dressed up.

My dad and I still have a dinner to attend tonight. Simpleng salo-salo raw with my grandparents pero sigurado akong hindi lang simple 'yon, may kasama 'yong pananabon for sure dahil hobby nilang hanapan ako ng butas.

Donned in my nude dress with elbow bishop sleeves, I opted for a pair of white strap sandals to match it up. Nakalugay lang ang buhok ko dahil tinamad na rin akong mag-ayos.

After studying myself in the mirror countless times, bumaba na ako para magtungo sa garahe. Nasa loob na ng kotse si daddy at nakaupo ito sa backseat na hindi maipinta ang mukha.

"What took you so long?" sita niya sa akin nang makaupo ako sa tabi niya bago ito bumaling sa driver namin para utusan itong umalis na.

Umismid ako. "Natagalan lang maghanap ng susuotin. Alam mo naman si lola, conservative. Kahit konting skin lang ang lumabas, naghi-hysterical na. Kulang nalang maging mummy na ako, para balot na balot."

"Don't speak about her like that. She's my mother." Dad said firmly.

"Okay. Sorry."

"Please, behave tonight. Kahit anong sabihin ng lolo at lola mo, just agree with them."

"So, when they told me to stop breathing then I won't breathe just to appease them?" I asked sarcastically.

"Charmelle!" he hissed at me.

I looked at him with determination burning in my eyes. "Dad, I'm not like you. If you grew up like a puppet for their own amusement, pwes ibahin nila ako. Ayoko sa lahat, minamandohan ako. I'm not a kid anymore."

"Just stop being sarcastic in front of them. Kahit ngayong gabi lang."

I heave a sigh. "I'll try, but I'm not promising. Sarcasm is my language, you know that."

At 7 p.m, we arrived at the high-end restaurant named Prelibato. At gaya nga ng inaasahan ko, hindi ito simpleng salo-salo lang.

Naka-reserved ba naman ang buong restaurant para lang sa amin. Yes, sa aming apat lang. Allergic ata sa mga crowded places ang grandparents ko.

Sa Spain talaga sila nakatira but once a year nagbabakasyon sila dito sa Pilipinas.

"Sorry, we're late!" Dad leaned down to kiss his mother on the cheek. Gano'n rin ang ginawa ko saka lumipat kay lolo para humalik rin sa pisngi niya.

"It's okay," my abuela acknowledge. "We just got here. Sit down," she ordered. She was smiling but there's an authority in her voice.

Umupo naman kami ni daddy sa tapat nila. Sobrang daming pagkain sa mesa, pero hindi ako nagugutom. Hindi pa rin bumababa ang kinain ko kaninang tanghali.

Matapos ang maikling kamustuhan, nagsimula silang kumain habang may pianist na tumutugtog para i-entertain kami. Pumapak na lang ako ng watermelon dahil baka isuka ko lang sa kanila ang kinain ko kapag pinilit ko.

I'm still full. Naka-limang round ba naman kami ng samgyupsal kanina. Mga sikmurang lalaki talaga kaming tatlo.

"Why aren't you eating?" bulong ni daddy.

I shrugged. "Busog pa ko. Mag-desserts na lang ako."

Tumango na lang ito saka bumalik sa pakikipag-usap sa nanay niya.

"Anyway, Charmelle. Anong course ang kinukuha mo ngayon? Saan ka nag-aaral?" baling sa akin ni lola.

Every year niya akong tinatanong, pero mukha hindi naman niya tinatandaan ang mga sagot ko. Paulit-ulit na lang kami.

"Lux Solis University. HRM." I said boredly.

"HRM? I thought you're taking Business Management?" usisa nito.

"Ayoko po ng Business Management, abuela. I'm not cut out for that."

"HRM? Okay rin naman ang course niya, related pa rin sa hotel business natin, am I right, apo?" sabat ni lolo na ngayon lang nagsalita mula nang dumating kami.

"Yes po, pero wala po akong planong i-take over ang mga negosyo ni dad," I said clearly.

"At anong plano mo sa buhay?" My grandma asked in a mocking tone. "Balak mo bang sundan ang yapak ng walang kwenta mong ina?"

"There's nothing wrong with being a model. Disente po ang naging trabaho ni mommy."

"Disente? Disente ba 'yung kung kani-kaninong lalaki siya nadikit noon?"

Malamang! Model nga siya, eh! Natural lang na may mga lalaki siyang nakakatrabaho. Ang kitid ng utak.

Kumuyom ang kamao at akmang sasagot ako pero hinawakan ako ni daddy sa balikat, pilit na pinapakalma. Lumingon ako sa kanya. Nakikiusap sa pamamagitan ng mga mata ko na ipagtanggol niya si mommy, pero hindi ito umimik.

