Chapter theme: Breathe - Taylor Swift

"What took you so long? I was waiting for you to visit me yesterday."
Yana grimaces at me as soon as we entered the VIP suite she was occupying here on the 9th floor of the Mariano General Hospital. The private nurse just left her room when we arrived.
Ang balita sa akin ni Earl, naaksidente ito sa set noong Sabado. Medyo mataas ang platform na kinahulugan niya at na-sprain ang kanang paa.
"Sorry! I left my phone yesterday. Kanina ko lang din nalaman kay Earl ang tungkol sa nangyari sa'yo," I said apologetically.
Umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama niya at pinagmasdan ang paa niyang may balot ng white cast.
Yana just let out a heavy sighed as her eyes shifted at my back as if she's looking for someone. Nang si Chianna lang ang nakita niya, lalong lumukot ang mukha niya.
"Nasaan si Bryan?" she asked, a bit disappointed.
"Sa ibang araw na lang daw siya ulit bibisita. Nadalaw ka naman daw niya kahapon. He left in a hurry after class. May aasikasuhin lang daw siyang importante."
"Ano naman 'yon?" ungot niya. "Ang busy na naman niya. Ano kayang pinagkakaabalahan no'n?"
I shrugged. "I don't know. Wala rin naman siyang nababanggit sa akin."
Nagmamaktol na sumandal na lang si Yana sa headboard ng kama niya. Doon niya lang binigyan ng pansin si Chianna na tahimik na nakatayo lang sa likod ko.
"Hi!" she greeted.
"Hello," she greeted back. "For you pala. Get well soon," she smiled.
Nilapag niya ang basket ng prutas sa bedside table. Binili namin ito kanina bago magpunta rito.
"Ikaw bumili?" Yana inquired and then she eyed the basket full of fruits.
"Ah, hindi. Si Charmelle."
"Oh, I knew it." she grinned. There's a different glint in her eyes that I cannot fathom. "Hmm. Magkasama na naman kayo. Mukhang mas love ka na ata ni Charmelle kaysa sa akin, ha?"
"Hey! It's not like that!" agad na suway ko. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.
"I'm just kidding! Alam ko naman na mas love mo ko 'di ba?" she giggled. "Upo ka," inginuso niya kay Chianna ang lawson style sofa sa paanan ng kama niya.
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo siya. Bakas ang pagkamangha sa mga mata niya nang libutin ng mga mata niya ang kabuuan ng kwarto ni Yana.
This VIP suite was really spacious, as expected. Para ngang nasa hotel ka lang dahil sa interior ng kwarto 'to. It has soft finishes decorated with a white sofa and a round center table for the visitors.
"Kamusta ka?" alalang tanong ko. "Matatagalan ba ang cast sa paa mo?"
"Medyo. After 2 to 3 weeks pa raw pwedeng tanggalin," nabubugnot na tugon niya.
"Pagaling ka agad. Sundin mo ang mga bilin ng doctor sa'yo. Huwag matigas ang ulo. Malapit na pati ang birthday ko, hindi pwedeng wala ka."
"Don't worry, before your birthday, I'm sure okay na ko. Ayoko rin namang umattend sa party mo ng nakasaklay, no? Panira ng beauty ko," hirit niya.
Natawa na lang ako. Lokaret talaga.
"Anyway, ano bang plano sa birthday mo?"
"Renaissance period daw ang theme sabi ni mommy."
"Woah!" she pressed her hands together. "That's cool! Bukas na bukas magpapasukat na ko. I'll ask my mom's personal designer. Siya lagi ang gumagawa ng gown ni mommy kapag awards night eh," excited na saad niya saka bumaling kay Chianna. "You'll come right?"
Nag-aalangan namang tumingin sa akin si Chianna. "Kung iimbitahan ako ni Charmelle."
"Siyempre naman!" I answered gleefully. "Ikaw pa ba, hindi ko iimbitahan?"
"Dapat talaga pumunta ka," singit ni Yana. "For sure, first-time mong makaka-attend ng magarbong party. Don't miss the opportunity."
"Yana!" pinanlakihan ko siya ng mga mata. Tumawa lang ito.
Sanay naman ako na walang preno ang bibig niya, pero sa pagkakataong ito, parang hindi ko ito nagugustuhan.
