Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 5 - Chapter 3 - Secret Admirer

Chapter 5 - Chapter 3 - Secret Admirer

Chapter theme: One Thing - One Direction

"Hindi talaga ikaw ang nagpadeliver sa akin ng samosa kagabi?" I asked Earl for the nth time of the day and he will just shook his head drastically, adding to my confusion.

"Hindi nga ako. Ang kulit! Kung ako 'yon, ako pa mismo ang magbibigay sa'yo."

"Then sino? Ikaw lang naman ang kilala ko na alam ang mga favorite ko."

"Baka may secret admirer ka?" sabat ni Yana matapos uminom ng tubig.

Nakaupo kaming tatlo sa mahabang bench sa loob ng gymnasium dahil P.E ang last subject namin ngayon. Katatapos lang namin maglaro ng tennis kanina, kaya basa na ng pawis ang suot kong puting t-shirt. Nanunuod na lang kami sa ibang group na hindi pa tapos sa paglalaro.

"Yieee. Dalaga na ang Charmelle namin," pang-aalaska ni Yana habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

"Baka stalker," Earl tsked.

Napatango na lang ako. "Baka nga. Ang creepy!" I hugged myself and fake a shivers then my eyes squinted at Earl, eyeing him suspiciously. "Hindi kaya pinagkalat mo ang tungkol sa mga paborito ko?"

"Of course not!" He exclaimed, raising his both hand in the air. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

I shrugged. "Who knows."

Earl heaved a loud breath. "Hindi ko gagawin 'yon. Selfish ako. Gusto ko ako lang ang nakakaalam ng mga bagay na gusto mo," seryosong sabi niya.

"Okay. Sabi mo, eh." I said flatly.

"Alam ko na!" biglang napapalakpak si Yana kaya napatingin kami sa kanya.

"Anong alam mo?" It was Earl.

"Hindi ba, Charmelle you were featured in a magazine before? Baka doon niya nakuha. I remember, nakalagay do'n ang ibang bagay tungkol sa'yo."

"That was a long time ago. 13 palang ako do'n."

"Malay mo, he secretly likes you since you were 13 tapos ngayon lang siya nagkalakas ng loob na magpapansin sa'yo?"

"Well, whoever he is, thank you na lang." I said flatly.

"Huwag mo na lang pansinin, mamaya masamang tao pala. And next time, huwag kang tatanggap ng kahit ano, lalo na kung hindi mo naman alam kung kanino galing," pangaral naman ni Earl.

"Opo, tay!" I chuckled. Pinisil naman niya ang pisngi ko at pinanggigilan.

"Earl! Masakit!" Hinampas ko ang kamay niya pero ayaw niyang tumigil. Patawa-tawa pa ang hudas. Nakisali rin si Yana, at kiniliti naman ako nito.

"Stop! Ayoko na...ano ba?!" hingal na suway ko dahil sa kakatawa. Nasa kalagitnaan kami ng paghaharutan nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Charmelle! Watch out!" sigawan ng mga kaklase ko.

Nakita kong may bola ng tennis na papalapit sa direksyon ko, pero bago pa man ako makaiwas, may sumalag na ng bolang dapat tatama sa akin. Napasinghap ako nang makita ang kaklase ko na bumagsak sa sahig, dahil nasapul siya sa mukha ng bola. Malakas na nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"Oops, sorry. Hindi ko sadya. It slip from my hand, eh. Why did you catch the ball kasi?" Alyssa said with a smug look on her face.

Parang kumulo ang dugo dahil sa ginawa niya. Para sa akin dapat 'yon, pero may ibang nasaktan dahil sa kalokohan niya. Napatayo ako at dinampot ko ang bote ng mineral ko na hindi ko pa naiinuman. Itinaas ko ito at bumwelo para ibato sa kanya, pero mahigpit na hinawakan ni Earl ang braso ko. Alam niyang malakas akong bumato. I was a pitcher in my baseball team, back on my elementary days.

