Chapter theme: Afterglow - Taylor Swift
"The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies."
***
Second day ng third periodic test namin. Akala ko magiging mag-isa na naman ako nung break time pero laking pasasalamat ko nang muli akong sinamahan nila Rena at Chianna. Siguro naaawa na silang dalawa sa akin kaya nila ginagawa 'to. Ang pathetic ko na ata sa paningin nilang lahat.
Rena even bought me a strawberry milkshake, much to my surprise. I was hesitant to accept it at first, but she insisted. And for the first time, I saw her eyes flicked with so much care.
"T-Thanks," I mumbled awkwardly.
I thought she would just ignore me just like yesterday, but I was caught off guard when she strike a conversation with me. "How's your exam? Siguro sisiw lang sa'yo kasi matalino ka naman."
Hindi ako makasagot agad dahil ayaw mag-function ng utak ko. Hindi ko alam kung totoo ba ito o isa lamang itong magandang panaginip o baka nagha-hallucinate lang ako?
Pasimple kong kinurot ang mga hita ko para makumpirma kung ano ba talagang nangyayari. Napangiwi na lang ako nang makaramdam ako ng sakit. I'm not dreaming. They're real.
I instantly shifted my gaze at Chianna and smiled fondly at her when our eyes met, but she only looked away. Hindi ko makuhang magtampo dahil napansin ko ang paglambot ng ekspresyon sa mukha niya nang sandaling magtama ang mga mata namin.
I heard her cleared her throat as she turned to Rena, watching her in silence. Pinagmasdan niya lang ito na labis rin ang pagkalito sa asal nito. Maybe just like me, hindi rin niya inaasahan ang mga ginagawa nito.
Si Rena pa ba? Kakausapin ako? Eh, muhing-muhi sa akin ang isang 'to.
"Uso sumagot, alam mo 'yon?" sambit ni Rena upang pabalikin ako sa wisyo ko.
I just stared at her, dumbfounded.
"Okay ka lang?" she asked. Her voice sounds so soothing, making my heart feels warm.
"Sorry for spacing out. Nagulat lang ako," I admitted, still lost at her gentle gesture.
She frowned. "Nagulat saan?"
"Ito. Kinakausap mo ko."
"Why? You don't like it? You hate me now, right?"
I shook my head wildly. "No! It's not like that! Gusto ko 'to...yung ganito na may nakakausap. Iyong may pumapansin na sa akin. Finally, hindi na ako invisible," biro ko.
I'm tired of being alone. Thank you for saving me from this misery.
"Eh, bakit ka umiiyak diyan? Isipin nila inaaway kita. Kinakausap lang kita ha, wala akong ginagawa sa'yo," she said defensively.
Agad akong napahawak sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko na namalayan ang pagluha ko at kung kailan sila nagsimulang pumatak. Siguro dahil sa sobrang bottled up na ng emotions ko nitong nakaraan kaya heto, unti-unti silang kumakawala.
"Sorry. Nakakahiya," I mumbled, wiping away my tears.
"It's okay." Inabutan niya ako ng tissue at malugod ko namang tinanggap 'yon. "I understand where you're coming from."
"Salamat."
Tumango lang ito. "Kumain ka na. Kailangan mo ng lakas mamaya."
"Para saan?"
"Basta. Kumain ka na lang diyan. Huwag ka na masyadong malungkot," pagpapalakas niya sa loob ko at hindi ko inaasahan 'yon. "Just hang in there. Magiging maayos rin ang lahat," makahulugang wika niya pa.
Sinunod ko na lang ang inutos niya at hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya. It's Rena after all. Mababaliw lang ako kakahula kung bakit siya biglang naging mabait sa akin dahil mahirap basahin kung anong natakbo sa utak nito.
***
Chemistry ang huling exam namin para sa araw na 'to. Matapos kong sagutan ang test paper ko, nag-inat inat muna ako ng mga kamay dahil napagod ata ako sa periodic test na 'to.
Chemistry talaga ang branch ng science na pinaka-ayaw ko. Hindi kasi kami masyadong close ng periodic table.
