Walang buhay na naglakad ako sa gitna ng aisle, hindi inda ang mga mapagtanong na mata ng mga bisitang nakamasid sa akin. Kanina pa nanghihina ang mga tuhod ko, pero nilabanan ko ang panginginig nito hanggang sa matagpuan ko ang sarili na nakatuntong na sa podium sa harapan nila.
I looked at everyone with my tear-stricken face and blank expression, gulping enumerable times before opening my mouth to say something. I already prepared myself for their violent reactions.
"The party is over. Pwede na kayong umuwi." I announced to our visitors, earning different gasped of disappointment from them, questioning my rude behavior.
I ignored all of them and stepped down from the podium and left the banquet hall like nothing happened. I could hear my parents calling my name, but I didn't look back. I just want to get away from here.
Gusto ko nang ipahinga ang utak ko dahil pakiramdam ko, sasabog na ito sa sobrang dami kong iniisip.
Bawat paghakbang ko palayo, ramdam ko ang unti-unting pagkaubos ng lakas sa mga binti ko hanggang sa tuluyan na itong bumigay, as if all of the remaining strength in my body was gone in an instant. Napaupo na lamang ako sa huling baitang ng hagdan sa lobby ng hotel na mabigat ang bawat paghinga.
"Charmelle!"
Hindi ko magawang mag-angat ng tingin pero sigurado ako na boses ni Yana ang tumawag sa akin. Rinig ko ang paghahabol niya ng hininga nang tumigil siya sa harapan ko.
"Charmelle! Nakasalubong ko sina Tita Len. T-Totoo ba...t-totoo bang nagpunta siyang Boston?" nahihirapang tanong niya.
She's still in the state of shocked and I can sense that she's refusing to accept the truth, just like me.
"He left," I confirmed. My voice came out cold.
"What do you mean he left?" Yana yelled in frustration and it echoed throughout the lobby. She was pacing back and forth and I just sit there in silence. I was out of words as tears started to welled up in my eyes again.
"Charmelle! Magsalita ka naman! Nasaan si Bryan?!" Yana demanded for an answer.
I lifted my gaze only to see her flushed face, her eyebrows furrowed and her lips were quivering. Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya.
"Bakit siya umalis? Ano bang nangyayari? Bakit hindi man lang siya nagsabi?" sunod na sunod na tanong niya.
Gusto kong takpan ang tainga ko dahil rinding-rindi na ako. Paano ko sasagutin ang tanong niya? Kahit ako, wala akong idea sa planong pag-alis ni Earl. I am lost too.
"Charmelle!"
"Hindi ko alam!" I snapped at her. I was unaware of my voice raising, maybe it's because of my patience wearing thin. "Gusto ko ring malaman kung bakit?! Best friend niya ako, pero wala akong alam! Gulong-gulo na rin ako!"
"You don't know, kahit halos araw-araw kayong magkasama?" she spat sarcastically. "O hindi mo alam kasi wala ka naman talagang pakialam sa kanya!"
"What?! How could you say that?! Of course, I care about him!"
"Care? Do you even know the word care?! Ang ginagawa mo lang ay magpa-impress! You're being too friendly with your new friend kahit na nandito naman kami. Hindi ka makuntento! Look, she's not even here!" she yelled at me and I was stunned by her sudden outburst.
Bakit kami nagsisigawan? This is about Earl leaving without telling us! Pero bakit pakiramdam ko, may iba nang pinatutunguhan ang pag-uusap na 'to?
"I don't know what you are talking about," naguguluhang saad ko.
Nasasaktan na rin ako sa mga pinaparatang niya sa akin.
"You don't know?!" galit na sigaw niya at tila nabingi ako. "Pwes makinig ka dahil sasabihin ko sa'yo ang hindi mo alam!" she shouted dramatically, flailing her hands. "You've been neglecting us since Chianna came! Mas marami ka ngang oras sa kanya kaysa sa amin, eh. And now look what happened, Bryan left and you didn't even have a slightest idea that he will leave us! So, nasaan ang sinasabi mong care sa amin?!" she emphasized. "Kung totoong mahalaga kami sa'yo...b-bakit? Bakit niya tayo iniwan?!"
Para akong paulit-ulit na sinampal ng mga salitang binitawan niya. Ni hindi ko magawang titigan siya ng matagal sa mata dahil kitang-kita ko kung gaano siya ka-dismayado sa akin.