"Don't. Kapag ginawa mo 'yan, detention ang bagsak mo. Mag-aaway na naman kayo ng daddy mo. I'm sure you wouldn't want that," he said in warning tone.

Napapadyak na lang ako sa inis! Binitawan ko ang boteng hawak ko at kumalas sa pagkakahawak ni Earl. Bumalik ang atensyon ko kay Alyssa nang marinig ko ang pagdaing niya.

"Ouch! Who throw the ball to me?!" galit na singhal nito. Sapo niya ang pisngi na namumula.

"Ako, may angal?" sambit ng isang malamig na boses. Napatingin ako sa kaliwa ko, nakaupo si Rena sa hindi kalayuan. Siya pala ang nagbato ng bola.

Hindi na nakaimik si Alyssa dahil takot ito kay Rena. Umiiyak na nagsumbong na lang ito sa P.E teacher namin. Tsk. Sumbungera.

Pasimple akong tumingin kay Rena. I mouthed a thank you but she just stood up and walk away na parang walang nangyari.

"Let's help her," baling ko na lang kina Earl.

Nilapitan naming tatlo ang kaklase naming nakasalampak pa rin sa sahig ng gym dahil wala man lang tumutulong sa kanya.

"Ayos ka lang?" I asked worriedly. Hinawi ko ang mahabang buhok na tumatabing sa mukha niya. My God! She looked so pale!

"A-Ayos lang. Medyo nahihilo lang," she whispered.

Inalalayan namin siya ni Earl para makaupo siya sa bench. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang dumudugo niyang ilong.

"Here, inom ka muna ng tubig." Inabutan siya ni Yana ng isang bote ng mineral water.

Nanginginig ang kamay niya nang abutin niya 'yon. "T-Thanks."

"Dalhin ka na namin sa clinic," Earl suggested.

Marahas namang umiling ang kaklase namin. "Huwag na. Ayos lang naman ako."

"Are you sure?" paniniguro ko. Tumango naman ito.

Lumuhod ako sa harap niya para makita ang mukha niya pero lalo lang siyang tumungo. Siya 'yung kaklase kong nahuli kong nakatingin sa akin kahapon.

"What's your name?" I smiled sweetly.

Dahan-dahan siyang tumitig sa akin. Hindi ko maiwasang mahabag nang magtama ang mga mata namin. Her eyes, it looks so empty.

"C-Chianna Jimenez."

"Your name is so pretty, just like you." I said gleefully. "I'm Charmelle, by the way."

"I know. Idol kita, eh."

"Talaga? Bakit? Wala naman akong ginawa para hangaan."

"You're pretty and smart. You look elegant too, para kang isang prinsesa, tapos mabait pa."

I let out a soft chuckle. "Paano mo nasabing mabait ako?"

"K-Kasi, tinulungan mo ako ngayon. Salamat."

"No problem. Kasalanan ko naman. It was for me, pero sinalo mo. Bakit mo ginawa 'yon?"

"Nakita ko kasi na babatuhin ka niya. I don't want you to get hurt, baka magkapasa ang mukha mo. Ang pretty pa naman."

I don't know why, but my heart suddenly feels warm. Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya. Bihira na lang ang mga taong tulad niya — so genuine.

"You know what? I like you! Gusto mo bang makipagkaibigan sa amin?"

Tumingin si Chianna sa akin tapos nilipat niya ang tingin kina Yana at Earl na nakatayo lang sa harapan niya. May pag-aalinlangan akong nababasa sa mga mata niya.

"Sorry. I think hindi ako bagay makipagkaibigan sa inyo pero salamat, for reaching out," malungkot itong ngumiti saka tumayo at naglakad paalis.

Napatayo na rin ako mula sa pagkakaluhod at pinagpagan ang violet na jogging pants ko.

Parang nalungkot din ang puso ko dahil tinanggihan niya ang alok ko.

"Sayang, gusto ko pa naman siyang maging kaibigan," bulalas ko.

Naramdaman ko namang umakbay sa akin si Earl. "Hayaan mo na, baka nahihiya pa."