Pwede bang bumalik na lang ako sa second year at mag-biology na lang? Buti pa 'yun, puro cells at genes ang pinag-aaralan do'n.
Napatingin ako sa wall clock para tignan ang oras. May 15 minutes pa kami bago mag-uwian. Pinalipas ko muna ang ilan pang minuto bago ako tumayo para ipasa na ang test paper ko.
Napangiti naman si Ms. Ortiz nang masilayan ako. "Aga mo laging matapos, ha? As expected from my honor student."
Ngumiti na lang ako pabalik. "Pwede na po akong lumabas ma'am?"
"Sure! Malapit na rin naman ang uwian."
"Thanks po!" I beamed.
Dali-dali akong bumalik sa upuan ko at inilagay na sa backpack ko ang mga gamit ko. Nang matapos ako sa ginagawa, sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at hahakbang na sana ako palabas ng row ng mga upuan namin nang biglang magtaas ng kamay si Alyssa.
"Yes. Ms. Sandoval?" tanong ng adviser namin.
Saglit na tinapunan ako ng tingin ni Alyssa habang may naglalarong ngisi sa labi niya.
Biglang kumabog ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Miss! Don't accept her test paper!" Dinuro niya ako. "I saw Charmelle, she was cheating!"
"What?!" I exclaimed in great disbelief. "Ano na naman ba 'yang trip mo?!"
"Huh. Stop acting like you're innocent. Kitang-kita ko, may kodigo ka!" pagdidiin niya sa akin.
Nagbulong-bulungan naman ang mga kaklase ko. Lahat sila ay pinagtitinginan ako gamit ang mga mapanghusga nilang mga mata.
"I'm innocent! I would never cheat! For Pete's sake!" depensa ko. But everyone shook their head, as if they we're telling me that I was one hell of a liar.
"Totoo ba ang sinasabi ni Alyssa, Charmelle?" Tumayo na ang adviser namin at lumapit sa akin.
Marahas akong umiling-iling. Nakakuyom ang mga kamao ko dahil sa labis na galit.
"Kilala niyo ko, ma'am. Hinding-hindi ko magagawang mandaya sa exam."
"Sinungaling!" It was Yana.
Napatayo na rin ito at gaya ni Alyssa, hinamak-hamak niya rin ang pagkatao ko. "She's a cheater! Kahit i-check niyo pa ang bag niya, ma'am. Kanina pa namin napapansin ni Alyssa na panay tingin niya sa bag niya habang nag-eexam!"
Parang may bumara sa lalamunan ko at ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko para muli kong maipagtanggol ang sarili ko.
Ayos lang sa akin kung magalit sila sa akin. Ayos lang sa akin kung habang-buhay nila akong hindi pansinin. Ayos lang sa akin kung ayaw na niya akong maging kaibigan. Pero bakit kailangan nilang umabot sa ganito? Bakit kailangan nila akong siraan? Sobra naman na ata 'yon.
"May I see your bag?" May suspetsyang tanong ng adviser namin.
Tinanggal ko ang bag ko sa balikat ko at taas-noong nilapag ko ito sa arm chair ko. Papatunayan ko sa kanila na mali ang mga paratang nila.
Agad namang binuksan ni Ms. Ortiz ang bag ko at isa-isang tinanggal ang mga notebook kong laman no'n. Isa-isa rin niyang tinignan ang mga pahina nito hanggang sa tumigil siya at dismayadong pinukol ako ng tingin.
Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ko nang may kinuha siyang mga papel na nakaipit sa notebook ko at winagayway sa harapan ko.
"What's this?!" nakakabinging sigaw niya. Namumula na ang mukha niya dahil sa galit. "Paanong napunta sa'yo ang mga answer sheets ng exam?!"
Iling lang ako nang iling. Wala akong maapuhap na sagot. "Ma'am, hindi ko po alam. Promise, I didn't cheat. I didn't do it!"
"Huli ka na, nagmamaang-maangan ka pa?! I am so disappointed in you, Charmelle!"