Sa tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang siya nagalit sa akin ng ganito.
Bakit? Anong nagawa ko? Ang alam ko, naging mabuti naman akong kaibigan sa kanila.
"Yana, please let's calm down." Iyon na lang ang nasabi ko.
Ayokong mag-away kami because of this. Earl already left me, I can't afford losing another closest friend I have, especially on my birthday. This is too much for me already.
"Calm down?" she scoffed. "You think I can do that in this kind of situation? Kung kaya mo, pwes ako hindi!" she paused for awhile and looked at me with so much hatred in her eyes.
Kung saan man nanggagaling ang emosyon na 'yon ay hindi ko na alam.
"Tutal, wala na rin naman si Bryan, mas mabuti pang tapusin na rin natin ang pagkakaibigan natin," matabang na wika niya.
Just when I thought this night couldn't get any worse, Yana's word pierced through my soul like a deadly knife making my whole body numb.
"Yana, please. Alam ko galit ka lang kaya nasasabi mo 'yan. Tomorrow, let's talk tomorrow kapag parehas ng malamig mga ulo natin, hmm?" I said, almost begging.
Tumayo ako para lapitan siya. Inabot ko ang mga kamay niya pero marahas niyang winakli ang kamay ko na tila diring-diri saka dumistansya sa akin.
"No. I don't want to talk." Madiing bigkas niya ng mga salita at mabagsik na nakatitig sa akin. "I hate you so much, do you know that?"
Nang mga sandaling iyon, parang hindi na si Yana ang kaharap ko. Wala na akong mabasang kahit na katiting na emosyon sa mukha niya. Wala na ang malambing na Yana ko na palaging nakangiti sa akin.
Mabilis siyang tumalikod at wala akong ibang magawa kundi pagmasdan lang ang papalayong bulto niya.
Tinalikuran na niya ako.
Muli akong bumagsak at napaupo sa napakalamig na sahig ng lobby. Kumawala ang malalakas na palahaw ko kahit pa takpan ko ang bibig ko ng nanginginig kong mga kamay. Para akong kinawawa ng mundo.
Sa sobrang dami ng nangyayari sa buhay ko, ubos na ubos na ako.
Birthday ko ngayon, pero parang ginawa lang ang araw na 'to para saktan ako ng mga taong pinapahalagahan ko. Ang ganda ng timing.
Another miserable birthday added to my list.
***
I felt dizzy the moment I stepped out from my dad's car. Everything was a bit blurry so I had to close my eyes for a moment, allowing myself to adjust to my surroundings. I was down with fever for three days, and now on the fourth day, I finally feel better — sort off.
Kailangan ko nang pumasok kahit sa totoo lang, gusto ko munang magtago. Naduduwag ako. Hindi ko alam kung paano haharapin si Yana. Sigurado akong galit pa rin siya sa akin dahil ayaw niyang sagutin ang mga text at tawag ko.
Napahawak ako sa dibdib kong kumikirot na naman. Parang may kamay na pumipisil sa puso ko at hindi ako makahinga. Ayokong may nagagalit sa akin dahil mahina ako sa gano'ng bagay, it was like my achilles heel, my vulnerable point.
"Miss Charmelle, ayos lang kayo?" alalang tanong ni Manang Louie na nakasilip sa nakabukas na bintana ng kotse. "Bilin ng daddy mo, kapag masama pa rin ang pakiramdam mo, iuwi na lang kita."
"Ayos lang po ako," I smiled weakly. "Sige po, pasok na ako. Ingat po kayo."
Tumango naman ito. "Tawagan niyo lang ho ako kung gusto niyo nang magpasundo."
"I will," tipid na tugon ko. Hinintay ko muna itong makaalis bago magtungo sa classroom namin.
Mabagal lang ang bawat hakbang na ginagawa ko habang naglalakad sa hallway. Hindi naman ako tumakbo pero tagaktak ang pawis sa noo ko nang makarating ako sa classroom.
Malayo palang ako ay rinig na rinig ko ang daldalan ng mga kaklase ko, pero nang makita nila akong nasa pintuan, lahat sila biglang tumahimik. Lahat ng atensyon, sa akin napunta.
Bigla akong nanlamig.
The way they stare at me feels different. I don't know why, but I could sense that something is off, I just can't quite figure it out. Or maybe, I was just being paranoid.