"Kaklase pala natin siya? Hindi ko siya napapansin, eh." sambit naman ni Yana.

"Palagi kasi siyang nakaupo sa pinakadulong row at nasa sulok," sagot ko.

"Oh! Siya pala 'yung matalino nating kaklase?"

"Yeah. Mas matalino pa sa isang 'to," ginulo ni Earl ang buhok ko. "Charmelle is shaking!"

Malakas ko siyang siniko kaya napahawak siya sa tiyan niya.

"Aray naman, Charmelle!" daing nito. I just stick out my tongue at him.

"Let's go!" I cling my hand around Yana's arm. "Iwan na natin ang baliw na 'yan."

***

Yakap-yakap ko ang malaking bag ko habang nakasakay ako sa backseat ng kotse ni mommy. It was Friday, kaya pinasundo na niya ako sa driver niya. I'm still wearing my P.E uniform na basang-basa ng pawis, nakalimutan kong magpalit ng shirt kanina.

Ganito ang routine ko sa tuwing darating ang weekend. After ng class ko kapag Friday, dumidiretso na ako sa bahay nila mommy and I will stay there until Monday morning, siya naman ang maghahatid sa akin papasok sa school ko. Noong una, ang hirap mag-adjust sa sitwasyon namin, pero nasanay na rin ako. Wala naman akong magagawa. I need to adapt quickly at the sudden changes in our lives. There's no point sulking at the corner, hindi na naman mababago pa ang mga nangyari.

I heaved a deep sighed as I shrunk into my seat. Then suddenly, my phone rang. I immediately fished it out from my bag and smiled, when his name — sort of, flashed on the screen.

'Wait, Charmelle! Inis ka dapat sa kanya,' I reminded myself. But nonetheless, I still answer his call.

"Bakit?" matabang na wika ko.

"Bad mood?" he asked, chuckling.

"None of your business," pagtataray ko. "Bakit ka nga tumawag?" ulit ko.

"Bakit parang inis ka pa rin? Pinadalhan na kita ng favorite food mo kagabi, peace offering tapos irita ka pa rin sa akin."

"Sa'yo galing 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong.

"Yes. Hindi mo ba nagustuhan?"

"How did you know?" curious na tanong ko.

"I needed someone like you in my life," pakanta na sagot nito. Iniinis na naman ako.

"Ikaw, kung hindi ka matinong kausap, huwag ka na lang tumawag. Burahin mo na lang ang number ko."

"Chill! Binibiro ka lang, eh. Anyway, I have a friend na nag-aaral sa school na pinapasukan mo, tinanong ko sa kanya kung anong mga favorite mo. Hindi daw siya sigurado pero nabasa niya raw sa isang magazine kung anong mga favorite mo, so I tried. Sorry for prying too much," pag-amin nito.

"Stalker nga," I mumbled.

"Gwapong stalker," he corrected.

"Gwapo? Hindi ko pa nakikita ang mukha mo, so I won't agree with that."

"Baka ma-in love ka, kapag nakita mo ang gwapo kong mukha. Buti nga masquerade party 'yong debut ni Cindy, kundi pinagkaguluhan na ako ng mga babae do'n."

"Yabang natin, ha?" I snorted. "Pakita muna ang mukha, para maniwala ako."

Saglit itong natahimik. Ang naririnig ko lang ay ang malalalim na buntong-hininga niya. Ilang saglit pa, nagsalita ulit ito. "Someday, kapag handa na akong magpakilala sa'yo. Pagod na rin ako na pagmasdan ka sa malayo," makahulugang saad nito.

Before I could even asked what does he mean, biglang nagbeep ang phone ko at namatay. Lowbat na pala. Kainis! Wala namang pakisama 'tong phone. KJ!