"Ma'am, hindi ko nga po talaga alam kung bakit nasa bag ko ang mga 'yan. B-Baka may naglagay lang sa bag ko dahil gusto nila akong ipahamak. Please, ma'am. Maniwala naman kayo sa akin," pagsusumamo ko.
Pero kahit anong pagmamakaawa ko, ayaw niyang makinig. Walang gustong makinig.
"Detention," matipid na sambit ng adviser namin. Kita ko ang pagdilim ng anyo niya.
"Ma'am please, no! I didn't cheat!"
"I said, detention! Huwag ka nang mangatwiran dahil kita mo namang may ebidensya!"
My eyes darted towards Alyssa. My whole body burned with rage when I saw the triumphant smile on her lips. Yana on the other hand just bit her lower lip and she couldn't even looked at me in the eyes.
Did they do this? Did they frame me up?!
Nanlulumo ako sa isipang 'yon. Maiintindihan ko pa si Alyssa, dahil sukdulan ang galit nito sa akin. Pero si Yana, bakit? Gano'n na lang ba talaga kadali sa kanya na itapon ang pagkakaibigan namin para lang ipahamak ako? Gano'n ba niya kagusto na mawala ako sa buhay niya?
Why do people keep on disappointing me?
"Okay! Enough!"
Muling umingay ang classroom namin dahil sa malalakas na pagpalakpak ni Rena. Lahat ng atensyon nabaling sa kanya dahil agaw eksena ito. Nakatuntong ang isang paa nito sa upuan niya habang ang isang paa naman ay nakapatong sa sandalan ng upuan sa harap niya. Hawak ni Chianna ang laylayan ng palda niya at pilit itong pinapababa pero hindi ito nakikinig.
"Ano na namang kalokohan 'to, Columbrillo?! Please not now! Bumaba ka sa upuan mo, baka malaglag ka!" suway ng adviser namin pero hindi nagpatinag ang huli.
"Hay, ang hirap sa inyo ma'am, masyado kayong one sided," humalukipkip ito at dismayadong umiling-iling. Hawak pa rin siya ni Chianna para alalayan. "Hindi porket may ebidensya, may kasalanan na. May iba ngang nakukulong na inosente kahit sa kanila nakaturo ang lahat ng ebidensya. Alam niyo kung anong tawag do'n?" tanong niya sa mga kaklase ko pero walang sumagot.
"It's frame up!" she continued. "Teacher ka, dapat alam mo 'yon, ma'am. When she said she didn't do it, listen to her. Of all people, alam niyo namang hindi 'yan magagawa ng role model mong estudyante," she tsked.
"Are you insulting my judgement?!"
"No, Miss. I'm just stating a fact," Rena said boredly. Tumingin siya sa direksyon ko at hinuli ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit pero nang ngumiti siya sa akin, lahat ng takot at pangambang nararamdaman ko kanina, sa isang iglap ay naglahong parang bula.
Bumaba siya sa upuan at mabilis na humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahang pinisil 'yon saka nilapit niya ang bibig sa tainga ko at may ibinulong. "Watch me, we will give them an effin show. A show that they will never forget for the rest of their lives."
Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero isa lang ang nasisiguro ko. Rena is on my side. She is an ally.
Humarap siya sa adviser namin at sa mga kaklase kong pinapanuod lang kami. Na tila isang intense na eksena sa pelikula ang kanilang nasasaksihan.
"Everyone!" Rena clapped once again to get their attention focus on her. There's a michievous grin stretching accross her lips. "Listen closely, dahil hawak ko ang ebidensya kung sinong mga walang-hiya ang gustong mag-frame up kay Charmelle." She looked at Alyssa and Yana with deadly eyes. "Yes, it's the two of you, annoying bitches!"
Nagkanya-kanya na namang bulong ang mga kaklase ko kaya umingay muli ang paligid. Palipat-lipat ang tingin nila mula sa akin, papunta kina Alyssa at nagtagal ito kay Rena. Lahat tila gustong magtanong pero mas pinili nilang itikom ang mga bibig at makinig na lamang.
As if on cue, Rena fished out her phone from her skirt's pocket and raised it in the air. For a few more moments, we were engulfed with an awkward silence, until all I could hear was the recording playing from Rena's phone.
