Chapter theme: My Wish - Rascal Flatts
"Absent na naman si Bryan," Yana sighed heavily while looking at Earl's vacant seat.
Wala pa ang teacher namin sa next subject kaya panay lang ang daldalan namin. Iyong ibang kaklase namin, nagkakantahan. Iyong iba naman, naghahabulan sa loob ng classroom. Daig pa nila ang mga makukulit na bata sa kindergarten.
"Ano kayang nangyayari do'n?" I asked worriedly. Hindi naman kasi mahilig umabsent ang isang 'yon.
"Sabi ng captain niya sa basketball team, madalas rin daw mag-skip si Bryan ng practice nila," Alyssa added.
Kumunot naman ang noo ko. After class kasi, laging nagpapaalam sa amin si Earl na magpapractice na siya ng basketball. Nagsisinungaling ba siya sa amin?
"May problema kaya siya? Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko, eh." nagtatakang sambit ko.
Kilala ko ang isang 'yon, he loves basketball so much. Hindi siya magpapabaya ng gano'n na lang, unless may urgent na bagay siyang kailangang gawin.
"Puntahan mo kaya sa kanila? Nasa iisang village lang naman kayo nakatira, eh."
"I will. Don't worry," I smiled reassuringly.
Dumating naman ang Filipino teacher namin na si Ms. Prado kaya agad kaming tumahimik at umayos ng upo. Walang patumpik-tumpik na pinalabas niya ang mga libro namin ng Noli Me Tangere. Medyo late siya ng 15 minutes kaya sinimulan na niya agad ang discussion.
Tinawag niya ang isang kaklase namin para ipa-summary ang chapter 10 ng Noli Me Tangere. Tahimik lang kaming lahat habang nakikinig.
"Sinu-sino ang mga tauhan sa kabanata 10?" tanong ni Ms. Prado namin nang matapos sa pagbubuod ang kaklase namin.
Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin, hanggang sa maglakad siya patungo sa pinakadulong row na lukot ang mukha.
"Jimenez, nasaan ang libro mo?" narinig kong istriktong tanong nito.
Lumingon ako sa likuran ko. Nakapamewang na ang Filipino teacher namin habang nakatayo siya sa harapan ni Chianna.
"Nasaan ang libro mo? Bakit hindi ka nagbabasa? Ayaw mo na bang makinig sa klase ko?" she asked in an annoyed voice.
Umiling-iling naman si Chianna. "Hindi po ma'am."
"Kung gano'n ilabas mo ang libro mo. Bukod tanging ikaw lang ang walang nakalatag na libro sa harapan," galit na wika nito.
Dali-dali namang kinuha ni Chianna ang libro niya na nasa ilalim ng mesa. To our surprise, gutay-gutay na 'yon. Parang ginupit-gupit ang bawat pahina.
"Anong nangyari diyan?" tanong pa ng Filipino teacher namin. Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at bumakas ang gulat at awa sa mga mata niya nang damputin niya ang libro ng Noli Me Tangere ni Chianna.
"H-Hindi ko po alam. Ganyan na po siya nung makita ko," paliwanag ni Chianna na parang maiiyak na.
Ms. Prado blew out a frustrated sighed. Tumingin siya sa amin na parang sinusuri kami. "Sinong may gawa nito?"
Nagkibit-balikat lang ang mga kaklase ko. Para silang mga maamong tupa ng mga sandaling iyon, lahat sila nakatungo at nagpanggap na nagbabasa. Parang walang pakialam.
"Wala ba talagang aamin sa inyo?" tila nauubusan na ng pasensya ang teacher namin ngunit wala pa ring nagsasalita. "Kapag nalaman ko kung sino ang may kagagawan
nito, sisiguraduhin kong mapaparusahan kayo. Hindi kayo dapat naninira ng gamit ng kaklase niyo. Mali 'yon. Malalaki na kayo, alam niyo na dapat ang mali sa tama," sermon niya.
"Sige na, Jimenez. Maki-share ka na lang muna sa mga katabi mo," malumanay na utos ng teacher namin.