"Hey! No offense meant, ha." bawi niya. "Masanay ka na sa akin. Ganito talaga ko. But if ever I offend you, I'm sorry."
Tipid na ngumiti si Chianna."Okay lang. Totoo naman, eh."
I suddenly feel bad. Siguro dapat hindi ko na lang sinama si Chianna dito. Yana can be a brat, sometimes.
I was about to open my mouth to say another word, but Yana cut me off before I could even talk.
"Charmelle, bili mo naman ako ng orange juice please?" paglalambing niya na may kasama pang pag-beautiful eyes.
Napailing na lang ako. How can I stay mad at her, when she's being like this?
"Magsorry ka nang maayos kay Chianna. Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi mo," mahinang bilin ko bago tumayo.
Ngumuso naman ito ng pagkahaba-haba.
"Yana," I called her name in a warning tone.
"Oo na! Sige na, bili mo na ko ng juice. Pretty please?"
"Okay! Just behave!" paalala ko. I turned to Chianna and smiled softly at her. "Baba lang ako saglit. I'll be right back."
Tumango naman ito kaya nagmadali na akong lumabas para makabalik agad. Halos takbuhin ko na ang mahabang hallway ng hospital maabutan ko lang ang papasarang pinto ng elevator. Kaso kahit anong bilis ko, napagsarhan pa rin ako.
Naiinip na naghintay na lang ako sa muling pag-akyat nito. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ulit ang pinto ng elevator at dali-dali akong sumakay sa loob. Pinindot ko ang button patungo sa lobby at pumwesto sa bandang dulo dahil huli pa naman akong lalabas.
Nang magbukas ang pinto agad akong lumiko sa bandang kanan ng lobby dahil doon nakahilera ang mga vending machine. Nang makabili na ako ng juice, bumalik na rin agad ako sa taas.
Malalaki ang bawat hakbang ko habang naglalakad pabalik sa kwarto ni Yana. Pagpasok ko sa loob, gumuhit ang isang mahabang gitla sa noo ko nang hindi ko na matagpuan si Chianna sa loob.
Lumapit ako kay Yana at inabot sa kanya ang bote ng orange juice na pinapabili niya.
"Si Chianna?" takang tanong ko.
"Umalis na," simpleng sagot niya saka pinihit ang takip ng bote ng juice na hawak niya.
"Bakit? Sabi ko sa kanya ihahatid ko siya."
"May gagawin daw pala siya. Need na niyang bumalik sa orphanage agad kaya hindi ka na niya hinintay."
Pinamewangan ko siya. I'm not convinced. "Ikaw, ha! Baka may sinabi ka na naman do'n. Alam ko 'yang bibig mo, walang filter."
"What?" she scoffed. "Wala kong ginagawa. Behave ako. Nagpaalam lang talaga siya na need na niyang umuwi. Tanungin mo pa siya bukas."
Napahimas na lang ako sa batok ko bago naupong muli sa tabi ni Yana. Kumuha ako ng mansanas sa basket at pinagbalat siya habang sinesermonan siya.
"Pwede bang kapag kasama natin si Chianna, lagyan mo ng break 'yang bibig mo? Mamaya, nao-offend mo na pala siya."
"She looked okay naman, eh." katwiran niya. "Kung nao-offend siya, I'm sure sasabihin naman niya."
"Just tone it down, will you?" pakiusap ko.
Sumimangot siya at niyakap ang unan niya. "Mas love mo na talaga siya kaysa sa akin. Tampo na ko."
"I love you both," I corrected. "Pagdating sa mga kaibigan ko, alam mong neutral lang ako. Pero kapag may mali, hindi ko kukunsintihin."
"So, mali ako?" she gasped dramatically.
Napangiwi na lang ako. Minsan talaga ang hirap kausap nito. Ang tigas ng ulo.
"Kumain ka na nga lang," sambit ko na lang nang matapos ako sa pagbabalat ng mansanas.
Nang bumalik ang private nurse ni Yana sa kwarto, nagpaalam na akong umuwi.
"Thanks, sa pagdalaw! Bukas ulit," maligalig na saad niya bago ako lumabas ng kwarto.
Nilingon ko siya at tumango. "I'll try."
***
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayan na birthday ko na pala bukas. Sobrang daming nangyari sa nakalipas na apat na linggo at hindi ko alam kung paano ko ba ito tatanggapin.