Hindi ko na kailangang manghula pa, dahil kilalang-kilala ko ang mga boses na nag-uusap mula sa recording ni Rena.
"Paano mo ba nakuha ang mga answer sheets na 'yan?" It was Yana.
"Someone helped me out. May malaking galit din kay Charmelle 'yung tumulong sa akin so I used him to our own benefit." Boses 'yon ni Alyssa na tila nagmamalaki pa.
"At sino naman 'yang tumulong sa'yo? Mapagkakatiwalaan ba 'yan?"
"Of course! His name is Darcy, 4th year student. May access siya sa faculty kaya madali na lang sa kanyang makuha ang mga answer sheets ng walang nakakahuli sa kanya."
Si Darcy? Sangkot din siya dito? Why? Dahil lang sa hindi itinuloy ni daddy ang partnership niya sa mommy niya kaya sa akin siya gumaganti?
"So, Yana dear, ganito lang ang gagawin mo," Alyssa ordered. "Ilalagay mo lang ang mga answer sheets na 'to sa bag ni Charmelle kapag break time na at wala ng tao sa room. Don't worry, I will be your eyes. Magbabantay ako sa pintuan para magawa mo ito nang maayos. Understand?"
"Loud and clear!" sagot naman ni Yana.
"Tignan lang natin kung may maniniwala sa kanya. Wala na siyang kakampi."
"Wala na talaga. Wala na si Earl, at galit din si Chianna sa kanya dahil sa ginawa ko. Hindi ko akalain na madali palang mauto ang isang 'yon. Imagine, isang sabi ko lang na ayaw talaga ni Charmelle sa kanya, naniwala agad siya."
Malakas na halakhakan na lang ang sunod na narinig namin bago ihinto ni Rena ang pagpe-play ng recording na ito.
Si Yana ba ang dahilan? May ginawa siya kaya ako iniwasan ni Chianna?
Mabilis na dumako ko ang mga mata ko sa direksyon nila Alyssa at Yana. Parehas silang namumutla at tila naestatwa sila sa mga pwesto nila. Kapwa hindi na alam ang gagawin dahil sa matinding pagkapahiya.
Nang sandaling 'yon, parang nagkaroon ng sariling utak ang mga paa ko at kusa itong naglakad patungo sa kanila.
Nang tumigil ako sa harap ni Alyssa, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi niya. Sa sobrang lakas, agad itong namula at bumakat pa ang daliri ko sa pisngi niya dahil binuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa sampal na 'yon.
Muling umangat ang kamay ko para muling sampalin siya ng ubod lakas pero may humawak sa pulsuhan ko para pigilan ako.
"Don't waste your energy to a low-life being like her," masuyong sambit ni Rena para pakalmahin ang bagyo sa kalooban ko.
Unti-unting nawalan ako ng lakas at bumagsak sa gilid ko ang kamay ko. Inilabas ko sa isang nakakabinging iyak at sigaw ang lahat ng pagkasuklam na nararamdaman ko. Hindi ko na inisip pa kung may nanunuod sa akin. Gusto ko lang magwala dahil pakiramdam ko, para akong isang bulkan na gustong sumabog.
Bihira lang akong magalit ng ganito. Hindi ko nga matandaan kung kailan 'yung huling beses na nakaramdam ako ng ganitong galit, 'yung tipong gusto kong manakit para maibsan ang bigat sa dibdib ko.
I was always calm and collected. Parating mahaba ang pasenya kahit pa ginagawan ako ng mali. Pero sa pagkakataon ito, tila napatid ang lahat ng pagtitimpi ko.
"I never did you wrong, so why are you ruining me?!" sumbat ko kay Yana nang makuha kong bumuo ng salita.
Naghintay akong magpaliwanag siya pero yumuko lang ito at tinuon ang mga mata sa sahig.
Isang paliwanag lang naman ang hinihiling ko, mahirap bang gawin 'yon? Hindi ko ba deserve na malaman kung anong pinanggagalingan niya kaya nagawa niya akong traydurin?
Hindi ba talaga ako naging mabuting kaibigan sa kanya? I badly need an answer. I deserve a closure.