I went to my seat and got irritated when I saw Alyssa sitting there. And to my surprise, she was talking and laughing with Yana.
Agad na kumunot ang noo ko. Ilang araw lang akong absent, pagbalik ko, mukhang close na sila.
"Pumasok ka na pala?" Alyssa asked in a mocking tone, but I didn't let it affects me.
"Hindi. Guni-guni mo lang ako," matabang na sagot ko.
Tumayo naman ito at binangga pa ako pag-alis niya. Muntik na akong mabuwal pero nakahawak agad ako sa sandalan ng upuan sa likod ko.
Umupo ako sa tabi ni Yana na abot langit ang kaba. Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang batiin ng 'good morning' gaya ng nakagawian pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nakagat ko na lang ang labi ko lalo na nang hindi man lang niya ako magawang tapunan ng tingin.
"Yana." Sinubukan kong kunin ang atensyon niya pero hindi niya ako kinibo.
"I'm sorry," I mumbled. I've waited for a bit, but still I got no response from her. "Kausapin mo naman ako, please? Bati na tayo," I pleaded in my most gentle voice.
Para na akong tanga kakasalita, pero panay lang ang pagkausap ko sa kanya kahit hindi man lamang siya sumasagot, as if she couldn't hear me.
I took a deep breathe, trying to keep my emotions at bay.
'Okay lang 'yan, Charmelle. Papansinin ka rin niya. Hindi ka niya matitiis,' pagkumbinsi ko sa sarili ko.
But, it didn't happen.
And to make my already bleeding heart, bleeds even more, I became invisible to everyone's eyes starting that day.
It was break time when reality hits me straight in my gut. Niyaya ko si Yana na sabay kumain pero tinanggihan niya ako. At ang kasabay niya? Si Alyssa at ang mga kaibigan nito.
Ganito pala ang feeling ng nababalewala. Masakit. Nakakapagtampo pero wala akong karapatang mag-inarte.
Ganito rin kaya ang naiparamdam ko kina Earl at Yana? Nabalewala ko nga ba sila? Is it really my fault why everything's a mess right now?
With those thoughts in my head, I found myself eating alone inside the cafeteria, nasa isang sulok ako at malayo sa paningin ng mga kaklase ko. Wala rin akong ganang kumain dahil paulit-ulit na nagbabalik sa isipan ko ang masasayang ala-ala kasama ang mga kaibigan ko
Dumako ang mga mata ko sa pahabang lamesa sa pinaka-gitnang bahagi ng cafeteria, ang favorite spot namin nina Yana at Earl. Mula dito sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang mga imahe namin na nagtatawanan, nagbabangayan at nagkukulitan habang kumakain.
Ilang sandali akong nakatulala sa bahaging 'yon hanggang sa unti-unting manlabo ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Kasabay ng paglandas ng butil ng luha sa pisngi ko, naglaho ang mga imaheng naglalaro sa paningin ko.
Hindi ko akalain na darating ang araw na 'to, na maiiwan akong mag-isa. Walang makausap. Walang mapagsabihan ng hinaing at walang nagpapagaan ng pakiramdam.
Even if cry so loud, I know no one will listen.
Tama si Earl, dapat dati pa, natuto na akong huwag dumepende sa iba. Ngayon tuloy, hindi ko alam kung paano ako aahon sa kalugmukan kong ito.
Miss na miss ko na ang mga kaibigan ko.
Sumapit ang uwian, walang Yana o Earl na nangungulit at nagmamadali sa akin na bilisan ang pag-aayos ng gamit sa loob ng bag ko. Isa-isa nang naglalabasan ang mga kaklase ko hanggang sa ako na lang ang maiwan sa loob.
Lulugo-lugo akong lumabas ng classroom namin. Saglit na nagliwanag ang mukha ko nang masilayan si Chianna sa hallway.
Hinihintay niya ba ko?
"Binabalik ko na pala," walang ligoy at malamig na wika niya.
Napatingin ako sa malaking paper bag na inabot niya sa akin. "A-Ano 'to?" nangangambang tanong ko.
"Iyong dress na pinadala mo para suotin ko sa birthday mo, nakalagay diyan. Hindi ko 'yon ginalaw. Pati 'yung mga sapatos at iba pang gamit na binigay mo sa akin, nandiyan na rin lahat. Kumpleto, walang labis, walang kulang."