Bumagsak ang mga balikat ko. Oo nga pala, ano pa bang aasahan ko sa magaling kong ama?

I face my grandparents again with my deadpan face. "Sorry to disappoint you, pero ayoko pong humawak ng kahit na anong negosyo ng pamilya natin. I want to be a pattisier just like my Tita Alice, I want to study in Paris after I graduate in college. Iyon na po ang plano kong gawin sa buhay ko. Pasensya na po, dahil ayokong maging katulad ng daddy ko. Humanap na lang po kayo ng ibang apo na susunod sa mga gusto niyo."

"Sergio! Ano bang sinasabi niyang anak mo? Nahihibang na ata!" dismayadong usal ni lola.

"Mamá, let her be. Masyado pa namang maaga para do'n. Magbabago pa naman ang isip ng anak ko sa paglipas ng panahon. Don't worry, I'll convince her to study our business after she graduate."

"No! I already made it clear to you, dad! Ibang landas ang gusto kong tahakin! Nagkasundo na tayo, di ba? Hinding-hindi ko hahawakan ang mga negosyo ng pamilya natin kahit anong sabihin niyo!"

"You shut up, ungrateful brat!" sigaw sa akin ni lolo kaya napaigtad ako sa gulat. "Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo! Whether you like it or not, yapak pa rin ng daddy mo ang susundin mo!" Sumandal ito sa upuan niya at hinimas ang noo. "Bakit kasi babae ang anak mo, Sergio? Kung naging lalaki lang sana, wala ka nang magiging problema."

Padabog akong tumayo at walang pasabing naglakad ako paalis. Bastos na kung bastos. Ayoko na! Hindi ko na kayang tagalan ang pagmamanipula nila sa akin. This is my life. My own rule. I will never let anyone to manipulate me to do their bidding.

Nang nasa labas na ako ng restaurant, bahagyang gumaan ang kalooban ko nang mapatingin ako sa kalangitan. Sobrang liwanag ng buwan ng gabing 'yon. May naalala tuloy ako.

"Charmelle!" habol hiningang tawag sa akin ni daddy na sinundan pala ako. "I told you to behave, kahit ngayong gabi lang! Mahirap ba talagang gawin 'yon?" pangaral niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at tiim-bagang nangatwiran sa kanya. "Paano ako magbe-behave, dad?! They are mocking my dreams! They are mocking my whole existence! They are mocking my mom in front of me while you were just sitting there doing nothing! Gano'n ba kahirap sa'yo na ipagtanggol kami ni mommy sa harap nila? Hindi mo ba talaga sila kayang kontrahin kahit nakikita mong minamaliit na nila ako?!"

My dad's face soften as his eyes welled up with unshed tears. "I'm sorry. I'm sorry if I upset you again."

I heaved a deep breath. "It's okay. Sanay na ako."

"Let's go back there, hmm?"

"No!" mariing sagot ko. "Uuwi na ako kay mommy. Hayaan mo muna ako sa kanya kahit ilang linggo lang."

He opened his mouth maybe to opposed me but I glared at him before he could even speak. "Please, dad? Ayaw na muna kitang makita!"

Bumuntong-hininga ito. "Ipapahatid na kita."

I shook my head. "I'll just call a cab. Kaya ko na ang sarili ko."

***

"Iyan talagang mga in-laws mo! Sarap tadyakan minsan. Aba! Pati ba naman ang apo nila, gusto nilang kontrolin?" naghuhuramentadong pahayag ni tita habang nagpapalakad-lakad sa harapan namin. Magkasalubong ang mga kilay nito at para na itong bubuga ng apoy dahil sa galit.

"Okay lang ba ang baby ko?" malambing na tanong ni mommy habang nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya at nakayakap ang mga braso ko sa bewang niya. Alas-nuebe na ng gabi pero nandito pa rin kami sa sala at nagtitipon-tipon.

Nakaupo kaming dalawa ni mommy sa sofa at kanina pa niya hinahaplos ang buhok ko para pagaanin ang loob ko.

"Okay na ko mommy. Naiinis lang talaga ako kay daddy ngayon."

"Kahit kailan talaga, walang sariling desisyon 'yang Sergio na 'yan. Naku! Makita ko lang talaga pagmumukha niya, masasapak ko siya."

Natawa na lang kami ni mommy sa inaasal ng paborito kong tita.

"Parang nakikita ko si Rena kay Tita Alice. Adult version nga lang," bulong ko kay mommy.

Tumango naman ito. "Kaya nga, eh. Pansin ko rin, halos magkapareho sila."