***
Nakasandal lang ako sa pader sa labas ng detention at nakatingin sa kawalan. Paminsan-minsan ay sinusundan ko ng tingin ang mga estudyanteng dumaraan. Hindi ko na alam kung gaano katagal na ba akong nakatayo rito dahil lumilipad ang utak ko.
Parang isang teleserye ang buhay ko dahil napakaraming nangyari mula nang umalis si Earl. Ang hindi ko nga lang alam, kung magtatapos ba ang lahat ng ito sa isang happy ending.
Pagak akong natawa. Happy ending? Walang gano'n. Kahit kailan ata, hindi ko mararanasan 'yon.
"Hihintayin mo talaga siya?"
Napalingon ako sa gilid ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin. My face lit up when I saw that it was Rena.
"Gusto ko lang siyang makausap. Ang dami ko kasing gustong itanong."
"Ginago ka na, gusto mo pa ring magta-tangahan diyan sa inakala mong kaibigan?" she retorted.
Umiling ako. "Para sa akin, hindi pagiging tanga ang humingi ng paliwanag sa taong nanakit sa'yo. Everyone has their own reasons, everyone needs to be heard at gusto kong makinig sa rason niya kahit pa masakit ang matatanggap kong sagot. And I admit, despite of what happened between us, I still care for her. Kasi bali-baligtarin mo man ang mundo, naging magkaibigan pa rin naman kami."
Rena heaved a deep sighed. Ilang segundo kaming natahimik bago siya muling magsalita.
"Sa'yo na muna 'yan." Kinuha niya ang kamay ko at nilapag do'n ang cellphone niya. Mataman siyang tumingin sa mata ko habang ipinapasak naman sa magkabilang tainga ko ang earphones niya. "Just listen to this. Nasa recording na 'yan ang buong conversation nila Alyssa at Yana. And I hope before this day ends, makuha mo na ang sagot na hinahanap mo."
"Thanks. Sobrang laking bagay ng ginawa mo para sa akin."
"Don't mention it." She lightly tap my shoulder. "Sa rooftop lang ako. Isauli mo sa akin 'yang cellphone ko kapag tapos ka na."
"Rena, wait!" tawag ko sa kanya nang bigla na lang niya akong layasan. Hindi man lang ako nilingon nito kahit paulit-ulit kong sinagaw ang pangalan niya.
Naiiling na pinakinggan ko na lang ang recording gaya ng sinabi niya. Napakagat ako sa labi ko nang muling pinuno ng mga boses nila Yana ang tainga ko.
"I can't still believe that you would betray your best friend. Once you did it, there's no turning back. Baka mamaya bigla ka na lang makonsensya sa gagawin natin."
"Best friend?" I heard Yana laughed with disgust. "Kahit kailan hindi ko siya tinuring na kaibigan. Nilapitan ko lang naman talaga siya dahil kay Bryan."
"So, let's ruin her today. Para naman mawala na siya sa landas natin."
"Yeah, right! Ayokong nakikita pa siya dahil nasisira lang ang ara—"
Tinigil ko ang pakikinig sa kanila at huminga ng malalim. Pinilit kong magpakatatag kahit paulit-ulit na akong sinasaktan ng katotoohanan.
Humarap ako sa pinto ng detention nang marinig ko ang pagpihit ng door knob at hinintay ko ang pagbukas nito. Bakas ang gulat sa mukha ni Yana nang makita niya akong tumambad sa harapan niya. Nakasunod lang sa likod niya si Alyssa pero nilampasan lang ako nito at dire-diretsong naglakad paalis.
Tanging kami lamang ni Yana ang naiwan dito sa hallway.
"What?" she asked with a raised eyebrow. "Nandito ka ba para pagtawanan kami?"
"No. I just want to ask you, why? Alam kong galit ka sa akin dahil wala akong ginawa para mapigilan ang pag-alis ni Earl, pero kailangan ba talaga nating humantong sa ganito?" diretsong tanong ko.