***

Humihikab-hikab pa ako habang nasa harapan ng hapag-kainan dahil late na akong nakatulog. After ma-full charge ng phone ko kahapon, tumawag ulit sa akin si Moonlight. Inabot na ata ng alas-dos ng madaling araw ang pagkukwentuhan namin, masyado kaming nawili. May gusto akong itanong sa kanya, pero nakalimutan ko kung ano nga ba 'yon. Saka na lang, kapag naalala ko na.

Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw lang ng mesa. Agad ko itong dinampot nang mabasa ko ang pangalan niya sa screen. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gano'n na lamang ang saya ko sa tuwing nakakatanggap ako ng text mula sa kanya. Pakiramdam ko nga, close na kami.

From Moonlight:

'Good morning! How's your sleep?'

Magtitipa na sana ako ng mensahe para sa kanya pero may humablot ng cellphone ko — si mommy. Nakalimutan kong nasa bahay nga pala niya ako.

"Mom! My phone!" I pouted.

Naningkit lang ang mga mata ni mommy saka mahinang pinalo ang kamay ko. "What's my rule?"

"Bawal magcellphone habang kumakain. Alright, alright. Kakain na po," I conceded.

Hinalo-halo ko ang mac and cheese ko bago sumubo. Si mommy naman, bumalik na sa pagkain ng veggie salad niya.

"May boyfriend ka na ba, Charmelle?" biglang tanong naman ni tita Alice na nakaupo sa tapat ko kaya muntik na akong mabilaukan.

"B-Boyfriend?! Tita naman, hindi uso sa akin 'yan and I'm only 15! Kahit crush nga, wala."

Tita Alice look at me intently. Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Eh, sino 'yang ka-text at katawagan mo? Kahapon pa nakadikit sa'yo 'yang cellphone mo. Daig mo pa may manliligaw."

"Tita, he's a new friend." I turned to my mom. "Iyong na-meet ko sa debut ni Cindy last Friday."

"Oh. What was his name again?" she asked.

"I don't know," I shrugged. "Ayaw niyang sabihin eh, but I call him Moonlight."

When it comes to my mom, I'm always open to her. Wala akong sunisikreto sa kanya. She's not just my mom, she's also my best friend and my confidante. Lahat ng ganap ko sa buhay kinukwento ko sa kanya. Good or bad.

"At pinapayagan mong makipagkaibigan 'yang anak mo sa isang lalaki na isang linggo palang niyang nakikilala? Paano kung masamang tao 'yon?" sabat ni tita na parang sesermonan pa ang mommy ko.

There she goes again. My favorite and yet strict tita.

"Ate, huwag ka ngang judgemental. Mukhang mabait naman saka galing din sa magandang pamilya 'yung new friend ni Charmelle," tinignan ako ni mommy na may masuyong ngiti sa labi. "I trust my baby, hindi nakikipagkaibigan 'yan sa masasamang tao, right?"

"Of course mom! And if ever he's a bad guy, I know how to take care of myself. Isa pa, textmate lang naman kami."

"Kahit na, huwag ka pa ring basta-basta nagtitiwala. Alam mo naman ang panahon ngayon," bilin pa ni tita bago sumimsim sa green tea niya.

"Noted tita!" I beamed. "Anyway, pwede ba akong sumama sa'yo sa coffee shop mo?" pag-iiba ko ng usapan. "Gusto ko kasing matutong magbake. Can you teach me?"

"Sure! Ituturo ko sa'yo lahat ng nalalaman ko sa pagbe-bake."

My eyes twinkled with delight. Recently kasi, nawiwili akong manuod ng mga video about cake decorating. Gusto ko na rin tuloy subukan.

"Thanks tita!"

"Anything for my favorite pamangkin."

I can't help but let out a small giggled. "Mommy, sama muna ko kay tita, ha?"

Tumango ito. "Go. Patikimin mo ako ng ibe-bake mong cake, okay?"

"It's my first time, but I'll do my best to make it delicious! I'm Charmelle Villarico after all, I can do anything on my first try."

"At nagyabang na po ang paborito kong pamangkin," biro ni tita kaya tumulis ang nguso ko.

"Totoo naman," ungot ko.