I met her gaze, still in disbelief of what was happening, but she just quickly turned away.
"B-Bakit?" I asked, pain was clearly subtle all over my face.
"I realized, hindi tamang tumanggap ako ng mga bagay mula sa'yo. Hindi naman tayo magkaibigan."
Para na naman akong sinaksak ng mga salitang namutawi sa bibig niya. Nasapo ko na lang ang dibdib ko. It hurts. Tama na. Hindi ko na kaya.
"You're my friend." Halos bumulong na lang ako. "I want you to stay as my friend."
'Pwede bang kahit ikaw na lang ang matira sa akin?' piping usal ko.
"I don't need your friendship if it's half-baked," she said. This time, may emosyon na akong nahihimigan sa boses niya at nakikilala ko 'yon. Pain.
She's in pain too.
"I-Ibigay mo na lang sa iba ang pagkakaibigan na ino-offer mo," her voice cracked. Her lips contorted into an uncontrollable pout as she kept on supressing her cries, but failing so hard.
"A-Ayoko niyan...ayoko na sayo. Ayaw ko nang lumalapit ka pa sa akin," she breathed deeply. She was breaking down and it's all because of me. "A-Ayoko na ng pakikipagkaibigan mo kung hindi naman sincere."
"C-Chianna," I muttered underneath my breathe. Tears were already streaming down my face seeing her sob like that.
"Chianna! Let's go."
Napatingin ako sa taong tumawag kay Chianna. It was Rena. Agad namang umalis si Chianna sa harapan ko ng walang paalam at lumapit sa babaeng 'yon.
Nanlumo ako nang maging si Rena ay pinupukol ako ng dismayadong tingin. Parang suklam na suklam siya sa akin. Bakit?
Gulong-gulo na ako. Ano bang nagawa ko sa kanila para pati sila, manlamig ang pakikitungo sa akin?
I don't know where did I find the strength to finally crossed the great distance that separating me from Chianna. Siguro desperado na talaga ako. Gusto kong marinig ang side niya at gusto kong pakinggan niya rin ako.
I grabbed Chianna's arm to stop her from leaving. I could see the shocked covering her face, and when she recovered, she didn't pull away from my grip.
I sighed in relief.
"I'm sorry," panimula ko. "Kung may nagawa man akong ikinasama ng loob mo, kung nasaktan man kita, I'm really really sorry. Please, let's be friends again. Babawi ako sa kung anumang naging kasalanan ko," pagsusumamo ko.
"Pwede ba?! Stop feeding her with your lies and just leave her alone!" galit na bulyaw ni Rena sa akin kaya napaigtad ako.
Binawi niya ang kamay ni Chianna mula sa pagkakahawak ko at itinago ito sa likuran niya.
Nadudurog ang puso ko lalo't naririnig ko ang sunod-sunod na hikbi ni Chianna habang nakahawak sa laylayan ng uniform ni Rena.
"Sabi na, eh. Katulad ka rin nila. Hindi nga ko nagkamali," mapanuyang sambit ni Rena. "Masaya ka na ba? Masaya ka na bang nagamit mo si Chianna para magpalapad ng papel?!"
"W-What?" I gaped. Ano bang pinagsasabi nito?
"Huwag mo kong i-what what diyan! Maang-maangan ka pa? Alam na namin ang totoong kulay mo, kaya huwag ka nang magpanggap sa harapan namin! Tigil-tigilan mo na si Chianna! Huwag na huwag ka nang lalapit sa kanya kundi, ako na ang makakalaban mo," pagbabanta niya pa.
She forcefully pulled Chianna away from me and just stood there, rooted at my place, confused and devastated.
I am Charmelle Villarico and I can get anything that I want. Pero bakit sa pagkakataong ito, ang hirap-hirap makamit ng gusto ko?
I just want a genuine friendship, is it too much to ask?
***
"Dad, can I transfer to another school next school year?" I asked him desperately while we were having a breakfast here in the garden. May hawak-hawak siyang diyaryo at tahimik na nagbabasa habang sumisimsim ng kape.
Mabilis ang naging paglipas ng mga araw na siya namang ipinagpasalamat ko. Third week na ng January at kakasimula lang din ng pasukan after our Christmas break.
Bagong taon, bagong buhay, pero wala namang pagbabago sa sitwasyon ko sa school. I am still a non-existing person to everyone. Mga teacher ko na nga lang ang pumapansin sa akin.