My heart felt heavy these past few days. Chianna's been avoiding me and I don't even know the reason why! God! I hate this. Sobrang frustrated na ako. Ayoko ng ganitong klaseng pakiramdam. Iyong may magagalit sa'yo pero hindi alam kung bakit.
Pero kahit hindi man niya ako pinapansin, pinadalhan ko pa rin siya ng invitation at dress na susuotin para sa birthday ko. Umaasa ako na darating siya bukas.
"O, bakit ganyan naman ang itsura ng mukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa."
Nag-angat ako ng tingin nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Si Earl. Kanina pa ako dito sa garden ng bahay namin at hindi ko man lang napansin ang pagdating niya.
"Nagmumukmok ka raw dito sabi ni Manang. May problema ba?" alalang tanong niya nang umupo siya sa bakanteng space ng swing na inuupuan ko.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya at parang batang nagsusumbong. "Hindi ako pinapansin ni Chianna. Hindi ko matandaan kung anong nagawa ko para iwasan niya ko."
"Baka may pinagdadaanan lang. Malay mo bukas pansinin ka na niya," he said trying to console me. He draped his arm around my shoulder and pulled me closer to him. "Pero alam mo? Dapat matuto ka nang huwag masyadong ma-attached sa mga tao. Hindi lahat, magtatagal sa tabi mo."
"Gaya ni Moonlight?" I blurted out.
"Yeah," tipid na sagot niya saka bumuntong-hininga ng napakalalim. Kasing lalim ata ng balon. Ilang minuto kaming natahimik habang nakatingala sa madilim na langit. Walang stars ngayon. Ang lungkot naman.
"Charmelle?" masuyong tawag ni Earl sa pangalan ko.
"Hmm?"
"Sorry," he whispered.
Kumalas ako sa pagkakaakbay niya at umayos ng upo. "Sorry, for what?"
He just stared at me for a moment, studying my face and I just patiently wait for an answer. His eyes filled with unshed tears and it's making me confused even more.
Mayamaya lang ay ngumiti ito. A sad smile. Napakunot na lang ang noo ko.
"Wala. Never mind," he said and messed with my hair.
"Hindi nga?! Tinatakot mo ko. Bakit ka nga nagso-sorry?"
"Sorry, kasi sobrang busy ako nitong nakaraang araw. Hindi na tayo nakakapag-hang out after class."
Napahawak ako sa dibdib ko na parang nabunutan ng tinik. "Akala ko naman kung ano na."
"Paranoid," he chuckled. Lumapit siya sa akin at pinatakan ng halik ang noo ko.
I was caught off guard. May kakaiba talaga kay Earl ngayon.
"Happy Birthday," he greeted, melting all my thoughts away.
May isinuot siya sa akin na bracelet kaya natuon doon ang atensyon ko. It's a Swarovski symbolic bracelet in a rose-gold tone plated piece.
"Bukas pa kaya," I reminded.
"Eh, di advance happy birthday, Charms," he repeated. This time punong-puno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang boses niya. "Ingatan mo 'tong regalo ko, full of protective meaning 'yan."
Inangat ko ang kaliwang kamay ko na sinuotan niya ng bracelet. Iba't-ibang klase ng lucky charm nga ang design nito. My infinity knot, lucky horseshoe at four-leaf clover.
Manghang nakatitig lang ako sa bracelet na bigay niya nang maramdaman ko siyang tumayo.
"Uwi na ko," paalam niya saka namulsa. "Pinuntahan lang talaga kita para batiin ng happy birthday at ibigay ang regalo ko."
"Shoo! You're being weird. Itulog mo na 'yan," pabirong taboy ko.
Matiim na tumitig lang siya sa akin. He opened his mouth to say something, but then he hesitated.
"May sasabihin ka pa?"
"Thank you," he mumbled.
"Para saan na naman?"
"Because I met you."
I fake a shiver. "Ang cheesy mo ngayon, ha! Umuwi ka na na nga. See you tomorrow."
He just gives me a thumbs-up as he sent me a goofy grin. "Ingat ka palagi."
***
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong bumuga ng malalalim na buntong-hininga ngayong araw. Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko na tila sinasabayan ang malakas na musika na nanggagaling sa baba.