"Really? Masokista ka ba?!" she sneered at me. "Hindi pa rin ba malinaw sa'yo kung bakit ko 'to nagawa? O sadyang uto-uto ka lang at pilit mong kinukumbinsi ang sarili mo na babalik tayo sa dati kapag nagpaliwanag ako?"
"Hindi na ako umaasang babalik pa tayo sa dati. Hindi para do'n ang paghingi ko ng paliwanag mo," walang emosyong sagot ko. "Kahit anong gawin natin, sirang-sira na tayo. Ang gusto ko lang ay marinig galing sa mismong bibig mo, ang dahilan kung bakit nagawa mo akong saktan ng ganito. I'm tired of people stabbing me in the back, so once and for all, sabihin mo sa akin ng harapan ang lahat ng galit mo sa akin, tatanggapin ko."
"I hate you," she muttered inaudibly. "Ayoko sa'yo dahil nasayo na ang lahat but you were taking them for granted! Ang taas taas mo, sobra!"
"Kailan ako naging mataas sa'yo? Ipaalala mo sa akin dahil hindi ko matandaan," malumanay na pahayag ko. Yana stilled, out of words so she just hung her head low.
"You guys, you were the ones who placed me at this non-existing pedestal to loathe, when in all truth, nasa baba lang ako. Heto ako Yana, nasa harap mo lang, nakatapak lang sa lupa. Nasa akin na ang lahat? Wrong. Kasi kung totoo 'yon, dapat masaya na ako. Hindi na sana ako naghahangad pa ng genuine na friendship mula sa inyo. Mali ka, maling-mali ka sa iniisip mo sa akin."
I was taking them for granted? Siguro nga, pero pare-parehas lang naman kami. She took me granted, when all I wanted is for her to stand on my side when shit hits the fan. But in the end, she decided to turned her back on me, just when I needed her the most.
With her answer, I've realized that she didn't know me at all. Sa lahat ng tao, silang dalawa ni Earl ang nakakaalam ng mga pinagdaanan ko mula pagkabata.
I bare myself open to her, but she didn't even bother to look what's inside of me. I was confident that I know her so well, that I didn't even noticed that there are still bridges I needed to cross to finally reach her.
I know it now, lahat kami may pagkukulang. We forgot to build bridges between us and unknowingly, what we build is a strong wall — to separate us.
"Thank you for the memories and the friendship," I said and Yana was taken aback from the sincerity in my voice. "Even if they're not real, even if the feelings you invested were not real, naging masaya pa rin ako noong panahong kasa-kasama ko kayo. Salamat sa lahat."
"Y-You're so stupid...how could you still thank me?" garalgal na tugon niya.
Napansin ko ang paglandas ng luha sa pisngi niya pero marahas niya itong pinunasan bago tumingala. "I really hate you. I really really hate you," paulit-ulit na usal niya sa pagitan ng mga hikbi niya hanggang sa napatakip na lamang siya ng mukha gamit ang dalawang kamay niya habang umiiyak.
"I know. Just continue to hate me, hanggang sa maubos, hanggang sa wala nang matira. Hanggang sa mapalaya mo na ang sarili mo sa galit na 'yan at maging masaya ka na. Even if I left everything in the past now, I would always be rooting for you. I want you to be happy. I really want to tell you that."
***
Hingal na hingal ako habang umaakyat sa napakahabang hagdan patungo sa rooftop. Uuwi na dapat ako nang maalala kong kailangan ko palang isauli ang cellphone ni Rena kaya tumakbo tuloy ako pabalik dito sa Academic Building mula sa parking lot. Napakalayo pa naman nito at apat na palapag pa ang building na 'to.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto, saglit na nagpahinga muna ako habang nakapatong sa mga tuhod ko ang dalawang kamay ko. Nang maging normal na ang paghinga ko, inayos ko muna ang nagulo kong buhok dahil sa pagkaripas ko ng takbo bago buksan ang pintuan.
"Charmelle!" Chianna jumped onto me, embracing me in a massive hug the moment I stepped my foot on the rooftop.