Yana and Alyssa suddenly became bff. Hindi na talaga ako pinapansin ni Yana kahit ano pang effort ang gawin ko. She even changed her cellphone number. Ang huling mensahe niya sa akin, ayaw na raw niya ng kahit na anong ugnayan pa sa akin.
Matapos ang lahat ng mga pinagsamahan namin, I never thought that our two years of friendship will just go down the drain.
Earl on the other hand is still not answering my overseas call and my e-mails. Lumipat na rin ng bahay ang mga magulang niya at ang tanging iniwan lang nila sa akin ay ang numero ni Earl sa Boston.
Chianna and Rena are getting along too. Good for them. Atleast, panatag ako na walang mananakit kay Chianna dahil nandiyan naman si Rena. Yes, I still care for her even if we drifted apart.
"Bakit gusto mong lumipat? Hindi pa rin ba kayo nagpapansinan ni Yana?" usisa ni daddy saka binaba ang diyaryong hawak niya.
Tipid na tumango na lang ako bilang sagot.
"And you want to run away just because of that? As far as I remember, I didn't raise you to be a coward. Nasaan na ang matapang na prinsesa ko na pati ang daddy niya, inaaway kapag may nagawang mali?"
"She's on hiatus," I chuckled.
This is where I'm good at, running away from my problems. I'm not really strong like how they see me. I'm just good at pretending that I'm really tough, when deep inside, I am already on my breaking point. Konting sundot na lang, bibigay na talaga ako.
"Pag-isipan mo muna ng maraming beses kung gusto mo talagang lumipat ng school. Pero kung desindido ka na talaga, go ahead. Hindi kita pipigilan."
"Thanks dad," I smiled sincerely.
"No problem. Sa ngayon, mag-focus ka na lang muna sa exam mo. Ngayon ang periodic test niyo, right?"
"Yep. And don't worry, I will ace my exams. Ilang araw kaya akong nagsunog ng kilay," pagmamalaki ko.
"Good," sabi na lang niya at bumalik na sa pagbabasa ng diyaryo.
After makapag-agahan, nagpaalam na ako kay daddy na papasok na ako. Maaga ang uwian namin mamaya dahil third periodic test lang naman namin ngayon. Konting oras lang ang titiisin ko.
Goodluck sa exam Charmelle at goodluck dahil invisible ka na naman.
***
Nakagawian na ni Rena na pumasok palagi nang maaga. Hindi sa classroom ang diretso niya, kundi sa rooftop ng Academic Building, kung saan payapa at tahimik ang mundo niya — her favorite place in their school, her safe haven.
It was only 7:30 in the morning and she's enjoying bathing at the morning sunlight, lying comfortably on the top of the bulkhead — a structure over the stairway, giving access to the rooftop.
Sinapinan na lang ni Rena ang likod niya ng baon niyang itim na jacket para hindi madumihan ang kanyang uniform. Pinikit niya ang mga mata, para umidlip muna.
Payapa na sana ang umagang 'yon nang makarinig siya ng mga boses na gumambala sa katahimikan ng paligid. Kinuha niya ang cellphone niya at akmang papasakan ng earphones ang tainga niya nang mapagtanto niyang tila pamilyar ang mga boses na nag-uusap.
Bumangon si Rena at gumapang upang silipin kung sino ba ang umistorbo sa pag-idlip niya. Napamura na lang siya sa utak niya nang makitang sina Alyssa ito. Hindi niya malilimutan ang pangalan nito dahil isa ito sa mga nang-bully kay Chianna.
May kasama ito, kaklase niya rin na palaging kasa-kasama ni Charmelle. She forgot the name. Was it Yana?
She's not sure, but she's the one who told Chianna not to get close with Charmelle.
Ang kwento sa kanya ng kaibigan, hindi naman daw sincere ang pakikipagkaibigan ni Charmelle dito. Nautusan lang daw si Charmelle ng adviser nila na kaibiganin si Chianna para sa dagdag na grade.
And Chianna was really hurt that time. She felt that she was just an obligation for Charmelle, nothing more nothing less. No genuine care involved.
Maging siya disappointed din. She thought that Charmelle is different from those fake people around her, pero mukhang nagkamali siya. Chianna's have grown on her already kaya nainis talaga siya nang malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit in-approach ni Charmelle si Chianna.