Heto na naman ako, haharap sa maraming tao.
Ano pa nga bang aasahan ko kay daddy? Kulang na lang, buong mamamayan na ng Pilipinas ang imbitahan niya sa birthday party na 'to. Akala mo naman, siya ang may birthday.
I stood up in my rose bloom medieval ball gown with a long veil on both sleeves that matches my crystal-embellished t-strap shoes. My hair was in a half-up braided bun with loose playful curls and a rhinestone tiara was seated on the top of my head.
Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya napatingin ako do'n. Iniluwa nito si Manang Lydia na may maaliwalas na ngiti sa labi.
"Ang ganda ganda naman ng alaga ko," napapantastikuhang saad niya nang makalapit sa akin.
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at marahang pinisil 'yon. "Thank you, Manang. Kayo nga rin po, parang bumata ata kayo ng 20 years dahil sa ayos niyo."
She's donning a green medieval maiden dress and her hair was pulled up in a bun.
Mahinang natawa naman si Manang. "Ikaw na bata ka. Napakagaling mambola," mataman niya kong tinignan. "Ready ka na ba? Hinihintay ka na ng mommy at daddy mo sa baba."
With one last look at the full-length mirror inside the room that serves as my chamber, I left the room together with my nanny. A nervous smile plastered on my face.
Habang binabaybay namin ang napakahabang corridor ng hotel, mas lalo namang binubundol ng kaba ang puso ko. Para na akong kakapusin ng hangin sa baga at nanlalamig na rin ang mga kamay ko.
Nang tumigil kami sa tapat ng napakalaking pinto, naramdaman ko namang tinapik ni manang ang balikat ko.
"Kaya mo 'yan. Birthday mo ngayon kaya dapat i-enjoy mo ang araw na 'to."
Tumango ako. "Kaya ko 'to!"
Ilang saglit pa ay bumukas ang malaking pinto na nasa harapan ko. Halos malula ako nang tumambad sa paningin ko ang napaka-eleganteng marble staircase patungo sa banquet hall ng hotel na pagmamay-ari ni daddy.
As soon as I stepped out, the orchestra started playing filling the whole banquet hall with a merry melody. Lahat ng mga mata sa akin nakatutok habang maingat akong bumababa sa napakahabang hagdan na may nakalatag na red carpet. Palaki nang palaki ang awang ng mga labi ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Para lang akong bumalik sa 14th century.
The banquet hall was transformed into a luxurious and festive castle. A medieval pennant banner was attached to the wall decorated in blue and red background with a lion crest on it — the same goes with the medieval swirls hanging on the ceiling. The floor was covered with gray fabric that features a rock print that looks like a stone wall.
Tables were in medieval settings too. Table runners in red and blue with a lion crest at the center were draped over the long tables. It was accentuated with tall wooden candle holders and guests were seated in a rosewood rococo chairs. A cognac crystal chandeliers were hanging above them.
Halos lahat ng narito ay kanya-kanyang patalbugan sa kanilang suot kaya para tuloy akong nasa pagtitipon ng mga nobility. Some were dressed up like a king and queen, prince and princess, a knight, a viscount, a baron, and so on.
Lahat ng tensyon na nararamdaman ko sa buong kalamnan ko ay natunaw sa isang iglap nang makita ko sina mommy at daddy na naghihintay sa pagbaba ko.
Kahit ngayon lang, gusto kong isipin na isang masaya at buong pamilya kami.
"Happy Birthday my baby," my mom whispered softly as she carefully wrapped her arms around me. "I don't want to ruin your dress. Mamaya na kita panggigigilan," she added.
"Thank you, for being the best mom in the world," I said sincerely.
Hinarap ako ni mommy. Tears were already brimming in her eyes. She cupped my face as she stared at me lovingly. "And thank you for being my miracle. I love you so much, baby."
"I love you more, mom."
"Happy Birthday, bebita." Dad suddenly interjected.
I turned to him with a sour look on my face. "We're having a moment here, dad!" I pointed out.
He let out a small chortle before he offered his hand to me. "Shall we?"
Kumapit ako sa braso niya at gano'n din ang ginawa ko kay mommy. Kasunod no'n ay ang pagtapat ng spotlight sa amin. Napakurap-kurap ako ng maraming beses bago tuluyang maka-adjust ang mga mata ko sa nakakasilaw na liwanag.