Bumalik si Ms. Prado sa unahan at nagturo ulit. Hindi naman ako mapakali sa upuan ko kaya panay ang paglingon ko kay Chianna. Nahabag ang puso ko nang makitang wala man lang nagpapahiram sa kanya ng libro kaya hindi tuloy siya makasunod sa lesson namin.
How could they do that to her?! She's so nice and pure. She doesn't deserved their treatment.
Ilang saglit pa, nakita ko si Rena na tumayo at nakipagpalit siya ng upuan sa madamot na seatmate ni Chianna para ipahiram dito ang libro niya.
'Thanks,' basa ko sa bibig ni Chianna. Nagliliwanag ang buong mukha niya.
Rena on the other hand, just nodded at her boredly.
Hindi ko na namalayan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko, habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Hindi naman pala totoo ang sinasabi nila na masama ang ugali ni Rena at mahilig lang itong makipag-away. She may be cold outside, but maybe, she has a good heart too.
Don't judge a book by its cover, ika nga.
"Charmelle! Makinig ka, hindi 'yong saan-saan ka tumitingin," suway sa akin ng teacher ko.
Binalik ko ang atensyon ko sa libro ko at nagbasa na lang.
***
Dumiretso na ako sa faculty room nang tumunog na ang chime, hudyat na lunch break na namin. Nagbilin si Ms. Prado sa akin na dumaan muna ako sa kanya dahil may sasabihin daw siya sa akin. Pinauna ko na si Yana sa cafeteria para makapag-save siya ng upuan.
Nang makarating ako sa tapat ng faculty room, kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa loob. Nagkatinginan naman ang mga teacher na naroon nang makita nila ako.
"Charmelle! Come here," tawag sa akin ni Ms. Prado. Nasa bandang kanan ko ang desk niya.
Nagmadali naman akong lumapit sa kanya. "Yes, ma'am? Ano pong kailangan niyo sa akin?"
Sumandal ito sa upuan niya at matamang tinignan ako. Maya-maya pa ay sumilay ang isang masuyong ngiti sa labi nito.
"I know you're a good kid kaya may ipapakiusap sana ako sa'yo," panimula nito. "Pwede bang kaibiganin mo si Chianna? That kid, I'm afraid baka ma-bully siya ng mga kaklase niyo. Nakita mo naman ang ginawa nila sa libro niya. Ayokong mambintang, pero maaaring isa sa mga kaklase niyo ang may gawa no'n," nababahalang saad niya.
Masungit itong si Ms. Prado pero nakakatuwa na may teacher na katulad niya na iniisip ang kalagayan ng estudyante niya.
"Ma'am, hindi niyo na ako kailangang utusan. Gusto ko rin naman siyang maging kaibigan, kaya lang medyo ilag pa po siya sa akin. But I'll do my best to gain her trust."
"Thank you. Makakahinga ako ng maluwag kung may tao siyang masasandalan. Nagwoworry talaga ako sa batang 'yon, she has a bright future ahead of her. Ayoko siyang panghinaan ng loob."
"Just leave it to me, ma'am. Ako na po ang bahala sa kanya," I smiled.
"Sige na, maglunch ka na. Pasensya na sa abala."
"Ayos lang po. Alis na po ako," magalang na paalam ko.
Masaya akong naglakad paalis at nang makalabas na ako ng faculty room, halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan ko si Yana sa labas na nakasandal sa pader.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ko.
"Yep!" she cling her hand around my arms. "Tara, kain na tayo."
"Sabi ko sa'yo mauna ka na, eh. Baka wala na tayong maupuan do'n."
"Hindi 'yan, saka ayoko ngang mauna do'n. Mag-isa lang ako, mabuti sana kung kasama ko si Bryan," ungot niya. "Ano palang kailangan sa'yo ni Miss? Bakit ka niya pinatawag?" usisa niya habang naglalakad kami patungo sa cafeteria.