Natatawang pinisil na lang ni mommy ang pisngi ko. "Kain ka na."

"Mom! Sumang-ayon ka sa akin!" reklamo ko. Mas pinatulis ko pa ang nguso ko.

"You're such a baby," she said sweetly.

"Basta! Gagalingan ko mamaya. Papatikim ko sa'yo ang pinakamasarap na cake sa buong mundo."

"Okay. Aasahan ko 'yan." Mom said with excitement but somehow I could feel some sadness in her voice.

Or maybe, guni-guni ko lang 'yon.

***

It was exactly 10 o'clock in the morning when we arrived at my tita's coffee shop. I settled for a simple white shirt with Vogue girl print, ripped jeans and yellow sneakers. Ipinusod ko ang mahaba kong buhok para hindi ako mahirapan kapag nagsuot ako ng hairnet.

Umaga palang, dagsa na ang tao dito sa Coffee Brew — ang coffee shop ng tita ko na ngayon ay may dalawang branch na, isa dito sa Mariano at 'yung isa, nasa kabilang city.

Bago kami magpunta ni tita sa kitchen, pinakilala na muna niya ako sa mga tauhan niya. Ibinilin pa niya sa mga ito na hayaan lang ako sa kusina kapag naisipan ko ulit magpunta dito para magbake.

May kalakihan din ang coffee shop na 'to. Pagpasok mo palang sa loob ay maaamoy mo na ang mabangong aroma ng kape. Bubungad rin sa harapan mo ang mahaba at malawak na coffee bar counter. It was decor with a chalkboard wall and hanging bulbs.

Sa tabi lang din ng pinto ang hagdan patungo sa second floor. Wall is painted in chocolate brown and cream while the flooring has a playful mosaic tiles. Chairs and round tables are in black and neutral colors and it also has an upholstered benches to make it cozier.

Dinala ako ni tita sa kusina at pinasuot sa akin ang navy blue na apron at itim na hairnet. Gano'n din ang ginawa niya. Tinawagan na niya ang isa sa tauhan niya kanina kaya naihanda na nito ang lahat ng ingredients na kakailanganin namin. Nakapatong ang mga ito sa mahabang mesa.

"Anong gusto mong i-bake natin?" tanong ni tita.

Ikiniling ko ang ulo ko at saglit na nag-isip. "How about yellow cake with chocolate frosting? Nabasa ko kasi iyon daw ang pinakamadaling i-bake."

Ngumiti si tita. Bakas din ang kasiyahan sa mga mata niya. "Okay. Let's start. Prepare muna natin 'yung cake pans."

Nilapag ni tita sa harapan ko ang isang round cake pan, at isa rin para sa kanya.

Inabot niya sa akin ang parchment paper. "Lagay mo muna 'yan sa cake pan mo, but cut the paper first so it will fit on the bottom. Then spray the edges and the parchment paper with a nonstick cooking spray," she instructed.

Sinunod at ginaya ko naman ang ginagawa ni tita.

"Next, combine the wet ingredients in a large bowl and cream together the sugar and butter for several minutes hanggang sa maging fluffy siya. Add oil, then mix."

"Okay!" Sinunod ko ulit ang mga instruction siya. I listen attentively para hindi ako magkamali. I add the eggs and yolks on my wet ingredients one at a time and beat it after each addition. Nilagyan ko rin ng vanilla extract at hinalo ulit gaya ng sinabi ni tita.

Sunod naman ay pinaghalo namin sa isa pang bowl ang mga dry ingredients which is baking powder, salt, and flour alternately adding some flour mixture then some butter milk and last is flour mixture again until just combined. After that, we divide the batter evenly in the pans. The next thing we did was the chocolate frosting.

"Yay! Tapos na!" I clapped my hands gleefully.

"Madali ka talagang turuan. Isang sabi ko lang, kuha mo na agad," puri ni tita.

"Of course! Fast learner ata ako," pagmamalaki ko.

Natawa na lang si tita. "Oo na. Come on, let's bake it."