"Sorry! Sorry! Pinaliwanag na sa akin ni Rena ang lahat. Sorry kung pinaniwalaan ko si Yana, dapat tinanong muna kita. Sorry sa mga nasabi ko. Sorry talaga! Hindi totoong ayoko na sa'yo. Gustong-gusto kitang maging kaibigan. Sorry! Sorry!" sunod-sunod na iyak niya habang nakasubsob ang mukha sa balikat ko.
Lahat ng mabigat sa dibdib ko, tila nilipad sa kung saan ng mainit na yakap niya.
"Shh. Okay lang 'yon." Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang likuran niya. "Hindi ako nagalit sa'yo. Naiintindihan ko," pang-aalo ko pero lalo lang itong humagulgol.
Naramdaman kong nababasa na ang uniform ko sa hindi maawat na pag-iyak niya kaya masuyo kong hinaplos ang buhok niya. "Tahan na. Baka awayin ako ni Rena dahil pinapaiyak kita."
Saglit na tumigil si Chianna sa pag-iyak para mag-angat ng tingin sa akin. "H-Hindi ka talaga galit? Friend na tayo ulit?" sumisinghot-singhot na tanong niya.
"Bakit? Natapos pa pagkakaibigan natin?" I asked innocently.
Sinubsob niya ulit ang mukha niya sa balikat ko. "Thank you! Thank you! Gustong-gusto talaga kita maging kaibigan. Forever!"
"Yes. Forever," I chuckled. "Through thick and thin."
Tumango naman siya. "Promise! Through thick and thin. Hindi na ulit kita iiwang mag-isa."
My heart melt over her words, erasing all my fears and doubts away. Despite of the imperfect things in my life, I'm glad that I found a person who will make it better. The promise she made, I will treasure them inside of me.
"I want to apologized too," Rena interjected, rubbing the back of her neck.
And that was the only time I've become aware of her presence.
"Apologize for what?"
"Sorry sa mga nasabi ko sa'yo last time. Sorry for judging you. Pwede mo kong suntukin, para naman makabawi ka sa akin," nahihiyang saad nito na hindi man lang makatingin ng diretso sa akin.
Saglit akong bumitaw sa pagkakayakap ni Chianna para lapitan si Rena. Kinuha ko ang mga kamay niya at marahang pinisil 'yon.
"Thank you for saving me. Utang ko sa'yo ang lahat ng 'to. If you didn't butt in, baka naparusahan na ako sa bagay na hindi ko naman ginawa."
"I hate meddling with other people's business, but this time, I couldn't turn a blind eye. Hindi tama ang ginawa nila at kailangan nilang managot. Isa pa, nasaktan din si Chianna dahil sa kasinungalingan nung isa, hindi ko 'yon kayang palampasin," she paused and gulped. "Don't get me wrong! I didn't do it only for Chianna! I did it because I felt bad for hurting you. You've been through a lot, tapos nadagdagan ko pa ata."
I smiled softly. "Can we just forget everything and move on?"
"H-Hindi ka galit? Ayos lang talaga kung sapakin mo ko, makabawi ka man lang mula sa sakit na naidulot ko."
"Hindi ako marunong manapak, eh. Pag-aralan ko muna, tapos balikan kita," biro ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Rena. "Kidding!" biglang bawi ko.
"Yehey!" Dinambahan na naman ako ni Chianna at yumakap sa likuran ko. "I'm happy! Bati na rin kayo!"
"Hindi naman kami nag-away!" sabay na sambit namin ni Rena.
Nagkatinginan kaming dalawa at napatawa na lang.
Ang sarap sa pakiramdam na nakakatawa na ulit ako ng ganito. Parang ang tagal ko itong hindi nagawa.
"So, friends na tayong tatlo? Through thick and thin?" putol ni Chianna sa tawanan namin.
"K-Kung gusto ni Rena, ayos lang sa akin."
Rena shrugged. "Walang problema. Kasawa na rin naman na laging si Chianna lang kasama ko."
"Hey!" ani Chianna. "Tampo na ko."
Ginulo naman ni Rena ang buhok ni Chianna kaya nagliwanag muli ang mukha nito. Kapagkuwan ay inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko.
"Friends?" she sincerely offered.
I nodded and sent her my most radiant smile. "Friends."