"Wala naman. Gusto niya lang makipagkaibigan ako kay Chianna. But I told her na hindi na niya kailangang makiusap sa akin, willing naman talaga akong kaibiganin siya."
"Iyong classmate nating outcast? Gusto mo talaga siyang maging friend?"
I smiled and nodded. "Yep. Wala namang masama do'n 'di ba?"
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakakapit ni Yana sa braso ko kaya tinignan ko siya. "Ayaw mo ba?"
"Of course not! Ayos lang sa akin, para may madagdag sa circle of friends natin."
"Thanks Yana! Don't get jealous kahit may new friend na ko, okay?"
Pabirong inirapan niya naman ako. "Tse! Hindi ako selosa!" depensa niya.
Natawa na lang ako. Sarap asarin.
***
"Charmelle! Una na ko, ha? Aalis kasi kami ni mommy, eh. I need to go home early," Yana informed me and I just give her a thumbs up.
Nagmamadali itong lumabas ng classroom habang inaayos ko pa rin ang gamit ko sa loob ng bag ko. Uwian na at pumapasok na rin ang mga 4th year students na gagamit ng room na 'to, kaya mas binilisan ko na ang kilos ko. Sinukbit ko sa balikat ko ang backpack ko at dali-dali akong lumabas.
Mabibilis ang mga hakbang ko habang naglalakad sa mahabang hallway, pero napatigil ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Charmelle!"
Napalingon ako. Laking pagtataka ko nang makita ko si Darcy na tumatakbo palapit sa akin. Dito rin ba sa building na 'to ang room niya?
"Hi," bati nito nang huminto siya sa harapan ko.
"May kailangan ka ba? Sabihin mo na agad kasi nagmamadali ako," inip na sambit ko.
"Can I ask you a favor?" nahihiyang tanong nito.
Tumaas naman ang isang kilay ko. "Anong klaseng pabor naman?"
"Iyong daddy mo kasi, binawi niya ang partnership niya. Hindi na daw niya itutuloy ang plano niya na maging business partner si mommy. Kung bigla siyang magpupull-out, baka hindi na umahon ang kompanya namin. Malaking tulong pa naman sa kompanya namin ang daddy mo. Pwede mo ba siyang kausapin? Baka-sakaling magbago ang isip niya."
Humalukipkip ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "So, you need my dad para hindi bumagsak ang negosyo niyo? Gano'n ba?"
Nag-aalangang tumango naman si Darcy habang napapakamot sa likod ng batok niya.
"Bakit niya ba binawi? Kilala ko ang daddy ko, hindi naman siya gagawa ng bagay na hindi niya pinag-isipang mabuti. Baka may nagawang mali ang mommy mo, kaya umayaw na si daddy? Metikuloso kasi 'yon."
"I don't know. Okay naman ang pag-uusap nila noong nasa golf course tayo, then the morning after, binawi ng daddy mo ang napag-usapan nila. Ilang araw nang stress si mommy ng dahil do'n."
Lihim naman akong napangiti. Siguro natauhan si daddy after ng pag-uusap namin ng gabing 'yon. Ayaw pa naman niya sa mga taong mahilig gumawa ng kwento. Lakas din naman kasi ng loob niya na sabihin sa akin na pakakasalan siya ng daddy ko. Ilusyonada.
"Sorry, Darcy. I can't do something about it. Kapag nagdesisyon kasi si daddy, wala nang makakapagpabago ng isip niya, kahit pa ako 'yon," paliwanag ko. "Sige, una na ko, kung wala ka ng sasabihin," paalam ko.
I could feel my heart dancing in pure joy as I skip happily towards the parking lot. Pakiramdam ko, nag-uumapaw sa saya ang puso ko dahil sa labis na kasiyahan.
Masama na ba ako kung masaya ako na hindi natuloy ang partnership nila daddy at tita Tanya? Ayoko kasi talaga sa babaeng 'yon.
Tuluyang kumawala ang ngiti sa labi ko na kanina ko pa pinipigilan. I don't want to assume, but maybe, my dad did it for my sake — that maybe, he still cares for me. Maybe.