She would really stoop down so low just for additional grades. Disgusting. Iyon ang tingin niya sa dalaga.
"Sigurado ka bang 'yan ang questionnaire mamaya? Hindi ba tayo mahuhuli?"
Rena jolted back to the present when she heard Yana's voice. Bakas ang kaba sa boses nito.
"Chill. Walang makakahuli sa atin, trust me," Alyssa said confidently. "After this day, for sure, bye Charmelle na."
Kinutuban ng masama si Rena dahil sa narinig. Walang kamalay-malay ang mga ito sa presensya niya dahil tagong bahagi ang itaas ng bulkhead na kinaroonan niya.
Hindi ugali ni Rena na makisawsaw sa away ng ibang tao, pero sa hindi malamang dahilan, gumawa siya ng bagay na sobrang taliwas sa ugali niya.
Tahimik siyang nakinig sa usapan ng dalawa na may binubuong masamang plano. She can't help but gritted her teeth in so much rage, her hands balling into a fist as the truth was slowly unfolding right before her eyes.
***
The second exam was just a piece of cake for Charmelle. AP is one of her favorite subject because she's a sucker for Philippine History. Madali niyang natapos sagutan ang questionnaire kaya naipasa niya ito, 20 minutes before the clock ticks at 10. Tig-isang oras ang bawat exam nila.
Tumingin siya sa paligid. Everyone's concentrating with their exams. After this, break time na nila kaya makakapagreview pa siya ulit. She really want to ace their exam, and if she can make it, she wants a perfect score kahit sa isang subject lang.
Her eyes shifted at her right side, hindi na si Yana ang katabi niya. Lumipat na ito ng upuan sa tabi ni Alyssa. Halos hindi na nga maghiwalay ang dalawa. Parang sila dati, kahit saan siya magpunta, nandoon si Yana.
Malungkot siyang napangiti.
Everything's not the same anymore. She really need to cope up with the changes in her life immediately. Ayaw niyang ma-stuck na lang sa nakaraan.
Napalingon siya sa likuran ng maramdaman niyang may dalawang pares ng mata na nakatingin sa kanya. Si Rena na naman.
A line appeared between her brows because of the intense gaze she was giving her. Kanina niya pa napapansin na nakatingin ito sa kanya sa tuwing napapalingon siya sa likuran. O baka guni-guni niya lang?
She just shrugged. Binalik na lang niya ulit ang atensyon sa harapan.
Pagkalipas ng bente minutos, tumunog na ang bell hudyat na break time na nila. Nasanay na si Charmelle na palagi siyang nag-iisa kapag kumakain sa cafeteria kaya laking gulat niya nang bigla na lang umupo sa harapan niya si Rena. Nakatayo lang sa likuran nito si Chianna na mukhang ayaw umupo sa table niya.
"Upo na," ma-otoridad na utos ni Rena sa dalaga.
"Sa iba na lang tayo. Marami pa namang bakanteng upuan," reklamo naman ng huli.
Hindi maintindihan ni Chianna kung ano bang pumasok sa kokote ng kaibigan niya. Pagdating na pagdating nito sa classroom nila, bigla na lang itong nagsabi sa kanya na sasabay sila kay Charmelle sa break time.
Labis ang pagpoprotesta niya dahil ayaw na talaga niyang mapalapit pa kay Charmelle. Nasaktan na siya, ayaw na niyang maulit pa 'yon. Ayaw na niyang umasa na ang isang prinsesang katulad nito ay makikipagkaibigan talaga sa isang kagaya niya. Namulat na siya sa katotohan na hinding-hindi siya nababagay sa mundo ng babaeng lubos niyang inidolo.
Masama ang loob na sinunod na lang niya si Rena. Wala naman siyang magiging laban dito kapag may ginusto ito. Naiilang siya dahil magkatapat sila ni Charmelle.
Si Charmelle naman ay nakatanga lang sa dalawa, hindi makapaniwala na kasama niya nga ang mga ito sa iisang mesa at sinasabayan siya sa pagkain. Hindi man sila nag-iimikan at bakas man ang pagkailang ng dalawa sa kanya, sumilay pa rin ang masaya at napakaaliwalas na ngiti sa labi niya. She felt like the heavy cloud has been lifted because of these two.
Their presence was already enough, to spark a new hope inside her heart.