"Good evening ladies and gentlemen! May we have your attention, please?" The master of ceremony announced. Ang energetic niya. "We were about to begin Charmelle Villarico's 16th birthday, so please find your seats and make yourselves comfortable and enjoy the rest of the evening," he paused for a moment only to looked at my direction and winked. "Happy Birthday!"
My eyes widened, jaw almost falling on the floor when I recognized him as the famous t.v host in a noontime show!
I turned to my mom in disbelief. Hindi ko na kailangang magtanong dahil mukhang nakuha na niya ang gusto kong sabihin.
"Yana's mom recommends him. They are close friends," she explained.
Nilibot ko ang mga mata ko. Sa sobrang dami ng mga bisita, hindi ko mahagilap kung saan nakapwesto sina Yana at mommy niya. Doon ko lang napagtanto na may iilang celebrity din pala kaming guest.
Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin nang magsimula na kaming humakbang. Taas noo akong naglakad sa aisle habang nasa magkabilang gilid ko sina mommy at daddy. Palakas nang palakas ang palakpakan nila lalo na nang makarating kami sa maliit na stage sa bandang unahan ng banquet hall.
May nakapwesto do'n na tatlong upuan na katulad ng mga trono ng hari at reyna. Iginiya ako paupo ni daddy sa gitnang upuan, bago sila umupo ni mommy sa tabi ko.
May podium sa gawing kaliwa ng stage na nakalaan siguro para sa mga magbibigay ng speech. And I was right. Because moments later, I found my mom and dad standing at the podium as they gave a heartfelt speech for me. And all I could do was cry a river while listening to them.
***
"Charmelle! Happy Birthday!" Yana screamed happily as I walked up to their table.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya para makapagpahinga. Ang sakit na ng mga paa ko kakasayaw dahil hindi ko naman matanggihan ang mga anak ng kaibigan nina mommy at daddy sa tuwing niyayaya nila ako. Ngayon ko lang din tuloy napuntahan si Yana matapos ang isang oras. Ine-entertain ko din kasi ang ibang guest namin kahit hindi ko naman sila gano'n kakilala.
Nandito rin ang mga kaklase ko, pero si Yana lang talaga ang close ko. Ngayon ko napatunayan na bilang lang sa kamay ko ang mga kaibigan ko.
"Bakit nakabusangot ka diyan? Birthday na birthday mo," sita niya sa akin nang ipatong ko ang siko ko sa mesa at nangalumbaba.
"Hindi ba pupunta si Chianna? Kahit si Earl, hindi ko pa nakikita," matamlay na tugon ko. Hindi ko dala ang phone ko kaya hindi ko rin sila ma-text.
Patingin-tingin ako sa kung saan, nagba-baka sakaling dumating na pala sila at hindi ko lang napansin. Hanggang sa dumako ang tingin ko kay mommy na napapalibutan ng mga kaibigan niya sa modeling industry.
Kasama rin nila sa table nila si tita Sera, ang mommy ni Yana at ang favorite kong tita. My mom looked so happy while having a conversation with them. Bihira ko lang siyang makita na ganito kasaya kasama ang mga kaibigan niya, kaya ayoko siyang gambalain.
Sa di kalayuan naman ay kausap ni daddy ang gobernador ng lungsod namin at ang asawa nito — ang parents ni Rena. Kanina pa sila nandito, pero wala si Rena. Gano'n ba talaga niya kaayaw sa akin kaya hindi siya nagpunta kahit pinadalhan ko rin siya ng invitation?
"Sa tingin mo, pupunta pa si Chianna?" bulalas ko. Pasado alas-syete na kasi ng gabi.
"Hindi ba sapat ang presence ko? Ako ang nandito, pero iba ang hinahanap mo," may himig ng pagtatampo na sambit ni Yana.
Pinisil ko na lang ang ilong niya. "You look stunning," pag-iiba ko ng usapan.
Nagmukha siyang royalty sa suot niyang dark gray medieval ball gown.
"Maganda talaga ko, alam ko na 'yon. Kaya nga ko artista, eh."
"Conceited. Lumalabas ka lang sa commercial pero hindi ka artista," I corrected.