"Hoy! Anong binubulong niyong mag-ina diyan? Bina-backstab niyo ba ko?" Tita Alice eyed us suspiciously.

Sabay kaming napailing ni mommy pero sinamaan lang niya kami ng tingin saka napasapo sa noo niya nang biglang tumunog ang door chime.

"At sino naman kayang Pontio Pilato ito? Gabing-gabi na!" nagmamaktol na reklamo ni tita bago magtungo sa gate para tignan kung sinong dumating.

Ilang sandali pa ay bumalik rin si tita na kasama si daddy. Gusot na gusot ang kwelyo nito at bahagyang namumutla.

Agad na namilog ang mga mata namin ni mommy. Ito ata ang kauna-unahang beses na napadpad si daddy dito. Buti nakaharap pa siya ng buhay sa amin lalo't parang pinapatay na siya sa tingin ng tita ko.

"Anong ginagawa mo dito? Susunduin mo ba si Charmelle? Friday na naman. Hindi ba pwedeng dito na lang muna siya?" malumanay na tanong ni mommy.

Sumingit naman si tita. "Bakit ang lambing ng boses mo, Aira!" singhal niya. "Dapat tinataboy mo ang gago na 'to!"

"Kalma ka nga lang ate," suway ni mommy saka bumaling agad kay daddy. "Hindi ka naman siguro nagpunta rito para manggulo?"

"No. I'm just here to give these," sagot ni daddy.

My eyes twinkled in delight at the sight of my favorite chocolates in his hand.

"Malagos!" tili ko. Napatayo ako para kunin sa kamay ni daddy ang isang can ng premium unsweetened chocolates. Nawala sa isip ko na galit nga pala ako sa kanya.

"Thanks, dad! Pero hindi pa rin tayo bati," paglilinaw ko.

"I know and I'm sorry for disappointing you again," he said sincerely, making me smile softly at him.

"Para kanino 'yang flowers? Para sa akin din?" tanong ko nang dumako ang mga mata ko sa kabilang kamay niya na may hawak na isang bouquet ng hyacinth.

He cleared his throat and gulped enumerable times. He looked so nervous. Bakit?

"It's for your mom."

"Para sa akin?" Tumaas ang isang kilay ni mommy. "Bakit mo naman ako bibigyan ng bulaklak? Anong gagawin ko diyan?"

"I don't know. Kahit ano. Bahala ka."

"Kahit ano?" Tita Alice clapped her hands, then she suddenly grabbed the bouquet from my dad. "Aira, kahit ano daw. Itapon natin para masaya!"

"Tita!"

"Ate!"

Sabay na suway namin ni mommy sa kanya. Ang tita ko talaga, ang lakas ng trip.

"Sige. Mauna na ako," nakangiting paalam ni daddy.

"Mabuti pa nga. Shoo!" pagtataboy ni tita. Ang init talaga ng dugo niya sa daddy ko.

My dad just ignore her remarks. "Uwi ka na lang sa bahay kung kailan mo gusto," sambit ni daddy bago umalis.

Napakurap-kurap lang ako habang nakatitig sa pinto na nilabasan ng daddy ko. Okay, what just happened? Did he really said that I can stay with my mom as long as I want?

"Did I heard him right?" baling ko kay mommy.

She nodded and stood up to hug me. "Yes, you heard him right, my bebita. I'm happy kasi pinapayagan ka na niya na makasama kita ng matagal."

"Anong nakain ng Sergio na 'yon? Parang sinapian ata ng mabait na engkanto?" komento ni tita na gaya namin ay hindi rin makapaniwala.

"Bakit naman engkanto ang naisipan mong sumapi doon?" kunot-noong tanong ni mommy.

"Hindi naman kasi sasapian ng anghel 'yon. Baka isuka lang siya. Engkanto na lang. Mabait na engkanto ang sumapi sa kanya," giit niya.

Napailing na lang ako. Baliw rin talaga ang tita kong 'to. Nahawa ata ako or maybe it really runs in the blood.

"Tapon ko na pala 'tong bulalak."

Mabilis na kumilos si mommy para agawin 'yung bouquet mula kay tita. "Subukan mo, ate. Magagalit ako," banta ni mommy.

"Aba! Ano? Nagpadala ka sa bulaklak ng lalaking 'yon? Hoy, Aira! Huwag kang uto-uto, ha!" nakapamewang na sermon nito.

Mom just rolled her eyes. "Whatever!"

Nagtatakbo ito kaya hinabol siya ni tita habang nagsisisigaw. Napatakip na lamang ako sa mukha.

Yeah, confirmed. Our craziness really runs in the blood.