Excited na sumunod naman ako kay tita para ilagay na sa oven ang ginawa namin.

"Namiss ko tuloy magturo," bulalas niya nang sumandal kami sa lamesa. Ang mga mata niya ay nakatutok lang sa oven.

"Bakit hindi ka bumalik sa pagtuturo, tita?"

"Masyado na akong busy sa coffee shop. Kung magtuturo pa ako, baka hindi ko na mapagsabay tapos, inaalagaan ko pa ang mommy mo."

Kumunot naman ang noo ko. "Tita naman, hindi na bata si mommy. I'm sure, maiintindihan naman niya kapag ginusto mong bumalik ulit sa pagtuturo."

"Ayos lang. Masaya naman ako ngayon sa ginagawa ko," giit niya.

Originally, my tita Alice Mitchell was a pastry chef in Paris and has been named as the World's Best Pastry Chef. She's also a pastry arts teacher in Le Cordon Bleu in Paris, France. Kaya lang iniwan niya ang magandang career niya doon at umuwi siya agad ng Pilipinas para kay mommy nang malaman niyang makikipag-divorce ito kay daddy.

She may be strict sometimes, but she's really a softy. Sobrang nag-alala siya kay mommy at ayaw niya itong maiwan na mag-isa kaya bumili siya ng bahay dito sa Mariano para magkasama na sila.

Namatay na kasi si lolo noong 18 palang si tita Alice, at 17 years old naman si mommy. Kasunod na taon, si lola naman ang pumanaw at siya na ang tumayong magulang kay mommy noong mga panahon na 'yon.

Sobrang pinagpapasalamat ko na laging pinipili ni tita ang mommy ko, kaysa sa sarili niya. Wala na akong masyadong inaalala dahil alam kong hindi pababayaan ni tita si mommy.

"Ano palang balak mong kunin na course sa college?" tita asked, dragging me out from my train of thoughts.

Nagkibit-balikat lang ako. "Hindi ko pa alam tita, eh."

"You still want to pursue modeling? Pangarap mo 'yon noong bata ka 'di ba?"

Malungkot akong napangiti. "Hindi na siguro. I hate so much attention now. Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano bang pangarap ko sa buhay."

"Bata ka pa naman, ayos lang 'yan. You'll get there, don't worry."

Nilingon ko si tita. "How about HRM kaya?" Naisip kong 'yon na lang ang kunin para magkasama pa rin kami ni Yana.

"Just follow your heart dear. Kung 'yon talaga ang gusto mo, susuportahan ka namin."

"Pero baka magalit si daddy. He wants me to take Business Ad. Siguro 'yon na lang ang kukunin ko sa college."

Biglang piningot ni tita Alice ang tainga ko kaya napasigaw ako sa sakit.

"Tita! Bakit ka namimingot?!"

Humalukipkip ito at lumukot ang mukha. Basa ko ang pagkadismaya sa mga mata niya. "Hindi ba sabi ko sa'yo, follow your heart? Huwag na huwag kang makikinig diyan sa daddy mo lalo't labag naman sa kalooban mo."

"Ayoko lang ng gulo," katwiran ko.

"Just do whatever you want. Choose your dream and live the life you always wanted. If you don't want to take Business Ad, then don't. Ako na ang bahala diyan sa magaling mong ama."

Malapad akong ngumiti. Niyakap ko siya sa bewang at hinalik-halikan ko rin ang pisngi niya. "Kaya ikaw ang favorite kong tita, eh."

"Malamang. Ako lang naman ang tita mo na mabait. Iyang mga tita mo sa side ng daddy mo, mga matapobre."

"Medyo true," I chuckled.

Kaya wala rin akong ka-close na mga pinsan sa side ni daddy, masyado kasing maldita at masama ang mga ugali nila. Wala rin silang respeto sa mga nakakababa sa kanila. GMRC who?

Mabuti na lang talaga, nagmana ako ng kabaitan sa mommy ko. I'm a proud daughter.