Malakas na hinampas naman niya ako sa braso. Patawa-tawa lang ako kahit panay ang sabi niya ng nakakainis ako.
"Tara sa labas. Nasu-suffocate na ako dito sa loob," aya ko.
She shook her head. "Ayoko. Dito na lang ako."
"Okay. Pahangin lang ako saglit," paalam ko.
Lumapit din ako saglit sa table nila mommy dahil baka bigla na lang niya akong hanapin. Papalabas na ako ng banquet hall nang masalubong ko sa may pintuan ang parents ni Earl. Nagliwanag ang mukha ko nang makita sila.
"Charmelle! Sorry, we're late. Galing pa kasi kami sa airport. Grabeng traffic," paliwanag ni Tita Len, Earl's mom.
"Ayos lang po tita. Ang mahalaga nakarating kayo," I smiled sweetly. "Si Earl po?"
Nagkatinginan silang mag-asawa bago muling bumaling sa akin.
"Umalis na siya. Hindi ba siya nagsabi sa'yo?" litong tanong ni tito Rick.
"Umalis? Nandito na ba siya kanina?"
"No. What I mean is, umalis na siya papuntang Boston. Kahahatid lang namin sa kanya sa airport. Ang sabi niya sa amin, nagpaalam siya sa'yo pero hindi mo siya maihahatid dahil nataon sa birthday celebration mo ang flight niya," mahabang pahayag ni tito Rick pero tila walang rumerehistro sa utak.
"Joke lang naman po ito 'di ba? Iyang si Earl talaga, ang daming pakulo," natatawang saad ko ngunit agad akong natigilan dahil napakaseryoso ng mga mukha nila.
"Kailan po ba siya babalik? Nakakainis naman, bakit bigla na lang siyang nagbabakasyon ng walang pasabi?"
"Charmelle. Matatagalan pa siguro ang pagbalik niya. Doon na siya mag-aaral sa Boston hanggang college," pagkumpirma ni Tita Len. Bumakas ang lungkot sa mga mata niya.
Parang nanghina bigla ang tuhod ko. Napahawak ako sa hamba ng pintuan para maalalayan ang sarili ko. Nakatulala lang ako sa kawalan ng ilang segundo, bago ko matagpuang muli ang lakas sa mga binti ko.
Dire-diretso akong naglakad palabas ng banquet hall hanggang sa makarating ako sa lobby ng hotel. Palinga-linga ako kaliwa at kanan ko. Nagbabaka-sakaling nagtatago lang si Earl sa paligid at pinagti-tripan lang ako.
"Earl! Lumabas ka naman, o! Hindi na ko natutuwa sa biro mo!" naiinis na sigaw ko na nag-echo lang sa lobby.
Walang katao-tao sa paligid kundi ang mga receptionist lang sa front desk na pinagtitinginan na ko.
Para akong sirang plaka na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya, ngunit kahit gaano pa kalakas ang gawin kong pagsigaw, walang Earl na sumulpot sa harapan ko.
Naramdaman ko na lang na may mga bisig na yumakap sa akin. Hindi na ako makagalaw pa sa sobrang panglulumo.
"I'm sorry, hija. Akala namin alam mo," it was Earl's mom.
Mariin akong napapikit dahil sa biglang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Mga luha na ang kalakip ay labis na pagtatampo.
Bakit naman kailangan sa birthday ko pa? Ang gandang regalo naman nito.
"T-Tita...nagkausap pa kami kagabi, eh. Bakit wala siyang sinabi sa akin?B-Bakit naman gano'n? Bakit naman siya umalis ng walang paalam?" paghihinanakit ko habang humihikbi.
Marahang hinaplos niya ang buhok ko at pilit na pinapatahan ako. Ngunit kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko, hindi ko magawang tumigil sa pag-iyak.
In that moment, I felt like the whole universe is playing a sick joke on me.
Ang sakit sakit. Hindi pa nga ako nakakaahon do'n sa isa, may panibagong sakit na naman.
Bakit ba palagi na lang akong naiiwan sa ere? Bakit ba palagi na lang silang nawawala na parang isang bula? Gaano ba kahirap ang magpaalam?
Am I not deserving of their goodbyes? Am I not good enough to make them stay?
Of all people, bakit kailangang si Earl pa ang mananakit sa akin ng ganito?